Chapter 12: His Better Sides
Chapter 12: His Better Sides
Sierah's Point Of View.
Nagising ako nang madaling araw, nasapo ko ang ulo sa sobrang sakit no'n. Tumayo ako at naglakad papalabas upang uminom ng tubig o gamot.
Pagkalabas ko ay nakapatay na ang ilaw ko sa labas kaya lumapit ako sa sindihan at kinapa ang switch.
Nang magbukas ang ilaw sa bawat sulok ay dumeretso ako sa kusina, pagkakuha ko ng tubig ay sandalian akong tumigil at naupo sa dining ko.
Nasapo ko ang noo matapos uminom, ngunit halos manlamig ang buong katawan ko ngunit hindi natakot nang may brasong yumakap mula sa likod ko.
I can literally smell him, kumabog ng malakas ang dibdib ko nang isandal niya ang baba sa gilid ng ulo ko.
"Sierah, I'm really sorry." Hindi ako nakagalaw nang marinig ko ang pabulong niyang boses.
"I'll beg for a chance, I'll make it right this time." Sobra akong kinakabahan ngunit hindi ko siya binugaw o ano.
Should I spare another chance?
Or should I just love myself?
He sighed, "No, I'll make you give me that chance, not forcely tho." Bumuntong hininga ako at inalis ang kamay niya tsaka ko siya hinarap.
"Show me then, because I haven't had any expectations from you ever since that day." Seryosong sabi ko tsaka ko inubos ang laman ng baso ay masungit siyang tinignan.
"I will." Magalang niyang sagot kaya naglakad na ako papaalis doon matapos pagmasdan ang mukha niya sa loob ng ilang mga segundo.
In the morning, I woke up having a bouquet of flowers beside me, napalunok ako at tsaka kinuha 'yon dahil may note.
Inamoy ko muna bago ko binasa yung note.
'Good morning, I'll fetch you later for dinner. See you.'
Napatikhim ako at tsaka inilagay sa vase yung bulaklak, nag-ayos na ako ng sarili ngayong umaga dahil may mga lalakarin rin ako.
In the middle of that, before my dinner I decided to go home and change my outfit. While I was in the elevator na kasabay ko si Yeon.
"Saan lakad mo?" Tanong ko.
"Family dinner, wanna come?" He asked.
"Nope, busy for tonight." Nakangiting sagot ko.
"Good mood ah?"
"'Di nga," bulong ko.
Sumandal siya sa railings ng elevator tsaka niya inayos ang salamin bago pinagkrus ang braso sa dibdib. "Let me guess, he's giving you attention again?" Ngumiwi ako nang mahulaan niya.
"Yeah."
"Yeah, uto-uto ka rin." Masungit niyang sabi at tsaka dismayadong ibinulsa ang kamay niya.
"Grabe ka na sa akin—"
"Tell him to be threatened, I'll save you from him." Napatitig ako sa mukha ni Yeon Gavril nang seryoso niyang sabihin 'yon na para bang walang halong biro kahit kaunti.
"Gago."
"Tatawa na ba ako?"
"You can laugh all you want, but be aware." He chuckled and went out on the elevator when it stopped on his floor.
N-Nababaliw na ba siya?!
He's not the Yeon that I know anymore!
After that I made myself really presentable and irresistible, later on I heard a knock on my door, ayaw mag-bell?
Lumabas rin ako kaagad, "Sorry, busy lang." I lied and locked my door, "Kanina ka pa ba?" I asked kunyare.
"Nope, you're just on time. Let's go?" When he handed me his hand I don't know if I needed to hand him anything pero bago pa man ay kinuha niya na ang kamay ko.
"Where are you taking me?"
"Somewhere special." Nakangiting sabi niya at tsaka kami naglakad, hinayaan ko siyang dahil ako sa lugar na sinasabi niya at natigilan ako nang makita ang magandang restaurant.
It's a restaurant na sa itaas kayo kakain, like you're going to sit and the seats and table will rise up with the chef in the middle.
I can't describe it but I almost gulp when they let us wear a seatbelt that is connected to the seat.
"S-Safe ba 'to?" Kinakabahan na tanong ko kay Yuno, ngumiti siya at tumango.
"Well, I heard you like adventures." Kahit tuloy may tampo ako sa kaniya ay napakapit ako sa braso niya nang magsimulang umangat kami kasama ang chef na napapasulyap sa amin habang nakangiti.
"Bakit ang daming seats tapos two lang tayo?" I asked.
"I rented this just for the two of us." Ngumiwi ako at kinakabahan na sumulyap sa baba at halos mapapikit ako because we're ten feet higher and hindi lang nasa mabundok na nga kami tapos may itataas pa.
Well the view is fantastic, city lights, tall building sa ibaba that's great and new for me.
Pinanood namin yung chef magluto, nang tumunog yung cellphone ko ay awtomatiko kaming napatingin doon kaya tinignan ko.
Nagtaka ako nang mag-message si Yeon sa akin.
From Four-Eyed:
Have you told him already? My warning?
"What about his warning? From me?" Kunot noo na tanong ni Yuno kaya tumikhim ako.
"Wala, kalokohan niya lang 'yan." I chuckled.
"Seriously? Ano nga?" Yuniko stated it so serious kaya nangunot ang noo ko, huminga ako ng malalim.
"He's just joking, don't take it seriously." Medyo kinakabahan ako, why tho? Will he be jealous? I don't think so.
That's not how he is.
Jealous my ass.
He's not the jealous type naman, so how would he be jealous of his own friend?
"Ano nga 'yon?" Kwestyon niya.
"Well, he said he'll save me from you. What more pa ba? He's kind of right naman 'cause I'm getting hurt because of you." I said straight from the shoulder.
And by that time I forgot that I should be careful when around him so I don't turn him off.
Napatitig siya sa akin, guilt suddenly ran over my veins when he looked away with a heavy sigh.
Lumabi ako at ngumuso, later on the chef served us his best dishes he'll cook pa raw later for another dish.
Tumahimik lang si Yuno na pasimple akong pinagsisilbihan, I watched him gently place the table napkin on my lap, clipping it there so it won't fly away with the wind.
He even placed one on my chest, since I'm wearing white. He thoroughly cut my steak.
It's a steak that's very juicy in and out. I tried eating it with asparagus.
We were silent, sobrang tahimik ay tanging hangin lang ang naririnig namin. Hanggang sa kalagitnaan ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Sorry for being a jerk." That was a sincere apology from him, yet I glanced at him and sighed.
"I'll try to be a good man." Hindi na ako umimik at tsaka ko isinenyas ang pagkain na agad niya namang naunawaan.
Matapos naming kumain ay napatitig ako sa kaniya nang ilabas niya yung camera niya, "Let's take a picture." Nang itaas niya nang bahagya ang kamay ay napatingin ako sa camera ngunit parang inakbayan niya ako tsaka siya mas lumapit sa akin.
After that picture hindi ako umimik, kumain kami ng kumain hanggang sa mabusog kami.
Nang makababa ay napahawak ako sa tyan ko, grabe. 'Yon na yata ang pinakamaraming kinain ko ngayong taon na walang kasamang alak.
"I'll just pay for what we ate, wait for me in the car. Okay?" I stared at him when he handed me his key and phone.
"O-Okay." Nag-aalangan kong kinuha 'yon at aalis na sana pero napalunok ako nang ngumiti siya at ayusin ang buhok ko.
Halos mamula ang mukha ko at mapapikit agad nang ilapit niya ang mukha ngunit hinalikan niya lang pala ang noo ko!
Oh my gosh? Did I expect him to kiss me on the lips?
"H-Hintayin kita doon." Nauutal na sabi ko at nagmamadali siyang tinalikuran, nakalimutan ko biglang naka-takong ako.
Nang mabuksan ang sasakyan niya ay pumasok na ako sa loob, sinindi ko na rin ang makina para uminit na at tsaka para mabuksan ko ang aircon.
Tsaka ako lumipat sa kabilang upuan, habang hinihintay ko siya ay natigilan ako nang may nag-pop up na text sa cellphone niya.
At dahil lumalabas 'yon sa screen ay aksidente kong nabasa, yung kaibigan niya nag-text.
From Kiro:
Girlfriend mo si Ms. Garcia, right? Sierah Garcia? Pero you know the rumor that he's the girlfriend of the eldest of Villamos? They confirmed it already.
Naitikom ko ang bibig sa sunod na mensahe.
From Kiro:
Payag ka maging kabit par? Hahahhahaa.
Ngumusp ako, kabit? He's not kabit naman ah. Yeon and I have contrac— yeah, they don't know anything about it.
Iniiwas ko na ang tingin doon, maya-maya ay pinanood kong maglakad siya papalapit, ibinulsa niya sa likod ang wallet kaya tinititigan ko lang siya.
Nang makasakay siya ay ngumiti siya, "Grabe busog."
"Oo nga eh." Bulong ko.
"Saan mo pa gusto pumunta?" Bago pa man ay sumakit ng husto ang puson ko kaya pasimple kong nakapa ang tyan ko.
"Why?" His face looked so worried he even removed his seatbelt and looked at me.
"Wala." Ngunit ngumiwi ang mukha ko sa pagsakit no'n.
"Gagi." Bulong ko when I felt some hot liquid down there, ito na ba?
"It's my unlucky day." Bulong ko at nasapo ang mukha.
"What's wrong? May masakit ba sa tyan mo? May nakain ka bang bawal?" Nag-aalala niyang sinuri ang mukha ko.
Natawa ako ng mahina, "Alam mo yung buwan-buwan na dumarating sa mga babae?" Kwestyon ko.
"Buwan-buwan hmm— ohh, I get it. Every month the egg cell of a woman changes rig— aw!" Reklamo niya nang hampasin ko ang legs niya sa sinabi niya.
"'Yan, yung ganiyan talaga eh alam na alam mo pero yung mga hirap ng babae hindi!" Sermon ko na mahina niyang ikinatawa.
"Ano ba kasi yung tinutukoy mo?" Hindi niya maalis sa manipis na labi ang ngisi kaya ngumuso ako.
"Regla." Sagot ko.
"R-Regla? What? You mean menstrual period right?" Maarte niyang sabi kaya tumango ako.
"T-Then you're having it now?" Natatarantang tanong niya.
"Oh my freaking lord, you might leak in my car—" Humaba ang nguso ko nang mas isipin niya ang sasakyan na agaran niyang na-realize.
"Maglalakad na lang ako." Nagtatampong sabi ko at bababa na sana pero hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan.
"J-Joke lang, tara bili tayo." Pinaandar niya kaagad ang sasakyan at nang makakita ng gas station na may convenience store ay pinauna niya na ako sa banyo siya na raw bibili.
Hinintay ko siya hanggang sa marinig ko ang katok. "Bakit ganoon Sierah? May pakpak yung isa tapos yung isa raw wala. Liliparin ba 'yan?" Natawa ako sa sinabi niya.
"Akin na nga."
"Baka lumipad sa iba 'yan, susumbong kita sa daddy mo." Asar niya pa.
"Lipad sa mukha mo?" I teased.
"Uy shit. That's bad, my face would be bloody. I could exchange with holy mary by that." I laughed and felt something in my coochie.
His jokes are not that funny, but on the way he say it innocently akala mo eh hindi siya nanakit at nagpapaiyak.
Matapos ko mag-palit ay lumabas na ako, "Samahan mo 'ko mag-grocery. Kailangan ko ng taga-buhat." Umawang ang labi niya sa sinabi ko.
"Sa mukha ko na 'to? Taga buhat?" Ngumiwi ako sa reklamo niya.
"Ah oo nga pala payatot ka at walang muscles unlike Yeon—"
"What the fuck, Sierah?" Sumeryoso ang mukha niya kasabay ng pagsalubong ng kilay at deretsong lapat ng labi niyang mamula mula pa.
"Oo, okay lang—"
"Bubuhatin ko naman, tinawag mo lang akong taga-buhat tsk." Naging tunog nagtatampo 'yon kaya hindi ako makapaniwalang natawa pero hindi na nagbago ang hitsura niya.
"Tara na." Masungit niyang sabi at parang bakla akong inirapan, ginagaya niya ba ako?
Sumakay kami sa sasakyan niya at nag-drive siya sa pinakamalapit na grocery store na hindi na sa loob ng mall, nang kumuha siya ng push cart ay ngumisi akong pinanonood siya.
Hindi umiimik 'to kanina pa, baka nagtatampo? Habang umiikot kami sa loob ay natigilan ako at nagulat sa biglaang pagtakip ng mata ko.
"What the—" Kinapa ko ang kamay ngunit malaki 'yon at may kapayatan, malamig rin ang kamay niya.
"Bitaw.." Tinapik ko ang kamay, nang alisin ay tsaka ko narinig ang tawa.
Napalunok ako nang makita si Yeon na naka-itim na maikseng cotton shorts at oversized white shirt na may maliit na print.
May suot rin siyang black cap, tumikhim ako at umiwas tingin nang masyado kong napagmasdan ang mukha niya.
B-Bagay niya naman.
"Oh, nandiyan ka pala." Nakangiting sabi ni Yeon kay Yuno.
"Yeah, obviously." Taas kilay na sabi ni Yuno, nagsusungit.
"Let me join." Napatitig ako kay Yeon sa sinabi niya.
"Maghunus dili ka." Mahinang sita ko sa kaniya.
"What? So if the reporters saw us then they'll never think of an issue. The boyfriend is here?" He even pointed at himself by tapping his chest.
"Yeah, that'll be better. Para matapos na 'yang pag-panggap niyo." Nang pasimpleng hawakan ni Yuno ang pulsuhan ko at mas ilapit sa kaniya ay napangiti ako.
Sabay sabay kaming naglalakad kaya kumuha ako ng pangangailangan ko.
"What's that?" Turo ni Yeon sa hawak ni Yuno na napkin, tumikhim si Yuno.
"Sanitary pads." Sagot ng isa.
"Wow, bro. Gumagamit ka niyan? Malamig ba?" Yeon jokes, didn't see this side from here before.
"Malamig? Tangina mo ba. Suot mo oh," natatawang sabi ni Yuno at pabatong binigay kay Yeon ang napkin.
Tahimik ako habang nagbabardagulan ang dalawang masakit sa ulo. Pumulot na lang ako ng mga kailangan ko.
Bumili rin ako ng foods and snacks, "So did the professors apologize to you, Sie?" Sinabayan ako bigla ni Yeon that left Yuno on our back.
"Ano 'yan?" Singit ni Yuno.
"They did, they sent me a letter, hand written." Natatawang sabi ko.
"How about Riley?"
"She didn't, mukha bang mags-sorry 'yon? Mas mataas pa pride no'n sa grades niya." Nakangising sabi ko dahilan para matawa si Yeon.
"Isa pa mak-kick siya sa school, dalawa lang ang choice niya. Kusang umalis o ipaglaban pa." I added, Yeon Gavril nodded and adjusted his eyeglass up to the bridge of his nose using his fingers.
"Well, that'll be better than she keeps on bothering you."
"Wow, out of place na out of place ako sa inyong dalawa. Kayo na kaya mag-date?" Dismayadong sabi ni Yuno kaya nilingon ko siya.
"Pwede ba?" Yeon said.
"Gago ka ba?" Yeon's lips rose up on what Yuno said.
Nagpipikunan lang sila.
Kumuha ako ng isang cartons of milk, inilagay ko 'yon sa cart. Kumuha rin ako ng yakult and yogurts.
"Oh kumuha ka naman ng gulay." Inilagay ni Yeon ang ilang set of salads sa cart kaya hinayaan ko siya.
"Stay healthy." Napatigil kami ni Yuno nang alisin ni Yeon ang cap niya at isuot sa ulo ko.
Nahawakan ko 'yon.
"H-Hoy ano 'to?!" Masungit na tanong ko.
"Mahamog na sa labas, baka magkasakit ka." Matipid siyang ngumiti sa akin tsaka siya kumuha ng ibang pangangailangan niya.
"Wew." Bulong ni Yuno at bumuntong hininga, "Bakit?" Tanong ko sa kaniya.
"Napipikon ako." Mahinang bulong niya tsaka siya naglakad na.
"May kailangan ka pa ba?" Umiling na ako.
"Tara." Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko at pasimpleng itago 'yon sa bulsa niya dahilan para isang kamay niya lang ang magtulak sa cart.
Nang nasa cashier na ay siya ang naglagay no'n sa counter, pinanood ko lang siya. "Card or cash sir?" Nakangiting sabi ng cashier na babae.
"Card." Sagot ni Yuno.
"Huh? Hindi ako gagamit ng card—"
"It's on me." Mahinang sabi niya kaya umawang ang labi ko, wala rin naman akong nagawa doon.
Nang ayos na ay binuhat niya 'yon lahat. "Bakit mo binayaran?" Nagtatakang tanong ko.
"Makikikain ako sa'yo parati." Natawa ako sa sinabi niya.
"Sus, bakit?"
"So that you're not lonely. Babawi ako 'di ba? I made you feel lonely and invalidated." Napailing iling na lang ako habang natatawa.
"Okay." Ngunit natigilan kami pagkarating sa sasakyan niya, umawang ang labi ko.
"Bro, pasakay?" Si Yeon dala yung plastic bags niya.
"Ano? Asan sasakyan mo?" Kwestyon ni Yuno.
"Nag-commute lang ako papunta rito, you know I can't use my car on Thursday, 15th." Tumikhim ako at tsaka sinulyapan si Yuno.
"Hop in." Nanlaki lalo ang mata ko nang sa harap maupo si Yeon.
Wow?
"Ba't diyan ka? Sa likod ka!" Utos ni Yuno at nilagay ang plastic bags sa likod ng sasakyan niya.
"Dito na, sa likod na si fish-eyed." Ngumiwi ako at naupo na lang sa likod.
"Tara na, masakit yung tyan ko." Pagmamadali ko sa kanila.
Dahil doon ay walang nagawa si Yuno at nag-drive na lang, pagkarating ay binuhat ni Yuno lahat ng akin at si Yeon naman ay sumabay.
Pero dahil naputol ang isang plastic ni Yeon ay wala akong nagawa kundi tulungan siya. "Ihatid muna natin siya sa floor niya." Suhestyon ko.
"Thank you."
Ngunit nang nasa floor na ni Yeon ay pagkabukas niya ng pinto ay nagulat kami nang may kung anong papel ang sumampal sa mukha niya.
"What the hell is this Gavril?!" Nang marinig ang lolo niya ay napatigil kami sa gilid.
"Lolo—"
"Riley is the daughter of our business partner! I heard that you're the reason why she needs to leave that school." Dinuro si Yeon ng kaniyang lolo sa dibdib.
"Bawiin mo ang ano mang akusasyon ang ipinaratang mo doon bukas na bukas!" Napatigil yung lolo ni Yeon nang makita kami.
Lalagpasan na sana kami ng lolo niya pero nagsalita ako, "What's wrong on what he did?" Napatigil 'yon at nilingon ako.
"He did what is right, why are you stopping him from doing right?" Tumitig ang lolo ni Yeon sa akin kaya bumuntong hininga ako.
"Huwag mong pakialaman ang desisyon ko para sa sarili kong apo." Umalis na siya matapos sabihin 'yon kaya dismayado akong ngumiwi.
Nang tignan ko si Yeon ay hindi ko wari kung nahihiya ba siya o galit, "Salamat sa pagsama." Kinuha ni Yeon sa kamay ko ang plastic bag at pumasok sa loob ng condo niya.
Bumuntong hininga ako, "Hayaan na muna natin siya." Suhestyon ko at hinila na si Yuno papaalis doon.
"Sobra naman yung lolo no'n, sukdulan ng pagiging makasarili." Ngumuso ako sa sinabi ni Yuno tsaka ko siya tinignan, "Sinabi mo pa."
Pagkarating sa condo ko ay inayos niya ang groceries kaya dumeretso ako sa kwarto ko at kumuha ng damit upang makapag-shower at makapagpalit ng damit.
Hinayaan ko si Yuno na ayusin ang gusto niya ayusin, matapos ay nakita ko na siyang nakahilata sa sofa ko. "Sana mahanap na si Kuya Laze." Wika ko.
"Mahahanap rin 'yon, maraming buhay 'yon eh." He joked.
Nanood muna kami ng kung anong movie hanggang sa sumakit yung puson ko ay napanguso ako.
"Masakit ba?" Tanong niya bigla, "Medyo." Pagsagot ko.
"C'mon, rest ka na sa room mo." Nang tumayo siya at ilahad ang kamay ay mahina akong natawa at tinanggap 'yon.
Nang nasa kwarto ko na ay kinumutan niya pa ako, niyakap ko ang unan tsaka ko siya tinitigan.
Minamasdan niya ang mukha ko bago siya ngumiti, "Good night." Yumuko siya at hinalikan ako sa noo.
"Good night."
That routine repeated, parati siyang nandito, halos ilang linggo rin siyang nangungulit sa akin meron pa ngang oras na dito siya natutulog.
Hinahayaan ko naman siya dahil gusto niya 'yon, minsan ay siya na rin ang nagluluto ng umagahan kahit simple lang.
Hanggang sa lumipas ng lumipas ang araw ay na-busy na siya dahil isa siyang engineer at may project siyang hawak.
Abala naman ako sa pag-aaral dahil nga estudyante pa rin ako, tinuloy ni Yeon ang plano niya at malaki ang pasasalamat ko doon.
Hanggang sa isang araw ay nagkayayaan sa isang club dahil katatapos lang ng pinakamalaking recitation ngayong semester.
Kasama ko ang mga kaibigan, habang umiinom ay gumigitna na kami nang bigla na lang may kumalabit sa pisngi ko.
Tiningala ko 'yon at natigilan ako ng makita si Yeon. "Good evening Mr. Villamos." Bati ng mga kasama ko.
"Good evening." Bati niya pabalik.
"Bakit ka nandito?" Kwestyon ko.
"Can I join you guys?" Yeon asked them, at hinding hindi sila tatanggi dahil tuwang tuwa sila kay Yeon.
Crush yata nila eh.
Naupo si Yeon sa bandang tabi ko at tsaka niya inabot ang bagong baso tsaka niya nilagyan ang sarili.
Habang umiinom ay tumigil ako nang tumunog ang cellphone ko, tumatawag kasi si Zian.
"Oh hello? Wait hindi kita marinig lalabas ako sandali." Paalam ko tsaka tumayo at naglakad sa kung saan medyo tahimik.
"Ano 'yon, Zian?" Seryosong tanong ko.
"A-Ate, w-wala na raw po si Kuya Laze." Nang sabihin niya 'yon ay halos mabitiwan ko yung cellphone ko.
"H-Huh?"
"A-Ano bang sinasabi mo, parang i-imposible naman 'yan Zian?" Hindi makapaniwalang sabi ko, nagsimulang mamasa ang mata ko ngunit natigilan ako nang matanaw ko si Jami na namumugto ang mata at mag-isang umiinom.
Shit.
Umiiyak na rin si Zian sa kabilang linya, "H-Hindi ako nakatawag kaagad, h-hindi kasi ako makapaniwala ate. Nawawala pa si Ate Jami." Napayuko ako at napahid ang luha ko.
"Uuwi na ako maya-maya." Paalam ko.
"Alam ko kung nasaan si Jami, bye." Paalam ko at pinatay ang tawag, lalapitan ko sana si Jami ngunit napatigil ako ng makita na inaawat ni Yuno si Jami sa pag-inom ng marami.
Mukhang kanina pa nandito si Jami. "Sie, anong problema?" Nalingon ko si Yeon na nag-aalala akong tinitignan.
Hindi niya inaalis ang jacket niya nananatiling nakabukas lang. Nalingon ko ulit sila Yuno at Jami.
Wala namang masama sa nakikita ko, "Let's sit over here." Inaya ako ni Yeon kaya napasunod na lang ako.
Nang makaupo ay tinatanaw ko lang ang dalawa, malungkot na ako pero may mas ilulungkot pa pala ako.
Nang magsimulang magwala si Jami ay nag-alala ako, I want to comfort her.
Napatigil kami ni Yeon nang sumobra yung pagwawala ni Jami, lasing na siguro siya.
Ngunit napatayo ako kaagad ng makita kong sapuin ni Yuno ang pisngi ni Jami at halikan ito sa labi.
Umawang ang labi ko at sandaliang nakapa ang dibdib ko nang sumakit 'yon physically.
"Sierah—"
Napatigil ako lalo nang makita ko ang namumutlang si Yamato sa gilid, nakagat ko ang ibabang labi.
"A-Akala ko okay na p-pero kailangan niya ba gawin 'yon sa pinsan ko?" Naiiyak na tanong ko kay Yeon.
Bumuntong hininga si Yeon at tsaka tinapik ang likod ko, "T-That's cheating right?" Bulong ko.
"Hmm." He nodded.
Nang lumabas sila ay pasimple kaming sumunod, "Ihahatid na kita Sie, huwag mo ng panoorin pa." Mahinahon na sabi ni Yeon.
Ngunit hindi ko rin naman mapigilan ang pag-iyak, galit na galit ako, pero mas lamang ang lungkot sa magulong nararamdaman ko.
Mukhang nagka-initan na talaga si Yuno at Yamato base sa nakikita ko. I bit my lower lip and sighed.
Nang maka-alis si Yamato at Jami ay hinintay kong lumingon si Yuno at nang makita niya ako ay tila pinukaw ang lahat ng dugo sa mukha niya.
"Iwan mo muna kami, Yeon." Maayos na paki-usap ko.
"There's my car, puntahan mo 'ko doon pagkatapos niyo." Paalala niya kaya tumango ako.
Nang makalapit si Yuno sa akin ay tila nawalan siya ng sasabihin. "Yuno." Sambit ko sa pangalan niya.
"S-Sierah." Peke akong natawa.
///
@/n: Abangan! Sorry for super late update, nagiging busy lang. Love lots!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top