Chapter 5: He's My Contract

Chapter 5: He's My Contract


Sierah's Point Of View.


My father called for me, napapadalas yata ang uwi niya ngayon sa city? Maybe because of business?

Our lola and lolo can handle it naman.

"Sierah." Lumapit ako kay daddy at humalik sa pisngi niya.

"Po?"

"I'm asking you a favor, can you meet the Villamos family? It's all about the issue that is scattered." Napanguso ako sa sinabu ni daddy.

"What's wrong with them, daddy? Ayaw ba nila sa atin? I mean it's a blind date?" I started, maya-maya ay dumating si mommy na may dalang box of cake.

"It's not that, sabi ko naman sa'yo sa larangan ng ganitong bagay, an issue should be conflicted nor tolerated." Lumunok ako sa sinabi ni daddy.

"Tolerated?"

"Either paninindigan for business, or itatanggi and start a war with each other's family." Umawang ang labi ko sa paliwanag ng daddy ko.

"I-Is that even a good idea?" Singhal ko.

"Well, since Sean cheated on you. Just let them go, hindi ko alam. Pinili ko na lang sana ang pamilyang Villamos para walang issue ngayon." Namo-mroblemang sabi ni daddy.

"Zai why don't you go at Palawan ako na babala rito, and sa anak natin." Singit ni mommy at humiwa ng cake upang bigyan kami.

"Not in the mood for sweets, babe. Sorr—"

"Kakainin mo o—"

"Kakainin babe. Salamat." Napangiwi ako noong humalik pa si daddy sa pisngi ng mommy ko na para bang wala akong anak nila na nandidito.

"Madali ka naman palang kausap, Zai Garcia." Seryoso ngunit masungit na tugon ng nanay ko.

"Yes naman, babe. Kaya kita pinakasalan kasi parati kang tama," sarkastikong bahid ang natunugan ko sa sagot ni daddy.

"Zai." Mariing sabi ni mommy.

"Nakakahiya naman po sa akin na anak niyo oh, baka po limot niyong single ako?" Reklamo ko.

"Hanap kita pogi, anak?" Napangiti ako sa sinabi ni mommy ngunit ang daddy ko ay nagreklamo agad.

"Tapos ano? Lolokohin ka, paiiyakin na naman nila ang anak kong kahit minsan hindi ko man lang napalo!" Kagat labi akong nagpigil tawa.

"Parang normal naman po sa love 'yon—"

"Anak, normal ang magkasakitan ngunit ang maglokohan ay hindi. Hindi ka na nirespeto ng ex mong manloloko, binuntis pa niya yung babae niya." Pinagkrus ni daddy ang braso sa tapat ng dibdib at yamot na yamot na kumain ng cake na isinubo sa kaniya ni mommy.

Sweet but nah, nakaka-bitter.


"So the plan is from the both of you, Yeon and Sierah." My father stated with a serious tone of voice.

"Either play the role, or start a war handa naman ako makipag-away sa kumpanya ng iba kung ayaw mo pero hussle sa akin while single ka why not?" Suggested ng daddy ko.

"Ayoko sa kaniya dad, hindi kami magkakasundo—"

"Kahit para sandali lang?" Singit niya kaya ngumuso ako.

"I'll see." Bulong ko.

"I'll see if we'll both agree or argue dad. It depends on his decision, I mean his actions." I explained and sighed.

"Alright, I'll go back to Palawan. Babe, ikaw muna rito, take care both of you." Hinalikan ni daddy si mommy sa noo and ako naman is sa tuktok lang ng ulo.

My father is really sweet, sa tutuosin lahat ng love language sinalo niya kaya wala kaming problema specially si mommy.

Nang makaalis si daddy ay nagkatinginan kami ni mommy, "Gwapo ba 'yon anak?" Nanlaki ang mata ko.

"P-Pwede na po," bulong ko.

"'Yan rin sinabi ko sa mukha ng daddy mo noon, pero ang totoo gwapong gwapo ako sa kaniya." Nanlaki ang mata ko at napatikhim.

"I don't like him, mommy. Don't get me wrong." I explained and sighed.

"Ayoko rin sa daddy mo that time," ngising sabi ni mommy.

"Mommy hindi nga."

"As in wala, alam mong si Yuno ang gusto ko." Kalmadong sabi ko.

"Aba, kumakarengkeng ang babaita. Pag-tiyagaan mo muna si Yeon kung okay naman anak. I mean if hindi naman siya manyakis, and bad boy."

"He's mean and rude." Mabilis na sabi ko.

"Not to the point that he's been hitting you below the belt?" My mother confirmed.

"U-Uhm, hindi po." Pabulong na sagot ko.

"Tiyaga ka muna, para hindi ma-stress ang daddy mo, pa-chill chill lang 'yan sa harapan niyo pero tatlong oras lang tulog niyan dahil sa dami ng pasyente." Bigla ay naawa ako kay daddy sa kwento ni mommy.

The last time I saw dad struggle at hospital is bata pa ako, pero nung high school na ako nahiwalay na ako sa kanila kasi sa city ako nag-aral.

Maganda kasi ang school nila lola, kaya pinili ko rito. "Okay mommy." I assured her.

"Good, thank you for doing this anak pero kung ayaw mo talaga tell your dad. Mas pipiliin ka naman niya," nakangiting sabi ni mommy kaya yumakap ako sa kaniya.

"I know Yuno is a kind man, anak. Pero I hope you don't hurt yourself too much if he doesn't meet your expectations. Natutuwa ako na hindi ka na ganoon nasasaktan dahil nandiyan siya." Pumikit ako at nakinig sa pangangaral sa akin ng mommy ko.

"Si Zian ba nambababae pa rin?" Kwestyon ni mommy.

"Well, medyo tahimik siya mommy. Baka nag-iingat." Natatawang sabi ko.

"'Yang kapatid mo, mahal ko naman 'yan. Sobra-sobra rin ang pagmamahal na naibigay ko ngunit hindi ko wari bakit ang hilig sa babae." Panay kami tawa ni mommy habang pinag-uusapan si Zian.

Gwapo kasi si Zian, kahawig niya si daddy nang kabataan niya ngunit base sa mga babae sa school is mas type raw nila si daddy kasi mature ma and mas masculine.

Well, Zian is just a kid.


Later that night, nag-bihis ako ng formal to meet with them and as Yeon is the one who escorted me sinubukan ko siyang kausapin.

Ngunit napansin ko ang sugat sa gilid ng labi niya at ang bahagyang pagkulay green o violet no'n. Even though it's light mapapansin sa skin niya.

"What's your plan?" Kwestyon ko.

"I don't know yet, dumb. I'm not having hard time so don't worry—"

"I am not even worried, the slightest." I said instantly, napatigil siya at inayos ang salamin niya.

"Okay.."

"Yeah." Bulong ko.

Hindi naman ako worried, nagtaka lang ako sa nangyari sa pisngi niya sino ba sumapak sa kaniya?

"Nagalit pero family mo?" Bulong ko.

"Lolo ko lang." Pabulong niyang sagot.

"Ah, yung grandparents ko kasi supportive." Bulong ko.

"Wala silang pakialam kung sinong i-date ko as long as I'm safe." I calmly explain.

"I didn't ask." Napatigil ako sa tugon niya dahilan para hawakan ko ang siko niya at kurutin dahil sabi nila kahit kurutin 'yon o ipitin ng sipit ay hindi masakit.

"What the hell are you doing?" Mahina niyang inalis ang kamay ko kaya ngumuso ako.

"Nakakairita ka." Bulong ko.

"Same." Mahinang tugon niya ngunit tumaas ang kilay ko nang maamoy ko kaagad ang sigarilyo sa kaniya.

"Wow, 'di pa nag-start yung dinner nakahipak ka na ah." Pag-pansin ko sa amoy niya.

"Hmm, nervous." He responded.

Wala tuloy ako masabi sa pang-aasar ko dahil sineryoso niya, maya-maya ay nakarating na kami sa isang mahabang table.

Ngumiti ako sa kanila, "So you're dating my grandson?" Napalunok ako sa tanong ng lolo ni Yeon.

"No, sir." Mabilis na sagot ko.

"What?" Tumikhim ako nang tila parang magalit ito.

"Lolo let me exp—"

"Oh please, sir. Allow me to explain what happened," I calmly said in a sweet tone to get on his good side.

Umayos ang mukha nito, tinitigan ako. "What really happened is the man that is on a blind date with me, we're actually on bad terms sir. I needed help to leave the date and I accidentally DM-ed your grandson." Nangunot ang noo nito, inuunawa ang wika ko.

"And I'm thankful for the kindness of your grandson as he helped me escape that man who traumatized me from the past." Nangunot lalo ang noo niya habang magkahawak ang kamay sa tuktok ng mesa.

"He happened to leave his date to save me, as we're in the same restaurant that night. To subside the anger of your family sir, I decided to have the blind date with him without thinking about the consequences." Huminga ako ng malalim matapos sabihin 'yon.

"You dated my grandson, are you new in business?" Tila mainit pa rin ang ulo nito ngunit hindi niya ako pinagtataasan ng boses.

"I haven't graduated sir, I'm still studying." I explained the truth.

"Didn't your father explain that the issue in businesses is bad for each other's family if it's not true?" Tumikhim ako at huminga ng malalim.

"I told my father very late sir, It's my fault."

His grandfather sighed, "Lolo, I'll try to fix the issue. Don't stress yourself too m—"

"In what way Gavril?!" Naitikom agad ni Yeon ang labi.

"The only solution to this is to fight their family or date her for the meantime!" Napaghawak ko ang kamay ko, didn't realize it would be this serious.

"I'll look the other way," bulong ni Yeon.

"I mean, I'll try not to make this issue bigger than before—"

"You cannot do that, just answer the two option and pick—"

"Lolo, having war means another messy ending." Nahihirapang paliwanag ni Yeon.

"I don't know if her family would agree—"

"Can I talk to you for a sec, privately. Yeon?" I called his name that made him stop from talking, matagal anong tinitigan ng hazel niyang mata hanggang sa sumangayon siya.

Sumunod ako sa kaniya, nang nasa wala na kaming tao ay napahinga ako ng malalim. "Ganoon ba talaga ka-seryoso ang industry na 'to?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Yeah."

"Anong gagawin natin? Ayoko ng gulo." Mahinang sabi ko.

"My father is a doctor, hindi niya na kayang isabay pa ang gulo dahil sa akin." Seryosong sabi ko sa kaniya.

"Then let's go for the second option?" Napatitig ako sa mata ni Yeon bago ko nasapo ang mukha at huminga ng malalim.

"Do we have another choice? Hindi naman totoo eh. Just for the meantime hanggang makalimutan ng tao." Pag-sangayon ko.

"Okay then," tumango siya.

"Let's go," anyaya niya sa akin. Bumalik kami sa loob, sinimulan niya ipaliwanag yung plano at kahit papaano mukhang nakagaan 'yon.

Buti single ako ngayon dahil kung hindi, ano na kayang gagawin ko!

"I'll take her home, lolo." Paalam ni Yeon at tila gusto niya ng umalis sa dinner night kaya naman ngumiti ako sa family niya.

"Thank you for the dinner," I formally said and bowed my head a little before following Yeon.

Nang makalabas ng resto ay para kaming nakahinga ng maluwag, "If we denied the issue, they will make it worst right?" I asked.

"Hmm, they will."

"Then we should confirm it every time someone asks us?" Tumango siya sa kwestyon ko.

"Sakay." Nang buksan niya ang pinto ng sasakyan ay tumaas ang kilay ko ngunit sumakay na rin ako.

Nang mag-drive na siya ay nalingon ko siya, "Why is it a big deal if you date another woman?"

"I'm the heir of Villamos Company, other than my cousin isa ako sa panganay. Aspiring yet great." He proudly said that made me roll my eyes at him.

"Ah. So dating me is a bad thing because of that?"

"No, it's just that issues can prevent our company name from rising." Mabilis niyang sagot.

Nang makarating sa condo ay bumaba na ako, "Wait me at the lobby, I'll just park my car." He calmly said and drove his car already.

Naglakad naman na ako papasok sa lobby ngunit natigilan ako nang makapasok ng lobby ay nakita ko si Yuno na halos makatulog na sa waiting area habang nakapatong ang baba niya sa kamay niya.


Kanina pa kaya siya?


Pasimple ko siyang nilapitan ngunit pagkalapit ko ay napamulat kaagad siya kaya ngumiti ako.

"Why are you here?" I started.

"I-Ikaw ba? Bakit kauuwi mo lang? Kanina pa kita hinihintay." Umayos siya ng upo at inayos niya rin ang magulong mga buhok.

"I just went out."

"To fix the issue right away," I stated and rested my back.

"Are you okay? Lasing ako last time, I'm sorry." Nang sabihin niya 'yon ay naalala ko ang pagtawag niya sa nakababata kong pinsan.

"I'm sorry, Sierah." Napatitig ako sa kaniya nang sandaling kuhanin niya ang kamay ko at hawakan 'yon.

"If I said something wrong, I'm really sorry Sierah." Napalunok ako at ilang beses na napalunok habang nakatitig sa kaniyang mukha, tumikhim ako.

"I'm not hurt, saan naman ako masasaktan?" Maangan ko, he probably remembered what he said on the call.

And he's aware that I really like him.

"I just want to apologize, just in case." Mahinahon niyang tugon at dahan-dahan na binitiwan ang kamay ko.

Ngumiti ako sa kaniya, "Tatambay ka ba sa akin?" I asked.

"Sure, if you'll allow it." Nakangiting sabi niya, tumango ako.

"Sure, mauna ka na sa taas. May hihintayin lang ako," si four-eyed kailangan ko pa siyang hintayin dahil sabi niya hihintayin ko siya.

"Ah? Sabay na tayo." Tugon niya.

"Mauna ka na sigur—"

"Sie." Napalingon ako kay Yeon, nagkatinginan naman ang dalawa at nagtapikan lang sa braso.

"Magkasama pala kayo, uuwi na ba ako Sie?" Nagtaka ako nang tawagin rin ako ni Yuno sa nickname na 'yon.

"Ah no, may pag-uusapan lang kami sandali kaya sabi ko mauna ka na." Nahihiyang explain ko, kasi imagine my contract boyfriend is here duh?

"Can I get your number, Sie. I'll just update you about our next meeting," four-eyed fixed his eyeglasses with his finger.

"Ah okay, wait." Inilabas ko ang cellphone ko at inabot sa kaniya, he typed his number and called himself.

Wow, genius nga.

"Let's go, sa susunod na tayo mag-usap. If you happen to be free." Sumakay kami sa elevator, tinitigan ko naman ang cellphone ko tsaka ako lumunok.

Tahimik lang si Yuno, nang may makasabayan kami ay napalunok ako nang pasimpleng humawak ang kamay ni Yeon sa balikat ko at ipunta ako sa side na malayo sa lalakeng pumasok.

Tsaka niya ako binitiwan, kagat labi tuloy akong sumulyap kay Yuno na punong puno ng pagtataka.

Nang nasa tapat na ng floor ko ay natigilan ako nang ang daming naglalakad at tumitingin sa aming tatlo, pero bakit bumaba rin si Yeon?

"Kilala ka?" Bulong ko.

"Hmm." Mahinang tugon ni Yeon.

"Gagi." Bulong ko.


"'Di ba that's the eldest son of Villamos? Hindi kaya taga-rito yung rumored girlfriend niya?"

"I guess so, I also saw him go out of that room."

"So he's really dating nobody?" Napairap ako sa nobody na sinabi nila.

"I'm not a nobody, what the hell?" Inis kong bulong.

"Let them," Yuno announced.

"Ah what?" Gulat na sabi bigla ni Yuno.

"The issue," paglilinaw ko.

"Ah." Napatango siya at mahinang natawa.

"Yeah, tara—"

Nang may camera flashes ay napatigil ako ngunit nang akbayan ako ni Yeon at buksan ang condo ko ay dumeretso kaming tatlo sa loob.

"I'll leave if they're already gone outside." Yeon said, napatango naman ako.

"Maupo muna kayo." Turo ko sa sofa.

"Bibihis lang ako," paalam ko sa dalawa.

Pagkatapos ko magbihis ay napangiwi ako kay Yuno na akala mo bahay niya, "Buka-buka ka diyan, bahay mo?" Singhal ko at pinalo ang bandang legs niya.

"Aray," reklamo niya naman at ibinaba 'yon.

"Dito ako matulog, Sie." Pinanlakihan ko ng mata si Yuno sa paalam niya eh nandito si Yeon.

"Ikaw bro, gusto mo tabi tayo matulog?" Halatang ginagago ni Yuno si Yeon ngunit ngumisi ang labi ni Yeon.

"Don't make it too obvious that you like me, bro." Yeon removed his eyeglasses to gently massage his eyes.

"Eye strains?" Tanong ni Yuno.

"Yeah. Tumaas yata ang grado ko." Matipid na sabi ni Yeon, sila na lang ang nag-usap nagdala na lang ako ng juice sa harapan nila.

"Uy favoritism, ba't mo 'ko binigyan ng orange juice tapos sa kaniya water?" Reklamo ni Yuno.

"Allergic siya sa oranges." Seryosong sabi ko na ikinatigil ni Yuno.

"Gago bro, tamang desisyon mag-water ka muna." Ngumiwi si Yeon at umiling iling sa kalokohan ni Yuno.

Nalilito na ako sa pangalan nilang dalawa, magkaparehas kasing Y.

Lahat na lang ba ng makikilala ko letter Y? Yung isa engineer rin yung kapatid ng girlfriend ni Kuya Laze, gwapo, at crush ko rin hehehhee.

Kalaglag panty ba naman kasi ka-gwapuhan ng lalake na 'yon, kung hindi ko lang pansin na type niya si Jami eh sinungkit ko na.

Magpinsan pero 'yon at si Yuno, kaya parehas na hot HAHAHAHAHAHHA.

Maya-maya ay tumayo na si Yeon, "I'll go ahead," masungit niyang paalam.

"Okay," paalam ko.

"Alright." Tumango siya at tinanguan si Yuno, muli akong tinignan ni Yeon at tumango rin bago siya lumabas ng condo ko.

"Should I try liking you back, Sierah?" Natuod ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang presensya ni Yuno sa likuran ko.

Napalunok ako at hindi ginawang lumingon, "If you can, why not?" Pabulong na tugon ko at dahan-dahan siyang hinarap.

Ngumisi ang labi niya at ginulo ang buhok ko kaya hinampas ko siya sa dibdib, uhm hard.

"I don't think but you're lovely and likeable." Seryosong sabi niya tsaka siya bumalik sa sofa at inakbayan ang sandalan ng sofa.

Lumapit ako at naupo sa tabi niya, "Maybe a kiss could make it easier?" I suggested that widened his eyes.

"I can kiss whoever I want but you?! Awkward." Seryosong sabi niya, ngumisi ako at mas lumapit sa kaniya.

"Hoy sira, masisira buhay mo." Banta niya kaya natawa ako, "Ang OA ha! Life wrecker ka ba?" Napatigil siya sa sinabi ko.

"Yes, so don't even try Sierah." Banta niya na ikinatawa ko lalo at tsaka ako mabilis na lumapit sa kaniya at dinampian siya ng halik sa labi na ikinalaki ng mata niya.

"Putang ina." Napaatras siya kaagad at napatayo.

Nakagat ko ang ibabang labi nang mahawakan niya ang labi niya at napansin ko kaagad ang pamumula ng tenga niya.

"Babae ka, huwag ka mag-first move—"

"Sanay na ako." Ngising sabi ko pa.

"Isa pa—"

"Sie! Bagay sa'yo nickname mo, Sierah-ulo." Natawa ako sa sinabi niya kaya humalagapak ako at umirap.

"Ang OA mo akala ko ba sanay ka?" Napatigil siya.

"Oo pero ako yung ano— a-ano na tawag doon, ako yung malikot." Ngumisi ako tsaka ininuman ang orange juice niya.

"Hoy! Indirect kiss." Turo niya sa baso.

"Ano naman? Hinalikan ka na nga." Mayabang na sabi ko.

"Alam mo Sierah, parehas tayong may katawan kaya tigil tigilan mo 'yang pagiging naughty mo." Banta niya kaya natawa ako ng sobra.

Tila bigla ay nakalimutan ko na may gusto siya sa pinsan ko, buong oras na tumambay siya ay nanood pa kami ng horror.

Bigla ay tinitigan ko siya, sa sobrang close namin ay iisipin ng iba na may relasyon kami ngunit wala.

"So what happened the last time you called me?" Napasulyap ako kay Yuno at tumikhim.

"Si Yeon kasi lasing, I also went outside. He got to join me, drinking." Napatango siya bahagyang nakalabi at nakikinig.

"Eh hindi ko alam ang condo niya I thought you could help."

"Pero lasing ka rin pala," natatawang sabi ko.

"Dito siya sa sofa natulog," turo ko pa sa kinauupuan namin.

"Glad you slept well that night? Hindi ka sanay na matulog pag may ibang lalake sa bahay right?" Bigla ay napatitig ako sa kaniya sa sinabi niya.

Napaisip rin ako, dahil sobrang himbing ng tulog ko nung gabi na 'yon. Ni hindi man lang ako nagising at basta-basta na lang nakatulog.

"Nakainom ako," I reasoned out.

"Even if you're really drunk, naiuwi mo nga siya." He rebat, napakurap ako ng maraming beses at napaiwas tingin ng ilang sandali.

"Well, maybe it's because I'm the one who took him in. It doesn't worry me?" Baka sakali ko, bahagyang lumabi ang kaniyang mapulang labi at tumango.

"Maybe."

"Maybe not?" Umawang ang labi ko sa pahabol niya.

"I don't have any reason, I just fell asleep. Okay?" Tumayo ako at kumuha ng mangunguya sa kusina ko, para maalis ang ilang na nararamdaman.

'Cause I feel interrogated.

Nagseselos ba siya?


Madaling araw ay gising pa rin ako kung kaya't dahan-dahan ako na lumabas ng kwarto at sinulyapan si Yuno na nakatulog sa sofa ko.

Pasimple akong lumapit sa kaniya at naupo ako sa gilid niya habang tinititigan siya, I was about to touch his face when he suddenly caught my hand.

Babawiin ko na sana ang kamay ko ngunit awtomatiko ng nagtama ang mga mata namin, halos mahigit ko ang hininga nang sandaling hilain niya ako papalapit sa kaniya dahilan para mapaluhod ako sa carpet at mas mapantayan ang mukha niya.

"Y-Yuno." Kinakabahan na sabi ko.

Seryoso akong tinitigan ng inaantok niyang mga mata, "I don't think the kiss would work, Sierah."

Pinanood ko ang pagbuka ng labi niya habang sinasabi 'yon, "I don't want to hurt you."

"So if you could run away from me, why would you choose the risky way?" Hinayaan ko siyang hawakan ang pisngi ko, madaling araw na ngunit ang malamlam niyang mata ay ginigising ang diwa ko.

"I like you a lot, Yuno. So I will always choose an opportunity that is risky." I explained and sighed.

"Can I check?" Pabulong niyang sabi at napasulyap sa labi ko kung kaya't kinabahan ako ngunit dahan-dahan na tumango.

Dahil nakahiga siya ay pinaupo niya ako sa espasyo sa gilid niya at tsaka hinawakan ang batok ko, napapikit ako kaagad nang sandaling maglapat ang mainit na labi namin.

Nakapatong ang palad ko sa dibdib niya upang hindi tuluyan na magdikit ang katawan naming dalawa, rumiin ang pikit ko nang siliin niya ang labi ko.

Bigla ay tila kinukuha niya ang lahat ng lakas na meron ako dahil sa halik na 'yon, akala ko ay isang labi ko lang ang hahalikan niya ngunit pati itaas kong labi ay siniil niya.

Sinubukan kong tumugon ngunit bago pa lumampas ng ilang segundo ay tumigil na siya at niyakap ako, nag-init ng husto ang pisngi ko.

H-Hindi naman 'to kasalanan dahil contract lang yung kay Yeon 'di ba? Sa hiya ay pumikit na lang ako at hindi bumangon.

Hanggang sa kinaumagahan ay magising akong nasa kwarto na ako, lumabas ako kaagad ngunit wala na si Yuno. Ngumuso ako at kumain ng toasted bread na nasa sala.



Third Person's Point Of View.


Nang magising si Yuno kinaumagahan matapos tumawag si Sierah ay naalarma siya kaagad dahil naalala niya ang mga nasabi, pagkatingin niya sa cellphone niya ay napabangon siya kaagad.

Minabuti niyang puntahan ang condo ni Sierah ngunit nalaman niyang wala ito doon dahil nang mga oras na 'to ay kasama na ni Sierah ang magulang.

"Can I wait here?" He asked the staff from the information center.

"Yes sir, take your time." The staff replied, Yuno sat on the sofa at the waiting area. He started waiting at 11am.

Hinintay niya si Sierah, ngunit umalis siya sa waiting area para kumain sa cafeteria building sa mismong condo, bumalik siya muli sa paghihintay ngunit hindi nagr-reply si Sierah sa kaniya.

Sa isip niya ay sinisisi niya ang sarili dahil baka nasaktan nito ng lubos ang dalaga, hindi siya mapakali.

Kahit tawag ay hindi nasasagot ni Sierah, bumuntong hininga si Yuno at umayos ng upo dahil sumasakit na ang likod niya kanina pa.

Lumipas ng lumipas ang oras at mas lalo siyang kinakabahan na hindi pa nakakauwi si Sierah, sa pag-aalala ay tinawagan niya ang nakababatang kapatid ni Sierah.


"Up?" Unang tugon ni Zian.


"Is your ate, at home?" Nahihiyang panimula ni Yuno.


"Ah, Kuya Yuno umalis siya kanina pa. Wala rin ako sa bahay pero from what I heard she's with my parents due to the issue. She's not replying to you?" The conyo voice of Zian made Yuno sighed.


"Yeah nor answering my calls." Yuno replied.


"That's new, you know that whenever you call or text she's never busy even if she is.. Just wait for her, kuya." Zian said.


"Alright, thank you. Bye." Paalam ni Yuno at pinatay na ang tawag, bumuntong hininga siya muli ay sa sobrang pag-aalala ay hindi na siya nag-gabihan para lang maabangan si Sierah.


What does Yuno really feel towards Sierah?




///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top