Chapter Forty


ISLAND LIFE

Carlo's POV

            It's been months.

            I had been trying to look for LA for months but I had a hard time finding her. I tried to talk to her family but they didn't want me to see her. Ayaw din niya akong kausapin. I didn't know what was wrong. I did everything she wanted me to do. I fixed everything. I made amends with Charlotte and we were good. I am happy for her that she found her happiness with someone else. Well, my mother tried to talked to me again but I couldn't talk to her yet. Hindi ko pa talaga kaya. Siguro sa ibang panahon pero hindi pa ngayon.

            Kaya talagang hindi ko maintindihan kung bakit ako iniiwasan ni LA. Nalaman ko kay Hans na naging okay naman ang annulment nito kay Edward. Talaga naman kasi na may grounds siyang ipawalang-bisa ang kasal nila. That asshole was manipulating her and her family. Hurting her too. He used them for their own good. Nalaman lahat ang mga kagaguhang pinaggagawa ng hayop na iyon.

            At akala ko pagkatapos noon, magiging okay na ang lahat. Kami ni LA. Pero, she was gone and I didn't know where to find her. Kahit si Hans hindi alam kung saan siya nagpunta at kung bakit ako tinataguan.

            "Are you sure about this?"

            Tinapunan ko si Hans ng tingin na nakaupo sa couch sa kuwarto ko. Nakatingin lang sa akin habang isinisilid ko ang mga gamit ko sa maleta.

            "Hindi na ako para dito. I tried look for LA, but kung wala din naman siya I cannot stay here anymore," malungkot na sagot ko.

            Ngumiti siya ng mapakla at humilata pa sa couch. "Kaya aalis ka na lang? Just like before that you ran away?"  

            "Iba ang dahilan ko noon kaya ako umalis. I was trying to fix my life that time. Durog na durog ako noon. Lahat ng tao sa paligid ko niloko ako. I tried to fix my life in a place where no one knew me. Tried to pick up the pieces of my life and I found it there. Kahit walang seryosong babae, masaya ako. Kasi walang nagmamaniobra ng buhay ko. Until I met your cousin," ngumiti ako ng pilit sa kanya.

            "You really love her." Komento ni Hans.

            Tumango ako. "She made my life complete again. I didn't know that her life was complicated too. 'Tangina, hindi ko maintindihan kung bakit napaka-walang kuwenta ng love life ko. Hindi naman ako walanghiyang tao. Maayos naman ako. Hindi ako manloloko." Saglit ako napahinto at naalala ko ang ginawa ko kay Amy. "Well, maybe this is my ultimate karma for what I did to Amy. Hindi ko man lang kasi siya naipaglaban noon."

            "Tingin ko naman naintindihan ni Amy iyon. And look at her. She found her happiness with someone else. Someone that truly loves her. Kasi tingin ko kung naging kayo din Amy at ipinaglaban mo siya sa mommy mo, hindi rin kayo magiging masaya. Dahil siguradong manggugulo ang nanay mo."

            Tumango-tango lang ako at napahinga ng malalim. Inihinto ko ang pag-aayos ng mga gamit ko.

            "But I found my second chance with LA." Naalala ko ang mga masasayang panahon na magkasama kami sa isla at napangiti. "I never imagined that she was having a rough time there. Kasi alam mo noong magkasama kami, she was the happy-go-lucky chick na gusto lang magawa ang nasa bucket list niya. She became a rock star chick. She sang in front of hundreds of people. She became a Reyna Elena. Sinubukan nga din niyang mangisda. She danced as a club dancer. I meant, ang bababaw ng mga trip sa buhay but I'd seen how happy she was when she was living peacefully with me there." Napapailing ako.

            Hindi sumagot si Hans at nanatili lang na nakatingin sa akin.

            "I love her. She gave me the reason to believe in love that was taken away from me by people that I cared the most. Kaya nang iwanan niya ako talagang hinanap ko siya. Talagang babawiin ko siya kahit may asawa n. Kahit pa sabihing manggugulo ako. Dahil alam ko mahal din niya ako. Ramdam ko iyon. Kaya hindi ko maintindihan itong ginagawa niya sa akin. Bakit niya ako pinagtataguan? If she doesn't want me, at least she should give me a closure para hindi ako umaasa."

            Sa totoo lang ang sama talaga ng loob ko kay LA. Hindi ko alam bakit niya ginagawa ito sa akin. Kung bakit kailangan niya akong pagtaguan.

            "Baka kasi alam niyang hindi ka papayag. Tingnan mo kahit nalaman mong may asawa na ipinipilit mo pa rin ang sarili mo. Maybe she wanted to be alone for some time. Hindi rin naman kasi madali ang nangyari sa kanya. Saka sa iyo din. Nagkaayos nga kayo ni Charlotte but alam mo iyon, still hindi pa rin kayo maayos ng nanay mo."

            "Matagal pa siguro bago kami magkaayos ni mommy. Not because we're blood related I could easily forgive her. Soon but not now. Hindi ko pa kaya."

            Tumayo si Hans at tumabi sa akin. "Fuck you. Mami-miss na naman kita. Tayo na nga lang ang walang sabit sa tropa, iiwanan mo pa ako."

            Natawa ako sa kanya. "As if naman na mami-miss mo talaga ako. Sa dami ng babae mo. Isang taon nga akong nawala alive na alive and sex life mo. Buti hindi ka pa pinu-push ng family mo na mag-asawa?"

            Malakas na tumawa si Hans.

            "Asawa? 'Tangina, ayoko 'non. Sakit sa ulo 'yon. Imagine fucking the same woman all your life?" Kunwari ay nasusuka pa si Hans. "Trust me, mas masaya maging single. I can fuck any woman I want."

            "Hindi ka natatakot magkasakit?" Tanong ko pa.

            "Magaling ako. Saka I practice safe sex. Kaya kahit kailan hindi ako magkakasakit at hindi ako makakabuntis." Buong-buong kumpiyansang sabi niya.

            "Talaga lang, ha? Hintayin ko kapag tumatawag ka na sa akin at umiiyak dahil may babaeng lomolobo ang tiyan dahil sa iyo. O kaya, umiiyak ka dahil hindi na tumatayo 'yang iyo o kaya mapuputol na 'yang etits mo." Tumatawang sabi ko pa.

            Malakas niya akong sinuntok sa braso.

            "Ang sama mo! Hayop ka. Parang hindi ka kaibigan. Kaya nga hindi ako nagso-syota ng seryoso dahil ayokong matulad sa inyo. Look at Les and Travis. You. Puro sa babae sumakit ang ulo 'nyo. Ako? Never na sasakit ang ulo dahil sa mga babaeng iyan." Mayabang na sabi niya.

            "Sana nga," natatawang isinara ko ang zipper ng maleta ko.

            "Pero talagang aalis ka na?" Ngayon ay sumeryoso na uli si Hans.

            Tumango ako. "My life is not here anymore. I need to go back to the island. Mas masaya ako doon. Mas masaya sana kung nandoon din si LA. Hindi mo talaga alam kung nasaan siya?"

            Umiling si Hans. "Ayaw sabihin nila Tita. Ang sabi lang sa akin, pabayaan daw munang maging maayos si Louise. She needed that after all of the heartbreak that she went through. Saka tingin ko nakokonsensiya ang pamilya niya dahil sa ginawa sa kanya. Imagine naman kasi. They manipulated her life mula pa pagkabata. She suffered so much just to please her family. Just like you. Baka kaya kayo nagkatagpo. Pareho kayo ng buhay at ang ending 'nyo ay maging mag-isa."

            Sinamaan ko siya ng tingin. "Salamat sa magandang mga salita." Tumayo na ako at binitbit ang maleta ko. Sinundan naman niya ako hanggang sa makarating sa labas ng bahay ko. Tiningnan ko pa iyon at napangiti ng mapakla. "Ayusin mo ang pagbenta dito, ha?"

            "Oo na. Basta kailangan malaki ang komisyon ko." Nakasunod pa rin si Hans sa akin hanggang sa makalapit ako sa kotse ko. Tinulungan pa akong ilagay ang maleta ko sa compartment ng kotse tapos ay sumakay na ako sa sasakyan.

            "I'll call. Please let me know if you have any news about her." Ngumiti ako sa kanya.

            Tumango lang si Hans si akin. Pinukpok pa ang hood ng kotse ko at pinaandar ko na iyon paalis doon.

            Maybe the island would give me a fresh start again.

------------

            "Olie!"

            Natatawa na ako habang tumatakbo sa buhanginan si Buddy at Nato para salubungin ako. Nadapa pa nga si Nato at kulang na lang ay yumakap sa akin nang malapitan ako.

            "Kumusta?" bati ko sa kanila. Agad na kinuha ni Buddy ang dala kong maleta at sabay-sabay kaming lumakad patungo sa beach house.

            "Hindi ka namin nakilala. 'Tangina ang pogi mo. Guwapo ka pala kapag wala kang balbas at bigote tapos maayos ang gupit mo." Humahangang sabi ni Nato. "Para kang model, Olie. Punta tayo sa palengke siguradong pagkakaguluhan ka na naman do'n."

            Natawa lang ako. Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay agad na nawala ang ngiti sa labi ko. Memories of LA living here immediately came back in my mind. 'Yong pag-aaway namin kung sino ang may-ari nito. 'Yong naglagay pa siya ng hati para equal sharing daw kami sa lahat. Tinungo ko ang silid at mas lalo akong nalungkot doon. Naroon pa ang kamang binili niya. Maayos naman. Halatang hindi natutulugan. Sa gilid ay nakita ko ang journal niya at binuklat iyo. I read her bucket list. Umasim ang mukha mo. The last part of her bucket list said 'To fall in love.' But where did it get us?

            "Araw-araw kaming naglilinis dito. Ayaw namin na madatnan mong madumi itong bahay. Siguradong kakastiguhin mo kasi kami. Saka pala si Aling Betchay ang humahawak ng mga kinikita sa mga isda. Ayaw naming maghawak ng pera kasi baka magastos lang namin. Mahirap na." Paliwang pa ni Nato.

            Ngumiti lang ako ng mapakla at isinara ang kuwarto.

            "Mamaya alisin 'nyo ang ibang mga gamit doon sa kuwarto. Gusto ko nang malinis iyon," tinungo ko ang kusina at uminom ako ng tubig. Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko dahil sa bawat sulok ng bahay na tingnan ko ay naalala ko lang si LA. Parang mali pa yata na bumalik ako dito. Mas lalo lang pinapaalala ng lugar na ito ang lahat tungkol sa kanya.

            Nakita kong nagkatinginan si Nato at Buddy.

            "Aalisin na namin? Mga gamit ni LA 'yon 'di ba? Hindi na ba siya babalik?" Tanong ni Buddy.

            Umiling ako. "May iba siyang buhay at hindi dito iyon."

            Lumungkot ang mukha ng dalawa. "Sayang naman. Masaya din naman na nandito siya. Nakaka-miss din. 'Yong aso't-pusa 'nyong awayan."

            Napahinga na lang ako ng malalim at pilit na ngumiti sa kanila.

            "Puntahan ko na muna si Aling Betchay sa palengke." Paalam ko sa kanila at lumabas na ako ng bahay. Pakiramdam ko kasi ay sinasakal ako doon. Hindi ako makahinga.

            Maraming bumabati sa akin sa isla at talagang hindi sila makapaniwala sa hitsura ko. Isang taon ba naman kasi ako noon dito na mukhang ermitanyo tapos pagbalik ko dito ay ang linis-linis ng hitsura ko. Pati si Kapitan Jess na kasama ang asawang si Aling Ofelia ay hindi ako nakilala.

            "Si Olie ka ba talaga?" Paniniguro niya habang taas-baba ang tingin sa akin. "Alam mong kapag bagong salta dito sa isla ko dapat dumadaan muna sa opisina ko para magpakilala."

            "Kapitan, ako ho talaga 'to. Nagpagupit lang ako at nag-ahit ng balbas." Natatawa ako kasi si Aling Ofelia ay panay ang ipit ng maiksi at kulot niyang buhok sa tainga niya.

            "Aba, bakit ilang buwan kang nawala? Tapos pagbalik mo dito iba na hitsura mo?" takang-taka pa rin sa hitsura ko. "Hindi ka na mukhang mandaragat."

            "May mga inayos lang ho ako sa Maynila. Family matters."

            "Olie, napaka-guwapo mo naman. Dapat noon ka pa ganyan. Ipinapakita mo sa mga babae dito sa isla kung gaano kaganda kang lalaki." Hindi na nakatiis na hindi sumabad ng asawa ni Kapitan. Nagbu-beautiful eyes pa sa akin si Aling Ofelia.

            "Napupuwing ka ba, Ofelia?" Inis na baling dito ni Kapitan Jess tapos ay muling humarap sa akin. "Sige na. Pumunta ka na kung saan ka pupunta." Pagtataboy nito sa akin. "Siguradong puno na naman ng mga nag-aaway na babae ang opisina ko dahil bumalik na ang lalaking ito."

            Natatawa na lang ako kumaway sa kanila bago dumeretso sa palengke.

            Pagpasok ko pa lang doon ay tinginan na lahat ang mga naroon sa akin. Lahat ay hindi makapaniwala sa hitsura ko. Pati si Aling Netay ay napanganga pa at tinatanong sa mga kasama nito kung sino ako. Lalo pang nagulat nang sa tindahan ni Aling Betchay ako lumapit.

            "Tatlong kilong bangus na lang ang natitira sa paninda ko. Kung kukunin mo lahat ay ibibigay ko na lang ng presyong dalawang kilo," nakayukong sabi nito habang patuloy sa paglilinis ng isda.

            "Aling Betchay." Tawag ko sa kanya.

            Napatigil siya sa paglilinis ng isda at napatingin sa akin. Nakita ko ang kasiyahan sa mukha niya nang makita ako at parang maiiyak pa pero agad na pinigil nito ang sarili. Ipinapakita pa rin na matapang katulad nang una ko siyang makilala.

            "Naku, Olie. Ano pa ba ang ginagawa mo dito? Bakit bumalik ka pa?" Mataray na sabi niya habang sige na naman sa paglilinis ng isda.

            "Kumusta ho? Na-miss ko kayo."

            Totoo naman ang sinasabi kong iyon. Kung malas ako sa pagkakaroon ng katulad ng totoong nanay ko na manipulative, kabaligtaran iyon ni Aling Betchay. Si Aling Betchay ang nagparamdam sa akin na importante ako. Na kahit hindi kami magkadugo, itinuring niya akong parang anak niya.

            "Na-miss." Tonong nagtatampo ito. "Bigla kang nawala ng ilang buwan tapos bigla kang magpapakita dito. Ni hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa iyo. Hindi ka man lang tumatawag."

            Lumapit ako sa kanya at yumakap pero pilit siyang humihiwalay sa akin.

            "Ano ba? Amoy isda ako."

            Natatawa ako at lalo ko lang siyang niyakap ng mahigpit.

            "Dito na uli ako. Magkakasama na uli tayo." Sabi ko sa kanya.

            "Hoy, Olie. Bakit naman si Betchay lang ang may payakap. Marami kami dito," sabad ni Aling Netay na nasa harap na ng tindahan ni Aling Betchay. Nakataas pa ang kilay nito at panay paypay pa.

            "Puwede ba, Netay. Bumalik ka na sa puwesto mo. Huwag kang manggulo dito," pagtataboy dito ni Aling Betchay.

            "Kahit kailan ka talaga masyadong kang- hmp! Akala mo ba ikaw lang ang may bisitang dumating? Mayroon din akong bisita na galing sa Maynila at napakaganda niya." Nanlalaki pa ang mata ni Aling Netay.

            "Wala naman akong pakialam sa bisita mo. 'Di iparada mo." Napaikot pa mata ni Aling Betchay at itinulak talaga ako para makalayo sa kanya.

            Tumaas ang kilay ni Aling Netay. "Baka ligawan 'nyang anak-anakan mo 'yong bisita ko kapag nakita."

            Tumingin sa akin si Aling Betchay. "Nandito ka na naman nga kasi kaya hindi na naman mapapakali ang mga babae dito. Mag-uumpisa na naman ang away dito dahil sa iyo." Tonong nanenermon si Aling Betchay.

            Napakamot ako ng ulo. "Kasalanan ko na naman?"

            "Lahat naman dito kasalanan mo." Umirap pa sa akin si Aling Betchay.

            Natawa na lang ako.

            "Olie, 'yong beach house mo ba puwedeng upahan?" Tanong ni Aling Netay.

            "Aling Netay, hindi ho. Kasi ayaw ko ho talaga nang may kasama sa bahay." Sagot ko.

            Sumimangot ang mukha nito. "Sayang naman. 'Yong bisita ko kasi naghahanap ng matutuluyan dito. Nakita kasi 'yong beach house mo at doon sana gusto."

            "Aling Netay, pumayag na ho ba 'yong may-ari ng beach house na tumira ako doon?"

            Pare-pareho kaming napatingin sa babaeng nagsalita mula sa likuran ni Aling Netay. At napakunot ang noo ko. That voice. I knew that voice. Mabilis kong hinila si Aling Netay para makita ko ang babaeng nagtatago sa likod niya.

            Napaawang ang bibig ko nang makilala ko iyon. Wala akong masabi habang nakatitig lang sa babae at nakangiting nakatingin sa akin.

            "Hi." Nakangiting bati niya.

            Because in front of me was LA and she was smiling at me.

            "Puwede pa bang tumuloy sa beach house mo?" tanong niya. Kitang-kita ko na namumuo ang luha sa mata habang nakatingin sa akin.

            Hindi ako makasagot. After months of missing her, all I ever wanted to do was to embrace her and kiss her.

            Lumapit lang ako sa kanya habang nakatitig sa mukha niya. The last time I saw her face, it has full of bruises. But right now, she was beautiful. Walang kahit na anong galos ang mukha. Maaliwalas na. Halatang wala ng mabigat na problemang dinadala.

            "I fucking missed you." Pagkasabi ko noon ay hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan ko siya sa labi. Hindi ko intindi ang sigawan ng mga tao doon sa palengke. Ang tuksuhan, and pagtitilian.

            Because right now, LA was all that matters. She was here. She was with me and I won't ever let her go again.

            Ever again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top