Chapter Ten
Louise's POV
Nagulat pa ako sa sarili kong hilik kaya napamulat ako ng mata para muli ding mapapikit dahil hindi ko kayang salubungin ang liwanag na nanggagaling sa bintana ng katabi kong kama. Sinubukan kong bumangon pero hindi ko din nagawa. Ang sakit ng ulo ko! Sobra! Parang binibiyak. Pakiramdam ko humihiwalay ang kaluluwa ko sa sarili ko sa tuwing gagalaw ako kaya nanatili akong nakahiga at pumikit.
Shit. What the hell happened last night?
All I could remember was the rock concert. I drank the fucking Red Horse like there would be no tomorrow. Kahit nakakasuka ang lasa ng beer na iyon, pinilit kong gustuhin kasi ang sarap din ng feeling when the alcohol kicked in. Ang gaang sa feeling. The last thing I could remember was the band calling me and asked me to go to the stage.
They asked me to sing. And I did. It was blurry but I could still remember the euphoric feeling. Napakagat ako ng labi. Ganoon pala ang feeling ng nasa stage. Para akong sinasamba. Then I stage dived. Naitakip ko ang kamay sa bibig ko. I couldn't believe I jumped on those people and they catch me. Then everything was a mess. I know there were lots of people, but I couldn't remember anything after that.
Napaungol ako ng subukan kong igalaw ang ulo ko. Para talagang bao. Ang sakit talaga. Kinapa ko ang telepono ko at nakuha ko iyon sa ilalim ng kama. How did I end up here in my bed? Kahit talaga samang-sama ang pakiramdam ko ay pinilit kong bumangon. I am still wearing my clothes last night. My net stockings were broken. I am still wearing my DM's boots. Parang sasabog ang tenga ko sa ingay ng kalansingan ng mga accessories na suot ko kaya hinubad ko ang mga iyon. Bumangon ako sa kama at tinungo ang banyo.
Only to see a monster in the mirror.
"Damn it. Why do I look like this?" Parang gusto kong maiyak ng makita ko ang sarili ko sa salamin. Sabog-sabog ang buhok ko. May mga kung anong nakasabit. What is this? Eww? Hinila ko pa at tiningnan maigi. Was that a piece of meat? Inamoy ko ang buhok ko at parang gusto kong masuka sa baho. Fuck! It smells like vomit! Even my clothes. Parang may suka din. Tapos sabog-sabog ang make-up ko sa mukha. Literal na para akong taong grasa na may color combination lang ng itim at pula sa mukha ko.
"Shit. Shit!" Inis na inis ako at diring-diri na hinubad ang suot kong damit. Hindi ko na ito lalabhan. Idiniretso kong itinapon sa basurahan. I slept with vomit on my clothes and hair? Yuck! Nakakadiri talaga. Kanino bang suka iyon? Mabilis akong tumapat sa shower at kahit paano, naibsan noon ang hindi maipaliwanag na nararamdaman ko.
Para akong nakahinga ng maluwag ng makita kong matino na ang sarili ko ng humarap uli ako sa salamin. Sariling reflection ko na ang nakikita ko but the feeling was still the same. Ang pangit pa din.
Nagbihis ako at napangiwi ng tumingin sa relo. Pasado alas-nuebe. Late na ako kay Aling Betchay. Ang totoo, ayoko nga sanang pumasok pero nahihiya ako sa matanda. Lakas pa naman ng loob kong sabihin sa kanya na responsible ako pero ito ako ngayon. Nursing a hangover and doesn't have any idea of what happened last night.
Pakiramdam ko, ako lang ang mag-isa dito sa bahay. Nasaan kaya ang masungit na singkit? Hindi ko nararamdaman ang masamang energy niya. Ayos na ayos ang kama. Parang hindi tinulugan. Lumabas ako ng kuwarto at didiretso na sana ako sa tindahan ni Aling Betchay ng makita ko ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Agad na kumalam ang sikmura ko.
May fried egg, boiled egg, congee na nakalagay sa pot at nakapatong sa induction stove, tokwa't-baboy. May mga sachet pa ng kape doon. Lumapit ako at binuksan ko ang pot at kumawala ang usok at ang mabangong amoy ng lugaw. Lalong nagrigodon ang tiyan ko. Dali-dali akong kumuha ng small bowl at nagsalin. Naupo ako sa harap ng mesa at kahit parang napapaso ang bibig ko sa init noon, dire-diretso ko talagang kinain ang congee. Ang sarap ng mainit na lugaw sa kumakalam kong tiyan.
"Sumuka talaga?"
Napahinto ako sa pagsubo ng marinig na may nagsalita. Galing iyon sa labas ng bahay. Parang boses ni Nato.
"Ang dami! Punong-puno ng suka si Olie." Tumatawa ang sumagot. Sino iyon? Malamang si Buddy.
"Ang dami kasing nainom noon kagabi. Tawa nga ng tawa si Grayson," sabi pa ni Nato.
Napakunot ang noo ko. Oo nga. Saan napunta ang Grayson na iyon? Siya kaya ang naghatid sa akin dito kagabi? Siguro naman. Siya ang nagyaya sa akin sa concert na iyon.
"Maaga akong nagising kanina kaya nagluto ako ng lu-"
Nabitin ang pagsubo ko sa kinakain ko ng mapahinto ang mga pumasok na lalaki at nakita akong nakaupo sa harap ng mesa at nilalantakan ang pagkain doon. Nakatingin lang sa akin si Olie at parang tinitingnan maigi ang itsura ko.
"LA! Ang galing mo palang kumanta," komento ni Buddy at mabilis na lumapit sa mesa. Dumampot din ito ng maliit na tasa at nagsalin ng lugaw tapos ay tumabi sa akin. Sinabayan akong kumain. Ganoon din ang ginawa ni Nato. Si Olie naman ay nanatiling nakatayo lang doon. Tinitingnan akong maigi.
Inirapan ko siya at nagpatuloy ako sa pagkain.
"Mukhang sarap na sarap ka sa niluto ko," iyon ang komento niya ng lumapit sa mesa. Hindi naman siya kumuha ng pagkain. Tinitingnan lang ang mga naroon. Ang dalawang lalaking kasama ay parang mga walang pakialam na kain lang ng kain.
"Ikaw pala nagluto kaya walang lasa," sagot ko at hindi ko siya tiningnan. Panay lang ako ng subo ng lugaw. Ang sarap talaga sa tiyan. Ang init.
"Masarap naman, LA. Magaling magluto 'yan si Olie. Tikman mo nga congee." Lakas ng halakhak ni Nato. "Naniniwala na talaga ako may lahing intsik talaga 'yan," kahit puno ang bibig ay sabi ni Nato.
Tumaas lang ang kilay ni Olie at dumampot ng mug at nagtimpla ng kape. Sumandal lang ito sa lababo at pinanood kaming kumain.
"Mukhang hindi nga masarap, 'no? Naka-dalawang tasa ka," sabi pa niya habang panay ang higop sa hawak na tasa ng kape.
"I don't have a choice. I am having the worst hangover, I am starving so kahit anong pagkain ang nakahain sa harap ko kakainin ko 'yun." Mataray na sa sagot ko.
Napailing lang si Olie at hindi na sumagot.
"Lasing na lasing ka kagabi, LA. Sinipa ka ng pulang kabayo," natatawang sabi ni Buddy.
Napangiwi ako. "Oo nga. Hindi ko na alam ang mga nangyari kagabi. Saan ba si Grayson? Magpapasalamat ako sa paghatid niya sa akin dito kagabi."
Nagkatinginan si Buddy at Nato tapos ay pumako ang tingin kay Olie.
"Pero hindi si-" hindi naituloy ni Buddy ang sasabihin niya dahil umiiling dito si Olie. Parang sinasabi na huwag nitong ituloy kung anuman ang sasabihin.
"Hindi ka pa ba aalis? Alas nuebe na. Hinihintay ka na ni Aling Betchay sa palengke. Saka matutulog naman ako. Grabe ang lakas mong maghilik kagabi kaya hindi ako nakatulog sa sarili kong kuwarto. Para kang barko," napapailing pa si Olie ng sabihin iyon.
Nanlaki ang mata. "I don't snore! Kapal mo." Pero napaisip din ako. Naghihilik ba ako matulog? Hindi ako naghihilik. I sleep like a baby or like a princess pero hindi ako naghihilik.
Hindi kaya dahil lasing na lasing ako kaya ako naghilik? Oh, god. Nakakahiya.
"Sa dami ng kagagahang ginawa mo kagabi dahil sa sobrang kalasingan mo, sgurado akong hindi mo na maalala ang mga iyon. Baka puwedeng tirhan mo naman ako ng niluto ko?" Lumapit na sa mesa si Olie at humatak ng silya at naupo. Kumuha rin ito ng tasa at sinilip ang pot ng congee. Sinamaan ako ng tingin dahil konti na lang ang natitira doon. Totoo kasing marami akong nakain talaga.
"Huwag kang mag-alala. Magsi-share ako ng food dito. Sagot ko na ang dinner." Painis kong dinampot ang bowl na kinainan ko at inilagay ko sa lababo tapos ay tinalikuran na sila.
"'Hindi pa naghugas ng kinainan," muling komento ni Olie.
Inis ko siyang inirapan at bumalik sa lababo tapos ay hinugasan ang kinainan ko. Iwinisik ko pa sa kanya ang kamay kong basa ng tubig.
"Hugas na po, kamahalan. Masungit na intsik." Tapos ay hindi ko na sila tiningnan. Dinampot ko lang ang bag ko at dire-diretso na akong umalis doon.
At para lang magsisi dahil lalo lang dumagdag sa sakit ng ulo ko ang liwanag ng sikat ng araw. Kinuha ko ang shades at isinuot para maginhawahan ang ulo ko.
Ngayon ako nagsisisi sa pag-inom. Hindi ko na uulitin iyon.
------------------
Carlo's POV
Sinundan ng tingin nila Buddy at Nato si LA. Ako? Inabala ko ang sarili sa pagsimot ng tira ng congee. Grabe ang babaeng iyon. Lakas kumain. Inubusan pa ako ng almusal.
"Ganda din talaga si LA 'no? Makapal make-up, walang make-up, bagay sa kanya," komento ni Buddy tapos ay nagpatuloy sa pagkain.
"Kaya nga type ni Grayson. Gago naman, pinabayaang malasing kagabi," natatawang sabi ni Nato.
"Kayo. Pinabayaan 'nyo. Isinama-sama 'nyo sa ganoong lugar tapos pababayaan 'nyo lang doon. Kitang-kita na wala kayong pakialam sa babae," himig nagsesermon na sabi ko.
Napangiwi si Buddy. "Nag-i-enjoy kasi kami kagabi, Olie. Masaya naman 'di ba? Bakit ka sumunod?"
Bakit nga ba ako sumunod? Hindi ko rin alam. Siguro gusto kong makita kung paano magwala ang mga tao doon? Hindi ko naman akalain na sa ginawa kong pagpunta doon, mag-iintindi pa ako ng lasing na lasing na babae.
"Saka bakit hindi mo sinabi kay LA na ikaw ang naghatid sa kanya dito pauwi? Ikaw ang nag-intindi. Para hindi ka tinatarayan," dumampot si Nato ng nilagang itlog at binasag iyon sa ulo ni Buddy para mabuksan.
"Hayaan 'nyo siya. Bahala siya sa buhay niya. First and last iyon. Kung anuman ang mga gagawin niyang kagagahan sa susunod, bahala na siya." Nagsimula na akong kumain.
"Pero buti nakita mo siya kagabi. Ang daming umaaligid na lalaki 'dun. Ang suot naman kasi," napabuga ng hangin si Buddy. "Nagmumura ang dibdib." Napakagat-labi pa ito.
Dumampot ako ng nilagang itlog at binato si Buddy.
"Kahit buwisit ako kay LA, tigilan mo ang pagnanasa sa kanya. Hindi magandang tingnan." Seryoso na ako ngayon na nakatingin sa kanya.
"Nagbibiro lang naman ako. Sorry na. Joke lang iyon. Cool naman si LA. Hanggang kailan nga pala siya dito?" Iniba na nito ang usapan namin. Tatawa-tawa naman si Nato habang patuloy sa pagkain ng nilagang itlog.
"A month. Pero sana kung mas maaga pa sa isang buwan ay umalis na siya, mas maganda. Mas matiwasay ang buhay kung wala siya," sumandal pa ako sa kinauupuan ko. Wala sa loob na nasalat ko ang labi ko.
She kissed me last night.
Alam kong wala siya sa sarili niya at hindi niya alam ang ginagawa niya. She couldn't even remember it. Stupid. That was stupid to kiss someone she doesn't even know.
"Olie! Baby!"
Nagkatinginan kami ng mga kasama ko tapos ay nilingon ang dumating. Si Vinah iyon. May mga bitbit na paper bags. Alam ko next week pa ang balik nito mula sa conference na dinaluhan sa Maynila.
"Missed you!" Mabilis itong lumapit sa akin at hindi nahiya sa mga kasama ko na hinalikan ako ng mariin sa labi.
Narinig kong napaubo si Buddy at parang naasiwa si Nato sa nakikita kaya marahan kong itinulak si Vinah.
"Vinah. Kailan ka pa dumating?" Sinisenyasan ko ang dalawa na lumabas na. Tatawa-tawa naman ang mga ito na tumayo at bitbit ang mga pinagkainan tapos ay lumabas ng bahay.
Kumandong siya sa akin at tumitig sa mukha ko.
"Kanina lang. Tumawag lang si Mama na kailangan kong umuwi. Kailangan daw kasi na makipag-usap ako kay Kapitan. Alam mo na, I'll be the Reyna Elena again." Nilaro-laro pa niya ang tenga ko.
"Wow. What's new? Sabi mo nga, tuwing Flores de Mayo dito, ikaw ang Reyna Elena." Pinilit kong ngumiti sa kanya. Pasimple ko siyang pinatayo at pinaupo sa katabi kong upuan.
"Of course. Sino naman ang ipapalit nila sa akin? Ang mga tindera sa palengke? Oh my god. They smell terrible and they can't afford those gowns that I use. Alam mo naman na ginagastusan ni Mama iyon. So, ikaw ang magiging partner ko, ha? Hindi ka puwedeng tumanggi." Bumagsak ang kamay niya sa hita ko at bahagyang humaplos doon.
Pilit akong ngumiti. "Alam mong wala akong hilig sa mga ganoon."
Kunwari ay nagtampo si Vinah. "Hindi puwedeng hindi ikaw. Sinabi ko na kay Mama na ikaw ang magiging partner ko. And para malaman ng mga babae dito kung sino talaga ang bagay sa iyo." Hinawakan pa niya ang mukha ko. "Siyempre kahit wala tayong label gusto ko exclusive na ako lang fuck buddy mo." Lumapit ang mukha niya sa mukha ko at hinalikan ako sa labi.
I've kissed Vinah's lips many times. I know the taste and I know the feeling. But right now, I could imagine the kiss that happened last night.
The soft lips, the gentle movements in my mouth. No lust. Just pure, tender kisses.
LA's kiss.
Nanlaki ang mata ko at wala sa loob na naitulak ko si Vinah. Kunot na kunot siyang tumingin sa akin.
"Bakit?" takang tanong niya.
Napapikit-pikit ako at nakatingin sa mukha niya na punong-puno ng pagtataka.
"Ah-" napakamot ako ng ulo. "I-I just remember something." Napa-ehem pa ako at pilit na inaalis ang alaala ng halik ni LA. Damn that woman. Sa sobrang inis ko sa kanya kung ano-ano na ang naiisip ko.
Ngumiti si Vinah at hinawakan ako sa kamay tapos ay pinatayo ako.
"Halika na. Aalisin ko kung anuman 'yang iniisip mo," hinihila niya ako papunta sa kuwarto ko.
Napabuga ako ng hangin at sumunod sa kanya. Siguro nga kailangan kong ma-relax. Ilanga raw na rin akong stressed dahil sa pagdating ni LA.
I know Vinah could do something about it. She is good in bed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top