Chapter 18: Her Adjustments
Chapter 18: Her Adjustments
Sierah's Point Of View.
Three days later ay babyahe na ako, to Palawan with Zian, we're just going to take a regular plane since our parents didn't know we're paying them a visit.
While patiently waiting for our flight Yeon showed up, wearing his formal suit in the office, black necktie and a black leather shoes that in every step made an expensive sound.
"Sweet amf." Bulong ni Zian at nakipag-apir kay Yeon.
"I bought something for you too, brother." Inabot ni Yeon ang paper bag kay Zian dahilan para matuwa si Zian at bahagyang dumistansya matapos magpasalamat.
"Hmm I thought we already had goodbyes last night?" I teased him, mahina siyang natawa.
"Well, I'm not content with just one goodbye." My lips rose up and I went to wrap my arms around his waist, he instantly hugged me back.
"Love, I will miss you." Malambing niyang sabi.
"Patay na patay ka na sa akin 'no?" Asar ko.
"Hmm." Bulong niya.
"Sige na, they just announced your flight. I wish you'll come back early, love. Take care, and I'll call you every day and every hour." Seryosong sabi niya kaya natawa ako.
"I hope you can, you're a busy person." Pasinghal na sabi ko.
"Busy is just a word." He seriously stated and smiled, he even fixed his eyeglasses and planted a kiss on my forehead.
"See you, love." Paalam niya.
"I'll see you." Kaway ko tapos lumapit na ako kay Zian.
After that we parted ways, we've been apart for like a month, more than a month.
He calls me every day, updates me every hour, calls me even if he's in the meeting making me hear everything.
He's really different from Yuno, he's making me realize that I shouldn't wait, that I should be pursued with or without a relationship.
Kinaumagahan ay nagising ako dahil may tumatawag sa akin, kaya naman inaantok ko iyong sinagot.
"Hmm?" Tugon ko agad nakapikit pa.
"Good morning, love." Napangiti ako nang marinig ang boses niya.
"Good morning, love. Maaga ka yata napatawag ngayon?" Baka sakali ko, may problema ba siya?
"Love, uwi ka na." Natigilan ako sa sinabi niya, huminga ako ng malalim ngunit pati pag ngiti ko ay nagkaroon ng tunog dahilan para matawa na lang ako.
"Malapit na love, masyado mo naman akong miss." Pang-aasar ko pa.
"I do, if only I don't have any left businesses here I'll go to you." Ngumiti na lang ako habang pinakikinggan siya.
"You can stay there, malapit na rin ako umuwi. I'll tell you when I'll be back. I'm sure it will be next week." Paninigurado ko sa kaniya.
"Okay, love. Eat your breakfast na, I'll go start a meeting." Paalam niya sa akin.
"You too, have a great day, love." Paalam ko bago pinatay ang tawag.
Kinahapunan ay nagkakape ako sa cafe rito around the hotel lang, while browsing on my IG.
But suddenly Yeon have a recent story kaya pinindot ko 'yon, tumaas ang kilay ko nang makita ang magkahawak na kamay not until I realize it was my hand.
Pinigilan ko ngumiti sa caption niya.
[Wanting my home back.]
Kagat labi akong napangiti at sa sobrang ngiti ay natawa ako. Hay nako Yeon Gavril, paano na lang kung wala na ako?
Dahil sa story niya ay tumayo na ako and decided to meet my parents, "Mom, I guess I'm getting back first." Paalam ko.
"Huh? Not next week anak?" Daddy exclaimed.
"Yes daddy, someone's wishing me back early." Naningkit ang mata ni dad, "So the contract is getting real now?" He teased me.
"I guess dad." Nakangiting sagot ko na ikinatawa niya.
"That's great, sure." Dahil doon ay kumuha ako ng night flight.
I gotta surprise my man.
Napangiti ako sa sinabi ng isip, my man, huh? That's not what I'm expecting.
Dinalhan ko siya ng pasalubong fresh from Palawan of course, since marunong siya magluto I know he can think of a recipe.
Nakarating ako sa city around 11pm, I'm hoping gising pa siya dahil hindi ko rin naman siya tinawagan o nireplyan.
Sumakay na lang ako ng taxi papunta sa condominium niya, nang makarating ay 30 minutes rin, well 30 minutes away talaga ang airport sa city.
Dala ko ang maleta ko pati na ang mga pasalubong sa kaniya, ibinaba ko muna ang maleta sa condo ko bago ako nagmamadaling dumeretso sa condo niya.
Ngunit bago ko pa man buksan ang condo niya ay pansin ko na nakabukas 'yon dahilan para mag-alala ako.
Sa pagsubok kong buksan ay narinig ko ang malakas na sigaw at pagbasag ng isang bagay.
Kinabahan ako, "Wala ka talagang kwentang apo! Wala kang kwenta! Sana ay pinalaglag ka na lang ng ina mo noon!" Nang marinig ko ang sampal ng lolo ni Yeon ay napapikit pa ako.
That's fucking foul! Ang lakas no'n. What did Yeon do to deserve it?
"Lo, I'm doing my best at everything, because you want me to be the best but why is it so hard to satisfy you?" Medyo mataas at masakit ang tinig no'n.
Para bang hirap na hirap na siya, "Your best? 'Yan na 'yon Gavril?!" Suminghal ang lolo niya at dahil doon ay wala akong nagawa kundi bahagyang dumistansya sa pinto.
"Then tell me what you did for me, lolo? Tell me what you did for me why do I fucking need to be the best when I'm already great!?" Nasasaktan ako sa naririnig.
His voice were shaking in anger and sadness, "Sabihin niyo nga lo, bakit? Bakit kailangan ako yung mag-suffer?! Ha? Bakit!?" Tumulo ang luha ko at minabuting umalis na muna dahil matindi ang pinag-uusapan nila.
Bumalik muna ako sa condo ko, I checked his messages and calls. It's quite a lot, nag-reply ako sa kaniya.
@ygavril.villamos: Love, you're not answering my calls?
@ygavril.villamos: Did I do something wrong?
@ygavril.villamos: Are you mad at me?
@ygavril.villamos: Love..
@ygavril.villamos: Sie, answer me.
@ygavril.villamos: Don't make me worry like this, I'm dying to fly to Palawan just to make sure you're okay.
@ygavril.villamos: Zian's not replying, I'm worried.
@ygavril.villamos: Love, fcking answer my call. I'm worried.
@ygavril.villamos: Love, love, love, love. Answer it and tell me what I did wrong. Please.
@gsierah: Love, I'm sorry.
I waited for his reply, but he replied after 15 minutes.
@ygavril.villamos: Are you alright?
@ygavril.villamos: Are you safe, love? What happened?
@ygavril.villamos: Did you fall asleep? Are you sick?
@ygavril.villamos: Love, okay ka lang?
Napangiti ako at tsaka ako tumayo na, dinala ko ang food at pasalubong ko sa kaniya. Naglakad na ako papunta sa condominium niya, nang malapit na ako sa pinto niya ay tumawag siya kaya sinagot ko.
"Love, what the fuck? What happened?" Ngumiti ako sa natatarantang tono ng boses niya.
"Love." Mahinang tawag ko sa pangalan niya, narinig ko ang mahinang mura niya sa kabilang linya.
"What? Anong nangyari?" Kagat ko ang ibabang labi tsaka ako kumatok sa pinto niya upang marinig niya rin sa call.
"What the fuck?" Rinig kong sabi niya at yumabag ang paa niya kaya kumatok ako ulit.
"Someone's knocking—" Pagkabukas niya ay nagulat siya nang makita ako.
His cheeks were a bit red, nakalagay pa ang cellphone niya sa tenga niya habang hawak niya kaya ngumiti ako.
"Hmm, my love missed me so bad and I don't have a choice but to show up and go home." His lips parted after hearing my voice.
Pinatay ko ang tawag, ngunit halos manlaki ang mata ko nang tangayin ako papasok sa loob at ibaba agad ang mga gamit na dala ko.
Halos hindi ako makahinga nang yakapin niya ako ng sobrang higpit. "C-Calm down, four-eyed!" I tapped his back and chuckled.
"Love, what the heck are you doing to me?" Halos makiliti ako nang magsalita siya at idukdok ang mukha niya sa leeg ko.
"You made me worry." Niyakap ko rin siya ngunit hindi siya nakuntento at binuhat ako habang yakap niya, iniyakap ko tuloy ang legs ko sa bewang niya.
"You missed me that bad?" Bulong ko at bahagyang nilayo ang mukha ko, tiningala niya ako ng bahagya tsaka siya ngumiti at tumango.
"Paano ba 'yan, nandito na ako?" Asar ko.
"Love." Niyakap niya ako muli.
Hindi niya na inisip ang suot niyang salamin maka-yakap lang sa akin, matapos niya ako yakapin ay akala ko ibababa niya na ako pero sinakop niya ang labi ko dahilan para mapapikit ako at damhin ang mainit niyang labi.
Salitan niyang hinalikan ang labi ko at hindi ako binigyan ng pagkakataon halikan siya pabalik.
Makalipas ang ilang segundo ay napaupo siya sa sofa dahilan para parehas kaming matawa. "You still taste like a sweet strawberry." He whispered in my ears that made me blush.
"Did you get me sea urchin love?" Ramdam ko ang pang-aasar sa tinig niya kaya ngumuso ako, "No, I don't like them."
"Then what's my pasalubong?" Malanding tanong ng malalim at may kalamigan niyang boses.
"Hmm, here? Sitting in your lap?" I teased and started touching his chest which made him breath heavily.
He cleared his throat, "Let's check what you got me—"
"Ah! Oh my god!" Gulat akong napatalon nang biglang umingaw ang pusa na nasa gilid pala namin.
Natawa si Yeon, "Takot ka pa rin sa kaniya?" Natatawang sabi ni Yeon sa akin.
"O-Of course not, nagulat lang ako." Seryosong sabi ko at binuhat ang pusa niya, tanging pusa niya lang ang kaya kong hawakan at yakapin.
Tiwala akong hindi niya ako kakagatin at kakalmutin, mas maputi pa 'tong pusa niya kesa sa snow.
He stood up and checked what I got him, "Do you wanna eat?" Nasulyapan ko siya.
"Sure l—"
"Me, love?" My lips parted when he continued what he said.
I smirked, ibinaba ko ang pusa niya tsaka ako naglakad papalapit sa kaniya, napatigil siya at napaayos ng salamin.
"Sure." Malanding sagot ko, nang aatras ma siya ay hinablot ko ang damit niya papalapit sa akin dahilan para mapasinghap siya.
"S-Sie." Gulat niyang sabi at napatitig derekta sa mata ko.
"Tell me how," pabitin na sabi ko, "How do you want me to eat you?"
"L-Love, what the fuck? I was just k-kidding." Sumeryoso ang mukha niya sa kaba kaya ngumisi ako at natawa.
"You lose."
"Tsk." Nagrereklamo niyang singhal tsaka niya ako tinalikuran, hinarap ko namansiya ngunit inaayos niya ang dala ko for him.
"Do you like it?"
"I like this crab more than a chicken." He replied and placed it on the sink so he could wash it.
Sumunod ako sa kaniya to watch him prepare those seafoods, I even brought fresh scallops and oysters.
May iba pa but I don't know what it's called, "Love," nalingon niya ako sa pagtawag ko sa kaniya.
"Hmm?"
"I like you a lot." Mahinang bulong ko dahilan para mahina siyang matawa, "Yeah? Matagal na right?" Nanlaki ang mata ko.
"No kaya!" Tanggi ko.
"Sus."
"No, Yeon."
"You didn't like me back then? Even a little?" Naitikom ko ang bibig sa kaniyang sinabi.
"Hindi kita gusto nong una, okay? Pero nagustuhan na rin." Pagrarason ko.
"Okay. Sabagay, mas mahal mo si Yuno." Umawang ang labi ko.
"Hindi ah! Mas mahal kaya kita—" Naputol ang sasabihin ko ng ma-realize ang lumabas sa bibig ko.
"I mean m-mas gusto." Bulong ko.
Ngumisi siya at hindi na ako inimik. Maya-maya ay nagsimula siyang magluto, I guess it's a simple buttery seafood.
With cheese.
Naupo ako sa gilid habang tinatanaw 'yon, "Masarap 'yan?" I pointed to the pan like a kid trying to say I wanted to have a taste on it.
"Let's wait for it to be cooked, then we'll try it together." Nang humakbang siya papalapit sa akin ay hinayaan ko siyang buhatin ako na parang bata at inupo sa gilid ng sink.
Nang mailagay niya ako doon ay ihinakaw niya lang ang kamay sa bewang ko habang tinatanaw yung niluluto niya.
"Did you come home for me?" Malambing na sabi ng malalim at malamig niyang tinig.
"Yes, bakit?"
"That's not something a Sierah would do, to be honest." My lips parted on what he said, I started to realize what I just did for him.
Things that I didn't do for anyone before, "Love there's nothing wrong with it," I tried to act cool in front of him, I don't like him teasing me about liking him.
He's really sweet and romantic. Just possessive.
"Love." Tinignan ko siya sa pagtawag niya sa akin.
"Uhm?" Tugon ko nang wala pa siyang sabihin.
"I'm sorry, and thank you." Ngumiti ako at inayos ang salamin niya, medyo tumagilid kasi 'yon dahil sa para siyang nakayakap sa akin.
"I'm very sleepy, love." Pagrereklamo ko at tinuro yung food, "It's not yet done?"
"Not yet," he said in a calm voice, he gently let go of my waist and checked the food, "5 more minutes."
"Are you comfortable with your clothes?" Nayuko ko ang fitted na suot, "Uncomfy love." Malanding sagot ko at bumaba ng sink parang batang hinila ang laylayan ng damit niya.
Pinigilang ngumiti ng labi niya bago siya tumikhim, "Follow me."
Sumunod ako, nang makasunod ay napangiti ako nang pahiramin niya ako ng malaking t-shirt niya at cycling shorts.
"Change first, then let's eat." Sabi niya habang naglalakad at nakatalikod sa akin, naiwan ako sa kwarto niya kaya doon na ako nagbihis.
Habang nagbibihis ng pang-itaas ay biglang bumukas yung pinto dahilan para magulat ako at malaglag sa sahig ang shirt niya.
Nanlaki ang mata niya at napaiwas tingin, bigla siyang napatingin sa kanan. "I-I'm sorry." Tumalikod na siya at sinarado ang pinto.
Natulala ako sa pinto bago ko nayuko ang dibdib. Oh my gosh!
Naka-push up bra ako dahilan para angat na angat ang katabaan ng dibdib ko, nakakahiya!
Nagbihis na ako at tsaka ako lumabas. "Why did you open the door like that," bulong kong reklamo nang makalapit.
"I'm sorry. There's the bathroom but you didn't use it." He explained, I pouted my lips and shyly glanced at his reddish cheeks and ears.
He slightly pushed his eyeglasses and turned off the stove so we could eat, nang kumain na ay umawang ang labi ko nang pagsabayin pa ni Yeon ang kamay namin na maghugas.
Napangiti ako dahil parang hinuhugasan niya na rin ang kamay ko, kagat labi akong nagpatuyo ng kamay matapos maghugas.
"Don't tell me you're gonna eat that with a spoon and fork?" Natigil siya at ibinaba ang hawak.
"Yeah, we are not supposed to." Biro niya at naupo sa tabi ko.
Masaya na natapos ang kain serye namin hanggang sa uuwi na sana ako pero hindi niya ako pinayagan, we spent the night together until we fall asleep.
Talking about how I enjoyed Palawan without him, natatawa ako dahil he's acting like a baby, clingy and just wanted me by his side.
Hindi siya nagsasawa sa mga kwento ko kahit walang kwenta at patutunguhan, nakatulog kaming dalawa na magkayakap.
Makalipas ang ilang araw ay hindi ko man inaasahan ay nagtatagpo ang landas namin ni Yuno, hindi ko rin siya maiwasan dahil tila iniinis ako ng tadhana at binabalik sa harapan niya.
Iritable akong napilitan maupo sa harapan niya sa isang party, yeah. I hate that he's here, I hate it because he keeps on talking about us before.
Wala si Yeon, I don't like Yeon to worry about him. "By the way, Sierah. Do you remember this?" Huminga ako ng malalim at nilingon siya.
"Yuno, uhm Engineer. Marshall, can you distance yourself a bit?" Hindi siya makapaniwalang tumitig sa akin kaya bumuntong hininga ako.
"I'm sorry guys, I'll just go ahead. I'm tired." Paalam ko sa lahat tsaka ako tumayo at inabot ko ang bag ko bago pa man ako umalis.
Ngunit sumunod siya, "Sierah."
Napaglapat ko ang sariling labi sa pagka-inis, "Yuno naman." Binawi ko ang pulsuhan at hinarap siya.
"Tama na please?" Nanlulumong pakiusap ko.
"Alam mo, mali kasi eh. I can't let you lurk around me. I can't make you stay beside me because I have someone now," I explained.
Naalala ko lang ang masasakit na ala-ala sa tuwing kaharap kita Yuno. Yung matagal kong pinaghirapan kalimutan kasama si Yeon, binabalik mo lang basta-basta.
"How is it my mistake?" Nasasaktang tanong niya, naayos niya ang buhok tsaka siya nakapamewang na humarap sa akin bago takpan ang bibig niya.
"Tell me, how is that my mistake Sierah? I left a letter, saying that I'll go back. I'll come back for you—"
"And you think that can guarantee that I'll wait for you? You think? Huh?" Sumbat ko, pagod na pagod na ako sa gan'to.
"W-Why not? Alam mo yung masakit Sierah eh. Alam mo, alam kong pag nabasa mo 'yon hihintayin mo ako." Nanlumo akong yumuko, tsaka ko muling sinalubong ang tingin niya.
"Sierah." Sinubukan niya akong hawakan ngunit iniwas ko ang kamay.
"Yuno, minahal kita ng buo. Buong buo hanggang sa maubos ako, hanggang sa mapagod ako, s-sinubukan ko tanggapin lahat na hindi ganoon kadali—"
Suminghap ako nang maluha, "Hindi ganoon kadali yung pagpapatawad na binigay ko sa'yo! I-Ilang beses, hindi lang isa. Hindi lang rin ako isang beses nagselos sa kaniya!" Nalulungkot na sumbat ko.
Sa nangyayari ay bumabalik ang akala ko'y magaling na, "Hindi ako insecure sa kaniya dahil maganda siya, mabait, it's the fact that you— its the fact that she once had your eyes." Nabasa ko ang labi matapos sabihin 'yon.
"She's the apple of your eye, girlfriend mo 'ko pero tumakbo ka papunta sa kaniya nang kailangan na kailangan kita." Tumuro ako sa kung saan habang inaaalala ang mga panahon na pagod na pagod ako sa buhay ko.
"Nagmakaawa ako sa'yo that time, I-I even asked you to call me every day, text me every day. But you didn't, kahit isang beses sa loob ng ilang buwan na 'yon."
"Sierah, I was sorry for that."
"Then don't tell me to accept you! Don't make me want you kasi ayoko, a-ayoko ng gustuhin ka pa ulit kahit may pagkakataon!" Dinuro ko ang dibdib niya.
"Layuan mo na ako Yuno, layuan mo na ako kasi ayokong magkasala!" Ngunit hinila niya ako at niyakap, kumawala ako ngunit hindi ako ganoon kalakas para gawin 'yon.
"Yuniko ano ba!?"
"Bitiwan mo ako." Mahinang sabi ko, umiiyak na.
"Huwag mo namang gawin sa akin 'to, Sierah. T-Tatanggapin ko lahat ng masasakit pero huwag 'yon." Pakiusap niya.
"Bumalik ka na lang sa akin, please?" Pinilit ko siyang itulak, nang kumawala ako ay tinitigan ko siya ng masama.
"Babalik? Ako?" Turo ko sa sarili ko.
"Tingin mo may pagkakataon pa?" Sumbat ko.
"Alam ko namang kahit kaunti meron pa, Sierah." Nang sabihin niya 'yon ay naitikom ko ang labi, hindi ko maipagtanggol at maitanggi ang sinasabi niya.
"Tulad ng sinabi mo, minahal mo ako. Sierah, alam kong huli na pero I was just in denial that time. But I like you so much." Tumango ako sa sinabi niya.
"Alright. Enough." Pag-awat ko, nasa smoking area kami sa gilid sa labas ng club malapit sa parking lot.
"Uuwi na ako." Paalam ko.
"I'll take you home then," pabulong niyang sabi at hinawakan ang braso ko sa magaan na paraan.
"I can handle," malamig na sabi ko.
I prayed that I won't get swayed.
"Sie.." Pabulong niyang tawag sa akin, tila nakikiusap, napapikit ako pinipigilan ang sarili.
I have Yeon already. He's more than enough.
I sighed and tried to take my arm back, he held onto it a little. "Sierah..."
"Please.." Nilingon ko siya, umiling ako.
"No, Yuno. Don't make me like how you are before, Yeon is a great man. That came from your mouth before right?" Lumamlam ang singkit niyang mata, nakikiusap 'yon sa akin.
Umiwas tingin ako bago pa bumigay, "I know." He replied, "I know how Yeon is a great man, but can we forget about what I've said before?"
"J-Just let me like you." Pakiusap niya.
"Let me replace him, just like what he did to my place." Dahil doon ay nilingon ko siya ngunit bago pa man ay napasulyap ako sa kung saan just to see Yeon watching us.
Mukhang kanina pa siya nandoon, ngunit nang magtama ang mata namin ay hindi nagbago ang reaksyon ng mata niya.
Later on lumapit na siya kaya naman nang makita siya ni Yuno ay akala ko bibitiwan na ako nito pero hindi, dahilan para kunin ako ni Yeon at itabi sa kaniya.
"Don't touch my girlfriend, Yuno. I value our friendship but don't make me break it," Yeon calmly told him, Yeon held my hand before glancing at me.
"Do you want to stay for a talk, Sie? I could let you talk a few more." He's dead serious, speaking to me very formally.
I bit my lips and shook my head, "I'd like to go home." I decided.
Yeon glanced at Yuno, "Just like what you've said, I took your place before, I'm sorry about that. It's actually my goal to make her mine..." Nagulat ako sa sinabi niya.
Goal?
"Wala ka namang ginawa kundi saktan siya, you always make her wait for nothing you know. I got tired of it, hindi ko na sana kukunsintihin ang nararamdaman ko for her but I guess she's better with me." Napakurap ako ng maraming beses, hindi galit si Yeon.
Ngunit seryoso siya sa bawat sinasabi, "That proves it. So I'll take her with me now. Kanina pa naman kayo nag-uusap." That sounded very sarcastic, pero sumama ako sa kaniya.
Nang pagbuksan niya ako ng pinto ay naupo na ako at hinintay siyang makaupo na rin sa driver's seat.
Napaghawak ko ang palad sa sobrang katahimikan na namamagitan sa amin, hanggang sa paandarin niya ang sasakyan tsaka siya magsalita.
"I'll take you straight to your condo, let's talk next time." Hindi ko alam kung galit siya ngunit sobra-sobra akong kinakabahan.
I just found out that he heard and watched everything, I suddenly forgot that he'll also come to the party.
"O-Okay."
Nang nasa condo na ay humanap kami ng parking spot tsaka kami sabay na pumasok sa itaas, nang nasa elevator na ay napansin ko ang distansya sa gitna namin na hindi nangyayari mula nang maging kami.
He's mad?
Nilingon ko siya, ngunit deretso ang tingin niya sa repleksyon namin sa pinto ng elevator, kusa iyong bumukas nang nasa palapag ko na.
"D-Dito ka lang?" Baka sakali ko.
He sighed and walked out kaya sumunod ako, binagalan ko ang lakad hanggang nakarating sa condo ko. "G-Galit ka po?" Kinakabahan kong tanong.
Nalingon niya ako dahil tumigil na kami sa harapan ng condo ko, kakaiba ang tingin niya sa akin. Tila may tampo.
"Sie." Nang seryoso niya akong tawagin ay kumabog ang dibdib ko, "Hmm?" Kinakabahan ko rin na tugon.
"Get inside and rest." Huminga ako ng malalim, sandali niyang itinulak ang salamin pataas sa tangos ng ilong niya gamit ang hintuturo.
He even fixed his hair and his shirt inside his black plain suit, "Yeon."
He innocently glanced at me before he sighed, "C'mon, get inside." Wala akong nagawa at sinunod siya, sinilip ko pansiya ngunit pagkapasok ko ay umalis na siya.
Walang kiss? Galit nga siya.
Pumasok na ako sa loob at wala rin namang nagawa, morning come and he didn't text or call me. I waited for him until night, pero wala.
I checked his instagram profile and saw a 2 hours 2 story, I mean it was posted 2 hours ago. I checked it.
I raised a brow when I saw him partying, no he's just drinking, but he's in a circle with Yuno.
Then I received Amaya's message that saved me!
From Amaya:
Dear, can you come to the party for me?
I have a date! I can't come. I'll send you the invitation here naman eh, screenshot.
Syempre hindi ko tinanggihan 'yon tsaka ako nag-ayos, mabilisang ayos at nagmamadaling pumunta sa party.
Pagkapasok sa club ay nakita ko na agad ang mga usok, hindi ko tuloy mahanap ang pamilyar na mukha.
Habang hinahanap sila ay tumaas ang kilay ko nang sa kalapitan ay nakita ko si Zian dahilan para lapitan ko siya at pasimpleng kurutin sa tagiliran.
"Aaaray!" Reklamo niya at galit na lumingon ngunit ng makita ako ay alanganin na ngumiti.
"Nandito pala ang maganda kong ate, uuwi na po ako." Mabilis niyang sabi at nagmamadali na umalis kaya napailing ako.
Nang mamataan ang kinauupuan nila ay lumapit ako, napatingin kaagad sila sa akin. Yeah, 'di naman ako invited 'no. I just came here for someone.
"Ms. Garcia." Bati nila.
"Good evening." Bati ko.
Napatingin sa akin si Yuno kaya sinulyapan ko lang siya, ngunit hindi man lang ako tinignan ni Yeon. "I came here for my friend, Amaya." Paglilinaw ko and I showed them the screenshot of the invitation.
"Okay, Miss. Please sit with us." Humanap ako ng available seat ngunit ang available lang ay sa tabi ni Yuno.
"Doon na lang sa tabi ni Engr. Marshall." Turo nila, napalunok ako ngunit bago pa man humakbang ay tumikhim si Yeon.
"If you wouldn't mind, I want my girlfriend beside me." Malalim ang tinig ni Yeon dahilan para kahit na galit siya sa akin ay kinilig ako sa ginawa niya.
"Oh, girlfriend." Tila hindi alam ng isang babae na nasa age of 40-50.
Lumipat tuloy yung lalakeng nasa tabi ni Yeon dahilan para maupo ako sa tabi niya, pagkaupo ay ibinaba ko ang bag ko. Inabutan nila ako ng drinks, or I should say alak.
2 hours na silang nandito, tsk.
Naamoy ko naman kaagad ang hint of mint kay Yeon, mukhang nag-sigarilyo na naman ang apat na mata na 'to.
Nag-usap sila regarding business, and somehow I can relate since Yeon has been making me study everything about business. Actual ha.
Then I found out that Yuno is part of the business rin, since he studied business for a year. "How about you Ms. Garcia, what do you know about business?" Tanong ng babae na isa, she seems like 24-25?
"I can say I'm inexperienced about business, I'm still in college. But I know things if you would ask me." Magalang na sagot ko.
"Is your knowledge enough to understand everyone here?" Nangunot ang noo ko sa tanong niya ngunit hindi ko minasama.
"Yes. I can understand everyone, they are involving inflation. Everyone has different categories in one company." Kalmadong pangpa-unawa ko sa kanila.
"Okay." Tumango ito.
"I didn't know why Ms. Amaya sent you." Hindi na ako umimik, it seems like I'm unwanted here.
"She's great, can't you see that miss?" Yuno talked that made me glanced at him, huminga ako ng malalim.
Hindi na nagsalita yung babae, I opened my phone and texted Amaya.
To Amaya:
They don't like me here.
Bumuntong hininga ako at inabot ang kupita upang inumin 'yon na agarang nagpa-init ng lalamunan at tyan ko.
From Amaya:
Whaaat?! Inaaway ka nila? Fight them!
Ngumuso ako at natawa na lang ng mahina, "Are you laughing at me?" Gulat akong napatingala sa babae na nagsasalita, umiling ako kaagad.
"N-No, miss." Sagot ko.
"No, we just heard you laugh." Pinagkrus niya ang braso at ngayon ay nakatingin ang lahat sa akin.
"She didn't, don't overreact. Nothing's funny about you." Yeon stated, "She's texting her friend." Paglilinaw pa niya kaya naitago ko yung cellphone.
"Really? Then give me the proof of something funny about her texting her friend." Tumaas ang kilay ko sa sinabi no'n.
"Woah, isn't that out of the line, miss?" Sumbat ko.
"There is something we call privacy," I sarcastically explained, "You know what? Just think that I laughed at you. I don't care, anyway." Seryosong sabi ko.
"Just don't look through my phone, because that's my privacy. Don't be such a main character," umawang ang labi niya sa sinabi ko ngunit anong pakialam ko.
I'm such a straightforward person, hindi naman siya exception. "You also know what? Hindi ka kailangan rito, we can just update Ms. Amaya." Sa sinabi niya ay umawang ang labi ko.
"I also don't want to be here, kinausap lang ako ng kaibigan ko to join here. Actually, I was resting eh." Peke akong tumawa.
"Hindi ko alam na bastos pala ang staff or member of board ng kumpanyang ito." Pang-iinsulto ko tsaka ako tumayo.
"Anyway, thank you everyone. Have a blast tonight." Siniringan ko ng tingin yung babae na 'yon tsaka ako tumayo papaalis.
Ngunit hindi ako umalis sa club, naupo ako sa harapan ng bartender at umorder ng drinks. One shot of tequila and I feel how hot it is here.
Nakakainis.
Hanggang sa maka-five shots ako ay biglang may naupo sa tabi ko, sa pagkalingon ko ay namataan ko agad si Yuno.
"Why are you here?" Kwestyon ko.
"Well, the drink over there was light." Pagrarason niya, itim na mahabang polo at nakabutones 'yon bukas lamang ang tatlong butones sa itaas.
Nakatupi rin ng bahagya ang sleeves ng suot niya, "You're not supposed to be here, Yuno."
"I don't like him getting jealous." Pabulong kong sabi.
"I don't care." Bumuntong hininga ako sa sagot niya.
"One more shot." Binigyan naman ako at tsaka ko ininom 'yon lahat.
Napangiwi ang labi ko sa sobrang pait no'n dahilan para abutin ko ang lemon na may asin at sipsipin 'yon.
Bakit hindi siya yung sumunod?
Galit ba talaga siya sa akin?
Dapat ba pag galit siya ay hindi niya ako kinakausap? Tinetext? Chat or calls? Hanggang personal ba naman.
Uminom na lang ako at hindi na nagsalita. Later on biglang may kumalabit sa likod ko dahilan para lingunin ko 'yon, nagulat ako ng makita si Renzo.
My ex.
Yeah, two exes in one place? Fucking nice.
"Kumusta na?" Tanong nito.
"Hindi kita kilala." Maangan ko.
"Woah? Your ex?" Turo niya sa sarili niya kaya natawa ako.
"Go back to your hoes, I'm not friendly with my exes." Paglilinaw ko.
"Wow. You haven't changed at all, ma-attitude ka pa rin." Umirap ako sa sinabi niya, binayaran ko na ang ininom ko.
"I'm going home, don't you guys follow me." Banta ko.
"I'll kill you." Banta ko tsaka ako naglakad papaalis doon, habang naglalakad ay nahihilo na ako ngunit bumangga ako dahil sa biglang pagsulpot ng matangkad sa harapan ko.
Natingala ko siya, "Sorry—" Natigilan ako ng makita si Yeon pagkatingala ko.
Ngumiti ako, "Four-eyed." Sinapo ko ang pisngi niya ngunit hinawakan niya ang dalawang kamay ko at maingat na ibinaba.
Napanguso ako sa ginawa niya ngunit hinawakan niya 'yon at tsaka kami naglakad papunta sa table nila kanina, "I'll go home." Paalam niya at inabot ang bag niya.
"But we're not yet done, Mr. Villamos. Isn't it inappropriate to leave?" Huminga ng malalim si Yeon at seryosong tinignan yung babae.
"Isn't it also inappropriate to talk to your boss's girlfriend that way earlier?" Lumamlam ang mata ko nang marinig ang sinabi ni Yeon.
"Sorry, Mr. Villamos." Hindi na siya pinansin ni Yeon at tsaka nito hinawakan ang kamay ko at maglakad kami papalabas.
"Let me smoke first, mauna ka na sa car." Inabot niya ang susi sa akin ngunit tinanggap ko lang 'yon at tinitigan siya.
"Are you drunk?" Natigil siya sa pag-sindi sa sigarilyo na hawak.
Hindi ako kumibo, "I'll stay here." Turo ko sa isang metro na layo sa kaniya.
"Hindi na, baka malanghap mo—"
"It's okay. I'm used to it—"
"Get in here then," inabot niya ang kamay ko ay pinatayo ako sa kung saan hindi mapupuntahan ng usok ng sigarilyo.
I watched him use his vintage lighter, I can even hear it clack and click. Nang masindahan ay humipak siya kaagad doon at napapikit pa.
Tsaka niya dahan-dahan na binuha ang usok, he smoke yet his lips were kissable and red. I can't get used to it, his lips were very tempting.
He kept on smoking hanggang sa tatatlo pa sana siya ngunit pinigilan ko siya, "Nakakarami ka yata."
Paninita ko, nakakapanibago dahil dumarami na naman ang nagagamit niya, "That's why you should wait for me at the car."
"No. That's enough." Sermon ko.
"Naka-ilang kaha ka today?" Naitikom niya ang labi tsaka siya umiwas tingin.
"It doesn't matter, Sie."
"It does matter to me, paano pag namatay ka ng maaga? Paano na ako?" Turo ko sa sarili ko dahilan para magitla siya.
"What do you mean? We don't share the same lungs, Sie." Sarkastikong sabi niya kaya naman kinuha ko na ang lighter niya.
"Tama na." Wika ko.
"Last," he handed me his hand waiting for me to return his lighter but I didn't.
"This is making me jealous." Seryosong sabi ko dahilan para matigilan siya.
"What? Jealous?" naguguluhan niyang sabi at bahagyang nakapamewang.
"It keeps on touching your lips." Reklamo ko, tumaas ang kilay niya tsaka siya sandaling huminga ng malalim at napaiwas tingin.
"That's enough okay? Let's go." Anyaya ko at hinawakan ang kamay niya ngunit binawi niya ang kamay sa akin dahilan para magulat ako.
Wow, nag-mamaktol na siya ngayon?
"Ayaw ko." Matipid niyang sabi.
Tumayo ako sa harapan niya, "Yeon Gavril, My love. Let's go home." Malambing na sabi ko dahilan para magulat ang mata niya.
Naninibago. "Halika na, mahal ko."
Tumaas lalo ang kilay niya, halatang nabibigla sa sinasabi ko. "What the fuck?" Sumpong ng topak niya.
"Come na kasi." Hinila ko na siya at dinala sa sasakyan niya, nang makasakay ay wala na rin siyang nagawa.
///
@/n: Hmm any thoughts? Sana all "Love" 🤣
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top