Chapter 11: Her Desparation
Chapter 11: Her Desperation
Third Person's Point Of View.
After a week of looking for Laze, Yeon and Yuno are very distant. Not until one day that the both needed to be together to look for Laze.
They didn't want to talk with each other but ended up talking as Yeon tried to confront Yuno. "What are you, Yuno?"
"What kind of man are you? A jerk or just someone who can't lose both?" Yuno's brows were furrowed but Yeon didn't bat an eye.
He stared at Yuno. "Do you like my girlfriend?" On Yuno's rebat, Yeon plastered a smile on his lips.
"Maybe? Maybe I could take her away from you since you're just hurting that woman's innocent heart. Dumbass." Yeon chuckled, sarcastically.
"Take her away from me? I don't think you can." Yuno placed his arms on Yeon's shoulder and pulled Yeon closer.
"Don't you even try, because you really can't snatch my woman." Yeon didn't know if it was a threat but he sighed after Yuno left.
"What a possessive fucking jerk." Yeon whispered and glanced at the team who's about to dive to look for Laze.
In the middle of the operation for finding Laze, Yeon glanced at his phone that keeps on ringing and vibrating because of Azi.
Yeon checked the last message Azi sent.
From Azi:
Lolo is mad. I can't make any more excuses. He'll figure out that you were out there with Sierah and he'll be mad.
Yeon sighed and cupped his face. Frustrated and feeling suffocated by his grandfather, he heard footsteps so he glanced and saw Sierah who's staring at the calm sea.
He felt pity yet he walked near Sierah, "Dumb, you just woke up?"
He noticed her eyes that had a hint of crying from last night, "Yup, aga mo mambwisit."
"You look ugly, why don't we swim with your friends? Fish-eyed." He teased that amde Sierah laugh and smack Yeon's shoulder.
"Gago mo talaga 'no? Alis nga ilaglag kita diyan." Sierah replied.
Yeon just chuckled after teasing Sierah, they both watched the team that operates in finding Laze.
Sierah's Point Of View.
Ilang linggo na rin kaming naghahanap at kailangan na namin bumalik sa city dahil nag-aaral kami, "Sabay na tayo bumalik sa city, Yuno." Anyaya ko habang nasa hotel room niya ako.
"Huh?" Napatigil siya at nilingon ako.
"Sabay na tayo bumalik." Pag-uulit ko, nangunot ang noo niya at tumigil sa pagbabasa ng isang libro.
"Mauna ka na Sierah. Tutulong pa sana ako sa paghahanap kay Laze." Napatitig ako sa kaniya sa sinabi niya bakit parang hindi lang 'yon ang dahilan?
"Babalik rin si Yamato, Yuno. Hindi ka pa ba sasabay?" Pag-uulit ko.
Tumikhim siya, "I'll stay and help them look for Laze. Wala naman akong pasok, Sie." Huminga ako ng malalim at tumango.
Wala naman akong magagawa. "Call me everyday, okay?" Malambing na sabi ko at naupo sa tabi niya.
"I will."
Dahil doon ay kasabay ko umuwi si Yeon at Yamato. Nagpaiwan si Yuno at wala akong magagawa dahil doon.
Bumalik kami sa city, nag-aral lang ako dahil kailangan tumaas ng grado ko. Hanggang sa may hindi talaga ako maintindihan ay pinili kong pumunta sa condo ni Yeon.
For sure he can explain this to me. Nang makalapit sa condo niya ay natigilan ako nang matapos ko mag-bell ay naririnig ko ang boses ng dalawang tao sa loob.
Narinig naman siguro nila yung bell ko 'di ba? "Wala ka talagang kwenta, sobrang wala kang kwentang bata ka!"
Lolo niya 'yon 'di ba?
"Mabuti pa ang mga pinsan mo! Walang problema sa kanila! Ang babait na at hindi failure ng pamilya!" Ako mismo ang nasaktan sa narinig.
How is Yeon a failure when he even got the highest score in college?
"Lo, I'm really doing my best. I'm at the edge of giving my everything for this damn—" nang maputol ang sinabi niya ay alam kong sinampal siya.
Bakit ba kasi malapit sila sa pinto nag-uusap? N-Naririnig ko tuloy.
"Tapusin mo 'tong sinasabi ko sa'yo sa loob ng isang buwan, Gavril! O itatakwil ko kayong magkapatid kasama ang walang kwentang mga magulang mo!" Sigaw ng lolo niya na napakalakas.
Nang biglang buksan ang pinto ay natigilan yung lolo niya at tumingin sa akin. "Ms. Garcia." Mahina kong nakagat ang ibabang labi nang tawagin niya ako.
"Good evening Mr. Villamos." Bati ko.
"Good evening, anong ginagawa mo rito?" Seryoso niyang tanong na para bang hindi siya nagalit at nagsisigaw kanina.
"I'm looking for Yeon, sir. I just need to ask him about this." Tukoy ko sa libro.
"Okay. He's inside." Tumango ako yumuko bahagya.
"Thank you sir, I'll just go to him. Take care." Madapa ka sana sama ng ugali mo.
Tumango ito kaya pumasok na ako, nang makapasok ay nagulat si Yeon nang makita ako. "Yung lolo mo." Kinakabahan na sabi ko at lumapit sa kaniya.
"Nakakatakot!" I added and glanced at the door I just locked.
"Tsk, what are you doing here?" Masungit niyang tanong at bahagyang natakpan ng palad ang pisngi niya ngunit hindi niya pinahahalata.
Inilahad ko yung libro at nagpanggap na lang na walang narinig, "Hindi ko talaga maintindihan."
"Why don't you ask Yuno for help," He sarcastically replied and looked away.
"Uy grabe ka naman, engineer 'yon." I chuckled.
"Dali na, turo mo na sa akin. Babagsak na ako eh," reklamo ko.
"Ah yeah. About your grades, the professor called me—"
"Weh?!" Gulat na sabi ko.
"Gago 'yon sinasabotahe ako ah?" Reklamo ko at ngumuso.
"Tsk what's happening with you by the way?" Hinablot niya ang libro at tsaka umabot ng papel at ballpen.
"Hindi ko talaga alam, Yeon. Pakiramdam ko may mali." Pagsasabi ko sa kaniya.
"Are you sure that no one's sabotaging you in school?" Nagkibit balikat ako tapos ay nakinig ng mabuti sa kaniya.
"Thank you." Nakangiting sabi ko matapos matuto.
"How are you?" Biglang tanong niya kaya napalunok ako, "Okay lang." Mabilis na sagot ko.
"Duda." Ngumiwi ako sa sagot niya.
"Hoy four-eyed baka in love ka na sa akin?" Biglang tanong ko, nagulat siya.
"What the fuck are you talking about fish-eyed?" Natawa ako sa sagot niya.
"Hindi mo sinabing hindi—"
"Hindi!" Sagot niya lalo kaya halakhak akong ngumisi.
"Yung salamin mo oh—" Nang hawakan niya agad ang salamin ay natawa ako ng sobra.
"Natataranta ka ba?" Ulat ko.
"Hindi nga." Salubong ang kilay niyang sabi at ngumiwi.
"Hula ko hindi ka tinatawagan ni Yuno?" Napatigil ako sa sinabi ni Yeon.
"Paano mo alam? Nagsabi ba sa'yo?" Lumapit ako ulit ngunit napalayo siya ng kusa kaya ngumiwi ako.
"Hula nga 'di ba? Guess? Guess?" Umirap ako.
"Hindi nga ako tinatawagan eh, isang beses lang. Busy raw siya sa paghahanap kay Kuya Laze." Nakangusong sabi ko.
"Namimiss ko na siya—"
"Kaso hindi ka miss?" Napatigil ako sa sinabi ni Yeon.
"Sama ng ugali mo apat na mata!" Bulyaw ko at sinipa ang binti niya na ikinatawa niya.
"What's the tagalog of it na, wait, lemme think.." Nahawak pa siya sa tangos ng ilong niya. Mamula mula pa ang maputi niyang kamay.
"Ah, pighati." Sa inis ko ay tumayo na ako at kumaway patalikod tsaka ako bumalik sa condo ko.
Yuno is with Jami, for sure.
Days passed by and suddenly I received bad news. I failed this semester, I really did my best.
I tried calling Yuno while crying, hindi ko alam kung papaano ko hindi maipapasa yung limang subjects namin, ang imposible.
Ang taas ng grado ko sa main subjects.
I started having breakdowns when Yuno didn't even answer my calls, wala siyang paramdam sa akin na para bang nakalimutan niya na ako.
Nasapo ko ang mukha at napaupo sa gilid ng kama ko, I was frustrated. Because of that news hindi ako lumabas ng kwarto at wala akong kinakausap.
Ni walang kumusta sa ibang kaibigan ko, sa kung sino. Naiintindihan ko na busy ang magulang ko at kapatid ko kaya walang problema sa kanila dahil wala silang alam sa estado ng pag-aaral ko.
Malaki ang tiwala nila sa akin dahil hindi naman ako ganoon kabobo.
Isang linggo akong ganoon, ngunit tinatawagan ko pa rin si Yuno na hindi nagawang sagutin kahit isang beses ang tawag ko.
Hanggang sa isang araw ay sunod-sunod na bell ang narinig ko sa labas, hindi ako tumayo ng kama. Nagtakip ako ng tenga at nanatiling nakayuko.
Hanggang sa marinig ko ang sobrang lakas na tunog dahilan para magtaka ako, anong nangyari sa labas? Pinasok ba ako ng magnanakaw?
Halos humiwalay ang kaluluwa ko nang bumukas ng biglaan ang pinto ko sa kwarto, "Ate Sierah naman!" Napatitig ako kay Zian na kasama si Yeon.
"B-Bakit kayo nandito?" Gulat na sabi ko ngunit nanlulumo niya akong tinignan at pinantayan ang tangkad ko.
"Anong nangyari?" Tanong ni Zian sa akin.
He checked me instantly kaya nagtaka ako, "Bakit?"
Yeon sighed and looked away. "Sinabi na naman sa'yo ng prof ko 'no?" Nakangusong sabi ko kay Yeon ma bumuntong hininga lalo.
"Hmm." Tumango siya.
Lumabi ako, "Ate, ang payat payat mo na ang losyang mo pa. Ano bang ginagawa mo? Kaya pala hindi mo ako nirereplyan." Masungit na sabi ni Zian at itinayo ako.
"Oh! Ano 'yan dahil lang sa grades ate? Huwag ka matakot. Ako bahala sa'yo, gusto mo ba ilunod ko yung prof mo na nagbagsak sa'yo?" Lumabi ako at pinigilang maluha.
Bumuntong hininga sila nang umiyak ako sa harapan nila, "Kuya posible ba na bumagsak si ate? Like on her brain? Matalino naman siya ah?" Zian asked while hugging me on his chest.
"She's dumb at love but yeah, imposible for her to fail specially I am the one who taught her." Ngumuso ako sa sinabi ni Yeon, is that an insult or what?
"Oh, baka ginagago ka na ng mga prof mo ate?" Nagkibit balikat ako bilang sagot.
"Tumahan ka na—"
"Yeah, I'll check with the school regarding this. Don't be stressed, okay?" Lumabi ako at tinitigan si Yeon.
"Tinatanong pala ni Kuya Yamato kung sasaka ka raw papuntang Palawan? Sama ka na ate para makita mo si Kuya Yuno." Napatitig ako kay Zian at tumango na lang.
"Aalis muna ako bibili pagkain mo ate, Kuya Yeon yung pinto." Nanlaki ang mata ko at napalabas ng kwarto at nakita ko na sira yung door knob ng pinto ko.
"Sino sumira?!"
"I'll change it." Matipid na sabi ni Yeon.
"Bye, I'll be back." Paalam ni Zian kaya naiwan kami ni Yeon.
"Hindi ka pa kino-contact ni Yuno?" Napatitig ako kay Yeon sa sinabi niya tsaka ako mahinang tumango.
Bumuntong hininga siya, kinuha niya ang vacuum ko at napatitig ako nang simulan niyang linisin ang maruming condo ko.
"Sie." Napatigil ako sa pagtitig sa kaniya nang tawagin niya ako sa pangalan ko, "I don't like you at all." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Wala akong pake." Pairap na sagot ko na parehas naming ikinatawa.
"Sie." Sa pagtawag niya muli ay seryoso ko na siyang tinitigan.
"Love's gonna hurt most of the time, that's expected. But I hope you know what's more worth it than a heartache." Isinandal ko ang likod habang pinakikinggan ang sinasabi niya.
"Me?" I asked.
"No, it's gold." Halos mamura ko siya sa sinabi niya.
"Kahit kailan wala kang sense kausap, bahala ka nga." Singhal ko at tumayo na para pumasok sa banyo ngunit napatigil ako nang kalat-kalat ang shampoo container and other things.
Grabe.
After that, I flew with Yamato to Palawan. "Can you go to your room? I wanted to meet Jami sana." Nahawakan ni Yamato ang makapal na itim niyang kilay habang nakatingin sa akin.
"Sure, I hope you're okay with Jami." Malungkot akong ngumiti sa kaniya.
Napatitig siya sa akin, "You and Yuno are together, right?" Nagkibit balikat ako bilang sagot tsaka tumikhim.
"Go ahead." I replied and turned my back on him, later on I tried calling and saying that I'm already here to Yuno but he didn't respond.
After minutes and hours of waiting for him, he didn't reply nor call me back. Nothing.
I was very tired the whole day and having breakdowns, I sighed. I am still expecting something, Yuno.
I am still hoping for this relationship that has nothing but my love.
It took me a day to see him, I watched him follow and ran to Jami who's crying. I stayed still watching Yuno try to comfort Jami and that throbbed to my heart.
I held my tears, hands turned into fist and I was about to burst crying but I saw Yamato from afar watching the two.
But as I swallowed my tears fell one by one, time by time, I watched the man I love be there for my cousin but when I needed him, he was nowhere to be found.
I bit my lower lip and tried to stifle my sobbing. I covered my mouth when I watched him hug her.
Ano na lang ba ako sa kaniya?
Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng tuhod, tila dinamba 'yon. Parang hinampas ng sobrang lakas.
Hindi maawat ang mata ko sa kaiiyak dahil— dahil kailan ba niya ako kinumusta sa lumipas na buwan?
Ah, so these made him busy? His concern towards my cousin that he really likes.
How lovely of him to comfort another girl, while I need him.
Pinanood ko ang paglapit ni Yamato, pinanood ko lahat ng mga 'yon hanggang sa mapagod ang puso ko sa sakit ngunit bago ko sila talikuran ay napasulyap sa gawi ko si Yuno dahilan para maglakad ako papaalis doon.
Mababaliw na yata ako.
Bumalik ako sa kung saan ako nags-stay at nagkulong sandali, hanggang sa tumunog ang cellphone ko for a message notification.
I checked it, but it was Yeon.
From Four-Eyed:
How are you doing there, dumb?
I bit my lips and sighed, I didn't answer that text message and laid on my bed. I woke up in the middle of dinner time because of the bell.
Tumayo ako at inayos ang sarili ko, I checked my eyes and put some concealer so it won't be that bad.
Pagkabukas ko no'n ay nakita ko si Yuno, nagalit ang puso ko ngunit nanalig ang lungkot.
Staring at him just hurts me so much, but I smiled at him. "How have you been?" I asked and let him enter my hotel room.
Napatitig siya sa akin, seryoso waiting for me to tell him what I saw. "Good evening." I greeted.
"Okay ka lang ba? Ba't ganiyan ka makatingin?" Maangan ko at kumapit sa braso niya upang dalhin siya sa sofa na maliit sa kwarto ko.
"Nakabalik ka na pala," He calmly started the conversation with that. I smiled, I know it's fake.
"Oo, kahapon pa nga eh. Hindi naman kita ma-tsambahan." Natatawang sabi ko tapos ay sumandal sa balikat niya.
Pinipigilang maluha, "Kumusta paghahanap kay Kuya Laze?" Sure ka bang si Kuya Laze ang tinitignan mo at hindi si Jami?
I stopped myself from saying those words, "Wala pa ring bakas." Sagot niya.
"Kumusta ka naman?" I stated.
"Good, pero pagod." Tumango ako sa dry niyang sagot, hindi ko alam kung hinihintay niyang sabihin ko na iiwan ko na siya dahil nakita ko kanina ngunit tumikhim ako.
"Rest ka na, bakit ka pa pumunta sa akin?" Baka sakali ko.
"Hindi ko alam." Naninibago ako sa pagsagot niya, hindi ko na rin naman maunawaan kung bakit pa ako nandito Yuno.
"Inaantok pa ako Yuno, sasabay rin ako kay Yamato pabalik magkasama na kaya sila ni Jami?" Baka sakali ko na alam kong magkasama naman talaga ang dalawa.
Nakita ko eh.
"Maybe." Sagot niya.
"Ikaw babalik ka na ba? Sabay ka na sa amin?" Nakangiting tanong ko.
"Sabay ka na sa akin—"
"Baka hindi muna Sie—"
"Okay." Ngumiti ako sa sagot niya kahit hindi pa tapos.
"Magpahinga ka na kaya Yuno? Magpapahinga na rin kasi ako." Pigil luha kong sabi at tsaka ako tumayo at nakangiting tinitigan siya sa mukha.
Hindi ko na siya sasabihang sabayan ako, dahil hindi, kay Jami pa rin siya sasabay.
"Don't you want me to stay here with you?" Hindi ako makapaniwalang tumitig sa kaniya, gustong gusto ko pero hindi na ako umaasa.
"Hindi na siguro Yuno, magpapahinga ka at makakasagabal lang ako doon." Ngumiti ako.
"Sige na, bukas na lang." Malambing na paalam ko tapos ay lumapit ako sa kaniya at itinuhod ko ang tuhod sa gilid ng legs niya sa sofa upang mayuko ko siya.
Napatitig siya sa mukha ko nang hawakan ko ang baba niya at dampian siya ng halik sa labi tsaka ako lumayo.
"Goodnight." I smiled.
Napatitig siya sa akin tsaka siya tumikhim at tumayo, "I'll see you tomorrow." Paalam niya.
"Yeah."
Nang makalabas siya ng kwarto ko ay napaupo ako sa sahig at nasapo ang mukha ko sa sobrang pag-agos ng luha sa mga mata.
Natakpan ko ang bibig ko dahil parang dinamba ng sobrang bigat ang puso ko dahil hindi ko nagawang magalit after seeing that.
He acts like he fucking didn't ignore me for months!
Pinahid ko ang luha sa sobrang galit sa sarili, ano ba 'tong ginagawa ko sa sarili ko?
Kinaumagahan ay may kumatok sa kwarto ko, and yes babalik na ako sa city kasabay si Yamato.
I guess he also know I watched the whole thing, hindi ako nagpaalam kay Yuno at basta-basta akong umalis.
Pagkarating sa city ay saktong pumasok ako sa school dahil gusto kong maayos yung grades ko.
Ngunit natigilan ako ng makita si Yeon na magkakrus ang braso habang nakalihis ang sleeves ng long sleeve na kaniyang suot.
Brown ang kulay ng long sleeve na 'yon ngunit nagtaka ako nang kaharap niya yung limang subject teacher ko.
Salubong ang makalat ngunit makapal niyang kilay, para siyang kumikilatis ng may atraso sa kaniya.
"Here's Sierah's outputs and portfolio, Mr. Villamos." Nang makita ko ang main subject teacher namin ay napalunok ako at natigil sa pagpasok sa classroom dahil ang daming nanonood.
"How about her quizzes sir?" Yeon placed his one hand on his pocket while searching the folders.
"Ah, here." It's my compilation for this semester.
"Wow, professors. You really did a great job." Yeon's lips were pursed and he seems like he's trying to hold his anger.
"Great job! How is this a mistake? How is it this low? Professors, are you being paid by someone to fail Sierah?" Nanlaki ang mata ko and it just sinks in right now.
They failed me because someone made them? H-Hindi dahil mahina ang utak ko?
Napatitig ako kay Yeon na parang tatay ko kung umasta sa harap ng students and professors. "Ano bang ginagawa mo? Gumagawa ka ba ng kwento dahil bumagsak yung girlfriend mo?" Nang galit na tumayo si Riley ay alam ko na kaagad ang sagot sa mga katanungan.
Most of the time, the mastermind is the one who benefited from it the most.
"Mahina lang talaga ang utak ni Sierah! Classmates na kami ever since high school—"
"Shut your fucking mouth, Riley. I'm not even talking to you." Yeon's deep voice made the cuss word sound so good.
Deserve naman ni Riley.
"Did you just curse at me?!" Bulyaw ni Riley.
"No, I just called your mouth a fucking mouth. You sound so defensive," Yeon slightly placed his hand on his waist, "Maybe because you're behind it?"
Napatigil si Riley sa sinabi ni Yeon, "Behind it?! Of course not!" Galit na sabi ni Riley.
"I doubt that, your face is the face of a liar." Umawang ang labi ko sa masakit na salitang sinabi ni Yeon.
"I'll get this investigated, if you admit everything to me. It might be just a suspension not a removal of your license." Banta ni Yeon sa mga professors.
"Sir, I'll trust you with this since you told me this off feeling." Paalam ni Yeon ngunit pagkaharap niya sa akin ay natigilan siya at biglang napaayos ng tayo.
"You're here, early." Sambit niya bigla kaya napapailing akong lumapit sa kaniya at tinangay siya papalabas.
"Wait— wait, calm down." Awat niya kaya hinarap ko siya.
"What is that?" Turo ko sa gawing classroom namin kahit malayo na kami doon.
"Something's off, inayos ko lang." Rason niya.
"Magagalit ka ba sa akin? Huwag na. It's for my pride, not for you, dumb." Mabilis na sabi niya kaya mahina akong natawa.
"Thank you."
"It's not for you, don't thank me. It's for myself, I felt like I was called stupid because they fail you. I am the one who tutored you for fuck's sake." Napangiwi ako sa mga fuck-fuck niyang mura.
"Hay nako, Yeon—"
"Bye." Mabilis niyang paalam at tinalikuran ako tsaka dere-deretsong naglakad papalayo sa akin.
Tignan mo nga 'to, pinasalamatan na sinungitan pa ako ang sarap sakalin yung hindi na siya makakahinga pa sa susunod na segundo.
Nang tumunog ang cellphone ko ay natigilan ako ng makita si Yuno.
From Yuniko:
You went home already? Hindi ka nagsabi.
From Yuniko:
May emergency ba? Why didn't you tell me? I'm hoping to eat ice cream with you and breakfast.
Hindi ko pinansin 'yon at umaktong busy na lang kahit hindi naman, ice cream? Ginagawa niya ba akong bata? I'm mad at him pero I can't tell so I'll just act on it.
After a week, Yeon's been helping me with my grades. I found out that Riley paid the 5 teachers to make my scores wrong and enough to fail me.
Umamin rin yung mga professor, baka natatakot sila kay Yeon?
At sa akin na apo ng may ari ay hindi? What the hell.
Kasabay ko si Yeon na hawak ang school card ko, "Paano ba 'yan? You passed Ms. Garcia." He teased me.
"Yeah. Thanks to your guts." I chuckled.
"Yeah. Treat me." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, "Saan mo gusto?" Kwestyon ko.
"I'll think about it, I'm the one who's gonna decide the date." Pangunguna niya kaya tumango ako bilang sagot.
Huminga ako ng malalim at umuwi muna sa condo ko para magpahinga, Yuno's been texting me pero hindi gaano.
He's just asking how busy I am, or am I even busy.
Pagkatapos ko maligo ay naupo ako sa sofa ko just to watch some relaxing movie sana.
Pero habang nanonood ay napalingon ako sa pinto, may kutob ako na si Yuno 'to pero tumayo pa rin ako at binuksan ang pinto.
Pagkabukas ko ay hindi nga ako nagkamali, he's just wearing a plain shirt and a cotton shorts with a paper bag on his hand.
"You came," I smiled.
"Hmm, busy ka?" He asked.
"A little." I replied back and made him sit on my couch.
"What's that?" I pointed out.
"Crispy pata and vegetable salad." He answered.
"Any drinks or what do you want?" Kwestyon ko habang naglalakad papunta sa kusina.
"Wanna get drunk." He answered kaya nang makita ko ang wine na dala niya ay kumuha ako ng glass and plates.
Nang maayos ay naupo ako sa single sofa dahilan para magtaka siya ngunit hindi ko pinansin ang tingin niya at nag-maangan.
"Are you not mad kasi hindi kita natawagan?" Napatigil ako sa pagsimsim sa wine tsaka ko siya sinulyapan, seryoso.
May magagawa pa ba ako Yuno?
"Did I ask you to call me ba?" Maangan ko.
"N-Nabasa ko yung recent chats mo, Sierah." Napatitig ako lalo sa kaniya at inubos ang nasa baso ko.
"Ah, wala 'yon." Tumikhim ako at umiwas tingin.
Hindi na siya umimik at tahimik na lang rin na kumain at uminom habang nanonood. Sa kalagitnaan ay napahikab na ako.
Napatigil ako nang mag-ring yung cellphone ko kaya naman tinignan ko 'yon, nagtaka ako ng tumawag si Yeon.
Sinagot ko 'yon dahil baka importante, "Hmm?"
"Ba't ka tumawag?" Sa sinabi niya ay nagulat ako at napatingin sa screen.
"Anong ako tumawag? Baliw ka ba, ano nga 'yon?" Yuno paused the movie and stared at me, making me feel conscious.
"Wala lang." Napangiwi ako sa sagot ni Yeon.
"Alam mo yung sira?" Sumbat ko, "Ikaw 'yon, bye!" Pinatay ko agad ang tawag nang tawang tawa siya sa kabilang linya.
Napapailing kong ibinaba ang cellphone hanggang sa mapansin ko ang tingin ni Yuno.
"Did something happen while I'm away?" My forehead crumpled like a paper, "Marami." Sagot ko.
"Hmm, such as?" He curiously asked kaya tumikhim ako, "Tinatamad ako mag-kwento, let's just watch." I pointed to the flat screen so he played the movie again.
"Sierah, I know you saw us." Napatitig ako kay Yuno sa sinabi niya, "Yeah." Seryosong sagot ko.
Napatitig siya sa akin, "Why didn't you say a word then?" Nagkibit balikat ako at uminom na lang.
"Sierah."
"Wala akong sinabi kasi ano pa bang dapat kong sabihin, Yuno? Gusto mo ba sigawan at awayin kita?" Sumbat ko at sinamaan siya ng tingin.
Pagod na pagod na ako.
"Gusto mo ba sabihin ko na, layuan mo na si Jami at huwag na huwag kakausapin— tingin mo makikinig ka? Tingin mo ba lalayo ka? Hindi 'di ba?" Sumbat ko pa tsaka ko nasapo ang mulha.
"I wish you didn't just open up the topic I'm forgetting for a week." Singhal ko.
"I'm sorry—"
"Yeah, sorry. How many times do you have to apologize to realize that you're fucking hurting me? That I am hurt? That I am crying because of you everyday?" Nagtatampo at masama ang loob kong sabi.
"Yes, she needs someone but she doesn't need you, Yuniko. Ako, ako yung kailangan ka nang mga nakaraang araw na isang tawag mo lang sa akin ayos na." Natakpan ko ang bibig ng maluha ako.
"Ako yung naghihintay sa'yo kahit madaling araw kung may reply o tawag ka ba, kahit isang kumusta wala man!" I raised my voice and cupped my face.
"Kailangan na kailangan ko ng kasama no'n, kailangan ko rin ng kausap, pero sa'yo ako tumakbo matapos ko deadmahin ang lahat kasi hindi ko na kaya pero nasaan ka?" Kumuyom ang kamao ko.
"Wala ka! Nanahimik ako 'di ba? Iniinda ko kasi mahal kita, pero ano lang ba ako sa'yo?" Napalunok siya at nanlulumo akong tinitigan.
"Kaibigan? Kakilala?" Natawa ako.
"Sorry, Sierah—"
"Huwag ka na mag-sorry! Hindi ko kailangan ng sorry mo! Sorry na walang pagbabago, sorry na para lang gumaan ang nararamdaman ko pero putangina." Nang humagulgol ako ay natakpan ko na lang ang bibig ko.
"Sobrang sakit mong mahalin, sobrang sakit parang ikaw yung papatay sa akin Yuno." Tumayo ako at tinalikuran siya pero napatigil ako nang pigilan niya pa ako.
"Sierah, I-I will change." Peke akong natawa sa sinabi niya.
"Sana noon pa, sana nang may pagkakataon pa." Mariing gitil ko at nilisan siya sa sala upang pumasok at magtago sa kwarto ko.
Sana naisip niya na 'yon nang una pa lang para hindi kami ganito at hindi ako nasasaktan. Sana man lang ginawa niya yung best niya para gustuhin pa ako.
Panay salita eh.
///
@/n: Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top