Chapter Thirteen
Louise's POV
Hindi ko yata magawang tumingin kay Olie ng malaman ko na siya ang naghatid sa akin kagabi. Napangiwi pa ako ng maalala ko ang mga sinasabi ni Grayson. Sobrang lasing ko daw at sinukahan ko ng bonggang-bongga si Olie. Tinapunan ko siya ng tingin habang naglilinis siya ng isda sa lababo. Sanay na sanay siya sa ginagawa niya.
Hindi kami nag-uusap magmula ng manggaling kami sa barangay hall. Nagyayaya ngang kumain ngayong gabi sa labas si Grayson pero tinanggihan ko. Kahit paano nahihiya din naman ako sa lalaking kasama ko dito sa bahay. Technically, kahit na may sarili akong papeles ng bahay, parang nakikitira pa rin ako dahil siya ang nauna dito at nakakahiya kung gagawa na naman ako ng kung ano-anong kabalbalan.
Muli ko siyang tinapunan ng tingin. Ngayon ay hinihiwa na niya ang isda. Bangus iyon. Galing maglinis ng isda ni Olie. Ang linis. Daig pa nga ako. Ngayon naman ay naghihiwa siya ng ampalaya. Ano kayang lulutuin niya?
"Anong niluluto mo?" Pinakaswal ko ang boses ko. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Nagkunwa akong busy sa pagtingin ng mga lumang magazine na nasa ilalim ng center table sa bahay.
Wala akong sagot na narinig. Patuloy lang si Olie sa ginagawa niya.
Galit pa rin? Wala naman akong ginagawa. Galit siguro kasi sinukahan ko siya.
"Bangus 'yang isda na 'yan 'di ba? Ano ba ang mga lutong puwedeng gawin sa bangus?" Ngayon ay humarap na ako sa kanya kahit nanatili akong nakaupo sa sofa.
"Nagta-trabaho ka sa palengke hindi ka pa rin nakikipagkilala sa mga isda na lagi mong kasama," mahinang komento ni Olie. Inilagay niya ang putol-putol na bangus sa kaserola. Nilagyan ng ginger, garlic, onion, ampalaya, eggplant saka pepper tapos ay nilagyan ng tubig at suka tapos ay tinakpan. Binalikan ang mga hugasin sa lababo at hinugasan iyon.
Ano kaya ang ini-experiment ng singkit na 'to?
"Bakit ang sungit mo? Nagtatanong lang ako kung anong niluluto mo." Inis akong umirap tapos ay napahinga ng malalim. "Sorry."
Napahinto sa ginagawa niya si Olie tapos ay nagtatakang tumingin sa akin.
"What did you say?"
Inirapan ko siya. "Sorry and thank you." Paasar kong sagot.
Tumaas ang kilay niya tapos ay natawa at napailing. "Take it back. I don't need to hear your sorry and thank you kung hindi naman bukal sa loob mo." Muli niyang binalikan ang ginagawa.
Napakagat-labi ako at inis na tumingin sa kanya. Napilitan akong tumayo at lumapit sa kanya.
"I mean it. Sorry for getting drunk last night and puking all over you. And thank you for bringing me home," seryoso na ako ngayon.
Napahinga ng malalim si Olie at hinugasan ang kamay at tinuyo ng kinuhang paper towel tapos ay humarap sa akin.
"Next time, if you want to get drunk, make sure that you have someone who will bring you home. Have you seen those people in that crowd? Kulang na lang lapain ka nila kagabi," kumuha ng mga plato si Olie at isa-isang inilagay sa mesa. Kumuha naman ako ng kutsara at tinidor at tinulungan ko siyang maghain para sa hapunan.
"I was just happy last night. First time ko kasing naka-attend ng ganoong concert. Masaya lang. Napadami lang ang alak na nainom ko but-" napangiwi pa ako ng maalala ko ang lasa ng Red Horse. "I hate that beer. Ang sama ng lasa."
Natawa si Olie sa sinabi ko. "Masama ang lasa pero ang dami mong nainom."
Napakamot ako ng ulo. "Did I really puke last night?"
"Ang dami. Lahat yata ng chicharon na kinain mo at beef salpicao isinuka mo sa akin."
"Yuck," napapangiwi talaga ako. "Kadiri. Shocks. Oh my god. Sorry talaga. That was my first time to be like that. What else did I do?"
Saglit na napatitig sa akin si Olie. Parang talagang binabasa ang mukha ko.
"You really don't remember?" Balik-tanong niya.
"Do I need to remember something? Did I do something stupid? Well, I remember that I jumped on the pool of people and they catch me. After that it was all blurry. Did I do something after that?" Gusto ko talagang malaman kung ano pang mga kagagahan ang ginawa ko kagabi.
Natawa si Olie at napailing-iling tapos ay kumuha ng bowl at nagsandok ng kanin doon.
"Just don't drink too much next time para wala kang lapses. At hindi maganda tingnan sa babae ang malakas uminom." Sagot nito sa akin.
"So, I did something stupid. Fart. Did you see me do it? What did I do?" Parang maiiyak na ako sa kakaisip kung ano pa ang kagagahan na ginawa ko. "Did I flash to those people?" Iyon na lang kasi ang naiisip kong worst na magagawa ko doon.
Kumunot ang noo ni Olie. "Flash? What is that?"
"Flash. Hindi mo alam iyon? Did I show my boobs to everyone?"
Napabuga ng hangin si Olie at napatawa. "Don't worry. You didn't do that. Huwag mo ng alamin kung ano pa ang mga ginawa mo. Just don't drink too much next time. Maupo ka na. Kakain na tayo." Sabi niya at binalikan ang niluluto niya.
"Ibibilang mo na talaga ako sa mga nakatira dito?" Hindi ko alam kung bakit parang sumaya ako ng marinig iyon mula sa kanya.
Tinapunan ako ng tingin ni Olie habang tinitikman niya ang niluluto niya.
"Don't make me change my mind. Besides, you're just here for only a month." Tonong nagpapaalala siya sa akin. Kinuha niya ang buong kaldero at inilagay iyon sa ibabaw ng potholder at binuksan niya. Umalingasaw ang amoy ng maasim na suka pero parang ang sarap sa pang-amoy. Nakakagutom.
"Let's eat," aya niya at nauna ng naupo si Olie.
Nagkibit ako ng balikat at naupo malapit sa kanya. Nag-umpisang kumain si Olie at tinitingnan ko lang siya. Parang sanay na sanay siya sa ganitong buhay. He could take care of himself. He can cook, he can prepare without the help of others and I admire him for that.
Sige lang ng pagkain si Olie. Ako naman ay nagsimula na rin. In fairness, kahit hindi ako mahilig sa maasim na pagkain, masarap ang paksiw na bangus na niluto niya. Walang lansa. Malinamnam.
"LA! LA!"
Nagkatinginan kaming dalawa dahil sa pagkakaingay na naririnig namin sa labas. Tumayo ako at binuksan ang pinto para makita ang tumatawag sa akin. Grupo ni Aling Netay at ibang mga tindera sa palengke. Naroon din si Aling Betchay. Himala. Hindi nakasimangot si Aling Betchay. Nakangiti pa siya.
"May problema po?" Takang tanong ko.
"LA! Congrats! Ikaw na ang magiging Reyna Elena sa Santacruzan. Natalo mo si Vinah sa botohan! Kailangan mo ng mag-ready kasi sa Sabado na iyon." Masayang-masayang sabi ni Aling Netay.
Napangiti ako ng mapakla. Hindi ko naman inaasahan na mananalo ako.
"Maghanda ka na, ha? Itayo mo ang bandera ng palengke natin. Bukas, pupunta tayo sa kaibigan kong gumagawa ng gown. Magsusukat ka." Sabi pa ni Aling Netay.
Napatango na lang ako at pilit na ngumiti sa kanila.
"Sige. Mag-beauty rest ka na. Bukas na lang," nagkawayan pa ang mga ito sa akin.
Nagkakamot ang ulo na isinara ko ang pinto. Walang imik si Olie na patuloy sa pagkain.
"Mukhang magiging escort na si Grayson," tanging komento niya.
"Pero 'di ba bata ang ka-partner ng Reyna Elena?" Paniniguro ko.
Nagkibit-balikat si Olie at isinubo ang huling kutsara ng pagkain tapos ay tumayo na.
"Puwede namang maiba dito." Uminom ito ng tubig tapos ay inilagay sa lababo ang pinagkainan. "Maghugas ka ng plato, ha? Gusto kong maagang magpahinga." Iyon lang at iniwan na niya ako para magtungo sa kuwarto.
Sinamaan ko lang siya ng tingin tapos ay napahinga ng malalim. Pero maya-maya ay napangiti din ako. Magiging Reyna Elena ako. Bagong experience na naman.
---------------
Charlotte's POV
"Anong kagagahan iyan, Charlotte? Bakit mo naisipan na mag-ampon ng bata?"
Tiningnan ko lang ang biyenan ko na palakad-lakad sa harap ng crib ng natutulog na batang inampon ko. Halatang inis na inis siya. Sa tuwing tatapunan niya tingin ang bata, halatang naiirita siya.
"Gusto ko ho, ito. Para pagbalik ni Carlo, makita niya na capable akong maging nanay." Katwiran ko.
"And you think lalo ka niyang babalikan dahil diyan? Hindi mo nga alam kung sino ang mga magulang ng batang iyan. At bakit hindi mo ako tinanong kung kumporme ako sa pag-aampon mo?" Iritableng sagot niya sa akin.
Napahinga na lang ako ng malalim. Ayokong makipagtalo sa nanay ni Carlo. She is after all my mother in law kahit na nga halos isuka ako ng anak niya. I know what sacrifices she did so I could marry her son.
"Kung babalik ho sa akin si Carlo, dapat matagal na niyang ginawa. It's more than a year, mommy. Wala tayong balita kung ano ang nangyayari sa kanya." Sa totoo lang kasi, talagang nawawalan na ako ng pag-asa na babalik pa ang asawa ko.
"Hindi ka naman kasi yata naghahanap! Kung ano-ano ang pinag-uubusan mo ng panahon. Katulad 'nyang walang kuwentang pag-aampon mo. Papayag ka ba na maungusan ka ni Amy? Look at her. She is happily married with Bullet Acosta." Napailing pa sa inis ang biyenan ko.
Ngumiti ako ng mapakla. "Because they both love each other kaya sila masaya. Kami ni Carlo, ako lang ang nagmamahal sa kanya. Kahit kailan naman hindi ko naramdaman na minahal ako ng anak 'nyo. Halos magmakaawa ako sa kanya and yet, he left me." Nabasag na ang boses ko at hindi ko na napigil ang mga luha ko.
"Because what you did was not enough! Kulang ka ng pagmamahal na ipinakita sa kanya. Kung nakikita ni Carlo ang mga sakripisyo mo, malamang napansin ka niya. But what are you doing right now? Instead of looking for him, nandito ka at nag-aalaga ng anak ng may anak!" Tumaas na ang boses ng biyenan ko kaya nagulat ang sanggol sa crib at umiyak.
Pinigil ko ang inis ko at kinarga ko ang bata. He was crying so loud at natataranta ako kung paano ko ito patatahanin.
"Can I please have a moment with my baby? Sa ibang araw na lang ho tayo mag-usap uli," sana ay hindi mahalata ng biyenan ko na gusto ko na siyang itaboy paalis.
Napailing siya at inis na dinampot ang bag sa kama.
"Intindihin mo ang paghahanap sa asawa mo. Balitaan mo ako kung ano ang nangyayari," iyon lang at tinalikuran na niya ako tapos ay pabagsak na isinara ang pinto.
Marahan kong hinilot ang ulo ko at hinele-hele ko ang sanggol. Lalo lang akong napaiyak dahil hindi ko siya mapatahan.
"Please. Stop crying. Stop crying," pati ako ay talagang umiiyak na.
Nakarinig ako ng pagkatok sa pinto kaya binuksan ko iyon. Si Xander ang nakita kong nakatayo doon ay may bitbit na ilang mga supot.
"What happened? Why are you crying?" Nag-aalalang tanong niya.
"I can't make him to stop crying," humagulgol na ako ng iyak. Feeling ko awang-awa na ako sa sarili ko. Feeling ko wala na akong ginawang tama sa buhay ko.
Napahinga ito ng malalim at kinuha sa akin ang bata. Tiningnan kung may kabag. Tiningnan kung nagugutom tapos ay tiningnan ang diaper tapos ay napailing.
"He's got a poop," natatawang sabi ni Xander at inilapag sa crib ang bata. Kumuha ng baby wipes at tinanggal ang diaper tapos ay nilinis nito ang bata. Napapangiwi ako dahil nakakadiri ang nakikita ko. The smell was terrible. I don't think I can't stand the smell.
"Dapat masanay ka na dito." Sabi niya habang patuloy sa paglilinis. Halatang sanay na sanay sa ginagawa. Kumuha ng diaper at isinuot sa baby. Maya-maya lang ay huminto na ito sa pag-iyak at binuhat. Hinele-hele at wala pang ilang minuto ay nakapikit na ang bata.
"Huwag ka lang mataranta. Masasanay ka na din." Sabi ni Xander at dahan-dahang inilagay sa crib ang baby.
Doon na ako tuluyang napahagulgol. Sumubsob ako sa mga palad ko at talagang nag-iiyak lang ako ng nag-iiyak.
"I don't think I can do this," humahagulgol na sabi ko.
Tumabi sa akin si Xander at inakbayan ako.
"What do you want to do? Do you want to return the baby? Can you do that? Can your conscience do that to this angel?"
Humihikbi na tiningnan ko ang sanggol na parang anghel na natutulog sa crib. Parang hinaplos naman ang dibdib ko.
"If you did so many terrible things in the past, don't you think it's about time you make something right? Pambawi sa mga nagawa mo? And you can start some good things with this angel." Sabi pa niya.
Napapikit-pikit ako at pinahid ang mga luha ko.
"My mother in law was furious because I adopted that baby." Parang batang nagsusumbong ako.
"Her son left you. Walang kasiguraduhan na babalik. I think its about time you think about yourself. Kung saan ka sasaya. Does this baby make you happy?"
Muli akong tumingin sa baby at napangiti ako ng makita ko itong ngumingiti din habang natutulog.
"B-but I don't know how to do it." Isa rin kasi iyon sa ikinakatakot ko. Hindi ko alam kung kaya kong maging nanay para sa batang ito.
Hinawakan ni Xander ang kamay ko. "I am here. I'll help you."
Napalunok ako at napatingin kay Xander. I could see sincerity in his eyes while looking at me. For the first time, someone offered to help me. Carlo never did this to me kahit sa maliliit na bagay. Laging ako ang dapat na mag-please sa kanya. Laging ako ang dapat sumunod sa mga gusto niya.
For the first time, I felt that I am a good person to someone's eyes.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top