Chapter Five
Carlo's POV
Inis na inis ako habang inaalis ko ang mga packaging tape na halos pumuno sa buong kuwarto ko. Nakakabuwisit talaga. Pati ang kama, ang mga unan, ang mga kumot punong-puno ng packaging tape. Paano ba iyon nagawa ng babaeng iyon? Sobrang pagod ko ba at hindi ko man lang namalayan na pinupuno na niya ng packaging ang kama ko? Kulang na lang pati ang katawan ko ay lagyan na rin niya ng tape.
Napatingin ako sa bag na nasa isang sulok. Sigurado akong bag iyon ng babaeng naroon. Nilapitan ko at dinampot. Inisa-isa ko ang laman. Ilang pirasong t-shirt, isang short, isang pantalon at ilang piraso ng mga underwears. May isang pouch na kikay kit ang laman. Nakita kong may wallet doon at binuklat ko. May ilang lilibuhin at dinukot ko ang driver's licence na naroon.
LA Monsod.
Iyon ang pangalan na nabasa kong nakasulat. So, her name was LA. And it stands for what? Just fucking LA? Who would name their child LA? Walang kadating-dating. Walang ka-challenge-challenge. Just LA? Tapos ay may nakita akong isang maliit na journal at kinuha iyon.
"Hey! Those are my things!"
Mabilis na lumapit ang babae sa akin at hinablot ang journal at ang bag niya na hawak ko. Pati ang wallet niya at ang id niya.
"I need to know who you are bago kita patirahin dito sa bahay ko. Malay ko ba kung pugante ka o serial killer," sagot ko sa kanya.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Nasa itsura ko ba ang mukhang serial killer o pugante?"
Nagkibit ako ng balikat. "Looks can be deceiving."
"Gago," inis niya akong inirapan at isinuksok ang mga gamit niya sa bag tapos ay niyakap iyon at humarap sa akin. "Mister, pumayag na akong share tayo dito sa bahay pero hindi ako pumapayag na pakialaman mo ang gamit ko lalo na ang buhay ko."
Natawa ako ng nakakaloko. "Excuse me. Walang-wala akong pakialam sa buhay mo. I was living conveniently here by myself tapos dumating ka lang. Ikaw ang nanggugulo dito sa akin."
Napabuga siya ng hangin at napailing tapos ay tinapunan ng tingin ang mga packaging tape na naalis ko na doon.
"Bakit mo inalis? Paano natin malalaman ang boundaries natin? The right side would be yours and the left side is mine."
"Alam mo, miss ayoko talaga ng ganito. Ayoko ng may kasama dito sa bahay ko. Kaya please, please, find your own place para pareho na tayong walang problema. How much did you buy for this house? Tell me, babayaran ko na lang. Just let me live in peace."
Nakita kong saglit na nag-isip ang babae. Parang nagkaroon ako ng pag-asa na iko-consider niya ang sinabi ko.
"Five hundred thousand? Would that be okay?" Nagpa-cute pa ako sa kanya. Sa totoo lang naman kasi, cute din naman ang babae. Siguro kung sa ibang pagkakataon kami nagkakilala, I might ask her out or have a date with her in my bed.
Kumagat-kagat pa ito ng kuko niya at talagang nag-iisip tapos ay tumango-tango.
"Kung ikaw na lang kaya ang bayaran ko? Doblehin ko ang offer mo para umalis ka lang dito?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Kung kanina ay cute ang tingin ko sa kanya, ngayon ay cute pa rin naman siya. Cute siyang sakalin.
"Sabi ko naman, one-month lang. Pagbigyan mo na ako. I love the place. Quiet, peaceful. The sea is always inviting," tumingin pa ito sa bintana na tanaw ang asul na asul na dagat at napaka-kalmado. "The sound of the waves is like a song in my ears and I haven't felt this serenity before. Just a month of experiencing this peace then I'll be gone."
Seryosong-seryoso na ngayon ang mukha niya habang nakatingin sa dagat at pinapanood ang pagtama ng mga alon sa beach shore. Napatingin din ako doon at tulad niya, iyon din naman ang hinahanap ko. Peace.
"I promise I won't be a nuisance here. You want me to remove the packaging tape?" Kumilos ito at tinanggal ang mga packaging tape na idinikit nito sa sahig. Tinungo ang banyo at ganoon din ang ginawa. Inipon ang mga naipong packaging tape at itinapon sa basurahan.
"Okay na ba 'yan?" Tanong pa niya.
Marahan kong hinilot-hilot ang ulo ko. Tumakas nga ako sa pamilya ko para kalimutan ang isang bangungot pero pakiramdam ko naman, nightmare pa rin ang dumating na ito.
But I could see sincerity in her eyes. I think she was just pretending to be tough but deep inside her, she was alone and lonely.
Just like me.
"Fine."
Nakita kong nagliwanag ang mukha ng babae ng marinig ang sinabi ko tapos ay nagpipigil na mapangiti.
"Just one month. Not one month and one day, one month and one week or any other extension. One month then you need to move out."
Lalong lumapad ang ngiti ng babae at napakagat-labi pa. Tingin ko nga ay parang magtatatalon pa sa galak.
"But I'll have this room. You can sleep in the sofa. Sa sala."
Doon nawala ang ngiti niya sa labi. "What? Ako? Babae ako pero pababayaan mo akong matulog sa sala? Sa sofa? Samantalang ang laki ng malambot na kama. Ang daming microfiber na unan at sosolohin mo lahat 'yan?"
"Why? This is mine. I bought this. If you want you can buy your own stuff but, the house is so small and only one bed can fit in this room." Kunwari ay parang nag-iisip pa ako. "Oh, I remember. The house only has one room. My room." Nakangiti pa ako ng nang-aasar sa kanya.
Tingin ko ay talagang pikon na ang babae. At iyon naman talaga ang plano ko. Ipagsiksikan man niya ang sarili niya dito sa bahay ko, uubusin ko naman ang pasensiya niya. Pipikunin ko siya hanggang sa siya na mismo ang kusang umalis dito.
Huminga siya ng malalim at ngumiti ng matamis sa akin.
"Fine. I'll buy my own bed. I'll buy my own comforter and I'll buy my own pillows."
Natawa ako. "At saan mo naman isisiksik iyon dito? Look at this room," iginala ko pa ang paningin sa loob ng kuwarto. "Sa liit nito sa tingin mo ba kakasya pa ang isang kama?"
"Wait and see," ang tamis-tamis ng ngiti niya sa akin at binitbit ang backpack niya at lumabas ng kuwarto.
Sinundan ko siya at tinungo niya ang pinto. Aalis nga siya.
"Wait. Wait. Aalis ka ng ganyan ang suot mo?" Takang tanong ko sa kanya.
"Why?" Tiningnan niya ang sarili. "What's wrong with this?"
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Manipis na sando at short-shorts. Wala pang bra na suot. Kahit laid back life ang meron kami dito sa island, hindi naman halos maghubad na ang mga tao dito. Well, hindi naman siya nakahubad pero sa laki ng boobs niya, pansinin talaga dahil wala man lang siyang bra. And the sando sort of fits her body too kaya kita ang narrow waist plus the short-shorts. Kitang-kita ang mahahaba at makikinis na binti at legs. Well, kahit naman inis ako sa kanya, I still know how to appreciate beauty. And this woman is pretty. Siguradong pagpipiyestahan ang babaeng ito kapag gumala dito sa isla.
"Hindi sanay ang mga tao dito na may pumaparadang ganyan ang suot. Baka ma-eskandalo sila." Iyon na lang ang sinabi ko.
Kumunot ang noo niya at napatingin sa dagat. May ilang mga naliligo doon. May mga foreigners na galing sa kalapit na hotel. Mga naka-trunks ang mga lalaki, ang mga babae ay skimpy swimsuit ang suot. May dalawa pa nga na naka-topless habang nagtatampisaw sa dagat. May nakadapa pa sa buhanginan na wala talagang suot at nagbibilad sa araw.
"'Yung suot ko makaka-offend sa mga taga isla pero 'yung mga foreigners na naka-burles sa dagat okay lang?" Nakataas ang kilay na tanong niya.
Hindi ako nakasagot. Oo nga naman. Nasa beach kami at kung tutuusin normal lang naman ang suot niya. Gusto kong murahin ang sarili ko. The over-zealous me was taking over again.
"Go ahead. Pumarada ka na kung saan mo gustong pumunta." Nilakihan ko pa ang bukas ng pinto.
Ngumiti siya ng nakakainis sa akin at parang nagma-martsang umalis doon. Napailing na lang ako at napatingin sa mga packaging tape na naroon din sa sala. Lilinisin ko na lang ito.
-----------------
Louise's POV
So, gusto niyang angkinin ang kuwarto? Gusto niyang angkinin ang kama? 'Di sige. Kanya na. Bibili na lang ako ng sarili ko. Pero napaisip ako, maliit nga din naman talaga ang bahay. Sakto lang ang mga gamit doon sa sala, sa kusina. Maliit lang din naman ang kuwarto. Isang kama lang talaga ang kasya. Pero dahil naiinis ako sa lalaking iyon at gusto kong ito mismo ang mapikon para umalis sa bahay na iyon, kahit mabawasan ang savings na tinitipid-tipid ko, bibili ako ng sarili kong kama at bahala na kung saan ko iyon ibabalandra sa beach house na iyon.
Pumunta ako sa palengke. Napangiti ako sa sumalubong sa akin. Maingay. Magulo. Maraming nagtitinda ng kung ano-ano. May mga nagbabagsak ng mga sariwang isda na galing sa dagat. Nag-aagawan ang mga tindera na makakuha ng pinakasariwang huli. Lumapit ako sa nagtitinda ng isda at tiningnan ang mga iyon. Nakatuwang tingnan ang malalaking mata ng mga isda kahit hindi ko alam kung anong klaseng isda iyon. Nagbabago ang kulay ng pusit. Narinig ko sa cook namin dati kapag ganoon daw ang pusit siguradong fresh iyon at bagong huli. Ang mga hipon ay nagtatalunan pa sa lalagyan pati ang mga alimasag. Nakakatuwang tingnan. Na-amaze ako lalo ng makita ko ang tindera na naglilinis ng isda. Gusto kong ma-experience iyon. Gusto kong maging tindera ng isda sa palengke.
"Bibili ka ba?" Mataray na tanong ng ale sa akin. Halatang naiinis siya sa presensiya ko habang nililinis niya ang isda. Inilalabas ang bituka at hasang yata ang tawag doon.
"Ah, itatanong ko lang po kung hiring kayo?" Ngumiti ako ng magandang-maganda sa may-edad na babae.
Kumunot ang noo nito sa akin.
"Hiring? Ano 'yon?" Inilagay nito ang nalinis na isda sa isang planggana at kumuha ng mas malaki. Lalo akong na-amaze ng tagain nito ang mga palikpik noon.
"Kung kailangan 'nyo ng assistant. Mag-a-apply sana ako."
Lalong nangunot ang noo nito sa akin. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa tapos ay natawa.
"Miss, baka nagti-trip ka lang. Kung hindi ka bibili, umalis ka na at baka malasin ang mga paninda ko." Pagtataboy niya sa akin.
"Hindi po ako nagbibiro. Mag-a-apply po talaga ako. Kahit maliit ang suweldo. One hundred a day okay na 'yun."
Napahinto ang babae sa ginagawa. "Nababaliw ka ba? One hundred pesos? Sa halagang one hundred pesos payag kang mag-amoy malansa at maglinis ng isda sa palengke?"
Sunod-sunod ang tango ko. Alam kong naguguluhan siya sa akin tapos ay napailing. Napagilid ako dahil may dalawang lalaki na may mga bitbit na malalaking banyera ang paparating.
"Buddy, Nato, fresh ba iyan?" Tanong ng babae sa dalawang lalaking dumatin.
Hindi agad nakasagot ang mga ito at nakatingin lang sa akin. Nakangiti na parang nakakita ng anghel.
"Hoy! 'Yung mga isda ang intindihin 'nyo! Kapag nalaman ni Olie na pinabayaan 'nyo na naman ang mga isda niya patay na naman kayo." Sita dito ng babae.
"Ang ganda naman kasi ng customer mo, Aling Betchay." Sabi ng isang lalaki at nakangiti pa rin sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya kahit na nga napapatingin ako sa sungki-sungki niyang ngipin.
Tumingin sa akin ang babae at muli akong sinipat-sipat.
"Katulong ko 'yan dito." Sabi nito. Nanlaki ang mata ko sa narinig na sinabi niya.
"Aling Betchay, mukhang lalakas itong tindahan mo. Ang ganda kasi ng assistant mo. Saka mukhang mapapadalas ang tambay ko dito," ngiting-ngiti din ang kasama ng lalaking sungki ang ngipin.
"Sige na. Sige na. Ibukod 'nyo na ang mga isda ko. Pakisabi kay Olie sa Linggo na ang bayad nito." Halatang tinataboy na ng ale ang dalawang lalaki na halatang nagpapa-cute pa rin sa akin.
Hindi mawala ang ngiti ng mga ito habang papalayo at nakatingin sa akin.
"Ano ba ang pangalan mo?" Tanong ni Aling Betchay.
"LA po."
"LA? Hindi ba pangalang panlalaki iyon?" Taka nito.
"Uso naman po iyon. Marami naman pong babae ang pangalan ay lalaki lalo na sa Maynila." Katwiran niya.
"Sigurado ka ba sa pinapasok mo? Handa kang mag-amoy isda dito?"
Sunod-sunod ang tango ko. "Willing po akong matuto."
"Siya, siya. Bumalik ka mamaya. Aayusin ko lang ang mga paninda dito."
"Sige po, Aling Betchay. Promise, hindi kayo magsisisi na kinuha 'nyo akong assistant."
Tumango lang ito sa akin at tinalikuran ko na. Hindi mawala ang ngiti ko sa labi habang papunta ako sa nag-iisang bilihan ng furniture doon. May isa na namang na-tick off sa bucket list ko.
Iyon ay ang ma-experience ang maging isang tindera sa palengke.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top