Chapter Four

Carlo's POV

I tried to find a good sleep last night.

That was what I wanted the past months and nakukuha ko na ng matiwasay magmula ng mag-stay ako dito sa isla. Hindi ko pababayaang maapektuhan ang buhay ko dahil lang sa pagsulpot ng kung sino sa property ko.

Hindi muna ako bumangon sa kama. Pilit kong inalala kung ano ang nangyari kagabi at napahinga lang ako ng malalim ng maalala ang babaeng iyon. What the hell was she thinking claiming that this is her house? I paid for this. I worked hard to renovate this fortress and live peacefully here. Tapos biglang may darating na mangugulo ng buhay ko?

I've been in a messy life and I don't want to go back to that. I don't want issues. I don't want arguments. Kaya nga ako nagsiksik sa isla na ito dahil dito ko natagpuan ang matiwasay na buhay.

I stood up from the bed, my eyes still closed and went to the bathroom. Kabisado ko na ang bawat parte ng bahay na ito kaya kahit nakapikit ay kaya kong libutin ito ng hindi ako maliligaw. Binuksan ko ang faucet at naghilamos at nagmumog. Hinila ko ang tuwalya na nakasabit sa rack at tinuyo ang mukha ko.

Napahinga ako ng malalim at tiningnan ang mukha ko sa salamin habang nagpapahid pa rin ng tuwalya sa mukha. Napakunot ang noo ko ng mapansin ko ang brown packaging tape na nakalinya sa gitna ng salamin sa cr.

"What the fu-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng makita kong tuloy-tuloy ang packaging tape na iyon hanggang sa ibaba ng lababo. Pati ang lababo mismo ay may linya ng packaging tape. Iniligid ko ang tingin ko sa buong banyo. Lahat ay nahahati sa gitna ng packaging tape pati na ang glass partition sa shower area.

Ang mga personal na gamit ko na nakapatong sa tokador na naroon ay inilagay sa isang gilid. May hati din sa gitna. Sa kabilang gilid ay naroon ang mga toner, moisturizers, cotton balls, make-up remover, sari-saring make-up, foundation, Blower, curler. God damn it! Pati packed unused sanitary napkins and panty liners ay naroon din.

Noon ko lang napansin na ang hawak kong tuwalya ay kulay pink. Shit! Parang napapasong binitawan ko iyon. I don't use anything color pink.

Nagmamadali akong lumabas ng banyo at parang sumakit yata ang ulo ko ng makita ko ang hitsura noon. Pati ang kama ko ay may hati ng packaging tape sa gitna. Hindi ko man lang naramdaman na may gumawa ng ganito habang natutulog ako? Ninja ba ang gumawa nito?

Mabilis akong lumabas ng kuwarto at ganoon din ang tumambad sa akin. Everything in the house is divided into two. The couch, the tv, my speakers, the center table. Pati ang refrigerator ay hindi nakaligtas.

Nakarinig ako ng malakas na tunog ng hinilang packaging tape. Dali-dali kong pinuntahan kung saan nanggaling iyon at naabutan ko ang isang babae na nakasalampak sa semento sa kusina at nilalagyan ng packaging tape ang mesa.

"Who the fuck are you?" Taka ko. Sino na naman ang babaeng ito? Nasaan na ang babaeng durugista kagabi?

Nag-angat siya ng mukha at nakakunot ang noong nakatingin sa akin. Parang nagtataka siya sa tanong ko.

"What are you doing in my house?" Inis na inis na ako.

Tumayo ang babae at nagpagpag pa ng kamay niya at ngumiti sa akin.

"Your house? Or our house?" Tonong pagtatama niya.

Hinawakan ko sa braso ang babae at pahila na dinala palabas ng bahay. Hindi pa nga ako tapos sa pakikipag-usap sa babaeng durugista tapos may darating na naman na kung sino na aangkin sa bahay ko? Hindi na ako papayag ng ganito. Kahit magkamatayan kami hindi ako papayag na ibigay o kahit may maging kahati ng bahay ko.

"Bitiwan mo nga ako!" Pinagpapalo ng babae ang kamay ko para matanggal ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Who are you and how did you get in my house? Nasaan na ang babaeng durugista?" Tanong ko aa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Ang sama mo! Anong durugista? Hindi ako nagda-drugs!" Sigaw niya sa akin.

Tiningnan ko siyang mabuti. Is this the biker chick from last night? Where's the thick make up? The leather jeans and jacket? Where are the metal necklace and bracelets? The nose piercing? Sinipat ko pa ang tenga niya at hinanap ko ang sunod-sunod na mga hikaw na nakita ko kagabi. Wala na.

Malinis ang itsura ng babaeng nasa harap ko kahit na nga pambahay na short at sando ang suot niya. Naka-pusod lang ang mahaba niyang buhok. Mas mukhang matino naman kausap ang babaeng ito kesa sa babaeng na-meet ko kagabi.

"You're the biker chick last night?" Paniniguro ko.

Inirapan lang niya ako at nagtangka siyang pumasok sa loob ng bahay pero pinigilan ko.

"Yes! I am the biker chick. Happy?! Pwede ba, pabayaan mo nga akong ayusin ang bahay ko," sabi niya at inalis ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Miss, let us be clear. I let you stay here last night. But today, you need to move out. This is not your house. This is mine." Napahinga ako ng malalim. "If you want, I can let you stay in the hotel in the city. May kakilala ako doon. I can pay a day or two night stay. Just go away," pakiramdam ko ay ubos na ubos na ang pasensiya ko.

"Sir," madiin niyang sabi sa akin. Inayos pa niya ang pagkakapusod ng buhok niya at hindi nakaligtas sa akin ang paggalaw ng malusog niyang dibdib. Shit. She is not wearing a bra? Bakat sa suot niyang gray sando ang galit na galit niyang nipples.

"Ayoko na ng arguments. Ayoko nang makipagtalo. But I am telling you, this place is mine. At kahit gusto kong solohin 'to, I am willing to compromise-"

"Kaya ang ginawa mo, hinati mo ang lahat ng pag-aari ko." Putol ko sa sinasabi niya.

Ngumiti lang siya ng nakakainis sa akin.

"Live with it. Kung hindi mo kaya, puwede kang umalis."

Mahina akong napamura. Kung puwede lang manapak ng babae, kanina ko pa ginawa. Napatingin ako sa grupo ng mga lalaking papalapit sa amin. Nakilala kong mga kagawad ito ni Kapitan Jess.

"Oliver, kumusta ba tayo diyan? Pinapakumusta ka kasi ni Kapitan," bati ni Kagawad Ronnie ng makalapit sa amin.

Nagtinginan kami ng babae at ako na ang sumagot.

"Okay naman. Balita?"

"Ayos lang din. Pinapacheck lang kasi ni Kapitan kayong dalawa. Kasi kung hindi daw kayo magkakaayos dito hangga't wala si Attorney Zamora, puwede na daw namin kayong ihatid palabas ng isla."

Nagkatinginan kami ng babae. Tama ba ang narinig ko? Talagang paaalisin ako sa isla na ito?

"Ah, wala naman po kaming problema. Nagka-ayos na kami na maghahati kami dito sa bahay. Hihintayin namin na dumating si Attorney Zamora at doon namin pag-uusapan kung kanino talaga mapupunta ang bahay," ang babae ang sumagot noon.

Tiningnan ko siya ng masama at tumingin din siya sa akin. Parang sinasabi niyang sumakay ako sa sinasabi niya.

"Wala ba talagang problema, Oliver? Mahigpit kasi ang bilin ni Kapitan, eh. Sumasakit na daw ang ulo niya sa mga reklamo sa kanya. Ayaw na daw niyang ma-stress sa problema 'nyo." Sabi pa ng kagawad.

Napahinga ako ng malalim.

"Walang problema, kagawad. Nagkasundo na kami. Pag-uusapan na lang namin kung paano. Pakisabi kay Kapitan walang problema. Huwag na siyang mag-alala. Hihintayin na lang namin ang pagdating ni Attorney Zamora," sagot ko.

"Maige naman. Eh, may isda ka ba diyan? Kasi alam mo na, medyo may happening mamaya kasi birthday ko. Baka puwede naman makaamot kahit na konti," parang nahihiya pa ang itsura ng kagawad.

Ngumiti ako. "Sige. Punta ka lang sa tindahan. Sabihin mo lang kay Buddy bibigyan ka 'nun."

"Salamat, Oliver. Kahit kailan maaasahan ka talaga. Kami na ang bahala kay Kapitan." Ang ganda ng ngiti ng kagawad at nagpaalam na sila.

Pilit na pilit ang ngiti ko habang tinatanaw sila palayo.

"Very good. So? You like what I did to the house?"

Tumingin ako sa babae at ang ganda ng ngiti niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tanggalin mo lahat ng ginawa mo sa bahay ko. Umalis ka dito sa bahay ko." Matigas kong sabi sa kanya.

"But the barangay people will kick us out of this island," pinalungkot pa ng babae ang mukha niya na lalo kong ikinainis.

"Hindi ko na problema kung saan ka pupunta. Tanggalin mo lahat ang ginawa mo at umalis ka dito," tinalikuran ko na siya.

"One month!"

Napahinto ako sa sinabi niya at muli ko siyang nilingon. Nakapamewang ang babae sa akin ag nakikipagtagisan ng tingin.

"Anong one month? Kahit isang araw hindi kita papayagan na tumira dito sa bahay ko."

"Hindi ko na ipipilit na akin ang bahay na ito kahit mayroon akong mga papeles. Hindi ko na ipu-push ang karapatan ko bilang may-ari nito. Just give me one month to stay here then I'll be gone before you know it," seryosong-seryosong sabi niya.

"Kung nababaliw ka at sa tingin mo ay papayag ako sa gusto mo, huwag kang umasa. Hindi kita papayagan na tumira dito," sagot ko sa kanya.

Nagkibit siya ng balikat.

"Then, pareho tayong aalis sa isla na 'to. Pareho nating hindi pakikinabangan ang bahay dahil ipaglalaban ko talaga na ako ang may-ari nito. You don't want a messy settlement right?" Ngumiti pa siya ng nakakaloko.

Kung puwede ko lang talaga na tirisin ang babaeng ito ay ginawa ko na.

"One month lang ang hinihingi ko. And look, hinati ko naman ng maayos. Hindi mo naman ako laging makikita dito dahil meron din akong mga personal errands to do. Hindi ka maiistorbo. All I am asking, just give me a month to stay here. After all, we both own this house." Paliwanag niya.

Napailing na lang ako at tinalikuran ko siya. Mukhang wala namang matatapos kung makikipagtalo ako sa kanya.

"I am a good housemate!" Narinig ko pang pahabol niya. Malakas ko na lang na ibinalibag ang pinto ng kuwarto ko.

——————

Louise's POV

Nawala ang ngiti ko ng makita kong pumasok sa bahay ang lalaki.

That is all I am asking.

A month of stay in this island to finish all the things I wanted to do in my life before I enter the prison like life with Edward.

I am desperate to experience independency. Kasi alam kong hindi ko ito mararanasan kapag nakasal na ako kay Edward. Like my dad, sigurado akong itatali lang niya ako sa bahay, pasusunurin sa lahat ng gusto niya at magiging katulad lang ako ni mommy na maghapong maghihintay sa bahay sa pag-uwi niya.

Kaya gagawin ko na ang lahat. Katulad 'nung isang gabi. Natick-off ang isang list sa bucket list ko. Na-experience kong gumimik kasama ang mga bruskong bikers na nakilala ko sa BGC. Bago ako bumiyahe papunta dito sa isla, sumama muna akong mag-stroll sa Manila kasama ang mga nakilala kong grupo ng may-ari ng mga big bikes sa Makati. Isang grupo sila. Alam kong ang hang-out nila ay isang exclusive high end bar sa BGC. By invitation lang makapasok doon pero pinilit kong ipakilala ang sarili ko. Pumunta ako doon ng naka-get up ng katulad ng mga napapanood ko sa tv. Leather jacket, leather boots, heavy make up. Naglagay din ako ng fake nose piercing and several ear piercings para dumagdag sa tough persona na ipo-portray ko. Natatawa nga ako ng makapasok ako sa loob ay lahat sila ay nakatingin sa akin. Hanggang isang malaking lalaki ang nag-approach sa akin. Nagpakilala ako, I told them what I wanted and they gave me the best experience.

Mali lang ang pagkakakilala sa kanila. Palibhasa ay isa silang grupo ng malalaking tao, mga balbas sarado, may mga tattoos kaya karamihan ng mga tao ay takot sa kanila. Ang tingin sa kanila ay mga barumbado at laging naghahanap ng away. Pero ng makilala ko sila at sabihin ko ang gusto kong mangyari, they are the most understanding people that I've met in my life. Hindi nila ako binastos. Pakiramdam ko nga naging bunsong anak ako at ipina-experience nila sa akin kung paano maging espesyal. Pinasakay nila ako sa big bike, tinuruan nila akong magpaandar. Ang sayang experience iyon kaya tuwang-tuwa talaga ako.

Kinapa ko ang telepono ko na nag-vibrate sa bulsa ko. Nakita kong si Ate Lornie ang tumatawag sa akin. Ayoko sanang sagutin pero ayoko din naman na mag-alala siya.

"Ate." Iyon lang ang nasabi ko ng sagutin ko ang tawag.

"Oh my God, Louise! What the hell did you do? Alam mo bang itataob na ni daddy ang buong Pilipinas? Bakit ka umalis? Where the hell are you?!" Grabe ang boses ni ate. Ang lakas. Ang bilis-bilis pa niyang magsalita.

"Ate kasi -"

"Hindi mo ba inisip ang kahihiyan na ginawa mo? Pati ang pamilya nila Edward ay nag-aalala na din. Paano ang wedding 'nyo? They are starting to fix the wedding."

Napahinga ko ng malalim.

"Babalik naman ako, ate. Tell dad, he don't need to worry. Magpapakasal naman ako kay Edward. Pabayaan 'nyo lang muna ako ngayon," malungkot na sagot ko.

Wala akong sagot na narinig kay ate. Tapos ay huminga siya ng malalim.

"You don't want to get married." Paniniguro niya.

Ngumiti ako ng mapakla kahit hindi niya nakikita.

"I need to follow what daddy wants. And Edward is a good catch." Tanging sagot ko.

"Pero kung ikaw, ayaw mong magpakasal?"

"I'll be fine, ate. Just tell dad na uuwi ako. I just need to do something for myself."

"Louise, just do whatever you want. Huwag mo akong gayahin. Follow what your heart wants. I won't tell dad that you talked to me. Gawin mo ang hindi ko nagawa," narinig kong sabi ni ate.

Nangilid ang luha ko sa sinabi niya. Alam ko kasi na hindi masaya si ate sa sitwasyon niya ngayon.

"Ate-" tuluyan ng nahulog ang mga luha ko kaya hindi ko naituloy ang sasabihin ko.

"Basta mag-iingat ka lang. Naiinggit ako sa iyo. Kasi ang tapang mo. Gustong-gusto kong gawin iyan. Gusto kong makawala pero hindi ko nagawa kaya nandito ako sa isang miserableng buhay.  Be happy, Louise. Find whatever happiness you need to find." Gumaralgal na rin ang boses ni ate.

Magsasalita pa sana ako ng biglang magsalita si ate.

"Dad is here. Sige na. I'll call you again. Mag-iingat ka." Bago pa ako makapagsalita ay pinatayan na ako ni ate ng telepono.

Napahinga ako ng malalim. Bigla kong na-miss ang ate ko. Pero ng buksan ko ang mga messages ni Edward na ipinadala niya sa akin ay biglang bumalik ako sa reyalidad.

Gagawin ko muna talaga lahat ng nasa bucket list ko bago ako bumalik sa amin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top