Chapter 13: Seeking Forgiveness
Chapter 13: Seeking Forgiveness
Sierah's Point Of View.
"Anong idadahilan mo sa akin ngayon?" Sarkastikong kwestyon ko sa kaniya.
Bahid ang pag-aalala sa kaniyang mukha, "Yung yakap mauunawaan kong kailangan sa ganitong sitwasyon, pero yung halik?!" Napayuko siya at napaghawak ang kamay.
"Did that kiss make her tears stop? Huh?!" I raised my voice as I'm having a hard time breathing.
"Sorry S-Sierah, hindi ko alam, nabigla lang ako—"
Malakas ko siyang sinampal dahilan para mas mabigla siya, "Nabigla ka rin 'di ba? Hindi ka naman nanghalik?" Sunod-sunod na tumulo ang luha ko.
Binalot ako ng kalungkutan at sakit, "Sorry." Pabulong niyang sabi.
"Sorry lang?! Bakit 'yang sorry mo walang katapusan? A-Akala ko ayos na eh, akala ko ako na yung gusto mo. P-Pero bakit?" Sabi ko habang tumutulo ang luha.
"Bakit mo naman kailangang paasahin pa ako ulit para saktan lang ulit? Kung wala talagang tyansa na gustuhin mo 'ko sana hinayaan mo na lang ako!" Galit na sigaw ko.
"Sana— s-sana pinabayaan mo na lang ako at hindi mo na sinabing babawi ka!" Yumuko lang siya.
"Sierah, I'm really sorry. P-Pero w-walang pagpapanggap sa lahat ng ginawa ko sa'yo—"
"At sa tingin mo maniniwala pa ako sa'yo? A-Alam mo ikaw lang yung lalakeng binibigyan ko ng ilang beses sa pagkakataon dahil mahal kita pero tangina lang Yuniko!" Hinampas ko siya sa dibdib lalo na nang humagulgol na ako.
"I h-hate you so much!" Bulyaw ko.
"S-Sorry. S-Sorry Sierah. H-Hindi ko sinasadyang saktan ka—"
"At ano lang?! Hindi mo 'ko naisip kasi na-blanko ni Jami ang utak mo?! Nakakaakit bang halikan ang labi niya ha!?" Itinulak ko siya nang ipilit niyang yakapin ako.
"Ang s-sama sama mo! Ang sama sama mong tao!"
"A-Alam mo s-sana hindi na lang kita g-ginusto. You're the worst man I ever knew, my exes c-cheated on me pero you played with my feelings and that's the worst." Dinuro ko siya tsaka ako umatras papalayo sa kaniya.
"Sierah, Please.."
Tinalikuran ko siya at tsaka ako naglakad papunta sa sasakyan ni Yeon. "Sierah." Humabol si Yuno sa akin.
"Huwag mo 'kong susundan!" Pagtaas ko ng boses tsaka ako nagmamadaling lumapit sa kotse ni Yeon.
Nang buksan ko 'yon ay sumakay na kaagad ako, kumatok si Yuno sa bintana ngunit tinignan ko si Yeon.
"T-Tara na." Mahinang sabi ko.
"Okay." Nag-drive na si Yeon, napasulyap ako kay Yuno sa side mirror.
Nasapo ko ang mukha at umiyak kahit pa naririnig ni Yeon 'yon. Wala na akong pakialam dahil ang sakit sakit ng ginawa niya.
"Where should I take you?" Pinahid ko ang luha, "S-Sa condo ko."
Nang makarating ay bumuntong hininga si Yeon. "Sie." Nalingon ko si Yeon.
"I know how much you like or love him, but if you keep on coming back to him. I'm sorry, but I won't allow it anymore." Nangunot ang noo ko at naguguluhan siyang tinignan.
"What do you mean?"
"I'll make things real between us, forgive me." Naguluhan ako sa sinabi niya.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Simula ngayon I will remove the remaining feelings you have for him. I swear to make you fall for me harder." Umawang ang labi ko at pekeng natawa.
"Moron, huwag mo na gatungan ang sama ng loob ko. Bababa na ako." Tinawanan ko na lang ang sinabi ko.
"You'll see, you'll notice it yourself how confusing it is everytime you see me." Hinampas ko siya sa braso tsaka ako bumaba sa sasakyan niya.
Nababaliw na yata si Yeon.
Pagkatapos ko magpahinga sandali ay dumeretso ako sa bahay ni lola, nanghihina pa ako dahil sa namumugto kong mga mata.
I wore black as I needed to be, pagkarating doon ay lumapit kaagad ako sa kanila.
Pinigilan ko maiyak nang ang daming nagluluksa, naupo lang ako sa gilid tulala at hindi ko man lang ginawang kausapin ang ibang kumakausap sa akin.
"Anak.." Nang tignan ko si mommy ay lumabi ako.
"What's wrong baby?" Malambing niyang sabi ngunit umiling ako at yumakap na lamang habang nakaupo ako at siya ay nakatayo sa harapan ko.
Hinaplos niya ang ulo ko. Bumuntong hininga si mommy at hindi na muna nagtanong, "Namumugto na naman yung mata mo," bumuntong hininga si mommy.
"Nandito si Yuno anak—"
"Mommy, let him." Napatitig si mommy sa akin mukhang naunnawaan kaagad ang pinararating ko.
Lumabi ako at pinigilang maiyak. "Babe, can you help be here?" Nang tawagin ni daddy si mommy ay hinayaan ko na umalis si mommy.
Nang makita ako ni Yuno ay napatitig siya sa akin kaya umiwas tingin kaagad ako, "Jami." Pagtawag ko kay Jami, naiiyak siyang lumapit sa akin.
"Kuya's alive right eonnie?" Niyakap ko siya at hinagod sa likod.
"I hope too, Jami." Bulong ko.
"Condolences." Napatigil ako at napatitig kay Yeon na kasama ang kapatid at ang parents niya.
Wala yung lolo niyang matapobre.
"Thank you, Mr. Villamos." Pasalamat ni Jami.
"Ako na aasikaso sa kanila," pagkukusa ko dahil mukhang pagod na rin si Jami.
"Thank you ate."
"Follow me po." Anyaya ko sa kanila, ngunit natigilan ako nang parang akbayan ako ni Yeon.
"Be strong." Bulong niya, amoy na amoy ko ang kaniyang pabango at ang menthol ng sigarilyo niya.
He's wearing a plain black long sleeve korean lapel and a black slacks.
Ang salamin niya ay naging silver ang frame, nang madala ko sila sa pwede nilang upuan ay pinilit ko ngumiti.
"Get ko lang kayo ng coffee." Paalam ko kay Yeon.
"I'll join you." Tumango ako at nang magkasama na kaming dalawa ay hindi namin pinansin ang nalampasan na si Yuno.
Nang madalhan namin sila ng coffee and food ay tahimik lang ako, nakatulala sa kung saan. Hanggang sa wala ako sa sarili na naglakad ay bigla akong may nakabangga at natapon ang mainit na kapeng hawak niya sa damit ko.
Mainit 'yon kaya medyo na-angat ko kaunti yung shirt ko palayo sa balat ko, "Careful, Sie." Natigilan ako nang lumapit si Yeon ngunit mas nagtaka ako ng lumapit si Yuno.
"Nasinit ka?" Tanong ni Yuno at halos iiwas ko ang sarili noong hawakan niya ako.
Kunot noo ko siyang tinitigan, "Huwag mo akong hawakan."
"Magbibihis lang ako," Paalam ko kay Yeon na nakahawak sa balikat ko tsaka ko iniwan ang dalawa.
Kagat labi kong pinigilan ang sarili sa pagtangis dahil sa simpleng ganoon ni Yuno ay nasasaktan ako.
Kung kailan mas napamahal ako sa kaniya tsaka gugustuhin kong sumuko dahil sa isang paghalik niya kay Jami.
Akala ko kasi ako na lang, pero pag kaharap niya si Jami hindi pa rin pala niya kayang hindi gawin ang mga bagay na 'yon.
Matapos magbihis ay bumaba na ako ulit, matapos mag-asikaso ay minabuti kong magpahangin sa garden ni lola dahil para akong sinasakal sa loob.
Habang nakatayo ay natigilan ako sa mahinang pagtawag sa pangalan ko. "Sierah."
Napabuntong hininga ako bago nilingon si Yuno, "Can we talk?" Peke akong ngumiti.
"Yuno, pwede ba hayaan mo muna ako? Huwag mo 'kong lalapitan, huwag mo 'kong kausapin, huwag mo 'kong kukumustahin dahil mas masakit lang." Seryosong sabi ko.
Nanlumo siya ngunit wala akong pakialam, "Layuan mo ako."
"Wala ka ng ibang ginawa kundi saktan ako, minamahal lang naman kita." Masama na loob kong sabi, hindi ko na siya hinintay umalis tsaka ko siya iniwan doon.
Hindi ba niya nauunawaan ang kailangan ko ngayon? Hindi paumanhin kundi yung pawalain niya sa harapan ko ang sarili niya.
Kasi naalala ko ang halikan na 'yon.
Natapos ang ilang mga araw na miserable ay sinubukan kong bumalik sa ayos, nag-aaral ako, kumakain pa rin ako ng tama, sinubukan kong hindi siya isipin.
Hanggang sa dalawang linggo ang lumipas ay may nag-bell sa condo ko, ang aga-aga.
Wala naman akong pasok ah?
Binuksan ko ang pinto at halos magulat ako nang may bulaklak sa harapan ko, hanggang sa sumilip ang kung sino mang may hawak no'n.
"Four-eyed." Seryosong tawag ko ngunit ngumiti siya.
"Good morning, flowers for my beautiful girlfriend." Kunot noo ko siyang tinitigan sa sinabi niya.
"Baliw ka ba?"
"Remember what I said last time? I'm serious about it." Ngumiwi ako at hinawakan ang ilang bungkos ng rosas.
"Thanks for the flower." Pasasalamat ko.
"Walang kiss?" Pagkalingon ko sa kaniya ay sinamaan ko kaagad siya ng tingin.
"Kiss mo mukha mo, tumigil ka nga kakaganiyan mo. Hindi natin bagay." Sermon ko.
"Hmm, okay. Sungit." Bulong niya.
"Hindi naman natin makakain 'to." Tukoy ko sa bulaklak.
"That's why I want to take you out." Natigil ako tsaka ko nilingon si Yeon.
"Seryoso ka ba talaga diyan?" Kumurap ang mata niya, natigilan ako nang sandaling alisin niya ang salamin.
"Mukha bang nagbibiro ako?" I mean hindi maganda sa iba sa tuwing sinasabi nila 'yan pero nang sabihin niya sa malalim niyang boses ay parang tumatayo mga balahibo ko.
"Ah. Hehehe, broken pa 'ko. Gusto mo ba matulad sa akin?" Biro ko.
"I am 99% confident Sie, I can make you love me." Tumaas ang kilay ko at tsaka ako natawa.
"Baliw ka nga."
"Hmm, we'll see then. How long can you hold back from falling?" He stood up and walked near me, which made me swallow hard.
"99%." I confidently answer.
If I failed, it would be that 1% that I left unsure.
"I'm hungry, Sie. Pakainin mo naman ako," pinanlakihan ko ng mata si Yeon sa kaniyang sinabi na agarang dinumihan ang isip ko.
"Kakain tayo okay? Makasabi naman 'to ng pakainin akala mo ako yung bumubuhay sa kaniya." Sarkastikong sabi ko that made him chuckle.
"You're the source of my life—"
"Enough four-eyed. Hindi tayo gan'to ha, hindi tayo sanay sa sweet sweet na 'yan, kinikilabutan ako sa'yo." Singhal ko.
"Kinikilabutan o kinikilig?" He asked, smirking.
"You choose," ganting harot ko na ikinatigil niya tsaka siya natawa ng malakas.
"C'mon, take a shower or take a bath. 15 minutes." He tapped his leather watch and sat on my sofa.
Sinunod ko na lang siya at mas maaga ako natapos sa oras na sinabi niya. "Tara na," aya ko.
"Baka kainin 'yang bituka mo ng sarili mong mga alaga." He shook his head and lead the way, napahikab pa ako kaya nagtakip ako ng bibig.
Nang makarating sa kung saan kami kakain ay umorder na kami ng mga pagkain namin, namili siya at may dessert pa.
"This is brunch already, it's 11am." He seemed to check his watch from time to time.
"May lakad ka ba?" I wonder.
"Nope, just making sure that I'm not wasting a lot of your time. Mag-aaral tayo after this, mababa yung last recitation mo." Pinigilan ko ngumisi.
"Pati pag-aaral ko alagang alaga mo ah," Pagbigay pansin ko sa maganda niyang ginawa.
"Yup, you'll graduate with high grades because I am your boyfriend x tutor." Ngumiwi ako sa sinabi niya.
"Boyfriend in contract maybe." Bulong ko.
"Yeah, whatever."
Nang dumating yung order ay kumain kami kaagad, habang kumakain ay natigilan ako nang tumunog cellphone ni Yeon pero nang makita naming dalawa kung sino tumatawag ay pinatay niya 'yon.
"No phones while eating breakfast." Biglang sabi niya kaya napailing ako habang natatawa, ang dami niyang alam 'no?
Matapos namin kumain ay natigilan ako nang abutan niya ako ng ice cream, "Gamot sa biyak na puso." Nakangiting sabi niya, napakurap ako bago ko tinanggap.
"Ang dami mong pakulo."
"Hmm, para sa akin na lang kumulo yung puso mo." Halos maibuga ko yung ice cream sa ka-kornihan niyang dala.
"Tama ka na ngayon," banta ko.
"Okay. Sama ka sa office? May kukunin lang ako." Anyaya niya kaya tumango ako habang kumakain ng ice cream habang naglalakad.
"Kumusta kayo ng lolo mo? Cruel pa rin ba siya sa'yo? Gusto mo ba laitin natin? Joke." Bawi ko agad, sumeryoso kasi mukha niya.
"Let him realize everything he did wrong." Matipid niyang sabi, sumakay na kami sa sasakyan niya habang kumakain ako ng ice cream.
Kaka-kain ko ay hindi ko namalayan na nakalimutan ko mag-seatbelt dahilan para siya ang mag-lagay no'n kaya halos bumaon ang likod ng ulo ko sa sinasandalan.
Pagkarating sa office niya ay naubos ko na yung ice cream, "Watch me, so you'll get used to this soon." He reminded me and I walked beside him.
Nang salubungin ang malakas na hangin ng aircon ay naamoy ko rin si Yeon dahil nasa harapan ko siya.
Bango.
Pagkarating sa office niya ay naupo ako sa gilid, may ilan lang siyang pinirmahan at may kinausap rin siya na employee niya.
"Do you have plans today?" Biglang tanong niya habang tutok sa pag-pirma ng ilan pang mga folders.
Tumayo tuloy ako at naupo sa harapan ng table niya, "Wala naman, bakit?"
"Okay, study these sales first. Then tell me what do you think, is it raising or I'm just getting enough." He handed me a folder that I immediately scanned.
"Good day sir, should I bring anything for your guest?" Because of his secretary, Yeon's eyes met mine.
"What do you want while you study that?" Seryoso siya, as in sobra parang hindi niya ako inasar at nilandi kanina.
"Hmm, hot chocolate." I requested.
"Is that all?" Napaisip ako sa tanong niya, "What more pa ba?" I asked.
"Snacks?" He suggested.
"Muffins."
"That will do." Dagdag ko pa.
"Okay." Maya-maya ay umalis na yung secretary niyang babae kaya napahikab ako at bumalik sa seat ko kanina.
Nag-focus naman ako sa binigay niya at inunawa ko 'to, napapagamit pa ako ng calculator para mas mabilis.
Lumipas ang isang oras ay natapos namin ang ginawa sa office niya, "Uwi na ako, inaantok ako." Maktol ko.
"Okay, let's go. I'll take you home."
Pagkahatid niya sa akin ay mag-isa na ako ulit, tulad ng sinabi ko ay natulog talaga ako upang bawasan ang kalungkutan.
Nagising ako kinagabihan ay kumain lang ako ng dinner na instant tsaka ako natulog ulit pagkatapos.
Paulit ulit na ganoon yung routine ko lalo na sa tuwing wala si Yeon, pero madalas ay siya ang kasama ko.
Nasasanay na nga ako sa pagiging magulo niya, minsan ay sumasama rin ako sa office niya para aralin ang iba pang bagay na ukol sa kurso na tinahak ko.
Ganoon kasi yata talaga, naaliw ako kahit sandali ay nawawala sa isip ko si Yuno.
Pagkatapos ko mag-shower kinagabihan ay mahihiga na sana ako sa sofa ko upang manood ng biglang may nag-bell.
Si Yeon na naman 'to, makiki-kain o mang-gugulo, pwede ring turuan at pag-aralin niya na naman ako.
Tumayo ako at nakangiwing lumapit sa pinto, bago buksan ay nagsasalita na ako yung maririnig niya. "Hay nako four-eyed, nandito ka na naman. Dinadalasan mo, wala ka man lang dalang pagkain kundi yung pusa mo—" Naestatwa ako nang pagkaharap ko ay si Yuno ito.
"Y-Yuno." Gulat na sabi ko.
Bigla ay nanumbalik sa akin ang ginawa niya dahilan para titigan ko lang siya. "B-Bakit ka nandito?"
"Can we talk now?" Naguguluhan ko siyang minasdan bigla ay hindi ko alam ang sasabihin ko.
Usap? Para saan pa?
"About?" Seryosong tanong ko.
"About us." Hindi ko alam ngunit medyo nanibago ako sa hitsura niya, para siyang kulang sa tulog dahil sa bahagyang nangingitim ang ibabang mata niya.
Bumuntong hininga ako, "May pag-uusapan pa bang tungkol sa ating dalawa?" Nakakunot noo kong sabi.
Hindi ako okay, pero gusto kong ipakita sa'yo na kakayanin kong wala ka.
"Sierah.."
"Come in." Matipid na sabi ko at tsaka ako kumuha ng pwede niyang inumin.
Inilapag ko 'yon sa center table ko sa sala, tsaka ako naupo sa single sofa. "Anong pag-uusapan?" Tanong ko.
"I'm really sorry about what happened." Tumango ako sa sinabi niya.
"Okay."
"What do you mean okay?" Hindi ko alam kung nakainom ba siya pero hindi ko na inalam.
"Okay, sige. Ano pa?" Paglilinaw ko, hinahanap pa ang dahilan kung anong pinunta niya rito.
"Sierah, can I have another chance?" Napatitig ako sa mukha niya.
Please lang huwag mo 'kong tignan ng ganiyan, baka bumigay na naman ako at magpakatanga.
"A chance?" Pag-uulit ko, nililinaw sa sarili ang sinabi niya.
"Again?" bulong kong sabi, napayuko ako at hindi siya nagawang tignan dahil nasasaktan na naman ako.
Nagsimula na namang mamuo ang luha sa bawat sulok ng mata ko, ang kirot sa dibdib ko ay paulit ulit na naman akong sinasaktan.
"Yuno, bakit? Bakit ka pa hihingi ng chance? Bakit ka pa nandito sa harapan ko kung hindi mo naman ako gusto talaga 'di ba?" Naguguluhan na sabi ko.
"Hinalikan mo ang pinsan ko, Yuno. Alam kong hindi mo ako gusto, alam kong ginawa mo lang akong girlfriend mo to make me quiet or feel better pero Yuno bakit sa tuwing naglalakad ako papalayo sa'yo tsaka ka lang humahabol?" Mahabang sabi ko na tuluyang nagpaluha sa akin.
"P-Pag ako yung humahabol sa'yo wala lang, abala ka sa ibang bagay, Yuno nang kailangan kita kahit isang kumusta o text sa'yo wala akong natanggap." Nakagat ko ang labi pigil hikbing tinitigan siya.
"You never liked me in the first place so tell me why are you bothering to ask me for another chance?" Naguguluhan kong sabi, nakatitig lang siya sa akin nanlulumo, nalulungkot.
"Another chance to break my heart again? Another chance to give me false hope? Another chance to do what?" I was confused.
I don't really know what his intentions are, "Yuno, wala na. Wala na akong pagkakataon pang maibibigay sa'yo." Masama na loob kong sabi.
"Sierah."
"Yuno, sana hindi na lang pala ako pumayag dahil hindi lang relasyon natin ang nasira kundi pati yung pagkakaibigan nating dalawa." Pigil hikbi man ay hindi ko magawang awatin ang sarili sa pag-iyak sa harapan niya.
Nagmumukha na naman akong kaawa awa. "You're still my girlfriend Sierah, please? I'll make it right—"
"I'm breaking up with you, Yuniko. Tama na." Naestatwa siya nang sabihin ko 'yon habang nakatingin sa kaniya.
"S-Sierah."
"Yuno, this is enough for the both of us. H-Habang buo pa tayong dalawa, h-habang mahal na mahal pa kita. Itigil na natin." Sobrang hirap para sa akin na sabihin ang mga 'yon dahilan para masapo ko ang mukha nang umiyak ako ng sobra.
Ang sakit sakit.
"Sierah." Sa muling pagtawag niya sa akin ang pinakamasakit dahil nakita kong lumuha na rin siya.
"Yuno, let's just end this." Napayuko siya at nasapo ang mukha niya gamit ang isang palad niya.
Sumisikip ang dibdib ko dahil sa nahihirapan ako makahinga kakaiyak. "C-Can I not agree?" He asked, tearing up.
"No, Yuno. Let's end this relationship. You don't love nor like me, and there's no reason for me to hold on." I tried to stifle my sobbing but I'm having a hard time.
"S-Sierah."
"Please Yuno, p-pagod na pagod na ako. K-Kaunti pa siguro ay masisiraan na ako ng bait dahil sa sakit ng nagagawa mo." Pag-amin ko sa kaniya.
"You never slept with anybody, I know unlike my other ex. But I am hurting because you can't even notice how I'm giving my everything." Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko ngunit inalis ko 'yon.
"Maghiwalay na t-tayo." Umiling siya.
"I'm sorry for liking you so late, I'm really sorry." Halos itulak ko siya nang pilitin niyang yakapin ako dahilan para mas manghina ako at masaktan.
"T-Tama na—"
"W-Wala na Yuno, wala na!" Hinampas ko siya sa dibdib niya sa sobrang galit ko.
"D-Dapat una pa lang tumigil na ako, dapat hindi ko na ipinilit. Pero anong magagawa ko? Umaasa ako! Sa ilang buwan na magkasama tayo ang saya-saya ko pero masaya ka ba?" Sumbat ko.
"Hindi 'di ba? Sa kaniya ka sumasaya. Hindi sa akin, ako yung girlfriend mo pero ako yung laging second priority mo dahil nauuna siya!" Hinampas ko siya lalo.
"Gusto kitang murahin! Gustong gusto kitang saktan at isumpa dahil sinaktan mo 'ko pero hindi ko kaya." Umiiyak na siya ngayon habang niyayakap ako.
"Sorry, sorry Sierah. I'm really sorry." Hinalikan niya ako sa tuktok ng ulo ko dahilan para sumuko na ako sa kakapanakit sa kaniya at sapuin na lang ang mukha ko dahil lumalakas ang hagulgol ko.
"If y-you're even sorry, s-stay away from me Yuno. I don't want you to love me anymore," Napatigil siya sa sinabi ko.
Dahil doon ay huminga siya ng malalim kasabay ng pagpikit at pagtulo ng luha niya bago siya tumango tango.
"I-If that would make you happy and okay, I will. I apologize for my faults and mistakes. I never did that to make you feel jealous or to hurt you, I did that because I didn't think of the consequences." He explained.
"T-Thank you for loving me beyond what I deserve. I-I really a-appreciate everything, Sierah." Pinigilan kong humagulgol nang huling beses niya akong halikan sa noo dahilan para matakpan ko ang bibig hanggang sa marinig ko ang pag-alis niya.
Pinigilan ko ang sariling habulin siya, dumeretso ako sa kwarto ko at nagtalukbong ng kumot sa buong katawan.
Dahil sa huling pag-uusap namin ay bumalik ako sa dati, ngunit wala akong balita sa kaniya kahit ano.
///
@/n: Any thoughts? Let's not normalize cheating, cheating is not all about kissing, touching, or meeting in secret. Madalas yung cheating ay nagsisimula sa maliliit na bagay na alam mo ng mali pero ginagawa mo pa rin. Careful! Nasa huli pa rin ang pagsisisi. ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top