Chapter 17: He's Back
Chapter 17: He's Back
Sierah's Point Of View.
Nang medyo tipsy na ako ay natigilan ako nang makita si Yeon na naglalakad at may dalang paper bag, ngunit nasulyapan ko rin si Yuno na nakatingin sa akin kahit nakaupo siya.
Nang makalapit si Yeon ay tumitig lang ako sa kaniya, "Congratulations." Malambing niyang sabi at inabot sa akin ang paper bag.
"Good evening Mr. Villamos." Bati ng lahat, nang mapalingon si Yeon sa gawi ni Yuno ay awtomatikong nangunot agad ang noo niya.
"Good evening." Bati niya pabalik.
"Lasing ka na?" Napakurap ako nang maupo si Yeon sa tabi ko, matipid akong ngumiti tsaka ko basta-basta na itinago ang mukha ko sa dibdib niya dahilan para mahina siyang matawa.
Inakbayan niya ako at bahagya pang ginulo ang buhok ko. "Sorry, she's just clingy when she's drunk." I heard Yeon, it made me pout my lips.
Lumayo na ako at hinanap si Amaya, ngunit napatingin ako may Yuno kaya ngumuso ako. "When did you come back?" Tanong ni Yeon kay Yuno.
"Kanina lang, they invited me here. Sakto naman tapos ko na yung pinakamalaki kong project." Nag-usap si Yuno at Yeon kaya nakinig ang iba.
Hanggang sa mabored ang iba ay lasing na rin sila kaya sumayaw sila kasama ang iba sa dance floor.
Naiwan kami ni Amaya, Yeon at Yuno rito ngayon sa table. "That's great, it's good to see you again, I guess." Kalmadong sabi ni Yeon.
"Hmm, you've been closer, huh?" Sinulyapan ako ni Yuno kaya naiilang akong uminom na lang.
"Of course." Yeon confidently answered.
"Yeon Gavril." Tawag ko sa pangalan niya, nalingon niya ako. "Yes?" He softly asked.
"What's this?" Tukoy ko sa paper bag, "Open it." Nakangiting sabi niya kaya pinaningkitan ko siya ng mata.
"Hindi 'to prank?" I have trust issues, I'm sorry.
"What prank? It's not a prank, I swear." Natatawang sagot niya kaya binuksan ko, nang makita ko ang laman ay nanlaki ang mata ko at tinignan siya ulit.
"Ano 'yan friend?" Tanong ni Amaya.
"Panty." Sagot ko, nagbibiro.
"Hala weh?!" Gulat na sabi ni Amaya, nanlaki rin ang mata ni Yuno kaya natawa ako.
"Kidding, it's our secret. Keep it, I'll just dance!" Paalam ko pero natigilan ako ng pigilan ako ni Yeon Gavril sa bewang.
"Nope." Umiling siya.
"Ihh." Reklamo ko.
"Can you handle it?" paninigurado niya.
"Let her dance if she wants to." Napatingin ako kay Yuno sa pangangaral niya kay Yeon.
"I'm just worried about her, bro." Seryosong sagot ni Yeon.
"Let her do what she wants bro." Tugon ni Yuno kaya ngumuso ako at naupo na lang.
"I won't dance na lang," ngumiti ako kay Yeon.
"Let's just dance later," bulong ko sa tenga ni Yeon na ikinapula ng tenga niya kaya natawa ako.
"Joke lang!"
"Don't get har—" Yeon covered my mouth and tried to laugh awkwardly.
"Shh, love." Bulong niya.
"Ano raw?" Tanong ni Amaya.
"Nothing, she said nothing." Huminga ako ng malalim at tsaka kumain ulit.
"I want ice cream," pagsasabi ko sa kanila.
"Graduating ka na pala, Sierah." Napatingin ako kay Yuno sa sinabi niya, minasdan ko ang mukha niya.
Ngumiti ako, "Oo, g-graduate na ako. Tapos may top pa, ang galing kasi ng tutor ko. Right?" I glanced at Yeon na nagulat pa.
"W-Well, credit yourself for grasping those lessons." Ngumiti ako at kumapit sa braso niya, "You did great for taking me to the right path." I gave him a thumbs up.
Tumikhim si Yuno, "I'll join with others first." Paalam niya at umiwas tingin kaya nang makaalis siya ay umalis rin si Amaya to give us two a privacy.
"Are you okay?" Yeon asked me agad kaya ngumuso ako.
"Why? 'Cause he's back?" Tanong ko.
"Hmm.." He nodded slightly.
"I'm okay, Yeon." Sagot ko.
Tumango siya, bahagya kong napansin ang malayo niyang tingin.
Is he worried?
Ngumiti ako, "What are you thinking?" Medyo tipsy na ako kaya nang lingunin niya ako ay nahuli ko ang peke at matipid niyang ngiti.
"Wala, love." Ngumuso ako.
"Tell me what's on your mind." I command.
"What if you still love him?" Napatitig ako sa kaniya sa tanong niya, bahagya pang kumukurap ang mata ko dahil hindi ko alam ang isasagot doon.
"Ah." Tumikhim ako.
"Love." Pagtawag niya sa akin.
"Yes love?" I sweetly replied that made him sighed, "Can I kiss you?" Tanong ko tapos ay umusad ako sa kaniya nagulat siya sa tanong ko ngunit hindi ko na hinintay ang permiso niya at hinalikan ko na siya.
Naalalayan niya ako sa bewang kaagad dahil muntik pa ako mawalan sa balanse, napapikit siya at nahuli ko 'yon kaya ngumiti ako at mas hinalikan siya.
Nilaliman ko ang halik hanggang sa hapuin kami ay natawa na lang siya ng mahina. "I guess that's your answer." He whispered in my ear that made me shiver.
"Love.." Naninita kong bulong.
He planted a kiss on the back of my ears that tickles pero agad 'yong naputol nang malakas na tumikhim si Amaya. "Friend, lasing na ako friend." Napaayos ako ng upo sa pagkapahiya.
"Kaya niyo pa? I can drive you home. I haven't drank anything yet.." Yeon suggested, I glanced at Amaya whose eyes were closed already.
"Amaya!" Napamulat siya agad.
"Po? Bakit friend?" Natawa ako.
"Hindi pa ako lasing, I'll stay here with Yeon pa. You want to go home na?" I asked.
"Hmm, I'm sleepy na friend." Maktol niya kaya natawa ako, mas marami akong nainom ngunit mukhang lasing na siya.
"Should I drop her off?" Tanong ni Yeon sa akin, "Yeah, it's safer that way." Pagsangayon ko.
"Wait me here then, I'll be back agad." Paalam niya at hinalikan ang noo ko, leaving me his wallet.
Itinago ko 'yon sa bag ko, sinamahan ko sila sa sasakyan at sa likod na naupo si Amaya dahil nakatulala na lang siya.
"Why don't you come with us love?" Yeon suggested, umiling naman ako.
"Kayo na lang, baka masuka ako sa sasakyan." Natatawang sabi ko.
"H-How about her? Baka sumuka siya?" Natawa ako lalo sa kinakabahan na sabi ni Yeon.
"Hindi 'yan, huwag mo lang kakausapin." Paninigurado ko, tumango siya at umalis na kaya naman naglakad na ako pabalik sa club.
On my way back natigilan ako nang makita na naman si Yuno sa smoking area, "Sierah." Pagtawag niya sa akin kaya nalingon ko siya.
"Hmm?"
"I don't get it, are you two together?" Huminga ako ng malalim at sasagot na sana pero pinutol niya ang sasabihin ko.
"Well, whatever your relationship, I couldn't care less. I would still pursue you." My lips parted on what he said, "That's not a good idea." Sagot ko.
"He lured you around when I was not around, Sierah. Why can't I?" Napatitig ako sa kaniyang sinabi, hindi makapaniwala.
"W-Why are you like this Yuno? If you wanted me in the first place you should've told me!" Ramdam ko ang sama ng loob at bigat nito sa dibdib ko.
"I told you, Sierah." Mahinang sabi niya.
"You didn't believe me." Peke akong natawa at inis siyang tinignan.
"How could I believe you? Inside our relationship y-you kissed my cousin. Tapos paano ako maniniwala na gusto mo ako?" Sambit ko.
I waited for you.
Gusto kong sabihin 'yan ngunit hindi na lang, "I asked for a chance—"
"And after that you left without a word! You were drunk that night paano ako maniniwala?" Bumuntong hininga siya.
"I left a letter, I left a letter saying that I'll come back for you." Nangunot ang noo ko tsaka natawa.
"Wala akong natanggap." Seryosong sabi ko.
"H-How is that possible? I am confident to go back since I left you a letter and I know you'll wait for me." Ngumiwi ako.
"If you're confident enough then you should've told me directly." Masungit na sabi ko at tinalikuran na siya ngunit natuod ako sa kinatatayuan ko nang yumakap siya mula sa likuran ko.
"Sierah," huminga ako ng malalim.
Pinigilan ko ang sariling gumawa ng panibagong kasalanan kung kaya't kinalas ko ang pagkakayakap niya kahit na nakakagaan 'yon ng nararamdaman ko.
Naguguluhan ako.
"Enough of this Yuniko. I-I'm already okay even without you." Nanlulumo kong sabi.
"P-Paano ako?" Napakurap ako sa tanong niya.
"A-Anong paano ka?" Tanong ko naguguluhan at nagtataka.
"Mula nang umalis ako hindi ka rin umalis sa isip ko, papaano ako? H-Hindi ko man lang ginawang kalimutan ka." Peke akong tumawa upang matakpan ang pagtataka ko.
"Kasalanan ko pa?"
"Sierah." Pagtawag niya muli sa pangalan ko.
"Tama na."
Tumitig siya sa akin tsaka siya huminga ng malalim pinahahaba ang pasensya niya. "Okay, but I won't stop. If you think he pursued you with consistency, you better get ready because I will too." Hindi ko na siya inimik nang umalis siya sa harapan ko.
Bumalik na ako sa loob at tsaka naupo sa pwesto noon sa kung saan nandoon na ang ibang kasama namin nag-iinuman at naglalaro.
Sakto rin na bumalik si Yuno kaya hindi ako umimik, naglalaro sila ng card games yung may question pag hindi nasagot iinom.
Nang isali nila si Yuno ay wala siyang nagawa, "Ilan raw ang ex mo engineer?" Hindi ko siya tinignan at tahimik lang akong umiinom sa gilid.
"2." Sa sagot niya ay huminga ako ng malalim.
"Wow, ang kaunti."
Nang ako na ang tanungin ay natahimik ako sa tanong, "Body count raw?" Kinuha ko yung shot glass at uminom.
"Secret raw, secret." Natatawang sabi nila.
Maya-maya ay umikot ng umikot 'yon at saktong pagkabalik ni Yeon ay naupo siya sa tabi ko. "Dahil wala si Mr. Villamos kanina siya na ang tanungin natin gamit ang card." Bumunot sila at pagkabunot ay nangunot ang noo ni Yeon.
"What's the question?" He asked innocently.
"How many ex-lovers do you have?" Pagbasa nila, mahinang umiling si Yeon.
"Wala pa." Sagot niya.
"Uy amoy first girlfriend," asar nila kaya ngumisi na lang si Yeon.
"Sierah, how many ex-lovers do you have?" Tumikhim ako sa tanong sa akin.
"Marami." Bulong ko at binilang sa isip ko ang sagot, "4 yata." Sagot ko nakangiwi.
"Hindi pa sure yon." Natatawang sabi nila.
"Wala kang ibang babae na ginusto Mr. Villamos?" Napatigil si Yeon sa tanong nila, naningkit naman ang mata ko.
"Well, I had a crush when I was in high school, but that kid was still young by that time. She's in first year of high school by that time, As I remember." Hindi ko alam 'yon ah?
"Saan ka ba nag-high school Mr. Villamos?"
"Same school." Matipid lang ang bawat sagot niya, sandali niyang hinawakan ang frame ng salamin niya at inusad paitaas.
Dumudulas kasi sa matangos niyang ilong, umiwas tingin na ako sa kaniya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya. "Are you drunk?" He whispered in my ears that made me layo kaunti.
Huwag pag lasing ako, nangangagat ako eh. Char.
"Ikaw engineer, saan ka nag-elem and high school?" Tanong nila.
"Japan, elem. High school diyan lang sa tabi." Biro niya kaya ngumuso ako, same school sila ni Yeon.
Hindi na ako umimik hanggang sa matapos yung inuman ay inawat na rin ako ni Yeon sa pag-inom pa, "I'll take you home." Kalmadong sabi ni Yeon at para akong batang inalalayan sa braso ko.
"Stand straight." I pouted my lips and tried to stand straight, he chuckled and wiped my forehead using his handkerchief that has his initials embroidered.
"What a pain," bulong niya at isinuot sa akin ang jacket niya.
"Can you handle it?" Natigilan ako nang marinig ang boses ni Yuno sa likuran ko kaya nilingon ko siya.
"What?" Masungit kong tanong.
"I'm asking if he can handle a drunk Sierah." Pinaningkitan ko siya tsaka inirapan.
"Of course he can, I got drunk a lot of times before because you left me and he's there!" Mahabang sabi ko at humikab dahilan para takpan ko ang bibig.
"Let's go love, baby time na." Malanding sabi ko at yumayakap kay Yeon.
I heard Yuno sighed, I pouted my lips. "Let's go na, Ih-Yeeeeon!" Maarteng tawag ko sa pangalan niya kaya naman nang akayin niya ako ay yumakap lang ako.
"Love, how can we go forward if you're gonna hug me that tight?" Mahina akong natawa at niluwagan ang yakap, nang makasakay sa sasakyan niya ay bahagya niyang ibinaba ang salamin upang mahanginan ang mukha ko.
Ngunit natigilan ako nang makita ang madilim at matalim na tingin ni Yuno sa sasakyan namin habang nakababa rin ang salamin ng sasakyan niya at ang siko niya ay naka-dantay doon.
Nakatingin lang siya, hindi ko inaasahan na magagawa pang magtama ng mata namin mula sa salamin na pinagtitinginan ko sa kaniya.
Bumuntong hininga ako at pumikit na lang upang hindi niya na gambalain pa ang puso't isip ko.
Dinala ako ni Yeon sa condo ko dahil alam na rin naman niya ang passcode ng condo ko, humilata kaagad ako sa kama at inalis niya naman ang mataas na takong ko.
"Love, your makeup." He reminded and made me sit again, inalalayan niya ako sa banyo dahilan para mag-maktol ako ng husto.
He even brushed my teeth, "Say ah."
"Ih love, say ih." Sinusunod ko siya kaya matapos no'n ay pinag-gargle niya ako using my mouthwash.
"Sleep ka here?" Nakangusong sabi ko, pinaghilamos niya muna ako bago sagutin 'yon.
Halos mapatili ako nang mahina nang buhatin niya ako paupo sa sink. He wiped my face with a cotton towel, damp it gently and wiped my neck as well.
"Hmm, you smell good na." He smiled innocently that made me smile and reached his lips for a kiss.
Napapikit siya at hinalikan ako pabalik ngunit mabilis lang 'yon, "Love." Maktol ko.
"I'll brush my teeth first, I smoked kanina." Ngumiti ako sa sinabi niya, "You're being conscious na ha, you still taste well love." He just shook his head as he started brushing his teeth.
He even brushed his tongue and stuck it out in front of me, "Stop that." Sita ko.
"Do you love me?" Sa biglaang tanong niya ay naitikom ko ang bibig, hindi ako makaimik dahilan para matawa siya.
"It's fine."
Nakonsensya ako dahil ang tagal na namin sa set up na 'to pero hindi ko nasasagot ang ganoong klase ng tanong.
Matapos niya ay inalalayan niya ako papunta sa kwarto, kumuha siya ng malaking shirt ko at pajamas. "No pajamas na, I'm wearing thin shorts."
"Thin? How thin?" Natawa ako sa paninigurado niya.
"Just thin." I smirked.
"Bihis na love," utos niya kaya ngumuso ako at pagka-suot niya ng malaking shirt sa akin ay lumabi ako at doon inalis ang dress ko.
Nang maalis 'yon ay tumayo ako, kinuha niya naman 'yon at nilagay sa marumihan ko. "Love, here ka na sleep." Aya ko at inaabot siya pero pinagkrus niya ang braso.
"And what? You'll do anything wild again." I chuckled and smirked my lips.
"Why not love?" Bulong ko.
"Love me first so you won't regret it." He whispered, that's hot. Lol.
"You love me naman right? Let's have a sexy time." Aya ko at hinihila siya dahilan para tawanan niya lang ako, nasapo ko ang noo ng mahina niyang pitikin 'yon.
"Love."
"Stop it, we can sleep together. Sleep lang," naupo siya sa tabi ko pero naupo rin ako at sinimulan siyang itulak sa headboard ko dahilan para magulat siya.
"What the fuck, love?" Pinigilan niya ang kamay kong inaalis ang pangatlong butones ng polo niya.
Kakapigil niya sa kamay ko ay wala rin siyang magawa nang maalis ko lahat ng butones, I touched how her flawless chest. Ang kinis na ang ganda pa ng hugis.
"Love, you're only teasing yourself. C'mon stop." Pigil niya kaya naman sumampa ako sa bandang tyan niya dahilan para masdan niya ako ng mabuti habang nakaalalay sa bewang ko.
"Enough love, we're not going to do anyth— what the fuck love?" Hinawakan niya ang kamay ko nang sinimulan kong alisin ang belt niya.
I pouted my lips, "Kiss love." Hindi ko na sinubukan pa alisin dahil ayaw niya.
"Ayaw." Ngumuso ako lalo at humiga na lang sa tabi niya.
Pumikit ako at yumakap sa kaniya, malamig kung kaya't kinumutan niya ako.
Kinaumagahan ay nagising ako, napahikab ako ngunit mag-isa ko lang sa kama. Tumayo ako at sumilip sa labas ngunit walang tao.
Dahil doon ay dumeretso ako sa banyo, sandali kong naalala si Yuno. Kung ganoon ay tunay ngang nakabalik na siya.
Pagkalabas ko ng banyo ay nakatapis lang ako ng twalya, halos mayakap ko agad ang sarili sa gulat nang biglang makita si Yeon na inaayos sa dining ang umagahan.
"Good morning love." Matamis niyang sabi, lumapit pa siya sa akin kaya pumikit ako kaagad nang halikan niya ako sa noo.
"Sa noo lang?" Tanong ko, naningkit ang mata niya tsaka sandaliang inalis ang salamin upang mahalikan ang labi ko ng walang sagabal.
Napapikit ako kaagad nang mapaatras kami because of the aggressive kiss, hindi ko sinasadyang mapahabol sa labi niya nang humiwalay siya.
Nakagat ko ang ibabang labi nang titigan niya ang mukha ko, "W-What?" Kinakabahan na tanong ko.
"Nothing, love." Matipid niyang sagot at sinulyapan ang katawan ko na naka-tapis ng twalya.
"Go ahead and change so we can eat." Sumunod ako sa kaniya, pagkatapos ko magbihis ay bumalik ako sa dining sa kung saan siya nakaupo.
Tahimik kaming kumakain. "Are you okay, now that he's back?" Mabilis kong sinulyapan si Yeon sa kaniyang tanong habang ngumunguya.
Nilunok ko lang ang laman ng bibig, "Maayos naman ako, I'm all goods." I confidently answered, I don't want him to worry about Yuno.
'Cause I know the feeling of liking someone and being scared that they like others. "Are you sure about that love? You're not uncomfortable?"
Sa paninigurado niya ay tingin ko nago-overthink siya sa bagay-bagay. "Love, I'm uncomfortable around him. I actually don't like him around, naiilang ako." Pagsasabi ko ng totoo.
Tumango si Yeon, "We'll try to figure that out, love." His sweet tone when he's talking to me is really calming.
Maybe because he's very calm about everything?
I watched him fix his eyeglasses before drinking his juice, "You don't eat chicken 'no, love?" Pagpansin ko at nasulyapan ang manok sa sandwich ko.
"Hmm, I don't like chickens." I chuckled at his remarks, "Do they look weird?"
"Yeah." Natatawang sagot niya.
"Why do you like me then? I also look weird." Natigilan siya sa pag-nguya tsaka ako tinitigan.
"You don't look weird to me, you look pretty unique." Sa banat niya ay pinigilan ko ngumiti, "Bola."
Matapos kumain ay umalis na rin siya, ako naman ay nagpapahinga dahil wala akong pasok ngayon.
Si Amaya medyo busy, si Yeon naman may work. Wala naman akong ginagawa sa condo kaya naisipan ko munang umuwi para makasama sila lola at Zian na rin.
Bakasyon naman. Baka pumunta rin akong Palawan to be with our parents, nasa bahay ako ngayon at tamad na tamad ako sa totoo lang.
Nakadapa ako sa sofa habang nagb-browse sa cellphone ko, si Zian naman ay naka-headphones habang tutok sa cellphone niya kahit na naglalakad siya at hindi lang may dala pa siyang cereal box na mukhang pinapapak niya lang.
Tinignan ko ang story ni Yeon na aksidente kong nadaanan, nagtaka ako nang makita si Amaya doon. Anong ginagawa ni gaga rito? Hindi man lang sinabi sa akin na kasama niya si Yeon.
Tinawagan ko si Amaya dahil doon, hindi niya nasagot agad kaya napanguso ako. Panay ang nguso ko at hindi ako mapakali kaya si Yeon na ang tinawagan ko.
Hindi niya rin nasagot, bigla ay natigilan ako sa pumasok sa isip ko.
Imposible, hindi naman gagawin sa akin 'yon ng kaibigan ko at matino naman si Yeon.
P-Pero ito rin yung sinabi ko noon bago ako maloko 'di ba? Ngumuso ako at napasandal sa sofa.
"Fuck, ano ba 'tong iniisip ko?" Bulong ko sa sarili at nasapo ang mukha ko.
Dumapa ako ulit at tumulala sa story na 'yon, inuulit ulit ko pa habang hinihintay ang mga reply nila.
"What's bothering you?" Nang marinig ang boses ni Kuya Laze ay yumuko ako lalo sa ipad na dala ko.
"Overthinking? I guess I'm just crazy kuya." Reklamo ko at mas yumuko.
Mahinang natawa si Kuya Laze sa sinabi ko. "Pare-parehas kayong mga babae, ganiyan rin ang Ate Miran mo." Natawa ako sa sinabi ni Kuya Laze.
"At least it's not about cheating right?" Maktol ko tapos naupo habang nakatanaw sa kusina.
"Cheating?" Pag-uulit ni Kuya Laze.
"Not that I don't trust them kuya ha, I swear. What if he starts to like my friend? I mean they're close rin naman because of me." Halos masabunutan ko ang sarili.
"F-Feelings can't stop naman po if it develops. What if they find comfort in each other?" I asked, nangunot ang noo ni Kuya Laze.
"Your friend Amaya and Yeon?" Kwestyon ni Kuya Laze.
"Impossible right? I'm just crazy." Bulong ko sa sarili nang maupo siya sa single sofa para makaharap ako.
"Bakit mo naman naiisip 'yan?" Gwapong gwapo si Kuya Laze sa suot niyang puting polo at shorts na maong.
"I don't know po, they're both not answering my calls and they didn't tell me that they're together in one gathering. N-Nakakapagtaka lang." Pahina ng pahinang sabi ko.
"Do you want a drink?" Natignan ko si Kuya Laze sa sinabi niya.
"Drink po? Alak?" Tanong ko, naguguluhan.
"I mean, si Yuno. Baka nauuhaw." Turo niya kaya napalingon ako sa bandang likuran ko at nakaupo siya sa kabilang dulo ng single sofa.
Nag-init ang mukha ko sa kahihiyan, bigla ay napaayos ako ng upo. "K-Kanina ka pa?" Gulat na tanong ko, seryoso ang mukha niyang tinignan ako bago siya tumango.
"I don't interrupt conversation." Napapahiya naman akong huminga ng malalim.
"Don't overthink a lot, Sierah. Maybe they're just busy, matagal mo naman ng kaibigan si Amaya and maybe she'll never do that to you." Nakangiting sabi ni Kuya Laze kaya matipid akong ngumiti.
"But I can never blame you, Sierah. You got hurt a lot of times, nauunawaan ko." Tumango ako sa sinabi niya.
Magsasalita pa sana ako pero tumunog yung cellphone ko kaya sinagot ko kaagad ang tawag ni Yeon.
"Love, why? Sorry, the meeting just got finished. By the way, Amaya's parents are here, she's here also." Nang sabihin 'yon ni Yeon ay tila nakahinga ako ng maluwag.
"N-Nakita ko nga." Mahinang tugon ko.
"I'm gonna call you again later, love. I'll just go to my other meeting." Paalam niya kaya ngumuso ako.
"Alright. Take care," mahinang paalam ko.
"You too, love." Malambing niyang paalam, sumandal ako sa sofa at nasapo ang mukha ko.
"I'll just go upstairs kuya," paalam ko tapos ay tumayo na ako, pagkapunta ko sa kwarto ko ay nababalisa kong pinakakalma ang sarili.
Maya-maya ay bumaba na ako upang kumuha ng makakain, nandoon pa rin sila Yuno kaya naman naupo na lang ako sa kusina habang kumakain ng cake na si lola mismo may gawa.
Naupo si Zian sa tabi ko, "Kanina mo pa suot 'yan, ano bang ginagawa mo?" Tanong ko sa nakababatang kapatid.
"Games ate." Sagot niya at inatupag na 'yon, ngumiwi ang labi ko nang abutin niya ang fork ko at maki-kain sa cake ko.
"Oh kainin mo." Ibinigay ko na 'yon sa kaniya tsaka ako bumaba ng kinauupuan.
"Sierah, entertain my visitor sandali. I'll just fetch my wife." Paalam ni Kuya Laze kaya natigilan ako at nasulyapan si Yuno.
"Okay kuya." Walang choice kong sabi dahil inupo niya ako sa kinauupuan niya katapat ni Yuno.
Nang makaalis siya ay hindi ako umimik, "Why are you thinking that way towards Yeon?" Nasulyapan ko si Yuno.
"Wala ka na doon," masungit na sabi ko.
"Tell me why," he whispered.
"I just don't think I'm not enough nor good for him, okay? I'm still a student."
"So you're really dating him?" His lips slightly parted, he sounded disappointed.
"Yeah, let's say that I'm dating him." Seryosong sabi ko.
"That's within the contract, lol." Yuno chuckled, so I did too.
"The contract broke already, it's for real." Natigilan siya at nagkibit balikat, hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"Then, I'll just make you mine again." Mahinahong sabi niya kaya umiwas tingin ako.
"That would be hard, since if you once hurt someone it's hard to make them like you again." I explained.
"Yeah, it would be hard but not impossible. That's the point," inayos niya ang buhok kaya ngumiwi ako, ayoko na siya kausap nakakainis siya.
"Look for the letter, then you'll know." Tinitigan ko lang siya at tsaka ako huminga ng malalim.
Magsasalita sana ako pero tumawag si Yeon kaya sinagot ko 'yon, "Love, I'll go to your condo. What do you want?" Napatikhim ako.
"I'm not in the condo, at the moment. I'm with my brother at our house." Kalmadong sabi ko sa kaniya. Tumikhim siya sa kabilang linya.
"Can I go there, love?" Malambing man ang boses niya ay malalim pa rin 'yon kaya ang cute.
"Sure, may visitors naman kami kaya pwede ka pumunta. Don't bring anything na lang, para hindi hassle." Nakatingin lang ako kay Yuno na pinanonood ako.
"Hmm, you're not using our endearment? Is there something wrong? Are you mad, love?" Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita.
"I am not mad, love." Sinabi ko 'yon at umiwas tingin kay Yuno.
"Alright, see you in a minute, love." Paalam niya.
Namatay na ang tawag kaya naman tinignan ko si Yuno, "You're not sweet at all, unlike when you were mine." Sa kaniyang sinabi ay awtomatikong umikot ang mata ko.
"Shut up, at least he didn't make me feel like a second choice." Panr-realtalk ko sa kaniya.
His lips parted a little, para bang hindi niya inaasahan ang sasabihin ko. "I like you now, Sierah." Seryosong sabi niya dahilan para matigilan ako at kabahan.
"W-Wala akong pakialam." I know that there's a lie within that phrase that I didn't want to acknowledge.
Hindi na siya umimik, later on a car beeped in front of the big gate of our house so I was about to go out but our manang went to check it.
Later on Yeon arrived with a flower on his hand and a paper bag, he slowed down when he saw Yuno sitting in front of me. "Love." He greeted me and went to kiss me on my cheeks.
"I didn't know you were here, Yuno." Mahinahon na sabi ni Yeon.
"Well, he's close with my cousin, Laze Garcia the architect. He happened to visit here, so let's go upstairs?" Anyaya ko kay Yeon pinaririnig 'yon kay Yuno.
"Upstairs love?" Paglilinaw ni Yeon na apra bang nabingi siya.
"Yup, to have some privacy sana." I sweetly said and stifled a smile.
"Yeah sure." Hinawakan ko sa kamay si Yeon at dinala sa taas, nakahinga ako ng maluwag dahil doon.
"Love, saan tayo?" Tanong ni Yeon sa akin kaya nalingon ko siya nakahawak rin siya sa kamay ko kaya ngumiti ako.
"Gusto mo uminom?"
"It's too early for that, love. How about we have some air at your terrace?" He pointed to the swinging chair.
"Sure." Sagot ko at dinala siya doon.
He placed the paper bag and the flower on the center table, I checked the flower and smelled it. "Smells like you, did you put your perfume here?" I asked, he stopped and glanced.
"No love, I just hugged it. You can't smell it on the flower and that proves it," he fixed his eyeglasses and made me smell it.
Tunay nga.
Tumabi siya sa akin kaya naman hinayaan ko siyang akbayan ako, "Love, about Yuno—"
"Love, he doesn't matter." I seriously said, he sighed heavily before looking away.
"Okay. I trust you." Sinsero niyang sabi kung kaya't ngumiti ako at sumandal sa balikat niya.
Pasimple niya akong niyuko upang silipin ang mukha ko, "You look beautiful."
"Asus, lakas na naman ng pagiging bolero mo ah. May kasalanan ka?" Singhal ko at pabirong pinagkrus ang braso ko sa dibdib.
Mahina siyang natawa at inalis sandali ang salamin, "What kind of kasalanan, love?" Nangunot ang noo ko sa tanong niya.
"So you did something sinful today?" Gulat na sabi ko na ikinatawa niya ng husto, tsaka niya ako hinapit papalapit.
"Hmm, gagawa pa lang tayo ng kasalanan love." He whispered in my ears seductively, my lips parted when I felt the shivers.
"Love." Sita ko at pinalo siya sa lap niya.
Awtomatiko akong napapikit nang dumampi ang labi niya sa bandang tenga ko, nakakakiliti 'yon ngunit hindi ko magawang matawa dahil pinabibilis niya ang tibok ng puso ko.
Naramdaman ko ang pag-higpit ng pagkakahawak niya sa bewang ko na mas nagbigay kiliti sa nararamdaman ko, "Yeon Gavril." Sita ko nang kakaiba na ang maramdaman.
But then he chuckled in my ears that turned me on more! I bit my lips and stood up. "Don't tease me, I'll bite you." Banta ko with pa-duro pa sa kaniya na ikinangisi ng mamula mula at manipis niyang labi.
"Alright." Mahinahon niyang sabi.
At dahil bakasyon ko pa ay wala akong magawa, "Baka bisitahin ko yung parents ko sa Palawan this vacation, love." Pagsasabi ko sa kaniya.
"How long?" Tanong niya at napa-suot bigla ng salamin kaya ngumiti ako.
"Maybe a month?"
"Hmm, that long?" Ngumiti ako tsaka natawa.
"Mabilis lang naman ang araw, panigurado hindi mo mamamalayan kasi busy ka rin sa work." Naupo na ako ulit sa tabi niya.
Huminga muna siya ng malalim at nahawakan ang legs niya, "Alright, be safe there. Okay? Kailan ba ang alis mo?" Napaisip naman ako.
"Baka next three days pa, I'll wait for Zian."
"Okay love, pasalubong." Pagbibiro niyang sabi.
"Uwian kita ng sea urchin." Pagbibiro ko.
"That would be great." Lumaki ang mata ko sa kaniyang sagot.
"Seryoso ka ba? Ayaw mo sa chicken pero kumakain ka no'n?!" Takot ako doon eh!
"Huh? It looks good on me." He cluelessly replied, eyes were focused on mine.
"It looks like a fucking alien! How can you guys eat such an ugly sea creature?" I hysterically said, pinigilan niyang matawa sa reaksyon ko.
"You're heartless, how could you call it ugly. It's still living." I pouted my lips on his guilt tripping reply, naawa tuloy ako bigla.
"K-Kahit na, n-nakakatakot kaya siya. P-Plus noon natusok ako and my foot got poisoned." Turo ko sa left foot ko.
"It's their self-defense, love." Ngumuso na lang ako sa sinabi niya, wala takot pa rin ako, nalason pa rin ako.
"Nakakainis naman." Bulong ko.
"Akala ko matatakot ka rin doon." I added na mas ikinatawa niya, "Hayaan mo, I'll protect you from those aliens." Sobrang seryoso niyang sinabi 'yon at hindi ko alam kung inaasar niya ba ako o ginagago.
"They can never hurt you again, my love." Pasimple ko siyang kinurot.
"Huwag mo 'kong ginagago." Inis na sabi ko dahilan para lumabas na ang kanina niya pang pinipigilan na tawa.
Ilang oras ang nakalipas ay bumaba na kami, nakabalik na rin si Kuya Laze ngunit nandito pa rin si Yuno.
"Good afternoon, Yeon." Bati ni Kuya Laze.
"Good afternoon, Laze." Pormal na bati ni Yeon, nawaglit sa isip ko na mas matanda pala siya sa kanila.
After that, later on ay uuwi na rin si Yeon kaya naman hinatid ko siya sa mismong gate namin. Hindi ko inaasahan na sasabay na rin pauwi si Yuno.
Humaba ang nguso ko at tsaka ako bumuntong hininga. "I'll see you again tomorrow, love." Paalam ni Yeon.
Ngumiti ako at tumango, "I'll see you." Kumaway ako ngunit tumikhim si Kuya Laze at napaiwas tingin nang lumapit si Yeon upang halikan ako sa noo.
"Ingat." Paalam ko at kumaway pa ulit nang maglakad siya papalapit sa sasakyan niya.
"Si Yuno 'di mo pag-iingatin? Baka mamatay 'yan sa daan makonsensya ka—"
"Gago mo, Architect." Seryosong sabi ni Yuno.
"Ingat." Mahinang sabi ko rin sa kaniya tsaka ako tumalikod na at iniwan sila doon.
///
@/n: Any thoughts? Sorry for a very late update!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top