Chapter 2: Pathways

Chapter 2: Pathways


Sierah's Point Of View.



I went to the branch opening of the company, actually it was a party already and the ribbon cutting.

I stood up straight and walked with elegance on the red carpet for my entrance. I was wearing a black silver dress and 3 inch heels.

I began to roam my eyes on the crowd and I saw this damn guy again! Yung kasama sa dinner before but he looked okay today.

Just today.

A simple pair of slacks and a black leather shoes paired with a classic button up white polo, I saw him fix his eyeglasses and he suddenly looked at me.

Nabigla ako ngunit nangunot lang ang noo ko na kunyare ay nabigla rin akong makita siya, iniiwas ko na ang tingin sa kaniya tsaka ako lumapit sa daddy ko.

"Good evening dad," humalik ako sa pisngi niya.

"Hmm, you look great anak." Nakangiting sabi ni daddy at tsaka siya sumulyap sa mga bisita.

"Mommy mo talaga ang scam, sabi niya malapit na siya." Natawa ako sa sinabi ni daddy and later on that man who saw my worst break up scenario is here.

I still don't know his name, "Nandito ka na naman?" Ngiwing sabi ko ng tumayo siya sa gilid ko dahil sa utos ng coordinator.

"Did I wish for this?" Masungit niyang sagot at bahagyang itinaas sa tangos ng ilong niya ang suot na salamin.

Bagay naman sa kaniya pero for some reason naiinis ako sa kaniya kahit na gwapo siya.

"My parents forced me to do this, ayoko ring makita ka." Nanlaki ang mata ko at sa totoo lang muntik ko na siyang hampasin ngunit naalala ko na hindi kami ganoon ka-close.

"Duh, ayoko ring makita ka. A-Ang sakit mo sa mata." Pagmamaldita ko ngunit pinasadahan niya lang ako ng tingin at hindi na siya nagsalita.

I pouted my lips and crossed my arms, "Anak, later cut the ribbon with me pag wala pa yung mommy mong scammer." Pinigilan ko matawa sa sinabi ni daddy.

Napatanaw ako sa entrance and saw my mom and Zian, her escort. "I guess there's no need for that daddy, nandiyan na sila." Tukoy ko.

"Your mom is still as fresh as a flower." Tumaas ang kilay ko sa ka-maisan ng parents ko.

"Ge dad," wika ko.

"Why? Did your boyfriend dump you again?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni daddy.

"Sabi ko kasi 'di ba huwag muna mag-nobyo, ang mga lalake sakit sa ulo 'yan, kabisado ko na ang galawan nila. Dapat naghahanap ka ng mabait, tulad ko." Ngumuso ako sa sermon ni daddy sa akin.

"Hindi ka naman po mabait noon, para kang si Zian." Turo ko sa kapatid na kalalapit lang.

"Ako na naman? Ginagawa ko sa'yo, ate?" Tila nagmamaktol na sabi ni Zian kaya natawa ako at nagkibit balikat.

Later on, dumating and lumapit rin yung brother ng lalake na kasama namin, both of them ang gwapo and malakas ang dating and I guess mas mabait yung isa.

"Azi, what took you so long?" Napalingon ako sa Azi na sinasabi ng lalakeng antipatiko na naka-salamin.

Four-eyed.

"Why are you early then?" Balik sumbat ng Azi, nang mapansin niya na nakatingin ako ay natigilan ako ng pasadahan niya muna ang kabuohan ko bago siya ngumiti.

"Sup?" He stated.

Hindi ko tuloy alam kung ngingiti ba ako o hindi, "Sup." I greeted back and smiled a little.

Hindi sila nagkakalayo ng height, kaya hindi ko alam kung sino ang mas matanda sa kanila at isa pa parehas silang mas matanda sa akin kahit anong anggolo.

Yung si Azi mas bagay niya maging doctor, and this one si four-eyed mas bagay niya maging businessman. Tingin ko lang.

Ako? Bagay kay Yuno.

Nag-start ang party na sobrang bored ako not until nakita ko si Yuno sa gilid, nakangiti akong lumapit sa kaniya.

"Hoy." Tawag ko.

Gulat siyang napalingon, "Oh. Sierah."

Natigilan ako ng bahagya siyang umatras at dahil lang pala para titigan ang suot ko, "Ang ganda mo, siguro may date ka 'no?" Natawa ako at umiling.

"Ikaw, ayaw mo?" Tumaas ng bahagya ang kilay niya tsaka siya huminga ng malalim at tumitig.

"Bago yata 'yan, wala kang date." Nagkibit balikat ako at sumama sa table niya, inabutan niya naman ako ng glass of wine.

"Bago? Wala lang talaga. Because this is urgent, and ayoko rin magdala ng unknown guy lang.." I stated.

He simply glanced at the crowd and nodded, "Well, that's good. You know what's temporary and permanent." Ngumisi pa siya kaya nagtaka ako.

"What do you mean?"

"What I mean is you can only bring the man who'll be there for you through ups and downs in this kind of party. Issue is a real deal in business." He explained and made his legs cross.

"So I can bring you to this kind of party?" He stopped because of my question.

"You can't play with me, Sierah. You know that your tactics won't work on me." His lips rose up and my heart almost exploded as he tried to touch my face.

"Yuno." I warned him.

He stopped himself and chuckled, "You'll just end up getting played by me if you try me." He seriously stated that it made me roll my eyes.

"I'm not up for the play. I'm trying to be a good girl here to impress you, duh." Natigilan ako nang akbayan niya.

"You don't want me, Sierah. You just want me to like you." Ngumiwi ako, I will never win if he's my enemy.

I'll end up losing myself to him, "C'mon don't be like that, you'll make it awkward for both of us." Hindi na ako umimik sa sinabi niya at uminom na lang.

Wala namang kami ngunit gusto ko magtampo. He's always doing this, paano ko ba siya mapapaibig?

"I like you for real, Yuno." Hinarap ko siya matapos sabihin 'yon, "No games, no jokes."

Nangunot ang noo niya at napatitig sa akin, "Sierah, don't be like this." He gave me a low chuckle.

I touched his face and he instantly caught my wrist, "Sierah." Banta ang pagtawag niya doon ngunit ayoko magpaawat.

Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya, ngunit bago pa man maglapat ang labi namin ay may tumikhim sa gilid namin. "Your dad is asking for you."

Natigilan ako at nilingon si four-eyed guy na prenteng nakatayo sa gilid, "You should go." Matipid na sabi ni Yuno at tumikhim na para bang may nakaharang sa lalamunan niya.

I sighed and stood up, "I'll go first." Paalam ko at naglakad na papunta sa kung nasaan si dad.

Nilingon ko naman si four-eyed, "Ano 'di ka sasama?" Iritableng tanong ko, nabitin ako eh.

"Why would I? Go find your dad and ask him, dumb." My lips parted when he walked away after calling me dumb, really?!

Gosh, he's getting on my nerves!

Ang sarap niyang suntukin, masyado siyang antipatiko, does he think he suits it? He doesn't!

Nang makita si daddy ay ngumiti ako, "What is it dad?"

"Uhm where's this fine young man?" Ngumiwi ako. "Dad, hinanap niyo ako sa kaniya tapos ngayon hahanapin niyo siya sa akin? As if I know his whereabouts?" Nakakunot ang noo na sabi ko.

That made my father smile, "Kaya kita pinahanap sa kaniya kasi kailangan ko kayong dalawa."

"Fine, I'll find him for your sake dad." Tumalikod ako sa daddy ko at tsaka ko ikinalat ang mata upang makita ang lalakeng 'yon.

But I didn't find him at all and then I remember he smokes, pumunta ako sa smoke area ng venue and there he was, smoking.

He was standing and if he's attentive he'll see me on his peripheral view, his coat hanging on his arms and he was standing there just inhaling some shit.

He'll die early in this state.

"Hey, four-eyed.." He stopped and fixed his eyeglass before glancing at me, "What do you need dumb?"

My brows rose up on his remarks, "T-That's offensive." I hissed.

"So what do you need?" He repeated his question, I crossed my arms and gestured inside.

"My dad wants you to be there too," utos ko.

"Just go instantly, ayoko na hanapin ka ulit." Masungit na sabi ko at tsaka napatigil, "It will kill you." Turo ko sa sigarilyo niya.

"I don't care." He said in a cold tone of voice, he threw it in the garbage after removing the fire from it.

Sumunod naman siya kaagad sa akin, nang makarating kay dad ay napuno ako ng pagtataka sa ipagagawa ni dad.

Later on, "Go up with him on the stage, and introduce yourself." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni daddy.

"No way dad, I will never do that. Don't make me do that." Seryosong sabi ko, tumaas ang kilay ni dad.

"Specially not with him dad, paano yung ma-issue ako sa school ko? Ayaw." Pinagkrus ko ang braso at tinitigan si mommy.

"O-Oo naman Zai, baka iba pa isipin ng ibang tao—"

"Fine, go alone then." Utos ni daddy kaya sumunod ako kaagad, after I introduced myself umalis na ako sa harapan.

Muli ay hinanap ko si Yuno, but he was sitting while drinking. Lalapitan ko ba siya? "Hey." I softly whispered.

"Hmm, great speech." He responded and stared at my face.

"Thank you." Naupo ako sa tabi niya, "You're younger than me so basically bawal mo ako magustuhan." Seryosong sabi ni Yuno.

"Pwede, look at my parents." Anas ko.

"Hmm, I don't know." Ngumuso ako sa sagot niya.

"I'll go ahead first, Sierah." Paalam niya sa akin tsaka siya tumayo, humaba ang nguso ko habang nakatingala sa kaniya not until he stopped and glanced at me.

He sighed and patted the top of my head, "Don't be sad, magkikita pa tayo." Ngumuso ako lalo.

"Sige na, I'll see you again." Tumayo na ako at kumaway sa kaniya.

"Ingat Yuno." Mahinahon na sabi ko, ngumiti siya ng tipid at tinalikuran na ako.

Napaupo ako ulit, na-reject na ba ako?


Akala ko ay makikita ko pa si Yuno ulit ngunit hindi na pala, hindi ko batid kung iniiwasan niya ako ngunit wala naman akong magagawa.

Pinulot ko yung nalaglag na gumamela sa batibot ng school, huminga ako ng malalim at tinitigan lang 'yon.

"How petty." Gulat kong nalingon ang nagsalitang babae sa likuran ko, kanina pa ba siya?

"What petty?" I questioned, she better state the right words or I'll describe her damn ugly face.

"You, just like that flower that fell. You don't like like a bitch at all—"

"It's because I am not a bitch, Riley. Why did you even start a conversation with me, hindi kita papatulan." Masungit na sabi ko at basta-basta na itinapon ang tinawag niyang petty.

"Oh c'mon, masama pa rin ba loob mo na nalamangan kita sa rank ng dalawang beses? Eh paano ba naman sa first year ka lang yata magaling." Napatigil ako sa sinabi niya.

"Hindi ako sabik sa mataas na grado, Riley. Aanhin ko ang mataas na grado kung walang kumpanyang hahawakan?" Pamimikon ko sa kaniya at tsaka ako ngumisi.

"You're just jealous." Pahabol na sabi niya ngunit iniwan ko na siya sa Batibot, She's Riley.

My rival in school ever since I was in high school, hindi kami mapaghiwalay dahil naglalaban talaga ang grades namin sa school.

Hindi naman ako ang top 1 pero nag-uunahan kami sa 2nd and 3rd rank.

Wala eh, medyo magaling yung top 1 namin, masyadong dedicated sa buhay.

I was so sleepy walking in the hallway to reach the library pero while walking, a man bumped into me. "Ano ba—"

"You're the daughter of Doctor Garcia right?" Nangunot ang noo ko at tinitigan ang nasa harapan ko.

"Si Azi?" I confirmed.

Natigilan siya at mahinang natawa, "Yeah, but don't call me tha— ah sure call me by that nickname then." He chuckled and scratched the back of his head a little.

"Go ahead, take care." Paalam niya kaya ngumiti ako.

"Thanks."

Naglakad na ako and while walking natigilan ako noong makita si Amora na sinundan ng tingin si Azi. "Huy." Sita ko.

"Ah, Ate Sierah." Ngumiti siya sa akin tsaka kumaway at lumapit.

"Do you know him?" Amora asked and pointed at Azi who's walking away.

"Y-Yeah, maybe."

"Why though?" I asked.

"Nothing, he has an older brother right?" Naningkit ang mata ko sa tanong ni Amora.

Amora is way younger than me, Jami and I have a 2 years gap and Amora? I'll count.

4-5 years ang age gap namin ni Amora. High school pa lang siya eh, "Don't tell me you admire that man?" I gestured.

Mabilis siyang umiling, "Of course not, I found out that he's taking medicine. Kasi po when I got this sugat he cleaned it." Turo ni Amora sa tuhod niya.

Ngumiti naman ako, "Mag-iingat ka kasi."

"Yes ate, pero may brother po siya right? Boyfriend mo po?" Nanlaki ang mata ko at umiling.

"Of course not! Hindi ko type ang kuya no'n at hindi ko rin type yung kanina lang na lalake. Wala akong type sa kanila." Ngumiti si Amora at humagikgik.

Nahiya tuloy ako bigla, "Then I'll like them!"

"Uy, sira ka bang bata ka? Ang bata-bata mo Amora. Tigil tigilan mo 'yan—"

"Crush lang po, pag hindi gumana sa bunso edi doon po ako sa mas panganay?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Baliw ka ba? Isusumbong kita sa daddy mo." Sermon ko.

"Pag sinaktan po ako ng mas bata na 'yon, pupunta po ako sa kuya. Tsk para magsisi siya." Nasapo ko ang noo sa sinabi ni Amora.

Saan niya ba natutunan 'to?

"Look, Amora. Mali 'yon!" Pinitik ko ang ilong niya at tsaka siya napaatras at nasapo ang ilong.

"Ate naman eh." Reklamo niya.

"Gusto mo ikaw ang isumbong ko sa kuya mo? Mindset mindset ka diyan na pupunta ka sa kuya pag sinaktan ka ng bunso." Ngumuso siya sa mahabang sermon ko.

Pag dawit na ang kuya niya ay natatakot na siya, nakakatakot nga naman kasi ang kuya nito pero mas matakot 'yon sa akin dahil kokotongan ko sila ni Zian.

"Pumasok ka na sa klase mo," masungit na sabi ko kay Amora.

"Okay ate! Bye bye." Humalik siya sa pisngi ko kaya napangiti ako at kinawayan siya pabalik.

She's sweet, bata pa lang siya sweet na siya and gentle na bata. Maybe because may kuya siya pero may kuya rin naman si Jami.

Well, baka sweet lang talaga siya kasi lumaki siyang takot sa kuya niya. Masunurin nga sa kuya niya eh, soft spoken pa siya at higit sa lahat mabilis masaktan.

Humarap na ako sa likuran ko ngunit halos sumalampak ako sa tiles nang bumangga ako sa isang lalake, "Fuck." Mura ko.

Sinamaan ko ng tingin yung lalake ngunit natigilan ako noong makita si four-eyed. Yung businessman.

"You instantly turn around, I didn't know." Umawang ang labi ko sa sinabi niya, "Wow, instead of sorry ha nanisi ka pa." Inis na sabi ko.

"It's not my fault." Umirap ako at tumayo.

"Ba't ka ba nandito? Graduated ka na right?" Singhal ko.

"Documents?" Matipid niyang sagot.

"Sa labo ng mata mo hindi ka pa naka-react agad." Singhal ko, bahagyang naglapat ang mapula niyang labi sa sinabi ko.

"Yeah." Natigilan ako noong sumangayon siya.

Nakakapikon naman 'to insultuhin, hindi naiinsulto.

"Bye." Tinalikuran ko na siya tsaka ako umalis doon.

"Ms. Garcia." Napatigil ako sa pagtawag niya kaya nalingon ko siya.

"Oh?"

"Is this your pen?" Nangunot ang noo ko nang ilahad niya sa kamay niya ang mamahalin na ballpen.

Tinitigan ko ang mukha niya, "No."

"Ah, I'll just pass this to the LAF." He stated and fixed his eyeglasses.

Staring at the pen, "LAF what?" I curiously asked.

"Lost and found." Sa sagot niya ay napahiya ako kaya tinalikuran ko na siya at nagmamadaling umalis.

Seriously? Mabubunggo ko talaga yung dalawang magkapatid sa iisang lugar?

A week later, hindi ko pa rin nakikita si Yuno. Hindi ko alam kung busy siya o iniiwasan niya talaga ako dahil sa kaharutan ko.

"Uy, Sierah. Invited ka later sa party ko ha, punta ka. I rented the half of the club kaya may tables and maraming bisita." Natigilan ako at nilingon ang kaklase ko.

"Birthday mo ba?" I asked.

"Hmm, yes." Ngumiti ako sa kaniya sa sagot niya.

"Happy birthday, yes I'll be there for sure." Nagpasalamat siya kaya pumasok muna kami sa klase namin.

After classes dumeretso ako sa condo ko, nagpahinga ako sandali at tsaka ako nagbihis ng damit.


Maya-maya ay tumawag si daddy sa akin, "May boyfriend ka ba anak?"

"Hala si daddy parang ewan," bulong ko na sagot.

"Seryoso anak, may boyfriend ka?" Tanong niya talaga, napalunok ako tsaka tumikhim.

"At the moment daddy wala po. Kung irereto niyo po ako yung maayos sana ha, ayoko po sa pangit, at pangit ang ugali." I joked.

"Sure, glad you don't have a boyfriend. I asked your mom and sabi niya may gusto ka raw, si Marshall." Nanlaki ang mata ko, at alam ni mommy 'yon?!

"Yes po dad!" Mabilis na sagot ko.

"But that young man told me he's taken already," humaba ang nguso ko sa sinabi ni daddy.

Taken? Hindi naman taken 'yon eh.

"Okay dad, may party po akong pupuntahan. Bye-bye, take care." Malambing na sabi ko.

"Be careful out there, okay?"

"Yes daddy, thank you." I ended the call and took a shower to get ready for the party.


Nang nasa party na ako ay natigilan ako nang unang tingin ko ay nahanap ko kaagad si Yuno sa crowd, maybe I like him so much that I can feel his presence.

Lalapit na sana ako sa kaniya pero may babaeng lumapit sa kaniya at lumingkis, wala naman akong nagawa kundi tahimik na masaktan sa gilid.

Huminga ako ng malalim at pilit na inalis sa isip ko ang nakita, when I was the one who's getting that near ayaw niya. Maybe he doesn't really like me?

I sighed.

Yuno is wearing a simple button up polo lang naman and a black slacks. Humanap na ako ng maiinuman at kasisimula pa lang ay ang dami ko ng iniinom.

Hindi ko man lang dinahan dahan, "Kalma Sierah." Awat ng mga kaklase ko kaya ngumiti ako.

"I'm good."

"Don't worry about me, I can handle my alcohol." I smiled at them and stood up after taking another three shots of tequila.

"Sierah, saan ka? Samahan na ki—"

"No thanks, I also have my friends around." I gestured and left our table, feeling dizzy.

Ang dami ko yatang nainom, I sighed. When I saw Yuno's back I walked near him.

Inaantok akong lumapit sa kaniya dahil mag-isa niya lang naman sa sulok, nang itulak ko siya sa gilid ay tumiklay kaagad ako at nakapikit na hinalikan ang labi niya.

"Hmm—" Naramdaman ko ang bahagyang pagtulak niya ngunit maya-maya ay nawala 'yon kung kaya't pinangunahan ko ang halik.

I led the kiss and pinned him more on the wall, he gasped when I torridly kissed him.

I wrapped my arms around his nape and continued kissing his lips, his damn soft lips. "Ms. Garcia what the fuck is your problem?" Napamulat ako bigla sa bahagyang paglayo niya at sa tinig niya.

Gulat akong napatitig sa mukha niya at tila kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko.

Inayos niya ang salamin na suot at pinagkrus ang braso sa tapat ng kaniyang dibdib.

Damn, he's four-eyed!

I covered my mouth due to realization, halatang nagulat rin siya kaya hindi kaagad nakagalaw. Nasapo niya ang ulo sandali, "Nahihilo ako, bigla-bigla ka pang hahalik? Really?" He shockingly said.

I never thought his lips would be that red and soft after the kiss— what the hell Sierah!

Wake up, wake up!

Nahawakan ko ang pisngi, "S-Sorry. A-Akala ko ikaw siya, p-parehas kasi kayo ng damit and everything." I pointed to the brand of their shoes.

"Yeah? My fault?" He sarcastically said and licked his lips that made my eyes widened!

Then why did he licked it instead of wiping it?!


Pasimple kong nasapo ang dibdib sa kaba na dulot no'n. Inayos niya ang damit niya na nagulo ko pa, napalunok ako at umabot ng tissue tsaka binigay sa kaniya.

"What?" Masungit niyang tanong at bahagyang itinaas ang salamin niya sa mata.

"Gagawin ko diyan?" Ulit niya.

"P-Punasan mo, may lipstick." Nahihiyang sabi ko, kinuha niya 'yon at ginawang salamin ang cellphone niya na dinukot niya sa bulsa niya at pinahid ang labi.

Bumuntong hininga pa siya, napaupo naman ako sa gilid dahil sa kaiisipnsa ginawa ko. Hinalikan ko si four-eyed?

H-Hindi naman siya nakakadiri pero we have an ill-fated relationship, we both hate each other una pa lang.

Kaya nakakailang na ako pa humalik.

"You're making me your kabit, what if your boyfriend found out? I'll be dead for sure." Singhal niya.

"Wala akong boyfriend, tanga." Natakpan ko ang bibig kong walang preno.

"You irritates me, what the fuck." Galit niyang sabi at naglakad na papaalis.


Shit.


Gwapo nga ang antipatiko naman ng ugali nakakainis!


Ginusto ko ba na halikan siya?! Hindi nga sadya eh!


Bigla tuloy nagising ang diwa ko dahil sa ginawa kong katangahan, never again hahalik ng dahil kahawig lang.

Hindi ko naisip na posibleng may katulad si Yuno. Habang naglalakad ako pakalat kalat sa club ay natigilan ako noong makita si Yuno at si four-eyed na magkasama.


Are they friends?!


Well, m-mas matanda naman si four-eyed base sa sinabi ni Amora dahil sabi ni Amora mas bata si Azi right?

Yeah, 23 years old na si four-eyed while going 22-23 si Yuno dahil mas matanda siya kay Kuya Laze ng months.

Ngunit halos manlaki ang mata ko nang kumapit yung kaibigan ko sa braso ko at dalhin ako sa harapan nila. "Good evening Mr. Villamos, it's a pleasure to meet you this close." Lumunok ako nang magtama ang mata namin ni four-eyed.

"Ah, yeah. Nice to meet you." Nakipag-kamay si four-eyed.

"Senior natin, Sierah." Tukoy ng kaibigan ko kay four-eyed kaya naiilang ako na nakipagkamay.

"Hindi ko siya kilala." Mahinang sabi ko na narinig nila.

"Good evening rin Engr. Marshall." Ngumiti si Yuno at nakipag-kamay rin.

"H-Hey.." I greeted Yuno and smiled a little, he smiled at me.

"Nice seeing you again, Sierah." Tumango ako at sunod kong natignan si four-eyed na masama ang tingin sa akin.

Galit pa rin ba siya na nahalikan ko siya?!

"Hindi mo talaga kilala si Mr. Villamos? Dean's lister 'yan Sierah." Ngumuso ako at nagkibit balikat.

"We've met a lot of times but she doesn't know me 'cause I didn't bother introducing myself." Sarkastikong sabi ni four-eyed.

"K.." I whispered.

"Sierah! Pakilala ka nga, parang sira 'to." Ngumuso ako at umiling.

"Ah si Sierah Garcia po pala, Mr. Villamos." Siniko pa ako ng friend ko at kinukuha ang kamay ko para maki-shake hands.

"I know her," Four-eyed stated.

"Huy shake hands Sierah—"

"Don't force her," masungit na sabi ni four-eyed.

"Ayoko rin naman makipag-kamay sa kaniya." Sa idinagdag niya ay nanlaki ang mata ko, "Edi wow!" Singhal ko.

"Gusto ka ba? Feeling!" Inis na sabi ko at sinamaan siya ng tingin.

"Gusto mo ba?" Balik tanong niya kaya nanlaki ang mata ko lalo na noong sadya niyang basain ang labi gamit ang dila.

Oh my goodness! Hindi naman mag-iinit ang pisngi ko for that kiss! It's nothing.

Tumikhim si Yuno, "Yeon." Natigilan ako sa sinabi niya, si four-eyed kung ano-ano sinasabi.

"Pakialam ko sa tinuturo mo, bye!" Masungit rin na sabi ko at tinalikuran na sila.

"Hala! Sorry Mr. Villamos!" Sumunod sa akin ang kaibigan ko na hinampas pa ako ng mahina sa pwetan kaya ngumuso ako.

"Ayoko doon."

"Grabe ka, attitude ha." Ngumisi na lang ako at tsaka kagat labing naghintay at bumalik sa table namin for a drink.

Later on I felt dizzy na and a bit confused of what I'm doing, ganito ako pag lasing na. I'm wondering what I'm doing for a while.

"Uuwi na ako.." Paalam ko sa kanila.

"Ingat Sierah." Kaway nila kaya tumayo ako ng deretso at naglakad na papalabas ng club.

Habang naglalakad ako papunta sa exit ay natigilan ako nang makita si Yuno na napalingon sa akin, nangunot ang noo niya ngunit agad niya akong nilapitan.

"You're drunk already?" His worried eyes laid on my face so I smiled and went to him, I went closer and hugged him.

"Sierah." A gentle tap on my shoulder made me loose my tight hug, tiningala ko siya ngunit ngumiti siya sa akin.

"I'll take you home," kalmadong sabi niya. Naamoy ko ang expensive perfume niya at sobrang nakaka-adik no'n singhutin.

But there's a familiar smell that I smell from him, "Do you smoke?"

Natigilan siya at inalalayan ako, "Naamoy mo?" Kunot noo na kaniyang tanong, ang makapal niyang kilay ay bahagyang nagsalubong.

"Why do you know the smell of cigarettes? Do you smoke Sierah?" His tone became different and at some point it gave me the feeling of discomfort in my heart.


Kabado ba ako? Hindi naman ako nagsisigarilyo at isa pa ba't niya ako binabaliktad?!


"I don't smoke, but do you?" Taas kilay na sabi ko.

"Hmm." Tugon niya.

"Gago, mag-vape ka na lang instead of smoking." Masungit na sabi ko sa kaniya may kasama pang mahinang hampas sa braso niya.

"Hatid na kita."

"Quit smoking." Banta ko.

"Nakakamatay 'yon."

"That's why," sa mahinang bulong niya ay napatigil ako.

Bumuntong hininga ako, "Yuno." Seryosong tawag ko sa kaniya tsaka ako napaayos ng tayo, "I'm not nagging you for nothing, I'm just worried."

"I know, ihahatid na kita let's go." Inakbayan niya ako kaya napasunod na ako sa kaniya nang hawakan niya ang cellphone niya ay inalis niya ang pagkaka-akbay.

But then I saw four-eyed smoking outside the parking lot, isa rin 'to.

Pero wala naman akong pakialam sa kaniya edi bahala siya diyan mamatay kakahipak niya, "Bro, una na kami." Paalam ni Yuno.

Salubong ang kilay ni four-eyed na sumulyap sa akin, tsaka siya tumango lang kay Yuno.

Sandali siyang sumulyap sa akin, "Ge, take care." He responded and threw his cigarette before clicking on his car keys to locate his car.

Nang makasakay sa sasakyan ni Yuno ay nasulyapan ko muli si four-eyed na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan.

Ngunit natigilan ako noong nakababa yung salamin ng sasakyan niya at saktong nagtama ang mata namin, his hazel eyes were so visible even at night.


///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top