Chapter 6: The Harsh Thoughts

Chapter 6: The Harsh Thoughts.



Sierah's Point Of View.




Pumasok na ako sa klase ko dahil hindi ko na rin naman na-tyambahan si Yuno, sayang nakatulog ako kagabi. I didn't get to asked his thoughts about it tuloy.

While walking in the hallway, suddenly a girl with a notebook and a pen came up to me. "Yes?" I asked.

"Just gonna ask some few questions lang po, are you really dating the eldest of the Villamos?" Napakurap ako ng maraming beses dahil saktong nakita ako ng mga kaibigan ko.

What should I do? Oh my gosh.

"Uhm, can I not answer that for now?" I questioned.

Sasagot pa lang sana yung babae pero tumunog yung hawak kong cellphone at si Yeon ito, alanganin kong naitago ang screen ng cellphone ko.

"Excuse me." Paalam ko sa dalawang journalist tsaka ko sinenyasan ang mga kaibigan, sinagot ko naman ang tawag.


"Why are you calling me right now? Oh my gosh four-eyed." Singhal ko, napatingin ang mga kaibigan ko na may panlalaki ng mata.

"Dumb, I was texting you early in the morning." Tumaas ang isang kilay ko sa bagong gising niyang boses.

"Oh? Hindi ko nakita. Late na ako eh," mahinang sabi ko.

"I asked you to meet me at the lobby, but you didn't come. I'll just go to you after school. Bring your freaking pen." Umawang ang labi ko sa tabas ng dila niya.

"Alam mo, apat na mata yung pananalita mo ang pangit." Singhal ko.

"I don't care," masungit niyang sabi.

"Bahala ka nga, so should I confirm that we're dating?" I asked, napanood ko ang mga reaksyon ng dalawang kaibigan ko na nahampas pa ako sa braso.

"Yeah. As you should. Bye." Nang babaan ako ng telepono ni Yeon ay napabusangot ako.

"Dating?! Dating?!" Gulat na sabi nito.

"Oh my gosh friend! I think I'm hallucinating and hearing some things!" Ngumiwi ako at malakas na hinampas ang bewang nila.

"Umayos kayo."

"Oh no friend! Is it true ba?!"

"Hindi." Sagot ko.

"No, it's true eh!"

"Bahala ka." Bulong ko.

"Gaga, are we not friends ba?! Tell me na!" Natawa ako at tinitigan sila.

"Secret lang 'to ah." Wika ko, lumapit sila upang mabulungan ko.

"Ano?" Sagot nila ng sabay.

"Anonymous." Ngising bulong ko dahilan para mahina nilang hilain ang buhok ko.

"Ito na, seryoso na."

"We're just dating for business." Bulong ko, "Let's say it's not real." I confirmed.

"Parang natatae ako, friend. Tara." Nginiwian ko yung isang kaibigan kong babae.

After my classes, sabay-sabay na kami lumabas ng classroom pero pagkalabas ay halos mapaatras ako pabalik sa room ng makita si Yeon sa labas ng room namin.

Ginagawa niya rito?!

"Oh glad you see you again Mr. Villamos, you're now successful huh." Nasilip ko yung professor namin habang nasa loob ako ng classroom.

Pagkasilip ko ay inosenteng napasulyap sa akin si Yeon tsaka nangunot na ang noo niya, bago niya tinignan ang professor.

"I'm glad to see you, too, sir." He calmly said and tried to gesture at me with his eyes.

Nakagat ko ang ibabang labi bago pasimpleng tumakas ngunit mabilis akong tinignan ni sir. "Ms. Garcia, make sure to pass the taxation." Napapahiya akong ngumuso.

"Yes sir." Mahinang tugon ko.

"Make sure to make Riley shut her mouth, she keeps on bad mouthing you.." Napatayo ako sa gilid ng deretso at pinaglaro ang kamay ko.

Sir naman ipapahiya talaga ako sa harap ng kaaway ko?

"Opo."

"Yes sir." Nagmamaktol ko ng tugon.

"Make sure to get the dean's list before graduation." Napahawak ako sa chin ko at pasimpleng kumamot doon.

"Tularan mo si Mr. Villamos, he's been an excellent student ever since." Napasulyap ako kay Yeon habang nakalabi ngunit taas ang isang kilay niyang makapal na nakatitig sa akin.

Tinatawanan siguro ako nito sa utak niya, I pouted my lips and looked away. "No worries about my girl, sir. I'll make sure she'll pass every subject with high grades."

Lumuwa ang mata ko sa sinabi ni Yeon habang mata sa mata na nakatingin sa professor namin, nagulat yung prof namin.

"Ah, your girlfriend?" Turo sa akin ni sir.

"Hmm, yes sir." Malamig man ang tinig niya ay gusto ko siyang hampasin dahil sa teacher pa talaga namin sinabi ang fake relationship na 'to?!

"Ah, that's good. Make sure she'll pass every subject then, I'll go first." Paalam ni sir at naiilang na umalis matapos mahinang tapikin si Yeon.

Nang makalapit kay Yeon ay malakas ko siyang hinampas sa braso gamit ang libro na dala ko, "Sira ka ba? Kay sir mo pa talaga unang sinabi."

"What subject did you fail?" Panimula niya, naglakad na siya kung kaya't sinabayan ko ang mabilis at malalaking hakbang niya at tila hihingalin ako.

"Kalma, wait— kalma." Napahawak ako sa railing habol ang paghinga ko.

"Ang bilis mo naman naglakad!" Reklamo ko.

"Can't you see my height? Oh, I'm 5'4 what the fuck." Turo ko sa binti ko dahilan para tignan niya 'yon.

"So?"

"I mean go slower!" Naiirita na bulyaw ko at pinagkrus ang braso, bumagal naman ang lakad niya kaya naka-relax ang binti ko.

Ngunit halatang yamot na yamot siya, "Hirap lang talaga ako sa may math, hindi kaya ng utak ko ang kabisaduhin ang formulas." I explained and sighed in dismay.

"I can understand but it will take me a lot of time. My notes don't help."

"Ah, is that so, you're dumb." Nanlaki ang mata ko pero pinanood ko siyang itulak ng bahagya ang salamin niya sa mismong frame no'n sa ibaba.

"Mataas talaga grado mo 'no?"

"Yeah." Matipid niyang sagot at inayos ang suot niyang itim na necktie.

He's wearing his casual yet formal attire for business. A simple black slacks and a white button up polo in long sleeve.

Mas maganda pa doon ay ang necktie niyang maayos ang pagkakalagay ngunit pag hinahangin ay liliparin. "Saan naman tayo?"

"Sa office." Nanlaki ang mata ko at natignan ang school uniform ko.

"G-Gago, naka-uniform ako." Turo ko.

"So?" He asked.

"They will think you're dating a student!" Pabulong ngunit pasigaw kong sabi.

"It's not a lie tho?" Takang sabi niya na ikinangiwi ko.

"Ay bahala ka sa buhay mo, hindi mo magets." Pinagkrus ko ang braso sa tapat ng dibdib at tumingin na sa harapan.


Tinahak namin ang daan papunta sa company nila at binati siya ng halos lahat, ngunit hindi talaga mawawala ang pagiging chismosa ng mga tao.

Intriga na intriga sila sa akin, ang iba ay alam na ako yung nasa issue ngunit ang iba ay walang alam.

Habang naglalakad ay sumunod lang ako kay Yeon hanggang sa makarating sa office niya, I thought it would be spotless yet it's full of folders, scattered pens, and papers.

May two tablets pa sa center table at isang laptop sa desk niya, bumuntong hininga ako. "Ang kalat mo." Turo ko sa lahat.

"Don't ever touch them, I know it's messy but I know where I can find what I need. That's organized for me." Mahabang sabi niya at inalis lang ang isang folder sa magkatapat niyang sofa.

The entertainment area of his office, "Ang kalat." Mahinang reklamo ko at inikot ang tingin sa kwarto.

"Sie, just sit down." Turo ni Yeon kaya umirap ako at hindi na tinignan ang iba pang folders.

"Nakaka-curious." Tugon ko pa ngunit dineadma niya na 'yon.

"I got my room passcode installed, even my fingerprints." Turo niya sa daliri kaya umirap ako.

"Good."

"Halatang burara ka kasi," tukoy ko sa opisina niya, maya-maya ay pumasok ang isang babae na maikse ang palda at mukhang kasing taon lang rin ni Yeon.

"You called for me sir?" Tanong nito at nasulyapan ako.

"Yes, get us some coffee and bread." Utos ni Yeon.

"Okay sir," lumabas 'yon kaagad.

Babaeng maikse ang buhok at kulay blonde pa ito, maputi rin siya. "Secretary or assistant?" I asked.

"Both." Walang ganang sagot niya at sandaling tumipa ay mukhang may na-print pa siya.

Maya-maya ay bumalik yung babae after 10 minutes at nilagay sa harapan ko ang food kaya ngumiti ako, "Thank you."

Hindi ako nito pinansin at basta na lang siyang nagpaalam kay Yeon at umalis.

"Attitude?" Bulong ko.

"She's just like that," he stated.

"Yeah right.." Pairap kong sabi.

Later on I received a call from Yuno, sinagot ko kaagad 'yon.

"H-Hey." I softly replied.

"Sierah, are you available later? 5pm?" Sa tanong niya ay napatigil ako, 30 minutes na lang pero may pag-uusapan pa kami ni Yeon.

"How about 6pm?" I asked.

"I'm a bit busy by 6pm, but okay." Nangiti ako ng maalala ang kagabi.

"Thank you, I'll see you later." Nakagat ko ang ibabang labi at tsaka hinintay ang sunod niyang sasabihin.

Narinig ko ang pagtikhim niya sa kabilang linya, "See you.."

Pinatay ko na ang tawag tsaka kinikilig na napangiti ngunit pagtingin ko kay Yeon, I saw his damn disgusted face.

"What?" Singhal ko.

"Eat." Turo niya sa food at umiwas tingin, maya-maya ay pagkakagat ko sa tinapay bigla siyang tumikhim at inalis ang salamin upang hilutin ang mga mata niya.

Napagod siguro?

After 15 minutes naupo siya sa harapan ko, "Rules in this contract thing, Sie." Ngumuso ako sa pagtawag niya.

"Don't be caught by others if you're gonna date another man, or else things would be a disaster." Banta 'yon para sa akin dahil tinatap niya pa ang ballpen sa kung saan.

"Or better just wait for this issue to subside." Tumango lang ako.

Pagkatapos naming pag-usapan ang mga rules ay nakahinga ako ng maluwag kasi 6pm na, late na ako kay Yuno.

"May work ka pa?" Pasimpleng tanong ko habang inaayos ang bag ko upang aalis na lang.

"Hmm, until 8pm." Tumango ako sa sinabi niya.

"I'll go first," paalam ko at sinuot na ang bag ko at mas hinila pababa ang skirt ko na maikse.

Mini skirt kasi ang uniform naming mga business ang course na kinuha at polo shirt na white and may school logo and minsan button up polo siya.

"Uncomfortable?" He asked, I sighed and nodded.

"Medyo." Paghila ko pa sa skirt ko not until I watched him grab his office blazer and handed it to me.

Mas mahaba pa yung blazer niya kesa sa skirt ko, "G-Gagawin ko?" Tukoy ko.

"Wear it, it will cover up your skirt behind." He explained and sat in front of his desk while signing and reading the folder.

"Thank you, ibabalik ko mamaya."

"Keep it." Seryosong sabi niya kaya natawa ako, "Para saan?"

"Para sa'yo." Sagot niya habang pumipirma at salubong ang kilay ngunit hindi gaano makita 'yon dahil sa salamin niyang suot.

Tumikhim ako at huminga ng malalim, "Bye."

"T.C." Deadmang sabi niya kaya umirap ako at lumabas na ng office niya dahil 20 minutes late na ako kay Yuno.

Nang makarating sa harapan ng condominium building ko ay nakita ko kaagad si Yuno sa waiting area habang patingin tingin sa cellphone niya.

Nang makalapit ay napatingala siya sa akin bago tumayo, pansin ko na medyo naiilang siya ngunit hindi ko na 'yon pinuna.

"You're late." Puna niya pa.

"Hmm, sorry." Nahihiyang sabi ko.

"S-So why did you want to meet?" Kinakabahan na sabi ko, did he want me now? Or no?

"I want to talk to you, Sie. You can choose, sa itaas o sa restaurant." He gave me the decision.

"Sa taas muna, I want to change." Turo ko sa damit ko.

"It's his, right?" He held Yeon's blazer and I noticed that Yeon's initials were engraved in here.

"Yeah. About the issue, I talked to him about that." I explained.

"Okay." Sagot niya, umakyat kami sa condo ko ngunit imbis na maamoy ko si Yuno ay mas naamoy ko si Yeon dahil sa blazer niya.

Ano bang fabric conditioner ang gamit nila? Bottle of perfume?

Pagkarating sa condo ko ay inalis ko ang suot na black shoes at tsaka ako sandaling pumasok sa kwarto ko upang magbihis.

After 5 minutes ay nilabas ko na si Yuno sa sala, nakaupo lang siya at tahimik na magkahawak ang kamay. Naupo ako sa single sofa dahilan para mapatingin siya.

"W-What is it?"

He sighed and stared at me, "I wanted to talk to you and I have a lot of things to say but right now, I don't know what to say." Naiilang niyang sabi.

"T-This is what I'm scared of, the things are awkward for both of us now." Kumabog ang dibdib ko habang pinakikinggan siya.

What about the kiss?

"I'm sure that I don't have any feelings for you, Sierah." Sa sinabi niya ay pinilit kong ngumiti but then he stopped my forceful smile, "But at some point I wanted to try."

Lumiwanag bigla ang mukha ko sa sinabi niya na para bang glow in the dark ang mukha ko, "I wanted to see how feelings develop."

"I wanted to check more, if I could like you because you're likeable and adorable." Pinigilan ko ngumiti at pekeng tumawa.

"Does that mean you're giving me the chance to make you like me?" Nakangiting sabi ko.

"I guess?" Patanong niyang sabi kaya natuwa ang puso ko at natawa.

"That's great then! I will make you lov— like me." I announced.

"I swear to god that I'll be your biggest heartache if you hurt me." Banta ko na ikinangisi ng labi niya.

"Sure."

"If you can," he playfully said and grabbed a bottle of water.

"I have a meeting, balik ako by 8:30pm Sierah." Paalam niya tsaka tumayo.

"Okay!" Masayang sabi ko at tumayo rin upang ihatid siya, ngunit bago siya umalis ay hinarap niya ako.

"Do well, make me like you, okay?" He asked once again.

"I will!"

Lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi niya, "See you later."

"See you, Sierah." Paalam niya at napahawak pa sa pisngi bago kumaway.



Dahil doon ay hindi na muna ako mag-dinner dahil nais ko siyang makasabay, binuksan ko muna ang laptop ko tsaka ako nag-aral. Bigla ay naalala ko ang blazer or suit ni four-eyed.

Napatayo ako at tsaka sinulyapan ang orasan bago ko kinuha 'yon at tsaka ako lumabas ng condo ko.

Pero hindi ko alam ang room number niya? Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya kaagad, nang sagutin niya agad ay nagulat ako.

"Yes?"

"I'm on my way to your condo, what's your room?" I asked.

"What? Why, though? I'm not at home." Tumikhim siya sa kabilang linya.

"Ah, nasa floor mo na ako." Napapalunok na sabi ko.

"Room 504—" Natigilan ako nang banggitin niya ang code ng kaniyang condo, ba't niya binigay sa akin?!

"B-Bakit mo binigay sa akin?" Gulat na sabi ko.

"So you could enter my condo?" Patanong niyang sagot.

"I mean why?! I-I can just return this later—"

"Feed my baby," nanlaki ang mata ko sa sagot niya.

"May anak ka na?!" Gulantang na sabi ko.

"No, what the fuck? I mean my cat." Lumunok ako nang nasa harap na ng condo niya.

"Bye." Paalam ni Yeon at pinatayan ako, pagkapasok ko sa loob ay namangha naman ako sa linis ng condo niya.

Ngunit biglang may pusa na lumabas sa kusina, sandali tuloy kaming nagkatitigan ng isang matabang pusa, mabalbon rin ito.

I hate cats.

I really hate cats, they make me sneeze and they always startle me.

Bumuntong hininga ako tsaka ko tinakasan yung pusa nang dumikit sa akin, I just need to feed him right?

The question is, babae ba 'to o lalake?

Ngumuso ako tsaka ko kinuha ang cat food and wet food tsaka ko nilagay sa kainan niya.

Lumapit siya kaagad ng mabilis dahilan para mapatakbo ako papalayo.

Itinabi ko na yung food niya tsaka ko ibinaba yung blazer sa sala.

Lalabas na sana ako ngunit halos manlaki ang mata ko nang ayaw bumukas ng pinto.

Oh my god?

Sinubukan ko buksan and it already took ke 5 minutes pero ayaw pa rin, kinuha ko yung cellphone at tinawagan si Yeon ngunit wala pa rin.

Hindi niya sinasagot baka masa meeting siya. I'm freaking locked in here! Maybe may fail sa installed door lock niya?

Naturingang high tech may error naman.

I waited for Yeon to answer my call but 30 minutes have passed and wala pa rin, naupo ako sa sofa niya at sumandal sa pagod kakasubok buksan ang pinto.

Pumikit ako sandali.

Napabangon ako after my phone rang a lot of times, ngunit halos mapatili ako nang natutulog sa tabi ko ang puting pusa. Napabahing ako bago sinagot ang tawag.

"Sierah, where are you?" Nang marinig ang boses ni Yuno ay kinabahan ako dahil pakiramdam ko kanina pa siya tumatawag sa akin at baka galit na siya.

Nakaidlip ako!

"S-Sorry, k-kasi ano—" Naputol ang sasabihin ko nang sandaling bumukas ang pinto at malambing na pagtawag ni Yeon ang narinig ko.


"Baby.." Nanlaki ang mata ko nang magkandamayaw na lumapit ang pusa at narinig ko sa tenga ko ang pagtikhim ni Yuno hanggang sa patayin niya ang tawag ng walang sabi.

Oh my god!

"Oh?" Gulat na sabi ni Yeon.

"I got locked in here!" Galit na bulyaw ko, napalunok siya at naibaba ang buhat niyang pusa.

"My phone is dead." Mahinang sagot niya at dinukot sa bulsa niya.

"Anong oras na, akala ko ba 8pm lang yung work mo?" Singhal ko.

"10pm na oh!" Reklamo ko pa.

"I didn't know na may curfew na pala ako, Sie?" Natigilan ako when that sounded wrong.

"Well, never mind." Pagsabi ko nang mapansin na para kaming mag-jowa dalawa.

"I'll go ahead." Paalam ko at lumabas sa condo niya, muli kong tinawagan si Yuno ngunit hindi niya na sinasagot ang tawag ko.

Nagagalit ba siya?

Si Yeon naman kasi! Baka mamaya bawiin na ni Yuno ang sinabi niya edi wala na? Game over!

Pagkapasok ko sa condo ko ay tumawag si Yuno kaya sinagot ko, kinakabahan pa rin.

"Where are you?" Kwestyon ko.

"On the way to you." Mahinang tugon niya, seryoso ang tinig kaya kinakabahan ako ng sobra.

"Sige, I'll left my door unlock, pasok ka na lang." Paalam ko.

"Okay." Malamig niyang tugon.

Nag-handa ako ng meryenda to subside his anger, if he is mad at me, inilagay konsa center table 'yon tsaka ako nagpabango para naman presentable ako tignan.

Nang bumukas ang condo ko ay tinitigan ko siya, ngunit deretso niya lang akong tinignan at inilihis ang sleeves ng suot niyang longsleeve.

Tsaka siya naupo sa sofa ko ay pinagkrus ang braso sa dibdib niya, parang galit. "Galit ka?" Bulong ko.

Dahan-dahan ako na lumapit sa kaniya at naupo sa kabilang dulo ng sofa, "Hindi, baby." He mocked Yeon and made me bite my lips.

"Mali ka ng iniisip." Mabilis kong sabi.

"Of course not baby," he sarcastically mimicked Yeon's way of saying that endearment.

"Are you jealous?" Mahinang sabi ko.

"No, not even a little bit. So what's the issue?" Kwestyon niya matalas ang tingin sa akin kaya bahagya akong napanguso.

"Ibinalik ko lang naman yung suit niya, pero nagka-error yung high tech lock ng door niya na bagong install." Mahinahon kong sabi.

"Then you should've told me." Pinagkrus niya lalo ang braso.

"Nakatulog ako." Seryosong sabi ko.

He sighed, "You made me worry for nothing," napabalikwas siya nang umusad ako at umabot ng juice.

Kahit kailan si Yuno.

"Sorry na." Malambing na sabi ko.

"Hindi na, baby eh. Baby." Pinanlakihan niya ako ng mata kaya napangiti ako.

"It was meant for her cat!" I explained.

"Baby? Para sa pusa? Duda." Umirap pa ang mata niyang singkit kaya ngumisi ako, "O 'di nagseselos ka nga niyan?" Asar ko.

"Asa ka. Never. Hindi naman kita gusto," umawang ang labi ko sa winika ng bibig niya.

"Kahit magsama pa kayo no'n, bahala kayo. Hindi sana masarap ulam niyo ng isang taon." Tumaas ang kilay ko sa mahabang sinabi niya.

"Ah, yeah. You're not jealous." Ngising sabi ko.

"Yeah." He nodded.





///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top