Chapter 33: Will Truth Prevails?

Chapter 33:

Sierah's Point Of View.

Halos kabahan ako nang kumirot ang tyan ko, "Is it your red days?" Lumapit siya kaagad at inalis ang coat niya para itakio sa akin.

"Oh my god." Nahawakan ko agad ang tyan, "Oh my god."

"W-Why? What's wrong?" kwestyon niya at nag-aalala akong sinuri.

Nang sumakit lalo ang tyan ko at napaupo ako, "N-No." Naiiyak ako at nag-aalala.

"Sie, what's wrong!?" Hinawakan niya ako sa balikat at tinignan.

"T-Take me to the hospital, please. Yeon, please. Help me." Nangilid ang luha ko at sunod-sunod na humikbi.

"H-Huh?"

"What? Why?"

"Y-Yung baby ko, b-baka mapano yung baby ko." Nakikiusap kong sabi at hinawakan ang braso niya, napansin ko na nagulantang siya ngunit hindi ko na inalala 'yon.

Agaran niya akong binuhat kasabay ng malutong na mura, halos takbuhin niya ang papunta sa elevator para lang mas mabilis kaming makaalis sa kumpanya.

Hindi na siya nag-atubiling isipin ang sasakyan niya at kahit maduguan 'yon ay hindi niya inisip.

Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan, nang makarating sa ospital ay binuhat niya ako muli patakbo sa emergency room habang ako ay umiiyak at nag-aalala lang.

"Doc, please. Paki-check, I think she's pregnant. S-Sabi niya," Nakikiusap niyang sabi.

Hanggang sa maya-maya ay may itusok sa akin, ay naramdaman ko ang antok.

Naalimpungatan ako nang sandaling naririnig ko si Yeon at isang doctor.

"What happened doc?"

"She got stressed, we already told her that she's sensitive, her pregnancy is very sensitive." Nagmulat ako at nahawakan kaagad ang tyan ko.

"D-Doc? Yung baby ko po?"

"Hija, maayos na ang kalagayan niyong dalawa. Huwag ka mag-alala dahil sa mabilis na pagdala sa'yo ay naagapan ang pagdugo." Nakahinga ako ng maluwag.

"I'll go ahead." Paalam nito.

Hinarap ako ni Yeon, "I didn't know you were pregnant." Panimula niya, ang kaba ay umakyat sa lalamunan ko.

Hindi ako makapagsalita. "You're 3 months pregnant?" Makahulugan ang tingin niya sa akin.

"Yeah." Sagot ko.

"Am I the father?" Tanong niya bigla, kinabahan ako.

Hindi alam ang isasagot, "Answer me, Sie."

"H-Hindi." Napaiwas tingin ako.

"Woah, it was three months ago nang may nangyari sa atin, hindi ako? Sigurado ka?" Seryosong sumbat niya.

"Hindi nga ikaw, alam ko kung sino ang ama ng anak ko okay?"

"Isa pa matapos ng mangayari sa atin uminom ako ng morning pill. Kaya malabo, hindi ikaw ang ama nito." Mahinang sabi ko.

"Kung ganoon sino?"

"Kung hindi ako sino?"

"Sa buwan na 'yon ako lang 'di ba? Magkasama tayo palag–"

"Hindi nga ikaw, bakit ba ipinipilit mo? May asawa ka dapat matuwa ka na hindi ikaw ang ama nito. Si Yuno ang ama nito, okay?" Inis na sabi ko.

"Si Yuno?" Kwestyon niya, hindi makapaniwala hindi mawari kung dismayado o naasar.

Maniwala ka na lang, Yeon. Maniwala ka na lang, makakabuti 'to sa anak natin.

Hindi ko gustong matawag siyang bastardo.

"Sigurado ka?" Tumango ako at walang gana na umiwas tingin.

"Salamat sa tulong mo."

"Tsk." Singhal niya.

"Sierah!" Halos magulat ako ng bumukas ang pinto at humahangos na tumakbo si Yuno papalapit sa akin.

"Ayos ka lang? Si baby kumusta? Ano nangyari? Dapat sinabihan mo ako. Kakabyahe ko galing tagaytay." Huminga ako ng malalim.

"Okay lang kami."

"Bro," Gulat na sabi ni Yuno kay Yeon.

"Thank you for taking them here, I appreciate the gesture." Kalmadong sabi ni Yuno at nasuklay pa pataas ang kanyang buhok na bahagyang basa.

Yeon stared at him before looking away and licked his lips. He's feeling frustrated, ganyan siya.

He sighed before staring at me once again, "Anak mo ang dinadala niya?" Na-estatwa si Yuno at sinulyapan ako.

"Oo bro, bakit?" Sinubukan niyang magsinungaling para sa akin, "Hindi mo ba alam na nagkabalikan na kami?" Pilit na pinaniwala ni Yuno si Yeon.

"How could I believe you? Last month we talked in a group . You said you guys were friends?" Salubong ang kilay ni Yeon at hindi makumbinsi sa naririnig.

"Hindi niyo naman kailangan malaman ang tunay na relasyon namin, sa amin na lang 'yon. Ayaw ipaalam ni Sierah at nirerespeto ko 'yon." Sinubukan pa ni Yuno ang gumawa ng kasinungalingan para sa akin, I feel sorry and thankful for the moment.

"Can I talk to her for a minute?" Baka sakali ni Yeon na pakiusap kay Yuno.

"Kung ganoon sige, kailangan kong ayusin ang bills ng mag-ina ko." Paalam ni Yuno at sinulyapan ako.

Nang makaalis siya ay tinitigan ko si Yeon, "Make sure that you're telling the truth, taliwas sa nararamdaman ko ang mga pinagsasabi niyo." Mahina niyang sabi ngunit nakakabahala.

"Pero sige, maniniwala ako. I'll try my best to ignore the guts I have. I am willing to do anything, and risk everything if I'm the father of this child." Napayuko ako, hindi alam ang gagawin.

"Bakit ako magsisinungaling sa'yo?" Sumbat ko.

"Isa pa hindi tayo maayos, Yeon. Baka nawala sa isip mo ang ginawa sa akin ng pamilya mo?" Galit na sabi ko, hindi maipinta ang mukha niya sa narinig.

Para bang rinding rindi na siya sa paulit ulit na sinasabi ko, nahilot niya ang tangos ng ilong at inayos ang salamin.

Masama siyang tumingin sa kung saan ngunit nang ako na ang titigan niya ay lumamlam ang matang akala mo'y makakapatay sa galit.

"I understand, but I wish you're not lying to me because of that reason." Kagat labi akong nakonsensya.

"Umalis ka na Yeon, salamat sa lahat." Mahinang sabi ko, natigilan ako nang lumapit siya sa akin, pinukaw ang lahat ng dugo sa mukha ko noong hawakan niya ang kamay.

"Sie, just tell me the truth please?" Nagulantang ako nang nakikiusap niyang sinabi 'yon habang nangingilid ang luha sa mata. Bigla ay nahawa ako sa emosyon niya.

He barely cries and it always surprises me if he did. Mainly if I am the reason, "S-Sabihin mo na lang yung totoo, don't hurt me like this, please Sie." Halos matulala ako at maluha nang yumuko siya at lumuhod sa harapan ko.

Ang noo niya ay nakadikit sa kamay kong hawak niya, "I-If this is my child, please don't hide it from me. H-Hindi ko kaya kapag sariling dugo ko na ang usapan." Napalunok ako at nagpakatatag.

Masisira lang siya sa sarili mong pamilya, Yeon. Hangga't nasa paligid ang lolo mo, hindi ko hahayaan na masira ang anak natin.

"Nararamdaman ko, nararamdaman ko na dugo ko ang dumadaloy sa nasa sinapupunan mo." Hindi nga siya nagkamali, na malakas siyang makiramdam noon pa man.

"Hindi Yeon. Nas-stress ako sa mga sinasabi mo." Nasapo ko ang mukha.

"Alright, let's talk another time." Tumayo siya at sandaling inayos ang sarili.

A week later natanaw ko si Yeon kasama ang asawa niya, nag-uusap sila habang kumakain. Nasulyapan ko si Yuno.

"Gusto ko ng umalis rito, Yuno. P-Pupunta na akong Palawan."

"It's so sudden, Sierah."

"Pag tumagal pa ako rito mas masisira ang pamilya niya." Seryosong aniya ko na ikinabuntong hininga niya.

"Sige."

"Sasamahan kita." Mahinang sabi niya kaya hinayaan ko na.

After preparing, it took us three days to prepare our things and ihahatid lang ako ni Yuno at babalik siya sa project niya.

Tapos ay pagkatapos no'n sa Palawan na raw siya kukuha ng projects. Bumyahe kami gamit ang private plane ng family namin, sa may hotel nila ako tutuloy sa Palawan at naayos na 'yon ni mommy at daddy.

Amaya will visit me naman next week, siya kasi ang sunod na nakaalam bukod kay Yuno.

Those days were my busiest, sa laptop lang ako nagt-trabaho.

Yuniko's Point Of View.

Habang nasa site ako ay bigla akong pinabalik sa office, nagtaka ako nang mamataan si Yeon.

Ngunit kakaiba ang dating niya ngayon, he always look so cool and confident, but right now he seem like he doesn't sleep much.

Kunot noo ko siyang nilapitan, "Bro, why are you here?" I asked.

He looked up instantly, "Where's Sie?" Sa bungad niya ay natigilan ako.

"I don't know," I lied, I know that he's the father of Sierah's baby, but Sierah asked me for a favor.

"I know you know, Yuno. I ask you, kahit ngayon lang. We're still friends after all, I want to see her." Nakikiusap na sabi ni Yeon kaya naman bumuntong hininga ako.

"Ano ba yung pakay mo sa kanya? Stress na stress na yung girlfriend ko dito. Lumayo siya at hindi ko pa alam kung saan siya nagpunta." Pagsisinungaling ko muli at umiwas tingin.

"Alam kong ako yung ama ng bata na 'yon, Yuno. Hindi niyo maitatanggi—"

"Hibang ka ba? Sinasabi mo bang anak mo yung anak ko!?" Inis na gitil ko, ngunit ako man ay naawa sa kanya.

He deserves to know, but Sierah said he's married. "I can feel it—"

"Oh really? I can feel that too, Yeon. Does that mean that's our kid then?" lumabi ako matapos sabihin 'yon.

"Don't play games with me—"

"Hindi lang ikaw, Yeon. Ako ang ama ng bata na 'yon at tingin mo ba kung hindi ako, sasabihin at mauna kong malalaman ang tungkol doon?" Sumbat ko dahilan para matahimik siya.

"Kasalanan na ang ginawa mo, dadagdagan mo pa? Walang kayo ngunit sinamantala mo ang kalasingan niya Yeon! Anong klaseng lalake ka?" Galit na sabi ko pa.

"Sinamantala?" Hindi makapaniwalang sabi niya at tumalim ang tingin sa akin.

"Ang tagal ko siyang hinintay bumalik! Alam mo 'yon!"

"You're aware of it! Every inch of it, hinanap ko siya sa'yo noon anong sabi mo? Hindi mo rin alam!" Halos kwelyuhan niya ako ngunit kinalma niya ang sarili.

"Kingina. Ako ba ang gumamit sa kanya at trumaydor?" Singhal ko.

"Hindi ba? Hindi mo ba ginawang traydorin siya? Nang panahon na ikaw ang mahal niya. Hindi mo ba siya ginago harap harapan?" Huminga ako ng malalim.

"Pinagsisihan ko 'yon, ikaw ba? Yung pamilya mo ang sumira sa kanya–"

"Na inagapan ko! Oo gusto maghiganti ng lolo ko sa pamilya niya pero kontra ako doon. It wasn't my choice! I broke up with her, I left her for her own sake! Pinagmukha kong walang katotohanan lahat because of her! I needed to protect her that time and I did all I could even if it's hurting me so much!" Hindi ako makapaniwalang tumitig sa kanya.

Sana ay naririnig mo ito, Sierah. Dahil hindi ko kayang ipagtapat ang lahat ng ito sa'yo.

Masasaktan ka lang.

"Bakit hindi ako nakatanggi? Dahil ginusto ko 'yon. Ang tagal kong nangulila sa kanya, hindi ko magawang aminin dahil natatakot ako na baka masira siya muli nang ako ang rason. Hindi ako sigurado kung kakayanin ko nang protektahan siya nang walang pahamak na hinaharap."

"What's the point of this conversation?" Inis na sambit ko.

"Wala, dahil sa kanya ko dapat 'to sinasabi but I know she'll never believe me." He said in a low tone.

"I'm out of that past, Yeon. Telling me those won't change the fact that I'm the father of his baby. It wasn't an accident that we made love. It was a choice, that's our differences." Pagsisinungaling ko.

"Hayaan mo na siya sa akin, kaya ko siyang ingatan at alagaan ng walang pangamba. Ang nakaraan niyo ay wala nang kinalaman sa kung nasaan kami ngayon." Sinampal ko siya ng mga masasakit na salita.

Hindi siya nakapagsalita, tinalikuran ko siya ngunit hinawakan niya bigla ang braso ko. "Y-You're telling the truth?" Ang tinig niya ay nanginginig, kahit na ang mga kamay niya ay nanlalamig.

Ang konsensya ay hindi ko kinaya kung kaya't umalis na ako doon, iniwan ko siya sa opisina.

Mabilis akong sumakay sa sasakyan ko pagkalabas na pagkalabas, tinawagan ko si Sierah.

"Hello?" Nang marinig ang boses niya ay tumikhim ako.

"Yeon's been bugging me, are you sure you don't want him to know?"

"No, Yuno. Let these secrets be secrets." Mahinang sabi niya, bumuntong hininga ako.

"I can't stand him, babalik na ako diyan." Gitil ko, pinag-ingat niya ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top