Chapter Seven
Louise's POV
Gusto kong magpa-party talaga sa nakikita kong inis sa mukha ng lalaki dito sa bahay. As in galit na galit talaga siya habang tinitingnan kung paano ko ginulo ang magandang kuwarto niya. Well, magtiis siya. Kung ayaw niya ng ganito, umalis siya. Ganoon lang naman iyon kadaling gawin.
Inayos-ayos ko pa ang kurtina na partition ng mga kama namin para hindi niya masilip ang bago kong comforter at unan. Hindi ko na lang pinapansin ang mga kasama niya na nakita ko kanina sa palengke. So? Kaibigan pa pala niya ang mga mukhang asungot na 'yun.
Nakita kong hinilot-hilot ng lalaki ang ulo niya at pilit na kinakalma ang sarili. Ilang beses itong bumuga ng hangin tapos ay pigil na pigil ang gustong sumambulat na galit.
"Inis ka na? Puwede naman mawala ang inis mo. All you have to do is pack your things then move out. Simple lang 'di ba?" Ngumiti pa ako ng nakakainis sa lalaki.
Sinamaan niya ako ng tingin at ngumiti rin ng nakakainis sa akin.
"Over my dead body. Kung may aalis dito sa bahay ko, ikaw iyon."
Nagkibit ako ng balikat. "O? 'Di mag-share tayo? Ako na nga ang gumawa ng paraan win-win tayo pareho sa sitwasyon na 'to." Dinampot ko ang mga gamit ko at lumakad palabas ng kuwarto. Hindi ko pinansin ang tingin ng dalawang kasama niya. "Alis muna ako. Mayroon na kasi akong trabaho."
Mabilis akong hinawakan sa braso ng lalaki at tiningnan ko lang ang kamay niyang humawak sa braso ko tapos ay sa mukha niya. Seryosong-seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin.
"You are touching me," paalala ko sa kanya at muli kong tiningnan ang kamay niya sa braso ko.
Parang napapasong binitiwan niya ako.
"Sa palengke ka magtatrabaho? Kay Aling Betchay? What the hell were you thinking? Anong alam mo sa pagtitinda sa palengke? Nasa itsura mo naman na mukhang wala kang alam na kahit na anong trabaho. Guguluhin mo lang siya doon."
"Excuse me, 'no? Fast learner ako. Saka kayang-kaya ko ang paglilinis ng mga isda. Baka nga lumakas pa ang tindahan niya kasi nandoon na ako." Ngumiti ako ng maasim sa kanya. "Ligo ka muna. You smell fishy," tumawa pa ako at iniwan ko na sila.
Tawang-tawa talaga ako habang palabas ako ng bahay. Feeling ko winner na winner ako dahil napikon ang lalaking iyon. Marami pa akong magagawa para mapikon siya lalo at siya na mismo ang kusang umalis sa bahay ko.
Malapit na ako sa palengke ng tumunog ang telepono ko. Nakaramdam ako ng kaba dahil unregistered number iyon. Dapat talaga pinaputol ko na ang line ko. Baka sila daddy at Edward lang itong tumatawag sa akin. Ang dami-dami ngang messages ni Edward na hindi ko talaga binabasa. Mamaya bibili ako ng mumurahing telepono para may communication pa rin ako kay ate Lornie.
May text akong na-receive ng mawala ang tumatawag. Si ate Lornie pala iyon. Nag-message na sagutin ko daw ang tawag niya.
Muling tumunog ang telepono ko kaya sinagot ko na iyon.
"How are you there?" Bakas ang pag-aalala sa boses ng kapatid ko.
"Okay naman ako, ate. You don't need to worry about me." Hindi muna agad ako dumiretso sa palengke at tumambay muna ako sa beach shore. Naupo ako sa buhanginan. Pumuwesto ako sa may coconut tree kung saan may lilim. Nakatingin ako sa asul na asul at kalmadong dagat.
"Galit na galit si daddy, Louise. Pati na ang pamilya ni Edward. They are trying everything to look for you. Kailan ka ba babalik?"
Nakaramdam ako ng lungkot. Hindi pa nga ako nag-e-enjoy sa nararananasan kong freedom, uuwi na ako agad sa preso ko?
"I don't know yet, ate. Babalik naman ako pero pabayaan mo na muna akong mag-enjoy. Wala naman masamang nangyayari sa akin. I know how to take care of myself."
Napahinga ito ng malalim. "Naapektuhan na pati ang negosyo ni dad. I mean, medyo ginigipit siya ng pamilya nila Edward." Parang nakikita ko na ang nag-aalalang mukha ni ate Lornie habang sinasabi iyon.
"Just give me a couple weeks. Babalik naman ako at magpapakasal ako kay Edward. Let me do this, ate. Alam mong kapag nakasal ako kay Edward, para na akong bilanggo doon. Gusto ko naman kahit paano, kahit sa maikling panahon naranasan ko naman na walang nagko-control sa akin." Napayuko at hindi ko napigil ang hindi mapaiyak.
"Naiintindihan naman kita, Louise. Hanga nga ako sa iyo kasi nagawa mo ang hindi ko nagawa. But the family is really at stake too." Napahinga ito ng malalim. "Fine. Forget what I said. Enjoy. Okay? Call me if you're in trouble."
"I will, ate. Miss ko na kayo." Napapiyok pa ako ng sabihin iyon.
"Miss na rin kita. Miss ka na rin namin." May narinig akong tumawag kay ate. Wala na akong narinig na salita mula sa kanya. Maya-maya ay busy tone na lang. Pinatayan na ako ng telepono.
Napahinga ako ng malalim at pinahid ko ang mga luha ko at pilit na inayos ang sarili. Ilang beses akong bumuga-buga ng hangin para maging maayos ang pakiramdam ko. Dapat pagpunta ko ng palengke, game face on ako. Dapat strong. Palenge iyon at sigurado akong maraming bully na mga palengkerang tindera.
Pagpasok ko pa lang sa palengke ay sinalubong na ako ng ingay. Hindi ko pinansin ang tingin sa akin ng mga ibang tindera doon. Diretso ako sa tindahan ni Aling Betchay at napakunot ang noo ko ng makita kong may isang babaeng medyo may katabaan ang nakapamewang harap ng stall ni Aling Betchay. Napangiwi ako sa suot ng ale. Naka-cocktail dress sa palengke? Royal blue pa ang kulay? At ang mga alahas. Punong-puno ng gold bracelets leeg at patong-patong ang kuwintas sa leeg. Naka-kulot ang buhok na halatang tinambakan ng ilang kilong gel at spray net. Ang mukha. Fully made up. Napangiwi ako ng makita ko ang de-linyang kilay na sa mga memes ng mga chismosa sa internet ko lang nakikita. Ang kapal ng foundation at hindi pa bagay sa kulay niya. Parang magka-crack pa nga sa sobrang kapal. Ang lipstick. Naloko ako sa kulay. Rose pink na glossy. Sino ba ang ale na ito?
"Netay, wala akong inaagaw sa mga customer mo. Iilan na nga lang ang bumibili sa akin. Ano pa ba ang aagawin ko sa iyo? Ikaw nga mga hotels ang sinusuplayan mo ng isda," malumanay ang boses ni Aling Betchay habang patuloy ito sa paglilinis ng isda.
"Huwag mo akong lokohin, Betchay. Mas mababa ng limang piso ang bigay mo sa kilo ng asohos. Natural sa iyo pupunta ang mga mamimili. Akala ko ba iisa lang ang presyo natin dito?" Mataray na sabi ng babae at nakapamewang pa. Nagmumura sa suot na cocktail ang malaking dibdib na kasing laki din ng tiyan niya.
Painis na binitiwan ni Aling Betchay ang hawak na kutsilyo na gamit sa paglinis ng isda at hinarap ang nagwawalang babae.
"Ikaw ang mataas ang benta, Netay. Kahit isa-isahin mo ang mga stall dito, iisa ang presyo namin. Umalis ka na. Lalong minamalas ang tindahan ko," winisikan pa nito ng malansang tubig ang babae para umalis.
"Maldita ka talaga, Betchay! Gusto mo bang guluhin ko itong tindahan mo?" Akmang itatapon ng matabang babae ang mga isda mula sa tiled table ni Aling Betchay.
"Wow. Is that eighteen karat gold?" Humarap ako sa matabang babae at tinitingnan ko ang suot niyang kuwintas. Alam kong may totoong gold doon pero karamihan sa naroon ay mga fake din.
Nakataas ang isang linyang kilay nito sa akin. Sini-sino ako.
"Sino ka ba? Anong pakialam mo sa kuwintas ko?" Inis na baling niya sa akin.
"I am so sorry, mam. I just can't help not to look at you. Napaka-sosyal 'nyo po kasi. Ang outfit sobrang nangingibabaw sa kanila. You really look good," ngumiti pa ako ng matamis dito kahit na parang naduduwal ako sa pangit ng outfit niya.
Bahagyang kumalma ang babae at halatang naging proud sa sinabi ko.
"Nakita ko ito sa isang magazine. Ako lang naman talaga ang makaka-afford ng mga ganitong damit. Ang mga alahas ko, lahat totoong ginto. Hindi ako gumagamit ng fake," pagmamalaki pa nito.
"Ang make up 'nyo mam, parang uso 'yan sa Maynila. Ano ang gamit 'nyong brand? Inglot? Bobbi Brown? NARS? Nakita ko rin 'yan sa magazine. Lalo kayong gumanda. Bagay na bagay sa inyo," todong-todo pa ang ngiti ko.
"Ever Bilena ang gamit ko at mahal ang mga ito." Bahagya ng kumalma ang pagtataray ng babae pero halatang gusto pa rin ang mga sinasabi ko.
Tingin ko ay kung makakalipad lang ang matabang babae ay kanina pa ito na nasa ere sa sobrang pambobola ko sa kanya. Paniwalang-paniwala naman siya sa sinasabi ko. Napatingin ako sa gawi ni Aling Betchay at napapailing lang ito at napapatawa dahil sa naririnig na sinasabi ko.
"Huwag mo naman akong masyadong binobola. Sino ka ba, iha?" Ngayon ay ang ganda-ganda na talaga ng ngiti ng babae sa akin.
"Taga-Maynila po ako. Alam 'nyo naman sa Maynila laging sunod sa uso ang mga tao. Pero ngayon, dito ako nagta-trabaho sa tindahan ni Aling Betchay. Assistant niya ako."
Nagulat siya sa sinabi ko. "Taga-Maynila ka? Pero bakit dito ka magta-trabaho sa tindahan ni Betchay? Walang pambayad sa iyo 'yan. Gusto mo sa akin na lang? Maganda ako magpasuweldo."
Umiling ako. "Sorry po. Nauna na kasi akong magsabi kay Aling Betchay. Saka, sa ganda 'nyo hindi 'nyo na kailangan ng ibang assistant. Siguradong maraming bibili sa inyo kasi ang lakas ng karisma 'nyo sa mga tao." Pang-uuto ko pa.
Lalo ng tuwang-tuwa ito sa mga pambobolang sinasabi ko.
"Sige na nga. Kapag may kailangan ka, doon lang ang tindahan ko, ha? Kung gusto mo ng mga beauty tips sa akin ka lang magtanong. Salamat sa mga totoong papuri na binigay mo," tuwang-tuwa pa ito at tinalikuran na sila.
Unti-unting nawala ang ngiti ko sa labi habang minamasdan na makaalis ang matabang babae tapos ay humarap ako kay Aling Betchay. Nakatingin lang siya sa akin habang muling itinuloy ang paglilinis ng isda.
"Umalis ka na dito, iha. Wala talaga akong maibibigay na suweldo sa iyo. Baka kahit isang daan hindi ko pa maibigay." Seryosong sabi ni Aling Betchay.
"Hindi naman po ako after sa suweldo. Gusto ko lang pong matuto at ma-experience ang ganito."
Parang naguguluhan siyang tumingin sa akin. "Nababaliw ka ba, iha?"
"Hindi po, ah. Ang ganda ko namang baliw. Sige na, Aling Betchay. Pumayag ka na. Promise hindi ako makakagulo sa iyo. Tutulungan pa kit ana lumakas ang tindahan mo."
Halatang hindi naniniwala sa akin si Aling Betchay. Maya-maya ay huminga ng malalim.
"Ayoko ng maarte dito sa tindahan. Ayoko ng maselan. Alalahanin mong isda ang itinitinda natin at asahan na lalansa ka dito."
Ang ganda ng ngiti ko. "Kahit mag-amoy imburnal pa ako, okay lang po. Ano na ang gagawin ko?"
Ibinigay niya ang isang malaking kutsilyo sa akin.
"Tanggalan mo ng bituka at hasang ang mga isda." Ibinagsak niya sa harap ang maraming pirado ng isda.
Instead na mandiri, lalo akong na-excite sa gagawin ko.
-------------------
Carlo's POV
Hindi ko maimulat ang mata ko habang nakahiga ako sa sofa sa sala. May ice bag sa ulo ko kasi parang ang sakit-sakit talaga noon. Sumasakit ang ulo ko dahil sa kunsumisyon ko sa babaeng dumating dito sa bahay.
"Olie, paano dito nakatira 'yung magandang babae? Kaano-ano mo ba 'yon?"
Pinilit kong dumilat at sinamaan ko ng tingin si Buddy. Kanina pa ito tanong ng tanong at lalo lang akong nabubuwisit. Ayokong pag-usapan ang kahit ano tungkol sa babaeng iyon.
"Inaagaw nga niya itong bahay ko. May papeles din siya. Kapag hindi kami nagkasundo, pareho kaming paaalisin dito sa isla ni kapitan," lalo ng sumakit ang ulo ko ng maisip iyon.
"Siya rin ang may-ari nitong bahay? Paano nangyari iyon?" Naupo pa si Nato sa katabi kong silya.
"Hindi ko rin alam. Puwede ba, Nato ayoko na muna talagang pag-usapan ang tungkol sa babaeng iyon. Para ng sasabog ang ulo ko sa galit. Ginulo niya ang tahimik kong buhay dito. I am satisfied with my life here. I am peaceful tapos ganito." Inis kong ibinato ang ice bag sa sahig na agad namang pinulot ni Buddy.
"Relax ka lang, bossing. Ang high blood mo naman. Ang ganda-ganda ng chick na kasama mo dito sa bahay tapos nagagalit ka pa." Ang mukha ni Buddy ay tuwang-tuwa.
"Tarantado ka, Buddy. Kung iniisip mong manyakin ang babaeng iyon, huminto ka na. Ako mismo ang magpapakulong sa iyo sa barangay. Maghanap na lang kayo ng ibang babae. Walang kuwenta ang babaeng iyon. Baliw yata 'yon," marahan kong hinilot-hilot ang noo.
"Olie!"
Pare-pareho kaming napatingin sa may pinto at si Gray ang nakita kong nakatayo doon. Tuloy-tuloy na din itong pumasok sa loob ng bahay.
"Gray. Kumusta, brah." Bati ko sa kanya pero nanatili akong nakahiga sa kama.
"Bad day? Hangover? O, may sakit?" Sunod-sunod na tanong niya. Hindi ko naman kinakakitaan ng pag-aalala ang mukha nito.
"Bad trip." Sabat ni Buddy.
"Bakit? Mga babae mo na naman? Akala ko ba steady na kayo ni Vinah?" Natatawang tanong ni Gray. Naupo ito sa silyang katabi rin niya.
"Kasi mayroong-"
"Tumahimik ka na, Buddy. Tatahiin ko na 'yang bibig mo sa daldal mo." Saway ko dito.
Ngumuso lang si Buddy at nagtinginan saka si Nato tapos ay nagtawanan ang dalawa.
"Did you like what I did to your room?" Tanong ni Gray sa akin.
Napabalikwas ako ng bangon. "You did that? 'Tangina, Grayson. Napakapangit. Anong ginawa mo sa kuwarto ko?"
"Pero sabi 'nung babae bahay din niya ito and she asked me to fix it and I did. She is a paying customer, Olie. Hindi ako puwedeng tumanggi." Halatang naguguluhan si Gray sa kanya.
Malakas akong napasigaw at nasapo ng mga kamay ang ulo ko.
"And, she's a hot babe, too. Kaya hindi ako makatanggi. You know weakness ko ang magaganda at seksing babae." Natatawa na ngayon si Gray.
Tiningnan ko siya ng masama.
"Kaano-ano mo ba iyon? Pinsan? Friend? Imposibleng syota kasi she sounded pissed at you." Sabi pa nito.
"And I am really pissed at her!" Inis na inis na sabi niya.
"Where is she? I am going to ask her out. May rock band mamayang gabi malapit sa beach shore."
"Pumunta ka sa palengke. Nandoon ang babaeng iyon. If you're going to invite her out, make sure that you don't bring her here anymore."
Ang lakas ng tawa ni Gray at tumayo na.
"Sabi mo 'yan, ha? Walang bawian." Tinapik niya ang balikat ko at tinungo na ang pinto.
"I want her out of here." Seryosong sabi ko sa kanya.
Tatawa-tawa si Gray na kumaway sa akin at tuloy-tuloy ng umalis.
Sana nga. Sana nga, mawala na ang babaeng iyon dito sa bahay ko para hindi na sumasakit ng ganito ang ulo ko dahil sa panggugulo niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top