Chapter 24: His Lies
Chapter 24: His Lies
Yeon Gavril's Point Of View.
Habang sinasabi ang masasakit na salita para tuluyan niya akong kasuklaman ay nagsisisi ako. Gustong gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko.
Para akong mababaliw, nasasaktan ko siya.
N-Nasasaktan ko siya..
H-Hindi ito ang gusto kong mangyari, Sierah. H-Hindi ito, hindi mo na dapat narinig 'yon.
I need you to stay away from me before my grandfather ruin your reputation.
He's powerful enough to do that..
I can't afford to see you bleeding because of me, Sie. This is the least possible way to keep you out of danger.
I accepted her slap, and everything. Kahit saksakin niya ako ng kutsilyo sa sobrang galit niya ay hindi ko iiwasan.
I know that her family did something terrible but this is fucking wrong, this is not how it should be.
Sana hindi ko na lang inisip ang sariling ikakasaya ko, sana ay hindi siya nasasaktan ng sobra. Pero dahil hindi ko naawat ang sariling balikan siya kahit palihim ay nasaktan ko siya ng sobra sobra.
Ito yung kapalit ng pagpili ko sa sarili ko, dahil sa akin nasaktan na naman siya ng sobra.
I tried changing my lolo's mind, but it didn't work. I'm so sorry love.
I couldn't protect you anymore.
Pagkalabas ko ng condo niya ay tumigil ako kasabay ng pagkuyom ng kamao ko, ang tibok ng puso ko ay hindi normal.
Nalingon ko ang pinto niya.
S-Sie..
Nang tumulo ang luha sa mata ko at halos pigilan ko ang sarili kong pihitin muli ang door knob para humingi ng tawad ngunit pumikit ako nang maalala ang banta ng lolo ko nang una.
"Piliin mo ang babaeng 'yon at sinasabi ko sa'yo Gavril, hindi lang pamilya mo ang mapapahamak. Pati na rin ang reputasyon ng dalagang 'yon!" Sigaw ni lolo sa harapan ko matapos akong sampalin.
"H-Hindi mo kailangang gawin 'yan, lo. G-Gagawin ko ang plano." Mahinang sabi ko, labag sa loob.
"Mabuti." Sambit nito.
Umuwi ako sa condo ko, wala sa sarili. Napaupo ako sa upuan tapos ay nasapo ko ang mukha nang maalala ang mga pinagsasabi ko sa kaniya.
Hindi kaya ng dibdib ko ang sakit at konsensya, bumuntong hininga akong muli at tsaka ko nasulyapan ang mga sugat na natamo ko.
I deserve it for hurting her.
Sana ay mabilis niya akong makalimutan, dahil sa ginawa ko sana ay hindi niya na lang ako minahal.
Mas pinahirapan ko siya dahil pinatagal ko ang relasyon namin, kung sana ay hindi ko kinunsinti ang nararamdaman hindi ko sana siya nasaktan.
Napatingin ako sa pinto ng makita ko si Azi, sinabi ko lang naman sa kaniya na alam na ni Sierah ang lahat ay sumugod na siya dito.
"Ano n-nangyari kuya?" Tanong niya.
"Paano niya nalaman lahat? Sinabi mo?" Huminga ako ng malalim.
"She overheard the conversation between me and lolo, and she confronted me a while ago." Tumikhim ako.
"G-Gusto mo na siya hindi ba?" Paglilinaw ni Azi na hindi ko masagot.
"I am hurting right now, y-yung saktan siya ng iba ay makakaya ko pang tiisin. Pero yung ako na, nakakapanghina." Napayuko ako at nahihiyang nasapo ang mukha ko.
Hindi matigil ang puso ko sa paghapdi, "Sana lumayo na lang siya para hindi na siya mapahamak pa, Azi. Layuan niya na lang ako," pahina nang pahina kong sabi.
"I can't blame you for loving her, because our hearts were meant to love. Unexpectedly or intentionally." Azi tapped my back.
"Iinom na lang natin, kuya." Hinayaan ko siyang may tawagan sa telepono habang ako ay tulala lang.
I'm so sorry, Sie.
Sierah's Point Of View.
Isang linggo akong nagkulong sa kwarto, kung hindi dadating si Amaya ay hindi ako gagalaw. "Ano ba nangyayari sa inyong dalawa?" Nagtatakang sabi ni Amaya.
Dahilan para i-kwento ko lahat kung gaano ako nasasaktan ngayon at galit na galit siya. Humahangos pa siya kakasalita at gusto niyang sugurin si Yeon.
"Napakagago niya! Oh my gosh, gusto ko siyang saktan!" Galit na sabi pa niya kaya nanlumo ako.
"S-Sorry, s-siguro tama siya na I am desperate for love. That's why I was fooled by everyone." Seryosong sabi ko.
"It's not your fault, Sierah. Wala kang kasalanan rito! Pinlano niya 'to! Nang pamilya niya, I can't believe that my father trusts that kind of person." Halos magulat ako nang hampasin ni Amaya ang legs niya sa inis.
"W-Wala namang kinalaman ang kagandahan ng pagpapatakbo ni Yeon sa kumpanya nila, sa nangyayari sa akin. Kaya katiwa-tiwala pa rin sila pagdating sa business." I explained, kahit pa galit ako kay Yeon sa nagawa niya ay ayoko na muli ay bumaba sila.
But that doesn't change the fact that he used me, he fooled me, he made me think that I was loved and treated well.
We even had sex, and he used me for sex.
G-Ginusto ko naman 'yon, ngunit ang masakit ay ang ginamit niya lang ako pero ako gusto ko 'yon kasi gusto ko siya.
"Graduating ka na, Sierah. Huwag sana siyang maging dahilan kung bakit hindi mo matatapos 'to." Bumuntong hininga ako at hindi tumugon.
"W-Wala lang talaga akong gana gumalaw ngayon, hayaan mo na muna akong mapagod sa sakit." Mahinang sabi ko kaya wala siyang nagawa.
After sulking for a week, I tried to work up my creativeness g-graduate ako and I can't fail my course.
Matapos maayos ang lahat sa eskwela ay ramdam ko ang labis na pangungulila at sakit. Tila hindi ko pa matanggap ang lahat ng nalalaman ko.
Isang araw ay kinailangan kong kunin ang forms and certification sa kung saan ako nag-OJT and that's the final requirement for my graduation.
Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa kumpanya nila, nang sinabi ko ay direct na dinala nila ako sa opisina ni Yeon.
Nang makita niya ako ay bahagya pa siyang nagulat, dahilan para lumapit lang ako at hindi umimik na inabot sa kaniya ang papel na nakalagay ang requirements.
"How many copies do you need?" Malamig niyang tugon.
"Make it two," walang gana kong sabi.
"Sit down first, I'll get what you need." Hindi ko na siya pinansin at prenteng naupo sa malambot na sofa sa gilid ng desk niya.
Hindi ako umiimik at pinanood ko siyang maglakad, magpirma at mag-tipa sa laptop niya. Nakatitig ako sa cellphone ko nang narinig kong bumukas yung pinto sa likuran ko baka lumabas siya.
Ngunit inabot ko yung cellphone ko nang tumunog 'yon, my dad is calling me. Maybe about my seminar.
"Yes po daddy?" Panimula ko.
"I've seen your application, 'nak. Isn't it so sudden to leave after your graduation? It's Japan after all. Magtatagal ka doon, kumpanya natin ang nandoon." My dad started the conversation with a very concerned tone.
"I love Japan very much dad, bata pa lang ako. You know that, mas matututo rin ako pag sa Japan ako nag-seminar." I explained.
"Hindi ba masyadong malayo sa amin anak?" Tila nalulungkot si daddy na sinasabi 'yon.
"Daddy, you can visit me anytime, knowing na kaya mong papuntahin ang private plate just to meet me." I chuckled trying to cheer up the mood.
But I am also not okay, daddy. I'm sorry.
He sighed, "Nakausap mo na ba si Yeon tungkol rito anak?" Mahinahon niyang sabi dahilan para matigilan ako.
"H-Hindi ko naman po yata kailangang kausapin pa si Yeon tungkol rito, wala na rin naman po siyang karapatan malaman pa." Kalmadong sabi ko dahilan para mapatikhim si daddy.
"Is t-that so.. Alright then, I'll set everything anak. Take care, I love you." Matipid akong ngumiti.
"I love you too, daddy. Thank you." Nang patayin niya ang tawag ay sandali akong natulala sa cellphone ko, tila naiiyak na naman ako.
Not until someone cleared his throat behind my back, nanlaki ang mata ko, kanina pa ba siya?
Akala ko lumabas siya?
Hindi na ako umimik at nagmaangan, later on inilapag ni Yeon ang folder sa harapan ko sa ibabaw ng center table.
"Congratulations on graduating." Napatitig ako sa kaniya sa sinabi niya, lumamlam bigla ang mata ko ngunit pinigilan ko maluha.
Naiinis ako. Naiinis ako na lumalambot pa ang puso ko pagdating sa kaniya, "Yeah." Tugon ko at tumayo na.
"Good luck on the journey." I said and cleared my throat before finally walking away from him.
Hindi ko alam kung napagaan ba ng pagkabagsak ko ang mga nararamdaman nila, ngunit hindi ko talaga matanggap na kailangang ganoon ang gawin nila sa akin.
Sobrang sakit.
Gabi-gabi ay iniiyakan ko pa rin ang mga natuklasan, hindi ko na alam kung paano sila iisa-isahing kalimutan.
Gusto ko na lang magpagamit, nakakainis na pakiramdam.
On my graduation day, punong puno ako ng pagtataka dahil sa tingin ng mga tao sa akin. Parang hinuhusgahan nila ako.
Matapos ko kumuha ng awards ay nagtaka akong sinalubong ng pamilya ko, "Have you seen the article from a paparazzi?" Inaabot na ni Zian sa akin ang cellphone niya kaya kinuha ko 'yon.
"Anong article?" Kwestyon ko at pinasadahan ang pinakikita niya.
"Tungkol sa'yo ate."
Nang mabasa ko 'yon ay awtomatiko akong nanghina. I know that he doesn't like me, but w-why does he need to ruin my reputation?
Bakit ang dungis ng pangalan ko?
Pinigilan ko maluha, "Anak.." Awtomatiko akong napayakap kay daddy nang maiyak ako.
Wala akong magawa, kaya pala ganoon sila makatingin. Hinaplos ni daddy ang likuran ng ulo ko upang patahanin ako ngunit tila bumalik ako sa pagkabata na panay ang hikbi.
"I really don't understand why they have to do this anak, I'm sorry that I couldn't protect you." Iyak lang ako ng iyak to the point that we walked in that position.
Nakatago ang mukha ko, nang makarating sa van ay hindi nila alam ang sasabihin. "A-Ang sakit sakit po.." Nagsusumbong na sabi ko.
"Shushh.. It will be fine, nandito kami ng mommy mo para sa'yo anak.."
"Aayusin ni daddy 'to okay?" Bulong ni daddy ngunit panay hikbi na ang naging sagot ko.
Hanggang sa maka-idlip ako sa kakaiyak.
Third Person's Point Of View.
Nang mabasa ni Yeon Gavril ang article ay umusbong agad ang galit sa dibdib niya hanggang sa nagmamadali siyang sumugod sa lolo niya.
Nagulat ang lolo niya sa pagdabog ni Yeon sa pinto, napasunod tuloy ang magulang at kapatid niya sa kaniya.
"Lo, what's wrong with you?" Kwestyon niya agad.
"Ano?" Tanong ng lolo ni Yeon.
"Yung article po, lolo. Bakit po lumabas 'yon? Hindi ho ba ang usapan natin ay hindi na lalabas 'yon?" Tumaas ang kilay ng lolo ni Yeon sa sinabi ni Yeon.
"Kung ganoon tama nga ang hinala ko?" tumayo yung lolo ni Yeon.
"Kuya ano ba 'to?" Azi tried to stop his brother.
"Lo, hindi pa ba sapat na sobra ng nasaktan si Sierah?"kwestyon ni Yeon.
Halatang galit, "Bakit ka ba apektado pa? Acting lang naman na gusto mo siya hindi ba?!" Napabuntong hininga si Yeon at nasapo ang noo niya.
"Lolo, babae 'yon eh." Hindi alam ni Yeon kung paano pipigilan ang galit.
"Kung hindi mo talaga gusto ang dalagang 'yon hindi ka maapektuhan! Hindi ba't wala ka namang pakialam doon?!" Galit na sigaw ng lolo ni Yeon.
"L-Lo.." Hindi alam ni Yeon ang sasabihin.
"Ako ba'y pinaglalaruan mo?!"
"Gusto mo ba talaga ang dalagang 'yon kaya ka nag-aalala?!" Napapikit si Yeon sa sinabi ng lolo niya.
"Lolo, babae yung sinisiraan mo ng reputasyon! Parang apo mo na 'yon sa totoo lang bakit naman po ganoon?" Pilit pinakakalma ni Yeon ang sarili.
"Ako ang masusunod—"
"Make that a false accusation lolo, right now." Yeon Gavril demanded.
"S-Sino ka para utusan akong bata ka?! Plano ko ito at susunod ka lang sa akin—"
"Make it unofficial lolo, make it a false statement.." Mariing sabi ni Yeon.
"Ano ba anak.." Nagtatakang sabi ng magulang ni Yeon.
"Huwag mo 'kong mautusan!" Sigaw ng lolo nito.
"Make it unofficial lolo, g-ginawa ko ng maayos ang parte ko." Napipikon na sabi ni Yeon.
"Hindi ko gagawin 'yan." Sambit nito.
"Lo naman!"
"Huwag mo 'kong sigawan!" Bulyaw ng lolo niya.
"Pilitin mo pa ako at itatakwil ko kayong lahat!" Sigaw ng lolo ni Yeon.
"L-Lo, please. Kahit 'yon lang, kahit ayusin mo lang 'yon.."
"Anak, huwag na." Pag-awat ng daddy ni Yeon.
"H-Hayaan mo na, huhupa rin naman ang—"
"Dad for pete's sake, huwag niyo na kunsintihin pa." Hindi alam ni Yeon kung ano ang mararamdaman.
"Anak naman baka magalit pa ang lolo mo, sundin mo na lang ang plano—"
"Dad hanggang kailan?" Mariing kwestyon ni Yeon, nauubusan ng pasensya. Nasuklayan niya ang buhok gamit ang daliri sa sobrang irita.
"Dad para sa pamilya na 'to sinaktan ko yung babaeng nagpapasaya sa akin ano pa bang gusto niyong isugal ko ha?!" Pagod na pagod na kwestyon ni Yeon.
"S-Simple lang yung pakiusap ko, yung article alisin niyo na. H-Huwag niyo ng babuyin yung mahal ko." Nanlalatang sabi niya, naluluha.
"Mahal mo 'yon? Pamilya no'n ang sumira sa atin!" Sigaw ng lolo niya dahilan para manlumo siya lalo.
"Nakikiusap ako, 'yon lang. Titigil na ako."
"Hindi ko gusto ang sinasabi mo Gavril." Galit na sabi ng matanda rito.
"Isa pang pilit mo, itatakwil ko kayo—"
"Kung ganoon pasensya na," Malamig na tugon ni Yeon, "Pero h-hindi ko na hahayaan na ganoon na lang. Pinili ko yung pamilya ko kahit nakakapagod na kayo. S-Sana pinili ko na lang si Sierah." Nagsisising sabi ni Yeon.
"Nangako ka na hindi mo na ilalabas ang article lolo. Pero ginawa mo, kaya sige. I-Itakwil niyo ako, kahit ako lang dahil mula ngayon itinatakwil ko na ang pamilyang 'to." Galit na sabi ni Yeon.
"K-Kuya.." Humawak si Azi sa braso ni Yeon.
"Sinaktan ko yung babaeng mahal ko para sa inyo, pinalabas kong ginamit at niloko ko siya para sa inyo! Pero simpleng pakiusap ko hindi niyo magawang tugunan.." Tumutulo ang luha ni Yeon.
"Ano na lang ba ako sa pamilya na 'to? Ballpen na paputol putol ang tinta? Pag walang sulat gustong gusto mong itapon?" Gitil ni Yeon, punong puno ng sama ng loob.
"Sa kalsada ka pupulutin, Gavril! Kalabanin mo 'ko—"
"Ayokong kalabanin kayo dahil lolo ko kayo pero ngayon.. W-Wala na akong pakialam pa sa pamilya na 'to." Sigaw ni Yeon at tsaka niya kinuha ang ID niya at iniwan niya sa harapan ng lolo niya.
"I resigned." Umawang ang labi ng lahat sa sinabi niya.
"Hindi ka na niya tatanggapin pa Gavril, tuluyan ka na ring nasira sa kaniya!" Sigaw ng lolo ni Yeon.
"Kahit hindi niya ako tanggapin, i-ipaghihiganti ko siya sa'yo, Chairman Villamos." He formally said and left his office.
Napasunod si Azi sa kuya niya, "Kuya, sandali." Derederetso si Yeon.
"Kuya sasama ako sa'yo!" Natigilan si Yeon sa sinabi ni Azi, ang nakababata niyang kapatid.
"W-Wala kang patutunguhan kung sa akin ka sasama, Azi. Manatili ka na lang rito—"
"Hindi kita iiwan." Mariing sabi ni Azi dahilan para manlumo si Yeon.
"W-Wala akong pampaaral sa'yo." Matipid na sabi ni Yeon.
"Hindi pa rin kita iiwan." Nanlumo si Yeon.
"Hayaan mo muna ako, Azi. P-Pagod na pagod ako sa pamilyang 'to, ubos na ubos ako sa ginagawa nila." Yeon coldly stated before leaving.
///
@/n: Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top