Chapter 30: World's Move
Chapter 30: World's Move
Sierah's Point Of View.
Nang makarating sa condo ko ay pumasok siya para kuhanin ang pusa niya ngunit biglang may tumawag sa akin.
"Yes hello? Tapos na ang office hours—"
"Ma'am Sierah, n-na-hacked po yung computers natin at na-decrypt lahat ng files." Nanlaki ang mata ko sa narinig.
"What?!"
"Ma'am, hindi ko po alam kung paano nangyari." Naiiyak na sabi ng kausap ko.
"Paano mah-hack ang computers natin? Yung files alam niyong mahalaga 'yon! Milyon milyon ang nandoon!" Pagtaas ko ng boses at nasapo ang ulo ko, napatigil rin si Yeon at lumingon.
"Ma'am, sorry ma'am.." Mangiyak ngiyak akong napaupo sa sofa.
"Ma'am.." Pagtawag niya sa akin kaya nasapo ko ang mukha.
"Wala tayong IT na magagaling ano ba namang klaseng trabaho 'yan!" Bulyaw ko at napatingin na lang sa ceiling ko.
"Ma'am may tumawag po kanina, humihingi po sila ng ransom. 5 billion po.. within 8 hours." Nasapo ko ang mukha at napatay na lang yung tawag.
"Ano problema?" Tinignan ko si Yeon.
"Ako na bahala umalis ka na." Malamig na tugon ko.
"Ask them if they backed up the files," sa sinabi ni Yeon ay hindi ko alam kung susundin ko siya.
"Kaya ko na 'to, makakaalis ka na—"
"Ask them, now." Dahil doon ay sumunod na lang ako, pagkasagot ay halatang nam-mroblema sila sa kabilang linya.
"Didn't you back up the files?" I started.
"Hindi raw na-back up ma'am, kasi 9pm raw ang back up time.." Kinakabahan na explain nila sa kabilang linya, inilingan ko si Yeon at parang siya ang na-mroblema.
"Ma'am ibibigay na po ba namin yung ransom?" Nasapo ko ang noo at nag-iisip kung ano ang magandang desisyon.
"If you gave them the ransom, they might not give you the decryption key." Seryosong sabi ni Yeon kaya naman napabuntong hininga na lang ako.
I ended the call and glanced at him, "Is this your first time experiencing this?" Tumango naman ako.
"Ilang oras na lang ang meron.." Bulong ko sa sarili, napatayo ako at nag-isip mabuti.
"Makakaalis ka na, Mr. Villamos."
"I can help. But it's up to you, Sie." Napatitig ako sa kaniya, "Knock on my door if you decide to take my help. It would be great to decide half an hour." Paalam niya tsaka lumabas ng condo ko.
Take his help? After I hurt him with harsh words? That's not a good idea.
Sinabi ko ngang hindi ko siya kailangan sa kumpanya ko, dahil doon ay tinawagan ko si daddy na agaran niya namang nasagot.
"Yes anak nasa duty ako sa hospital, may kailangan ka?" Kagat labi akong tumikhim.
"Daddy, inatake ng hackers yung software ng kumpanya.."
"Softwar— what?!" Halatang nagulat si daddy sa sinabi ko.
"Tell me anak, tell me siguro naman may back up?" Napaluha na lang ako sa pagka-frustrate.
"Wala dad, 9pm ang back ups pero inatake around 8:30pm." Nam-mroblema ko na sabi.
"You know who has the best IT's?" Panimula ni dad.
"Sino dad?"
"Your ex boyfriend." Nanlaki ang mata ko sa derekta na sabi ni daddy.
"Daddy sino sa kanila?" Halos matawa si dad sa kabilang linya kaya ngumuso ako, "The last one."
"S-Si Yeon po daddy?" Kumabog ang dibdib ko nang tumugon siya sa tahimik na paraan, "Daddy inaway ko 'yon eh." Naiiyak kong bulong.
"Then your choice anak, pride over your company. Save your company or save your pride. Pasok na ako sa OR, maya na lang 'nak." Paalam ni daddy at pinatay agad ang tawag.
Nag-isip pa ako ng mahigit sampung minuto bago ako lumabas ng kwarto at katukin ang pinto niya, bumukas naman 'yon agad ngunit halos maiiwas ko agad ang mata nang katawan niyang basa pa ang makita ko.
"Oh sorry. Wait." Pinapasok niya ako sa loob at tsaka siya nagbihis sa kwarto niya.
Pagkalabas niya ay hinarap niya ako. "I'll take your offer." Nahihiyang sabi ko.
"Hmm, what changes your mind?" Baka sakali niya and started typing on his phone.
"My dad," bulong ko.
"Your dad knows how to run a business. I salute him for that, I already sent the computer experts and they're on their way." Paliwanag niya tsaka siya naupo sa kinauupuan niya.
"Kailangan ka doon, hindi ka na magbibihis?" Napahinga ako ng malalim bago sumangayon.
"Magbibihis lang ako." Wala man sa sarili ay maayos ko pa rin namang nabihisan ang sarili ko.
Pagkarating sa opisina ay doon sila nag-aayos, napaupo na lang ako habang naghihintay. Kinakausap naman ni Yeon ang mga computer experts.
I always check them, if there's an improvement or if it can be fixed.
Nang mapansin ko na naka-tingin si Yeon sa akin ay siya ang sinulyapan ko. "What?" I asked.
"Wala." Matipid niyang tugon at pinaglapat ang labi, ngunit stress na stress na ang mga computer experts ngunit hindi pa nila nahahanap ang decryption key.
"Miss," tawag ko sa assistant ko, lumapit ito kaagad sa akin.
"Buy everyone a coffee, and a bread." Kinuha ko ang card ko at inabot sa kaniya, "Please help her.." Napasunod ang iba at sinamahan siya.
Bumalik ako sa pagkakaupo hanggang sa may pumasok sa opisina at natigilan ako noong makita si Yuno.
Oh, it's Yuniko Marshall in the room. My eyes glanced at Yeon who's about to glare at Yuno but he caught me glancing at him.
"I heard what happened, hindi pa ba hanap?" Tanong niya habang naglalakad palapit sa akin.
"Not yet, wala pang progress." Mahinang tugon ko, then suddenly Yuno placed his hands on my shoulders.
Pigil ngisi ako nang mapansin ko na titig na titig si Yeon at napagkrus pa ang mga braso niya sa dibdib.
"I have a solution, wait. Let me talk to them," Yuno walked towards the computer experts and handed them a piece of paper.
"I gathered these decryption keys, baka kasi yung ibang hackers nang-hack na ng iba. At least try this." Napasilip tuloy ako, they tried and tried until one computer expert made a sound of excitement.
"I found the decrypt key, magiging mabilis na lang ito." Dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag.
"Grabe, thank you lord." Napaghawak ko pa ang kamay ko tsaka ako yumuko at idinikit ang noo ko doon.
Matapos no'n ay nagpasalamat ako sa mga tumulong at nag-stay overnight with us, nilapitan ko si Yuno.
"Thank you Yuno, you really helped me a lot." Pagpapasalamat ko na ikinangisi ng labi niya.
"Sure, Sierah. Basta ikaw.." Nakagat ko ang ibabang labi at ngumiti.
"I'll just treat you next time, okay? Umuwi ka na rin Yuno. Salamat talaga." Ngumiti siya muli.
"See you next time then," kaway niya at nakapamulsang umalis, hanggang sa masulyapan ko si Yeon na naglalakad na paalis ay mabilis akong humabol.
"Sandali!"
Natigilan siya at nilingon ako, salubong ang kilay at napaayos ng suot na salamin. "What?"
Sungit naman niya yata bigla? "I'm just thankful for your help, Mr. Villamos."
"Wala naman akong itinulong bukod sa tumayo." Malamig niyang tugon.
"Don't thank me. It's not like I fixed the computers." Huminga ako ng malalim.
"Unlike Yuno, he helped with the decryption keys." Tumaas bahagya ang kilay ko sa sinabi niya. Does he feel insecure now?
"I already thanked him, now I'm here in front of you. Thank you for your help Mr. Villamos." Bumuntong hininga siya at sandaliang umiwas tingin.
"You helped a lot, tingin mo ba your men would help me if you won't tell them to help me?" I made him realize.
"Still—"
"I know I'm harsh, but I'm sincerely thanking you right now. Mr. Yeon Gavril." He raised a brow, hearing how I called him before.
"You make me wanna smoke, bye." Seryosong sabi niya at umalis na kaya umawang ang labi ko. Wow, smoker naman na siya noon pa lang ah? Sinisi pa ako.
A few days later.
As a token of gratitude, I met with Yuno to treat him. Dinner siya free kaya dinner na lang kami nagkita. Pasimple ang mga tingin at sulyap niya sa akin.
Ngunit gayun pa man ay hindi na ganoon kabilis ang tibok ng puso ko sa tuwing kaharap siya, siguro ay nagsawa sa sakit ang puso ko.
"Busy na busy ka sa company 'no?" baka sakali niya.
"Yes, super stressful rin." Maktol ko.
"Ganiyan talaga, we all started from getting stressed rather than getting relaxed. Malalampasan rin 'yan," he gave some encouragement words and I guess that would help?
While eating our dinner, he suddenly kept on glancing to his left, sinundan ko ang tingin niya and to my surprise I watched Yeon smiling at a fine lady.
Kunot noo kong pinanood 'yon, mukhang parehas silang nasa business– natigilan ako nang makita yung babae na ayusin ang white lab gown niya and that confirms that she's a doctor.
Or a student doctor? Resident?
Nang tignan ko na si Yuno ay nakangisi ang labi niyang nakatitig sa akin, "Seems like you haven't moved on yet?"
"Of course not," sagot ko agad, "Past is past naman na, and matagal na kaming tapos.." Patikhim kong sagot.
"Masaya naman ako sa buhay ko ngayon, single pero walang problema sa love life." Parang hindi convinced si Yuno sa kaniyang pagtango.
"Uhm, sabagay.."
"Ikaw rin naman yata single pa rin?" asar ko.
"Hindi na ako nagmahal ulit pagkatapos mo eh." Sa sagot niya ay nasamid ako sa sariling laway, "Grabe nga 'yon." Bulong ko na mahina niyang ikinatawa.
"Yung best friend ko, I heard she had a crush on you before? 'Di kayo nag-click?" Pagbibiro ko.
"Hindi pa ba sapat yung nagkagusto ako sa pinsan mo noon, gusto mo best friend mo rin?" Dahil sa itinuran niya ay humalagapak kami sa tawa.
"Gago," singhal ko.
"I'm happy to see you smile that way again, lol. Akala ko hindi na kita mapapatawa tulad noon." Napaayos siya ng buhok at nakangiting nakatitig sa akin.
Then suddenly I glanced at Yeon, and I realized that he's married nga pala baka 'yon yung wife niya?
Well, never mind hindi naman ako interisado after all. After kumain ay nagpaalam ako sandali na magr-retouch at magbabanyo na rin.
Matapos ko ayusin ang sarili ay natigilan ako noong makasabay ko yung doctor, matipid siyang ngumiti sa akin ewan baka friendly siya.
Lumapit ako sa lagayan ng tissue ngunit ubos, kaya naman bumuntong hininga ako hanggang sa bigla niya akong sulyapan.
"Take this," inabot niya sa akin ang isang pack kaya tinignan ko 'yon tsaka ako matipid na ngumiti.
"Thank you." Ngumiti rin siya at naghugas na ng kamay, pagkatapos ko ay mas nauna akong lumabas, ngunit halos mapaatras ako nang nakatayo si Yeon sa gilid ng hallway.
Nangunot rin ang noo niya nang makita ako, "I didn't expect to see you here, Ms. Garcia." Bati niya.
"Likewise," Okay minus points for lying.
"Did you come here for dinner?" he asked.
"Yes, dinner. Since it's evening, I can't say it's my breakfast." I sarcastically said that made him chuckle.
"Yeah, did you come here alone–"
"Sierah," Nalingon ko si Yuno na tinawag ang pangalan ko that made me smile.
"Nandito ka pala, doon yung guys comfort room." Turo ko.
"Uy Yeon, nice to see you bro." Ngiting sabi ni Yuno.
"Ah yes," he said.
Maya-maya ay lumabas yung doctor, "You waited for me?" natigilan yung doctor noong mapansin na magkaharap kami ni Yeon.
"Yes," sagot ni Yeon.
"Ah.. Excuse me, Sierah wait mo na lang ako sa table natin." Ngiti ni Yuno kaya ngumiti ako lalo.
"Sure," I even smiled more.
"Magkakilala kayo?" tanong ng doctor wife ni Yeon.
"Ah yes, she's my business partner. Sierah Garcia," nginitian ko yung babae matapos ako ipakilala ni Yeon.
"I'll go ahead then, nice to meet you." Paalam ko at naglakad na palayo sa kanila.
Pagkarating sa table ay napahinga ako ng malalim, grabeng interactions 'yon, not just interactions but also encounter!
Maya-maya ay naupo agad si Yuno sa harapan ko, "Asawa niya 'yon?" Sambit ni Yuno.
"Siguro? Hindi mo ba alam kung sino?" sumbat ko.
"Paano ko malalaman? Hindi naman kumalat sa magazines o newspaper. Masyadong private. Ang pinakita lang eh yung issue." Ngumiwi ako at 'di na umimik.
Habang nakaupo ay biglang may tumawag kay Yuno kaya tinignan niya ako bago sinagot 'yon sa harapan ko.
"Yes? Nasa important dinner ako— ano?" Para bang binalitaan siya ng nakakabigla.
"Paano nagkaproblema 'yon? Crizel malabo 'yang sinasabi mo." Nahihiya siyang umiwas tingin sa akin at hininaan ang boses niya.
"Pucha, tawagan mo kaya si Yamato? Bakit panay ako tangina naman." Pabulong niyang pakikipagtalo.
Si Crizel 'yon yata yung cousin ni Ate Miran at Yamato. Pinsan din yata ni Yuno?
"Hanep naman kayo, ilan yung na-ospital?" medyo na-curious ako, mukhang aksidente sa site.
"Sige sige. Ako na," wika ni Yuno at pinatay ang tawag.
"Sierah, ihatid na muna kita sa condo mo bago ako dumeretso sa site–"
"Ayos lang, hindi na. I'll just call Amaya, pumunta ka na." Nakangiting sabi ko, trying to assure him.
"Sigurado ka ba? Hintayin na natin si Amaya bago ako umali—"
"Hindi pupunta 'yon pag nandito ka." Pagsasabi ko ng totoo.
"G-Ganoon ba, sige. Pasensya na Sierah. Salamat." Halata na stress at aburido siya ngunit wala akong magagawa sa nangyari, umalis na siya matapos ko siya ngitian.
Halatang nagmamadali siya, muntikan pa nga siyang mapatid kakamadali, I was about to ask for the bill pero lumapit yung waiter. "Ma'am he paid it already po."
"Ah, really? Okay. Thank you." Nginitian ko na lang, I checked my phone and sees Amaya's message.
From Amaya:
Deaaar, party na lang tayo please. I need to relax.
Mahina akong natawa at tinawagan siya dahil sa katamaran ko mag-type na nasagot niya naman kaagad. "May business party naman sa club ni Mr. Arellano, let's go?" Napayuko ako sa damit ko sa sinabi niya.
"Pwede naman na yung damit ko, susunduin mo ba ako?"
"You want ba? I can naman—"
"Meet na lang tayo sa club, see you." Paalam ko at pinatay agad, tumayo na rin ako at nag-iwan ng tip sa table bago ako naglakad papalabas.
Kaso nakita ko si Yeon na pasakay sa sasakyan niya kasama yung doctor, umiwas tingin na lang ako at pumara ng taxi.
Pagkasakay ay sinabi ko agad ang location, suddenly Yuno sent me a message.
From Yunoyummers:
Sierah, sorry for the inconvenience. Bawi ako sa susunod. Salamat.
Nag-reply na lang ako at sandaling pumikit..
Sa loob ng club ay nakipagbatian lang kami tapos ay humanap na ng seat with familiarity.
A lot of men tried to link us but they all failed as we were busy talking about business. They just can't get in between the conversation.
While drinking nabanggit ko bigla si Yuno, "Nag-dinner pala kami ni Yuno," natigilan si Amaya at napatitig.
"Comeback?" umiling ako agad sa tanong niya.
"Matagal ng tapos yung sa amin, Amaya. I don't think may maayos pa." Kalmadong sabi ko habang sumisimsim sa baso ng alak na aking hawak.
"Hmm, malay mo naman 'di ba? Everything is possible." Kibit balikat na lang ako at habang umiinom ay natigil ako nang makita ko si Yeon.
Mag-isa niya lang at para bang inimbita lang rin siya dahil sinalubong siya ng isang lalake.
Naningkit ang mata ko nang magsimula sila maglakad sa gawi namin, kaya napa-inom na lang ako at hindi siya pinansin.
Nang maupo sila sa bandang harapan namin ay napansin ko ang pagsulyap ni Amaya sa akin.
Ngunit nanatili akong tahimik at hindi kumikibo, nang mapansin ko ang pagsulyap ni Yeon ay sinulyapan ko rin siya at kinunutan ng noo.
He has a wife na nga, tingin pa ng tingin sa ex niya? What a shame..
"Amaya, busy on these days huh?" Biglang sabi niya dahilan para mapatango at matipid na ngumiti si Amaya.
"Business world means busy days even on weekends." Hinayaan ko na muna sila mag-usap dahil wala naman akong masabi.
"Is that so, how about you Sie? Pansin ko hindi ka busy." Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya, "What do you mean?"
"Well, saw you out on a date earlier?" Pasimple akong umirap.
"I can just make time for someone who deserves my time." I calmly answered while playing with the ice cube on my glass.
"Naks." Bulong ni Amaya.
"That's great." Tango ni Yeon, he rested his back on the couch while his legs were widened.
Umiwas tingin ako as he kind of looks hot for a sec, "Let's order one more tequila. Ang hina ng tama," I complained.
"Lakas mo ha." Bulong ni Amaya at umorder, dahil doon ay naparami na naman ang inom namin magkaibigan.
Maya-maya ay ramdam na ramdam ko na ang tama sa akin ng iniinom kaya napapatitig na lang ako sa kung saan.
Inabot ko ang cellphone ko at nag-open ng social media, I scanned through my DM's and saw Yuno's private message.
@yunoyummers: Take care and don't drink a lot, thank you once again.
Ngumisi ako, "Sino 'yan dearrr? Si Yuno?" Napalunok ako nang sumilip si Amaya.
"Ah, nagbilin lang." Matipid na sagot ko.
"Magkakabalikan ba kayo ni crush?" Bahagyang nanlaki ang mata ko sa lasing na sabi ni Amaya.
Napansin ko na nakatingin rin si Yeon sa amin, nakikinig. "A-Akala ko ba hindi mo na gusto?" Gulat na sabi ko.
"Gagi crush lang hahahaahahahaha!" Napalunok ako.
"Ikaw pa rin naman gusto ni Yuno, kahit magkaibigan na kami ikaw pa rin. Wala akong laban doon 'no." Tawa ni Amaya at napasandal na sa balikat ko.
Huminga ako ng malalim, "Masasaktan lang naman ako kaunti pero sasaya ako for both of you—"
"Hindi kami magkakabalikan." Mahinang sabi ko pero alam ko na maririnig 'yon ni Yeon.
"Okay lang talaga dear!" Ngumiti si Amaya.
"Hindi." Matipid na sabi ko at napainom ng isang shot.
Nasapo ko ang mukha nang sumandal si Amaya sa balikat ko at magsimulang umiyak, "I tried naman eh, I tried moving on and forgetting him.."
Sinilip ko ang mukha ni Amaya tapos ay sinulyapan ko si Yeon na nakatingin rin kay Amaya, "Kaso ang hirap.. He rejected me nicely, s-sana ni-reject niya na lang ako sa masakit na paraan."
Hinawakan ko ang kamay niya at nakinig, "Kaso taon na lumipas ikaw pa rin daw." Pumiyok siya dahil sa paghikbi.
"H-Hindi kita sinisisi, k-kung ako si Yuno baka hindi rin kita makalimutan Sierah." Lumabi ako at bumuntong hininga.
Alam kong lasing na rin ako at bahagyang nahihilo, "Pero you know what Yuno really fell for you, although you fell first he fell harder. Mas malala pa nga yata pagkagusto niya sa'yo kesa sa pinsan mo. So why not give him a chance?" Ngumuso ako sa sinabi ni Amaya.
"Kung gusto mo siya, hindi ko pipiliing saktan ka." Seryosong sabi ko.
"Pero kung ikaw yung babae para sa kaniya sasaya ako." Nguso ni Amaya.
"Let's not talk about this." Seryosong sabi ko at uminom ulit ng shot.
Maya-maya ay halos yumuko na ako sa mesa, tulog na rin si Amaya sa gilid. "Ma'am hatid na namin kayo." Natingala ko yung nagt-trabaho rin sa kumpanya.
"Lasing ka rin tapos ihahatid mo kami? No thanks. No." Tanggi ko.
"Pero ma'am—"
"Ako na bahala sa kanila, I know their place." Natignan ko si Yeon tsaka ako ngumisi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top