Chapter 29: Scars From The Past
Chapter 29: Scars From The Past
Sierah's Point Of View.
Pagkauwi ko sa condo ay bumuntong hininga ako at muling lumabas para kuhanin ang pusa ni Yeon, pagkabukas ko ay umingaw agad yung pusa at lumingkis sa akin.
"Sasama ka muna sa akin ha, wala pa yung amo mo. Busy raw." Tumugon ito ng mahabang 'meow' kaya medyo natuwa ako.
Kinuha ko yung wet food niya pati na ang ibang pagkain tsaka ko siya binuhat at dala ang isang bag ng pusa.
Pagkapasok ko sa condo ko ay pinakain ko na siya sa gilid tapos dumeretso ako sa kwarto ko. Naligo lang ako ulit bago muling gumawa ng trabaho.
Hinayaan kong nakabukas ang kwarto upang makapasok lang yung pusa kahit kailan niya gusto, inaantok akong tumipa sa laptop ko hanggang sa mapagod ako dahil sa antok.
Naghanap ako ng kape ngunit wala nga pala akong instant coffee, bibili na lang yata ako.
"Gusto mo ba sumama?" Anyaya ko sa pusa, pag hindi niya ako pinansin ay hindi ko siya isasama ngunit pag umingaw siya at lumapit ay sige.
"Meow~" inilingkis nito ang ulo niya sa legs ko kaya ngumiti ako, kinuha ko ang magandang tali niya at tsaka ko isinuot 'yon sa pusa.
Dala ang wallet ko ay naglakad kami na pinangunahan niya, sa elevator ay binuhat ko siya para safe.
Nilakad na lang namin hanggang sa cafe ni lola, malapit lang sa kumpanya 'to pero medyo malayo pa kaunti.
Nang makapasok ay binati agad ako nang nakakilala sa akin, umorder ako ng kape at sa pagitan ng paghihintay ay umingaw nang umingaw yung pusa ni Yeon.
Tinignan ko ang tinitignan niya at natanaw ko si Yeon na mukhang stressed na stressed sa buhay, may kaguluhan ang itim at bagsak niyang buhok na para bang katatapos niya lang nag-shower.
Ngunit slacks at long sleeve na puti na ang suot niya, lumapit siya sa counter mukhang mamimili.
Pasimple kong binitiwan ang tali ng pusa niya upang mapuntahan siya at nang makalapit ay nagulat pa siya. "Baby.." Malambing niyang tawag rito at binuhat, napansin ko na hinanap ako ng mata niya.
Ngumiwi ako at umirap nang magtama ang mata namin, matapos niya umorder ay lumapit siya at naupo sa harapan ko. "Naglakad lang kayo?" Kwestyon niya.
"Yes."
"Buti sinama mo? Takot ka mag-isa?" Tinig nang-aasar 'yon ngunit pinili ko sumagot ng maayos.
"Baka bored na sa condo mo, kawawa naman inilabas ko na."
"Bait ah?"
"Ulo mo." Singhal ko at hinayaan siyang maupo sa harapan ko.
"Naks, may date 'yan?" Gulat akong napalingon ng marinig ang pamilyar na tinig, sinamaan ko ng tingin si Zian.
"Date mo mukha mo, it's purely coincidence." I reasoned out, no, it's true.
"Kumusta kuya? Libre mo nga ako." Naupo siya sa tabi ni Yeon.
"Umalis ka nga rito." Sermon ko.
"Nagkabalikan na kayo? A comeback is real talaga." Umawang ang labi ko sa sinabi niya.
"Comeback your face, ano ba Zian.." Prente siyang tumitig sa aming dalawa, "Seryoso hindi?" Naningkit ang mata ko sa tanong niya.
"Then why are you two together? I doubt it's nothing?" Huminga ako ng malalim at sinulyapan si Yeon na pinaglalaruan ang daliri sa ibabaw ng mesa tila ba may piano keys doon at pumipindot siya.
"It's nothing."
"'Di nga kuya?" Sulyap ni Zian kay Yeon halatang 'di naniniwala sa akin.
"Yeah, what your sister is saying is true." Ngumiwi ang dulo ng labi ni Zian.
"Oh my bad." Bulong niya.
"Ate, una na ako. Bye." Paalam niya at mabilis na umalis, napapahiya kaya pasimple kong nahilot ang sintido.
"Comeback ampota." Napalingon ako sa nasa likod namin at halos matakpan ni Senti ang bibig, yung engineer na kaibigan ni Yamato at Jami.
"H-Hi Sierah." Ilang niyang kaway.
Magkasama sila nang isa pang kaibigan nila na si Cane, at Yamato. "Nandito kayo kanina pa?" Tanong ko.
"Hmm, kanina pa." Tango ni Yamato.
"Nice seeing you again, Engr. Lapiz, getting more handsome huh?" I teased, he crossed his arms on his chest and smiled, flexing his built chest, arms, and shoulders.
"You too, getting more beautiful." Ngumisi ako.
"Thank you. I heard may project kayo ng pinsan ko together?" Hula ko.
"Yes, magkakasama naman kami sa iisang kumpanya. Ikaw? Busy talaga sa business?" hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko at napapansin ko na naiinip si Yeon.
"Oo, focus on goals."
"Walang boyfriend?" Biro niya.
"Wala." Tawang sabi ko.
"Oh, that's great. I heard may date kayo ni Yuno?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya ngunit mas lumapad ang ngiti kaya tumango na lang ako.
"That's nice, Sierah. Una na rin pala kami, puyat lang kaya nag-kape." Senyas ni Yamato sa nasa mesa nila.
"Oo, bye ingat kayo."
"Bye Sierah." Kaway ng mga kasama niya.
"Bye, engineers!" I waved my hand a little.
Pagkatingin ko kay Yeon ay salubong ang kilay niya at tila bumalik sa pagiging matapobre ang mukha. Hanggang sa ihatid na ang kape namin ay kinuha ko ang akin.
"'Di ka pa aalis?" Kwestyon ko.
"Pinaalis mo na 'ko?" Seryosong sabi niya.
"Well, no. Pero kami aalis na, bye." Masungit na paalam ko at binuhat ang pusa, "Ba't hindi ka kasi uuwi?" Tanong ko bigla at nilingon siya.
"I'm busy, loads of work. Ikaw ba gagawa pag uuwi ako?" Umirap ako sa pabara niyang sagot, "Hindi rin. Huwag ka na umuwi, para hindi ko nakikita 'yang pagmumukha mo." His lips parted on what I said before smirking.
"Kala mo sumpa 'to?" He pointed to his face, "Kung karma 'to, this is the most beautiful karma you've ever seen." Sa mahangin niyang tugon ay umirap ako at hindi na siya pinansin tsaka umalis.
Dahil doon ay bumalik ako sa condo at muling nagtrababo, kahit gabi na ay may kailangan pa rin ako i-record at ayusin para sa kumpanya.
Hindi naman biro maging isang owner ng isang kumpanya, mahirap at maraming gawain. Hussle.
The next day, I received a call from Yuniko Marshall, nagdalawang isip akong sagutin 'yon kaso ginawa ko na rin.
"Good morning." Bati niya sa kabilang linya, tumikhim ako sandali bago sumagot.
"Good morning, what is it?"
"Are you up for work?" He questioned.
"Yes, Yuno. Why?" Sinubukan kong gawing propesyunal ang tono ng pananalita, hindi tulad noon na magkaibigan talaga kami but right now it's hard for us to be friends with our memories.
"If you're not busy, would you want to join me for dinner?" He sounded shy yet I chuckled.
"Sure. Why not, I'll call you once I have nothing to do later. Any time ba?"
"Yes, any time. Kahit madaling araw pa 'yan." I bit my lips and sighed, "Okay, bye." Paalam ko agad at pinatay na ang tawag.
Napahikab ako at inayos na ang sarili, pagkapasok ko sa opisina ay nakita ko na kaagad ang sasakyan ni Yeon sa labas sa parking lot sa VIP.
At tama nga, pagkapasok ko sa opisina ko nandoon na siya. "Ano pakay mo?" Panimula ko agad.
"Ms. Garcia, please report within this day. Paki-akma sa binigay kong format." Seryosong sabi niya, tila wala pang tulog.
"Huh? Maayos naman ah?" Gulat na sabi ko at kinuha yung folder na hawak niya.
"Yes, but not according to my format. Maga-adjust ba akong unawain yung sarili mong format?" Naitikom ko ang bibig dahil medyo wala nga siya sa mood.
"No, but it's not hard to understand—"
"Look, Ms. Garcia wala pa akong tulog and your report? Pwede kong huwag na lang pansinin 'yan at hayaang mabulok sa gilid." Nangunot ang noo ko, why is he so mean?
"Paki-ayos." He tapped the folder and left my office, maya-maya pumasok yung secretary ko.
"Pumunta po 'yon rito nang ganoon kasungit ma'am, kahit empleyado natin napagalitan niya." Bumuntong hininga ako at tinitigan ang report.
"Get my laptop please." Utos ko at doon na sa entertainment naupo, akala ko wala na akong trabaho.
Inabot niya 'yon sa akin kung kaya't ginaya ko yung format ni Yeon, matapos ay pinahatid ko na lang sa secretary ko yung folder.
Three days later, hindi rin naman natuloy ang dinner namin ni Yuno dahil nakatulog at pagod ako.
Maayos na kasi yung project, pumunta ako sa opisina ni Yeon para ibigay ang left funds and reports pati na mga receipts na kailangan niya as proof.
"Mr. Villamos—"
Napatigil ako nang makita ang lolo niya sa opisina niya, umusbong kaagad ang galit ko sa dibdib. "Sie.." Nagulat si Yeon at napatayo.
Tumikhim ako, "I just came here to hand you and discuss the report." Iniwasan ko ang lolo niya at ni pagbati ay hindi ko ginawa.
"Hanggang ngayon pala ay nagpapauto ka pa rin sa apo ko, Ms. Garcia." Biglang sabi ng lolo ni Yeon kaya napatigil ako.
Huminga ako ng malalim, "Hanggang ngayon pala ay nagpapagamit ka pa rin sa isang 'to, wala ka bang amor sa sarili?" Umawang ang labi ko, parang galit na galit ang puso ko sa kaniya.
"Lo, that's enough." Mahinahon na sabi ni Yeon.
"Chairman Villamos," Matipid akong ngumiti sa harapan niya, "The word nagpapagamit doesn't suit me this time, his money? I'm benefiting from it and he doesn't." I cleared my throat and faced the old man.
"The word nagpapauto doesn't suit me also, 'cause I'm not wasting anything from him. Hindi niya ako nagagamit, I hope you know that as his grandfather, he should not invest his money in something non-benefiting like this." I tapped the folder on the desk.
"Unless he really has a heart for the unfortunate, that is more unlike you, Villamos." Ngumiti ako muli.
"I don't need your grandson's money, nagkukusa siyang ibigay 'yon. Kung isusumbat mo sa akin, ibabalik ko ng doble." Halatang dismayado si Yeon sa mga naririnig but I couldn't care less.
"Hanggang ngayon para kang ama mo, Ms. Garcia. Arogante't mayabang." Ngumisi ako sa naiinis niyang tugon.
"You forgot the word mean and rude, also the word not respectful. Because I'm worse than my father." Seryosong sabi ko.
"Talk to me again like that, and you'll hear more bad from my mouth." I smiled a little and left Yeon's office.
Pagkabalik ko sa opisina ko ay humangos ako sa pagka-irita sa lolo niya, magsama silang maglolo, mga bwisit.
After a few hours sinubukan kong alisin ang inis sa pagt-trabaho. Ngunit pumunta si Yeon sa opisina ko dahilan para mas mainis ako.
Naalala ko kasi ang ginawa nilang pangloloko sa akin noon, "About what happened earlier, I apologize." Sinamaan ko ng tingin si Yeon.
"You never changed." Matalim ang tingin ko na sinabi 'yon sa kaniya, "What do you mean by that?" Tugon niya.
"Hanggang ngayon under ka pa rin ng lolo mo, wala bang iu-upgrade 'yang pamilya niyo?" Nangunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Under?" Pagkumpirma niya.
"Oo, hanggang ngayon para kang aso na hawak ng lolo mo yung tali mo sa leeg. Sunod sunuran." Sarkastikong sabi ko.
"You don't know what you're saying.." Tugon niya, sinusubukang kumalma.
"Tuta ka ba?" I faked a laugh.
"Sierah." Seryosong sambit niya sa pangalan ko.
"Your grandfather still knows everything, because maybe you're reporting to him. Sabi mo siguro bumalik na ako at may uutuhin ka na ulit?" Kumunot ang noo niya.
"Ano namang pakay niyo sa akin ngayon? Yung kumpanya ko? Hindi pa ba sapat na pinaglaruan mo 'ko noon?" Kumuyom ang kamao ko sa isinumbat.
"Hindi pa ba sapat sa lolo mo yung dinanas ko sa mga kamay niyo noon? Pinaikot niyo na ako, ginamit niyo pa ang kahinaan ko." Mariing sabi ko.
"Hindi ko kailangan ng pera mo, Yeon. Kung ganoon ang gagawin ng lolo mo, I could never trust even a cent from your company. Just like the love you gave to me before. Kapalit no'n ay ang kasiraan ko, tama ba?" Bumuntong hininga siya sa sinabi ko.
Pinigilan ko maluha sa inis, "I apologize for any inconvenience, but don't jump to a conclusion that I and my grandfather are on good terms."
"Don't believe your assumption that I am still working on his under—"
"I don't care, I couldn't care. Kung ganoon ang tingin ko sa'yo pwede bang huwag mo na baguhin? Kasi kahit anong kabutihan ang gawin mo kinamumuhian kita mula nang gaguhin ako ng pamilya mo!" Napatayo pa ako at tsaka ko itinuro ang pinto.
"I don't need you in my company so leave, umalis ka na. Huwag ka na rin pang humingi ng pasensya dahil kahit umiyak ka ng dugo hindi kita patatawarin!" I watched him pursed his lips and sighed before nodding.
"Okay." He left after he agreed.
Sa sobrang init ng ulo ko ay tinawagan ko si Amaya to vent and open up, ayokong kimkimin lahat hanggang sa mabaliw na naman ako.
Pumunta naman siya kaagad, "What happened again?" Naupo siya kaagad sa sofa at ibinaba ang bag niya.
"I am so mad, galit na galit ako sa kaniya at sa pamilya niya, Amaya." Kumuyom ang kamao ko sa galit.
Bumuntong hininga si Amaya, "Hindi alam ni Yeon kung paano sinira ng pamilya niya ang buong pagkatao ko, Amaya. Pati pangalan ko sinira nila noon! Bakit hanggang ngayon tingin nila kaya pa rin nila akong paglaruan?" Nagdabog ako at nasapo ang mukha ko.
"I can't ask you to calm down, you'll just go berserk. Galit ka ba kay Yeon kasi ginamit ka niya noon at niloko o galit ka dahil mahal mo siya pero ganoon ang ginawa niya sa'yo?" Napapikit ako at hindi nakasagot.
"I don't know, Amaya. I am just mad, I wanted to yell at him, I wanted to hurt him.." Naiiyak na sabi ko hanggang sa napaupo ako sa sarili kong paa at doon humagulgol.
"Nakakainis!"
"How could he ruin what I fixed in those years! Ngayon nandito na naman ako sa masakit na parte ng buhay ko." Amaya came to me and hugged me.
"H-Hindi naman talaga basta-basta mawawala 'yan, Sierah. Yung sakit, mananatiling masakit lalo na kung yung sugat ay hindi naman talaga naghilom." Para akong bata na nakayuko at pinapahid ang mata ko habang sumisinghot.
"Try to understand the pain, maybe that's the only thing that can heal you. Admit to yourself that it can never be forgotten that easy, what we fear is what we attract Sierah. That's the reality." Sinubukan niyang paaganin ang nararamdaman ko hanggang sa maya-maya ay kumalma na ako.
Tulala lang ako habang yakap ang tuhod ko, "Huwag mo lokohin yung sarili mo na tapos ka na sa parteng 'yon. Accept it, don't deny it. Mas madali ka makakalaya." Para akong bata na nakikinig sa sermon ng magulang niya.
"If you're mad at Yeon, tell him, I am mad at you Yeon, at what you did. Face him, the only way to forget is to forgive." Nakagat ko ang ibabang labi.
"I could not forgive them, Amaya." Seryosong sabi ko.
"Hear his apology, that can lessen the burden from your heart. You are able to not forgive them, take some time, blame them, that way mas magsasawa ka sa sakit, makakalimutan mo." Napapikit ako at sumandal sa sofa.
Hanggang sa maalimpungatan ako ay nagising na lang ako na nakahiga at may kumot sa sofa.
Wala na si Amaya sa paligid, bumangon ako at hinanap ang orasan. Nanlaki ang mata ko nang alas otso na ng gabi.
Yung pusa ni Yeon hindi ko pa napapakain, nagmadali akong hinablot ang bag ko at umalis ng opisina.
Kaso bago pa man makapara ng taxi ay nakita ko si Yeon sa labas ng kumpanya. Sumama agad ang tingin ko sa kaniya ngunit nilapitan niya ako.
"Sie.." Sambit niya sa pangalan ko.
"Ayoko makausap ka ngayon, Yeon. Please, I think you know how mad I am right now. Galit na galit ako." Bumuntong hininga siya sa tugon ko.
"Okay, ihahatid na lang kita. Kukunin ko na rin yung pusa ko."
"Kaya ko umuwi." Malamig na tugon ko.
"Let's go." Nang ipilit niya ay inis kong naipadyak ang paa.
"Can't you see me? Huh? I am not okay!" Napatigil siya at tinitigan ako, simple niya pang nasapo ang sintido.
"I know, let me drive you home. Hindi ako magsasalita," Lumamlam ang mata niya kaya galit akong sumakay sa sasakyan niya.
Hindi niya ininda o inireklamo ang pagsara ko sa pinto niya. At tunay nga na hindi siya nagsalita.
@/n: Very very late update 😭 I'm sorry ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top