Chapter 7: Her Doubts

Chapter 7: Her Doubts



Sierah's Point Of View.


I was sleepy waiting for Yuno to finish cooking popcorn. Well, I'm scared of pops kasi. When I was a child my father tried to cook it and then my mom exchanged positions with my dad.

My mom is a terrible cook. The popcorn went on my skin that left a scar, hehehehehe.

"Call me when it's ready, ayusin ko lang reviewers ko." Paalam ko kay Yuno at hinugot ang seat ng study table ko to start writing sana but then my phone rang.

Then I heard Yeon's deep and sleepy voice, "First of all don't assume that I'd like to hear your voice, because I dont. Second—"

"Stop beating around the bush, four-eyed."

"I need you to come with me with your parents at a fancy dinner next week, cameras and reporters would be there. Just sayin'." I smirked and sighed on what he said.

"Are we going out on a date again? Baka naman ma-in love ka sa 'kin niyan?" Asar ko, nakangisi ang labi.

"Back off, I won't. I met a lot of fine ladies already and I didn't even like them a bit." Natawa ako sa reaksyon niya tsaka ako sumandal sa swivel chair ko.

"Joke lang eh, send me the details and I'll send it to my parents. Bye~"

"Dumb, bye." Asar niya pa at sasagot pa sana ako pero mabilis niyang pinatay ang tawag kaya ngumiwi ako, ayaw paganti?

Natatawa kong ibinaba yung cellphone at nilingon si Yuno pero halos mapa-atras ako kaagad ng nasa gilid ko na siya at magka-krus ang braso.

"N-Nakakagulat ka naman." Gulat na sabi ko, ngunit nagsalubong ang kilay niya at ibinaba ang popcorn sa gilid ko.

"Tuwang tuwa?" He asked.

"What's between you two, really?" Kwestyon ni Yuno at humila ng isang upuan sa gilid ko at hinila pa ang swivel chair ko paharap sa kaniya.

"Ah, Yeon and I are in a contract until the issue subside. We'll be acting like we're really dating. In order to avoid the war in both companies." Nangunot ang noo niya at dahan-dahan na tumango.

"Yeon is a good man, you can trust him." Nakangiting sabi niya.

"Nakakainis lang siya 'no?" Natawa si Yuno at umiling.

"Hindi naman, baka ikaw lang naiirita sa kaniya?" Ngumuso ako tsaka nagkibit balikat.

"Nakakatakot yung pusa niya, hinahabol ako." Reklamo ko.

"Oh you hate cats nga pala?" Lumunok ako sa sinabi ni Yuno.

"M-Medyo, hindi naman hate na hate because I still have heart for them. I don't like them getting hurt even if I don't like them." I calmly explained what I felt towards the cats.

"Ah, so considerate." He chuckled.

"Na-iin love ka na ba?" I asked, which made his eyes widened a little before looking away and chuckled.

"Make me, Sie." Umirap ako sa pagtawag niya.

"I hate that nickname," bulong ko.



Three days later, excited akong tumakbo sa pinto dahil baka si Yuno ngunit pagbukas ko ay natigilan ako ng makita si Yeon na nakatayo at may hawak na tote bag.

"A-Ano ginagawa mo rito?" Gulat na tanong ko, but then he manly rolled his eyes and walked inside my house.

Ngumuso ako at sumunod sa kaniya, "Sorry, I'm not in my formal attire. I just got home from work." Halata nga dahil basa pa ang buhok niya at naka-jogging pants lang siya at itim na V-neck shirt pero daig pa niyang magm-model.

Nag-suot rin naman ako ng ganoon, hindi naman ganoon ang hitsura ko?

"Ah, what did you come here for?" Naupo ako sa katapat niyang sofa but then he placed his tote bag in the center table and started taking out some notebooks and folders.

"Ano 'yan?"

"Graduate with higher grades so Riley won't make fun of you." Nanlaki ang mata ko ng ilapag niya sa harapan ko ang isang malaking notebook at buklatin 'yon.

Nakita ko ang notes and reviewers na mas madali kong mauunawaan!

"Oh my—" Naitikop ko agad ang bibig at kinuha 'yon.

"That's my notes from a few years ago—" I stopped when I smudged the writing and it was smudge that means it's bago pa.

Bagong sulat.

Tinitigan ko si Yeon na seryosong inaayos yung ibang notes, why is he lying? "Bagong sulat 'to oh." Turo ko.

"That one is bago, I rewrote it because I lost the original copy." He explained that confirmed my confusion.

"Why are you doing this?" I asked.

He stopped and fixed the v-neck collar of his shirt that showed his collar bone, "What?" He looked at the notes, "This?" He pointed out.

"Yeah."

"Because I don't want my girl dumb, in the eyes of the people and from the eyes of my people." Talking about his company, ah so that's the only reason?

"I am not dumb—"

"You are, a little dumb." Umirap ako sa pag-diin niya no'n.

"Edi ikaw na matalino, pala desisyon ka eh." Sumbat ko, hindi na siya umimik.

"Is your balcony open?" He asked, tumango naman ako.

"Can I smoke?" He pointed my balcony that made me ngiwi and rolled my eyes at him, "Go ahead, bawi dahil binigyan mo 'ko ng notes mo." He nodded and grabbed the packet of cigarettes in his pocket.

Binuksan niya ang balcony at sinarado, inayos ko naman ang notes na bigay niya and to be honest? It's easier to understand than my teacher's turo!

Nakahinga ako ng maluwag at mabilis na pumunta sa study table ko to organize them, after 15 minutes ay hindi pa lumalabas si Yeon. Baka nalaglag na 'yon?

Sinilip ko siya sa balcony ngunit hindi ko siya makita. "Hala?"


Nalaglag na yata! Oh my god!

Binuksan ko ang balcony at hinanap siya ngunit nakita ko siyang nasa-dulo ng railings habang ang mga siko ay nakapatong doon at ang sigarilyo ay nasa pagitan ng dalawang daliri niya.

"What?" He asked, his hazel eyes glanced at me that made me gulp.

Kinabahan naman ako sa wala.

"Akala ko nalaglag ka na," bulong ko.

"Nope, I used two sticks." He shook his hand where the cigarette was sitting.

"Baka mamatay ka na niyan hoy?" Kwestyon ko.

"Nope, maybe 20 years later?" Nanlaki ang mata ko sa gulat, "G-Gago." Bulong ko at sa kabilang dulo ako ng railings sumandal.

"Ilang sticks ba nagagamit mo every day?" Nagkibit balikat siya at huminga ng malalim.

"Hindi ko bilang."

"Bawasan mo, ang bata-bata mo pa para mamatay." Sabi ko sa kaniya, ngumisi lang ang labi niya.

"Wala namang masasaktan kung ako ang mawawala," hindi ko wari kung biro ang nilabas ng bibig niya ngunit ang seryoso niya nang sinabi niya 'yon.

"Eh?" Tumikhim ako.

"Family mo." Sagot ko.

"Hmm," tumango tango siya.

Pasimple ko siyang sinulyapan, hanggang sa paglapat ng sigarilyo sa labi at paghipak niya ay napanood ko. "Baka kaya ka payat kasi kakasigarilyo mo?"

Nalingon niya ako sa sinabi, "Payat? Saan ba?" Pinigilan ko ngumiti nang magtagalog siya habang nakatingin sa akin, isinenyas ko ang leeg niya ngunit halos manlaki ang mata ko nang hawakan niya ang damit at hilain pababa dahilan para lumabas ang buto niya sa dibdib hanggang sa collar bone.

"Ito?" Inayos niya na 'yon kaya bumalik sa normal ang puso ko.

"Oo," wika ko.

"Hindi ako payat," matipid niyang sabi.

"My neck is just thin, unlike you." Asar niya kaya natakpan ko ang leeg.

"Ang sama ng ugali mo," bulyaw ko.

"Get inside, or you'll inhale the smoke from the cigarette." Mahinahon niyang sabi kaya tumikhim ako at tumanaw sa ibaba.

"Study, if you get to be the first for this semester then I'll give you what you want." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Anything?" I asked.

"Hmm, anything you desire." Umirap ako.

"Can you give me money?" Nagulat niya akong nilingon.

"You're far richer than me, Sie. You're not thinking, dumb." Umawang ang labi ko at sisipain ko sana siya pero binuga niya sa mukha ko yung usok dahilan para mapaiwas ako at 'di makalapit.

"Ang red flag mo 'no!" Bulyaw ko pa.

"Mas pula pa sa pula," pagtatagalog niya kaya nanguso ako at lumabas na ng balcony.

Naupo ako sa study table at inatupag na lang ang subject na mababa ang grado ko, maya-maya ay lumabas na rin siya doon.

"I'll go ahead," nalingon ko siya kaagad.

"Next time at least bring something to drink." Parinig ko, he stopped and glared— "Kidding!" Bawi ko agad.

Seryoso sa buhay, ayaw sa joke?



Isang araw before our dinner is inaya ako ng friends ko to hangout at the club. Treat naman nila so hindi na ako tumanggi since ginalingan ko sa acads dahil sa notes ni four-eyed.

Habang umiinom kami ay natatawa pa kaming tatlo dahil naghahanap ng pogi ang dalawa kong kasama, dinadamay pa nila ako kesyo single naman raw talaga ako.

Pero natigilan ako nang matanaw sa kabilang dulo si four-eyed na may hawak na baso ng alak habang may kasamang mga lalake at may iba pang babae.

They were dancing in the crowd, while Yeon is just trying to vibe with the music by simply swaying his damn hips, what the hell?

"Oh your boyfriend!" Tukoy ng isang kaibigan ko kaya ngumiwi ako.

"Hayaan niyo," bulong ko.

Later on tumaas ang kilay ko nang masulyapan ko ang babaeng pasimple na dumidikit sa kaniya ngunit hindi siya gaano napapansin ni Yeon na abala sa pag-inom.

Instead of having fun I became an observer, "Hala ga oh dinidikitan si Mr. Villamos!" Halos manlaki ang mata ko nang tangayin rin nila ako sa dance floor.

Sumasayaw sila habang pinipilit ako maki-blend in wala tuloy akong nagawa kundi sumabay, "Nakakahilo rito." Bulong ko.

"Epekto ng vodka," natatawang sabi nila sa akin at inuusad pa ako bahagya.

"Uy huwag ka mag-twerk!" Bulyaw ng isang kaibigan ko sa isa pa naming kaibigan kaya tawang tawa ako.

Not until bumangga ang likod ko sa isang bulto at napalingon ako dahilan para kahit alam kong nandito siya ay magkagulatan kami. "Sie." Pagtawag niya sa akin.

"Oh you're here," maangan ko tsaka patuloy na sumasabay sa kanta.

"Didn't see you," pahabol ko tsaka nagtakip ng bibig ng mapahikab ako habang nasa dance floor kami.

"Don't drink too much," he reminded tumango lang ako at natigilan kaming dalawa nang lasing ng lumapit ang isang babae na kanina pa pasimple sa kaniya.

"Gavril, do you want to sleep with me tonight?" The woman held his face that made me chuckle.

Yeon glared at me, but he seemed to ask for my help so I stepped up and acted like a damn possessive girlfriend.

Iniyakap ko ang braso sa bewang ni Yeon tsaka ko pasimpleng tinulak yung babae, "Excuse me? I guess he'll be sleeping with me tonight, I'm his girlfriend by the way." I teased the woman by placing my hand on Yeon's chest.

"Ah, girlfriend?" Umirap yung babae.

"He doesn't seem to be interested in that attitude." Ngumisi ang labi ko tsaka ako pekeng tumawa.

"Am I not your type?" I pouted my lips in front of Yeon that made him gulp.

"You're the only one who met my type and standards." Yeon said sweetly that it made me swallow hard and chuckled awkwardly.

"Aww, he's really sweet right?" I asked the woman, trying to irritate her more until she left us. That made me laugh afterwards.

"Bitaw." Seryosong sabi niya bigla kaya umasta akong diring diri na hinawakan siya.

"Yuck," irap ko sa kaniya.

"Oh, you are with?" Nang dumating ang ibang mga lalake ay napaayos ako ng tayo.

"Oh, my girlfriend." Bigla akong hinila ni Yeon sa braso at inakbayan nang makalapit sa kaniya kaya alanganin akong ngumiti sa mga kaibigan niya.

"Sierah Garcia," nakipag-kamay ako sa kanila.

"Oh daughter of Mr. Zai Garcia?" Tumango ako muli at ngumiti.

"Two famous families, in one frame." They joked kaya naman tiningala ko si Yeon dahil hindi ako kumportable sa tingin ng ibang kaibigan niya.

"We'll go ahead then," Paalam ni Yeon sa limang kalalakihan.

"Ngayon na bro? Hangout with us more pa, c'mon minsan ka lang sumama sa amin. Right Sierah? Why don't you join us para hindi siya sad." Sabi ng lalake kaya wala akong nagawa.

"I really want her alone with me," Yeon placed his hand on my waist, which made me lunok.

"Oh, okay." Sangayon ng kaibigan niya kaya pinanood ko si Yeon na damputin ang jacket niya tsaka lumapit sa akin, "Saan tayo?" Tanong ko.

"I don't know." Masungit niyang sagot but on our way out I stopped when I saw what my eyes don't want to see.

We watched Yuno catch Jami's waist, and pulled her closer to him. Napakurap ako ng ilang beses bago ko maramdaman ang kirot sa dibdib at ang pag-ulap ng mga mata ko.

Nanlabo agad ang mga 'yon, napaiwas tingin ako. Binilisan ko maglakad papaalis sa club, nang makalabas sa club ay huminga ako ng malalim.

Kagat-kagat ang labing pinipigilan ang luha at ang isip ko na alalahanin ang nakita. "Sie." Hindi ko nagawang lingunin si Yeon na humabol.

"S-Saan tayo pupunta?" Pinilit kong gawin na ayos ang sarili ko at nginitian siya.

Napatitig ang nga mata niya sa akin, sandali niyang inayos ang salamin sa tangos ng ilong. "Don't fake it," my brows rose up.

"What?"

"You don't smile at me like that," he whispered to himself and looked away. That made me pout my lips.

"Oo nga pala, four-eyed naman pwede naman sakyan." Reklamo ko.

"Are you both in a relationship?" Kwestyon ni Yeon, umiling ako.

"He just gave me a chance to make him fall for me, a-akala ko kasi habang ginagawa 'yon, ako lang." kwento ko, I stopped when he lit up a cigarette while staring at me.

"Well, got your point. How would you prove something when others got their attention." Yeon nodded and placed the tip of the cigarette in between his lips and exhaled the smoke.

"Yeah." I nodded.

"Gusto ko pa uminom," bulong ko.

"Enough." I glanced at Yeon but his hazel eyes were glaring at me that made me laugh.

"Tatay ba kita?"

"Feeling mo ha." Bulong ko.

"Uminom ka na lang sa condo mo, let's buy you alcohol." Umirap ako at sumunod sa kaniya.

"Party of engineering pala 'yon?" Turo ko sa club nang makaupo sa sasakyan niya.

"Yeah, everyone is allowed to hangout naman. Friends of friends," he explained and turned on the AC.

"How old are you again?" Kwestyon ni Yeon.

"Twenty," bulong ko.

"Twenty? Exactly?" Tumango naman ako.

"Oh, you're way younger than me." Bulong niya at napatango.

"Matanda ka na kasi," irap kong sabi.

"I'm just three years older than you." Umikot ang manibela kasabay ng isang kamay niya dahil nasa kambyo ang isa niyang palad.

"Pero seryoso b—"

"Ano?" Gulat na sabi ko.

"Kidding," he chuckled that made me glanced at him, napalunok ako at sa hindi inaasahan ay nag-init ang pisngi ko dahil nakita ko siyang nakangiti.


B-Bagay niya naman bakit hindi niya suotin parati?


We stopped on a convenience store to locate some alcohol, nang makababa ay natigilan kaming dalawa nang pagkababa namin ay nakatingin na sa amin ang iba.

Mukhang kilala si Yeon, napalunok ako nang hawakan ni Yeon ang kamay ko at tangayin papasok.

Nang makapunta sa alcohol section ay siya ang pumili, bago niya inilagay sa basket.

Pumili kami at bago pumunta sa counter ay naiilang ako sa tingin ng nasa labas at sa hawak ni Yeon ang kamay ko.

Humanap ako ng pwede pagbalingan ng atensyon habang sumusulyap sa iba ay may hinahawakan ang kamay ko. Not until humigpit ang hawak ni Yeon sa kamay ko kaya tinignan ko siya.

"What?"

"Why are you fucking holding a condom?" Pabulong niyang sabi dahilan para tignan ko ang hawak at halos mabitiwan ko 'yon sa gulat.

"Oh my god." Nahihiyang sabi ko.

Stressed na inayos ni Yeon ang salamin niya tsaka siya tumikhim, nanlaki ang mata ko ng kuhanin niya 'yon at isama sa bilihin.

GAGO BA SIYA?!

"Why did you get it?" Bulong ko at pinisil ang braso niya dahilan para sulyapan niya ako.

"Just go with the flow, there's a cam." Sobrang hina ng bulong niya kaya ngumuso ako.

Nang maayos 'yon ay pumunta na kami sa sasakyan niya, nang makasakay ay nanlaki ang mata ko ng husto. "Gago ka ba? Ba't mo binili!" Singhal ko at nahampas siya sa braso.

"You held it, what would they think that I'm not giving you what you want?" Umirap ako at pinagkrus ang braso.

"Ay bahala ka nga." Singhal ko.

"Tsk." Singhal niya rin at nag-drive na lang, nang nasa condo na ay siya ang nagbuhat no'n.

"Buhatin mo 'yan." Masungit kong sabi sa kaniya.

"I'm doing it already." Masungit niyang sabi at kulang na lang yung tingin niya ay parang sisipain ako.

Pagkabukas ko ng condo ay pumasok siya at padabog na sinarado ang pinto ko. "Ayusin mo 'yan diyan." Utos ko.

"Wow, what the hell. Am I a waiter?" Masungit niyang saad ngunit isa-isa na inilabas ang alak sa plastic.

Cute.

"No, but serve me. You're my man naman 'di ba?" I teased but his eyes were bloodshot glaring at me.

Alanganin akong natawa, "In public, and in the eyes of other people. Not in private."

"K, serve me." Ngumiwi ang labi niya at inis na naupo sa sofa ko.

"Dali na." Maktol ko.

"Lasing ka ba?" Dismayado niyang sabi at halos batukan ako ngunit medyo malayo ako sa kaniya.

"Broken ako oh." Maktol ko pa lalo.

"Kinalaman ko." Malamig niyang tugon at kumuha ng baso sa kusina kaya napangiti ako ulit.

Naupo na ako sa sofa at tsaka binuksan ang TV, sinamahan niya ako uminom kaya naman nanonood lang kami ng kung ano-ano sa tv.

Action movie.

Well hindi naman kami magkatabi, nasa mahabang sofa ako while he's on the single sofa beside me. Drinking.

"Does he still like my cousin?" Bulong ko sa sarili ko.

"Who? Yuno?" Yeon asked.

"Hmm, he likes my younger cousin. Mabait kasi, unlike me na kaya makipag-away, maraming naging boyfriend." I laughed and sighed on the reality that it hurts me freaking good.

"There's nothing wrong with having a lot of boyfriends, just one at a time." Seryosong sabi ni Yeon.

"Hindi rin naman nakaka-turn off ang babaeng kaya makipag-away in a right way." He added that it made me chuckle.

"Sana ganiyan rin ang nasa isip niya, because I think I'm really hard to like for him." Uminom ako at sandaliang pumikit sapo ang noo ko.

"Hmm, you're not hard to like. He just like someone else at the moment." Tumaas ang kilay ko tsasa tinitigan si four-eyed.

"What? Can you like me at this point?" I asked straight from the shoulder, without hesitation.

"I can," sagot niya dahilan para magulat akong nakatingin sa kaniya.

"What?"

"I can like you, gusto mo ba?" He joked that it made me roll my eyes.

"Huwag mo 'ko subukan, masasaktan ka." Natatawang sabi ko.

He manly rolled his eyes and drank on his glass while he rested his back on the sofa and removed his eyeglasses first.


Baka pagod na.


Nang makarami na ako ay yumuko na ako sa gilid ng sofa ko, "Nakakamiss magkaroon ng taong magmamahal sa'yo." Natatawang sabi ko at nasapo ang mukha.

"Love yourself." Four-eyed hissed and cupped his own face with his palm before yawning.

"Lasing ka na?" Natatawang sabi ko.

"Hmm," tumango siya.

"Uwi ka na my contract boyfriend." Tumayo ako at lumapit sa kaniya para pilitin siyang itayo ngunit halos manlaki ang mata niya nang mawala ako sa balanse at mapaupo sa kandungan niya.

Napalunok siya at umiwas tingin, "Stand." Utos niya.

Ngumuso ako at tsaka ako pasimpleng yumuko sa balikat niya na parang bata. "What should I do now?" Bulong ko.

"What?" He asked, buti 'di niya suot ang salamin.

"Yuno still likes her, I'm really doing my best here." Nalulungkot na sabi ko.

"Should I help you forget your feelings for him?" He whispered in my ears which made me shiver on my spine.

"M-Matagal ko ng sinubok na mawala 'to," reklamo ko.

"I just always end up falling for him harder—"

"Because the men you dated are less than him, while I am not less than him." Napaayos ako ng upo at tinitigan ang inaantok ngunit kulay hazel niyang mata.

Nag-init ang pisngi ko sa kaniyang sinabi, "You're not less than him?" Taas kilay na sabi ko.

"Do I seem like on his level?" His eyes darted on mine, I swallowed the lump on my throat and looked away.


Is he flirting with me?


Bigla ay nasuri ko ang buong mukha niya. He's also handsome and masungit nga lang, unlike Yuno who's really friendly.

Napatitig ako muli sa mata ni Yeon na nakatitig sa mata ko, salitan ang tinitignan. Natigilan ako nang sandaling ayusin niya ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko.

Hanggang sa humawak ang malambot at malaki niyang palad sa pisngi ko.

My eyes shutted instantly when my lips felt his lips on mine, my lips slightly opened when he sucked my lower lip gently.

Bahagyang gumilid ang ulo niya upang mas halikan ang ibaba kong labi, hindi ko inalala ang lasa ng matapang na alak sa labi niya pati na ang menthol taste ng sigarilyo sa labi niya dahil kahit ano yatang sigarilyo niya ay hindi nangingitim ang labi niya.

Dahil nakagilid ang pagkakaupo ko sa kandungan niya ay naramdman ko na hinawakan niya ang kamay ko na nasa kandungan ko habang ang isang kamay niya ay nanatili sa pisngi ko.

Muli niyang ipinunta gamit ang daliri niya ang mga buhok ko na napupunta sa mukha ko, umawang ang labi ko sa dila niyang sandaliang lumikot at kumiliti sa mismong labi ko bago siya tumigil.

Napakurap ako ng maraming beses habang tinititigan ang mukha niya, ang mapupungay niyang mata ay napaiwas tingin bago siya sumandal sa sofa at ipinikit ang mata.

Natulala ako at hindi alam ang gagawin matapos ng halikan na hindi pinilit, hindi itinanggi, hindi iniwasan, anong ibig sabihin no'n?


Hindi ko lubusang maunawaan kung para saan ang halik na 'yon at bakit ko hinayaan?!


Napaayos ako ng tayo nang may mag-bell sa pinto ko, napalingon rin siya at sandaling tumikhim.

Lumapit ako sa pinto kahit nahihilo ako tsaka ko binuksan ang pinto ngunit natigilan ako at nagulat ng makita si Yuno.

Sumama bigla ang loob ko nang maalala ang nakita sa club, tapos ngayon nandito siya?

"A-Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

Tumitig ang mga mata niya sa akin, tsaka siya pumasok sa loob ngunit kahit makita niya si Yeon ay nawalan ako ng pakialam sa mararamdaman niya.

Huwag siya umastang nasasaktan, dahil kitang kita ko kung anong ginawa niya kanina.

"You're here?" Tukoy ni Yuno kay Yeon.

"I invited him," malamig kong tugon at naupo sa sofa.

"Ah, aalis na ba ako?" Napatitig ako kay Yuno ngunit hindi ko ipinakitang galit ay may sama ako ng loob sa kaniya.

"Pwede naman, kung gusto mo." Matipid na sabi ko na ikinabigla niya.

Napatitig siya sa akin bago siya tumikhim, naayos niya ang buhok at natigilan ako nang panoorin ko siyang maupo sa kabilang dulo ng sofa.

Nakakainis siya.




///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top