Chapter Fifteen




Carlo's POV

            Inis na inis ako habang hinuhubad ko ang suot kong barong. Damn this cloth. Ang kati na nga ang init pa sa katawan. Dapat talaga hindi na lang ako nagpunta doon at nagmagandang loob na maging escort ni LA. Napahiya pa ako dahil dumating si Grayson. Pagigil kong tinanggal ang huling butones ng barong at nangiwi ako ng matanggal iyon. Ibinato ko sa isang sulok ng tuluyan kong mahubad. Pati ang itim na slacks ganun din ang ginawa ko. Kung sino man ang may-ari nitong ipinahiram ni Aling Betchay na barong at pantalon sa akin siguradong hindi na ito papakinabangan.

            Napahinga ako ng malalim at tinungo ko ang ref. Kumuha ako ng dalawang beer in can at pahilata na naupo sa sofa tapos ay binuksan iyon at dire-diretso kong nilagok. Ang lamig. Ang sarap. Gumuguhit sa lalamunan. Nakakabawas ng inis.

            Naiinis kasi talaga ako. Nakakainis ang maramdaman ko na panakip-butas lang ako doon para maging escort ni LA. Dahil wala ang escort niya, ako ang panabla? Shit. Ayoko ngang sumali sa kabaduyan nila. Napilitan lang talaga ako dahil kay Aling Betchay.

            Si Aling Betchay ba talaga? Aminin mo na. Nagandahan ka naman kay LA.

            Agad kong dinismis ang naisip ko na iyon. Marahan kong hinilot ang ulo ko. Magmula ng dumating dito ang babaeng iyon, napapanay na ang sakit ng ulo. Mina-migraine na yata ako dahil sa dala na stress.

            Muli akong tumungga sa hawak na beer in can at inubos iyon. Binuksan ko uli ang isa at ganoon uli ang ginawa ko. Kumakalma na ako. Nawawala na ang inis ko. Ngayon naman ay napapangiti na ako dahil naalala ko kung gaano kasaya ang mga taga-palengke. Lalo na si Aling Betchay. That was the first time that I saw her smile genuinely. Hindi nakasimangot. Hindi nakasinghal sa mga tao.

Lagi ka na lang nakasimangot. Puno na nga balbas 'yang mukha mo, lagi pang nakakunot ang noo mo. Tapos hindi ka pa ngumingiti

            Parang naririnig ko ba ang boses ni LA na sinasabi iyon. Ganoon ba ako? Masungit? Lagi bang nakakunot ang noo ko at hindi ako ngumingiti? But I have lots of friends here in the island. Kilala ko ang halos lahat ng locals dito at wala naman silang reklamo sa akin. Well, most of the times I wanted to be left alone. Ayoko na kasi ng attachment kahit kanino. Ayoko ng masaktan.

Look at the bright side of life. You wouldn't know what you're missing. Hindi mo alam ang mga masasayang bagay sa buhay na dapat na ginagawa mo nalalampasan mo na pala. Live your life like it is your last every day

Doon ako napahinga ng malalim ng maalala ko ang sinabing iyon ni LA. After what happened in my life, I cannot still look at the bright side. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga tanong kung bakit nangyari sa akin ang mga bagay na iyon. I lost the woman that I love, I lost our baby. I turned my back to my family. Pakiramdam ko patapon na talaga ang buhay ko kaya ako nagsisiksik sa isla na ito.

Kaya in a way, parang naiinggit ako kay LA. Kasi siya parang punong-puno ng buhay. Bubbly, masaya, adventurous. Laging nakatawa. Sa akin lang naman siya laging nakasimangot. Hindi siya takot gawin ang mga bagay na gusto niyang gawin sa buhay niya. Samantalang ako, dala ko pa rin ang takot sa dibdib ko. Siguro epekto ito ng pagpapalaki ni mommy sa akin. Na kailangan ko silang sundin. Na lahat ng sabihin nila ay para sa ikabubuti ko kahit na nga ang totoo ay nakasira iyon ng buhay ko.

Nakatakas nga ako sa anino ni mommy pero pakiramdam ko, lagi pa rin siyang nandiyan para sitahin ang mga ginagawa ko.

Napatingin ako sa telepono ko dahil tumunog iyon. May nag-text. Si Hans.

            Call me.

Himala. Nakaalala ang kulugo kong kaibigan. Dinampot ko ang telepono at tinawagan siya.

"Call you? Bakit? Wala kang load na pantawag?" Natatawang bungad ko sa kanya.

"Gago. Sinubukan ko lang kung sasagot ka. Sa tuwing tatawag kasi ako lagi namang un-attended ang phone mo."

"Alam mo naman na mahirap ang signal sa planeta ko. Balita?" Tumayo ako at muling kumuha ng beer sa ref. Dumiretso na ako sa kuwarto ko at doon na lang ako iinom. Para kung makatulog man ako diretso na ako sa kama.

"Wala naman. Na-miss lang kita. Alam mo bang buntis na uli si Amy."

"Hans," saway ko sa kanya. "Masaya na 'yung tao. Huwag na nating pag-usapan." Napahinga ako ng malalim at binuksan ang beer na hawak ko.

"Sorry. Force of habit. Naaalala ko kasi sa tuwing magkikita tayo noon laging si Amy ang topic natin. Pero tama ka. Masaya naman na talaga siya. Bullet Acosta is taking care of her. He loves her kaya masaya na rin ako doon."

At ganoon din naman ako. Walang halong bitterness, masaya ako para kay Amy.

"Ano nga ang kailangan mo? Talagang nagpatawag ka lang para maghanap ng tsismis? Walang kapana-panabik sa buhay ko. Puro isda ang mga kasama ko." Natatawa na ako ngayon dahil parang nai-imagine ko na ang mukha ni Hans.

Napahinga ito ng malalim. "Na-i-stress kasi ako sa bahay. Ang gulo ng pamilya ko. Something about my cousin Louise. She ran away. Hindi namin alam kung saan matatagpuan. Iniwan ang fiancé niya."

Hindi ako sumagot. I never heard about this cousin of Hans. Kahit matagal na kaming magkaibigan, hindi naman makuwento si Hans pagdating sa mga kamag-anak niya.

"Bakit affected ka?" Umayos ako ng upo sa kama.

"Nakaka-stress nga. Araw-araw kinukulit ako ng Uncle ko kung kino-kontak ako ni Louise. Alam kasi nila na medyo close sa akin ang babaeng iyon. Hindi ko nga alam na kayang gawin iyon ng pinsan ko. Napaka-tahimik na tao noon. Prim and proper. Lagi lang oo ng oo sa mga sinasabi ng daddy niya. Napaka-masunurin sa lahat. She just got engage few days ago tapos biglang naglayas."

Napatawa ako. "Baka naman kasi ayaw pang mag-asawa. Hindi pa handa. Napipilitan lang."

"Iyon nga ang naiisip ko. Pero matagal na sila ng boyfriend niya. Four years na silang steady tapos ngayon pa siya tatakas? I don't understand."

"May kanya-kanyang dahilan ang mga tao. Kung hindi pa siya handa at tinakasan niya, bilib ako sa pinsan mo. At least, nagawa niyang sundin ang gusto niya. Ako, kalalaki kong tao hindi ko nagawa iyon. Natakot akong suwayin sila mommy. Nag-sakripisyo ako para sa family namin and look where it got me. Nasira ang buhay ko dahil sa pagiging mabait na anak." Napatawa ako ng mapakla ng sabihin iyon.

"Umm... about that. Hindi ka man lang ba nangangamusta sa inyo? Hindi mo man lang kinu-kumusta ang asawa mo?"

Para yatang lalong pumait ang pakalasa ko sa beer ng marinig iyon.

"Kung matinong tao si Charlotte, alam niyang wala ng asawa na mangangamusta at babalik sa kanya. She can go to hell for all I care. Damn that woman. Magsama sila ni mommy. May balita ka ba kung naayos na niya ang annulment namin?"

"Gago ka ba? Bakit ko naman itatanong iyon? Iniiwasan ko nga ang mommy mo. Ayoko kayang kaharap 'yun. Lagi na lang nagagalit sa amin kasi kunsintidor daw kami ni Travis sa pagkahumaling mo kay Amy. Tapos kunsintidor din daw kami dahil hindi namin sinasabi sa kanya kung nasaan ka talaga. Sa talaga namang hindi ko alam kung nasaang planeta ka," himig nagtatampo na si Hans.

Natawa na ako. "I won't tell you kung nasaan ako. Basta, okay lang ako dito. Masaya. Walang hassle, walang namemerwisyo sa buhay ko."

"Miss na rin kita, ulol. Nakaka-miss ka din palang kasama." Natatawang sabi ni Hans. "Kita naman tayo minsan nila Travis. Wala na akong makausap na matino. Sa tuwing kausap ko kasi iyon lagi na lang si Liv. Si Liv. Baliw na baliw na sa asawa niya."

Napahalakhak na ako. "Mag-syota ka kasi ng seryoso para maranansan mo ang nararanasan niya. Hindi ka pa kasi nai-inlove. Puro 'yang puson mo lang ang pinapakiramdam mo." Kilala ko naman kasi kung gaano kababaero si Hans.

"Women. Sakit lang sa ulo 'yan. Ayokong matulad sa inyo ni Travis. Mga nabaliw dahil sa babae. Sige. Talk to you again. Okay na ako. Narinig ko na ang boses mong maganda," nang-aasar na sabi ni Hans. "Nasa Mars ka ba? May magaganda bang Martians diyan? Batuhan mo naman ako."

"Sige. Hintayin mo. Papadalhan kita ng butanding." Tumatawang sabi ko.

Tawa lang ang narinig kong sagot ni Hans tapos ay pinatayan na ako ng call.

Tawa pa rin ako ang tawa habang inilalapag ang telepono sa katabing mesa ng kama ko. Pero agad din akong napabangon ng marinig kong parang may dumadating sa bahay. Tumayo ako at sumilip sa bintana. Nakita ko si LA na naglalakad sa buhanginan mag-isa habang suot-suot ang gown niya. Halata sa mukha na naiinis na sa suot. Padabog na ang bawat hakbang ng mga paa.

Tumingin ako sa relo. Pasado alas-nuebe lang. Tapos na ba ang Santacruzan? Ang alam ko pagkatapos noon, mag-i-stay pa sila sa simbahan at pagkatapos may pakain pa sa barangay.

Dumiretso ako sa pinto at bahagya ko iyong binuksan. Sinilip ko si LA. Nasa loob na siya ng bahay at inis na tinatanggal ang mga nakasabit sa ulo niya. Ipit at korona. Tinanggal din ang pagkakapusod ng buhok. Napataas ang kilay ko. Parang slow motion ang kilos niya ng gawin iyon. Lumugay ang mahaba at wavy na buhok. Lalong dumagdag sa ganda niya. Nagmukhang seductive.

"Buwisit. Buwisit!" Inis na inis si LA habang hirap na hirap kung paano tatanggalin ang suot na malaking gown. Hindi niya maabot ang zipper sa likod. Ng walang magawa, pabagsak itong naupo at parang halos malunod sa malaki niyang gown. Inilislis iyon at hinuhubad ang sapatos. Napailing ako habang natatawa kasi sa ilalim ng bonggang gown ay nakasuot siya ng Doc Martens boots niya.

Pabalibag niyang hinubad ang sapatos at ibinato iyon sa kung saan. Saglit na huminto tapos ay tinangka na naman na abutin ang zipper ng damit niya sa likod. Napasigaw na ito sa sobrang frustration dahil hindi talaga niya magawang tanggalin iyon.

Doon na ako lumabas at nagkunwa akong pupunta sa kusina.

"O? Nandito ka na agad? Tapos na ang sagala 'nyo?"

Sinamaan niya ako ng tingin at nanatiling nakaupo sa sofa ng nakasimangot.

"'Di ba may kainan pa kayo after ng sagala?" Tanong ko pa at nagbukas ng ref. Muli akong kumuha ng beer doon.

"May extra ka pa?" Tanong niya sa akin.

"Na ano?" Kunot-noong tanong ko.

Ngumuso siya. "Beer. Penge isa."

Parang ayoko siyang bigyan. Mamaya gawin na naman niyang inidoro ang bawat parte ng bahay ko.

"Don't worry hindi ako magpapakalango. Penge lang isa. Naba-badtrip kasi ako."

Kahit nagdadalawang-isip ay ibinigay ko sa kanya ang hawak kong beer tapos ay kumuha ako ng para sa akin.

"Isa lang 'yan, ha? Hindi na kita bibigyan uli."

Hindi sumagot si LA. Dire-diretsong ininom ang laman ng beer in can.

"Anong nangyari?" Nacu-curious ako kung bakit mainit ang ulo niyang umuwi.

Tumayo siya at ipinakita ang gown niya na may mga mantsa na kung ano. Ano 'yun? Tapos noon ko lang naamoy. Amoy malansa nga si LA.

"Ano 'yan?" Taka ko at lumapit pa ako para tingnan kung ano ang mga iyon.

"Ang gago mong syota. Pinagbabato ako ng itlog habang pabalik na kami sa simbahan. Ang pangit ng ugali ng syota mo. Hindi marunong tumanggap ng pagkatalo," parang uusok ang ilong ni LA.

"Si Vinah?" Hindi yata ako maniwala na magagawa iyon ni Vinah. I couldn't imagine that she would go that low dahil lang sa hindi naging Reyna Elena.

"Hindi ko nakita pero may mga nakakita sa kanya. Nakakainis. Gusto ko ba 'to? Pinagbigyan ko lang naman ang mga tao. Anong magagawa ko kung ayaw na sa kanya. Leche siya. Lunurin ko siya dito sa gown na suot ko!" Galit na galit talaga siya LA at nagpipilit na naman na abutin ang zipper ng gown niya sa likuran. Malakas siyang sumigaw dahil hindi niya magawa iyon.

Napahinga ako ng malalim at ipinatong ko sa mesa ang hawak kong beer tapos ay pumuwesto ako sa likuran niya. Ako na ang nag-zipper pababa ng suot niyang gown.

At parang nagkamali ako sa ginawa ko. Kasi, pagbukas pa lang ng zipper ay tumambad na sa akin ang makinis at balbon niyang likod. Wala pa siyang suot na bra? Napapalunok ako dahil habang ibinababa ko ang zipper, nakita ko din na nakasuot siya ng black g-string panty.

Nanuyot yata ang lalamunan ko at parang sumikip ang pantalon na suot ko kaya mabilis akong lumayo sa kanya. Dinampot ko ang beer at naubos ko ang laman noon dahil parang uhaw na uhaw ako.

"Okay na?" Tanong pa niya at kinakapa ang zipper sa likod. Parang nakahinga ng maluwag ng malaman na nakatanggal na iyon.

Ako? HIndi ako makasagot. Hindi ko nga kayang magtagal dito. Nagmamadali akong pumunta sa kuwarto ko at nagkulong sa banyo. Humihingal pa ako at napatingin ako sa pagitan ng hita ko.

Shit! I am having a fucking hard on!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top