Chapter 4: The Issue

Chapter 4: The Issue


Sierah's Point Of View.



Nang nasa condo na ay bumaba na ako, "Ah by the way thank you for the notes, it helped me a lot." Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Sure."

"Tara na, I'm tired." Tumango ako at naglakad na rin, nang nasa elevator ay pinindot ko ang 6th floor, siya naman ay 5th floor.

Pinagkrus niya ang braso niya habang isinandal niya ang bewang niya sa hawakan sa gilid kaya naman umiwas tingin na ako, siya ang unang bababa 'di ba?

Bumukas na sa fifth floor ngunit natigilan ako noong isarado niya 'yon, "'Di ba fifth floor ka?" Tanong ko.

Itinulak niya bahagya pataas ang salamin niya at tumango, "Bakit hindi ka pa bumaba?" Gulat na tanong ko.

"You first," bahagi niya at pinagkrus ang braso.


Gentleman 'yan?


Nang nasa floor ko na ay hinarap ko siya. "Thank you for today." Paalam ko.

"Yeah," tumango lang siya at tsaka niya ako pinanood lumabas ng elevator.

Muli ko siyang hinarap, hanggang sa sumarado yung sa mismong elevator door.

Dumeretso na ako sa condo ko, nagpahinga ako kaagad. Ngunit nagising ako sa gitna ng madaling araw dahil sa pagtawag sa akin ng kung sino.

It's my friend..

Why, though?

"Yes, I'm fucking sleeping." Naiiritang sagot ko.

"Is it true? Pinagkakaguluhan ka sa web forum, Sierah." Nangunot ang noo ko sa kaniyang sinabi.

"What do you mean?"

"You're dating the famous Yeon Gavril Villamos akala ko ba hate mo siya—" napatay ko agad ang tawag at nabuksan ang forum.

Shit, hindi ko 'to naisip!

Pagkabukas ko ay napangiwi ako sa pictures namin.


'Her, dating the famous eldest of the Villamos family, an aspiring businessman in the industry.'


Duh, hindi ba ako famous? I mean I can date someone basta gusto ko mga big deal naman 'tong mga tao na 'to.

Napabalik ako kaagad sa pagtulog, but then later on galit ko ng dinampot yung cellphone ko sa sumunod na tawag.

"Ano ba? What the hell I was trying to get to sleep!" Galit na bulyaw ko.

"Oh, calm down." Nang marinig ang boses ni Yuno ay napatigil ako.

"Hala, sorry!" Mabilis na sabi ko. He chuckled on the other line, "It's okay, tinawagan lang rin ako ni Yeon about the issue. He thought you were my girl."

"He cleared some things between both of you," mahinahon niyang sabi kaya huminga ako ng malalim.

"As if you'll be bothered about the issue, I know you're not. Let's just talk about this issue tomorrow, I really want to get some sleep." I explained my part, he sighed.

"Alright, good night." The sweet tone from his voice made me smile.

"Good night." I ended the call and covered myself with the blanket.


Kinaumagahan ay pagkapasok ko sa school ay pinagtitinginan ako ng mga students, maybe because of the issue?

Pagkapasok ko sa class ko ay lumapit kaagad ang kaibigan ko sa akin, "Totoo ba?" Bulong niya.

"We dated, it's a blind date." I explained.

"Wala na, 'yon lang." Seryosong sabi ko.

At buong araw na 'yan? Hindi ako tinantanan ng mga tanong, naririndi ako at bigla ay hindi ako natutuwa.

Sumasakit ang ulo ko kakasagot sa tanong nila, lumabas na ako ng university sa pagkabanas not until a car stopped in front of me.

Nang ibaba nito ang bintana ay lumiwanag bigla ang mood ko, ngumiti siya sa akin. "Hop in." Yuno invited me so I hopped in his car and wore the seatbelt.

"Bakit ka pumunta rito?" Panimula ko nang mag-drive na siya, bahagya niyang niluwagan ang necktie na suot niya.

"Okay ka lang?" Panimula niya sa akin.

"O-Oo, bakit naman hindi?" Naiilang na pagsagot ko, bahagya siyang lumingon sa gilid niya upang tignan ang sasakyan sa likod namin.

"They like Yeon a lot, especially girls. Hindi ka ba nila inaaway?" He seemed concerned and at some point it made my heart happy knowing he's worried about me.

"Well," wika ko.

"Ganoon talaga?"

"So they do, gosh students never grow up." He said with a tone of dismay.

"Kain tayo, saan mo gusto?" Sa biglaang tanong niya ay napatigil ako, pinigilan ko ngumiti ngunit natakpan ko na lang ang mukha.

"Anywhere, basta kasama ka." Pabulong na sagot ko dahilan para bahagya siyang mapa-preno at sulyapan ako.

He chuckled and nodded, "Sure."

We went on a fun cafe, hindi ko inaasahan na dadalhin niya ako sa isang dog cafe. Natuwa tuloy akong nakipaglaro sa mga aso na nandidito.

Sobrang lalambing nila, but then this one dog caught my attention and reminded me of four-eyed.

Pinigilan ko mangiti, "Kamukha ni four-eyed." Natatawang turo ko sa asong nakasalamin at necktie na collar sa leeg.

He's a golden retriever, "Ang sama ng ugali, Sierah. Baka makagat no'n yung dila niya," natatawang sabi ni Yuno.

"So how did you two ended up dating last night? From what I heard from him hindi naman raw ikaw talaga ang date niya?" Mahilig rin sa chismis 'tong si Yuniko Marshall eh.

"Sean is my date," bulong na sabi ko.

Natigilan si Yuno sa pag-inom ng kape, "Gago?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Ikaw kasi dapat yung ic-chat ko sa IG pero pagka-search ko ng Yuno iba yung napindot ko parehas kasi kayong letter Y." Reklamong sabi ko.

"Gagong Sean, hindi ba't may anak na 'yon? Ano't naki-blind date?" Gulantang na sabi niya, may bahid rin ng pagkadismaya ang tinig niya.

"Sabi niya wala naman raw siyang asawa or girlfriend, mukhang tinutustusan niya lang yung anak niya." Mahinang kwento ko.

"Huwag mo babalikan 'yon Sierah Garcia." Banta ni Yuno kaya napangiti ako.

"Sige, basta gawin mo akong girlfriend mo?" Nakangiting sabi ko, napaubo naman siya ng ilang beses.

"S-Sira." Bulong niyang sabi.

I saw him shake his legs, parati niya ba 'tong ginagawa?

"Alam mo namang wala akong naging girlfriend pagkatapos ng huling girlfriend ko." Pag-kwento niya pa kaya ngumuso ako.

"Edi ako yung pangalawa?" Nakangising sabi ko.

Bumuntong hininga siya, "Magiging girlfriend kita ng wala akong kahit anong nararamdaman sa'yo?" Seryosong sabi niya dahilan para masaktan ako.

Ngunit ngumiti ako, "Bakit hindi? Pwede naman ma-develop ang feelings." Nakangiting sabi ko.

Pilit na ngiti dahil masakit para sa akin ang winika niya, mahina lang siyang tumawa at hindi na sumagot sa sinabi ko.

Pagkatapos namin doon ay hinatid niya na rin ako sa condo ko, kasi may pupuntahan pa yata siya.

Bumuntong hininga ako kung kaya't kinagabihan ay pinili kong lumabas, gusto ko uminom. Nag-suot lang ako ng itim na hoodie at silk black pajamas.

Imagine, I went like this inside the club. Pagkaupo ko sa gilid ay umorder ako ng alak tsaka nagsolo.

I pouted my lips and started pouring on my glass, I took the first shot and sighed. Napasandal ako sa malambot na sofa, here in club may metal chair, wooden chair, and a comfortable sofa chair.

Depende sa i-aavail mong seat, I spent hours here ignoring messages and calls from them.


Why would they call me tho? To ask about four-eyed? What's between us?


So tired of explaining, "Dumb."

Gulat akong napatingala ng marinig ang pamilyar niyang tinig, ngunit namumula na rin ang kaniyang mata. "What the heck?" Taas kilay kong tanong.

He sat in front of me and got himself a glass, "My damn grandfather grounded me for fucking dating a Garcia," he chuckled and ran his finger through her hair.

"What?" Naguguluhan na tanong ko.

"As if we both liked what happened?" He sarcastically asked.

"We never liked each other, we just dated for that damn business." Tila may sama siya ng loob sa nilalabas ng bibig niya.

"Ah, so were you tired of hearing the same thing too. Same here, but not from my family but from the people who like you." Kwento ko.

"That's why you're also drinking?" He looked shocked.

"No, I guess I got rejected." Pagsasabi ko ng totoo.

"By whom? Yuno?" Tumango ako sa tanong niya, "Is it because we dated?" Umiling ako sa kaniyang sinabi.

"Maybe he doesn't like me."

"Oh, shoot." He chuckled and it's the first time I saw him do, "First you got an ex that cheated on you—"

"Not just once, four-eyed. But thrice." Seryosong sabi ko na ikinatigil niya.

Napakurap siya, kitang kita tuloy ang hazel niyang mata. Naalis niya sandali ang salamin dahil parang sumasakit na ang mata niya.

"Really?" Gulantang niyang sabi.

"Sie, you're unlucky at love yet you keep on trying." He joked that it made me roll my eyes.

"Don't call me Sie," gitil ko.

"Then I should call you dumb." Nanlaki ang mata ko at inis na binato siya ng tissue.

"Nakakainis ka, ba't ka ba nandito?" Naiiritang sabi ko.

"Because you're also irritating so I want to irritate you, same boat." Pinagkrus niya ang braso at pumikit habang mas bumaba ang katawan niya sa sofa.

"Inaantok na ako." Mahinang sabi niya.

"What? Mahina ka uminom?" Reklamo ko.

"No." Naupo siya bigla ng maayos.

Sinuot niya ang salamin niya at uminom muli, "Wala ka bang kaibigan? Nandito ka na naman. I thought you don't want to see me?" He glanced at me before glaring.

"I have a friend." He answered, "Si Yuno."

Umawang ang labi ko tsaka ako umiwas tingin, hinayaan ko na siya hanggang sa mamaya ay napalunok ako nang hindi na pantay ang salamin niya at nakapikit na siya habang nakasuksok ang ulo niya sa gilid.


Lasing na ba 'to?


Lalapitan ko na sana siya ngunit halos manlaki ang mata ko nang paluwagan niya ang itim na necktie at buksan ang ilang butones ng suot niyang button up polo na puti.

Umiwas tingin ako nang makita ang buto niya sa leeg at ang dibdib niyang may kaputian, I don't know but why do men keep their legs wide open every time?

"Four-eyed." Pagtawag ko sa kaniya.

Ngunit hindi na siya rumespunde dahilan para ngumuso ako, makakatulog ka na nga lang at malalasing sa akin pa? Paano ako magd-drama sa buhay?

Alagain naman 'tong apat na mata na 'to.

Sinamaan ko siya ng tingin muli ngunit napatitig lang ako sa tangos ng ilong niya at ang malalaglag niya ng salamin.

Kaya naman tumayo na ako at inalis ang salamin niya bago pa mabasag, and to my curiosity I tried his glasses and halos matumba ako sa taas ng grado ng kaniyang mata.


Really?!


Sa nipis ng lens hindi ko inaasahan na m-mataas ang grado niya 'no.

Itinabi ko ang salamin niya tsaka ko tinignan ang alak na paubos na rin, mukhang hindi ko na mauubos dahil wala namang mag-uuwi sa hinayupak na 'to.

Lintek na four-eyed binigyan pa ako trabaho ni hindi ko naman alam kung anong condominium room niya!

Later on I decided to wake him up, I sighed and kicked his leg a little. "Four-eyed!" I yelled until he woke up and winced his eyes.

"My glasses?" Inaantok niyang tanong, salubong ang kilay at nakakunot ang mga noo.

Inabot ko naman 'yon, "Paano ka uuwi?"

"Drive?" Umirap ako.

"In your state, really?" Sarkastikang sabi ko at inis na kinuha ang wallet ko tsaka ko siya hiniklat sa braso.

"Akin na! Mag-taxi na tayo." Iritang sabi ko, binawi niya ang braso niya sa akin.

"May paa ako." Turo niya sa paa niya tsaka siya tumayo at napahawak pa sa mesa.

"Ilan paa mo?" Tanong ko.

"What the fuck?" Hindi makapaniwalang sambit niya.

"Are you dumb?" Tinaasan ko siya ng kilay sa tanong niya sa akin.

"Ilan nga paa mo?" Gitil ko.

Natigilan ako nang abutin niya pa ang paa upang bilangin, "Lasing ka na nga." Dismayadong sabi ko.

"Drunk? I don't know that word." Mayabang niyang sabi at inayos ang salamin na suot, tusukin ko mata nito eh.

Gwapo nga mahina naman sa alak. Habang naglalakad ay halos humawak na siya sa lahat ng gilid para lang manatili siyang balanse.

Ngunit maya-maya ay napalingon ako sa kaniya ng matumba siya sa gilid, pinigilan ko matawa.

"Hindi ka lasing sa lagay na 'yan." Seryosong sabi ko, pigil tawa.

"Shit," he whispered and tried to stand up but he ended up getting on the floor again.

"Ang dumi mo na, paano ka uuwi!" Iritang sabi ko at hinila siya, pagkahila ko sa kaniya ay sobra kaming nagkadikit dalawa.

Ngunit natigilan ako nang mai-akbay ko siya sa akin ay may nakita akong flash ng cellphone, sinamaan ko ng tingin ang babae na kumuha ng litrato sa amin.

"Delete that." Banta ko pero mabilis itong tumakbo papaalis.

Bigat na bigat ako kay Yeon kaya naman tinangay ko siya sa labasan upang makapara kami ng taxi ngunit ang apat na mata ay nakapikit na.


Lasing na 'to eh.


Amoy na amoy ko ang alak sa kaniya at masasabi kong kanina pa siya nandito sa club, "Gumising ka nga!"

Ngunit hindi na tumugon pa si Yeon at mukhang deretso ng nakatulog hanggang sa makasakay kami sa Taxi.

Inilabas ko na ang pambayad ko tsaka ko inabot, awtomatikong nasandal si four-eyed sa balikat ko nang makaupo kami.

Pilit kong itinatayo ang ulo niya ngunit nahuhulog pa rin lalo na kada preno ng taxi. Nang lingunin ko si four-eyed ay natigilan ako nang sobrang lapit ng mukha namin kaya napatingin ako kaagad sa harap.

I never thought that the smell of alcohol, cigarette and his perfume would blend so well.

Nang magsalita siya ay hindi ko maunawaan 'yon, it seems like it's a different language.

Nnag nasa condo na ay hinila ko siya papalabas at nang mauntog siya ay natakpan ko ang bibig. Ngunit mukhang sa kalasingan niya ay bukas niya na mararamdaman ang sakit no'n.

"Oh my gosh, I'm sorry." I apologized.

I tried to carry his weight, hinila ko siya hanggang sa elevator. Pero saan ko siya dadalhin?!

Ah, yeah. I'll take him to my condo, call Yuno and then Yuno will take him to his condo.

Nang nasa condo ko na ay basta-basta ko na lang siyang binitiwan sa may sofa ngunit na-konsensya ako nang malaglag siya sa sofa sa sobrang kalasingan niya.

Inayos ko siya muli, hinila ko ang kamay niya ngunit nanlaki ang maya ko nang dumulas ako papunta sa ibabaw niya.

Napadaing pa siya dahil parang nasiko ko ang tyan niya, hala.

Rinig na rinig ko ang paghinga niya dahil sobrang lapit namin, nang bahagya siyang magmulat ay nangunot ang noo niya at tsaka siya ngumuso at pumikit ulit.

Nag-init ang pisngi ko nang maalala yung paghalik ko sa kaniya noon.


Why would I even remember that?!


Dahan-dahan at maingat akong umalis sa ibabaw niya ngunit tila ginawa niya akong unan at muntik pa ako mauntog ngunit hinawakan niya ang ulo ko at niyakap na parang unan niya.

Kumabog ang dibdib ko at tsaka lumunok. "Four-eyed, I'll kill you if you—" My eyes widened when he shoved his face on mine and accidentally made our nose and lips meet even if it's just a sec!

Naitulak ko siya ng malakas ngunit naging dahilan 'yon para tumama ang bandang likod ko sa center table.

Ininda ko 'yon habang takip-takip ko ang bibig. P-Pangalawa na 'to ah?

Nagmamadali kong tinawagan si Yuno, ngunit pagkasagot niya ay tila inaantok rin ito at medyo namamaos.


"Jami?" Napatigil ako sa panimula niya, h-hindi naman siguro tama ang hinala ko hindi ba?


"Liezel Jami, you look good a while ago—" Napatay ko kaagad ang tawag tsaka ko pinigilan ang luha na tumulo.


Hindi naman ako manhid, sa tuwing nakikita ko sila magkasama ay kakaiba ang ngiti at tingin ni Yuno sa kaniya.

Napaupo ako sa sofa at tinitigan si four-eyed. Peke akong tumawa sa naisip, kalokohan.

Inayos ko na lang ang sofa tsaka ko nilagyan ng comforter at isang unan, "Four-eyed." I called him.

"Poor? I-I am not poor, m-my family got to stand the business again." Nakapikit na sabi niya, tila nagpapaliwanag.

"Four-eyed! Not poor!" Singhal ko at hinila siya sa braso.

"Aw." Reklamo niya ng bahagyang tumama ang siko niya sa babasagin kong center table ngunit nanlaki ang mata ko ng masugat siya.

"Hala, sorry." Ihiniga ko siya sa sofa, ngunit nagmamaktol ang maamo nitong mukha na para bang may kaaway pa rin siya hanggang sa pagtulog.

Kinuha ko ang first aid kit tsaka ko nilinisan ang sugat niya, hindi naman malaki 'yon pero maayos ng ingat.

Baka ma-infection pa.

Nang malagyan ko ng band-aid ay napatingin ako sa mukha niya, ngunit napatitig ako sa cellphone niya ng tumatawag si Azi.


Kinuha ko 'yon at sinagot, "Fuck, where the hell are you Yeon?!" Nailayo ko ng bahagya sa tenga ko ang cellphone ng sumigaw agad si Azi.


"Your brother got drunk." Panimula ko, "He's been staying at my condo 'cause I don't know where his home is." I explained.


"Oh, sorry." Azi stated, "I-I can't pick him up, I'm sorry. May problema sa bahay. Pakisabi na lang sa kaniya pag gising na siya." Pahabol niya.


"Hmm, okay." Pinatay niya na ang tawag kaya ibinalik ko sa gilid yung cellphone ni four-eyed at tsaka ako pumasok sa kwarto ko.

Humiga na ako sa kama ko, at mabilis na nakatulog dahil sa alak na nainom ko.

Ngunit nagising ako dahil sa kalabit sa mismong pisngi ko, "What?!" Iritang tanong ko at nagmulat.

Nang makita ko ang mukha ni Yeon ay napalunok ako, "Ano?" Tanong ko.

"W-Where's my card key?" Nangunot ang noo ko sa tanong niya.

"A-Anong alam ko?" Gitil ko at naupo.

"Did I lose it again," nauubusang pasensya niyang sabi at deretsong tumayo tsaka siya lumabas ng kwarto ko kaya sumunod ako.

"Install a high tech coded door, four-eyed. Huwag ka na mag-card key kasi burara ka." Singhal ko at pumunta sa kusina upang bigyan siya ng maiinom.

"Ang sakit ng ulo ko." Nang nagtagalog siya ay napalingon ako sa kaniya.

"Did you even know what you did last night?" Sinamaan ko siya ng tingin ngunit iling ang isinagot niya.

Inabutan ko siya ng orange juice ngunit tinitigan niya 'yon, at bago niya tinanggap ay may sinabi siya.

"I'm allergic to oranges."

Nanlaki ang mata ko at binawi kaagad 'yon, "B-Ba't mo tatanggapin?!" Gulat na sabi ko.

"'Cause you handed it to me?" Ngumiwi ako at bumalik sa kusina tsaka ako naghanap ng tubig na lang.

Inabot ko 'yon sa kaniya, "I love orange tho." Bulong ko sa sarili.

"Okay." Matipid niyang sagot at uminom ng tubig.

"Paano ka papasok sa condo mo?" Tanong ko.

"Should I smash down the door?" Baka sakali niya tila nahihiya ma mag-request ng new card for his room.

Ngumiwi ako, "May problema raw pala sa bahay niyo sabi ni Azi. Mas mabuti siguro kung sa inyo ka muna umuwi." Pagsabi ko ng maalala.

"Problema? Hindi naman nawawalan." Napangisi ang labi niya tsaka siya tumayo.

"I'll go ahead then, thank you for your kindness. I'm sorry for the inconvenience." Napatango na lang ako kaya nang tumalikod na siya ay pinanood ko siya.



Third Person's Point Of View.



Tinahak ni Yeon Gavril Villamos ang papunta sa bahay nila, ngunit unang pagka-apak niya pa lang sa loob ay isang malakas na suntok na kaagad ang sumalubong sa kaniya.

Nasapo niya ang mukha at ang dumugong labi, "Dad!" Pag-awat ng sarili niyang ama sa lolo nito.

"I asked you two simple things, Yeon! You can't even comply with these simple things!" Galit na galit na sigaw ng lolo ni Yeon.

"I'm sorry, lolo." Yumuko si Yeon sa harapan ng kaniyang pamilya.

"At nagawa mo pa talaga maglasing?! Nagawa mo pa magpariwara?!" Hindi tumugon si Yeon sa sinabi ng kaniyang lolo.

"Gusto mo bang bumagsak muli ang kumpanya natin?!" Nagkatinginan si Azi at Yeon sa tanong ng kanilang lolo.

"Ayusin mo ang trabaho mo, Yeon Gavril. Pinapasakit mo ang batok ko." Umalis na yung lolo nila at dahil doon ay nilapitan kaagad ni Azi si Yeon.

"What really happened?" Kwestyon ni Azi.

"I don't even know the fucking problem, why would you guys ask me?" Iritableng tugon ni Yeon.

"Anak, sorry." Lumapit ang mommy ni Yeon at hinawakan ang mukha ng anak.

"Mom."

"I'm really sorry anak." Bumuntong hininga si Yeon.

"I'll go to my room." Paalam niya at umalis na sa harapan nila, sumunod kaagad si Azi sa nakakatandang kapatid hanggang sa kwarto nito.

"Kuya, gusto mo ba magpalit na ako ng course? Tutulungan na—"

"No, Azi. I don't need your help." Yeon said in monotone.

"Lolo will just put all the blame on you, I swear—"

"Ito naman yung gusto niya 'di ba?! Fuck! I don't even know what's getting him hyped up!" Galit na sabi ni Yeon at nahilot ang sentido.

"I'm doing my best for this company, even for that thing! Why don't they trust me?" Sinamaan ng tingin ni Yeon ang kung anong gamit niya sa kwarto.

"Then stop, just stop doing it!" Napapikit si Azi matapos niyang pagtaasan ng boses ang nakakatandang kapatid.

"How could I stop? Nasimulan ko na! Umaasa na silang lahat sa akin! Gusto ko rin naman 'to gawin!" Napatayo si Yeon sa galit na nararamdaman.

"Gusto mo ba talaga? O ginagawa mo 'to para sa kanila?" Sinamaan ni Yeon ng tingin si Azi tsaka siya umiwas tingin.

"Labas." Turo ni Yeon sa pinto.

"Fine." Singhal ni Azi at inis na lumabas ng kwarto, naupo muli si Yeon sa kama niya at napahilamos sa sobrang pagka-irita.



///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top