Chapter 1: Her Vain

Chapter 1: Her Vain



Sierah's Point Of View.


I giggled when I watched Yuno's performance, we were just like this. I don't know if he's aware that I like him or not.

Even though I have a boyfriend before, I really can't move on from him. We never had any relationship label, just friends, a person he does know.

We met a lot of times, parties, engagements, social groups, pero he never laid his eyes on me like a girl he can hit off.

I tried flirting with him yet he patted my head like a freaking child. Nang makalapit siya sa akin ay napangiti siya kaagad, "Bakit ka nandito sungit?" Ngumuso ako sa pagtawag niya sa akin.

Pinagkrus ko kaagad ang braso, "Of course to watch you and I was invited here 'no. Eh ikaw bakit ka lumapit sa akin?"

I gave him a once-over look just to notice how clean his haircut is, and the sunglasses resting on his built chest is damn attractive.

Ang bango-bango pa.

"I saw you in the crowd, you look a bit lonely." He teased me.

"I-I am not lonely!"

"You seemed like, nag-iisa oh. Wala kang date tonight?" Ngumisi ang labi ko sa tanong niya.

"Will you be my date then?" I asked.

"Ah, I can accompany you but I can't date you." Nakangiting sabi niya, ipinamulsa niya ang cellphone na hawak dahilan para mapatingin pa ako sa pants niya ngunit umiwas tingin kaagad ako.

"I guess you're single at the moment, nangyari sa inyo ng boyfriend mo?" Kwestyon niya.

Yuno seemed to know everything that's happening around him, parati na lang niyang nalalaman pag may bago akong boyfriend.

"Tsk. Hindi ako single, pero malabo kami ngayon. Imagine ha, I caught her with a girl at the club and sabi niya friends lang?" Natawa si Yuno sa sinabi ko at tsaka niya ako dinala sa may magandang upuan sa venue.

"Malay mo friends lang talaga?" He concluded.

"Yet they're so close sitting with each other?" Singhal ko at pinagkrus ang braso ko.

He chuckled, "How close?"

"Ganto," umusod ako sa tabi niya yet he didn't even flinch or tried to avoid my body contact with him.

Ipinatong ko ang palad ko sa legs niya dahilan para titigan niya ang mukha ko, "Ganito." I even rested my back a little on his body.

"Ganito." Naningkit ang mata niya at huminga ng malalim, "Close nga." Sagot niya kaya natawa ako at lumayo na.

"'Di ba? Tapos he's been super sweet after I found that out. Like what the hell is going on? My trust issues could not handle it further." Napairap pa ako at pinagkrus ang braso ko matapos magsumbong.

"Hmm, understandable." He nodded and grabbed a glass of alcohol to sip on it. Ang pogi beh!

"Ikaw? Are you still single?" Tanong ko.

"As always," he said and sighed.

"Hindi ka pa nakaka-move on sa ex mo?" Umabot rin ako ng baso at uminom.

"No. It's not that." He answered, seeming to tell a little story about his situation.

"I'm just not ready to enter a relationship." He stated.

"Ikaw? Pang-ilang boyfriend mo na 'yan? If they're not treating you right, leave them instantly." He advised.

"Pang 3?" Natatawang sagot ko.

"I wonder who's next." Bulong niya kaya nanlaki ang mata ko, "Hoy parang sinabi mo naman na ang lalakero ko!" Reklamo ko.

"Hindi naman, based on your story mukhang malapit ka ng makipaghiwalay sa current boyfriend mo ngayon." Sabi niya pa at tumingin sa malayo, inakbayan niya ang sofa dahil matangkad naman siya.

"Hmm, mukhang ganoon na nga." Nakangusong sagot ko.

"Bakit ganiyan yung mukha mo?" Tukoy niya at sinuri ang mukha ko, nahawakan ko tuloy ang pisngi habang nakatingin sa kaniya.

"Maganda ba?" His eyes widened a little not until he laughed.

"Parang hindi mo naman mahal yung boyfriend mo ngayon," seryosong sabi niya matapos tumawa.

"Sabihin na nating minahal ko naman siya," sagot ko, "Pero hindi tulad ng pagmamahal ko sa kaniya."

"Red flag nito." Singhal ni Yuno kaya natawa ako.

"Ikaw ba hindi?" Inirapan ko siya.

"Hindi ka pa ba tapos sa first boyfriend mo, Sierah?" Biglang tanong niya kaya natigilan ako at napaiwas tingin.

"He's my first heartbreak after all, biggest heartbreak." Nalulungkot ko na sabi.

"Sinapak ko na nga para sa'yo." Bulong niya.

"Kaya nga kita naging crush," biglang sabi ko dahilan para matakpan ang bibig.

"I mean—"

He smiled, "Crush huh," he chuckled on his remarks and then sipped on his glass.

"Sa relasyon Sierah, umasa kang masakit. Gaano pa 'yan ka-perpekto sa una. People are full of flaws, no matter how perfect they seem, they will always have flaws." He explained, bagay na alam ko naman.

"Tignan mo 'ko, gwapo pero gwapo talaga eh." Naningkit ang mata ko at hinampas siya sa braso dahilan para matawa siya at himasin ang hinampas ko.

"Bigat ng kamay mo, tanggal siguro ulo no'n nang sinampal mo?" Natawa ako dahil sa sinabi niya, higit sa lahat si Yuno ang naging dahilan para kahit papaano ay makalimot ako sa sakit.

"Hayaan mo na 'yon, Sierah. Yung first love mo, kasalanan niyang hindi ka niya iningatan." Huminga ng malalim si Yuno at tumikhim.

"Kasalanan niyang nagpakain siya sa tukso, kaya hindi na mababago pa ang katotohanan na manloloko siya." He said.

"K-Kasalanan niya namang nakabuntis siya 'no, hindi ko kasalanan na makati siya at hindi makapag-pigil." Reklamo ko.

"Pero masakit kaya," bulong ko.

"A-Ako na lang sana." Mahinang sabi ko pa.

"Gago, bata ka pa." Nginusuan ko si Yuno.

"Bente na ako ngayon!" Seryosong sabi ko.

"Ah bente." Natatawang sabi niya.

"Tingin mo matanda ka na kasi bente ka na? Huwag ka munang pasaway diyan." Sermon niya.

"Para kang si Janella, sakit sa ulo." Ngumuso ako.

"Mas mabait naman si Ate Janella sa akin 'no."

"Buti alam mo." Napalo ko siya sa legs na ikinatawa niya.

After that conversation, a lot of his friends came to him to greet him, they even tried to take him pero sabi niya sasamahan niya muna ako, enebe!


A few days later, walang classes since it's vacation and I'm free to party naman anytime.

Pero my dad wants me for dinner with some famous families in town. Kaya naman sino ako para humindi? My dad gave me everything.

Lalo na sa mga gastos ko sa sarili, that's why I took a business course. My father is a doctor yet he's handling our business with help of mommy naman.

"Magbihis ka ng maayos, presentable anak." My dad reminded me and so I did.

Nag-dress ako, not a sexy dress but a presentable and elegant dress. Pagkatapos ko gawing presentable ang sarili ay sinulyapan ko si mommy na inilalagay ang necktie ni Zian.

Yeah, my very chivalrous brother.

"You look gorgeous, ate." Napairap ako sa sinabi niya, "As always."

"Ano't binobola mo ako? Siguro hihiram ka sa akin ng pera 'no?" Asar ko, natawa siya at inakbayan ako dahil hamak na mas matangkad siya sa akin.

"Hindi 'no, daddy gave me a extra allowance." Pagmamayabang niya kaya natawa ako, not until my mommy started giving us sermon.

"Ikaw Zian sa susunod na may umiyak na namang babae sa akin dahil sa kagagawan mo sinasabi ko sa'yo babawasan ko ang allowance mo." Napangiti ako.

"Mommy naman." Reklamo ni Zian at napahawak sa batok.

"Kay bata-bata mo kasi ay panay ka na babae. Mana ka talaga sa daddy mo." Pasinghal na sabi ni mommy dahilan apra lumingon agad si daddy nang gulat na gulat.

"Wow, matagal na akong retired babe. What the heck, ang faithful ko na mula ng dumating ka sa buhay ko." Napangiwi ako sa sinabi ni daddy.

"Oh come on Zai Garcia, you broke my heart—"

"And as if you didn't break mine first, babe?" Nang magsimula silang magtalo ay hinila ko na si Zian sa van.

"Hayaan mo na sila." Natawa si Zian.

"I hope I won't be like dad, he loves our mom so much. Nakakatakot magmahal, ate." Naupo kami sa likuran ng van dahilan para matanaw namin sila mom at dad na naglalambingan na.

"Nakakatakot? Bakit ka matatakot?" Sumbat ko punong puno ng pagtataka.

"Sa landi mong 'yan natatakot ka?" Napahawak siya sa dibdib niya sa sinabi ko.

"Sapul." Natawa kaming dalawa sa reaksyon niya, "I'm scared of commitment, look at how guys treat you nga ate. 'Di ba? What if magkamali ako and do that?" Nanlaki mata ko sa sinabi niya.

"Tanga ka ba? Edi iwasan mo." Umirap siya ngunit gwapong ngumiti sa akin kaya ngumiwi ako at maya-maya ay dumeretso na kami sa Venue.

Isang maganda at sikat na restaurant sa loob ng isang magandang hotel, yes 5 star. Ganoon yata talaga pag engagements?

Pagkarating sa restaurant ay kinakabahan ako for some reason, pagka-upo ay sunod rin na pumasok ang isang pamilya ngunit hirap na hirap akong tawagan ang walang kwenta kong boyfriend.

He's damn ghosting me for three days already, hindi na lang siya makipag-hiwalay right?

I-I don't miss him at all, sakit lang siya sa ulo.

"Ate, gwapo yata yung heir nila. Mamili ka na lang." Nalingon ko si Zian sa binulong niya sa akin, taas kilay kong sinulyapan ang naupo sa harapan namin.

Ngiwi kong tinignan ang lalake, gwapo nga pero wala ako sa mood lumandi dahil sa walang kwentang lalake.

"Sierah, Zian." Napatayo kami kaagad at sumunod kay daddy, we took their hands at nang sa isa na ang kamay na kukunin ko ay masungit niya akong tinignan.

Ginawa ko rito?

Hindi siya ganoon kaputi, ngunit hamak na mas maputi siya sa akin. Hindi ko kasi nakuha ang kutis ni daddy, tamang morena lang ako 'no.

"Tinitingin tingin mo?" Bulong na singhal ko at tsaka naupo na lalo na nang samaan niya ako ng tingin.

We started eating not until our parents talked about life, heir, and relationships. "My eldest is 23 years old, he's in business." Nakangiting sabi ng parents ng dalawang magagandang binata sa harapan ko.

So sino ang eldest?

Parang hindi ko mawari kung sino mas matanda sa kanila, "My younger is 21 years old. Hindi sila nagkakalayo kasi you know, glad my wife gave a normal birth." Hindi ko sila maintindihan.

Habang kumakain ay napalinga ako ngunit natigilan ako ng makita ko ang pamilyar na bulto ng lalake, napatigil ako.

"Si Renzo 'yon, 'di ba ate?" Bulong ni Zian sa akin, tumikhim ako at sinundan 'yon ng tingin.

Sandaliang umawang ang labi ko ng makita ang babaeng kasama niya sa club last time.

Napaiwas tingin ako at tumingin sa kinakain ko, I tried to divert my attent to the food and to the wine they gave. Pero mas lalo lang akong naiinis.

Tumahimik na lang si Zian, but then later on I saw Yuno enter the restaurant with three guys. Mukhang dito sila kakain, hindi ko na pinansin 'yon.

Kinuha ko ang cellphone ko and tried to contact Renzo, my current boyfriend and my 5 months boyfriend.

Yes, 5 months.

After eating the food, "Excuse me, I'll just get some fresh air." Paalam ko sa kanila at bahagyang yumuko tsaka ko piniling pumunta sa open area ng hotel.

Sa balcony nila papuntang special garden, tinatawagan ko si Renzo not until makita ko yung lalake na kasama ko sa dinner table.

"Why are you here?" Sumbat ko.

Nangunot ang noo niya at nagsalubong ang makakapal at maiitim niyang kilay, his hazel eyes glared at me. "What will you assume?" Noong marinig ang boses niya ay natigilan ako.

Tumikhim ako, masyadong malalim ang boses niya hindi ko inaasahan. "Assume? Wala. Dapat ba meron?" Maarteng sagot ko at umirap.

"Bakit ka ba nandito?" Naiiritang tanong ko.

I stopped when I saw him take out a cigarette and a nice and unique lighter. He placed it in between his lips that answered my question.

I swallowed hard when he lit it while staring at my eyes, "Damn, smoker." Bulong ko at umiwas tingin na tsaka ko tinignan ang cellphone ko na nagv-vibrate.

Sinagot ko ang tawag ni Renzo, "Good evening babe. Sorry, busy lang sa studies. Tawag na lang ako mamaya, love you!" Ngumiwi ang labi ko.

"Busy in studies? Ah mahirap ba pinag-aaralan mo kaya tatlong araw mo 'kong dineadma?" Pabalang na sagot ko hindi iniisip yung katabi ko.

"Yes babe, mahirap. Sobra! Struggle is real kasi graduating na ako alam mo naman 'yon." Peke at sarkastiko akong natawa.

"Alright, aralin mong mabuti. Pagkabutihan mo, babe." Idiniin ko ang endearment na 'yon at pinatay ang tawag sa sobrang inis.

"Do you really need to smoke beside me? Papatayin mo ba ako?" Galit na singhal ko sa katabi tsaka siya sinamaan ng tingin at inis na iniwan doon.

Nang natanaw ko ang manloloko ko na boyfriend ay natawa ako, anong inaaral niya? Yung babae?


Bwisit!


Akala ko pa man din ay matino na 'tong nakuha ko, panay pa-pogi lang manloloko naman.

I requested a separate wine and drank a lot of it, not until that man who came up to me a while ago grabbed a glass and drank with me.

"What the hell are your intentions?" Singhal ko sa kaniya.

Tumaas ang kilay niya, "Tulad mo, ayoko rin sa usapan ng matatanda."

Sa sagot niya ay ngumiwi ako, "Lumayo ka sa akin kung ayaw mo napahiya." Seryosong sabi ko.

"What?" He questioned.

"Lumayo ka sa akin kung ayaw mong mapahiya," seryosong sabi ko habang nakatitig sa boyfriend ko at nang bago niyang babae.

Kaibigan ha, pero naka-romantic set sa restaurant na 'to? Gago ba sila?

"Why are you so rude?" Tinignan ko ang lalake na kasama ko sa table, "You know what mister, binabantaan lang kita dahil hindi ka rin matutuwa kung malalaman ng iba na kakilala at kasama mo ako." Nauubusang pasensya kong sabi tsaka inubos ang isang baso ng wine tsaka ko naglagay ulit at naglakad.

Naglakad ako papalapit sa kanila, nang makita ako ni Renzo ay napatayo siya kaagad ngunit natigilan ako ng iharang niya ang sarili sa babae.

Tumaas ang kilay ko at hindi makapaniwalang tinitigan sila, "Don't make an issue, k-kumakain lang kami." Ngumiti ako sa sinabi ni Renzo.

"Talaga?" Kwestyon ko.

Buti na lang malayo ito sa table namin at hindi nila ako matatanaw unless nakaupo sila sa seat namin ni Zian. "S-Sierah kumakain lang talaga kam—"

"Fucking liars!" Gigil na sabi ko, sa sobrang galit ko ay ibinuhos ko sa kanilang dalawa ang wine na hawak ko.

"Ang kapal talaga ng mukha niyong dalawa 'no? Hindi na kayo nahiya." Kumuyom ang kamao ko at tsaka ko sinamaan sila ng tingin.

"Sierah, let me explain. Please." Kalmadong sabi ni Renzo.

"Tanga ka ba? Anong ipapaliwanag mo?" Galit na sabi ko.

"Ipapaliwanag mo ba kung paano kayo naging madumi dalawa?" Sarkastikong sabi ko tsaka ako pekeng natawa, ang iba ay pinagtitinginan na kami.

Nakagat ko ang ibabang labi tsaka ko siya sinamaan ng tingin, "Magsama na kayong dalawa, tapos na tayo Renzo." Mariing sabi ko at tsaka ko sila tinalikuran.

"Babe!" Paghabol niya sa akin ngunit dumeretso ako sa balcony upang huminga ng maayos hanggang sa hinila ni Renzo ang kamay ko kaya naman mabilis ko siyang sinampal.

"Gago ka talaga ano?" Galit na sabi ko.

"Gago ka, manloloko!" Bulyaw ko.

"Kasalanan ko bang mauwi sa ganito, Sierah? H-Hindi ko ginusto 'to, p-pinilit niya ako—"

"Hindi kita pinilit Renzo!" Sumingit yung babae kaya natawa ako at tinitigan silang dalawa.

"Whatever the reason is, I already don't give a fuck!" Dinuro ko silang dalawa.

"Ang bababoy niyo!" Nandidiri kong sabi.

"Kasalanan mo naman Sierah! Hindi mo pinagbibigyan ang nobyo mo kahit isang beses lang!" Umawang ang labi ko at halos matawa ako ng husto.

"Gaga lang ang babaeng bibigay sa walang kwentang tulad ni Renzo at ikaw 'yon!" Sumbat ko.

"Talaga ba? Galit na galit ka kasi pinagpalit ka niya!"

"Pinagpalit? Siya pa ngang humahabol sa akin ngayon. Ikaw? Palipasan libog ka lang niya, and you know what? Nagpauto ka naman!" Bulyaw ko kasabay ng sarkastikong tawa.

"Enough of you!" Sita ni Renzo sa babae niya.

"Sierah, listen to me babe—"

"Gago!" Sigaw ko at muli siyang sinampal.

"Gago ka talaga 'no? Manloloko ka at ang kapal ng mukha mong tawagin akong babe!" Gigil na gigil ako at nanginginig ang palad ko dahil namamanhid na 'yon.

Bukod sa nanampal ako ay galit rin ako, nasapo ko ang mukha. "Lumayo na kayo sa aking dalawa." Seryosong sabi ko.

"Sierah, babe, pleas—"

"Buntis ako Renzo! Ano't nagmamakaawa ka pa sa kaniya?!" Natigilan ako sa narinig, tila trauma na sa akin 'yon.

"B-Buntis?" Kwestyon ko.

Nagulantang ako, napatitig sa kanilang dalawa. Huminga ako ng malalim at nasapo ang mukha, nasuklayan ko ang buhok gamit ang daliri.

Nagsimula akong mahilo, "Babe." Nang hawakan ako ni Renzo ay pumalag ako ngunit sobra na akong nahihilo.

Bago pa man magdilim ang paningin ko ay hinawakan ng lalake yung braso ko at tila ginigising niya ako ngunit hindi ko siya marinig.

Humawak ako sa braso ng lalake at tsaka ko ipinikit ang mata..


Nang magmulat ako ay nasapo ko ang ulo sa sobrang sakit no'n, naamoy ko ang amoy sasakyan kaya iminulat ko ang mata.

Natigilan ako ng makitang nakasandal at nakapikit yung lalake na kasama namin sa dinner, bunso ba 'to o panganay? Hamak na mas matanda pa rin sila sa akin.

Bente-uno at bente-tres sila eh.

Ngumuso ako, nakakahiya na siya pa ang nakakita no'n. Nahihilo pa rin ako at naiinis ako dahil ang sakit-sakit ng ulo ko.

Bwisit na wine 'yan, nasa huli ang sipa. "Glad you're awake, akala ko patay ka na." Nalingon ko ang lalake tsaka ako ngumiwi.

"Nasaan tayo?" Tanong ko.

"Somewhere? Like the parking lot of the hotel?" Huminga ako ng malalim at tsaka bumuntong hininga.

Binuksan niya ang dalawang butones ng polo na suot tsaka siya sumandal, "Tagal mo gumising." Reklamo niya pa.

"Ba't 'di mo 'ko ginising?" His lips parted a little and then he looked away.

"Mukha kang kawawa." Sa sagot niya ay nanlaki ang mata ko.

"Fuck off. What the heck?" Singhal ko, his lips turned into a smirk.

"No matter how rock-hearted you act a while ago, I can see that you're heart broken." He stated in a serious tone.

"Mind your own business." Gitil ko.

"What's your name again?" He asked.

"Why would I introduce myself to you?" Malditang sabi ko at inirapan siya.

"I don't know you, that's why you have to introduce yourself. Dumb." Naningkit ang mata ko sa pagtawag niya sa akin ng dumb.


Wow ha, close kami?!


"You know what Mr. Businessman, I'm not interested in you, no matter how handsome you are looking tonight. So let's not be friends, just strangers that had dinner tonight. I'm off," paalam ko at inalis ang pagkaka-suot ng seatbelt sa akin.

"Alright, likewise." He replied so I opened the door and left his car.


A few months later, nasapo ko ang noo after reading the whole lesson with fucking math.

Hindi ako matalino sa math, kaya hindi ako sumunod sa yapak ng mga pinsan kong math wizards.

Hindi ko alam kung kanino ako nagmana because both of my parents are good in math.

Graduate na rin si Yuno this year pero ako? Ito, 3rd year ko pa lang sa business course na 'to.

Going na rin sa heart ni Yuno hehehe. Humikab ako ngunit natigilan ako ng makita si Jami at Yuno sa hallway, inaasar niya na naman siguro si Jami.

Lalapit na sana ako ngunit natigilan ako ng yumuko si Yuno sa harapan ni Jami at kaunti na lang ang lapit ng mukha nila.


Anong meron?


Natapos lang ang bakasyon, ano kayang ganap sa kanila? Nang umalis si Jami ay nilapitan ko si Yuno. "Ginawa mo doon?" Tanong ko, natigilan siya at napatitig sa akin.

"Graduating ka rin 'di ba?" Kwestyon ko.

"Baliw, nag-graduate na ako. Waiting na lang sa board exam." Natatawang sabi ni Yuno kaya napatango ako.

"Ah, oo nga pala." Wala sa sariling sabi ko.

"Uuwi ka na?" Tanong ko.

"Nope, may maliit na project pinahahawak sa akin rito, for OJT na rin siguro?" Nagsasalita niya akong sinabayan sa paglalakad.

"Ah by the way, I saw you at a restaurant a few months ago." Huminga ako ng malalim sa sinabi niya.

"Yeah. Wala na kami, confirmed na niloloko niya ako eh." Peke akong tumawa, sama pa rin ng loob ko. Tatlong beses na akong naloko, what the heck?


Sumpa ba?


"Pabayaan mo na yung ganoong tao, may karma rin 'yan. Makakahanap ng katapat or—"

"Katapat niya na 'yon, nabuntis niya eh." Seryosong sabi ko, kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone tsaka ko tinitigan ang text ni daddy.

From Daddy:

   'Nak, see you next week. Huwag ka sana mawawala sa opening ng isang branch ng company natin. Ikaw rin ang hahawak no'n in the future.


Ngumuso ang labi ko, I'm not yet ready to be part of the company pero for dad, sige.

"You don't look well, is it bad news?" Yuno asked while alternatively glancing at me and at the hallway.

"No, just a company party. Sabi ni dad pumunta raw ako para siguro maaga pa lang makilala na nila ako?" Baka sakali na sabi ko sa kaniya.

"Gagi, ayos lang 'yan. Parents ko nga ako pinaghahawak ng kumpanya, malay mo maging business partners tayo." Sa sinabi niya ay sumaya ng bahagya ang puso ko.

"Ikaw ha, umamin ka na kung gusto mo ako maging partner." Asar ko ngunit natawa siya at tumango.

"It would be my pleasure, Sierah. Maganda naman sa business industry, tapos may maganda pang partner." Nag-init ang pisngi ko sa pagsakay niya sa biro ko.

Ang bango niya naman ngayon.

"So what's the perks of being a Yuno Marshall?" I asked.

"As Yuno Marshall? Wala, maganda sa mata ng lahat. Nangunguna, pangalan pa lang." He typically acted like a damn mahangin pero may point siya.

"Bagay sa'yo yung damit mo ngayon," pag-puri ko, natignan niya ang suot na itim na slacks at itim rin na shirt.

"Salamat, bagay rin sa'yo yung uniform niyo." Nakangiting sabi niya at nakalabas pa ang baon niyang dimples!


Aaaaaackkkk! Ang gwapo beh!


"Skirt nga eh." Kuno ay nagrereklamo kong sabi.

"Still, it looks great on you. I'll go first Sierah, see you." Paalam niya at tinapik ang balikat ko.

"Ingat!" Masayang sabi ko.

"Salamat, ikaw rin. Ingat sa lalake!" Nakalayo na siya ng sabihin niya 'yon kaya napangiti ako.


You're my next, tsk.



///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top