Chapter Seventeen




Louise's POV

            Did he hear me when I was talking to my sister?

            Tumingin ako kay Olie at talagang naghihintay siya ng sagot mula sa akin.

            "Sino si Edward?" Pagkakaila ko.

            Napatawa ito at muling tumingin sa dagat tapos ay uminom sa hawak na beer.

            "I heard you. You said Edward. Boyfriend?"

            Napakamot ako ng ulo at ngumiti ng pilit.

            "Nagkamali ka lang siguro ng dinig. Sino si Edward? Wala nga akong kilalang Edward ang pangalan." Hindi na niya kailangan na malaman pa kung sino si Edward sa buhay ko. Hindi na niya kailangan na malaman pa kung sino talaga ako. I went in this place to get away from my prison like life. I went here to fulfill my dreams before I keep myself in my own prison.

            Nagkibit ng balikat si Olie at uminom sa hawak na beer in can. "Siguro nga. It was just the waves kaya nakakarinig ako ng kung ano-ano."

            Para akong nakahinga ng maluwag sa narinig na sagot niya. Uminom din ako sa beer ko.

            "How about you? Why did you end up here?" Ako na ang nagtatanong noon sa kanya.

            "Heartbreak. Family problems. Fucked up life." Napahinga pa ito ng malalim.

            Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Sa paraan ng pagkakasabi niya noon talagang parang ang bigat-bigat ng pinagdaanan niya. Gusto ko sanang magtanong pa pero nahihiya naman ako. Ayokong ma-attach sa kahit na kanino sa isla na ito. In fact, ayoko talagang ma-attach sa isla na ito. Ayokong magkaroon ako ng rason para hindi umalis dahil alam ko sa sarili ko na pansamantala lang ang kalayaan na natatamasa ko ngayon.

            "Parang hindi naman halata sa iyo na brokenhearted ka. Hindi rin halata na may family problems ka. And you said fucked up life? I don't believe it. You are the most laid back and spontaneous person that I met in this island." Sagot ko. "Well, masungit ka lang nga."

            Natawa si Olie and I don't know why I find him so cute right now. Ang cute niyang tumawa lalo na sa tuwing nawawala ang mga mata niya. Parang ang gaan-gaan ng lahat. Parang walang problema.

            "Magaling lang akong magdala. But if you would know my story, hindi ka maniniwala sa mga sinasabi mo tungkol sa akin."

            "And I don't intend to know it. Baka lalo ka lang maging masungit. Mukhang tama naman ang sinasabi mo na malakas maka-impluwensiya ang island na ito sa isang tao. I love the life here. Magaang. Parang walang problema. I already love the people here," parang sa sarili ko lang sinasabi iyon habang nakatingin ako sa dagat.

            "So, how long are you going to stay here?" Tanong pa ni Olie.

            Napaangat ang kilay ko. "Why? You want me to leave already? Hey, I still have less than three weeks to experience my house. Huwag kang mag-aalala. After I leave, hindi naman ako maghahabol sa beach house. Sa 'yo na 'yan."

            Napatango-tango lang si Olie tapos ay natawa. "You really look pretty earlier wearing the gown. Bagay pala sa iyo ang maging Reyna Elena."

            Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko. Shit. Siguradong nagba-blush ako. Damn it. Bakit ako magba-blush? This is the first time na kinilig ako sa papuri ng isang lalaki sa akin. Lagi akong pinupuri ni Edward. Mula sa buhok ko hanggang sa sapatos kong suot sa tuwing magkikita kami pero never kong naramdaman na kinilig ako sa mga ginagawa niya sa akin. Samantalang si Olie, sinabihan lang akong maganda ako sa suot kong gown kanina, parang iniihaw na ang mga pisngi ko. Para na akong maiihi sa sobrang kilig.

            Louise! Gaga ka. You cannot like this man. You don't know him. And you are engaged to be married to someone!

            Para akong siraulo na pinapagalitan ang sarili ko. Hindi ko na yata kayang magtagal dito. Mabuti na nga lang at nakita ko si Nato at Buddy na naghihila ng bangka papunta sa dagat.

            "Sila Nato ba 'yon?" Pilit ko na lang iniba ang pinag-uusapan namin.

            "Ah, oo. Maglalaot ang mga 'yan." Komento ni Olie.

            "Maglalaot? Manghuhuli sila ng mga isda?" Paniniguro ko.

            Tumango siya at muling uminom sa hawak na beer.

            "Gusto ko 'yun!" At bago pa ako mapigilan ni Olie ay tumakbo na ako papunta sa dagat para sumunod kina Nato at Buddy. Mabilis akong sumakay sa bangka at kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ng dalawang lalaki.

            "Sasama ako sa inyo sa laot!" Bulalas ko.

            "Ha? T-teka, LA. Hindi ka puwedeng sumama sa amin!" Parang natatarantang sagot ni Buddy.

            "Bakit? Sige na. Dali!" Excited na sabi ko.

            "What the fuck are you doing, LA?"

            Hindi ko na tiningnan ang nagsalita. Alam kong si Olie iyon. Ayoko siyang tingnan kasi ang seryoso ng timbre ng boses niya.

            "Dali na, Nato. Paandarin 'nyo na 'to." Pangungulit ko sa mga ito.

            Pero hindi kumikilos ang dalawa. Halatang hinihintay ang go signal ni Olie na payagan sila na umalis.

            "You cannot go with them. Magta-trabaho ang mga iyan. Huwag ka ng istorbo," halatang naiinis na si Olie.

            Sinamaan ko siya ng tingin.

            "Can you let me experience this? You don't know what will happen tomorrow or the next days. Can you please let me enjoy this moment so I will have a good memory in this island? With those people who are dear to me?" Talagang hindi ako papayag na hindi ko ma-experience ito. This will be another tick off from my list if I do this.

            "Olie, pagbigyan mo na. Dear niya daw kami," ang ganda-ganda ng ngiti ni Buddy kay Olie.

            Ngumiti din ako ng matamis kay Olie para pumayag siya. Pero hindi siya ngumingiti. Hanggang sa pare-pareho kaming makarinig na parang may tumatawag sa pangalan ko. Napatingin kami sa beach house at nakita kong nakatayo doon si Grayson at kumakaway sa amin. Halatang hindi pa ito umuuwi dahil naka-barong pa rin ito.

            "Si Gray! Tara! Yayain natin mangisda baka gustong sumama," bulalas ko at kumaway din ako kay Grayson na naglalakad na palapit sa amin.

            "Nato, paandarin mo na ang bangka. Dali," utos ni Olie sa lalaki at sumampa na rin ito sa bangka.

            Umandar ang bangka at nagsimulang umusad palayo sa pampang. Bumilis naman ang lakad ni Grayson para makaabot sa amin.

            "T-teka. Si Gray. Hindi siya aabot," sabi ko. Ngayon ay tumatakbo na si Grayson pero mabilis na ang andar ng bangka palayo hanggang sa huminto na lang ito sa may pampang at tinanaw na lang kami na papalayo na.

            "Hindi puwede ang naka-barong sa bangka ko," komento ni Olie at pasalampak na naupo sa gilid at tumingin sa kadiliman ng dagat.

            Inirapan ko lang siya at umupo na lang din ako.

----------------------

Carlo's POV

            Napaka-weird ng babaeng ito.

            Lahat na lang gustong ma-experience. Pati ba naman ang pangingisda papakialaman pa niya? Istorbo lang siya sa trabaho ni Nato at Buddy.

            Hindi naman kami lumayo. Huminto ang bangka na sinasakyan namin sa lugar na madalas pangisdaan nila Nato. Nakasama na rin naman ako dito at alam ko na ang gagawin nila. Pinabayaan kong gawin nila Nato ang trabaho nila. Nakatingin lang ako kay LA habang para siyang bata na tuwang-tuwa na nakikigulo sa ginagawa ng dalawa pa naming kasama. Walang pakialam na tanging two-piece bathing suit lang ang suot. Ganito ba talaga ang babaeng ito? Parang walang pakialam kahit halos hubad na sa harap ng ibang tao?

            Humahagikgik pa si LA ng ibato nila ang lambat sa dagat. Kung ano ang galaw ni Nato at Buddy, ganoon din ang ginagawa niya. At sa tuwing kikilos siya, talaga namang muntik-muntikan ng lumabas ang itinatago niyang boobs sa suot na bikini top. Alam kong naapektuhan na rin ang dalawang kasama ko kaya hinubad ko ang suot kong t-shirt at walang-imik na isinuot iyon kay LA.

            "Bakit?" Takang tanong niya sa akin. Nagtataka din na tumingin sa akin si Buddy at Nato pero sinamaan ko sila ng tingin kaya hinarap nila ang ginagawa.

            "Malamig. Baka ma-pulmonya ka." Tanging sagot ko at muling bumalik sa puwesto ko.

            Parang nandidiri na tiningnan ni LA ang sarili dahil para siyang nakasuot ng sako sa laki ng t-shirt ko sa kanya.

            "Ikaw? Hindi ka ba lalamigin?" Komento niya.

            "I'm good." Sagot ko sa kanya tapos ay binalingan ko sila Buddy. "Hindi pa ba tapos 'yan? Kailangan na nating bumalik." Nakita ko naman kasi na hinihila na nilang dalawa ang lambat para maiangat.

            "Okay na 'to, Olie. Hindi naman kailangan na maraming huli. Bukas na lang kami babawi ni Nato. "At least, na-experience ni LA ang mangisda sa ilalim ng bilog na buwan. Enjoy 'no?" Tuwang-tuwang sagot nito at tumingin pa kay LA.

            "Oh! This is the best. This is so superb experience. Sayang lang hindi nakasama si Grayson," kita ko ang panghihinayang sa mukha ni LA.

            Napaangat ang kilay ko. "Para ano? Para dito kayo maglandian sa bangka ko," wala sa loob na sabi ko.

            Wala akong sagot na narinig mula sa mga kasama ko. Nang tingnan ko sila ay pare-pareho silang nakatingin sa akin.

            "What?" Iritableng tanong ko.

            Umiling lang si Nato at Buddy pero hindi maikaila ang mga itinatagong ngiti. Yari sa akin ang dalawang ito kapag nakarating na kami sa pampang. Si LA naman ay pumuwesto n lang sa isang gilid at tinitingnan ang ginagawa ng dalawa. Inaayos na nito ang mga huling isda tapos ay isinalansan ang mga lambat. Puwesto si Nato sa makina ng bangka at sinimulan iyong buhayin. Isa, dalawa. Paulit-ulit na ginawa ni Nato pero nakakapagtakang ayaw mabuhay ng makina.

            "Anong nangyari?" Taka ko.

            Napakamot ito ng ulo. "Ayaw mag-start." Inulit nito ang ginagawa. Tumulong na rin si Buddy pero ayaw talagang mabuhay noon.

            "Paanong ayaw mag-start. Kakabili lang natin 'yan 'di ba?" Ako ang sumubok na bumuhay sa makina pero ayaw pa rin talaga noong mabuhay.

            Kinatikot ni Buddy ang makina. Tiningnan ang lahat ng posibleng maging problema hanggang sa makitang kong napapailing tapos ay masamang tumingin kay Nato.

            "Gago ka. Hindi mo naman pala kinargahan ng gasolina 'to!" Inis na sabi nito.

            Nanlaki ang mata ni Nato at tiningnan din nito ang nakita ni Buddy. Ngumiwi at halatang may nagawa ngang kasalanan. "Akala ko kasi makakaya pa nito ang pabalik. Kunin mo na lang ang lalagyan at ng masalinan."

            Ako na ang gumawa noon. Kinuha ko ang container ng gasolina pero pagbuhat ko ay napakunot ang noo ko. Magaan. Binuksan ko at gusto kong sumigaw sa inis. Wala ding laman.

            "Kung puwede ko lang kayong pagbuhulin na dalawa. Paano tayo babalik nito kung wala tayong gasolina? Pati ang stock wala din kayo. Hindi na kayo natutong dalawa," talagang nabubuhay ang inis sa akin.

            Hindi matapos-tapos ang pagkakamot ng ulo ni Buddy. Halatang problemado.

            "Relax nga lang kayo. Paano 'nyo maso-solve ang problema kung sisihan kayo ng sisihan? Bakit hindi na lang gumawa ng paraan? May spare na maliit na boat. Sino ang magvo-volunteer na bumalik para kumuha ng gasolina?" Sabat ni LA.

            Pare-pareho kaming napatingin sa kanya. Nakatayo lang siya at naka-pamewang sa harap namin. Ang itsura naming tatlo ay parang mga batang nakagalitan ng terror na teacher.

            "Kami na lang ni Buddy ang babalik. Hintay muna kayo dito. Pasensiya na, Olie." Kumilos si Nato at sumakay sa maliit na bangka na hanggang dalawang tao lang ang kasya. Sumunod na rin doon si Buddy at nagsimulang mag-sagwan pabalik ng pampang ang dalawa.

            Kami ni LA ay naiwan sa malaking bangka. Wala kaming masabi sa isa't-isa. Hindi ko maintindiha kung bakit biglang-bigla ay naasiwa ako sa kanya.

            "So? What are we going to do here? Hindi naman tayo puwedeng kumain ng hilaw na isda." Natatawang sabi ni LA tapos ay tumingin ito sa langit. "But look at the bright side. We are stuck in here and you have no choice but to entertain me."

            "At ano naman ang gagawin ko para ma-entertain kita?" Inayos ko ang mga lambat na nasa lapag.

            Naupo si LA tapos ay tuloy-tuloy na nahiga. Tiningnan ang bilog na bilog na buwan at ang kalangitan na punong-puno ng isinabog na mga bituin.

            "Tell me anything. Everything. I am very much willing to listen," sabi niya.

            "Wala naman akong puwedeng ikuwento sa iyo. Walang thrill ang buhay ko," sagot ko sa kanya at ginaya ko na lang din ang ginawa niya. Humiga ako sa tabi ni LA dahil iyon na lang ang puwesto para magkasya kami sa bangka. Tinitigan ko din ang kalangitan at sa unang pagkakataon, ngayon ko yata na-appreciate ang ganda ng bilog na buwan kahit na nga lagi ko naman itong nakikita sa tuwing sasama ako kina Nato na maglaot.

            "Hindi ako naniniwala." Sagot ni LA.

            Natawa ako at ibinaling ko ang mukha ko para tingnan siya. Pero parang gusto kong pagsisihan ang ginawa kong iyon.

            Dahil pagharap ng mukha ko sa kanya ay nakaharap din siya sa akin at nakatitig sa mukha ko.

            Pakiramdam ko ay nanuyot ang lalamunan ko at nanigas ang katawan ko dahil hindi ako makagalaw.

            Ilang pulgada lang kasi ang layo ng mga mukha namin sa isa't-isa at automatic na bumaba ang tingin ko sa mga labi niyang parang nag-aanya ng isang masarap na halik.

            Parang gusto ko yatang matikman uli katulad ng ginawa niya sa akin noong rock concert.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top