Chapter 9: Capacity

Chapter 9: Capacity


Sierah's Point Of View.

Naging tahimik ako dahil sa naging sagot ni Yuno, nasa gilid lang ako at tahimik na umiinom ng wine. Maya-maya ay pinili ko muna magpahangin dahil nahihilo na ako.

Nang tumulala ay nasapo ko ang mukha at napahilamos, hindi ko na rin alam. Hindi ko maintindahan kung bakit niya ako ginawang girlfriend niya.

"That's your boyfriend huh? He denied that he's taken." I heard Yeon's sarcastic voice behind me.

"I told you, you're digging up your own grave." His deep voice made me feel irritated yet I didn't complain.

He's right anyway.

I'm really stupid.

"He can't lose you both so he did that, based on my speculation and intuition. Hope I'm wrong," He sarcastically said so I sighed.

"Pwede niya naman sabihing may girlfriend siya kahit hindi niya sabihin ang pangalan ko ay ayos lang." Mahinang bulong ko sa hangin, mahina siyang natawa kaya ngumuso ako.

Pinipigilan maluha, dinadamdam ang kaninang narinig. "You're stupid, Sie. You gave him unconditional love and he can't even tell the world he's damn taken." I chuckled in pain at what he said.

He's damn spitting facts.

"Hindi ko ba deserve maipagmalaki?" Biglang bulong ko sa sarili tsaka ako matunog na bumuntong hininga.

"You're just stupid to settle for less—" Bigla ay nasapo ko ang mukha dahil hindi ko na mapigilang hindi umiyak.

Para akong baso na napuno, "Are you crying?" Nabigla niyang tanong at sinisilip ang mukha ko bahagyaang ina-alis pa ang pinangtatakip ko sa mukha.

"H-Hey," his voice became soft and he poked my shoulders a lot of times 'cause I can't stop sobbing.

"Sorry. I'm sorry," ilang segundo ay tumigil ako dahil nags-sorry siya ng hindi naman siya ang may kasalanan.

"W-What?" Nakangusong tanong ko.

Naayos niya ang salamin, "Wala, stop crying. You look ugly." He looked away and sighed.

Maya-maya ay inilahad niya ang palad kaya naman napatitig ako sa panyo na hawak niya, kinuha ko 'yon at pinunasan ang mata at pisngi ko.

"Halata ba?" Namaos at napasinghot pa ako.

"A little."

"Ask him first why he hid about it, d-don't fall into false accusations." Nabibigla ko siyang tinignan pero huminga siya ng malalim at tinalikuran na ako.

Akala ko ba kanina sabi niya itinago ako, but right now why does he want me to confirm things with Yuno?

Later on bumalik na ako sa loob and got my own wine again, naupo ako sa tabi ni Jami dahilan para magulat siya lalo na nang sumandal ako sa balikat niya.

"Are you drunk ate?" She innocently asked and glanced her head a little.

"Nope." Bulong ko.

"Look at Zian ate, tamang babae lang." she chuckled while watching Zian and Arkeb making Zian stop on his business.

Later on I saw Yuno walked near our table, hindi lang naupo pa talaga siya sa harapan namin dahilan para pumikit ako dahil hindi ko alam ang mararamdaman oras na dumapo ang mata niya sa katabi ko.

Who would he pick to stare at?

"Is she sleeping?" Napalunok ako nang marinig ang boses ni Yeon.

"Is she?" Kwestyon naman ni Jami.

"Baka napainom?" Baka sakali ni Yamato kaya bumangon ako at tahimik na sumimsim sa baso ko dahilan para panoorin nila ako ng may pagtataka.

Hindi ko na sila tinignan, hanggang sa maya-maya ay wala akong choice dahil makakahalata ang iba.

"Hmm, why does my daughter look upset?" Natigilan ako nang marinig ang boses ni daddy dahilan para tumayo ako at humalik sa pisngi niya.

"Inaway mo yata Mr. Villamos." Natatawang sabi ni daddy kaya napatikhim ako.

"Of course not, Mr. Garcia." Yeon replied while smirking.

"Oh nagkita tayo ulit Yuno." Nakangiting sabi ni daddy kaya naman nang maupo siya sa table namin ay ngumiti si Yuno sa kaniya.

"Yes Tito Zai, how are you doing po?" Hinayaan ko sila mag-usap.

"Good, busy lang talaga kasi alam mo na medical field needs someone like me," ngumuso ako sa mahangin na sinabi ni daddy but it's true.

He's a good doctor, kaya kahit na mahal niya ang business ay nasa medical pa rin siya. Pag nag-retire raw siya tsaka siya magf-focus sa business.

For now kami raw muna ni mommy, my mommy naman is a teacher and a businesswoman rin.

"Drink responsibly anak." Paalala ni daddy at tinapik ako sa balikat, "Puntahan ko muna ang mommy mo at baka binabakuran ng iba." Pabirong sabi ni daddy kaya natawa ako.

"Okay daddy."

Pagka-alis ni daddy ay napasulyap ako kay Yeon na napatikhim pa habang tinataktak ng kuko niya sa daliri ang mesa.

Sunod kong tinignan si Yuno ngunit umiwas tingin ako kaagad ng makita ko siyang nakatingin kay Jami pero agad niya naman na napansin 'yon.

Later on medyo tipsy na ako, "That's enough na." Kinuha ni Yuno ang baso sa kamay ko kaya nangunot ang noo ko ay sinamaan siya ng tingin.

"Don't meddle with my wants." Reklamo ko at tinungga ang nasa baso ko.

"Malalasing ka niyan," natawa ako sa sinabi ni Yuno.

"Alak 'to 'di ba? May hindi ba nalalasing sa alak?" Sarkastikong tanong ko.

"I know, but—"

"Let's go love, let's go home." Malambing na sabi ko habang nakatingin sa mukha ni Yuno tsaka ko biglang iniiwas sa kaniya ang tingin at ibinaling ko ang atensyon kay Yeon.

I saw Yuno's jaw moved as he look away, inalalayan ako ni Yeon kaya sinadya ko na yumakap sa bewang niya. Nang malapit na sa car niya ay may humawak sa braso ko kaya napalingon kami.

"What?"

"Ako na maghahatid sa'yo, Sierah." Kalmadong sabi ni Yuno kaya nangunot ang noo ko.

"Si Yeon na, bumalik ka na lang sa loob at bantayan yung kung sino man." Sarkastiko man ang tinig ko ngunit ang katotohanan ay nasasaktan ako.

"Sie, ako na." Mahinahon niyang sabi at pilit na hinahawakan ang kamay ko ngunit iniiwas ko 'yon.

"C'mon, don't act like you wanted to do this. Si Yeon na, at least Yeon is honest that he doesn't like me." Pabulong na sabi ko.

"I'd like that better, rather than someone pretending to like me." Bumuntong hininga si Yuno at nasapo ang noo.

"That's why I'm going to take you home so we can talk privately." Yuno said, Napatingin ako kay Yeon.

"I guess that's better for both of you, Sie. You can go with him," Yeon decided to say that despite knowing what I feel right now.

"C'mon Sie, talk to him. Pag malabo you can come to me," Yeon smiled and made me gulp.

"Okay." I nodded and obeyed him instantly.

Nang makasakay sa sasakyan ni Yuno ay nag-suot ako ng belt at tahimik lang na hinintay umandar ang sasakyan.

"Ano?" Panimula ko.

"Why are you mad at me, Sierah?" Panimula niya at nagmane-obra.

"Hindi mo alam?" Kwestyon ko.

"Hindi mo alam?" Galit na sabi ko na sa kaniya.

"I don't think so, Sierah."

"Tell me everything that you think is making me mad, everything." Mariing sabi ko, waiting for him to spill the reason.

"Is it because you saw me with Jami?" Tumaas ang kilay ko, naging magkasama sila together? Alone?

"More." Bulong ko, pinipigilan ang bugso ng puso.

"Nakita mong tinititigan ko siya?" Ngumiwi ang labi ko sa sinabi niya.

"More, Yuno."

"Because I teased her? Because I tried to touch her face?" Napapikit ako sa huling tinanong niya, nasapo ko ang noo.

"I just found something I didn't even see." Nakagat ko ang ibabang labi.

"Dami mo palang ginawa." Peke akong tumawa.

"Sorry, Sierah." Napayuko ako pinipigilang maluha.

"Why didn't you tell them you have a girlfriend?" Sumbat ko na, napatigil siya.

"Dahil paniguradong tatanungin nila kung sino, hindi ko naman pwedeng sabihin na ikaw." Ngumiwi ako sa dahilan niya.

"Pwede mo namang sabihin na may girlfriend ka kahit hindi mo ako banggitin." Masama ang loob na sabi ko, napasulyap siya sa akin kahit nagd-drive siya.

"Hindi ko naisip—"

"Hindi mo naisip o baka dahil nasa paligid si Jami at umaasa ka na may pag-asa pa kayo?" Pampa-pranka ko dahilan para maitigil niya ang sasakyan sa gilid.

"Ano bang sinasabi mo, Sierah?" Nanlulumo niyang tanong.

"Aminin mo na lang, kaya hindi mo maamin dahil ayaw mo isipin ni Jami na may girlfriend ka—"

"Sierah." Mariing tawag niya sa pangalan ko.

"Totoo naman." Bulong ko.

"Alam ng lahat na nobyo mo si Yeon, Sierah. Hindi naman ako tumutol doon, proud ka pa ngang ipinakilala siya sa amin kanina." Sumbat niya at napahilamos ng mukha.

"Look, I just denied it to make the story short." Ngumisi ako ay tinitigan siya.

"Siya nga ang pinakilala mo kahit na ako ang boyfriend mo—"

"Pwede ba huwag kang umasta na nasasaktan ka dahil doon?!" Nang magtaas ako ng boses ay napatitig siya sa akin.

"Kahit naman anong gawin naming dalawa hindi ka masasaktan! O sige, sabihin nating wala si Yeon, walang kontrata masasabi mo ba sa harapan ni Jami na ako ang girlfriend mo?!" Napatigil siya at tsaka umiwas tingin.

Ang nag-aalala niyang mata ay biglang sumeryoso ang tingin sa kalsada, "O 'di ba? Wala kang masabi kasi nagsasabi ako ng totoo!"

"Okay." Matipid niyang sagot dahilan para mas masaktan ako sa naging tugon niya, I asked for his honesty yet it hurts me so much.

Napaiwas tingin ako sa kaniya nang may luha na tumulo sa mata ko dala ng sama ng loob, ang sakit sakit.

He continued driving and I was being silenced, pinatatahimik ako ng sagot niya. Nang maka-park ay derederetso akong bumaba.

Walang lingunan at mabigat ang bawat yabag ng paa, "Sierah, sandali." Humabol siya ngunit nagtataka ako kung para saan pa.

Dumeretso ako sa elevator at mabilis siyang napasunod sa loob bago sumarado, "Bakit ka pa ba sumusunod? Tapos na tayo mag-usap." Mariing sabi ko.

"Not yet, I still need to apologize." Napairap ako at dumistansya sa kaniya.

Nang nasa floor ko na ay humabol siya muli, "Sierah, I'm really sorry." Nang mahuli niya ang kamay ko at hilain ako para mapaharap sa kaniya ay hindi ko na mapigilan ang luha.

"Ang sakit mo naman kasing mahalin Yuno!" Bulyaw ko at hinampas siya sa dibdib.

"Ang hirap mong mahalin! Binigyan mo ako ng chance pero nasaan? Hindi ko sila maramdaman!" Nasapo ko ang mukha upang pahirin ang luha.

"Kasi kahit anong pilit ko, Jami, Jami, Jami pa rin!" Sinamaan ko siya ng tingin habang tumatangis ang mga mata ko.

Kagat labi siyang huminga ng malalim, "Sorry, I swear h-hindi ko alam na masasaktan ka nang itanggi ko na wala akong girlfriend. I-I would tell them that I have a girlfriend, sasabihin ko na pag tinanong nila." Napatitig ako sa kaniya habang umiiyak pa rin.

Hindi ko talaga siya maintindihan, "Alam mo, hindi ko alam kung para saan 'to eh. Hindi mo naman ako kayang gustuhin so bakit pinagagaan mo pa ang loob ko?" Naguguluhan at natutuliro kong tanong sa kaniya.

"Hindi mo ako gusto kaya bakit mo gagawin ang mga bagay na 'yan para lang hindi ako magalit? Ang gulo mo eh." Pasinghal na sabi ko.

"What's your reason behind those actions, Yuno? Why do you even bother keeping me here!?" Napayuko siya at nasapo ang mukha.

"H-Hindi ko rin alam Sierah, hindi ko rin maintindihan." Nanlumo ako sa sagot niya.

"I don't even know why I decided to do that, why I decided to keep you here beside me." He explained, I chuckled and sighed.

"I have a lot of reasons, Yuno, reasons to like you. I know you don't care if you lose me but don't wait for me to lose all of that reason." Seryosong sabi ko tsaka ako tumayo upang pumasok sa kwarto ko, humiga na ako sa kama kahit ganito pa ang suot ko.

Wala akong gana gumalaw galaw.

Iniwan ko siyang nakatitig sa akin doon sa sala, kakalimutan ko muna ang sakit bago ko siya harapin muli.


A week later, nag-focus ako sa studies ko. Hindi ko siya tinawagan o ginulo, inaral ko lahat ng notes ni Yeon na binigay niya na sa akin.

Pagkatapos ng klase ko ay lumabas na ako ng room pero halos bumalik ako sa loob ng room sa sahig sa malakas na tulak ni Riley na hindi ko inaasahan.

Umawang ang labi ko sa sakit ng pagtama ng pwet ko sa sahig, "What the hell is your problem?" Galit na sabi ko.

"Ikaw, ano pa ba?" Kumuyom ang kamao ko at tumayo sa sarili kong paa. Wala kasi ang mga kaibigan ko rito.

"Naiinis ka ba sa akin dahil nalalamangan na kita sa score sheet?" Asar ko lalo sa kaniya.

Gigil na gigil niya akong tinignan, "Maybe you're making Yeon Villamos answer your school papers!" Umawang ang labi ko at natawa.

"Bakit ko gagawin 'yon?" Sumbat ko.

"At first Riley, baka nakakalimutan mong ako ang nanguna sa klase noon?" Mariing sumbat ko sa kaniya upang maalala niya na parati ko siyang nasa ibaba noon.

"Noon na 'yon—"

"Ano ngayon?" Balik tanong ko, mainit ang ulo ko at wala akong plano na habaan ang pasensya ko sa kahit na sino.

"You're getting on my nerves!" Napapikit ako nang hindi ko naiwasan ang mabilis at malakas niyang sampal.

Huminga ako ng malalim, pinipigilang magalit. "Tumawag kayo ng prof!"

Kumuyom ang kamao ko at sasapakin na sana siya pero may mabilis na pumagitna at umawang ang labi ko nang itulak ako sa balikat ng nobyo ni Riley.

Tumama ang likod ko sa pinto dahil doon, ininda ko 'yon ng tahimik.

"Tumawag kayo dali!"

"Dalian niyo!"

"Bro tama na 'yan bro—"

"Tabi!" Sigaw ng nobyo ni Riley at mukhang balak pa sana akong saktan ngunit may nagsalita sa gilid.

"Touch my girlfriend once more, I'll fucking crack your knuckles." Nagulat ako nang makita si Yeon na naglalakad papalapit sa akin.

Wow, when did he act so good?

"At sino ka namang mayabang?" Seryoso lang si Yeon nang tanungin siya no'n.

"The boyfriend?" Sagot ni Yeon at tinalikuran yung dalawa tsaka minasdan ako, nang dumapo ang palad niya sa pisngi ko ay alam ko na namumula ang mukha ko sa sampal.

"You look dirty," Yeon sighed after saying those and placed his suit on the top of my shoulders that left him with only a plain button up polo.

Nang akbayan niya ako ay napakagat ako sa labi, "I'll have her medical check up and if you happen to broke one of her bones, any bruises and scratches. I'll file a lawsuit for you, both of you." Tumikhim si Yeon at sinulyapan ako.

"Let's not waste our energy on those two, okay? Let's go." Kinuha na ako ni Yeon at tinangay papaalis doon, hindi ko inaasahan na mawawala ang galit ko dahil sa pag-extra niya.

"You did great back there," I joked.

"Hmm." Tumango lang siya at nagsalubong na ang kilay.

"I heard you're doing great." Pagkalingon ko sa kaniya ay magkalapat ang labi niya at deretso 'yon.

"I did, I really focused on my studies this week. Trying to unwind myself in the meantime?" I replied, he didn't speak about Yuno the whole time we're together.

He seemed to know what happened, "I have a problem right now, want to have a long drive tonight?"

Napalingon ako sa kaniya kaagad, siguro yung lolo niya na naman yung problema?

"Mamayang gabi? Agad?" Tanong ko.

"If you're busy and—"

"Let's go then, sa malayo ah." I suggested.

"Alright." Tumango siya.

Ngumiti naman ako, "Uy four-eyed kumusta si Azi?" Biglang tanong ko.

"He's good, fish-eyed." Ngumiwi ako sa sinabi niya.

Asar-talo pa man din ako.

Sumakay kami sa sasakyan niya kaya naman ibinaba ko sandali ang nasa taas sa tapat ko para makapag-salamin sandali, habang inaayos ko ang buhok ko ay napansin ko na nakatingin si Yeon sa akin.

Kaya nilingon ko siya ngunit mabilis siyang tumingin sa manibela niya at tsaka siya umandar.

What's his problem?

"Uwi muna tayo." Hindi na ako umimik.

Kinagabihan ay may dala rin siyang plastic bag, malaki 'yon at may kung anong laman. I just wore a zip up black hoodie and a black sleeveless top at simpleng trousers para comfortable pa rin.

Ngunit si Yeon ay naka-jogging pants at gray hoodie lang. Terno.

Pagkasakay ay tahimik lang ako, "You can play a music if you want." He opened the player in his car, touch screen 'yon kaya ngumuso ako at tinignan ang music ko sa phone.

"W-Wala akong music." Nahihiyang sabi ko, napatigil siya at napalunok ako nang i-abot niya sa akin yung cellphone niya.

Naguguluhan akong hinawakan 'yon, "M-May password."

"Ah, same sa condo ko." Tumikhim ako at nilagay 'yon, his wallpaper is so plain and dull.

Naghanap ako ng music at nagsimula naman na kaming lumayo sa kung saan kami galing, bawat nadadaanan namin na orange na ilaw ay ang ganda sa pakiramdam.


[The Night Is Still Young By Nicki Minaj slowed, playing.]

[Dapat mayroong isang GIF o video rito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]



Mapait akong napangiti sa ganda ng kanta, I glanced at Yeon who's silently vibing on the music, his fingers were tapping the steering wheel gently.

His car is fully air conditioned, "Can I open the windows?" I wondered.

"Later, Sie. It's a little bit polluted, 10 minutes and you can." He kindly answered my question and made me stare at him unbelievably.

Why is he so kind?

Baka dahil mas iniisip niya ang problema niya kesa sa pag-uugali niya?

Sige, kakausapin ko siya tungkol sa problema niya mamaya.

Napatigil ako sa pagsabay sa pakantang pabulong nang mag-notify ang cellphone ko.

I checked it and his messages gave me an uncomfortable feeling in my heart, Yuniko Marshall.


From Yuniko:

   I'm really sorry, Sierah. I hope we can talk tomorrow morning. I'll go to you.


After a week, he came to me. He contacted me first, I don't get why he did this pa.

I'm the only one who likes him.

Itinago ko ang cellphone ko at hindi muna inisip ang bagay na nakakapanakit sa akin. Gusto ko matahimik, kahit sandalian lang.

And having Yuno in my mind is messing me up, distracting and hurting me. I can't afford Yuno to make me feel this way.

After an hour's drive he slowed down and glanced at me. "Are you alright?" Yeon kept on checking me, siya naman ang may problema.

"Four-eyed hindi ako sanay sa ganiyang trato mo ha," natatawang asar ko sa kaniya.

"Ah, Edi huwag na." Maarte niyang sabi kaya natawa ako, he kept on driving and I was enjoying the view.

Kahit hindi kami gaano nag-uusap ay nage-enjoy ako, "Sa tingin mo ba anong klase ang meron na buhay ako?" Biglang tanong ko.

"Just put your feet on my shoes. What do you think of my life?" I curiously asked, gusto ko lang malaman kung anong tingin niya sa buhay ko.

"Well, your parents love you so much. I can see that you also have cousins and friends to rely on every time you need someone." Napasulyap siya sa akin dahil wala namang gaanong sasakyan sa kalsada.

"Ah, ano pa?"

"I guess you're living your life, ang hindi lang gaano maganda ay ang love matters mo." Ngumisi ang labi niya.

"Yeah. Sinabi mo pa," we both laughed.

"What about me, Sie? What do you think of the life I'm living?" Sobrang lalim ng pagkakatanong niya ngunit naunawaan ko kaagad.

"Hmm, tiring yet good?" Hula ko.

"Why?"

"Tiring because you need to be obedient to your family, good because you're still lucky that you're a genius four-eyed, a good son, grandson, and wealthy." Pagsasabi ko ng totoo.

"And you met me in the process, maganda na sasagana pa ang buhay mo dahil sa kagandahan kong dala puta—" Halos mamura ko siya nang bigla siyang nagpreno.

"Yeon!" Bulyaw ko.

"Sorry, hinangin yung paa ko sa break. Lumakas kasi yung hangin sa loob ng car." Parinig niya kaya ngumuso ako.

"Epal." Bulong ko.

Sa tagal niyang nag-drive ay napatigil kami sa isang pabundok sa lugar na 'to, halos three hours rin kaming nasa sasakyan.

Namangha ako nang kitang kita ang buwan at mga bituin rito, "Time check, Sie?" Nang ma-realize na hawak ko pa rin ang phone niya ay nahiya ako.

"11:30pm."

"May pasok ka?" He asked.

"Half day, 1pm start." Sagot ko.

"Nice, I brought a beer." Napangiti ako nang makita na may dala siyang blanket para ilatag sa masagana at malinis na damo.

Maayos at kasama rin ang ibang pagkain na dala niya, naupo ako at humiga doon para napanood ang mga bituin at buwan.

Naupo siya sa tabi ko at tumingala kahit nakaupo, "Siguro ganito ginawa mo sa mga babaeng gusto mo noon 'no?" Hula ko at tinitigan siya.

Nalingon niya ako at inayos ang salamin na suot, "Gusto ba kita?" Nanlaki ang mata ko.

"Tanga, ibig kong sabihin four-eyed ginagawa mo siguro 'to sa mga babaeng nagustuhan mo ganoon!"

"Then why did you come to that conclusion?" Nakagat ko ang dila ng sadya dahil sa sinabi niya, oo nga naman.

"W-Wala."

"Hindi ko naman talaga alam," sagot ko ay umirap.

He opened the can of beer and handed one to me. Bago tikman 'yon ay pinagtama ko ng dahan-dahan yung can namin for cheers or toast.

Napalingon pa siya sa akin dahil sa ginawa ko, "Well, the steak is not hot anymore." Nalingon ko si Yeon na binuksan ang isang laman ng paper bag.

He used a plastic fork and taste one, nangunot ang noo ko kaya kinuha ko ang hawak niyang fork at ginamit rin 'yon.

"What the fuck? I used that." Seryosong sabi niya tinuturo ang kamay ko.

"So?" I asked back.

"Hinalikan mo nga ako tapos magrereklamo ka pa kung iisa tayo ng gagamitin? Wow ha." He raised his left upper lip and sighed.

"So anong problema mo?" Tanong ko nang maka-tatlong can na kami ng beer.

"Ayoko pag-usapan, pumunta nga tayo rito para makahinga ng maluwag." Nang magtagalong siya ay tumaas ang gilid ng labi ko.

"Napapadalas na tagalog mo ah, nahahawa ka na ba sa akin?" I teased him and glanced at me with a glare on his eyes.

"What the heck are you talking about, I can speak any language I want, dumb." Ngumuso ako sa masungit niyang sabi.

Uminom na lang kami dahil wala talaga siyang kwenta kausap parati. Makalipas ang isang oras ay inaantok na ako, humilata ako sandali sa nakalatag at tumitig sa stars.

"Sana nagagawa rin namin 'to ni Yuno," bulong ko sa sarili at itinaas ang kamay ko na para bang inaabot ko ang mga bituin.

"You wish I was him, huh?" Napatitig ako kay Yeon sa kaniyang sinabi.

"Why don't you just forget him and start loving me, baka suklian pa kita ng sobra sa ibinayad mo." Nanlaki ang mata ko at natawa sa sinabi ni Yeon.

"Hoy Gavril huwag kang ganiyan, epal 'to." I laughed.

"Medyo seryoso naman ako." Bulong niya.

"Bakit, nagugustuhan mo na ba ako?" Sumbat ko at tinitigan ang hazel niyang mata.

Umiwas tingin siya, "Of course not."

"Weh? Baka crush mo 'ko rapos nililihim mo ha? Ganiyan sa mga libro at palabas eh." Pagsasabi ko pa, "Ikaw ha—'

"Hindi kita gusto, huwag kang managinip ng gising. Bakiw." Ngumiti ako at tsaka tinaasan siya ng kilay.

"Baka kinililig ka habang dinedeny ang feelings mo sa akin? Uyyy." Tinusok ko ang tagiliran niya dahilan para mapapitlag siya at ngumiwi.

"Isa." Sita niya.

"Uy kinikilig, namumula ka oh—"

"Uy—" Naputol yung sasabihin ko nang bigla niya akong yukuin sa pagkakahiga ko sa blanket dahilan para maging sobrang lapit ang mukha naming dalawa.

Lumunok ako at napakurap ng maraming beses, "Your eyes just showed me you're attacted, does this make your heart flutter?" Halos mag-tumbling ako papalayo sa kaniya nang haplusin niya ang pisngi ko.

He chuckled, "Try me, Sierah." Mayabang niyang sabi.

"K dot." Bulong ko.

"Pag hinalikan kita diyan edi kinilig ka, wews." Asar ko.

"Try me, Sie. So we'll see." That rhymed well, ano ba 'yan!

"K dot." Singhal ko at uminom na lang.

"Kumusta kayo ni Yuno?" Biglang tanong niya, natigilan ako nang alisin niya ang salamin at isabit sa dibdib niya.

"Wala, 'di ko alam." Sagot ko.

"Hmm, nag-usap na kayo?"

"Yeah, we argued."

"I'm talking about usap," paglilinaw niya.

"Halata naman na gusto niya si Jami, kaya hindi niya masabi na may girlfriend siya kasi umaasa pa rin siya." Masungit ko na sabi, nasasaktan.

"But he's coming back to you tho?"

"Yeah, he is. But how about his heart who stayed on my cousin? Wala. Walang silbe lahat." Kwento ko pa sa kaniya.

Hindi na siya umimik kaya humiga na lang ako, "I'm sleepy na." Bulong ko.

Naalimpungatan ako nang magising dahil sa bango nang yakap-yakap ko na unan, sobrang hangin rin at ang nakayakap na kumot sa akin ay sobrang kapal.

Napamulat ako ngunit halos maitulak ko si Yeon na nagulat rin at napabangon. "What happened?" Gulat niyang sabi at nahawakan ang dibdib.

"Aish." Reklamo ko at tumayo.

Napailing ako at nasapo ang ulo ko na sumakit, sumakay na ako sasakyan at ganoon rin si Yeon. "My head hurts, tangina." Napalingon ako kay Yeon at mabilis na umiwas tingin.

Nakatulog lang bakit may kayakap na kinaumagahan, pasikat na rin ang araw kaya umalis na kami kaagad para bumyahe.

Napatingin ako sa cellphone ko na maraming text messages, IG messages.


@yunoyummers: You didn't go home, Sierah?

@yunoyummers: Walang tao sa loob ng condo mo, nasaan ka?

@yunoyummers: I'll check your home.

@yunoyummers: Sierah wala ka raw sa bahay niyo sabi ni Zian, saan ka? Wala ka rin kila Jami.

@yunoyummers: You're making me worry.

@yunoyummers: Tawagan mo 'ko Sierah.

@yunoyummers: Anong oras na bakit hindi ka pa nakakauwi? Nasaan ka?

@yunoyummers: Wala ka rin sa mga kaibigan mo, Sierah.

@yunoyummers: Are you safe? Tangina, nag-aalala ako sa'yo.

@yunoyummers: Wala naman raw sa Palawan sabi ni Tito Zai.

@yunoyummers: Nasaan ka?

@yunoyummers: 3am na Sierah.

@yunoyummers: 4am na, tama bang uwi 'yan ng bente anyos?

@yunoyummers: Hays.

@yunoyummers: Iniiwasan mo ba ako?


Nanlulumo kong sinapo ang mukha tsaka bumuntong hininga, hindi ko rin alam Yuno.


@gsierah: Huwag mo na akong hanapin. Hindi ko rin maintindihan kung para saan pa 'tong pag-aalala mo sa akin.


Itinago ko na ang cellphone ko, 7:30am na kami nakarating sa condo building sabay na rin kami pumasom ni Yeon sa lobby dahil inaantok siya.

Hanggang sa pagkapasok sa lobby ay napatigil kaming dalawa dahil nakita namin ang salubong na kilay ni Yuno at ang magkakrus niyang braso sa dibdib.

Tumayo siya, "Saan kayo galing?" Tanong niya agad.

"Outside." Seryosong sagot ni Yeon.

"Amoy alak kayo oh, saan kayo uminom? Saan kayo natulog?" Tila napipikon na sabi ni Yuno kaya ngumiwi ako.

"Aakyat na ako." Mahinang sabi ko at nilampasan siya.

"Sierah naman." Sumunod siya sa akin at hinawakan ako sa braso, ngumiwi ako at inalis ang pagkakahawak niya.

Nakasakay na kami sa elevator at hinayaan kami ni Yeon na dalawa ang nandoon, sa kabilang elevator siya sumakay.

Tahimik lang akong nasa elevator, "Are you two together the whole night?" Sinulyapan ko lang si Yuno at hindi sinagot.

"Have you received my calls? My text?" Hindi ko siya pinansin.

"Sierah, b-boyfriend mo 'ko." Peke akong natawa sa sinabi niya.

"Girlfriend ba tingin mo sa akin?" Sumbat ko.

"Bakit hinintay mo pa 'ko sa lobby? Hindi na nga ako umaasa sa'yo." I added and pasiring na inalis ang tingin sa kaniya.

"I'm sorry, Sierah. Sa nangyari last time—"

"What if I slept with him? Would you still be there? Would you stay?" Naestatwa siya sa sinabi ko bigla.

"S-Sleep?" Naguguluhan na tanong niya.

"You sleep with him? S-Saan?" Ngumiwi ako at saktong pagbukas ng elevator ay nagmamadali akong umalis.

Sumunod siya kaagad, pagkapasok sa condo ay siya rin ang nagsarado ng pinto. "Sierah kausapin mo nga ako."

Naudlot ang pagpasok ko sa kwarto dahil humarang siya doon, "Tabi." Malamig na tugon ko.

"Sierah." Pagtawag niya pa.

"T-Totoo ba?" Ngumiwi ako.

"Paano kung oo?" Sumbat ko.

Napatitig siya sa akin, tsaka siya huminga ng malalim. "B-Bakit? Kagabi pa kita hinihintay rito Sierah." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sinabi ko ba na maghintay ka?"

"Wala naman akong sinabi bakit mo ba sinusumbat yung paghihintay mo sa akin?" Naiiritang tanong ko at hinawi siya ngunit sumunod siya papasok sa kwarto ko.

"Sierah naman."

"Ano ba naman Yuno! Ako na nga yung umiiwas sa'yo eh, bakit ba nandito ka?" Galit kong tanong at nasapo ang ulo.

"I have two questions, if you answered them well I'll stop doing this stupid act." Seryosong sabi niya kaya sukong suko akong tumikhim.

"Okay, go." I made him ask me na, tumikhim siya at tinitigan ako ng seryoso.

"Did you have sex with him?" Napatitig ako sa kaniya, huminga ako ng malalim at umiling bilang sagot.

"No."

"Last one, Sierah. Did you two kiss?" Nangunot ang noo ko tsaka ako umiling bilang sagot dahil hindi naman talaga.

Tila nakahinga siya ng maluwag, "But we will."

Natuod ako sa kinatatayuan ko nang sapuin ni Yuno ang mukha ko at ilapit ang mukha niya sa akin kasabay nang pagsakop niya sa labi ko dahilan para mapapikit ako nang mariin.

Siniil niya ang labi ko at sinipsip na para bang lollipop o candy 'yon.

Awtomatikong umawang ang labi ko nang mapaupo ako sa sariling kama dahil sa paghalik niya, sumampa siya sa kama ko at pinahiga ako.

We will? Saan doon? Saan doon yung gagawin namin?!

Saan sa dalawang tinanong niya?

Nang tumigil siya ay dahan-dahan akong napamulat, gulat ko na lang nang paglapatin niya pa ng mabilis ang labi namin.

"That should erase your jealousy over Jami." Umawang ang labi ko sa sinabi niya.

"W-What did you say?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

Sinulyapan niya ako bago maupo sa tabi ko, "That should erase your jealousy over Jami, since you're the only woman I kissed like this."

Seryoso ba siya?!

Sasapakin ko 'to.

"You think I would be thankful BECAUSE I'm the only woman you kissed like that?!" Bulyaw ko.

"Yeah." Sumama ang loob ko sa sinabi niya.

"Ano bang tingin mo sa akin Yuno? Ganto lang ang gusto?" Tinulak ko siya sa dibdib sa galit ngunit nanatili siya sa pwesto.

Seryoso akong tinitigan. "You think it is simply jealousy? Gago ka ba h—" Napahawak ako kaagad sa braso ni Yuno nang halikan niya ang labi ko at lumayo, gulat na gulat ako.

"Yuniko—" Napapikit ako nang muli niya akong halikan sa labi.

"Marshall ano ba!" Singhal ko at pinaghahampas siya.

Mahina siyang natawa, "Why are you still mad? Sasabihin ko na nga na girlfriend kita eh." I smacked his arms harder and kicked his legs.

"Gago ka talaga! Nakakainis ka!" Galit na galit kong sabi.

"Sierah, sorry na." Pinipilit niya akong yakapin kaya mas pinaghahampas ko siya sa dibdib.

"Ano ba ako sa'yo ha! Side chick?! Nakakapikon ka na Yuno!" Bulyaw ko naiiyak na.

"Hindi mo man lang ako magustuhan! Ginagawa ko naman lahat—"

"Nandito naman ako 'di ba? Sa'yo naman ako 'di ba Sierah? Nandito naman ako sa'yo oh nanunuyo, ipinipilit yung sarili ko." Ngumuso ako at napahikbi na lang.

Nasapo ko ang mukha dahil sa kagustuhang umiyak, "Sorry na." Niyakap niya ako.

"Sorry na, hindi na kita i-d-deny." Humikbi ako lalo sa pag-aalo niya.

"Sasabihin ko na sa lahat na may girlfriend ako." Ngumuso ako at napahid ang luha ko, sinadya kong suminga sa damit ni Yuno ngunit natawa lang siya.

"Ang dugyot mo." Natatawang sabi niya at niyakap ako kasabay ng hagod sa likuran ng ulo ko.

And that's how we ended up being okay again, I guess, for now.




///

@/n: Any thoughts? Sorry for late update guys, na-busy lang talaga. Love lots! Keep safe sana nag-enjoy kayo ❤️‍🔥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top