Chapter Thirty-Eight


DONE

Carlo's POV

            "Let me out!"

            Pero kaninang-kanina pa ako nagsisigaw dito ay walang pulis na pumapansin sa akin. Nakakapit lang ako sa rehas at pilit na kinukuha ang atensiyon nila. Hindi ako dapat makulong. Wala akong kasalanan. Alam kong kagagawan ito lahat ng tarantadong Edward na iyon.

            Mahina akong napamura. Baka kung ano na ang ginagawa ng hayop na iyon kay LA. Shit.

            "Pakawalan 'nyo ako dito!" Muli ay sigaw ko.

            "Hoy! Ang ingay mo!"

            Hindi ko pinansin ang kasama kong nakakulong. Nanatili akong nakatayo at nakahawak sa rehas na bakal at pilit na tinatawag ang mga palakad-lakad na pulis na naroon.

            "'Tangina, ang ingay!"

            Naramdaman kong may humila sa akin at ibinalandra ako sa isang sulok. Lumapit pa sa akin ang lalaki at malakas akong sinuntok sa mukha.

            "Kabago-bago mo dito akala mo kung sino ka na. Ako ang mayor dito. 'Tangina, ingay-ingay mo. Pasalamat ka at wala pa ako sa mood na takalan ka." Sabi ng isang preso.

            Tawanan ang ibang mga presong naroon at nakatingin lang ako sa kanila. Damn it. Ang sakit! Hawak ko ang panga ko na nabiyak yata. Wala akong laban sa mga ito. Mga halang ang bituka ng mga ito. Sigurado akong iba-iba ang mga kaso ng mga kasama ko dito. May nakapatay, magnanakaw, rapist. Ako? Ano ba ang kaso ko? Dahil pinagbintangan akong nakiapid sa asawa ng iba?

            That asshole didn't deserve LA. Kung may dapat makulong, si Edward ang dapat na nandito at hindi ako.

            "Santos! Santos!"

            Mabilis akong tumayo at hinarap ang pulis na tumawag sa akin.

            "Laya ka na. May nagpiyansa sa iyo," sabi nito at binuksan ang rehas na pinto. Mabilis akong lumabas at si Hans ng sumalubong sa akin.

            "Hans." Mabilis kong bati sa kanya pero hindi man lang siya ngumiti sa akin. Tinalikuran na niya ako agad at nagmamadaling umalis doon. Mabilis ko siyang sinundan. Anong nangyayari? "Wait. Hans!" Hinawakan ko siya sa balikat at inis niyang pinalis ang kamay ko.

            "My cousin? What the fuck, Carlo? And you forgot to tell me?" Ang seryoso ng tingin niya.

            "It's too complicated, Hans." Hindi ko din naman alam kung maiintindihan niya ang nangyari sa amin ni LA kaya ayaw ko na ring ikuwento pa sa kanya kung paano nagtagpo ang landas naming dalawa.

            "What fucking complicated? This! You! You are fucking complicated. She's married, bro. Hindi dahil nadiskaril ang love life mo, kung sino na lang ang babaeng dumating sa iyo, iyon na ang papatulan mo. You have a fucked up love life but you don't have the right to mess other's married life."

            Napakunot ang noo ko. "Baka hindi mo alam kung ano ang ginagawa ni Edward sa pinsan mo. Let me tell you, that asshole is hurting your cousin. Binubugbog. Emotionally attacking her. He is not treating her right. Damn it, Hans sa akin ka pa ba magagalit? I was trying to save her from that fucking devil." Napipikon ako sa kaibigan kong ito. Kung may dapat man na makaintindi sa akin ngayon siya dapat iyon. Alam niya ang pinagdaanan ko.

            Ang sama ng tingin niya sa akin tapos ay napahinga ng malalim at napailing.        

            "I'm sorry." Napabuga siya ng hangin. "It is just so messed up right now. Ang gulo. Alam mo 'yon. Sa totoo lang alam mong wala akong pakialam sa kahit na anong issue ng pamilya ko. But this one, it fucking involves you." Napabuga siya ng hangin. "You're my friend and I know what you've been through kaya ayaw kong masaktan ka na naman."

            "I am okay with. With LA or Louise or whatever name she wanted me to call her, I'll be okay. I just need to see her. I need to be with her."

            Tumingin siya ng makahulugan sa akin. "I don't think you can do that right now."

            Kumunot ang noo ko. "What? Why?"

            "Well, everything is out. Nalaman namin na ginagamit lang ng pamilya ni Edward si Louise. They are manipulating everything lalo na nang ma-stroke si Uncle. Ayaw makipag-annul ni Edward kahit napakaraming grounds para mapawalang-bisa ang kasal nila. Hindi ganoon kadali para tapusin iyon lahat."

            "I don't understand. Right now I want to see her and comfort her. She needs me." Pagdidiin ko.

            Umiling si Hans. "Louise told me everything. How you met, how the two of you had an affair." Ngumiti siya ng mapakla sa akin. "But right now, she doesn't want to see you."

            "What the fuck, Hans? No. I don't believe that crap. Nagpunta siy sa akin. I know that she needs me and she loves me. What the fuck are you talking about?" Napipikon ako sa mga naririnig kong sinasabi niya. I needed to save LA lalo na ngayon at alam ko naman na malaki ang chance kong makuha na siya.

            "Siguro palipasin mo na muna itong mga panahon na 'to. Kasi may counter attack sila Edward against LA. They are accusing her of adultery so she said, she just want everything to be over before you and her see each other again."

            Mahina akong napamura. "That's the shitty reasoning that I've heard in my life. Tell me where is she and I am going to see her."

            "I think it's for the best for now, Carlo. Let her and her family fix this first. Baka mas lalo pang maging magulo ang lahat kung makikisali ka. I suggest, you fix your issue with Charlotte."

            "What?" Gulat kong sagot. "What did you say? Fix my issue with that bitch? Wala na akong pakialam doon. We are over. Kung ano man ang mangyari sa kanya wala na akong pakialam."

            Tumingin ng makahulugan sa akin si Hans.

            "Bro, mula pa noon, noong maghiwalay kayo ni Amy at alam mo 'yon, nagkagulo-gulo ang buhay mo, nasa iyo ang suporta ko. Pero sa totoo lang, hindi mo naman inayos lahat. Tinakasan mo lang. You ran away and stayed as far as you could away from everything. Maybe this time, you fix it first before you see my cousin again." Seryosong sabi niya sa akin.

            "Hans-"

            Sinenyasan niya akong huminto. "Try, bro. I mean for me you cannot have a happy ending if your heart is still filled with hate. I know what Charlotte did was way out of line, but maybe she is a victim too. She loved the wrong person so much and with some people backing her up that what she was doing was okay, she did those horrible things to you. Fix everything first then, everything will fall to its place."

            Hindi ako nakasagot at tumingin lang sa kaibigan ko. Sa totoo lang, totoo naman ang mga sinabi niya. Those words came from a friend that I didn't know could say serious thoughts for me. Si Hans pa na alam kong walang pakialam sa lahat. A happy go lucky guy who loves to play with different women. But what he said hit me to my very core.

            "If you are thinking that Louise will end up with Edward, I assure you, no. She just want everything to be fine for now. She want to fix everything." Paliwanag pa niya.

            "Pero kailan kami magkikita?" Ngayon pa lang ay para nang binibiyak ang dibdib ko sa naisip na hindi ko makikita si LA.

            Umiling si Hans. "I don't know. Trust the timing, bro. For now, ayusin 'nyo na muna ang lahat."

            Hindi na ako kumibo. If this was LA wanted, fine. I'll give her space. I let her fix everything if she thought she didn't need my help to fix it. Maybe Hans was right.

            I needed to make amends with the ghosts from my past.

---------------

            Sa bahay ng mga magulang ako nagpahatid kay Hans. Nag-o-offer nga siya na samahan ako pero sinabi kong kaya ko na ito at nagpahintay na lang ako sa kanya sa labas. It had been so long since I last talked to my mother. Actually, I couldn't stand even looking at her. Nang bumalik ako ay talagang pilit na pilit lang akong harapin siya dahil naroon lang siya nang puntahan ko ang tatay ko. But right now, I guess I had to face her and I knew every painful memory would come back to hurt me again.

            Naabutan ko si Mommy na nasa sala at may kausap sa telepono. Being a manipulative person she was, kung sino man ang kausap niya sigurado akong kayang-kaya niyang paikutin. That was what she did to me. To our family. It was either her way or no way. And my dad being sick, me being the only son who sacrificed everything just to please her, ended up like this. Angry. Full of hate towards her and Charlotte who messed my life.

            Nakatayo lang ako doon at tinitingnan siya. Patuloy sa pakikipag-usap sa telepono. Nakikipagtalo. Nang mapatingin siya sa akin ay parang wala lang sa kanya. Sumenyas pa siya sa akin ng sandali at sige pa rin sa pakikipag-usap. Napahinga na lang ako ng malalim at tumingin sa paligid. Our house didn't change a bit. It was screaming right back at me. The memories that I had living here. Good and bad memories.

            "Finally! You decided to come home," iyon ang sabi ni Mommy nang matapos ito sa pakikipag-usap. Nakataas pa ang kilay niya sa akin at napapailing pa. "Do you know what is happening to our business? Charlotte's family pulled everything out. Dahil iyan sa pagiging selfish mo. Dahil sa pagpipilit mo ng annulment na iyan, 'yan ang nangyari. Babagsak ang negosyo natin." Marahan pang hinilot ni mommy ang ulo niya.

            Nagkibit lang ako ng balikat at naupo sa sofa na naroon.

            "Ano ngayon ang plano mo? You need to do something. Your dad is not getting any better. Kahit nakaka-recover ng konti kailangan pa rin niya ng continuous medication. And we need money. Kailangan ng negosyo natin ang pamilya ni Charlotte. And what you need to do right now is go back to her and be her husband."

            Napatawa ako ng nakakaloko. "After everything mom, iyan pa rin? Itutulak mo pa rin ako kay Charlotte?"

            "At bakit hindi? Ligawan mo siya uli. Patay na patay naman sa iyo ang babaeng iyon. Hindi ko maintindihan sa iyo kung bakit sinira mo ang buhay mo para sa basurang babaeng iyon. Sa Amy na iyon. Kung hindi pa binihisan ni Frances hindi naman aayos ang buhay 'non. That woman is a bitch and a user and she ruined everything!" Ang taas pa ng boses ni mommy.

            "No one ruined everything mom, but you." Kalmado kong sabi sa kanya. Nakita kong nagulat ang nanay ko sa narinig na sinabi ko. "You. You manipulated me. Charlotte. You did everything to mess up my life. For what? For your own good."

            "What the hell are you talking about? Para sa iyo kaya pinili kong si Charlotte ang mapangasawa mo. Magandang buhay ang ibibigay noon sa atin. And look what happened? Dahil sa pagiging makasarili mo nasira ang lahat. Hiniwalayan mo siya kaya-"

            "Ako pa ang makasarili? You are the selfish one!" Nanginginig ang katawan ko sa umaahong galit sa dibdib ko. Tumayo ako at humaral sa kanya. "You know how I loved Amy. She was carrying my baby. But you let me choose. And I fucking chose you because you are my family and I thought family was everything and you are the one who is going to help fix our family. But I was wrong. This fucking family ruined my life." Hindi ko na namalayan na tumutulo na ang luha ko. "You. You're my mother. You're supposed to love whoever I love. You're supposed to support me. But you didn't. Instead, you pushed me to my hell. And you even exploited and used Charlotte who was only in love with me. Tinuruan mo pa siyang magpanggap na buntis para lang mahalin ko siya?"

            Hindi makapagsalita si mommy at nanlalaki lang ang matang nakatingin sa akin.

            "I-Is that what you think I did? I did that because you are my son and I love you. I only want the best for you."

            "The best, mom? No." Umiiling ako. "Sinira mo ang buhay ko. Pinatay mo ang anak ko. That baby made the ultimate sacrifice for all of us. You know, naiinggit ako kay Amy. But I understand now why she doesn't deserve me. Because she is pure. She is kind hearted. She is perfect and she cannot be equal to me. I was a weak person because I couldn't stand up for her. And I am so thankful that someone is loving her the way she deserved to be loved. Dahil gago ako. Dahil naniwala ako sa iyo. Dahil ikaw, kayo ng pamilya ko ang pinili ko because I thought that was the good thing to do as a good son. But I am done, mom. I am fucking done. With you. With Charlotte. With this fucking family."

            "What the hell are you saying, Carlo? This family needs you. Ikaw ang kailangang sumagip sa negosyo natin. Pababayaan mo ba kami ng Daddy mo? Your dad is still sick." Naiiyak na sabi ni mommy. Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako makaramdam ng kahit na anong damdamin para sa kanya.

            "I did my part for you. I gave what you wanted. I married Charlotte, you got their money. But this time, I am going to choose myself. I am going to choose my happiness. Actually, I found it already and that doesn't include you nor this family anymore."

            Nakita kong napaawang ang bibig ni mommy at hindi makapaniwala sa nasabi ko.           

            "I am your mother!" Malakas na sabi niya.

            "Yes. And I am thankful that you gave me life. But that doesn't mean that you can manipulate it and use me anytime you want. I am done, mom. I am not going back to this house again. Think of me as a dead person."

            Wala akong naramdamang pagsisisi nang sabihin ko iyon. Pakiramdam ko nga ay gumaang pa ang dibdib ko nang masabi ko ang lahat sa kanya. Maybe that was the burden that I was feeling. And right now, I felt everything was getting clear.

            "Carlo!"

            Hindi ko inintindi ang pagtawag ng mommy ko. Dere-deretso lang akong lumabas at sumakay sa naghihintay na sasakyan ni Hans.

            "Dude, umiiyak ang nanay mo. Humahabol. Hindi mo babalikan?" Kita kong nag-aalala si Hans pero hindi ko tiningnan ang mommy ko.

            "Drive. We will talk again but not this time. I am done with her." Malamig na sagot ko.

            Napahinga na lang siya ng malalim at pinaandar ang sasakyan paalis doon.

            "Saan kita ihahatid?" Tanong niya.

            "Kay Charlotte." Napahinga ako ng malalim.

            "Dude, are you sure? Are you ready to face her?" Dama ko ang pag-aalala sa boses ni Hans.

            Tumango ako. "I need to have my closure to her too."

            At iyon nga siguro ang dapat kong ginagawa noon pa.

            Because LA wanted me to fix everything first, that was why I had to do this to get her back again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top