Chapter 27: Trust No One
Chapter 27: Trust No One
Sierah's Point Of View.
I can't think of anything but getting rape, I hate the word rape, hindi ko alam pero galit na galit ako sa salitang 'yon at sa mga gumagawa no'n.
Maya-maya ay dumating ang mga pulis, nalaman ko 'yon dahil sa tunog ng sirena nila. Nanghihina man ay sumakay kami sa sasakyan ng mga pulis.
Pagkarating sa station nila ay hiningan nila ng statement si Yeon, habang ako ay nakatulala sa mga mukha nila at nakikinig.
Hanggang sa balingan ako ng mga pulis. "Paano ka nauwi sa ganoong sitwasyon?" They're very intimidating, buong presensya at mga tingin nila.
"Nag-withdraw po ako ng pera, kailangan ko po kasi mag-grocery." Paglilinaw ko.
"Habang naghihintay ng taxi bigla na lang silang lumapit at tinutukan ako ng kutsilyo, una ay pera lang naman kaya ibinigay ko na lahat pero bigla nila akong pinwersa at hinila sa gilid." Pinigilan ko maluha kaya nakusot ko ang mata.
"Kasi naman hija, dis oras ng gabi lumalabas ka pa ng walang kasama. Sobrang ikse pa nitong short mo." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni officer.
"Officer pag babae ho ba hindi na ako pwede lumabas ng ganito kagabi? Hindi naman ho ako bata." Umiinit ang ulo ko sa sinabi nito.
"O kung lalabas ka man sana ayusin mo yung damit mo, naka-short ka—"
"It's not about what she wears, officer, why are you blaming her for getting harassed?" Pagsingit ni Yeon sa usapan.
"Eh mister sinasabi ko lang naman na yung suot niya ay parang nag-iimbita—"
"No, stop that mindset, officer. You're insulting her, she can wear whatever she wants and if you think wearing shorts is inviting someone then you have some problem in the head." I can read how pissed the officer was at what Yeon said but Yeon looks annoyed.
"Mister sinasabihan ko lamang yung kasama mo—"
"Then if I wore a short, I am inviting a girl to have a sex with me? That's your point?" Sumbat ni Yeon, kaya bahagya kong hinila ang kaduluduluan ng laylayan ng mahaba niyang damit.
"Sa babae mister—"
"Oh then you're saying you're also tempted because you can see her legs?" Natahimik yung officer.
"Hindi ganoon mister—"
"Enough with the nonsense argument, officer. I'm very disappointed that you're an officer but you think that way." Nakangiwi ang labi ni Yeon, ang mata niya ay dismayado rin ang tingin.
"Sasampahan namin ng kaso yung apat, I hope you can do your work well. Don't disappoint me again," tumingin yung officer na kaaway ni Yeon ng pa-irap kaya ngumuso ako.
"ID's niyo?" Inabot ni Yeon ang ID niya kaya naman hinanap ko ang bag ko at binigay rin ang ID ko.
"Akala ko'y mga kolehyo lamang kayo, ma'am/ sir." Hindi umimik si Yeon.
"Mag-nobya nobyo kayo?" Nangunot ang noo ko sa sinabi ng officer.
"Is that even part of your business?" Gitil ni Yeon.
"Kinukumpirma ko lang Mr. Villamos, siya kasi ang guardian mo sa lisensya mo." Tumaas ang kilay ko sa narinig.
"License can't be changed or renewed in a year, anim na taon ang kailangan." Tumikhim ako sa sinabi ni Yeon, nauunawaan ko naman.
After getting us a statement, natulala pa ako. "Ms. Garcia, I'll just take you to the grocery store and take you back to your condo."
"H-Hindi na salamat sa kanina." Nahihiyang sabi ko at huminga ng malalim.
"Okay, I'll just call your dad then and tell him what happ—"
"Huwag, mag-aalala pa 'yon." Paghawak ko sa cellphone niya na hawak niya dahilan para mahawakan ko rin ang kamay niya.
"Huwag na kasi." Nahihiya kong inalis ang kamay ko doon.
"Samahan na kita, I'll just get my car." Sinuri niya pa ako at doon siya natigilan nang makita na hiwa yung hoodie ko at may dugo ang paligid no'n.
"Sie ano ba? Hindi mo man lang sinabi na nasugatan ka." Kumunot ang noo niya kasabay no'n ay nagsalubong ang mga kilay niya.
"Daplis lang 'yan—"
"Paano pag na-infection ka? Hindi ka na naman nag-iisip. 'Yan ang nakakainis sa'yo." Singhal niya at naguluhan ako nang hawakan niya ang pulsuhan ko at tangayin papunta sa condo.
"Yeon s-sandali nga bakit ba alalang alala ka? Okay lang ako." Seryosong sabi ko.
"Then at least clean that open wound?" Huminga ako ng malalim at hinayaan na siya, then I found out that his pad is beside my pad.
"B-Bakit dito na yung pad mo?" Naguguluhan kong turo.
"It just happened." Sagot niya tumikhim ako nang makapasok.
Kinuha niya yung kit niya kaya ngumiwi ako not until a cat jumped on my lap that made my heart jump.
"Oh my god." Sapo-sapo ko ang dibdib.
Ngunit lumingkis ito sa akin at meow nang meow. "H-Hey.." Bati ko sa pusa niya at hinawakan ito.
"Lift up your clothes." Nanlaki ang mata ko sa utos ni Yeon habang hawak ang povidone iodine, "B-Baliw ka ba?" Hindi makapaniwalang usal ko.
"Lol, as if making me see that piece of skin will turn me on?" Pang-iinsulto niya dahilan para mapairap ako at i-angat 'yon ng kaunti.
Unang pahid ay nakagat ko kaagad ang ibabang labi matapos suminghap, "Mahapdi?" He asked.
"Yes," mariing sagot ko.
"Tiisin mo." Umirap ako sa masungit niyang tugon at bahagyang idiniin pa ang bagay na 'yon.
"A-Aw.. ano ba, be gentle nga." Sita ko at kinagat ang labi ko tapos napapikit sa hapdi no'n.
"I'm being gentle, can't you see? Hindi ko nga mabilisan kasi masakit, may lakad ka pa nga." Ngumiwi ako sa sumbat niya.
Matapos linisin 'yon ay inilagay niya yung gasa at idinikit using micro tape. "Magbihis ka, hintayin mo 'ko sa condo mo. Dali." Pagmamadali niya kaya tumayo na ako at lumabas ng condo niya.
Pagkapasok sa condo ko ay napasandal ako sa pinto at nakapa ang dibdib kong hindi kumakalma mula kanina pa.
Pumunta ako sa kwarto ko upang magbihis, matapos magbihis ay nag-alcohol ako at inayos ang buhok ko bago ako lumabas ng condo dahil kumakatok na siya.
"Faster, I still have some errands to run." Sumunod ako sa kaniya, "Sabi kasi huwag na—"
"Kaya nga sabihin na lang natin sa daddy mo?" Naitikom ko agad ang bibig at masungit na umirap sa masungit at matono niyang tugon.
Napaka-arte.
"May pagbanta ka rin 'no?" Singhal ko.
"You know me," bulong niyang tugon at inayos ang pagkakabulsa ng wallet niya sa slacks niya.
"Uso maligo." Bulong ko dahil kanina niya pa suot 'yon.
"Uso huwag makialam, kakauwi ko lang 'yon pa maabutan ko sa'yo." Umirap ako muli at inaamin ko, medyo sumasakit na ang mata ko kakairap sa lalakeng 'to.
"Well, thanks for caring."
"Kahit hindi ikaw 'yon tutulungan ko, what do you assume?" And to his question, it brings me back from 4 years ago.
Our first meet up, tinanong niya rin ako regarding sa anong gusto ko i-assume sa pagsunod niya, pero magsisigarilyo lang pala siya.
"Nothing." Sagot ko na lang dahil hindi ko na dapat naiisip ang mga walang kwentang bagay.
Pagkarating sa grocery ay nagtaka ako nang kumuha rin siya ng push cart niya, "Mamimili ka rin?" I asked.
"Obviously, kita mo naman siguro kung gaano kawalang laman ang condo ko?" Napairap ako sa pilosopo niyang sagot.
"Malay ko ba," bulong ko.
"Kung hindi lang nalipat ang grupo hindi sana ako namo-mroblema ngayon." Rinig kong sabi niya pa.
"Saan ka ba?" Nagtatakang tanong ko nilingon niya naman ako, "I mean saan ba yung post mo dapat?" I'm talking about Cebu pero pag sinabi ko mahahalata niya na inalam ko?
"Cebu, I was in Cebu for years now. Ngayon lang ako bumalik dahil may bagong myembro raw ng board of members at nasa city ang kumpanya niya." At alam ko na ako 'yon, ako lang naman yung bago eh.
"Alright, I'll find what I need." Paalam ko at nauna na sa kaniya.
"Yeah." Rinig kong tugon niya at dahil doon ay namili ako ng mga kailangan.
After walking a few meters to look for what I need, natapos rin ako. I also bought snacks for me to eat while working.
I placed my hair on my back while putting the groceries on the counter. The cashier was glancing at my back that drove me to my curiosity.
I glanced and then I saw Yeon on the other side of the cashier, as he noticed my stare he glanced back and gave me a slight nod. He even wiped his forehead using the back of his hand to remove the sweat coming from his hair.
Nauna ako natapos kaya naman pasimple ko siyang hinintay sa gilid, inilagay ko sa push cart ang mga pinamiling naka-kahon at plastic bag.
"Kaya mo?" He asked as he paid for his groceries, glancing at his groceries.
"Yeah, may push cart naman."
"Sure ka?" Pag-uulit niya.
"Oo nga." Itinulak ko na ang push cart at sumunod naman siya tulak rin ang kaniya.
Pagkarating namin sa sasakyan niya ay binuksan niya ang likod no'n at inilagay ang sa akin, pati na ang kaniya.
"Sumakay ka na." Utos niya at isinalansan ang mga kahon ng grocery namin.
Dahil madali ako kausap ay iniwan ko na siya sa labas, sinuot ko na ang seatbelt ko at mabilis naman siya natapos kaya nakauwi rin kami agad.
Matapos ay pinagpatong niya ang tatlong kahon na medyo mabigat, "Balikan ko na lang 'yan, tara na." Anyaya niya kaya tumigil ako.
"Sandali. Baka kaya ko naman buhatin," inilagay ko sa mga daliri ko ang plastic bags na lima medyo mabigat 'yon.
"Sure ka? Mabigat 'yan." Gitil niya at sinilip ako sa gilid dahil nakaharang sa paningin niya ang kahon.
"Oo, go ahead." Utos ko at pinilit binuhat ang mga ito tsaka sinara ang sasakyan niya.
Naglakad kaming dalawa at pagkasakay sa elevator ay naibaba ko agad ang hawak, ang bibigat.
Mga frozen foods at meat ang nandito pati vegetables. Nang makarating ay tumigil kami sa harapan ng pad ko.
"This is yours," inilagay niya sa loob ang dalawang kahon sa loob ng condo ko kaya pinanood ko lang siya.
Habang tinititigan ko siya ay huminga ako ng malalim.
If only he hadn't hurt and played me before, napailing na lang ako sa pumasok sa isip. Nang makapasok sa condo ko ay sinulyapan ko siya.
"Thank you." Pagpapasalamat ko, tumango lang siya at siya na rin ang nagsarado ng pinto ng condo ko.
Inayos ko naman na lahat sa bahay bago ko napiling kumain na lang ng oatmeal dahil pagod na ako.
Humilata agad ako sa kama matapos ko tumayo ng sampung minuto matapos kumain. Hindi na kasi kaya ng mata ko ang antok.
Makalipas ang tatlong araw na paghahanda ay pumasok na ako sa office, may meeting rin kasi to introduce me officially.
Panay magagandang ngiti at bati ang natanggap ko sa kanilang lahat, meron pa ngang bungkos ng bulaklak.
Pagkarating sa office ay nginitian ko yung secretary ko, "Good morning Ma'am Sierah." Matipid ko siyang nginitian.
"So how's my schedule?"
"Ma'am unang una po yung meeting of the boards, next naman po yung sa client po na may gusto i-discuss." She explained while reading the notebook she's holding.
"Why don't you use the ipad?" Turo ko mas madali kasi yata mag-take note at may reminder pa.
Tinitigan niya 'yon, "Para po kahit lowbatt ma'am, may kopya pa ako." Sa matalino niyang sagot ay ngumiti ako.
"Yeah, great." Inayos ko na ang dadalhin ko mamaya, tsaka ako tumayo para gumawa sana ng kape pero pinigilan ako ng secretary ko.
"W-Why?"
"Ma'am, upo na lang po kayo. Ako na po gagawa niyan." Nangunot ang noo ko at tinitigan siya ng mabuti, "Kasama ba talaga 'yon sa trabaho niyo?" Punong puno ako ng pagtataka.
"Ah ma'am opo, ayos lang po." Hindi ba't parang masyado namang mabait 'tong secretary ko?
Dahil doon ay hinayaan ko na siya, humikab ako nang bumalik sa pagkakaupo. Habang nagkakape ay isinara ko 'yon para madala ko rin sa meeting mamaya.
Later on pumasok na ako sa conference room for meeting, pangatlo ako sa dumating kaya naman naupo ako sa designated seat ko waiting for them.
Hanggang sa makita ko na pumasok na si Yeon, he was wearing a plain office attire with his black necktie. Naupo siya sa upuan niya bago niya binuksan ang notebook na dala niya.
Nang mapasulyap siya sa akin dahil siguro ay napansin niyang tinitignan ko siya ay tumikhim ako at tumingin sa iba.
Ngayon ko lang siya nakita ulit, "Good morning," bati ko at tumayo nang makumpleto.
"It was good seeing you here everyone, I am Sierah Ramirez Garcia. I am carrying two companies, one is old and one is new." I paused for a second and glanced at the projected screen.
"The new one was mine, it's a manufacturing company." I discussed a lot of things for them to know me better in business.
After discussing everything, I saw how Yeon signed the paper first, ibig sabihin no'n ay tanggap niya na ako sa board member and bilang bago sa grupo nila.
Matapos no'n ay nakipagkamay ako sa lahat, kahit na sa kaniya. Sa pagiging tahimik niya at ni umimik ay wala ay bahagya akong na-intriga kung bakit.
"Thank you everyone." Pagpapasalamat ko at ngumiti.
Meanwhile, I went back to my office just to find out Yeon set an appointment privately. "What is it?" Panimula ko at naupo sa harapan ng sofa na kinauupuan niya.
"Not because you're in this team, and they signed it that doesn't mean you can trust them, Ms. Garcia." Tumaas ng bahagya ang kilay ko.
"I don't trust that easily, Mr. Villamos." I started staring his face yet he parted his mouth a little before talking.
"I am not starting an argumenr, I am just reminding you. Don't be so friendly and be there always, don't be so free. Lahat dapat may kapalit sa tuwing may gagawin ka for them." Tumango ako.
"Alam ko na 'yan, sige na Mr. Villamos busy pa ako, I hope nagawa mo na ang ipinunta mo rito?" Sana ay hindi niya mahalata na itinataboy at iniiwasan ko siya.
"Don't trust easily, just like what you did before—"
"Yeon alam ko na 'yan okay? Kung gusto mo mas malinawan pwes makinig ka mabuti.." I paused a little and stood up, "I don't even trust you. Kaya huwag ka mag-alala, natuto na ako. Makakaalis ka na." Taboy ko at tinalikuran siya.
Mabuti't umalis na rin siya nang sabihin ko, ngumiwi ako at naupo sa swivel chair ko. Ilang minuto ay pumunta na ako sa sunod na meeting, after that umuwi na rin ako.
Habang nagpapahinga ay nag-crave ako bigla sa kare-kare, lutong bahay 'yon at hindi ko kayang lutuin kaya dala ang wallet ay naglakad ako upang makahanap ng makakainan.
Dahil lito ako ay sinubukan kong humingi ng tulong sa mga friends ko, specially Amaya.
I dialed her number and in an instant she answered it, "Yes? What?" She seemed frustrated.
"Si Sierah 'to." Ngiwing sabi ko, narinig ko naman siyang napa 'oh' kaya pasimple akong natawa.
"Ano problema dear?" Kalmado niyang panimula.
"Gusto ko kare-kare, hindi ako marunong magluto. Saan ako hahanap?"
"Oh my god, Sierah. Para sa kare-kare? Really?" Ngumuso naman ako sa sumbat niya.
"Gusto ko talaga." Pabulong kong sabi.
"Ang hirap pa man din maghanap ng ganiyan rito, wala namang karenderya sa city gaano. Hindi rin ako marunong magluto."
"Fine, huwag na. Hahanap na lang ako." Ibinaba ko ang telepono at naglakad na lumilinga linga.
Hanggang sa biglang may humawak sa pulsuhan ko aamba na sana ako ng suntok for self defense not until he catched my fist and was shocked.
"Fuck, you're giving me a heart attack!" Singhal ko at nasapo ang dibdib, binitiwan ni Yeon ang kamao ko tsaka niya namasahe ang sintido.
"Hindi ka ba talaga natututo? Naglalakad ka na naman, and you're alone." Nangunot ang noo ko when he started showing some concern.
His hazel eyes were fixed on my face, I sighed. "I'll be fine."
"Yeah, you'll be fine not until someone will grab you and take advantage. Be alert." He even raised his brows while his hand simply placed on his pockets.
"Wala ka bang sasakyan?" Tumaas ang kilay ko sa tanong niya.
"Wala pa—"
"So poor." On his remarks I was immediately insulted.
"Hoy wala pa dahil hindi pa ako nakakapaglabas but I can buy a lot!"
"Yeah right, then buy instead of telling it to me." Sarcasm was all over his tone and his face was basically teasing me for not having a car.
"Huh! Just watch me buy tons of cars!" Hamon ko at pinagkrus ang braso ko.
"You haven't change didn't you? You're competitive as ever." My lips parted when his eyes rolled after glancing at me.
"D-Don't talk to me!" Gitil ko parang galit na galit sa kaniya at naglakad na.
"Go ahead and make sure you don't put yourself in trouble." Pahabol niyang sabi habang ako ay naglalakad na palayo sa kaniya.
"Blah blah."
Nakalayo na ako ng lakad ngunit lahat ng restaurants ay wala pa ring kare-kare, they don't even know how to make it.
They study being a chef huh? My lola can even make a lot, pero sila wala? Darn them.
Bumuntong hininga ako at napaupo na lang sa silya sa labas ng convenience store.
I'm tired walking, bakit ba kasi hindi pa ako bumibili ng car?
Umuwi na tuloy ako, but this time nag-cab na ako because I'm tired of walking. Habang naglalakad sa papunta sa condominium ko ay natigilan ako nang maamoy ang pamilyar na amoy sa hallway.
Habang binubuksan ang condo ko ay nagulat ako nang bumukas ang condo ni Yeon, ngunit sumandal siya sa gilid ng pinto niya kaya nagtataka akong tinignan nang makita na may hawak siyang plate.
"That smells familiar," turo ko at pasimpleng tumiklay para masilip 'yon at nang makita ay napalunok ako ng husto.
"Saan mo nabili 'yan?" Turo ko.
Tumaas ang kilay niya, "Why do you ask?"
"Because I want to buy some too, that's kare-kare 'di ba?" Natigil ang pagtulak ko sa pinto baka sakaling sabihin niya.
"Hmm, I didn't buy this." Nang maamoy 'yon sa mainit init at umuusok na kanin ay lalo akong nagutom.
"Well, did someone cook it for you? Can you ask if he/she could make one for me?" His brows raised.
"Well, I made it." Pasimpleng lumaki ang mata ko. My tummy really wants it.
"M-Marunong ka?" Hindi makapaniwalang sabi ko.
"Favorite 'to ni Azi, that's why I learned to make them."
"Oh okay." Hihingi sana ako ngunit nahihiya ako, hindi ko kayang ibaba ang pride ko para sa pagkain.
"Ito ba yung hinahanap mo sa labas?" Taas kilay niyang tanong, ang mga mata niya ay pakiramdam ko alam niyang gustong gusto ko 'yon.
"H-Hindi ah." Pagsisinungaling ko, napatango naman siya.
"Do you want some?" Dahil sa tanong niya ay napaayos ako ng tayo.
"Meron ka pa?" Tanong ko agad.
"Caught you," he chuckled and teasingly made me smell the ulam in his place.
Gosh.
"Gusto mo 'to 'no?" Asar niya kaya umirap ako.
"Hindi na, I changed my mind. Pinaglalaruan mo na naman ako." Seryosong sabi ko at pumasok na sa condo ko.
Nang makapasok ay halos mapapadyak ako sa sahig sa sobrang gusto ko kumain no'n.
I walked for hours just to find someone who can cook kare-kare and he's offering me na! Sana tinanggap ko na.
Nakakainis kasi siya.
Parang pinagt-tripan niya ako ulit.
Hindi pa ba siya kuntento sa ginawa niya noon? Hanggang ngayon ba naman?
Tumulala na lang ako sa dining, umaasang may mahuhulog sa langit na kare-kare ngunit ten minutes na akong tulala at kumakalam na ang tyan ko ay ayokong kumain ng iba.
Should I go out and beg for kare-kare? But beg again? I always beg.
Tatayo na sana ako para pag-tiyagaan ang nasa ref ko pero may kumatok, lumapit ako doon at pagkabukas ko ay nakita ko si Yeon na nakatayo habang may hawak na tupperware.
Napakurap ako, "Oh." Nang i-abot niya 'yon nang sobrang lapit ay pasimple akong sumulyap sa kung ano 'yon.
Nang makita ang kare-kare ay tuwang tuwa ang puso ko. "What's that?" I asked pero kinuha ko na para 'di na mabawi!
"I made a lot, kami lang naman ni Azi kakain. B-Baka mapanis kaya bibigyan na lang kita." Sa sinabi niya ay pasimpleng tumaas ang kilay ko.
"Oh okay. Thank you." Kunyare ay hindi ako excited.
"Yeah, sure. Just return my tupperware." Para siyang nanay na gustong gusto ang tupperware ha.
"Okay, ibabalik ko pag nahugasan ko na. Salamat." Tumango lang siya at humakbang na papunta sa condo niya at pumasok.
Nang makapasok sa condo ko ay napatili ako sa sobrang saya. "I want it, I have it! I want it, I got it!" Pag-kanta ko pa kahit wala sa tono tapos ay sinimulan ko na itong kainin kasabay ang kanin.
///
@/n: Hmm a lot of fillers pero I hope you enjoy! Ngayon lang nakapag-edit love lots! 💕🥳
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top