Chapter 14: His Love Letter
Chapter 14: His Love Letter
Sierah's Point Of View.
After a week nagtaka ako nang may mag-deliver ng mail sa mismong tapat ng condo ko, masama ang pakiramdam ko ngunit tinanggap ko 'yon tsaka ako pumirma.
"Thank you po." Pasalamat ko tsaka ako bumalik sa loob ng condo ko at naupo na sa sofa.
Binuksan ko 'yon dahil wala namang may sabi kung sino ang nagpadala ng sulat, nang makita ang penmanship nito ay napatitig ako. Sandali kong isinarado 'yon hindi sigurado kung babasahin ko ba.
Anong sinabi niya rito?
Sa sobrang tagal kong ginusto si Yuno ay kahit amoy niya kabisado ko na, huminga ako ng malalim at tsaka ko binuklat yung sulat niya.
Tinignan ko yung date kung kailan niya 'to ginawa but it was 3 weeks ago, yung mga panahon na maayos at masaya pa kaming dalawa.
To my dearest girlfriend, Sierah,
I wrote this letter to tell you how I feel towards you, hindi ko alam but I just woke up missing you and wanting to see you so bad. Ganoon ba ma-in love? O magka-gusto? Pero ayokong pakasigurado na paasahin ka kaya idadaan ko na lang sa sulat kasi baka sigurado na ako pagdating nito sa'yo.
Hmm, sinusungitan mo na kasi ako. Kaya siguro kinakabahan na ako sa tuwing may nagagawa akong mali, bigla na lang akong nakakaramdam ng takot na baka iwan mo ako.
Sabagay, gwapo lang naman ako— biro lang. Pero seryoso pakiramdam ko ay gusto na kita, kung pwede lang tumira sa condo mo ginawa ko na pero hindi syempre. Girlfriend pa lang naman kita at boyfriend mo pa lang ako, hindi naman tayo magkasing taon.
Pedophile na ba ako? Hindi 'no. Nagkakagusto pa lang sa isang businesswoman. Yiee, kinikilig ka siguro habang nababasa mo 'to?
Ikaw ha, sana sa mga oras na nababasa mo 'to ay masaya na akong naka-amin sa nararamdaman ko. Natatakot kasi akong magkamali, Sierah. Pakiramdam ko ay makakagawa ako ng ikakasakit mo dahil hindi ako nag-iisip ng tama.
Pero pinasasaya mo na ako, pinakakaba, minsan ka na ring dahilan ng pagkawala ng gana ko dahil hindi mo 'ko pinapansin kasi nagtatampo ka sa hindi ko alam na dahilan.
Hanggang dito na lang muna ako pinakamaganda kong girlfriend, I like you a lot. Kisses and hugs, XOXO.
Sincerely yours,
Yuniko (mapagmahal) Marshall.
Napayuko ako at nayakap ko yung sulat niya dahil sunod sunod ng tumulo ang luha ko, pero bakit? Hindi ko lubusang maunawaan.
Bakit niya kasi nagawa 'yon, e-eh 'di sana ay maayos kami at masaya tulad nang makalagay sa kaniyang sulat.
Itinago ko ang sulat na 'yon, maya-maya ay may nag-bell sa condo ko kung kaya't lumapit ako doon para buksan.
"Hangout?" Napatigil ako nang nasa harapan ko si Yeon na may dalang plastic bag at isang paper bag na itinaas niya pa.
"Pasok." Anyaya ko, parati namang nandito si Yeon. Siya lang yata yung dahilan kung bakit ako kumakain three times a day.
Parati siyang may dalang pagkain, baka nga ay tumaba na ako. "Dapat nagdala ka ng alak." Reklamo ko.
Sumeryoso ang mukha niya kaya naitikom ko ang bibig. "Wine." Turo niya.
"Ah, wine." Bulong kong sabi.
Pinanood ko siyang alisin ang salamin niya at isabit sa shirt niya sa dibdib, "Masakit na ba mata mo?" I asked, I was curious if his eyes hurt whenever he removes them.
"Kind of."
Ngumuso ako ngunit tumigil siya sa pag-galaw at tsaka niya ako tinignan, "Tsk you cried again?" Ngumuso ako at iniiwas ang tingin ko.
Namumugto ba mata ko?
"Oh tara i-inom natin." He opened the wine for me and gave me a glass, sobrang tahimik ko kaya nanood na lang kami sa TV.
"Sie—"
"Ayoko ng pinipilit yung nararamdaman, Yeon. Huwag mo 'kong pilitin, dahil mas sasaya ako kung kusa akong magkakagusto at hindi pilit." Mahinang sabi ko.
"Ayokong madanas ng iba ang mga dinanas ko, ayokong tulad mo ay masaktan ka gaya na lang ng nararamdaman ko ngayon. Kaibigan pa rin kita, hindi sino lang." Seryosong sabi ko tapos ay bumuntong hininga.
Pagod na pagod na ako sa lahat.
"C'mon let's just have a chill night." Kalmadong sabi niya at tumahimik na dahil doon ay abala kami sa pag nood at kasabay ng kinakain at iniinom.
Hanggang sa hindi namin namalayan na ubos na yung alak at may tama na kaming dalawa, nahihilo na rin ako ng sobra.
Napatitig ako kay Yeon habang nakanguso, nakayuko na siya habang nakaupo. Mukhang nakatulog na kanina pa habang abala ako sa panonood.
Tumayo ako at kinalabit siya, "Hoy apat na mata!" Tawag ko habang sinusundot ang pisngi niyang malambot at makinis ngunit namumula.
"Hoy!"
Napamulat siya kaagad, "Ha?" Wala sa sarili niyang sabi kaya natawa ako.
"Ah lasenggo." Turo ko sa mukha niya habang tumatawa, "Hindi ako lasing." Tanggi niya pa.
"Lasing ka, mahina." I teased and smacked his shoulders a lot of times, he stopped my hand and pulled me on his lap.
My eyes widened, "I'm not drunk, I'm good as fuck." He said that made me smell his mint with the hint of wine on his breath.
I swallowed the lump on my throat as my eyes laid on his lips, his plump red lips were slightly open.
"What are you staring at? Hmm?" Nag-init ang pisngi ko nang tignan ko ang mata niya ay sumulyap 'yon sa labi ko.
What the hell, Sierah?
Minasdan ko ang perpekto niyang mukha, makakapal na hibla ng buhok ng kilay at ang mga pilikmata niya na akala mo ay naka-mascara or false eyelashes.
Ang matangos niyang ilong, bahagya kong inangat ang kamay ko upang iguhit ko ang daliri sa kaniyang ilong.
Napansin ko ang pag-lunok niya sa aking ginagawa kaya ako ngumiti, "Ang kinis mo." Bulong ko.
"Parang baby," umawang ng bahagya ang manipis ngunit panguso niyang labi.
Namumula 'yon na para bang hindi siya nagsisigarilyo, "Stop." Hinawakan niya ang pulsuhan ko nang subukan kong hawakan ang labi niya gamit ang hinlalaking daliri ko.
Napakurap ako at tsaka ko itinago ang mukha ko sa kaniyang leeg nang pumasok sa isip ko ang mukha ni Yuno.
Damn, I miss that man so much.
"Yeon.."
"Hmm?" He responded.
"Do you have any idea what's happening with Yuno?" Bahagya akong lumayo sa pagkakatago sa leeg niya at sinalubong ang tingin niya ngunit salubong na ang kilay niya at medyo matalas ang tingin.
"Oh, him." Pabulong niyang sabi at tila nag-iisip.
"It's been a while since I saw him, but I heard he's busy on his new project." Tumango ako.
"Is he okay?" I asked.
"Maybe, he is." Balik sagot niya, nang mapansin na nakaupo pa rin ako sa kandungan niya habang ang kamay niyang isa ay nakayakap sa bewang ko ay ngumuso ako.
"Ano 'to? Friends with benefits?" Kwestyon ko sa ginagawa namin, he stopped himself from talking and stared at my face.
"Where's the benefit, Sie?" My eyes widened on his response, what does he mean?! Is he talking about s-sleeping together?!
He pursed his lips to stop it from smirking, "Gago." Singhal ko at hinampas siya sa dibdib.
"Masyado ka na yatang kumportable sa kinauupuan mo?" Dahil sa sita niyang may bahid ng asar ay tumayo na ako at napalipat sa sofa.
"K-Kasalanan mo," bulong ko.
"So, it's really comfortable?" Pinigilan kong mamula sa sinabi niya, trying to be brave enough not to be affected.
"Yeah, it's soft." Bahagyang tumaas ang kilay niya sa sagot ko, I watched his hand tapped his lap twice.
"Sit again," dahil doon ay nag-init na talaga ang pisngi ko dahilan para humanap ako ng maiinom ngunit wala na.
"Shit." Natatarantang bulong ko.
"U-Umuwi ka na nga!" Nahihiyang sabi ko.
"Alright, go to bed. I'll clean your mess and then I'll go home." Nang tumayo siya ay ngumisi ako, wow, responsible bisita.
"Okay. Thank you, goodnight." Paalam ko at humakbang papalapit pero agad akong napaatras at tumakbo papasok sa kwarto ko nang humakbang siya ng dalawang beses.
He's so hard to tease!
Isang buwan ang nakalipas ay bahagya akong umaasa na makita si Yuno ngunit hindi man lang nagsasalubong ang landas namin.
Hanggang sa kailangan ko umuwi sa bahay ni lola dahil may kailangan akong kuhanin sa kwarto ko doon, ngunit pagkapasok ko ay natigilan ako ng makita ang pamilyar na likod ang nakaupo sa dining.
Napatitig ako doon ng matagal, kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko ngunit huminga ako ng malalim tsaka ako naglakad ng walang tunog o yabag ng paa.
Sana hindi niya ako makita, ngunit biglang tumunog ang cellphone ko nang nasa hagdan na dahilan para mataranta akong kunin 'yon at sagutin ang tawag.
"Sierah nandito ka pala—" Halos mapatigil ako nang tawagin ako ni Kuya Laze.
Shiit!
Si Yeon naman kasi!
Nilingon ko sila habang yung cellphone ko ay nasa tenga ko, "I'll just get something in my room, kuya." Paalam ko hindi tinitignan si Yuno na nasa tabi niya.
"Okay, get it then." Tumango ako tsaka ko pinakinggan si Yeon na kanina pa nagsasalita.
"Sie, answer me." Rinig kong sabi niya.
"What the hell, Yeon, mamaya na kasi may kukunin ako sa bahay. Tatapusin ko yung research maghintay ka." Reklamo ko tsaka ako naglakad paakyat sa hagdan.
Ramdam ko ang tingin ni Yuno sa 'kin kahit pa nakatalikod ako.
"Alright, go to my office. I'll check it first," sagot niya.
"Opo, bye." Paalam ko at pinatay ang tawag.
Nang makuha ko yung kailangan ko ay kinakabahan akong bumaba dahil pag pababa ay nakaharap na ako sa kanila, maayos ba ang hitsura ko?
Ngunit habang nasa taas ako ay natanaw ko si Jami sa baba, nakangiti si Yuno at mukhang pinipikon si Jami.
"Nandito ka na naman kuya, nakakasawa na ang mukha mo." Rinig kong sabi ni Jami kaya umiwas tingin na ako sa kanila habang naglalakad pababa.
"Ate Sierah!" Excited na tawag ni Jami sa akin kaya ngumiti ako.
"Hmm kumusta?" Tanong ko at inayos ang buhok niya ng lumapit siya sa akin.
"Okay naman ate, stress sa upcoming exam. Ikaw ate? I heard ang sweet sweet ni Mr. Villamos sa'yo sa debate mo ha." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jami.
"B-Baliw hindi ah, guni-guni lang nila 'yon." Dahilan ko.
"'Di ba si Kuya Yuno gusto mo ate? Nagbago na ba?" Bulong niya kaya hindi ako naka-imik.
Ngunit mukhang narinig 'yon ni Yuno at hinihintay niya ang sagot ko, peke akong tumawa. "Ano ka ba, lahat nagbabago 'no." I answered while chuckling.
"Stay for meryenda, Sierah. Sit here," at dahil ngayon lang kami nagkita ulit ni Kuya Laze ay hindi ako makatanggi.
"Okay po." Magalang na sabi ko.
Naupo ako sa tabi ni Kuya Laze sa bandang tapat ni Yuno, wala akong imik na kumain nang hinain niya.
Hindi ako makatingin, nahihiya ako ngunit bakit ako mahihiya?
"Kumusta studies Sierah?" Umakyat na muna si Jami upang maligo, kaya nilingon ko si Kuya Laze.
"Okay naman kuya, doing good."
"Mabuti naman, aral ka mabuti. Malapit ka na rin grumaduate." Tumango ako kay Kuya Laze at matipid na ngumiti.
Wala nga pala siyang alam.
Later on tumawag si mommy kaya sinagot ko na kaagad kahit nasa harapan nila.
"Yes mommy?" Panimula ko habang pinupunasan ang labi ko ng tissue.
"Pagsabihan mo 'yang si Zian at ang sakit-sakit na ng ulo ko sa kaniya, nagpa-iyak na naman ng babae!" Sa pagmamaktol ni mommy ay mukhang sumosobra na si Zian.
"Pauwi na diyan, anak. Pagsabihan mo. Nakiki-usap ako sa'yo dahil busy kami ng daddy mo. Jusko." Mahina akong natawa.
"Sure mommy. Take a rest." Sinabi niya rin 'yon kung kaya't hinintay ko si Zian.
"Kuya, hihintayin ko lang si Zian aalis na rin ako." Paalam ko kay Kuya Laze.
"Ang bilis naman?" Nagtatakang tanong ni kuya, matipid akong ngumiti.
"Busy kuya."
"Is that so, why did tita call you?" Huminga ako ng malalim bago sumagot, "Yung magaling kong kapatid kuya, nagpa-iyak na naman." Natawa si Kuya Laze sa sinabi ko.
"As he always do," ngumuso ako at nang pumasok si Zian ay pinaningkitan ko siya ng mata.
"Let's talk." Sambit ko, sumulyap kay Yuno na ikinatigil niya ngunit ibinaling ko ang tingin kay Zian na nasa bandang likuran niya.
Tumayo ako at tsaka ko hinila ang braso ni Zian na nagsisimula ng mag-maktol.
"Tell me, what did you do again?" Ubos na ubos ng pasensya kong sabi, ngumuso siya at pinaghawak ang kamay niya.
"Ate naman eh.."
"Ano nga?" Masungit na sabi ko.
"U-Umiyak kasi yung babae ate, nakikipag-break lang naman ako eh." Nahampas ko siya sa braso.
"Bakit ka nakipag-break? Ginusto mo man lang ba yung babae para gawin mong nobya mo ha?" Kwestyon ko, nahimas ni Zian ang braso.
"Ate kasi makulit siya, sabi niya gusto niya ako oh pinagbigyan ko lang naman na maging girlfriend ko siya ng isang buwan." Natigilan ako sa sinabi ni Zian dahil naalala ko rin kung gaano ako kakulit.
"Zian mali kasi 'yon." Seryosong sabi ko bigla.
"Ate kasalanan niya naman, hindi ko nga siya kayang gustuhin." Bumuntong hininga ako at pinagkrus ang braso ko.
"Kung ganoon bakit mo ginawang nobya?" Gitil ko.
"Nakakaawa eh." Sumeryoso ako lalo sa sagot niya.
"Kahit kailan ka talaga, alam mo bang sa ginawa mo pinaasa mo siyang magugustuhan mo siya? Hindi ka ba nag-iisip ha!?" Natigilan si Zian ng mag-taas ako ng boses.
Napakurap siya, "Sana sinabi mo na lang na hindi mo siya gusto kesa gawin mo siyang nobya mo kahit na ayaw mo naman talaga sa kaniya. Kung wala naman pala talagang pag-asa sana hindi mo na pinaasa kasi mas masakit yung ginagawa mo." Hindi umimik si Zian matapos ko sabihin ang mahabang 'yon.
"Ate ilang beses niya naman po akong nakita na may kasamang iba bakit sinasabi niyang okay lang? Bakit tinatanggap niya pa rin ako? Ako na po—"
"Kasi nga gustong gusto ka niya, kaya tinitiis niya kasi umaasa siyang baka magustuhan mo pa siya." Sagot ko.
Naitikom ni Zian ang bibig, para akong maiiyak sa sama ng loob dahil bigla ay naawa ako sa babae dahil pakiramdam ko ay ganoon rin ang dinanas ko.
"If you have a girlfriend, either you like her or not at least respect her 'cause you entered that relationship. It's your responsibility to stay loyal and faithful." Nakagat ko ang ibabang labi ko at kumuyom ang kamao ko.
"Sierah, calm down." Pag-awat ni Kuya Laze sa akin.
"No, kuya. He will never learn, girls are not toys na sa tuwing hindi ka na masaya ay papalitan mo." Singhal ko.
"Sorry ate."
"Hindi mo man siya gusto pero gusto ka niya kaya masasaktan talaga siya Zian, sa tingin mo ba madaling magkagusto sa taong hindi ka gusto o may gusto sa iba?" Umiling siya at pinaglaruan ang daliri.
"Galit na galit ka sa tuwing nasasaktan ako, pero look at you not realizing that, what if sila yung babaeng ate mo at sinasaktan rin?" Ngumuso si Zian.
"A-Ano po gagawin ko? Babalikan ko?" Naguguluhan niyang tanong.
"Huwag na, kung hindi mo pa rin naman gusto mas papaasahin mo lang." Masungit na sabi ko.
"Sorry po ate," sabi niya ulit.
"Huwag ka sa akin mag-sorry, kundi doon sa babae." Seryosong sabi ko, napalingon si Zian sa likod ko at halos tampalin ko ang bibig at daliri niya ng ituro niya si Yuno.
"'Di ba ate boyfriend—"
"Shut up." Mahinahon na sabi ko.
"Kuya Laze, I'll go ahead." Paalam ko humalik pa ako sa pisngi niya.
"Pasabi na lang kay Jami kuya, bye." Paalam ko at aalis na sana pero pinigilan ako ni Kuya Laze.
"Hindi ba kayo bati ni Yuno? Parang hindi yata kayo nag-uusap tulad noon?" Napalunok ako at dahil doon ay napatingin ako kay Yuno.
"Ah, I'll go ahead then, Yuno." Paalam ko.
Napatitig siya sa akin, napakurap tsaka siya tumango. "Take care, Sierah." Tumalikod ako kaagad nang marinig ko ang boses niya, binilisan ko ang lakad.
Dumeretso ako sa office ni Yeon, pagkapasok ko ay nasundan niya ako ng tingin na dumeretso agad sa pwesto ko sa office niya.
"What happened?" I've seen his face become worried and walk towards me leaving his work.
"Wala."
"Are you sure? Sie?" Natingala ko si Yeon, nakagat ko ang ibabang labi, ilang buwan na rin mula nang mangyari 'yon.
Sierah, please. Forget about him, he doesn't seem to be affected.
Yuno is fine, you're the only one who's miserable, Sierah.
"Sie." Napatitig ako muli kay Yeon tsaka umawang ang labi ko, "Huh? A-Ano 'yon?" Naguguluhan na sabi ko bigla.
"What happened? You can tell me everything." Naupo siya sa tabi ko dahilan para lumunok ako.
"I saw him today, at our house." Kinakabahan na sabi ko, Yeon's brows furrowed instantly.
"You came back to him? Again?" That sounded so tired, his tone as if he's expecting me to do that.
"N-No."
Nagbago ang ekspresyon niya, "Okay, what happened?"
"H-He seemed okay, Yeon. P-Parang ako lang talaga yung nagdudusa hanggang ngayon," Napayuko ako nang muling umukit ang sakit sa dibdib ko.
Namasa agad ang mata ko dahil sa harapan ni Yeon na naman ako umiiyak. "A-Ayoko na ng ganito." Seryosong sabi ko.
"P-Pakiramdam ko ay hindi ako bumubuti, hindi na yata ako sasaya kung hindi dahil sa kaniya." Yeon sighed on what I exclaimed.
"What then? You'll let that feeling consume you? You'll believe that he's the only one who can make you happy?" That tone had a hint of sarcasm.
"I-I don't know.."
"H-Hindi ko alam, Yeon. N-Naguguluhan ako ngayong nakita ko siya ulit, p-parang—"
"Enough." Napatitig ako sa kaniya. Tumayo si Yeon at umiwas tingin, "I don't want to hear it anymore, I'm sorry." Pinanood ko siyang ayusin amg salamin niya at tsaka siya naglakad papalabas ng opisina niya.
Nagagalit ba siya?
Naiinis ba siya sa akin? Dahil sa nararamdaman kong walang kapaguran?
Well, I guess he had the right to.. He's been here beside me, cheering me up, helping me forget him, drinking with me, hanging out with me.
Sobrang self-centered ko kung minsan na below the belt ko na siya kung pagsalitaan.
Yeah, for sure he's mad.
After two hours doon lang siya bumalik may dalang coffee ngunit hindi ako iniimik.
Galit talaga siya?
Hindi na rin ako umimik at nang matapos ko ang pinagagawa niya ay inilagay ko 'yon sa harapan ng desk niya.
Sinulyapan niya lang 'yon at muli na siyang tumipa sa laptop niya, "Check it, uuwi na ako." Mailap kong sabi ngunit kinuha niya 'yon at tinignan for like 3 minutes.
"It's good." Kinuha ko 'yon.
"Thanks, bye." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya tsaka ako umuwi.
After a week hindi niya ako pinuntahan o pinansin, mukhang galit nga siya sa akin.
Sa 'yon ang nararamdaman ko? I'm just being honest.
Night time, katatapos ko maligo ay na-excite akong tumakbo sa pinto nang mag-bell 'yon.
"I know you can't resist me, Four-eyed—" Nanlaki ang mata ko ng makita si Yuno sa harapan ng pinto ko.
Oh my god.
Oh my god!
"Y-Yuno." Gulat kong sabi.
"Oh, you're expecting someone else." Napatitig ako kay Yuno, mukha siyang makainom ngayon.
"Yuno, umuwi ka na. Lasing ka lang." Mahinang sabi ko.
"Hmm, ayaw." Nang pilitin niyang pumasok ay wala akong nagawa.
"Yuno." Mahinang tawag ko sa pangalan niya, I didn't expect him to come.
"Can I sleep here?" Halatang inaantok siya.
Bumuntong hininga ako, "Things aren't like before anymore, Yuniko. Umuwi ka na, having you here is making me uncomfortable." Seryosong sabi ko sa kaniya.
"I want to feel your company again, Sierah. At least this once—"
"Ano ba ako para sa'yo? Spa? Salon? Parausan? Arcade?" Galit na sabi ko.
"I asked you to stop giving me hope. What's hard about that huh?!" Pag-taas ko ng boses sa sobrang pagkapikon.
"Sierah." Nanlumo ang mata niya.
"Tama na, Yuno." Nalulungkot na sabi ko.
"Sierah, please? I can't take it anymore. Miss na miss na kita, tangina." Tumulo ang luha ko sa sinabi niya, naiiyak ko siyang tinitigan.
"Mababaliw na ako, gusto ko ng bumalik. Ayoko ng pakinggan ka pa." Napahilamos siya sa sariling mukha, halatang lasing na.
"Ayoko ng lumayo, ayoko ng umalis, hayaan mo na lang ako rito Sierah. Nahihirapan na ako," nang tumulo ang luha niya ay tumakbo ako papasok sa kwarto ko upang awatin ang sarili ko.
Hindi. Hindi ako bibigay, lasing siya Sierah. B-Baka hindi niya na maalala ang sinabi niya kinabukasan.
Nag-tago ako sa ilalim ng kumot ko ay pumikit, dinedeadma ang pagtawag niya sa akin ng mahina sa likuran ng pinto ko.
Yuno, please.
Kinaumagahan ay naalimpungatan ako, tumayo ako kaagad at nilabas siya ngunit wala na siya sa sala ko.
U-Umalis na siya?
Hindi niya na ba naalala ang sinabi niya kagabi?
Hinintay ko siyang bumalik ngunit nadismaya lang ako ng sobra dahil inabot ako ng ilang linggo kahihintay.
Nang may mag-bell isang gabi ay tumakbo ako sa pinto at kasabay ng pagbukas ko ay 'yon ring sambit ko sa pangalan niya.
"Yuno bumali— Y-Yeon." Ang masayang mukha ni Yeon ay biglang nagbago nang marinig niya ang sinabi ko.
"Yuno?" Pag-uulit niya.
Ngumiwi agad ang labi niya sa pagka-dismaya, "Yeah, Yuno. Sino ba naman ako para asahan mo?" Kinabahan ako nang makita ko ang mukha niya.
"Ako lang ba yung nahirapan? Nahirapan kung paano ako lalapit sa'yo ulit?" Masama ang loob niyang sabi kaya napayuko ako.
"Sorry, Yeon." I sincerely said.
"Pero, I don't think I can like you. G-Gusto ko ng bumalik kay Yuno, gustong gusto ko ng bumalik sa kaniya." Tumutulo ang luha ko na para bang si Yeon ang makapagbibigay ng isang Yuno sa akin.
"Sie.." Hindi makapaniwalang sabi niya, pinapasok ko siya ng condo ko.
Upang hindi nakakahiya sa iba, "Yeon gusto ko ng bumalik kay Yuno, a-ano ng gagawin ko?" Tinitigan niya ako ng blangko.
"Ang sakit sakit na, hirap na hirap na rin akong tiisin 'to." Nagsimula akong humikbi.
"P-Para akong mamatay pag wala siya. Kakalimutan ko na lang yung ginawa niya, Yeon. P-Pwede 'yon 'di ba?" Tumalas ang tingin ni Yeon sa akin dahilan para mas maiyak ako.
Pagod na pagod na rin ba siya sa akin?
"Mahal na mahal ko siya, Yeon. M-Mababaliw na yata ako, hindi ako mapakali—"
"Do whatever you want to do, I'm out of here." Yeon stepped back twice and sighed, he turned his back on me and left my condo.
Natulala ako sa pag-alis niya, ngunit matapos no'n ay hindi na bumalik si Yuno sa condo ko.
Kahit anong bakas niya ay nawala, nalaman ko na may project siya sa malayo. Ngunit nag-aalala ako kay Yeon na kahit anong paramdam sa akin ay wala na.
He even unfollowed me on every social media account pero hindi ko siya i-unfollow.
Sa tagal ay naninibago ako ngayong wala siya, galit ba siya sa akin?
Inabot ng dalawang buwan ngunit hindi na niya ako kinausap, pinsansin, o ginulo pa. Yeon basically made me a stranger again.
That leads to a rumor that the two of us are breaking up already, ngumuso ako.
Namimiss ko si Yuno ngunit namimiss ko rin ang pangg-gulo sa akin ni Yeon.
Hanggang sa makita ko ang story ni Yeon sa IG, nasa club siya at iba ang kumukuha ng video.
Nagulat ako nang may babaeng sumasayaw sa harapan niya ngunit hindi man lang siya tumanggi.
Wow. Hindi muna siya nakipag-hiwalay sa akin 'no?
Ang kapal ng mukha niya huwag niya sabihing cheating na naman ang susunod na rumor?
I called him but he never answered. I left a text message.
To Four-eyed:
If you're going to flirt with others at least confirm to the social media that we're done! Asshole!
Pero hindi siya nag-reply, he can't even receive my message anymore since he's not following me back.
Nakakainis!
Saan ba 'yung bar na 'to?
Nag-ayos ako at nagpahatid doon, nang makarating ay hinanap siya ng mata ko. But then they were three girls that are surrounding him but he's looking away from them.
Mukhang yung mga kasama niya ang salarin, I walked near them. "Excuse me." Magka-krus ang braso ko habang masama ang tingin kay Yeon.
Ngunit sinulyapan niya lang ako at hindi pinansin, ah so this is the real him huh? He's back from being a cold damn jerk?
Nagulat mga kaibigan niya, "Uy si Ms. Garcia." Natatarantang sabi nila.
Pinaaalis nila yung mga babae ngunit ayaw umalis ng mga 'yon. Lumapit ako at sinamaan ng tingin ang mga babae, "Tabi." Seryosong sabi ko.
"Nagt-trabaho pa kami, kung sino mas magaling right—"
"Tabi." Umirap ito at inis akong sinunod.
"Follow me." Masungit na sabi ko kay Yeon na bumuntong hininga at tila yamot na yamot na pinakinggan ako.
Nang sumunod siya ay pinagkrus ko ang braso nang makalabas kami ng club, "What?" Masungit niyang sabi at umiwas tingin.
Napatigil ako nang magsindi siya ng sigarilyo sa harapan ko, hawak niya ang isang magandang lighter habang nakaipit sa gitna ng labi niya ang stick ng sigarilyo.
He lit it so I rolled my eyes, "Why did you go here? This late, in that sleepwear?" He pointed at my clothes using his lips.
"If you're going to show the world that you're letting women sit on your lap, dance in front of you, date them or sleep with them, show them first that we're done!" I said, my eyes darted on him.
"Kasi pinalalabas mo na naman sa buong mga tao na nakakaalam na niloloko mo 'ko, na pinagpalit mo ako! Kahit dito lang sa relasyon na 'to sana naman maayos. Ayokong sa susunod yung article na lalabas tungkol sa akin ay niloko, niloko, niloko na naman." Pagod na pagod kong sabi.
"Ah that's your reason why you came here?" He sounded so bored, he inhaled on his cigarette from his mouth and blew the air out.
"Obviously, ano pa ba?" Inis kong sabi.
"Okay." Tumango siya at itinulak ang salamin niya paitaas sa tangos ng ilong tsaka niya ibinulsa ang isang kamay sa pants na suot niya.
"What do you want?" he asked.
Bigla ay hindi ko alam ang isasagot ko, "S-Sinabi ko na kanina."
"What is it?" He coldly asked, I sighed.
"I already told you, bakit mo pa ako tinatanong ulit nakakainis ka naman!" Napipikon kong sabi, he looked away and he seemed to finish his cigarette.
"Are you sure that's what you really want?" Napalunok ako nang titigan niya ako, his hazel eyes were staring at me like it doesn't care about me, anymore.
"You know what, I really want to sleep with someone right now." My eyes widened, why is he telling me those?!
"As my girlfriend—"
"W-What?" Gulat na tanong ko.
"Let me finish, dumb. Whom should I sleep with? Pick one for me, if you remember the three women in front of me a while ago." Kumuyom ang kamao ko sa tanong niya.
"G-Gago ka ba? Why would you ask me that!" I yelled.
"You shouldn't go out in that kind of clothes, especially in a club where a lot of drunk men and horny men are luring." He pointed my clothes with his fingers napatitig ako sa damit ko.
Yeah. He got a point.
"Sleep whoever you like, wala akong pakialam. Ganiyan ka palang klase ng lalake." Nandidiri kong sabi sa kaniya.
"You sleep with them kahit na kakakilala mo lang sa kanila." Nakakuyom ang kamao kong sabi.
"Hmm, why do you sound so mad, girlfriend?" Sinamaan ko siya ng tingin, para niya akong ginagago.
"I can't believe that you ran here just to say that," his hazel eyes seemed like guessing me.
"A-Ano pa ba?"
"Two months, Sierah." Napatitig ako sa kaniya nang muli niyang sambitin ang pangalan ko.
"Maybe you're back with Yuno? How dumb." Bulong niya at umiwas tingin.
"I didn't, he's far away at the moment." Sagot ko.
Tumaas ng bahagya ang kilay niya, "Then before breaking up, I'm going to show you how unrespectful I am." My lips automatically parted in shock when he pulled me closer and kissed my lips.
///
@/n: Any thoughts? Sorry for late update, enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top