Chapter One
Carlo's POV
Kanina pa ako nakatitig sa diyaryo na nasa harapan ko. Naka-bukas sa Lifestyle section ng isang sikat na broadsheet. Naroon ang mga litrato ng mga ikinasal, ikakasal na mga couple. Pabagsak kong binitawan ang hawak kong puswelo ng kape at inis na tinupi ang diyaryo at itinapon sa basura.
Naroon kasi ang litrato ni Bullet Acosta at ni Amy na parehong nakangiti habang bitbit ang anak nila. They got married last week in a private ceremony held in Balesin.
Napahinga ako ng malalim at tumayo tapos ay lumabas ng bahay. Naupo ako sa wooden beach chair na naroon at tumingin sa kalmado at asul
na asul na dagat.
I felt something stinging in my chest but I immediately dismissed that. I keep on telling myself that I am okay. I moved on and I am happy with what happened to her life.
Masaya ako para kay Amy. After all the heartaches that I gave her, after we both lost our son, she deserve to be happy and move on with someone who can love her whole. 'Yung lalaki na kaya siyang ipagmalaki. 'Yung lalaking kayang ipagsigawan at ipaglaban siya sa pamilya at mga kakilala. At ginawa iyon ni Bullet Acosta sa kanya. Mga bagay na kahit kailan ay hindi ko nagawa para sa kanila ng anak namin.
Nasaktan ko si Amy. Kahit alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat para mabawi siya, hindi pa rin sapat iyon. Kahit sa sarili ko alam kong kulang na kulang iyon. Tama 'yung sinabi niya noon sa akin na ang pagmamahal, hindi sinasabi lang. Dapat ipinaparamdaman din. Kulang kasi ang ipinakita kong pagmamahal sa kanya. Namili kasi ako at maling tao ang pinili ko. Pinili ko ang pamilya ko kesa sa kanya at sa huli, pamilya ko din ang nanakit sa akin.
I let out a sigh. Whenever I remember all that happened the past year. Grabe ang galit na ibinabalik sa akin sa tuwing maaalala ko ang ginawa ng nanay ko at ng asawa ko. Natanggap ko noon na pilit nila akong ipinakasal sa babaeng hindi ko gusto. Babaeng pinilit ko na ring gustuhin para lang sa kapakanan ng anak namin pero ang malaman kong niloloko lang nila ako na magkakaroon ako ng anak? That was the last straw. Muntik ko na talagang mapatay si Charlotte noon.
After what they did, iniwan ko ang buhay ko bilang Carlo Santos. Iniwan ko ang pamilya ko, kaibigan, trabaho. Lahat tinalikuran ko. Ayokong makita ang magulang ko lalo na ang mommy ko. She made that all up. Ipinakasal niya ako kay Charlotte, inilayo niya ako sa babaeng mahal ko, she was the one made my life a mess. Wala lang akong magawa dahil siya ang nanay ko pero sa ngayon, hindi ko kayang humarap sa kanya dahil baka makalimutan kong siya ang nagbigay ng buhay sa akin at may magawa akong hindi maganda.
I let the fresh breeze of seawind touched my face. I closed my eyes and let myself inhaled the fresh air. Mag-iisang taon na rin akong nakatira sa island na ito Walang nakakaalam kung nasaan ako. Walang nakakakilala sa akin dito. I bought this small beach house from someone that I met when I was wandering by myself in Olongapo. Kung saan-saan ako napadpad noon. Laging lasing at wala sa sarili. I always ended up on someone's bed. Mga babaeng hindi ko nakilala. Kumbaga sa babae, naging pokpok ako at pakawala. Ganoon ang ginawa ko para maka-cope up ako sa heartbreak. But eventually, naisip ko, ako ang talo kung pababayaan kong mabulok ako sa lungkot. Ang mga taong nanakit sa akin ay nagsasaya samantalang ako, umiiyak sa isang sulok. And I've decided to stand up, pick up the pieces again and move forward away from them.
Located sa isang maliit na island ang beach house na ito. I've met the previous owner a year ago. He was a bar owner in a famous red light district in the City. Nagkakilala kami, he offered me the house and I fell in love with this. He asked me if I wanted it and I said yes. He sold me the beach house for a cheaper price and I've been living like a king in this paradise.
May mangilan-ilan na mga kabahayan sa paligid. Mabibilang ang mga taong nakikilala ko. May mga mangingisda din akong kakilala kasi minsan may mga mangingisda na at bangkero na pumuponda sa dalampasigan.
Nasanay na rin ako sa simpleng buhay dito sa isla. I changed myself from the executive Carlo to laid back and simple Oliver Madrid. I changed the way I look too. I let facial hairs to grow to my face. I let my hair to grow long. Kaya kahit sinong makakakilala sa akin, ay siguradong hindi sasabihin na ako si Carlo Santos.
I know my mom and Charlotte's family are not going to stop until they find me. Mamamatay muna ako bago nila ako matagpuan. At siniguro ko na kung babalik man ako, hindi na kami mag-asawa ni Charlotte.
"Olie! May dala kaming isda at pusit sa 'yo."
Nginitian ko ang dalawang lalaki na galing laot. Mga naging kaibigan ko na dito sa isla. Si Buddy at si Nato.
"May pulutan na tayo." Sabi ni Nato ng makalapit. Ipinakita pa sa akin ang sariwang lapu-lapu at malalaking pusit.
"Mukhang masarap sa ihaw," komento ko.
"Tara na. Ihanda na ang mesa at ng makapag-umpisa na tayo." Nauna ng pumasok sa kahoy na gate ng bahay ko si Buddy at kinuha ang isang nakatuping mesa sa gilid. Agad niya iyong inayos tapos si Nato naman ay inasikaso ang pag-iihawan namin. Pumasok ako sa loob ng bahay at kumuha ako ng labing dalawang beer in can sa ref. Iyon naman kasi ang laman ng ref ko. Wine, beer bottles, beer in cans. Ilang mga ready to eat food, meron din palang totoong pagkain na bigay ng kapitbahay pero madalas ay napapanis lang.
Nag-uumpisa ng mag-ihaw si Nato ng lumabas ako. Inilapag ko ang mga beer sa ibabaw ng mesa at agad na dumampot ng beer. Parang uhaw na uhaw na ininom 'yun. Natatawang kumuha din ako.
"Na-miss ko 'to. Isang linggo kami sa laot na tubig alat lang sumasayad sa lalamunan ko," reklamo ni Nato.
"Hoy, may mineral water naman tayong dala." Komento ni Buddy.
"Pero iba ang lasa ng alkohol," muling tumungga si Nato sa beer can at talagang ninamnam ang lasa noon. "Ibang klase ang hagod sa lalamunan. Para akong dinadala sa ibang mundo."
Natawa na lang ako sa usapan nila. Inubos ko lang din ang hawak kong beer can at tiningnan ang iniihaw ng mga kasama ko.
Hindi naman mahirap tumira sa isla. Nasanay na akong mag-isa. Masaya ang tahimik kong pamumuhay malayo sa gulo ng buhay ko. Kaya ko ngang mamatay dito.
"Olie, napagisipan mo na ba ang sinasabi namin sa iyo ni Buddy?"
Tumingin ako sa kaharap ko at tingin ko ay may tama na ito. Garil ng magsalita at ng tingnan ko si Buddy ay nakatingin na ito sa kawalan.
"Alin sa mga sinabi 'nyo?" Balik-tanong ko. Kahit ako ay parang nag-uulap na rin ang tingin. Ang dami na naming basyo ng beer sa basurahan.
"'Yug sinasabi namin. Baka gusto mong sumama sa amin na mag-laot para naman may extra income ka." Sabat ni Buddy.
Natawa ako at umiling. "Dito na lang ako. Okay na sa akin ang mamakyaw at magtinda ng isda sa palengke."
"Masaya kaya sa laot. Malamig. Maalon. Nakaka-relax." Parang wala sa sariling sabi ni Nato.
"Gago. Mukhang hindi talaga papayag si Olie. Hindi bagay sa kanya ang mangingisda. Ang pogi niyan. Kaya tuloy 'yung mga tindera sa palengke laging kinikilig kapag dumadating 'yan." May himig pagtatampo si Buddy. "Pati 'yung nililigawan ko, ayaw akong sagutin kasi ikaw ang gusto."
Lalo akong natawa.
"Wala na akong hilig sa babae. Baka mamatay na akong matandang binata." Muli akong tumungga sa hawak kong beer.
"Ulol, Olie. 'Wag kang plastic. Halos gabi-gabi pumupunta dito si Vinah."
Napapailing ako.
"Kaibigan ko lang si Vinah. Huwag nga kayong mag-isip ng masama." Si Vinah ang constant fucking buddy ko na nakilala kong nagta-trabaho bilang receptionist sa isang hotel na nasa island. Maganda din naman kasi at kilala sa isla na maraming nagkakandarapang lalaki.
"Sabagay maganda naman kasi 'yun tapos guwapo ka. Bagay kayong dalawa. Kaming mga pangit na mangingisda, wala ng pag-asa," tonong nagtatampo si Nato.
"Tigilan 'nyo na nga ang pagsi-senti. Tara. Ilibre ko na lang kayo." Sabi ko at itinapon sa basurahan ang hawak kong lata ng beer.
"Saan?" Taka ni Buddy. Tumayo din naman siya.
"Sa paborito 'nyong lugar. Alam ko naman nami-miss 'nyo lang ang mga syota 'nyo sa Pyramid kaya kayo nagkakaganyan. Tara na bago pa magbago ang isip ko," at nagpatiuna na akong naglakad. Small time men's bar iyon sa isla na paboritong puntahan ng mga ito.
Sabay-sabay kaming tumayo at umalis doon. Pasado alas-nuebe na ng gabi at tahimik na ang paligid. Tanging ang mabining pag-alon ng dagat ang maririnig. Walking distance lang naman mula sa bahay ang bar na sinasabi ko.
Napakunot noo ako kasi gusto kong masiguro ang nakikita ko. May kasalubong kaming naglalakad sa isla na may bitbit na isang backpack.
"Nakikita 'nyo ba ang kasalubong natin?" Tanong ko sa mga kasama ko.
"Alin? 'Yung naka-back pack at naka-boots? Parang durugista sa isang banda," komento ni Nato.
Totoo ang sinabi niya. Mukhang overdressed sa isla ang taong kasalubong namin. Kahit gabi ay naka-leather jacket ito. Naka-leather pants at naka-leather DM's high cut boots. Lahat itim ang suot. Naka-suot ng itim na band tee. Van Halen ang nabasa kong pangalan ng banda na nasa t-shirt.
Nang malapit na sa amin ay napansin kong babae pala ang kasalubong namin. Bagong mukha. Sa isang taon kong pamamalagi dito, kilala ko na ang mga tao. At kakaiba ang itsura niya sa mga local na nakatira dito. Parang galing sa ibang planeta ang babae. Wala sa itsura niya at suot niya ang laid back lifestyle sa isla. Ako ang naiinitan sa leather style ng damit niya. Ang kapal pa ng make-up. Goth style. Dark eyeliners, dark lipstick. May nose piercing pa.
"May naligaw na galing sa Mars," natatawang sabi ni Buddy.
Tiningnan pa kami ng babae ng makasalubong namin tapos ay tuloy-tuloy na lumakad. Lumulubog ang suot na boots sa puting buhangin.
Nilingon ko pa ang babae. Saan kaya siya pupunta? Wala ng bahayan sa pupuntahan niya kundi bahay ko lang. Pero nagkibit ako ng balikat at nagpatuloy kami sa paglalakad ng mga kasama ko.
Pagdating namin sa Pyramid ay agad kaming ini-entertain ng mga babae. Tuwang-tuwa ang mga kasama ko kasi kahit amoy dagat at amoy isda sila ay para silang mga hari kung tratuhin ng mga babae. Agad na kumuha ng ka-table ang dalawa. Ako? Wala ako sa mood. Pinanood ko lang ang mga babaemg gumigiling sa stage.
Uminom lang ako ng uminom. Mapait na ang panlasa ko sa beer na iniinom. Tumingin ako sa mga kasama ko at para na silang nasa cloud nine dahil sa ligaya na ibinibigay ng mga babaeng ka-table nila. Ilang babae ang lumapit sa akin pero tinatanggihan ko. Ang gusto ko ngayon ay umuwi na at magpahinga.
Tinapik ko si Nato na busy sa pakikipag-lambutsingan sa babaeng kasama.
"Uwi na ako. Bahala na kayo dito," paalam ko at isinuksok ko sa bulsa niya ang pera pambayad nila.
Nag-thumbs up lang siya sa akin at muling itinuon ang pansin sa babaeng kasama.
Natawa lang ako at iniwan sila. Ang bigat ng ulo ko sa dami ng nainom. Alam ko nga gumegewang na ako habang naglalakad pauwi sa bahay ko. Napabuga ako ng hangin ng makapasok sa loob. Hindi na ako nag-abalang buksan ang mga ilaw.
This is what I like about in this place. Kahit iwan kong nakabukas ang mga pinto ng bahay, walang papasok dito. Matatapat ang mga tao. Ilang beses ko na bang iniiwang nakabuyangyang ang bahay ko at kahit kailan, hindi pa ako napapasok. Well, Vinah can get in and out of my house anytime.
Diretso ako sa banyo at naligo. Sarap sa pakiramdam ng mainit-init na tubig. Sarap ng tulog ko nito. Pumasok na ko sa kuwarto ko ng matapos at hindi na ako nag-abalang buksan ang ilaw. Kabisado ko naman ang kuwarto ko kahit madilim. Pabagsak akong nahiga sa kama ko at pumikit habang kinapa ang mga unan ko doon. Ang sarap ng malambot na kama.
Tumagilid ako ng higa at kumapa ng unan sa gilid ko. Bahagya ko pang kinapa-kapa kasi iba ang pakiramdam. Strange. Bakit parang malamig sa pakiramdam ang unan? Parang leather ang tela? At ano 'tong mga nararamdaman kong mga bakal-bakal?
Napakunot ang noo ko habang kumakapa-kapa. Iba talaga. Bakit ganito? Pagkapa ko pa ay may nakapa akong umbok at iyon ang malambot.
Agad kong binuksan ang lampshade sa bedside table at hindi ko alam kung ano ang ire-reaksyon ko sa nakikita ko.
Isang babae na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko ang nasa kama ko at nandidilat ang mga matang nakatingin sa akin habang nakahawak ang kamay ko sa boobs niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top