Chapter Fourteen
Carlo's POV
Wala naman akong pakielam sa Santacruzan na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan dito sa isla. Ang totoo, natatawa na lang ako sa kanila. They were like fighting for it like it was a going to save them. Ang mga tao sa palengke, talagang ipinaglaban na maging Reyna Elena si LA. At nagtagumpay sila. Vinah lost and she was pissed she decided not to join the event. Good news sa akin iyon dahil hindi na rin ako makakasali sa kabaduyan na ito.
Nakaupo lang ako sa harap ng mesa habang pinapanood sila Aling Netay at Aling Betchay na inaayusan si LA sa sala. She was wearing a gown. Michael Cinco style. I knew that because that well-known designer made Charlotte's wedding gown. I am sure some wannabe designer did this and he did good. Bagay na bagay kay LA ang suot na royal blue gown with silver combination.
"Itong sapatos na ito ang bagay," narinig kong sabi ni Aling Betchay habang bitbit ang isang pares ng silver na sapatos.
"Ang make-up! Ayusin mo ang make-up niya, bakla. Kakalbuhin kita kapag hindi mo siya pinaganda." Nanlalaki pa ang mata ni Aling Netay sa make-up artist.
"Oo na! Maka-bakla talaga? Ano pa ba ang ginagawa ko? Saka hindi naman kailangan ni girl ng makapal ang make-up. Maganda na siya," naiinis na sagot ng make-up artist at nagpatuloy sa paglalagay ng foundation kay LA.
Sabagay, totoo naman ang sinabi nito. Maganda naman talaga si LA kahit inis ako sa kanya dahil sa kakulitan niya at pagiging atribida. Nakatingin ako sa kanya habang inaayusan siya. Ibang-iba ang itsura niya mula sa babaeng biglang sumulpot dito sa beach house. She is like a model right now. The gown fitted her well. Her make-up just enhanced her beauty. Bagay sa kanya ang nakataas ang buhok. Kitang-kita ang ganda ng mukha.
"Huwag mo na ngang dagdagan ng foundation!" Pinalo pa ni Aling Netay ang kamay ng make-up artist na naglalagay ng foundation kay LA.
Women. Talagang kahit kailan, ang hirap nilang maintindihan. Tumayo na ako at binitbit ang kape ko para pumasok sa kuwarto.
"Olie! Ano pang ginagawa mo diyan? Bakit hindi ka pa nagbibihis?" Boses ni Aling Betchay iyon.
Kumunot ang noo ko sa kanya. "Bakit ho? Magpapahinga ako."
"Anong magpapahinga? Magbihis ka na at malapit ng mag-umpisa ang sagala." Lumapit sa akin si Aling Betchay dala ang isang barong tagalog at isang itim na pantalon.
"T-teka. Ano ho ito?" Taka ko. Pilit na iniaabot sa akin ang pares ng damit.
"Damit na isusuot mo. Ikaw ang konsorte ni LA. Ano ka ba? Hindi ka ba nasabihan?" Takang-taka si Aling Betchay. Ang mga tao doon ay nakatingin din sa akin.
Nagkatinginan kami ni LA at maging siya ay nagtataka din sa nangyayari. Ang alam niya at ang alam ko, si Grayson ang makaka-partner niya.
"Aling Betchay, si Grayson po ang partner ko 'di ba?" Paniniguro ni LA.
Sumimangot ang mukha ni Aling Betchay.
"Nasaan ba si Grayson? Lumuwas ng Maynila dahil may kailangang kausapin na kliyente. Kanina lang sinabi sa akin. Kung hindi ko pa nakasalubong hindi ko malalaman. Buwisit ang lalaking iyon. Panira ng diskarte. Ang sabi, nag-usap na daw sila ni Olie." Si Aling Netay ang nagsalita.
"Ano ho? Hindi nga kami nagkikita ni Grayson." Inis na sagot ko. Bakit kailangan nila akong isali sa kabaduyan na ito?
"Isuot mo na 'yan. Bilisan mo," matigas na utos ni Aling Betchay.
"Ayoko. Hindi ako sasali diyan."
Inirapan ako ni LA.
"Huwag 'nyo na ho pilitin ang masungit na singkit. Kahit kailan naman ho mukhang walang pakisama ang lalaking 'yan. Kaya ko naman sumagala ng wala akong partner." Nakataas ang kilay na sagot nito.
Nakita kong nagbulungan ang mga taong naroon. Kita ko ang frustration sa mukha ni Aling Netay. Si Aling Betchay halatang disappointed din pero hindi na rin ako pinilit. Iniwan ko ang mga damit na ibinigay nila sa akin at pumasok ako sa kuwarto. Ayoko ngang sumali doon.
Kahit nasa loob ng kuwarto ay naririnig ko pa ang pagkakaingay nila. Naririnig ko na nag-iingay si Aling Netay. Naiinis sa akin. Naaawa daw sila kay LA at sasagala ng walang konsorte. Sigurado daw pagtatawanan ng grupo nila Vinah. Napangiwi ako. Hindi ko na lang pinansin kung ano pa ang mga naririnig ko. Hanggang sa marinig kong kailangan na nilang umalis at kailangan na ang lahat sa simbahan para makapagsimula ang sagala. Nagkakagulo lalo sila. Nagmamadali na makaalis doon. Ang pagkakaingay kanina ay napalitan ng katahimikan. Sumilip ako at nakita kong wala ng tao doon. Tanging naiwan ang mga kalat na ginamit nila para sa preparation.
Napatingin ako sa damit na ibinibigay ni Aling Betchay sa akin na nanatiling nakapatong sa sofa tapos ay tiningnan ko ang pinto. Napahinga ako ng malalim at inis na lumabas tapos ay kinuha ang damit. This is first and last. Ayoko lang talagang ma-disappoint sa akin si Aling Betchay.
------------------
Louise's POV
Naka-prepare na para magsimula ang procession ng sagala. Ang daming tao na naghihintay sa simbahan. Sinasabi sa amin ang ruta na iikutan ng sagala. Naka-ready ang mga iba pang kasali. Ang lahat magaganda sa mga suot na gown. Kahit ayoko nito, natutuwa pa rin ako sa tuwing makikita ko ang kasiyahan sa mukha ng mga kasama ko sa palengke. Proud na proud sila dahil ako ang napiling Reyna Elena. For the first time daw kasi, may nakatalo kay Vinah at taga-palengke pa.
"O? Nasaan ang escort mo?"
Nilingon ko ang nagsalita at nakita kong si Vinah iyon kasama ang nanay niya. Tatawa-tawa ang mga ito dahil nakita akong mag-isa lang na nakatayo doon. Naghihintay ako ng go-signal para sa pagsisimula ng sagala.
Nagkatinginan sila Aling Betchay. Halatang napapahiya dahil bukod tanging ako ang walang konsorte. Ako pa naman ang Reyna Elena pero ako pa ang lalakad mag-isa.
"Inayawan ka ni Grayson 'no? Ilusyunada ka kasi. Ikaw at mga kasama mong taga-palengke. For sure kaya ka naman nanalo dahil nanuhol ng mga malalansang isda ang mga palengkera na iyan," umiirap pa si Vinah habang sinasabi iyon.
Napahinga na lang ako ng malalim at hindi ko sila pinansin. Wala ako sa mood na patulan ang babaeng ito. Ang totoo, gusto ko na lang matapos ito at makauwi at matulog.
"Vinah, huwag kang mag-alala. May darating na escort si LA. Si Olie," nang-aasar na sabi ni Aling Netay.
Napatawa si Vinah sa narinig. "Si Olie? In your dreams. Ako lang ang gustong pag-escortan ni Olie. Ang babaeng iyan? Oh my god. Hindi papayag si Olie na partneran ang palengkerang katulad niya."
Napakamot ako ng ulo at humarap sa kanya.
"Ano nga uli ang ginagawa mo dito? Gusto mong makita ng mga tao kung paano kita nilampaso as Reyna Elena? Girl, I think you should go away. Kasi magkakaroon ng comparison. Makikita nila kung gaano kaganda ang nakatalo sa iyong bagong Reyna Elena," ngumiti ako ng nang-aasar sa kanya.
Nawala ang ngiti sa labi ni Vinah at masamang tumingin sa akin. Naririnig kong nagtatawanan sila Aling Netay at ang mga kasama nito. Kinuha ko ang isang pailaw mula kay Aling Betchay at iniaabot kay Vinah.
"O, baka gusto mong magkaroon ng silbi. Pailawan mo na lang ang arko ko." Pumikit-pikit pa ako para lalo siyang maasar.
"Cheap! Sunuguin ko pa ang arko mo!" Pagkasabi noon ay inis na tumalikod si Vinah at parang nagma-martsang umalis doon. Ang sama ng tingin sa akin ng nanay niya pero hindi na nagsalita at sumunod na lang sa anak.
Nagtatawanan pa ang mga kasama ko habang nakasunod ng tingin sa napikon na si Vinah.
"Pero, paano nga 'yan. Wala kang konsorte. Nakakainis naman si Olie. Hindi man lang nakisama sa atin," inaayos ni Aling Betchay ang damit na suot ko.
"Hayaan 'nyo na 'yun. Kaya ko naman hong mag-isa," sagot ko at nag-ready na para sa sagala. Nagsisimula na kasing lumakad ang nasa unahan kong pila.
Nagulat ako ng biglang may sumulpot na kung sino sa tabi ko. Halatang iritable ito sa suot na barong tagalog at talagang niluluwagan ang bandang leeg ng suot na damit. Napangiti ako at napailing.
"Anong ginagawa mo dito?" Iyon ang tanong ko kay Olie habang nakita ko sa mga kasama ko ang magaganda nilang ngiti dahil mayroon na akong konsorte.
"Don't ask. This will be first and last. Gusto ko lang pagbigyan si Aling Betchay." Seryosong sagot nito.
"Talaga ba ha?"
Sinamaan niya ako ng tingin. "Mag-thank you ka na lang sa akin dahil hindi ka na lalakad mag-isa sa sagala na ito." Nagsimula na kaming maglakad.
Nagkibit-ako ng balikat. "Well, thank you."
Parang nagugulat na tumingin sa akin si Olie. Tinititigan mabuti ang mukha ko.
"Bakit?"
"I don't sense a bit of sarcasm on your tone. Your thanking me for real?" Paniniguro nito.
"Oo naman. Alam mo ayoko naman talaga nito. Pero hindi ko kayang ma-disappoint sila Aling Betchay, si Aling Netay at ang mga nasa palengke. Look at their faces. They are proud and happy." Tumingin ako sa mga kasama kong naglalakad kasabay namin. Ang gaganda naman talaga ng mga ngiti nila sa mukha. Proud na proud sila sa para sa akin. "So, thank you for making them happy."
Hindi sumagot si Olie at hindi inaalis ang tingin sa mukha ko.
"Bakit na naman? Bakit ganyan ang tingin mo?" Parang naasiwa naman ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
Umiling lang si Olie at tumingin sa mga tao. Maraming kumukha ng litrato sa amin.
"Olie! Smile ka naman!" Sigaw ng mga babae sa paligid.
"Wow. Parang heartthrob ka dito, ah." Komento ko habang patuloy sa paglakad at nakatingin sa paligid. Marami talagang babae ang parang hihimatayin na kapag nadaanan ni Olie.
"Mga kakilala lang 'yan," komento niya.
"Olie! I love you! Ako na lang jowain mo!" Malakas na sigaw mula sa mga taong nanonood ng sagala.
Lakas ng tawanan ng mga kasama ko kaya natawa na rin ako.
"Ibang klase ang appeal mo. Hindi ba nila alam kung gaano ka kasungit?" Natatawang sabi ko.
Hindi ito sumagot. Nagpatuloy lang sa paglakad.
"Mag-smile ka kasi. Lagi ka na lang nakasimangot. Puno na nga balbas 'yang mukha mo, lagi pang nakakunot ang noo mo. Tapos hindi ka pa ngumingiti," sabi ko pa.
"Pati naman balbas ko pinakialaman mo. Hindi ka pa ba nakuntento na pinakialaman mo na rin ang bahay ko?"
Ngumiti ako ng maasim sa kanya. "And Mr. Sungit Singkit strikes again. Alam mo, sayang ka. Tingin ko guwapo ka naman kaya lang natatabunan lang ng pagka-masungit mo. You should loosen up sometimes. Look at the bright side of life. You don't know what you're missing. Hindi mo alam ang mga masasayang bagay sa buhay na dapat na ginagawa mo nalalampasan mo na pala. Live your life like it is your last every day." Kumindat pa ako sa kanya.
"Is that what you're doing right now?" Baling niya sa akin.
Hindi ako nakasagot. Nawala ang ngiti ko sa labi. May alam na ba si Olie sa mga ginagawa ko? Siniguro kong naitago kong mabuti ang journal ko at ang mga personal kong gamit. Ang mga bagay lang na inilabas ko ay ang mga kasinungalingang ginawa ko tungkol sa pagkatao ko. Fake id's na ipinapakalat-kalat ko sa bahay para maniwala siyang ako si LA.
"Olie! My man! Thank you for saving LA. Akala ko hindi na ako aabot talaga. Biglaan kasi ang meeting ko sa Manila. Pero pinilit ko talagang makauwi agad para mahabol dito."
Pareho kaming napatingin kay Grayson na nasa tabi na namin. Katulad ni Olie, nakasuot din ito ng barong tagalog at itim na pantalon. Itsurang konsorte din.
"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko.
"Ako na ang mag-i-escort sa iyo. Nakakahiya naman kay Olie at naistorbo pa siya. Alam ko naman ayaw niya ng ganitong kabaduyan." Bumaling ito kay Olie. "'Di ba baduy sa iyo ang mga ganito?"
Seryosong-seryoso lang ang mukha ni Olie na nakatingin kay Grayson tapos ay sa akin tapos ay pilit na ngumiti.
"Nandito na ang escort mo. Enjoy," sabi niya at bago pa ako may masabi ay umalis na doon si Olie at sumama sa kapal ng mga taong nanonood hanggang sa hindi ko na siya makita.
Para naman akong nakaramdam ng panghihinayang na umalis siya. Pagkakataon pa naman namin na makapag-usap ng matino. 'Yung hindi kami nagbabangayan.
Naramdaman kong kumawit ang braso ni Grayson sa braso kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kumakaway pa ito sa mga kakilala sa mga nanonood ng sagala. Proud na proud ang itsura.
Gusto ko na lang talagang matapos ito. Sa lahat ng nasa bucket list ko, ito yata ang hindi ko na-enjoy gawin dahil hindi na si Olie ang ka-partner ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top