Chapter Sixteen

Carlo's POV

            Shit. Go down. Go down.

            Para akong tanga na nakakulong sa cr at nagtatalon para lang kumalma ang nasa pagitan ng hita ko. Bakit ba ito nagagalit? Nakakita lang ng makinis at balbon na likot nagagalit na? Hindi naman ako deprived sa sex. Sa katunayan, may nangyari sa amin ni Vinah last time. Three days ago? Hindi pa rin ako tigang na matatawag. Pero bakit galit na galit ito ngayon.

            Down. Down. Damn it.

            Napabuga pa ako ng hangin at pilit na kinakalma ang sarili ko. Nag-iisip ako ng ibang bagay para lang mawala sa isip ko ang nakita ko. At naipagpasalamat kong bahagya ng kumakalma ang alaga ko.

            "Good. Very good. There. Calm down. You are not going to play, okay? Not with her. She is not our type." Para akong tanga na kinakausap ang nasa pagitan ng hita ko.

            Humarap ako sa lababo at naghilamos ng mukha tapos ay humarap sa salamin. Tinitigan kong maigi ang sarili ko. Marahan kong hinaplos ang makapal na balbas at bigote. Kahit ako ay hindi ko na makilala ang sarili ko sa tuwing haharap ako sa salamin. Muli akong naghilamos at tinuyo ng tuwalya ang mukha ko tapos ay binuksan ang pinto ng banyo.

            Para lang makita si LA na naghuhubad ng suot niyang gown.

            Pakiramdam ko ay ipinako ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong bumalik ng banyo pero hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Tuloy-tuloy na hinubad niya ang suot na gown. She was not wearing a bra. She was only wearing a black g-string panties!

            And the view from her back was simply arousing. Ang pinapakalma kong alaga ay nagagagalit na naman. Kitang-kita sa liwanag ang makinis niyang balat. Kurbang-kurba ang maliit na baywang. Nagmamalaki ang bilog na bilog na pang-upo.

            Gusto ko siyang kutusan. Ano ang pumasok sa isip ng babaeng ito at dito siya maghuhubad? Alam naman niyang hindi siya mag-isa sa kuwarto na ito at lalaki pa ang kasama niya.

            "Oh no!" Narinig kong bulalas niya habang nakatungo ang noo.

            Oh no? Bakit oh no? Ano ang nangyari?

            Pumihit siya para humarap sa banyo kaya mabilis akong pumasok doon at isinara ang pinto.

            Pakiramdam ko ay habol ako ng kabayo habang nakasandal sa pinto. Todo ang kabog ng dibdib ko at ng tumingin ako sa suot kong shorts, namumukol doon ang pagkalalaki ko.

            "Damn it! I said you need to calm down!" Sabi ko sa pagitan ng hita ko. Napabuga na ako ng hangin kasi tingin ko ay wala na akong magagawa dito.

            Napapitlag pa ako ng marinig kong may kumatok doon.

            "Olie." Tawag niya.

            Hindi agad ako sumagot. Ayoko. Hindi ko siya pagbubuksan.

            "Oliver, alam kong nandiyan ka. Tulungan mo ako." Punong-puno ng pakiusap ang boses niya.

            Shit. Ano naman ang kailangan niya sa akin? I am not going to go out from this room.

            "Oliver! Dali na! Buksan mo na 'to!" Ngayon ay sinasabayan na niya iyon ng katok.

            Napapangiwi ako sa bawat katok na ginagawa ni LA. Gusto ko siyang bulyawan. Pero sa sobrang kulit ng babaeng ito, alam kong hindi ito hihinto kaya napilitan akong buksan ang ang pinto.

            Gusto ko siyang bulyawan pero hindi ko magawa. Dahil kung maganda ang view ng likod niya kanina, mas maganda ang view ng harapan niya. May hawak lang siyang maliit na tuwalya na itinakip niya sa dibdib at parang nagmamakaawang nakatingin sa akin.

            "Tulungan mo ako. Sumabit ang zipper ng gown sa panty ko. Hindi ko matanggal." Parang maiiyak na ang itsura niya.

            Napalunok ako at napakamot ng ulo.

            "Ano ka ba naman, LA? Bakit sa akin ka hihingi ng tulong? Nakita mo ba ang hitsura mo? Halos maghubad ka na sa harap ko," pinilit ko siyang pagalitan. Kailangan ko talaga kasing i-divert sa iba ang atensyon ko.

            Sumimangot ang mukha niya sa akin.

            "Bakit? Tingin mo gusto ko 'to? Kanino ako hihingi ng tulong? Alangan naman na lumabas ako ng bahay na ganito ang hitsura ko? 'Di pinag-piyestahan na ako ng mga tao doon. Saka wala naman malisya. Humihingi lang ako ng tulong sa'yo," galit na sabi niya at lalong lumapit sa akin. "Dali na. Ang bigat nitong gown. Saka sayang 'yung panty ko. Marks and Spencer 'yan."

            Napailing na lang ako at napakamot ng ulo. Mukhang hindi naman titigil ang babaeng ito kaya ipinikit ko ang mga mata ko at parang nanginginig ang mga kamay na tinulungan siyang tanggalin ang sumabit na zipper sa panty niya.

            "Paano mo matatanggal kung nakapikit ka? Ang arte mo naman," reklamo niya.

            "I am trying!" Inis na sagot ko. Sa totoo lang kasi hindi naman ako kay LA naiinis. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ayaw kumalma ng katawan ko. Nanunuyot ang lalamunan ko talaga at pakiramdam ko, nilalagnat ako ngayon.

            Bumuga ako ng hangin at sapilitan na inalis ang pagkakasabit ng zipper sa panty niya. Para akong nakahinga ng maluwag ng matanggal ko iyon tapos ay mabilis akong bumalik sa banyo at nagkulong sa loob. Nahawakan ko pa ang dibdib at para talagang may karera ng kabayo sa lakas ng kabog noon.

            "Salamat!" Malakas na sigaw ni LA mula sa labas.

            Hindi na ako sumagot. Naririnig ko kasi siyang nagsasalita mag-isa doon. Tingin ko ay nagmo-monologue na naman ng mga reklamo niya sa buhay. Sumakit yata ang ulo ko dahil sa nangyari. Parang hindi ko na yata matatagalan na makasama siyang ng isang buwan pa dito.

            Naghubad ako ng damit at tumapat sa shower. Pinabayaan kong malamig ang tubig para mawala ang kung anuman na masamang espiritu na biglang lumukob sa akin. Matagal-tagal din ako doon bago umahon. Siniguro kong inalis ng malamig na tubig ang lahat ng init sa katawan ko. Inayos ko ang sarili ko at ng buksan ko ang pinto ng banyo, naipagpasalamat kong wala na doon si LA.

            Para akong nakahinga ng maluwag. Naiwan doon ang suot niyang gown kanina. Nakapatong sa kama niya. Dumiretso ako sa kusina para kumuha uli ng beer sa ref. Napatingin ako sa pinto at nakita kong nakaupo sa floorboard si LA at nakaharap sa dagat. Parang may kausap sa telepono.

            Kumuha ako ng beer at binuksan iyon tapos ay tinungo ko din ang pinto pero napakunot ang noo ko. Sumisinghot-singhot si LA.

            Umiiyak ba siya?

----------------------

Louise's POV

            Ano kayang problema ng lalaking iyon? Para magpapatulong lang naman ako. Grabe naman kasi ang gown na ipinasuot sa akin nila Aling Betchay. Mabigat pa yata ito sa akin.

            Masama kong tumingin sa nakasaradong pinto ng banyo. Inunahan pa akong maligo ng lalaking iyon. Ako ang amoy itlog tapos nauna pa siyang maligo. Kahit nandidiri ako sa amoy ko, nagpalit na lang ako ng bathing suit at sa dagat na lang ako magtatanggal ng lansa ng itlog.

            Napakunot ang noo ko kasi parang may nagba-vibrate. Agad kong kinuha ang backpack kong nakatago sa ilalim ng kama at kinuha ang telepono ko. Si Ate Lornie ang tumatawag. Hindi ko sinagot. Pinabayaan kong tumunog lang. May nangyari kaya? Alam kong hindi ako tatawagan ni ate kung hindi importante. Nang matapos ang ring ay text message naman ang na-receive ko.

            Call me. Urgent.

            Lalong kumabog ang dibdib ko. Kinuha ko ang telepono at lumabas ako ng bahay. Sumalampak ako ng upo sa floorboard na nakaharap sa dagat at tinawagan ko si Ate Lornie.

            "Ate," parang nanginig pa ang boses ko.

            "Louise. When do you plan to go home? People are getting nuts here. Everyone was looking for you," dama ko ang pag-aalala sa boses ni ate.

            "Just give me some time, ate. At least a month to enjoy my freedom," parang naiiyak na sagot ko.

            Napahinga ng malalim si ate. "Araw-araw na lang na nagagalit si daddy. Lahat kami dito affected na. Masyado kasi siyang pini-pressure ng family ni Edward. Pati ang partnership nila affected na dahil sa paglalayas mo."

            Kahit hindi naman naninisi si ate, ganoon pa rin ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kung magkakaroon ng problema sa negosyo ni daddy, kasalanan ko dahil mas inuna ko ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Pero kung hindi ko ito ginawa, habambuhay naman ako magkakaroon ng regret.

            "A month, ate. Less than a month na nga lang. Pagbigyan 'nyo na lang ako. Tell Edward I'll be his wife at the end of this month. Hindi ko naman tatalikuran ang obligasyon ko sa kanya."

            "Louise, sa totoo lang ang gusto ko huwag ka ng bumalik. Pero grabe naman kasi si daddy. Alam mo naman iyon.  Kumusta ka ba?"

            Napangiti ako ng mapakla at tumingin ako sa kalmadong dagat kahit kadiliman ang nakikita ko doon.

            "Mabuti. Masaya," bahagyang nabasag ang boses ko ng sabihin iyon.

            "Masaya? Bakit parang naiiyak ka?"

            Doon na ako tuluyang napaluha at napayuko.

            "I am happy, ate. I am crying because for the first time, I felt that I am alive and happy. I can do whatever I want. Feeling ko hindi na ako nakakulong," napayuko ako tapos ay mabilis na pinahid ang mga luha ko.

            Narinig ko mula sa kabilang linya na parang humihikbi din si ate.

            "And I am proud of you. Ikaw lang ang nakagawa niyan sa pamilya natin." Napahinga ng malalim si ate. "Go finish your adventures. We will be waiting for you to come back."

            "Thank you, ate. I won't forget my obligation to our family and to Edward. I miss you." Muli akong napaiyak ng sabihin iyon.

            "Stop crying. Just enjoy your life right now. Tatawagan na lang kita ulit kung ano ang mga nangyayari. Enjoy, Louise. I love you and I miss you."

            "I miss you too, ate."

            Wala na akong sagot na narinig pa mula sa kanya. Naiiyak kong inilapag ang telepono sa tabi ko tapos ay niyakap ang dalawang tuhod ko. Nakatingin lang ako sa dagat at napangiti ng marinig ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Umihip pa ang malamig na hangin at parang nagsisi ako na nagsuot ako ng two-piece bathing suit. Ang lamig pala.

            Naramdaman kong may kung ano ang pumatong sa katawan ko at napalingon ako kung ano 'yun.

            Tuwalya. Ipinatong ni Olie. Naupo siya sa tabi ko tapos ay inabutan ako ng isang beer in can.

            Kahit nagtataka ay kinuha ko ang iniaabot niya.

            "May split personality ka ba?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

            Nagtatakang tumingin siya sa akin. "Anong split personality?"

            "Kung mayroon kang dalawang katauhan? Kasi kanina sa cr nagagalit ka sa akin tapos ngayon naman nilagyan mo pa ako ng tuwalya at nag-offer ka pa ng beer."

            Natawa siya at tumingin din sa dagat.

            "What's your story?"

            Taka akong tumingin sa kanya. Bigla akong kinabahan. Narinig kaya niya ang pag-uusap namin ng ate ko?
             "Anong story?" Nakaramdam ako ng kaba.

            "Bakit ka napunta dito? May tinataguan ka ba? You know, this island is very good place to hide." Muli ay tumingin ito sa dagat.

            Pilit akong tumawa. "Bakit naman ako magtatago? Hindi naman ako pugante. Gusto ko lang ma-experience ang island life at ma-experience tumira sa bahay ko."

            Tumawa ng nakakaloko si Olie.

            "I saw you. You were crying."

            Napahinga ako ng malalim. So, he saw me. Siguradong narinig din nga niya ang usapan namin ng ate ko.

            "I just miss my family," iyon na lang ang naisagot ko at ininom ko ang beer na ibinigay niya.

            Nagkibit ito ng balikat. "Sabagay. Mahirap naman talaga ang mamuhay mag-isa. Paminsan-minsan talagang sumusulpot ang lungkot kapag nami-miss ang pamilya." Seryosong sagot nito.

            Tumaas ang kilay ko sa kanya. "Mukhang may hugot si Mr. Sungkit."

            "Mr. Sungkit? Kanina may split personality ako. Ngayon naman Mr. Sungkit. Ang dami mo ng ipinangalan sa akin." Nangingiting sagot niya.

            "Mr. Sungkit. Mr. Sungit Singkit. Pinaikli ko lang para mas madaling sabihin."

            Tumawa si Olie. Nawala ang mga mata dahil sa pagtawa. Hindi masungit ang hitsura ni Mr. Sungkit. Maaliwalas ang mukha niya. At guwapo pala siya kapag hindi nakasimangot ang mukha niya.

            "You know, you should smile often. Gumu-guwapo ka kapag nakangiti ka." Sabi ko sa kanya at muling tumungga sa hawak kong beer.

            "And you should smile too. Hindi bagay sa iyo ang umiiyak. Tough girl ang tingin ko sa iyo kaya hindi ako sanay na makita kang umiiyak."

            Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong na-conscious sa harap ni Olie.

            "Whatever it is, you should enjoy your life at this moment. Kung may problema ka man, let this island take away your problems. Look at the sea. Who would have thought that the calm sea can bring disaster sometimes? Let it calm you. Kapag naiisip ko ang mga problema ko sa buhay, tumitingin lang ako sa dagat at gumagaang ang pakiramdam ko." Sagot niya sa akin habang nakatingin sa paghampas ng alon sa dalampasigan.

            Pero instead na sa dagat ako tumingin, hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa mukha ni Olie.

            The calmness on his face right now gives me the peace and adventure that I was looking in my life.

       Parang nataranta ako ng mahuli ako ni Olie na nakatingin sa kanya.

      "It wasn't my intention to eavesdrop but who is Edward?"

     Nanlaki ang mata ko sa narinig na tanong niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top