Chapter Forty-One


FINALLY

Carlo's POV

Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko si LA.

But tasting her lips, her arms embracing me tightly, I knew this was not a dream.

She was really here.

In this island that gave me another shot of life.

"H-How... why..." hindi ko malaman ang itatanong ko sa kanya habang titig na titig ako sa mukha niya.

"Kuya Hans." Naiiyak na sabi niya habang nakatingin din sa akin.

"B-But he said you don't want to see me again." Doon ay punong-puno ng pagtatampo ang tono ko.

"I had to fix everything first. Ayaw ko na mayroong manggugulo sa akin. Sa atin."

"And that included me? I wanted to see you. I wanted to be with you. After all of that asshole did to you, gusto kitang ipagtanggol."

Umiling si LA at nahihiyang tumingin sa paligid. Napatingin din ako at nakita kong ang halos lahat ng mga tao doon sa palengke ay nakapalibot na sa amin. Kasama din doon si Aling Betchay na ngayon ay ngiting-ngiti na at nagpapahid pa ng luha.

Napa-tikhim ako at halos lahat ay medyo lumayo sa amin. Ngumiti ako sa kanila.

"Mag-uusap muna kami," sabi ko at hinawakan ko sa kamay si LA tapos ay nagmamadali ko siyang hinila palabas ng palengke. May mga gusto pa ngang sumunod sa amin pero sinaway na ni Aling Betchay at Aling Netay.

Naglakad kami ni LA papunta sa may beach front. Hindi ko binibitiwan ang kamay niya at lumingon ako dahil naririnig ko pa na parang may nagkakaingay doon. Si Aling Betchay pala at sinasaway ang ibang mga tindera sa palengke na gusto pang sumunod sa amin. Natatawa ako at napapailing tapos ay tumingin kay LA.

"I need to hear your explanation." Hinawakan ko ang mukha niya at marahang hinaplos iyon.

"Masyadong matigas ang family ni Edward. It was a messy annulment case. Napakarami nilang counter-attacks na inilabas and that included you. Sobrang masisira ka pati ang pamilya mo and I don't want that to happen that's why I decided na hindi na muna makipagkita sa iyo until everything is over." Paliwanag niya.

"But I could help you. I could tell them what he did. I mean, ikaw lang ang mag-isang humarap sa mga katarantaduhan ni Edward."

Ngumiti siya. "It's my battle and I had to face it alone. Well, my family helped me and they backed up me this time. After all, they were the ones who pushed me to be with Edward."

Nagngalit ang bagang ko. "That damn asshole. Kapag nakita ko talaga ang gagong iyon gugulpihin ko talaga."

"No need. He got what he deserve this time. Nagtatago na iyon. Pati ang pamilya niya. Apparently 'yong ibang mga business partners nila lumitaw na din at sinabing pati sila ay niloko din. That family was so manipulative. Ang dami nilang nilokong tao." Nakita kong namumuo ang luha sa mga mata ni LA. "I was willing to sacrifice my love for you for my family's welfare. I was willing to be with Edward even if I didn't love him, but something made me change my mind." Ngayon ay tuluyan nang nahulog ang mga luha sa mata niya.

Marahang kong pinahid iyon at niyakap siya ng mahigpit.

"It's over. No one is going to manipulate you, us anymore. It will be only us. Walang magdidikta. Walang makikialam." Napa-ehem din ako dahil pakiramdam ko ay may bumarang kung ano sa lalamunan ko.

"Those months that I didn't see you was hell. 'Yong pabalik-balik ka sa bahay para kausapin ako at itinataboy ka ng pamilya ko, ang sakit sa akin 'non. Pero alam ko naman na maiintindihan mo. Ayaw ko kasing may masilip ang kampo nila Edward na puwede nilang ibato pa sa akin. Sa atin. Kaya tiniis ko iyon lahat. Then Kuya Hans told me that you're going to leave. You're coming back here that's why I decided to call Aling Netay. Asked for her help. I wanted to surprise you."

Marahan ko siyang inilayo sa akin at nakangiting tiningnan ang mukha niya.

"You really did surprise me." Bumaba ang tingin ko sa suot na damit ni LA at bahagyang kumunot ang noo ko. "You gained weight. And since when you wear baggy clothes? You hate big clothes."

Tiningnan din niya ang sarili tapos ay napangiti tapos ay napapailing.

"Oh, this is what I need to wear I think for the next four months until I give birth." Kaswal na sagot niya.

Lalong nangunot ang noo ko. "What? What did you say? Give birth?"

Tumango siya at lalong lumapad ang pinipigil na ngiti.

"What the hell are you talking about, LA?" Sa totoo lang, ang tindi ng kabog ng dibdib ko. Huli kong naramdaman 'to nang malaman kong buntis noon si Amy.

Hinila pa niya ang maluwag na t-shirt na suot para lumapat iyon sa katawan. Doon ko napansin na talagang medyo may umbok ang tiyan niya. Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya.

"Five months. He is starting to move." Naiiyak na sabi ni LA.

Napaawang lang ang bibig ko at napapikit-pikit. Pakiramdam ko ay nanlambot ang tuhod ko at napaupo ako sa buhanginan. Agad naman akong inalalayan ni LA.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya. "I am just pregnant. You don't want me to be pregnant? You think this is not yours? You think this is Edward's? I didn't have sex with that asshole. It was only you." Kinakabahang sabi niya.

Umiling ako at napabuga ng hangin. Hindi ako makahinga. Sa excitement, sa kaba. Halo-halo na ang nararamdaman ko.

"You don't need to explain. Kahit kaninong anak iyan, tatanggapin ko 'yan. Basta ikaw lang." Niyakap ko si LA. Doon ako tuluyang napaiyak. She completed the dream that was snatched from me so many times.

To become a real father to my own child.

Humahagulgol akong nakayakap sa kanya. Lahat ng sakit na naramdaman ko nang mga nakaraang panahon ay parang bula na nawala.

"I don't want to lose you. I don't want to be hurt again." Sabi ko sa kanya at marahan ko siyang inilayo sa akin. Umiiyak din si LA habang nakatingin sa akin. "Here. In this paradise, I want to spend my whole lifetime with you. Are you willing to stay here with me?"

Sunod-sunod ang tango niya.

"Life here is different, LA. You tried and it was not like living in the city. Kaya mo?" Tanong ko pa.

Napangiti siya at tumingin sa paligid. Pumikit pa tapos ay huminga ng malalim at sinasamyo ang sariwang hangin na nagmumula sa kalmadong dagat tapos ay tumingin siya sa akin.

"You still have my journal, right? I completed my bucket list in this island. Every adventure that I wanted to experience, I got it all here. And the best part, I completed it all with you. You are the best part of my bucket list, Olie. And I will spend my days with you. In this island. In this laid back place. Basta kung nasaan ka, kumpleto na ako."

Niyakap ko siya ng mahigpit. And it felt heaven. Tama naman ang sinabi ni LA. Katulad niya, siya din naman ang umayos sa wasak kong buhay. Iyong mga panahon na akala ko ay mamamatay na lang ako na wala ng pagpapahalaga sa buhay ko dahil sa mga pasakit na naranasan ko. But when she came, all tha heartaches, the pain and all the sacrifices that I made for her was all worth it. And now, no one was going to stop us from loving each other. Not Edward. Not our families. Not even death.

Together, we would start to create our own bucket list.

A list of wonderful things to come for our growing family.

In this island that gave us both the second chance for our happy ending. 

- END

------------------------

And this concludes the story of Carlo Ruiz Santos. Thank you for patiently waiting for his story to be finished na inabot ng taon bago natapos. I think more than a year. Sa totoo lang, hirap na hirap talaga akong itawid ang story na ito but after some hiatus, finally, he already got his happy ending. 

Thank you.

- HM

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top