Chapter Thirty

"One of the happiest moments in life is when you find the courage to let go of what you cannot change." - Unknown

-------------------------------------

Louise's POV

            Pinilit kong maging kalmado nang bumalik ako sa opisina ni Edward.

            Ipinagdadasal kong sana ay umalis na si Olie. Hindi ko makakayang humarap pa sa kanya. Magulo na ang nangyayari sa buhay ko ngayon kaya ayokong dumagdag pa siya.

            Napaangat ako sa kinauupuan ko nang bumukan ang pinto ng opisina at pumasok doon si Edward. Ngayon ay nakatingin siya sa akin at ngumisi ng nakakaloko.

            Hindi ko na siya tiningnan nang umupo siya sa tapat ng table niya at pabagsak na binitiwan ang mga dalang folders.

            "What happened to the ultimate evil bitch? She became the chicken shit?" Nakakalokong sabi niya sa akin.

            Sinamaan ko siya ng tingin. "Ayaw ko lang mapahiya ka."

            Ang lakas na tumawa ni Edward. "Mapahiya? Hindi kaya ikaw ang napahiya kanina?" napa-tsk-tsk ito. "Kasi naman, hindi mo kailangang sumabay sa mga katulad namin. Iba kayong mga babae. Wala kayong kakayahan sa negotiations na ginagawa namin. Ang bagay sa iyo, sa kusina at sa bahay tapos ay pagsilbihan mo ako."

            "Anong silbi ng mga maids mo sa bahay?" Inis na sagot ko.

            "You are my wife. Ikaw ang dapat na personal na gumawa noon."

            "Wife? Sa papel lang iyon, Edward. You are just using me to get what you want." Tumayo ako at napailing. "Puwede bang tapusin na natin ito? Alam natin na hindi magiging successful ang pagsasama na ito at hiwalayan pa rin ang ending. Ngayon pa lang, maghiwalay na tayo. It will save us all the hassle." Tinungo ko ang pinto para lumabas pero ang bilis ni Edward at pinigilan iyon na mabuksan.

            "I've changed my mind. Well, I did some contemplating earlier after the meeting. I mean, we've been together for four years," naramdaman kong lumapit sa akin si Edward. Hinawakan pa niya ako sa beywang at nakakaramdam ako ng pandidiri sa hawak niya na iyon. Pero lalo lang niya akong inilapit sa kanya. "You are my wife and I think, I deserve to taste my wife. Apat na taon din naman akong nagtiis sa iyo." Ngayon ay nakatingin na siya sa mukha ko.

            "Let go of me, Edward." Matigas na sabi ko. Pilit kong inaalis ang kamay niya at lumalayo sa kanya pero lalo lang humihigpit ang hawak niya.

            "It's your obligation to make me satisfied. We are husband and wife." Akma niya akong hahalikan kaya malakas ko siyang itinulak.

            "It's only on paper! Ikaw na ang nagsabi noon. What the hell is wrong with you, Edward? One moment you don't want me now you want me to become a wife to you? Baliw ka ba?" Hindi ko na natiis na hindi sumigaw.

            Tumalim ang tingin niya sa akin.

            "Hindi ako papayag na gaguhin mo ako. Ako ang gagawa noon. Ako ang may karapatang mag-manipulate ng pagsasamang ito. If I tell you to become my wife in front of everyone you will do it." Matigas na sabi niya.

            Napabuga ako ng hangin at napapailing na tumingin kay Edward.

            "Can we stop this? We are not like this, Edward. We used to like each other. You are my friend." Nanginig na ang boses ko dahil sa pinipigil kong pag-iyak.

            Nakita kong bahagyang lumambot ang mukha ni Edward habang nakatingin sa akin. Ito ang mukha niyang alam ko. Ito ang Edward na nakilala ko.

            "I will give you everything. Kung gusto mo ang company namin, then its yours. Ako na ang bahalang magpaliwanag kina mommy na hindi na talaga maisasalba pa ang company. Pero itigil na natin 'to. Hindi tayo magiging successful kung pareho tayong ganito. I love someone else," doon na ako tuluyang napaiyak.

            Nakita kong doon nag-iba ang mukha ni Edward. Tumigas ang anyo nito habang nakatingin sa akin.

            "Who? That fucking island boy you met in Zambales?" Sarcastic na sagot nito.

            Napalunok ako. Alam niya ang tungkol kay Olie?

            "You think I didn't know? I am not stupid, Louise. I know what you did in that island. You think I didn't know your secret phone calls with Lornie?"

            "So alam mo naman pala bakit itinuloy mo pa ito? Bakit pinabayaan mo pang makasal tayo at makulong sa lecheng pagsasama na ito? We both hate each other. This marriage is going nowhere."

            "Para ano? Para mapahiya ako at ang pamilya ko? Na ang fiancée ko ay ipinagpalit ako sa isang taga-isla? My family will disown me, and I won't get my money kapag may kahihiyan akong dinala sa pamilya nila." Tumawa ng nakakaloko si Edward. "A fucking island boy? Mangingisda? Iyon ba ang mga tipo mong lalaki? Wala ka talagang taste."

            "Kaya nga kita pinatulan," ang sama ng tingin ko sa kanya.

            Hinawakan ni Edward ng mariin ang mukha ko. Kita ko ang galit sa mga mata niya.

            "Trust me Louise, if you are thinking of messing our marriage, I will ruin your life too." Banta niya. "My investigators are working already."

            "You already ruined it, Edward." Inis kong inalis ang pagkakahawak niya sa mukha ko at tinungo ko ang pinto at mabilis na lumabas. Tuloy-tuloy na tumulo ang mga luha ko kaya mabilis kong pinahid iyon habang papunta ako sa lobby ng building. Nagpatawag ako ng taxi para umuwi na lang. Kailangan kong mag-isa. Kailangan kong mag-isip.

            Nakatayo ako sa harap ng building habang naghihintay ng maghahatid sa akin pauwi nang may humintong kotse sa tapat ko. Heavily tinted ang sasakyan kaya hindi ko alam kung sino ang sakay noon. Nang bumaba ang bintana ay agad na kumabog ang dibdib ko dahil si Olie ang nagmamaneho noon.

            "Get in," malamig na sabi niya.

            Tumingin ako sa paligid. Kinakabahan ako na baka may makakita sa akin. Naipagpasalamat kong busy ang guard na may kinakausap na delivery boy.

            "Umalis ka na," sagot ko sa kanya.

            "Hindi ka ba sasakay o gusto mong mag-ingay ako dito? Mabilis tumakbo ang balita. Mabilis na makakarating sa asawa mo," may galit sa tono ni Olie nang sabihin iyon.

            Shit. Hindi na ba ako lulubayan ng problema?

            Wala akong magawa. Sigurado ako na hindi rin aalis si Olie dito kung hindi ako sasakay sa kotse niya. Nang makita kong walang nakatingin ay mabilis akong sumakay sa sasakyan at mabilis niyang pinaharurot paalis doon.

--------------------

Charlotte's POV

            Tahimik akong nakaupo sa harap ng parents ko habang silang dalawa ay masayang nilalaro si Theo. Napangiti ako kasi kita ko naman na masaya sila sa tuwing dinadala ko dito ang bata. It was like Theo became the light that shined from the darkness that came into our lives which I know I brought to my family.

            "Ang taba-taba na ni Theo. You're taking good care of him," komento ng mommy ko habang pinupupog ng halik ang bata.

            Napangiti ako pero hindi ko maintindihan kung bakit naninikip ang dibdid ko. Maya-maya ay hindi ko na napigil na hindi mapaiyak.

            "I-I am sorry," tanging nasabi ko at yumuko.

            Ibinigay ni mommy si Theo kay dad at lumapit sa akin. Hindi ako nagsalita. Yumakap lang ako sa kanya at umiyak ng umiyak. Umaalog ang mga balikat ko. Sobra ang hagulgol ko.

            "I fell in love, mom. I fell in love with the wrong person." Humihikbing sabi ko.

            Hindi sumagot si mommy. Patuloy na hinahagod ang likod ko.

            "I did everything. I thought I can have him if I do everything. But still, he didn't love me back. It hurts so much."

            "You need to let go, Charlotte. Maybe its about time to let go. Carlo was never yours." Malungkot na sagot ni mommy.

            Lalo akong napaiyak sa narinig ko. Totoo naman iyon. Ako lang ang gumawa ng dahilan para masaktan ako. Sa pagiging selfish, ako ang nanakit sa sarili ko at hindi si Carlo.

            Humarap ako sa mommy ko at kitang-kita ko ang lungkot sa mukha niya habang nakatingin sa akin. Pinahid pa niya ang luha ko.

            "There is someone, mommy. He is helping me to cope up. He told me he loves me," muli akong napaiyak nang maalala ang mga sinabi ni Xander sa akin pero napailing-iling din ako. "But I don't think I can love him back."

            "Dahil mahal mo pa rin si Carlo?" Napahinga ng malalim si mommy at tumingin sa daddy ko na tahimik lang na nakikinig sa amin. Kita ko ang frustration sa mukha nila. What the hell did I do to my family? Sa sobrang spoiled ko, sa sobrang kagustuhan nilang ibigay ang lahat ng gusto ko, nagawa din nilang sirain ang buhay ng isang tao.

            Umiling ako. "I already realized that Carlo will never be mine. I am willing to let him go. I already talked to our lawyer and told him that I am agreeing with the annulment." Ngumiti ako ng mapakla. "But Xander, he is too good for me. After all I did, I don't think I deserve someone like him."

            "Oh no, baby. Don't ever think about that. Nagkamali ka but don't let the mistake that you did judge you for the rest of your life. You deserve someone. Who will love you whole Who will love you for what you are." Kita kong parang naiiyak na rin si mommy.

            Ngumiti ako ng mapakla. "I already got Theo. I got you and dad. Maybe that's okay. Hindi na ako dapat mangdamay pa ng ibang tao sa gulo ng buhay ko."

            "Anak, nagkamali ka at nagsisi ka. Sapat na iyon para magkaroon ka ng bagong simula and I think Xander will be that one." Ngayon ay ngumiti na si mommy.

            Narinig kong tumunog ang telepono ko at kinuha ko iyon sa bag. Ang mommy ni Carlo ang tumatawag sa akin. Napapikit ako at napahinga ng malalim. Sigurado akong alam na niyang pumayag na ako sa annulment.

            "What the hell is this, Charlotte? Bakit ka pumayag na makipag-annul kay Carlo? Ikaw ang asawa. Ikaw ang may karapatan sa anak ko," ang taas ng boses ni Sonia Santos.

            Nahihiyang tumingin ako sa mommy ko at tumayo tapos ay lumayo sa kanila. Ayaw kong marinig nila ang pag-uusap namin ng soon be ex-mother in law ko.

            "Mrs. Santos, matagal ko na ho dapat na ginawa ito. Wala namang nagawang maganda ang pagpapakasal ko kay Carlo. We both ended up miserable. Pakawalan na ho natin siya."

            "No! Hindi mo puwedeng hiwalayan ang anak ko. May kasunduan ang mga pamilya natin. Alam na ba ito ni Julieta?" Alam kong galit na galit ang nanay ni Carlo.

            "Ako ho ang nagdesisyon. Wala ng magagawa ang parents ko."

            "Nababaliw ka ba? Kayong dalawa ni Carlo ang nababagay. Hindi mo ba iniisip na kahihiyan itong gagawin mo para sa pamilya mo at pamilya ko? Pag-uusapan kayo ng lahat! Kakalat ito sa buong Chinese community."

            "Hindi pa ba kahihiyan ang ibinigay ko? Niloko ko si Carlo dahil sa utos mo. Pahiyang-pahiya na ang magulang ko dahil sa pag-iwan sa akin ng anak mo. Lubog na lubog na ako sa patong-patong na kahihiyan at ikaw gusto mo pa ring magpakagaga ako sa anak mo?" Hindi ko na natiis na hindi siya sagutin. "Open your eyes, Mrs. Santos. Hindi natin magagawang diktahan si Carlo. Nagbigay na siya. Sinunod na niya ang gusto mo na pakasalan ako. Nagsakripisyo na siya para sa pamilya 'nyo. Isinakripisyo niya ang babaeng mahal niya at anak niya para sa iyo. Maybe it's about time na ikaw naman ang magbigay sa kanya. Ibigay mo na ang kaligayahan na ninakaw mo sa kanya."

            Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Mrs. Santos. Pinatayan ko na siya ng call at hindi ko maipaliwanag ang pag-gaang ng pakiramdam ko. Parang may malaking bato ang nawala sa dibdib ko at nakahinga ako ng maluwag.

            Umiiyak na lumapit sa akin si mommy at niyakap ako.

            "I am sorry. Kasalanan din namin ito ng daddy mo. Kung hindi kami pumayag sa gusto ni Sonia, hindi naman mangyayari ito. Akala namin, sa kagustuhan namin na ipakasal kayo ni Carlo ay magiging maaayos ang lahat. Akala namin, magiging katulad lang din ng mga nangyari sa amin na kapag ipinagkasundo ng magulang ay iyon na. Ngayon namin na-realize na hindi lahat nauuwi sa happy ending at ikaw pa ang nagdusa." Hinawakan ni mommy ang kamay ko. "We will support you, anak. Kung ano ang gusto mo. Kung ano ang plano mo."

            Ngumiti ako ng mapakla. "All I want right now is to find peace."

            "And you will have it." Nakangiting sagot ni mommy.

            Sa pagkakataong ito, sarili ko naman muna ang mamahalin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top