Chapter 21: Guilt After Doubts
Chapter 21: Guilt After Doubts
Sierah's Point Of View.
Hinawakan ko 'yon at dahil nabuksan ko ang password dahil kapareha ng sa condo ni Yeon.
Yeon Gavril: Can you check the folder of the business contract?
Yeon Gavril: Right now, Amaya. If you can't, I'll tell Sierah what you did.
Amaya: Wow, blackmail 'yan boss?
Yeon Gavril: Lol, you had a crush on Yuno. Her ex, an awful lady.
Amaya: Wow, Wow, Wow, matapos kitang i-promote sa best friend ko gaganiyanin mo 'ko?
Amaya: Hindi porket boss kita!
Amaya: Crush lang naman! Kaibigan mo rin si Yuno pero gusto mo si Sierah, we're on the same boat brothah!
Napalunok ako, nag-iisip na naman ako sa wala— Ano?! Crush ni Amaya si Yuno? Naku, huwag na Amaya. Baka matulad ka sa akin.
I shrugged my shoulders and left Yeon's phone not until I heard him clear his throat that made me glanced at the bathroom door.
"A-Ah." Napatayo ako ng maayos at nahihiyang tinignan siya.
"I-I just checked kasi k-kanina pa tumutunog, I can even hear it in the room." Turo ko sa kwarto tapos ay sinulyapan ang cellphone niya.
"Did you see the messages?" Yeon asked.
Nang maglakad siya papalapit ay natataranta akong humakbang paatras, alam kong masama 'yon okay? Masama 'yon naging reason rin 'yon ng ex ko para magalit noon.
So I'll understand if I invaded his privacy.
"It has a passcode." Kinuha ni Yeon ang cellphone niya at natigilan ako nang ilagay niya ang passcode sa harapan ko at i-abot sa akin.
"You can check." Mahinang sabi niya at naupo sa couch habang nagtutuyo ng buhok.
Natulala ako sa kaniya, hindi makapaniwalang sinulyapan yung cellphone, pinupunasan niya naman ang buhok niya using a towel.
"Hindi ka galit?" Pabulong na tanong ko at naupo sa tabi niya.
"Galit? Why would I be?" Nakakunot ang noo niyang tanong sa akin, "Is there anything wrong?" Wala ba siyang ideya sa kung anong ginawa ko?
I almost invaded his privacy.
"K-Kasi yung ex ko noon nagalit nang hinawakan ko cellphone niya? Bakit ikaw hindi?" Nagtatakang sabi ko.
Mahinang natawa si Yeon sa sinabi ko, "Love, there's nothing to invade?" Nagtataka niyang sabi at hinawakan yung cellphone niya to make me check his inbox.
"Just don't check the conversation between my family, I'm good." Sobrang kalmado niya at hindi man lang yata kinakabahan!
Natulala na lang ako at binitiwan yung cellphone niya sa lap niya, natignan niya naman ako.
Paano pa ako magdududa kung hindi naman siya kaduda duda? Ano ba 'tong pag-iisip na meron ako.
"Are you hungry? I'll cook." Dahil doon ay sumangayon ako at hinayaan siyang magluto, syempre ay tumulong ako.
Mabilis naman na tumakbo ang kamay ng oras at pasukan na namin, ito na naman ako at stress na stress na. Unang buwan pa lamang ay magugurang na ako.
Hawak ko ang noo habang tinititigan ang readings na binigay ng professors namin, sana ay nag-abogado na lang ako kung may readings rin pala.
Kagat labi kong inalis ang pagkakahawak sa noo at tsaka ako sumandal hawak ang makapal na mga papel. "Saan ka na, Sierah?" Tanong ng kaibigan ko.
"Hmm, gitna pa lang. Hindi ko ma-grasp." Reklamo ko at ibinaba ang makapal na papel na 'yon.
"OJT natin next three months 'di ba? May napili ka na bang kumpanya?" Sa tanong nila ay napangiti ako.
"Edi sa Villamos?"
"Wews, hanap na rin tayo businessman sis?" Parinig ng isa kaya natawa ako.
"Sumama na kayo sa akin, balita ko maraming gwapo doon—"
"I'm in!" Mabilis na sabi ng isa at inilahad pa ang palad niya na para bang makikitaya-tayaan siya.
"Go na go sis!"
Hinayaan ko na sila at inaral na lamang 'to, matapos ang 20 pages ay tumigil muna ako dahil nakaramdam ng gutom.
Pumunta ako sa cafe, cafe nila lola at bumili ng kape. Habang hinihintay yung order ko ay biglang tumunog yung cellphone ko na agad kong sinagot dahil si Yeon 'yon.
"Love, you're not replying." Napalunok ako sa panimula niya.
"Hala, wait. Let me check, stay there." Ibinaba ko sandali sa tenga ko at sinulyapan ang messages niya, natawa ako.
Yeon Gavril: Love, wru?
Yeon Gavril: I'm kinda busy, r u good?
Yeon Gavril: Sorry about my typings, just busy.
Yeon Gavril: Love, r u also busy?
Yeon Gavril: I miss you.
Yeon Gavril: Love, let's have a date.
Yeon Gavril: If roller coasters are a ride that makes you happy and nervous at the same time. You are my rollercoaster.
Yeon Gavril: Love, it's been an hour.
Yeon Gavril: U okay?
Natawa ako muli, "I am your roller coaster then?" I asked, I heard him chuckle on the other line.
"Hmm, you are."
"I love you." Biglang sabi niya dahilan para mag-init ang pisngi ko, ngumiti ako at tumikhim.
"Let's have a date then." Tugon ko sa sinabi niya, mahina siyang natawa ulit.
"Okay, I'll pick you up by 8pm. Bye love, see you." Hindi na ako nakatugon at pinatay ang tawag dahil mabilis at sobrang malakas ang tibok ng puso ko.
Dahil doon ay umuwi ako to get ready, not until 8pm and mukhang nandiyan na si Yeon sa pinto ko. He can open the door naman but he always waits for me to do it first.
Lumabas na kaagad ako at hinarap siya, nagulat siya kaya naman napangiti ako. "What are you holding?" Tukoy ko sa mabilis niyang naitago sa likuran niya.
"Let me see?" Sinisilip ko 'yon.
"You are so excited, I guess this is the first time that I will give you something this precious to me." Tumikhim siya, napatitig ako sa kaniya sa biglang pagiging seryoso niya.
"A-Ano 'yon?"
Ngumiti siya, "Bigay ko sa car, love. Tara na muna." Nang ilahad niya ang kamay niya sa harapan ko ay hinawakan ko 'yon.
"Ang pogi mo naman yata ngayon." Takang sabi ko, napapansin ang suot niyang denim pants at puting long sleeve buttons up na may kwelyo.
Tucked in 'yon at tinernuhan ng leather shoes na sa bawat yapak ay tumutunog. "Love, ngayon lang?" Paglilinaw niya.
"I mean, it's extra today. Kumbaga may pasobra—"
"Kasi special ka." Natatawang sabi niya na ikinairap ko, nang makasakay sa sasakyan niya ay excited ako dahil sinindi pa niya ang ilaw sa loob.
Nang makita ang paper bag ay na-excite ako, ano kaya 'yon?
"Promise me that you won't take this off, first.."
Napatitig ako sa kaniya at sinulyapan 'yon, "Kailangan 'yon?" Nakangusong sabi ko.
"Hmm." Tango niya at inusad ang salamin sa tangos ng ilong.
"Okay, I promise not to take this off." Turo ko sa paper bag.
Kung ganoon, nasusuot? Baka panty? Bra? Hikaw? Nipple tape?
"Okay, I hereby to this necklace to keep you safe no matter what happens." Bahagyang nanlaki ang mata ko nang ilabas niya ang kahon na may kagandahan sa paper bag.
Namangha ako nang masulyapan ang kwintas pagkabukas niya, napatitig ako doon dahil awtomatiko 'yong kumislap sa mga mata ko.
Ngumiti siya nang hawakan ang kwintas, bigla ay parang magiging emosyunal ako. "Hala, ang ganda love." Natakpan ko pa ang bibig.
"That's why I picked this for you, it literally suits you." Napakurap ako ng maraming beses.
Napangiti ako sa sobrang ganda ng pendant no'n, para siyang vines ngunit may bato sa gitna, gold 'yon pero may diamond or gem.
"Ang ganda love.."
"Hmm, just like you." He sincerely said and put it on my neck, nang mailagay niya ay napangiti ako lalo.
"Ang ganda." Pag-uulit ko.
"Thank you, love." Malambing na sabi ko at inabot ang pisngi niya upang halikan.
"You're the only woman that I love," matipid niyang sabi tsaka siya mahinang natawa at nag-drive na.
Para naman akong tanga na kinakapa kapa ang pendant ng kwintas na nasa dibdib ko.
Nang makarating kami sa isang restaurant ay umalalay siya sa akin. Naupo kami sa kung saan maganda yung lightning at ambiance ng lugar.
Pinaghila niya ako ng upuan na yung waiter na sana ang gagawa but then he gestured his hand saying no. "I'll do it, thank you." Dahil doon ay mas kinilig ako.
Maya-maya ay na-serve rin kaagad ang food namin, "Sie, if I even fail as your man. I hope you don't regret liking or staying with me." Napatitig ako sa kaniya sa sinabi niya.
"B-Bakit?"
"May ginawa ka ba?" Tanong ko, matipid siyang ngumiti at umiling.
"But I guess, I'll disappoint you someday. I hope not," he answered and switch both of our plates dahil nahiwa niya na ang steak ng sa akin.
"Okay, but please try not to hurt me a lot." Mahinang sabi ko.
Tumikhim lang siya tapos ay napangiti ako nang biglang may cake na dumating.
"Love, we never celebrated the Monthsary. I really love to celebrate it with you every month but I was so afraid that you wouldn't remember." Mahinahon niyang sabi dahilan para lumamlam ang mata ko.
Oo nga, ni minsan hindi sumagi 'yon sa isip ko.
"This is the date when we started dating each other for real, love, and this is also the day when the contract started." Tumikhim ako dahil matamis ang ngiti niya habang inaalala 'yon.
"I even remember our first meeting, at a restaurant? Akala mo nga yata ay sinusundan kita." Natatawang dagdag niya kaya mas natawa ako.
"That time, I just wanted to smoke. Bago kasi kami pumunta sa dinner na 'yon sinabon lang naman ako ng lolo ko." Reklamo niya.
"Nagbanlaw ka naman ba?" Asar ko na mas ikinatawa niya, we had a peaceful dinner. Later on after we finished eating we decided to walk in a park.
Habang naglalakad kami ay magkahawak kami ng kamay, nakangiti ako at natutuwa sa mapayapang orange na ilaw.
May stall for cotton candy, mixed peanuts, ihawan and balloon stall even ice cream. We enjoyed the night not until Yeon's phone suddenly rang.
Hinugot niya 'yon sa bulsa niya at tinignan, dahil nakita ko ang pangalan ng lolo niya parang pati ako ay kinabahan sa kaniya.
"Papagalitan ka ulit?" Kinakabahan na tanong ko.
"I don't know, sagutin ko lang, love." Paalam niya at sinagot 'yon sa harapan ko.
Tumikhim siya bago tumugon, "Lo, Yeon speaking."
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko, "Lo, can we talk about that when I got home? I'm with Sierah right now."
"Okay. I'll go home, just don't do anything." Paalam niya.
"Love, I need to go. Uuwi ako sa'yo mamaya, I just need to meet my grandfather or else he'll burst." Kalmadong sabi niya kaya ngumiti ako at tumango.
"Sure, tara na." Dahil doon ay hinatid niya ako sa condo ko, kaya naman nagpaubaya muna ako ng oras sa kaniya.
Halatang nagmamadali siya, dahil doon ay na-boring ako. Siguro ay 10pm na nang may biglang mag-bell sa kwarto ko kaya lumabas ako.
Pagbukas ay natigilan ako ng makita si Yuno, "Anong g-ginagawa mo rito?" Kwestyon ko kinakabahan.
"Our paths aren't aligned anymore, Sierah. I'll just remind you that I'll wait for you, I will wait for you." Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.
Bakit?
Para saan pa 'yon?
"Bakit hindi na lang ako ulit? Hmm?" Tumitig ako sa mukha niya tsaka bumuntong hininga.
"I don't want to hurt Yeon, like how you hurt me Yuno. So try to respect how I respected you when you loved my cousin." Malamig na tugon ko.
"S-Sierah."
"Yuno, kung akala mo naging madali para sa akin na tanggapin yung paghalik mo sa pinsan ko, hindi. Nobyo kita no'n—"
"Hindi ba't parang katulad lang rin ng ginawa ko ang ginawa niyo ni Yeon? Hinalikan ka rin niya habang tayo—"
"As I remember, he didn't kiss me while we're inside the relationship, Yuno. Hindi mo ako girlfriend no'n." Paglilinaw ko.
"I was just a fan that time, ganoon naman ginawa mo hindi ba? Stand by lang ako na sa tuwing itinataboy ka ni Jami sa akin ka tumatakbo." Peke akong natawa.
"Tiniis ko 'yon, Yuno. Tiniis ko lahat ng masasakit na 'yon kasi mahal na mahal kita." Sumbat ko.
"Pero anong ginawa mo? Ilang beses mo 'kong inuto na magbabago ka but you never changed!" Bumabalik lahat ng sakit at sama ng loob sa akin.
"Sabi mo tatawagan mo 'ko, pero kahit isa wala. Kailangan na kailangan kita pero kahit isang beses sa mga panahon na 'yon wala ka." Nakagat ko ang ibabang labi ng maluha.
"Kay dali mong tinalikuran ako matapos ko pakiusapan ka na kailangan kita, tinalikuran mo 'ko kasi kailangan ka ni Jami at paano ako?" Ramdam ko ang sakit sa mga sinasabi.
"G-Gustong gusto ko ng mamatay sa maliit na bagay na 'yon, ngunit wala kang pakialam. Hindi ka nagkaroon ng katiting na pakialam sa mararamdaman ko dahil ako lang naman 'to eh hindi masakit kung mawawala sa'yo—"
"You know that's not true, Sie. I cared for you—"
"You may have felt it, but you never did any actions for it." I rebatted.
"Sa lahat Yuno, wala ka. Hinintay at nagbigay ako ng pagkakataon na makabawi ka, pero wala."
"I'm sorry." Napayuko siya.
"Alam mo kung sino yung sumalo sa akin sa lahat ng pagbitaw mo sa akin?" Napatitig siya sa akin, alam kong alam niya na ang sasabihin ko, "Si Yeon." Tumikhim ako at umiwas tingin.
"K-Kaya huwag ka umasa na ganoon ko siya kadaling bibitiwan dahil lang bumalik ka, h-he made me feel the love that I deserve." Sumbat ko.
"Maybe you're just confused? Maybe he was your comfort but you don't love him, Sierah?" Sumama ang tingin ko sa sinabi niya.
"Don't you dictate what I feel, Yuno. Wala kang karapatan." Masama ang tingin kong sabi sa kaniya.
"Please, don't be confused between love and being loved by someone. M-Magkaiba 'yon, Sierah." Pag-uulit niya kaya nasapo ko ang mukha.
"Tama na, umalis ka na. H-Hindi kita kailangan Yuno.." Galit kong sabi.
"Maaring tulad ng daddy mo Sierah, comfort lang siya—"
"I said enough! Huwag mong diktahan ang nararamdaman ko kasi hindi mo alam 'to kahit minsan!" Nagtaas ako ng boses at galit siyang tinignan.
Third Person's Point Of View.
Pagkapasok ni Yeon sa opisina ng lolo niya ay halos masapo niya kaagad ang pisngi sa sobrang lakas ng sampal doon na tila nabingi pa siya.
"Hudas ka!" Yumuko si Yeon at pinaghawak ang kamay.
"L-Lo, hindi ko kaya." Nanghihinang sabi ni Yeon at halos magalit ang lolo niya sa kaniya nang lumuhod siya sa harapan nito.
"Ano ba Gavril!"
"Ano 'tong nagawa mo! Ano 'yan! Hinding hindi ko tatanggapin ang mga salitang iyan!" Nagwawala sa pagsisigaw ang matanda ngunit yumuko lang si Yeon habang ang dalawang tuhod ay nasa sahig.
"Hayaan mo po na ako ang gumawa ng paraan, ibang paraan—"
"Ibang paraan?! Baliw ka bang bata ka?!" Muling nasampal si Yeon at hindi lang isang beses kundi tatlo.
Galit na galit ang lolo niya sa kaniya at wala siyang nagawa hanggang sa mawalan siya ng balanse sa pagkakaluhod.
"Kung hindi mo masolusyunan ang problemang ito, pupulutin kayo sa kalsada ng kapatid mo pati na ng magulang mo, malinaw?!" Yumuko si Yeon at walang nagawa kundi tanggapin ang mas masasakit pang salita.
Pagod na pagod si Yeon na sandaliang nagpalamig bago pumunta sa condo ni Sierah ngunit bago pa man siya tuluyang makalapit ay narinig niya ang dalawa, si Yuno at Sierah.
Tumigil siya at sinadyang makinig, "Baka mahal mo pa ako Sierah? Mahal mo ako 'di ba? Bakit hindi mo itanggi kung hindi na?" Dahil doon ay naintriga si Yeon Gavril at mas nakinig.
"Tama na, Yuno. Umalis ka na. Ayoko ng marinig pa ang kahit ano sa mga 'ya—"
"Sierah alam ko namang mahal mo ako—"
"At kahit oo ang sagot ko hinding hindi ko na gugustuhing bumalik pa Yuno. S-Sira na tayo, h-hindi mo na maayos 'yon!" Bulyaw ni Sierah.
Tahimik lang si Yeon na nakapamulsa sa suot niyang pants, bumubuntong hininga. "Kung ganoon hindi mo pa mahal si Yeon?" Sa sinabi ni Yuno ay natigilan si Yeon Gavril.
"H-Hindi ko alam." Sa sagot ni Sierah ay tumikhim si Yeon Gavril tsaka siya sandaling napatingala bago ngumisi at mahinang tumawa na animo'y may nagbiro.
Tumalikod siya at mas pinili na lang umalis upang pumunta sa sarili niyang condo.
Sierah's Point Of View.
Matapos ng pag-uusap namin ni Yuno ay nagkulong ako sa kwarto, hindi na rin nakabalik pa si Yeon kagabi. Inabot ako ng madaling araw kakahintay sa kaniya ngunit ala sais na nang magising ako.
Naghilamos ako at sinubukan siyang puntahan sa condo niya kahit pa tatlong oras lang ang tulog ko, sana ay hindi niya mapansin ang pamumugto ng mata ko.
Pumasok ako sa condo niya ngunit natigilan ako nang makita ko kung gaano kagulo ang damit niya sa sahig, sapatos, medyas.
Hindi siya ganito, hinanap ko ang pusa niya ngunit nakita ko na tulog 'yon sa tulugan no'n.
Pumasok ako sa kwarto niya ngunit halos mangunot ang noo ko nang sobrang umalingasaw yung amoy ng sigarilyo sa kwarto niya.
Nakita ko siyang nakadapa sa kama niya at walang damit pang-itaas.
Himbing na himbing ang tulog niya, bakit kaya hindi niya na ako pinuntahan kagabi? Bumuntong hininga ako at nilinis na lang ang kwarto niya.
Mukhang nakainom rin siya dahil sa canned beers na meron sa center table, matapos maayos 'yon ay sinindi ko ang humidifier niya at naglagay ng aroma doon.
Hanggang sa labas ng kwarto niya ay nilinis ko rin, baka sinabon na naman siya ng sobra ng lolo niyang maitim ang budhi.
Maya-maya ay nagising siya kaya naman nilapitan ko siya kaagad sa kama at niyakap, tumalon ako sa kaniya. "Loveeeeee.." Mahabang tawag ko sa kaniya.
"Hmm.." Tugon niya at yumakap ang isang braso sa may kaliitan kong bewang, nang silipin ko siya ay nakapikit pa siya.
"He scolded you so bad again?" Nakangusong tanong ko.
"Hmm." He nodded his head and tried to stretch his arm to reach his eyeglasses from the bed table.
Nang masuot niya 'yon ay sinilip niya kaagad ang mukha ko, biglang sumeryoso na naman ang mukha niya bago siya naupo.
Naupo rin ako sa harapan niya, "What's wrong love? Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko ngunit matipid siyang ngumiti, hindi ko alam ngunit pansin ko ang bahagyang pamumula ng pisngi niya.
Tila hindi lang isang sampal ang naganap doon, "I'm okay love." Nang yakapin niya ako ay nabigla pa ako ngunit niyakap ko siya pabalik habang tinatapik tapik ang likod niya.
Huminga ako ng malalim nang makahiwalay siya, "Wash yourself." Paalala ko matapos niya bumangon ay inayos ko ang kama niya.
Mula nang araw na 'yon ay madalas siyang balisa at malalim ang iniisip, napapadalas rin ang pagsisigarilyo niya.
I can always smell the mint hint of his cigarette, maybe his grandfather pressured him again.
He focused on his work, their business, and I tried to understand it. Hindi na rin siya gaano tumutuloy sa condo ko, siguro twice a week na lang.
And I understand it, may studies rin naman ako. A few months may OJT na ako sa company nila Yeon.
Pagkatapos ko pumasok ay umuwi na rin ako sa condo ko, ngunit pagkapasok ko ay nagulat ako nang makita si Yeon na nanonood ng TV.
"Love, hindi ka nagpasundo?" Tanong niya kaya napangiti ako.
"Hindi na, akala ko kasi busy ka pa."
"Umuwi na ako. Pagod na ako mag-trabaho," natatawang sabi niya at sinenyasan akong lumapit kaya naman naupo ako sa tabi niya.
Umakbay ang braso niya sa akin tsaka siya ngumiti ngunit napalo ko ang legs niya, "Panay sigarilyo ka na naman love." Sermon ko.
"You can smell? I already brushed my teeth—"
"Baliw, sa damit mo kakapit 'yon. But it's fine, hindi mabaho amoy sigarilyo ka lang and stop smoking a lot." Tumikhim siya sa sermon ko.
"I love you." Nagsalubong ang kilay ko, pilit pinipigilan ang ngiti sa mga labi ko.
"P-Pag sinesermonan kita h-huwag mo 'ko dinadaan sa ganiyan Yeon Gavril." Gitil ko na ikinangiti niya.
"Yes pinakamamahal ko, hindi na magsisigarilyo, sometimes na lang." Bulong niya pang pahabol sa dulo kaya ngumisi ako.
"Pag hindi ka nakinig sa akin—"
"Copy boss." He even saluted his hand on the side of his forehead.
"Good boy." I patted his head that made him glare at me, "Hindi ako aso love." Pagsusungit niya.
"Weh? Sunod ka nga ng sunod sa akin?" Pinanlakihan niya ako ng mata sa sinabi ko bago kami natawa.
"It's all because I fell first, I hope you fall harder." Nakangusong sabi niya kaya inalis ko ang salamin niya tsaka ako naupo sa kandungan niya.
"Love, inaakit mo na naman ba ako?" Umalalay ang kamay niya sa likuran ko kaya napangiti ako.
"Can you see my face?" I asked.
"Hmm," tumango siya.
"Pag malayo hindi na." Dagdag niya sa sinabi ko.
"I'll start my OJT at your company next week.." I reminded him, I saw how his forehead got crumpled like a paper. "I wasn't aware of that?" He replied.
"Yup. Hindi naman ikaw ang may handle no'n," sagot ko.
"That'll be good, don't you think?" Bulong niya kaya nakiliti ang tenga ko tsaka siya hinampas sa braso.
"You know what floor my office is, right?" Bulong niya.
"Love! Don't give me special treatment ha, baka sabihin nila I'm using you." Gitil ko na ikinatawa niya ng mahina.
After that nangyari na rin yung OJT ko and napapansin ko rin na hindi nagsisigarilyo si Yeon. Hindi ko na naamoy 'yon sa kaniya mula nang mapagsabihan ko siya.
Binigyan nila kami ng ID at sinuot ko 'yon, they also gave us our office that is a cubicle type. "Wait niyo si Sir Yeon, para alam niya na may mga students na mag-OJT rito." Masungit na sabi ng babae na siguro ay 30 years old na?
Tulad ng sinabi niya ay hinintay namin, maya-maya ay nakikita ko na si Yeon na naglalakad wearing his formal attire, his long sleeve polo has a black necktie resting on his chest.
Nang magtama ang mata namin ay halos manlaki ang mata ko nang bahagya niyang itaas ang kilay habang nakatingin sa akin.
"Oh, they're the new recruits?" Panimula niya.
"Good morning sir," bati namin lahat.
"Good morning." Bati niya rin, pigil hininga naman ako nang pasadahan niya ang buong kasuotan ko.
Ngunit mas napalunok ako nang bahagya niyang basain ang labi tsaka niya ako tinignan sa mata. "You're going to work here for like 3 months right?" He confirmed.
"Yes sir." Sagot ko.
"Okay lo— Sierah." Napatikhim siya nang muntikan ng magkamali kaya napalunok ako at nahihiyang sinulyapan ang dalawang kaibigan ko na pigil ngiti at tili.
Sampu kasi kami ang iba ay galing sa ibang school at tatlo lang kami na galing sa school ko. Dalawa lang ang lalake at madalas babae na lahat.
Kinakabahan ako at excited rin, "Did you explain them everything?" Tanong ni Yeon sa babaeng nasa 30's.
"Hindi pa sir yung about sa salary nila." Natigilan ako, so meron rin kaming salary for OJT?
Para pala kaming nag-part time job. "Okay, I'll just send them the information that they need to know. Be friendly and work hard. Learn a lot." Yeon Gavril both clapped his hand before nodding.
"Thank you sir." Paalam namin.
Dahil doon ay nagsimula na kami ng mapayapa hanggang sa biglaang lumapit sa akin yung babae sa ibang school, "Pwede mo bang ayusin 'to? Ang bilis mo kasi natapos. Hindi ko alam kung paano," nang i-abot niya ang folder sa akin ay tumikhim ako.
Matipid na ngumiti, "Sure."
Nang maayos ay ibinalik ko na sa kaniya, habang nakikinig sa may handle sa amin ay binigyan kami ng kaniya kaniya ma tasks.
Habang nag-susulat ay napasulyap ako sa cellphone ko na tumunog, si Yeon Gavril ano na naman kayang gusto niya?
Binasa ko ang message niya.
Yeon Gavril: Come to my office.
Yeon Gavril: Bring your folder with you.
Sierah: Okay.
Dahil doon ay sinunod ko siya, dinala ko ang folder tsaka ako naglakad papunta sa office niya. Nasa dulo kasi ang office niya habang nasa bandang gitna ang maliit na office namin.
Kumatok muna ako bago ako hinayaan makapasok ng secretary niya, maingat ko namang isinarado ang pinto.
Ngunit pagkaharap ko ay nanlaki ang mata ko ng nasa harapan ko na siya, nang makuha niya ako sa bewang ko ay hinapit niya ako papalapit that made me widened my eyes.
"I miss you, love." Napapikit ako nang maingat niyang hawakan ang pisngi ko upang mahalikan ako sa labi.
Sandali lamang 'yon ngunit parang ang tagal, umayos siya ng tayo tsaka ngumiti. "Is your working environment okay?" Tanong niya habang inaayos ang papers na dala ko.
Naupo naman ako sa harapan niya habang nakatitig sa mata niya, "Yup, okay naman. I can help them too, dahil sa itinuro mo." Sagot ko.
"Huy itago mo 'to." Gulat na sabi ko nang makita ang picture frame na may picture naming dalawa.
"Love, ayaw. It's small, they won't notice it." He disagrees kaya ngumuso ako, "Baka makita nila, ma-issue pa tayo." Pabulong na sabi ko.
"They know, my other employees know about us. Why do you want to hide it?" He reasoned out and gave me back my folder.
"Thank you, sir." Ngumisi ang labi ko sa pag-awang ng labi niya sa itinawag ko sa kaniya.
"Sir? Really?" Napairap siya sa akin kaya tumaas ang kilay ko, hindi naman siya marunong umirap.
"In the office, we should be formal. Ano ka ba, Sir Yeon Gavril." Tinaas taas ko pa ang kilay ko para mas asarin siya, "Sure, Ms. Garcia." Masungit niyang sabi.
"But no, I can call you Sierah. Boss mo 'ko." Tumango ako at ngumiti.
"I'll go ahead, sir." Paalam ko at kumaway patalikod.
Nang makalabas ay napabuga ako ng hangin, naging ganoon lamang ang routine namin. Medyo napapansin ko na parating wala sa mood ang ibang masama ko sa OJT nila.
Wala naman akong magawa dahil masaya ako na nasa isang workplace kami ni Yeon. Isang buwan ang nakalipas ay natigilan ako nang makita si Yamato.
Jami's boyfriend.
Nang makita niya ako ay tumango siya, "You're working here?" He asked.
"Oo, OJT. Ikaw ba ano pakay mo rito, Engineer?" Nakangising sabi ko.
Mahina siyang natawa at ngumiti, "Boyfriend mo." Turo niya sa office.
"Ay tara samahan na kita." Excited na sabi ko para maturo yung office ni Yeon, habang naglalakad ay nag-uusap naman kami.
"Kumusta kayo ni Jami?" Nakangiting tanong ko.
"Ah, si Jami.." Natigilan ako nang bahagyang mawala ang ngiti niya sa labi.
Nangunot bigla ang noo ko dahil medyo wala akong balita kay Jami, "She went out of town." Sa sagot ni Yamato ay nangunot ang noo ko.
"Oo nga, pero hindi pa ba siya nakakabalik?" Takang tanong ko.
"Hindi ko alam, Sierah." I found his answer suspicious, hindi ba sila okay?
"Are you okay?" Nagtatakang sagot ko.
"Yup, re-studying my reviewer for a board exam." Patango tango niyang sabi, "Oo nga pala, 'di ba tapos na yung board exam niyo last month?" Tanong ko ulit.
"I didn't pass." Nanlaki mata ko.
"Huh? Oh, I'm sorry for that." Tumikhim ako at nahiya bigla.
Ang daldal ko kasi. "It's okay," nakangiting sabi niya.
Pagkapasok sa office ni Yeon ay natigilan ako nang salubong na salubong ang kilay ni Yeon habang nakatingin sa amin at magkakrus pa ang braso sa tapat ng dibdib.
"A-Ano?" Gulat na sabi ko.
"Engr. Lapiz." Bati ni Yeon at hindi ako pinansin, "Not yet an engineer, Mr. Villamos." Pagbibiro ni Yamato ngunit bahid ko na masakit sa kaniyang sabihin 'yon.
"C'mon, you just don't have a license yet but you're an engineer. You may go out, Ms. Garcia." Pinanlakihan ko ng mata si Yeon.
"Can't I stay?"
"No. Leave." Ngumuso ako sa pagsusungit niya, alam niya palang naging crush ko si Yamato hehehehe.
Dahil doon ay sinunod ko na siya, bahagya pa akong nakinig ngunit wala akong marinig. Makalipas ng oras ay lumabas na sila ng sabay. Nang makita ako ulit ni Yamato ay ngumiti siya.
"I'll go ahead, check on Jami for me." Natigilan ako sa sinabi niya at napatango na lang.
"I will.."
Hindi na ba sila ni Jami? Nag-break ba sila? Nag-away? Gaano kalala?
Para umabot sa punto na pati pag-check kay Jami ay umaasa si Yamato sa akin?
Yeah, Jami's not contacting me for a long time now. I should try calling her later. Inayos ko na ang gamit sa desk ko not until someone cleared his throat at my back.
Napalingon ako, "Sir." Bati ko kay Yeon dahil nakatingin yung ibang kasama ko mag-OJT.
"Have you finished the task I gave you?" Natignan ko kaagad ang desk at hinanap ang folder na 'yon.
"Yes sir, wait.."
Dinampot ko ang folder at ibibigay na sana sa kaniya pero nagsimula na siyang maglakad. "To my office," he gestured, sobrang seryoso.
"Y-Yes sir." Nakakatakot, galit ba siya?
Dala ko ang folder ay sumunod naman ako, "Ano 'yon?" Tanong ko.
"He's Yuno's cousin right?" Tanong niya kaya naisip ko na baka si Yamato ang tinutukoy niya, that's why I agreed.
"He is," wika ko, "Bakit?"
"Hilig mo sa engineer." Bulong niyang sabi kaya pinigilan kong mapangisi, "Oh?" Gulat na sabi ko kuno.
"Hmm, kumislap pa yung mata mo habang nakatingin sa kaniya." Pahina ng pahina niyang sabi na ikinangisi ko.
"Nako, tapos na ako sa engineer 'no. Dito na ako sa businessman ko," paglalambing ko at tsaka ako kumapit sa braso niya ngunit agaran akong napalayo nang bumukas yung pinto ng hindi kumakatok yung kung sino.
Napatayo rin tuloy si Yeon, "What?"
"Don't you know how to knock?" Galit niyang sabi sa babae na kasama ko nag-OJT rito pero from other school siya.
"I'm sorry sir, m-may sasabihin po sana ako." Bumuntong hininga si Yeon tsaka niya sinenyasan pumasok.
I know that she saw it! Ang suspicious naming dalawa kanina biglaan kaming napalayo sa isa't isa tsk!
"Lalabas muna ako sir," paalam ko tsaka ako nahihiyang lumabas.
Bumalik ako sa desk ko hanggang sa maya-maya ay naisipan kong mag-restroom dahil baka kailangan na ng pantog ko magbawas.
Nag-retouch na rin ako ng make up ko ngunit ganoon ako nagulat nang makita yung workmate ko, "What was that a while ago?"
"Huh?" Maangan ko.
"I'm sure I saw it, ginagamit mo ba si sir to get good recommendations after you finish your OJT?" My lips parted a little on her accusations.
Boyfriend ko naman boss mo eh.
"Of course not," mahinahon na sagot ko.
"You're seducing him," she said, which made me sighed.
///
@/n: Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top