Chapter 20: A Mess He Made

Chapter 20: A Mess He Made



Sierah's Point Of View.



"Love." Yeon called me.

"Yes?" I asked.

"Are you okay?" Tumango ako sa tanong niya tsaka ko ni-lock ang pinto at nagmamadaling bumalik sa banyo.

I removed everything and soaked myself in the bathtub. Pumikit ako upang pakalmahin ang sarili ko.

"I'll wash your hair." Hinayaan ko siya at hindi kinibo.


Sisirain niya yung gabi ko? Really? Hanggang ngayon ba naman Yuno ikaw pa rin ang sisira sa mapayapang gabi ko?


Dahil doon ay hindi natuloy ang ano mang balak namin ni Yeon, dalawang linggo ang nakalipas at bago pa man ako magpasukan ay kasama ko si Yeon sa condo ko nang biglang may mag-bell na naman ng maraming beses.

"I'll open the door." Paalam ni Yeon kaya tumango ako at nanood na lang ng movie dahil nasa exciting part na.

Natawa ako nang madulas ang bida, ngunit pagkabukas ni Yeon ay malakas na mura kaagad ng pamilyar na boses ang narinig ko.

Napatayo ako kaagad, "Tangina! Ikaw pala ang salarin?!" Sigaw ni Yuno at sinarado ang pinto matapos sapakin si Yeon.

"Ano ba Yuno!" Singhal ko at inlalayan si Yeon na tumimbawang sa sahig dahil sa malakas na sapak sa kaniya.

"'Yan! Hindi mo ba alam kung anong ginagawa ni Yeon, ha? Sierah?!" Nangunot ang noo ko at inalalayan tumayo si Yeon.

"What did he do? Ano na naman bang problema mo ha?" Galit na tanong ko.

"You wanna know what he did? Siya lang naman ang salarin sa pagtatago ng sulat na iniwan ko sa'yo noon." Napatitig ako kay Yeon sa sinabi ni Yuno.

Yuno is not gonna lie, right?

Wala naman siyang mapapala kung magsisinungaling siya, napatiitg ako kay Yeon. "Ano bang sinasabi mo?" Kwestyon ko kay Yuno.

Huminga ng malalim si Yuno, "Traydor ka, Yeon. Wala kang kwentang kaibigan!" Susugod pa sana si Yuno pero tumayo ako sa harapan ni Yeon.

"Hindi ko maintindihan."

"Yung letter na iniwan ko, na nagsasabing babalik ako Sierah. Itinago ng magaling na lalake na 'yan." Turo niya kay Yeon na para bang galit na galit siya.

Nasapo ko ang noo. "Kung gumagawa ka ng kwento—"

"Why would I fucking lie to you, Sierah?" Sumbat ni Yuno at nagulo na lang niya ang buhok niya sa pagkainis.

"W-Why are you not defending yourself, Yeon?" Kwestyon ko, ibig ba sabihin no'n nagsasabi ng totoo si Yuno?

"Yeon." Tawag ko sa kaniya ngunit yumuko siya at bumuntong hininga.

Nagtataka ko siyang tinignan, "Yeon Gavril, ano ba?" Hinawakan ko siya sa braso ngunit tumango siya.

"He's telling the truth." Napatitig ako kay Yeon dahil doon, hindi makapaniwala.

"L-Lahat ng sulat na pinapadala niya sa'yo, itinago ko." Napakurap ako ng maraming beses nang mapaupo si Yeon sa sofa ko.

"'Di ba? Kita mo na?!" Susugod pa sana si Yuno ngunit kusang tumulo ang luha ko.

"Enough, Yuno. Enough!" Awat ko at tsaka ko nasapo ang ulo.

Alam kong galit na galit si Yuno ngayon, dahil kung wala ako sa gitna nila ay panigurado susugurin niya agad si Yeon.

"Yeon, you're just making this up right? He's lying?" Hinarap ko si Yeon at pilit kinakausap ngunit hindi siya makatingin sa akin.

"I hid everything from you." Tumango siya.

"I got all the letters he sent, Sie. I'm sorry." Yumuko siya at dahil doon ay hindi ko alam ang mararamdaman.

Hindi ko alam kung magagalit ako kay Yeon, hindi ko alam kung kakampihan ko si Yuno. Hindi ko maintindihan.

"Love." Nanlumo ako at sumalampak sa sarili kong paa.

"Love, w-why did you do this?" Sunod-sunod na tumulo ang luha ko dahil sa nalaman.

"Love." Hinawakan ko siya sa braso.

"Just tell me he's lying, kahit ano, itanggi mo na lang? Paniniwalaan kit—"

"Sie, I did it." Tumikhim siya.

"He's right, kasalanan ko kung bakit." Tila namamanhid ang puso ko ngayon.

Sobrang gulo, hindi ko maunawaan. "Tinago ko yung letters, kasi—"

"Kasi makasarili ka, kasi gusto mo siyang napasa'yo Yeon. Tangina kahit gan'to yung set up natin kaibigan mo pa rin ako!" Tumango si Yeon sa sinabi ni Yuno.

"Magkaibigan pa rin tayo, pero bakit ka naman umabot sa ganoon?" Tumango lang si Yeon tinatanggap ang salitang binabato sa kaniya ni Yuno.

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon, "U-Umalis na muna kayo." Matipid kong sabi.

"Gusto kong mapag-isa." Malamig na tugon ko sa kanila.

"Sierah—"

"Please, just give me space to think. Both of you!" Galit na sabi ko, pumasok ako sa kwarto ko tsaka ako parang bata na nagtalukbong.

Akala ba nila madali para sa akin mag-adjust? What the fuck.


I feel played.

After ten minutes of staying under my blanket may kumatok. "Sie." Nang marinig si Yeon ay nagtakip ako lalo.

"I said leave."

"I'm sorry." Nang maupo siya sa gilid ng kama ko ay iniiwas ko ang katawan.

"Lov—"

"Sierah." Pagtawag niya sa buong pangalan ko.

"She said to leave, let's go. We'll talk." Nang marinig si Yuno ay huminga ako ng malalim.

"Kakausapin ko siya sandali—"

"Ano ba, Yeon?" Yuno tried to pull Yeon out of the room.

"Fine. You don't need to make me leave, Sierah. Kung naguguluhan ka dahil sa ginawa ko, I understand and I'm sorry that I hid his letters." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Yeon, dahilan para maupo ako at samaan siya ng tingin.

"But if that stirs up your feelings, then I understand. If you think that because of me, hindi naging kayo. I'll leave." Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya.

"That proves everything, by the way." Tumalim ang tingin niya sa akin.

"That proves that you didn't really want me, that I am the only reason why both of you are not together." Huminga siya ng malalim at napaiwas tingin sandali.

"At ngayong may dahilan na, pwede na. Pwede mo na akong isantabi, Sie. Pwede mo na akong alisin at palitan, siya naman talaga yung gusto mo hindi ba?" Kitang kita ko ang sama ng loob sa mga tingin niya, kumislap 'yon at tila naluluha na siya kahit masama ang tingin sa akin.

"Sige." Tumango siya.

"I'll deliver the letters here, tomorrow." Nakapa-mewang ang isang kamay niya na para bang hindi niya alam ang gagawin.

"Pasensya na ha?" Nangunot ang noo ko sa pahabol na sinabi ni Yeon, naayos niya ang salamin na may basag. "I'm sorry for being the antagonist of your love story." Ngumisi siya sa akin.

"I'm sorry for taking your place, I'm sorry for keeping myself here even if I'm unwanted." Dahil sa sinabi niya ay nawala ang masamang tingin ko sa kaniya, napansin ko ang mabilis na pagpahid niya ng luha niya.

"Okay," tumikhim siya.

"Mukhang dito na nagtatapos yung role ko, thank you for everything." Kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya.

Suminghap si Yeon na para bang 'yon ang pipigil sa luha niya, "Salamat, huwag ka mag-alala Yuno. Mababawi mo pa naman siguro? Sa'yong sa'yo n—" Napatayo ako kaagad nang sapakin ni Yuno si Yeon.

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil tumimbawang na naman si Yeon sa sahig at naalis pa ang salamin niya.

Naiiyak ko siyang tinitigan, "Y-Yeon—"

"I'm okay." He gestured his hand, pinahid niya ang labi na dumugo at halos maiyak ako nang subukan niyang kapain ang salamin sa sahig.

Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mata ko, "Tangina! Kapal ng mukha mong hinayupak ka!" Sasapak pa sana si Yuno ngunit tumakbo ako upang awatin siya.

"Tama na. Tama na, Yuno." Nangatal ang labi kong sabi, "Sinira niya tayo, Sierah!" galit niyang sabi kaya nilingon ko si Yeon na hindi pa yata makatayo.

"I'm okay, I'm okay. I'll leave." Seryosong sabi ni Yeon ngunit naawa ako dahil sa basag niyang salamin at dumudugo niyang labi.

"Tangina kulang pa 'yan, kulang na kulang pa 'yan Yeon!" Tumango si Yeon sa sinabi ni Yuno.

Napapikit ako at sinapo ang mukha ko, "Can you stop yelling?" Nakikiusap kong sabi may Yuno.

"Paano? Galit na galit ako Sierah. K-Kung hindi dahil sa kaniya e-edi sana—"

"Enough para saktan mo siya?" Kwestyon ko at humarang sa harapan ni Yeon na nakasalampak, "Even though he hid those letters he kept me safe." Tumulo ang luha ko matapos maalala kung paano niya ako inalagaan.

"H-He treated me well, Yuno. Kung merong may karapatang magalit sa kaniya ako lang 'yon hindi ikaw!" Galit na sabi ko.

"Naiintindihan ko na galit ka sa kaniya pero huwag mo rin sanang kakalimutan na hinalikan mo yung pinsan ko at 'yon ang sumira sa ating dal'wa hindi si Yeon." Napatigil siya sa sinabi ko.

"Kaya kung hindi ka kakalma, makakaalis ka na. Kung ayaw mong mas lalo kang mapasama sa akin," bumuntong hininga si Yuno at sinunod ako kaagad.

Hinarap ko si Yeon, kinuha ko ang salamin niya na tumalsik. Nakita kong basag na 'yon, "Huwag mo na suotin." Itinabi ko 'yon at tinulungan siyang makatayo.

Sinuri ko ang mukha ni Yeon tsaka ako lumabas ng kwarto upang kumuha ng ointment at ice pack.

Pagkabalik ko ay kumuha ako ng panlinis sa sugat niya, pumikit lang siya at hinayaan ako. Maya-maya ay tumikhim siya, "Kaya ko na yung sarili ko, just rest." Kalmado niyang sabi at kinuha ang ice pack sa kamay ko.

"Yeon Gavril, I know that what you did is wrong." Tumango siya.

"Alam ko rin."

"Yeon." Gitil ko.

"Sorry, okay? So if you want to leave me just go ahead. I am ready for it, I am ready for the consequences." Seryosong sabi niya.

Bumuntong hininga ako, "Sorry for being selfish, anong magagawa ko? Let you wait for him? What if he didn't come back?" Tumango ako.

"Alright."

"So if that changes your mind, wala na akong magagawa, Sie. Wala na. I know that anytime you can leave me for that man, because you love him." Napaupo ako sa tabi niya sa sinabi niya.

"You can't blame me, pinilit lang kitang gustuhin ako." Tumikhim siya.

"Hmm, you succeeded." Sambit ko, natigilan siya at nalingon ako.

"Tch, yeah. For the meantime?" Nang bumalik ang masungit niyang tingin sa akin ay napatitig ako sa kaniya.

Namiss ko 'yon.

"C'mon, be dumb for that man again. Wala na akong magagawa," sungit niyang sabi at umirap sa akin.

"Balik ka na do'n. He's your home right?" Taboy niya.

"I am the worst person, Sie. Hindi mo lang alam."

"Umuwi ka na." Matipid na sabi ko.

"Yeah, as I should." Masungit niyang sabi at tumayo na kaya pinanood ko siyang maglakad.

"Ingat." Pabulong na sabi ko ngunit hindi niya na ako nilingon at derederetsong umalis na lang.

Because of that confrontation ay nanatili ako sa condo ko, nakakainis na Yeon. Akala ko ba hindi niya ako tatantanan?

Boyfriend ko pa rin naman siya, nakakainis.

Hanggang sa dalawang linggo siyang walang paramdam sa akin, tanging si Yuno lang ang tumatawag at nagt-text sa akin upang kumustahin ako.

I visited Yeon's instagram and saw his story, natigilan ako nang makita na story niya ang daliri niya na may sigarilyo sa pagitan kasama ang magandang view.

Ngumuso ako, pinakikiramdam ko rin ang sarili ko. Maya-maya ay pumasok si Amaya matalim ang tingin sa akin.

Halos mahawakan ko ang pwet ng malakas niyang paluin 'yon, "Ano? Sinong gusto mo?" Kwestyon niya.

"Nakita mo ba si Yeon sa kumpanya kanina?" Tanong ko agad.

"Hmm, galit nga yata siya sa lahat kanina. Kahit maliit na mistakes pinupuna niya jusko, scary dear." Ngumuso ako sa kwento niya.

"Hala dear alam mo ba, panay rin siya sigarilyo kanina?" Ngumuso ako lalo.

"Break na ba kayo?" Tanong niya.

"I don't know, wala akong naalala na nakipaghiwalay kami sa isa't isa." Maktol ko, maya-maya ay inilabas ni Amaya ang alak sa paper bag.

"Alam kong broken ka pero hindi ko alam kung saan kaya nagdala ako alak, expensive 'to." Naupo ako at pinagsaluhan namin yung alak.

Later on nakatulog na si Amaya sa couch kaya ngumuso ako tumayo, lumabas ako ng condo habang naka-paa paa lang.

Pumunta ako sa floor ni Yeon, nang makarating sa condi niya ay kumatok ako nang hindi ko ma-type yung passcode ng condo niya.

I pressed it for like 15 times until the door opens, nagulat ako ng makita ang babae sa condo niya.

Umawang ang labi ko, pumasok ako sa loob at tinulak yung babae. "Sino ka ha? Bakit nandito ka sa condo ng love ko?" Galit na tanong ko at muntik pa mawala sa balanse.

Tumikhim yung babae, "Ah—"

"Kabit ka niya 'no?!" Nagsimula akong sumalampak sa sahig at umiyak na parang bata.

Ngumawa ako ng ngumawa, "Ang bilis niya maman ako ipagpalit!" Iyak kong sabi at sumipa sipa sa kung saan.

"Nakakainis!" Maktol ko.

"Miss—"

"Nasaan siya huh?! Nasaan siya?!" Nasapo ng babae ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Calm down okay? G-Gigisingin ko siya. Pagod kasi siya—"

"You two made love?! That's unfair! We didn't even get to do it, tapos gagawin niya with someone like you lang?" Sobrang sama ng loob ko at sunod sunod na humikbi.

"Miss, oh my gosh." Naglakad yung babae niya papalayo sa akin at pumasok sa kwarto ni Yeon dahilan para mas umiyak ako.

Tumayo ako sa sama ng loob at tsaka ako nawawala sa balanse na pumunta sa pinto para umalis na. "What the hell?" Nang marinig si Yeon ay ngumuso ako.

"Hindi ka man lang nakipag-break sa akin bago ka nambabae!" Bulyaw ko.

"What the hell are you talking about Sie?" Lalapit na sana siya sa akin pero tinaboy ko siya.

"L-Lahat talaga kayo manloloko! Mga manloloko!" Humihikbi na sabi ko at pinaghahampas siya.

"L-Lahat kayo niloko niyo ako! Lahat na lang kayo!" Umiiyak na sabi ko dahilan para bumuntong hininga siya.

"You even made love with that woman! Kaya ka pagod huh? Pero sa akin ayaw mo! I hate you!" Nasapo ni Yeon ang noo at sinulyapan yung babae niya.

"Oh, I'm out." Sabi ng babae.

"Ano bang sinabi mo sa kaniya?" kwestyon pa ni Yeon sa babae niya.

"Wala ah, I didn't even say a thing." Seryosong sabi ng babae niya.

Ngumuso ako at sunod sunod na humikbi, "Lasing yata siya." Turo sa akin ng babae kaya ngumuso ako at pinahid ang luha ko.

"How dare you do this to me!? After making me fall for you ako pa paghahabulin mo ha?!" I yelled.

"Ooohh, uwi na ako kuya. Bye." Paalam ng babae niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Take care."

Nanatili ako sa sahig, inaantok na dumapa sa carpet. "On the couch." Inakay ako ni Yeon ngunit sinipa ko siya sa legs niya dahilan para hawakan niya ang paa ko.

"Stop."

"I hate you, four-eyed. I hate you so much, I hate you." Pabulong kong sabi.

"I hate you for making me miserable, I should have missed Yuno but why do I miss you? Hindi ka man lang tumatawag!" Masama ang loob na sabi ko.

"P-Pagpapalit mo pa 'ko—" Natakpan ko ang mukha matapos sabihin 'yon dahil sa pag-hikbi ko.

Pinantayan niya naman ako, "H-Hindi mo na ako mahal." Nakangusong sabi ko.

"H-Hindi mo n-na ako love, may iba ka ng love." Pagmamaktol ko.

"P-Para kang walang pakialam sa akin, after making me fall in love with you iiwan mo 'ko. Ibabalik mo 'ko kay Yuno, h-hindi mo ako ipaglaban." Muli kong sinipa ang binti niya dahilan para awatin niya ang paa ko.

"Do you love me?" Sa tanong niya ay naiiyak akong lumabi at tumango tango.

I saw his lips smirked, "Okay." Napayakap ako sa leeg niya nang buhatin niya ako na parang bagong kasal, naglakad siya kaya sumandal ako sa dibdib niya habang nakayakap rin.

"Sleep." Nang kumutan niya ako ay niyakap ko ang unan sa gilid at pumikit na.




Bigla akong napamulat nang maalimpungatan, what a fucking nightmare! Nasapo ko ang ulo nang sobrang sakit no'n.

Grabeng panaginip, ayoko ng maulit.

Bumangon ako at nasapo ang sariling ulo, nakaupo ako sa kama not until bumukas yung pinto ng kwarto ko dahilan para magulat ako ng makita si Yeon.

Anong ginagawa niya sa condo ko— nanlaki ang mata ko nang makita ang buong kwarto at hindi ganito ang kwarto ko!

P-Paano ako nakapunta rito?

"A-Ano—" Tumikhim ako at napalinga sa paligid.

Shit.

"Hangover?" Naglakad si Yeon papalapit sa kama dahilan para mas mahiya ako.

"I made breakfast. Wash your face." Utos niya tsaka siya muling lumabas, tumayo ako at hinanap ang banyo niya bago ako naghilamos at nagsepilyo gamit ang bagong bukas na sepilyo.

Maingat akong lumabas ng kwarto niya upang pumunta sa dining table, nilagyan niya ng mga inumin ang basong may ice cubes.

Tsaka niya inalis ang apron na suot, naka-office attire na kasi siya, simple white buttons up and black slacks.

Kung ganoon hindi panaginip yung kagabi?

Nakakahiya!

"Let's eat, I still have work later, 8am." Napaupo na lang ako sa dining at sinunod siya, kinain ko ang niluto niyang sweet chicken adobo.


Kung ganoon sino yung babae kagabi? Babae niya talaga?!


"Do you remember what you did last night?" Sa biglang tanong niya ay sobra akong nahiya.

"Yes." Let's act tough Sierah, act good.

"Sino yung babae? Babae mo ba 'yon?" Derederetso kong tanong.

His lips parted a little before he swallowed his food and sipped on his juice. "What do you think?"

Sa sumbat niya ay ngumiwi ako, how dare he?!

"Ganiyan ah." Singhal ko.

"Hindi ko siya babae, nakababatang pinsan ko siya. I am training her to be the holder of the other branch of the company once she graduates. Mas bata siya sa'yo ng isang taon." Umirap ako sa explanation niya.

"Sus, what if you're just saying that?" He raised an eyebrow that made me swallow hard.

"Would it benefit me if I lied?" He responded.

"Maybe? Why not?" Ngumiwi siya at kumain na lang.

"You can doubt me if I ever cheated on you, wala akong ginawa to broke your trust, Sie." Sobrang seryoso niya kaya ngumiwi ako.

"Okay." Mahinang sagot ko.

"I'll drop you off, hindi mo ba kailangang mag-enroll for next semester?" Napatitig ako sa kaniya sa tanong niya.

"Tinatamad ako." Sagot ko.

"Don't be lazy, prioritize your study." Ngumuso ako sa habilin niya na naman.

"K."

"Sie—"

"Oo na, mag-eenroll na. May last call naman for enrollments eh. That's my lola's school, remember?" Sumbat ko pa at inis na ngumuya.

"Yeah, but don't get used to having special treatment." He rebat that made me pout.

"K."

Matapos kumain ay sinamahan niya ako sa condo ko para makaligo at makapagpalit ng mabilisan. "Alam mo ba gusto ko magkaroon ng pilot boyfriend?"

Natigilan si Yeon sa sinabi ko, tumikhim siya. "Really? Edi humanap ka ng piloto mo." Masungit niyang sabi.

"Gusto ko rin naman ng girlfriend na model." Umawang ang labi ko sa sinabi niya, sa inis ko ay binato ko sa kaniya yung make up blender na ikinangisi niya.

"Pwede naman ako mag-model ah!"

"Pwede rin naman ako mag-piloto?" Balik sumbat niya na nagpatahimik sa akin, nakakainis na Yeon 'to.

Matapos ay sabay na kami lumabas, "Late ka na yata?" Kwestyon ko sa kaniya, habang papalapit kami sa school.

Sinamahan niya ako hanggang sa registry, after I enrolled umalis na rin kami. "Wala ka ng lakad?" He asked.

"Sasama ka ule?" Kwestyon ko.

"Depends."

"Hmm, maybe I'm going out with my friends. I'll just tell you where, you can go na." Paalam ko.

"I'll drop you off, love." Nang hawakan niya ang kamay ko ay pinigilan kong ngumiti, bumalik kami sa sasakyan niya at dahil doon ay sinabihan ko kaagad ang ibang kaibigan.

"Sa mall na lang ako, love. I'll wait for them there." Tumikhim siya at hindi binitiwan ang kamay ko habang nagd-drive siya.

Pagkarating sa mall ay napasulyap siya sa relos niya bago ako sinulyapan, "Can you buy me something when you get home, love?" Natigilan ako sa pag-alis ng seatbelt ko.

"Huh? Ano 'yon?"

"Just something to eat, I'll stay at your place tonight with my baby." Ngumuso ako sa sinabi niya.

"You'll take the baby with you? Make sure you bring her litter box ha." I reminded him.

"Yes love. Buy me something." Nagtaka ako nang buksan niya ang wallet.

"Ano 'yan?" Kwestyon ko.

"Payment?" Kwestyon niya.

"Ano ka ba, it's on me love. Parang ewan—"

"Take this, I'm still going to make you buy a little more."

Wala akong choice but to receive his black card, I only used my dad's black card when he wanted to treat me.

"Is this legit?" And to my question he chuckled and glanced at me, "Would I give you a fake one?" He replied and smiled.

"Sige na, go ahead. Enjoy. Text me." Paalala niya aalis na sana ako pero pinigilan niya ako tsaka siya humalik sa pisngi ko.

"Bye love." Paalam ko rin at excited na bumaba sa car niya, pumasok na rin ako sa loob ng mall because it's more safe for me.

Maya-maya ay dumating na ang mga kaibigan ko kaya namili kami ng mga kailangan at iba pa, nag-shopping rin kami. Nang patapos na yung date ko with friends is naka-receieve ako ng message from Yeon.

Yung pinapasuyo niya sinabi niya na in advance para hindi siya maabala sa meeting niya, that's why I asked for Amaya and sakto pumunta siya kaagad.

"Iniwan ka na ng classmates mo?" Masungit niyang tanong, salubong ang kilay.

"Yup, hayaan mo na. They have their own lives." Kumapit siya sa braso ko, mas matanda si Amaya sa akin ngunit walang ate-ate na nagaganap.

Just pure friendship, "Nagpapabili ng grocery si Yeon kasi raw mamaya sa akin siya tutuloy." Nakangusong sabi ko.

"Uy chukchak ba 'yan dear?" Asar niya kaya natawa ako at nahampas siya sa braso ng mahina.

"Gaga."

"Ikaw wala ka bang boyfriend?" Kwestyon ko kay Amaya.

"Tagal mo na dito sa Pinas ah." Siniko ko pa siya bahagya.

"Meron." Nang kindatan niya aki ay tumaas kilay ko.

"Bakit hindi mo sinabi? Nakakatampo ha!" Reklamo ko.

"Gaga 'di pa sure eh baka iwan rin ako HAHAHAHA." Tawa-tawa pa niya.

"That's not funny, why would you let a man play you?" Seryosong sabi ko at tumigil sa paglalakad, "Make me meet that man," banta ko.

"Ano ka ba, huwag na muna siguro. At the moment we're still in the stage of dating, labas labas and flirting lang." Amaya explained that it made me shake my head.

Binili namin ang mga kailangan at pinasusuyo ni Yeon, at dahil mamaya pa ako masusundo ni Yeon ay nilibre ko muna si Amaya sa isang sikat na ice cream parlor sa loob ng mall.

Tahimik lang kaming dalawa, maya-maya ay nagpaalam siyang babanyo at iniwan sandali yung gamit niya kaya naman ngumuso ako.

Nang tumunog yung cellphone niya ay nangunot ang noo ko ng makita ang text message sa kaniya ni Yeon na naka-discreet sa screen notification.

Tumikhim ako, umiling ako at ibinaling ss iba ang atensyon. Hanggang sa tumunog ulit 'yon and a text message from Yeon again.

Dinamihan ko ang kain ng ice cream hanggang sa ma-brain freeze ako, ano ba naman kasi 'tong iniisip ko?

I checked my phone to see if Yeon texted me but he didn't, I started overthinking and doubting again.

Nang makabalik si Amaya ay tinignan niya ang cellphone, nangunot pa ang noo niya nang bahagya siyang mangiti ay mas nag-isip ako ng masama.

"I-I wanna go home." Matipid na sabi ko at hindi inubos yung ice cream.

"Huh? Wala pa yung sundo mo 'di ba?" Kagat labi akong bumuntong hininga.

"Let's just take a cab." Mahinang sabi ko.

"Sana nag-stay ka na lang near our condo, Amaya. Napalayo ka pa sa akin." Sabi ko nang maalala na medyo may kalayuan siya sa condo ko.

"It's okay. Let's go." Bumuntong hininga ako at tila kinokonsensya ng sarili kong isip.

Nang makarating sa condo building ko ay nag-paalam na rin ako kay Amaya dahil uuwi na rin siya. Nang nasa condo ko na ay kinuha ko ang cellphone ko.

To update Yeon that I already got home, I took a shower. After an hour papunta na raw si Yeon rito, nang makarating siya ay tumikhim ako at pinilit na ngumiti.

"Are you tired?" I asked.

"Yes, love. Very tired, how about you? Did you have fun?" Kwestyon niya pabalik.

"Hmm, but I'm tired. Take a shower na, I already fixed the shower, maligo ka na lang." Seryosong turan ko at inayos ang buhok tapos ay tinalikuran siya.

"Thanks love." Paalam niya at iniwan yung cellphone sa center table sa sala ko kasama ang wallet at bag na dala niya.

Nang makapasok siya sa banyo ay aalis na sana ako pero may notification na biglang lumabas sa screen niya.

Napatigil ako at napasulyap, nang makita ang pangalan ni Amaya ay napapikit ako at iniwan ang entertainment area.

Nad-demonyo akong galawin at kalkalin ang cellphone niya, tahimik lang ako sa kwarto hindi mapakali at natutuliro.

I really wanted to see their messages.

Natatakot ako, natatakot akong maulit yung nangyari noon sa akin with my ex.

B-Baka maulit?

After 5 minutes lumabas ako ngunit natigilan ako nang mag-notif ulit sa cellphone ni Yeon ang pangalan ni Amaya.

Hindi ko na matiis ay nilapitan ko 'yon, ngunit natigilan ako sa nakita, kinabahan ako at hindi ko alam kung paano magr-react.



///

@/n: Hmm, any thoughts? Ano kayang nakita ni Sierah sa convo ng dalawa? 😎

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top