SPECIAL CHAPTER - Vraxx Ethos and Fiery Essence

SPECIAL CHAPTER

Vraxx Ethos and Fiery Essence


HINUBAD NI VRAXX ang leather jacket na suot nang makalabas siya ng Club X—ang club na pagmamay-ari ni Logan, ang anak ni Uncle Luther. Nakakailang hakbang pa lang siya palabas nang may tumawag sa kanya.

Vraxx checked his phone.

Kuya Logan calling...

"Kuya," sabi niya nang sagutin ang tawag.

"Uuwi ka na?" tanong nito. Naririnig niya sa kabilang linya ang musika sa loob ng club pero dinig pa rin niya nang malinaw ang boses nito. "I saw you leave."

"Yeah..." He let out a loud breath. "Mom called. She wants me home."

"Oh, okay. Ingat sa pagmamaneho pauwi."

Natawa siya. "Kuya, we both know that my driving is always the least of my worry when I'm outside."

Logan tsked. "Well, you're the second Arkhon's son and the next in line. Where's Verdect?"

"Home."

"Kasama mo siya kanina, 'di ba?" Bakas ang gulat sa boses ng kausap. "Himala yata. Hindi humihiwalay ang isang 'yon sa iyo."

"He left the club early." Kumunot ang noo ni Vraxx. "Now I'm wondering if he's really home." He tsked. "He must've sensed something."

Logan chuckled. "You know him. Even after college, he's still focus on protecting you. Verdect will always protect you like how Uncle Blake protects Uncle Blaze."

Nagkibit-bakikat siya. "I don't mind. I like him being around. It calms me. And it's fun when people always mistook us as twins because we look-alike."

Logan laughed. "Both your parents are look-alike as well—that's what you get. By the way, speaking of twins, have you seen Fiery Essence?"

Kumunot ang noo ni Vraxx sa tanong ng Kuya Logan niya. "Why are you asking, Kuya? Nakita mo ba siya? Fuck! Hindi 'yon pinapalabas ni Dad ngayong gabi dahil nga sa mga nangyayari."

"I saw her on the club earlier. With her boyfriend."

Natigilan siya. "You okay?"

Logan chuckled nonchalantly. "No worries. I'm used to it. I already called Kuya Kane to pick her up but do check if she's already home. Matigas ang ulo ng isang 'yon."

"I will."

"Sige, ingat sa pag-uwi," sabi nito saka nagpaalam na.

Nang mawala sa kabilang linya ang kausap, ibinulsa ni Vraxx ang cell phone, saka pasimpleng tumingin sa paligid. Nakikiramdam. Madaling-araw na kaya kulang na ang tao sa labas. Pero bago pa siyang makahakbang, may tumutok ng baril sa tagiliran niya.

"Move or you'll die," sabi ng may hawak ng baril sa kanya. "My gun has a suppressor, no one will know you're dead."

"Thanks for the info." Mabilis na umikot si Vraxx at dinisarmahan ang lalaking nasa likuran niya at itinutok sa ibaba ng baba nito ang sariling baril, saka kinalabit niya ang gatilyo. When the mam dropped dead on the floor, he checked out the gun he was now holding. "Hmm... nice gun."

Humakbang siya paalis, saka tinawagan ang Uncle Lyf niya habang inaalis ang dugong tumilamsik sa mukha niya dahil sa pagbaril niya sa lalaki nang malapitan.

"Uncle," sabi niya nang sagutin nito ang tawag, "I need a clean up. One body. Outside Kuya Logan's club."

"I'll send someone," sabi ni Uncle Lyf. "Ingat sa pag-uwi."

"Thanks." Pinatay niya ang tawag, saka naglakad patungo sa kotse niya. Hindi pa siya nakakasakay nang makatanggap siya ng text mula kay Verdect.

Coms in.

Mabilis niyang kinuha sa bulsa ang earpiece, saka inilagay iyon sa tainga niya. "This is Vraxx Ethos Vitale, reporting for duty." In his birth certificate it was actually Vraxx Ethos Quinn but he likes to used his father's surname. "How can I help you today?" he asked jokingly.

"Code," sabi ng boses sa kabilang linya.

"KN, it's me," may diin niyang sabi.

"I don't care. Give me a code."

Vraxx tsked. "Bloodlust."

"Oh, hey, Vraxx." May ngiti na sa boses nito. "Huwag ka pa lang sumakay sa kotse mo. Someone put a bomb on it."

"Fuck!" Mabilis siyang lumayo sa sasakyan niya, "I love this car! Kuya Kane gave it to me! Fuck it!"

"Magpabili ka na lang uli kay Kuya Kane, mayaman naman 'yon," suhestiyon ni KN.

Vraxx tsked. "How did you know?"

"Because I'm awesome, talented and just fucking amazing," sagot ni KN sa kanya. "Anyway, just walk towards the road on your left, the Viscount will pick you up."

"Viscount?" tanong niya habang malalaki ang hakbang na naglalakad. "He's here?"

"Yep." KN said popping the "p." "Just arrive tonight and he's already saving your ass."

Napailing si Vraxx, saka mas binilisan ang paglalakad. Truth to KN's words, there was a car waiting for him but Viscount was not the driver, he was in the backseat. The driver was Prince.

"Yow," sabi niya kay Prince nang makasakay sa passenger seat.

Napatingin siya sa harap nila nang hindi sumagot si Viscount o si Prince sa kanya at nanatili lang sa unahan ang tingin ng mga ito.

Natigilan siya nang makitang may limang kalaban na naroon, nakatutok ang baril sa kanila at nagsasalita ang mga ito at sinenyasan silang lumabas ng sasakyan.

"This car is bulletproof, right?" he asked Viscount and Prince.

Humigpit ang hawak ni Prince sa manibela. "It's rental. Kadarating lang namin."

"Fuck."

"Yeah. Fuck," sabi ni Viscount.

"Let's just run them over," suhestiyon niya habang humahawak nang mahigpit ng gilid ng kinauupuan. "That would be nice, Prince."

"Good idea," sabi ni Viscount.

Nakahanda nang sagasaan ni Prince ang limang kalalakihan nang isa-isa iyong bumagsak sa semento.

Headshot.

Then he heard a voice on his earpiece.

"You okay, Eth?" It was Verdect. Eth was Verdect's nickname for him, it was from his second name, Ethos. "Nabaril ka ba?"

"Nope. I'm good," sagot niya. "Thanks. You?"

"I'm right behind you, Eth," sabi nito. "Prince, move the car. Now."

Nang bumagsak ang limang kalalakihan, agad na pinaharurot ni Prince ang sasakyan palayo sa lugar na 'yon.

"Verdect really won't let anything happen to you," sabi ni Viscount na nasa backseat. "You're lucky to have a cousin like him."

Wala sa sariling napahawak si Vrazz sa tagiliran niya kung saan naroon pa ang pilat nang mabaril siya noong fifteen years old siya. Magkasama sila noon si Verdect at siya ang sumalo sa bala na para sana rito. It was a very natural movement for him. He didn't think twice. He didn't want his family hurt. He didn't want his cousin to get hurt so he used himself to protect him.

From then on, Verdect changed. Mas sineryoso nito ang pagiging hippies nito kahit ayaw niya. Verdect underwent training with his dad, Uncle Blake and Kuya Kane. Even Uncle Lyf and Uncle Deth trained him.

At lahat ng tao na nakakakita sa kanila na kilala ang mga ama nila, palaging sinasabi na kung itrato at protektahan daw siya ni Verdect ay parang si Uncle Blake na pinoprotektahan ang daddy niya na kakambal nito.

Well, ever since they were toddlers, it was him and Verdect. Always together. Mas pinagkakamalan pa silang kambal ng marami kaysa sa kanila ni Fiery.

"Eth, next time you wanna go out to fuck, I'll kick your ass."

Natawa siya sa sinabi ng pinsan. "I was just blowing off some steam."

"Isusumbong kita kay Mommy Happy," sabi ni Verdect na Mommy Happy ang tawag sa mommy niya. "She'll ground you and she wouldn't care even if you're already twenty-four."

Vraxx tsked. "Fine. Let's have a deal. What do you want?"

"No club hopping for two weeks," sabi ni Verdect. "Maawa ka naman sa mga taong nagbabantay sa iyo kapag lumalabas ka."

"And you won't tell Mom about tonight?"

"Yes."

Vraxx sighed. "Deal."

"Good. By the way, Kuya Kane picked up Fiery earlier," imporma sa kanya ni Verdect.

"Hindi ba nagalit?" tanong niya.

"Hindi naman. Kilala mo naman si Fiery. She understands," sabi ni Verdect. "Alam naman kasi niyang si Kuya Logan ang tumawag kay Kuya Kane para ipasundo siya."

Napabuntong-hininga siya. "'Buti naman. Kung ako ang nakakita sa kanya at kung ako ang nagsumbong, ilang sipa kaya ang natanggap ko?"

Tumawa si Verdect. "Fiery learned to fight from the best."

Napailing na lang siya. "I'm always her punching bag." Huminga siya nang malalim. "It's a good thing that even though she's spoiled by everyone, she's not a brat."

"Exactly," sabad ni Prince. "Young Miss is a very nice girl."

"That's why I like her," dagdag ni Viscount.

Nagulat silang lahat nang marinig nila ang boses ni Logan sa earpiece na mga suot.

"Viscount..." May pagbabanta sa boses nito. "If you still want to keep the important parts of your body attached to you, I suggest you put your admiration elsewhere."

KN chuckled. "Tumahimik ka kasi, Viscount. Bawal na bawal kang magkagusto sa prinsesa ng mga Vitale dahil naka-reserve na 'yon."

"Kanino naka-reserve?" Boses iyon ni Admiral na kasama sa Team Vraxx pero hindi niya alam kung nasaang panig ito ng bansa ngayon.

Kung sino ang ka-teammate niya, mga anak din 'yon ng ka-teammate ng mommy niya.

"Naka-reserve sa kakilala nating torpe ba?" tanong ni Admiral uli.

Sumabad si Navy sa usapan, ang pinsan ni Admiral. "Hayaan n'yo na, bata pa naman ang babaeng sinisinta niya."

Their conversation was done through earpiece only. Palagi namang ganito ang usapan nila, lalo na kapag malayo sila sa isa't isa.

"Paano 'yan, hindi naman na bumabata 'yang si Logan. Malapit nang lumampas sa kalendaryo ang gago kaya hindi puwedeng hayaan na lang," sabad ni Kuya Saito na mukhang busy sa laptop nito dahil naririnig niya ang pagtipa ng keyboard sa earpiece na suot. "NK, bigyan mo nga ng magandang advice itong si Logan nang matahimik na."

Nagsalita naman si Kuya NK. "Wala kang mapapala sa akin. Kahit sarili kong love life, hindi ko maayos. Fuck it! Why is that woman so savage?!"

Natawa sila.

Kuya NK liked Summer, Tito Cadmus' daughter. Summer was really savage and a player that was why NK was really having a hard time taming her—if he could.

KN tsked. "Sumuko ka na lang kasi, Kuya. Hindi ka naman kasi talaga bagay sa kagandahan ni Summer. Diyosa 'yon, sinto-sinto ka. Hindi kayo bagay."

"KN..." May pagbabanta sa boses ni Kuya NK. Bbaka nakakalimutan mong mas matanda ako sa iyo. Ibibitin kita nang patiwarik kapag nagkita tayo."

"Idiot." KN hissed. "Magkatabi lang tayo. Huwag kang pa-cool, Kuya. Hindi ka cool—ouch! Fuck!"

And they heard grunts of pain. Napailing na lang siya. Mukhang nag-hand-to-hand combat na naman ang magkapatid na Velasquez.

"What the fuck?" Boses iyon ni Night at halatang iritado ito. "Stop fighting you two!"

Hindi pa rin tumigil ang dalawa kaya hinayaan na lang nila. Sanay na sila. Kung hindi sina NK at RV ang nagbabangayan, sina NK at KN 'yon.

"Kuya Sai," sabi ni Night, "I'm inside the syndicate's system, do you want me to open a door for you?"

"Hell, yeah," excited na sabi ni Kuya Saito. "Bye, idiots, the geniuses are busy."

Nawala sa kabilang linya sina Kuya Saito at Night, sumunod na nawala ay sina KN at NK na naroon lang para manggulo at sumunod na nagpaalam ay si Kuya Logan.

Tamang-tama naman na pumasok na sila sa gate ng mansiyon kaya inalis ni Vraxx ang earpiece na suot at ibinulsa iyon bago lumabas ng kotse. Pero hindi agad siya pumasok sa bahay, hinintay niyang makapasok sa gate ang kotse ng pinsan.

"Hey." Sinalubong niya si Verdect na kalalabas lang ng sasakyan.

They did a forearm handshake, so did Prince and Verdect and Viscount and Verdect before walking towards the house.

"Sa bahay na muna ako," sabi ni Viscount na itinuro ang bahay ni Uncle Yrozz. "See you tomorrow."

Tumango lang sila, saka pumasok sa bahay nila. Lihim na napangiwi si Vraxx nang makitang gising pa ang mommy at daddy niya.

Oh, fuck!

"Mauna na ako," sabi ni Prince. "I have to talk to Dad. Grandpa has a message for him," sabi nito, saka umakyat agad.

Agad namang tumayo ang mommy niya mula sa pagkakaupo mula sa sofa nang makita siya.

"Vraxx... you okay, baby?"

He nodded. "Yeah."

His mom was worried but his dad looked pissed.

"Dad—"

"Hindi mo pinatulog ang mommy mo sa pag-aalala sa iyo." Nagtagis ang mga bagang nito. "She should be resting by now. Hindi ba sinabi ko naman sa iyong huwag ka munang lalabas dahil sa nangyayari? Gaano ba kahirap intindihin 'yon, ha?"

"Gusto ko lang namang mag-relax," sabi niya.

His dad heaved a deep sigh. "Sa susunod na gusto mong mag-relax, siguruhin mong hindi ka nakakaperhuwisyo ng ibang tao. Lahat nag-aalala sa lagay mo."

Hindi niya napigilan na sagutin ang ama. "Why? Because I'm the next second Arkhon? That's why you all have to keep me safe—"

"We always try our best to keep you safe because you are my son! You are family and we love you! Walang kinalaman ang pagiging pangalawang Arkhon mo rito!" His father snapped at him before leaving them on the living room.

Vraxx looked at his mom. "Sorry, Mom."

His mom sighed. "Baby, I know you have a mind of your own and you want to do things your way, but it's not right to talk back to your dad like that. He was just worried. And he's right, we're not fussing over your because you're my successor but because we love you." Sinapo ng kanyang ina ang mukha niya. "Say sorry to him, okay? Alam mong ayokong nag-aaway kayo. He's a good dad, you know that. Lahat ng ginagawa ng daddy n'yo para 'yon sa ikabubuti n'yo."

Natahimik siya hanggang sa halikan siya ng ina sa pisngi at nagpaalam ito.

"Good night, baby," sabi ng kanyang ina. "Magpahinga ka na. Get some sleep, okay?"

Tahimik siyang tumango, saka napasabunot sa sariling buhok na humarap kay Verdect. "I didn't mean to snap like that."

Verdect tapped his shoulder. "Control that anger, Eth. Minsan may mga nasasabi tayong masasakit na salita kapag galit tayo na hindi kayang baguhin o burahin ng kahit isang milyong I'm sorry. So, learn to control that side of you."

Natahimik si Vraxx sa sinabi ng pinsan.

"Sige, matulog ka na," sabi ni Verdect na umakyat na para magpahinga.

While he stayed in the living room, standing.

"Hey."

Napaigtad siya sa gulat nang marinig ang boses ng kakambal.

Agad niya itong nilingon na walang ingay na naglalakad palabas ng kusina habang kumakagat ng mansanas.

"Bakit hindi ka pa tulog?" tanong niya kay Fiery.

"Eh, ikaw, ba't hindi ka pa tulog?" balik-tanong nito.

"None of your business," sagot niya.

Nilampasan siya ni Fiery para kunin ang cell phone nito sa center table. "My sleeping hours is none of your business as well, V." She waved her hand at him, the one that was holding the apple while ascending the staircase. "Good night, V. Say sorry to Dad before you sleep. He was worried of you. I already apologize to him. Your turn."

Vraxx sighed before ascending on the staircase to go talk to his dad. Agad niyang tinungo ang kuwarto ng mga magulang nang makarating siya sa palapag nila.

Akmang kakatok siya sa pinto ng master bedroom nang mahagip ng mga mata niya ang ama at ang kuya niya na umiinom sa mini bar.

He walked towards them.

"Kuya Kane... Dad..." sabi niya.

Nilingon naman siya ng ama, saka nagtatanong ang mga matang tumingin sa kanya. "What is it?"

Vraxx took a deep breath. "Look, Dad, I'm so sorry for what I said. I didn't mean it—"

"Yes, you did," sabi ng ama niya dahilan para mapipilan siya. "You mean what you said so I asked myself, can't you feel our love and care for you that you think that way? May naging pagkukulang ba kami ng mommy mo sa iyo... sa inyo ni Essence para maisip mo 'yan? May nagawa ba kaming mali sa pagpapalaki sa inyo? Did we pressure you in any way?"

Natahimik siya.

"Tell me," sabi ng ama niya. "So, I can fix it... so we can fix it."

Vraxx remained silent. He didn't know what to say. He misspoke earlier, out of irritation.

Inakbayan siya ni Uncle King na kadarating lang sa mini bar at ginulo ang buhok niya. "Speak up, kiddo. Pinapasama mo ang loob ng dad mo."

He looked at his dad, his big brother Kane and Uncle King. They were all looking at him expectantly, waiting for his explanation.

"I misspoke," pag-amin niya. "I got irritated."

Uncle King tsked before looking at his dad. "He is so you, Your Highness. Remember the pain Lady Happy felt when you lashed out your anger on her?"

His father grunted. "Don't remind me, King." Napailing ang ama niya, saka ininom nito ang rum sa baso na hawak. "Sige na, matulog ka na." Tinapik nito ang pisngi at leeg niya. "Pahinga ka na. Hayaan mo na 'yon. Basta sa susunod, huwag mo na kaming pag-alalahanin ng ganoon."

Tumango siya at akmang hahakbang na patungo sa kuwarto niya nang magsalita ang Kuya Kane niya.

"Vraxx, don't talk back to Dad like that ever again. Hindi ko nagustuhan 'yon." Nagtatagis ang mga bagang nito at matalim ang tingin sa kanya. "Kapag inulit mo pa 'yon, sa akin ka mananagot at hindi mo ako gugustuhing magalit."

Tumango siya. "Yes, Kuya."

Kuya Kane's face softened afterwards. "He's the best dad anyone could ever wish and have. So don't talk to him like that."

Vraxx nodded. "I know he's the best, Kuya. I was just irritated."

"Sige pahinga ka na," sabi ng Kuya Kane niya. "Madaling-araw na."

Tumango siya at pumasok sa kuwarto niya.

Vraxx sighed before taking off all his clothes and stepping inside the bathroom to shower. Pagkatapos niyang maligo ay tinuyo niya ang basang katawan. Lumabas siya ng banyo na walang saplot at pabagsak na nahiga sa kama, saka napatitig sa kisame.

It wasn't the first time that he talked back to his dad but it was the first time that his big brother got mad about it.

Malakas siyang bumuntong-hininga, saka ipinikit ang mga mata at tinakpan ng kumot ang hubad na katawan. Bukas na niya iisipin kung paano makakabawi sa mga magulang niya at sa mga taong nasaktan sa mga nasabi niya. Ang importante nakahingi ng siya ng tawad sa mga magulang at sa kuya niya bago sila matulog.

Tomorrow... he would make it up to them.

I promised.

ITINAPON NI FIERY ang buto ng mansanas sa basurahan bago pabagsak na naupo sa gilid ng kama niya. Madaling araw na pero hindi pa rin siya makatulog kahit anong pilit niya. Nakakailang basong gatas na siya pero wala pa rin.

She tsked and then stilled when her phone beeped again.

Galing 'yon sa Kuya Logan niya.

From: Kuya Logan

Are you home?

Napailing siya. It was Kuya Logan's tenth text to her with the same content... 'Yon ay kung nakauwi na ba siya.

Kaya naman nag-reply siya baka nga nag-aalala ito sa kanya.

To: Kuya Logan

Yes po. Are you busy, Kuya?

Kuya Logan replied after a couple of seconds.

From: Kuya Logan

Why are you asking?

She replied.

To: Kuya Logan

I'm bored. 😑 Uwi ka na, Kuya, please? Hindi ko makulit si Vraxx na lutuan ako, nagkasagutan sila ni Dad. Tulog na rin si Prince at nasa misyon naman si Konn. Cook me some mac and cheese please?

Agad na nag-reply ang Kuya Logan niya.

From: Kuya Logan

Punta ka sa bahay. I'm on my way. I'll cook your mac and cheese.

Napangiti si Fiery. Ito ang gusto niya sa Kuya Logan niya. Alam na alam talaga nito ang gagawin para maaliw siya. Siguro dahil masyado silang close na dalawa na para na silang magkapatid kung magturingan kaya kilalang-kilala na siya nito.

Kapatid naman niya talaga ito. Kuya pa nga niya, eh. They lived in the same compound—that made them family and more like siblings.

Nagmamadali siyang nagbihis ng kumportableng sweatpants at malaking T-shirt bago dumaan sa balkonahe ng kuwarto niya at nag-rappel pababa gamit ang nakahanda nang lubid na naroon.

Hindi ito ang unang beses na ginawa niya ito kaya handa na siya.

Pagkaapak na pagkaapak ng mga paa niya sa semento, agad siyang tumakbo patungo sa bahay ng Tito Luther niya na hindi kalayuan sa bahay nila, saka pumasok gamit ang pinto sa likod. 'Yon kasi ang hindi naka-lock dahil doon dumadaan ang Kuya Logan niya kapag umuuwi galing sa club nito.

Fiery waited in the kitchen for a long couple of minutes before she heard footsteps on the backdoor.

When the door opened and Kuya Logan entered, she smiled.

"Hey, Kuya. Morning."

Agad itong ngumiti. "You're really bored?"

Tumango siya. "Can't sleep."

Hinubad nito ang leather jacket na suot, saka iniwan lang ang itim na T-shirt. "Bakit hindi ka makatulog? Dapat nagpapahinga ka na."

"I don't know..." Nangalumbaba siya habang nakaupo sa stool na nakaharap sa island counter. "Mac and cheese please?"

Napailing na lang ang Kuya Logan niya. "Oo na, ipagluluto na kita."

"Yey... thanks, Kuya."

Tumango lang ito, saka naghugas ng kamay bago nag-umpisang lutuin ang paborito niya kahit madaling-araw na.

Napangiti si Fiery habang pinagmamasdan ang Kuya Logan niya. He was really a good brother to her. Not because he had always spoiled her but because he really knew her. Siguro dahil mula pa pagkabata magkasama na sila at kuya na niya ito. Palagi itong nasa tabi niya kapag kailangan niya.

"Kuya?"

"Hmm?" Humarap ito sa kanya habang hinihintay na kumulo ang tubig sa kaserola.

"May girlfriend ka ba ngayon?" tanong niya.

Sumandal ito sa lababo habang nakakrus ang mga braso sa harap ng dibdib. "Why are you asking?"

She shrugged. "Narinig ko kasing nag-uusap sina Kuya Saito at Kuya NK last week tungkol sa iyo. Sabi ni Kuya Sai may gusto ka raw na babae pero hindi mo pa nililigawan. Bakit?"

Tumitig ito sa kanya. "She's too young to understand how I feel and I don't think she likes me back."

Kumunot ang noo niya. "Sino naman ang babaeng hindi magkakagusto sa Kuya Logan ko?"

Kuya Logan shrugged. "We can't always get what we want."

Bumakas ang lungkot sa mukha niya sa sinabi nito. "That's true."

"Speaking of which, how are you and your boyfriend?" tanong nito, saka humarap sa kaserola para haluin ang pasta. "Sorry pala dahil tinawagan ko si Kuya Kane. You know it's not safe out there, especially these past few weeks. Ayoko lang na mapahamak ka."

Umayos siya ng upo. "We broke up."

Mabilis na napalingon sa kanya ang kausap. "Why?"

Napatitig siya sa kuya niya. "Why are you smiling? You really don't like him that much?"

Kuya Logan chuckled. "Halata ba?"

Napasimangot si Fiery. "Nakipag-break na nga ako sa kanya, 'tapos masaya ka pa."

"Bakit ka nga nakipaghiwalay?"

"Na-realize ko kasing mapapahamak siya nang dahil sa akin, wala pa naman siyang alam kung anong panganib ang sinusuong niya kapag kasama niya ako. Ayokong mapahamak siya nang dahil sa akin. By the way, it's okay about you calling Kuya Kaney, I don't mind. I know you just want me safe." Bumuntong-hininga siya kapagkuwan. "Anyway, dapat siguro ang hanapin kong boyfriend ay 'yong may alam talaga kung sino ang pamilya ko."

"That'll sums up to a couple of families," sabi nito.

Tumango siya, saka inisa-isa ang pamilyang 'yon. "That's Uncle Knight's family, then Uncle Midnight, Uncle Yrozz, Uncle King, Uncle Lyf and Deth, Uncle Cadmus—ahm, no, Storm is younger than me. Si Uncle Andrius? Nah, Fourth is younger than me. Tito Phoenix? Hmm... Pharaoh likes Uncle Niccolo's daughter. Hmm... Uncle Titus' son maybe? But Kuya Ace is older than me. Ahm..." Nag-iisip siya. "Sino pa ba? Hindi naman puwede sa family ni Uncle Luther kasi kapatid na ang turing ko sa iyo." She tsked. "I hate this. Wala naman akong gusto sa mga pamilyang nabanggit ko. They're all like brothers to me."

Tumalikod uli sa kanya ang Kuya Logan niya. "Bata ka pa naman. Makakahanap ka pa. Don't rush."

"Okay." Nangalumbaba siya uli. "Kuya? Ikaw, bakit never kang nagka-girlfriend? Ayaw mo bang magseryoso like Kuya Sai?"

Logan was now melting the cheese as he answered her. "I just don't feel like it."

Bumuga siya ng marahas na hininga, saka napasimangot. "Paano kung wala pa rin akong mahanap sa mga susunod na taon? I'm already twenty-four, Kuya."

"Ganito na lang..." Logan faced Fiery. "Kapag lampas na ang edad mo sa kalendaryo at wala ka pa ring mahanap, ako na lang."

Humaba ang nguso niya lalo. "Kuya, naman! I want someone who will love me like how my dad loves my Mom."

"And you think I can't love you like that?" Titig na titig na tanong sa kanya ni Kuya Logan.

Umiling siya. "I don't think, Kuya, I know you can't love me like that. I'm like your little sister. We're like siblings."

Logan just sighed and went back to cooking.

Napasimangot na naman siya. "Nagugutom ako."

"Just a little longer," sabi nito, saka inilagay ang mac and cheese sa oven. "Thirty minutes." Itinuro nito ang pinto ng kusina. "Punta lang ako sa kuwarto, maliligo ako at babalikan kita. I smell like sweat."

"Okay," she said with a sigh.

Logan left the kitchen. And while waiting for her mac and cheese to get cooked, she received a call from her mom.

"Princess, where are you?" istriktang tanong nito agad nang sagutin niya ang tawag. "Bakit wala ka sa kuwarto mo? Hindi ba sabi ko sa iyo na huwag kang lalabas ng disoras ng gabi?"

Napangiwi siya. "Nandito ako kina Uncle Luther, Mommy."

"Ano'ng ginagawa mo riyan?"

"Nagpaluto ako ng mac and cheese kay Kuya Logan. Sorry, Mommy, balik din ako agad kapag luto na ang mac and cheese ko."

Her mother sighed. "Princess, alam kong close ka sa Kuya Logan mo at alam kong inaalagaan ka niya pero madaling-araw na. It's not appropriate for you to be with him in this hour. May bukas pa naman kung kailan mo siya puwedeng puntahan."

"Mom..." May diin ang boses niya. "Wala kaming ginagawang masama ni Kuya. Nagpapaluto lang ako."

"Alam ko naman 'yon—"

"No," she cut her mother off. "I'm sorry for cutting you off, Mom, but the way you said it it's like we're doing something inappropriate. Mommy, naman. Kuya Logan is like a brother to me. Walang ganoon sa amin."

"Maybe he's a brother to you, but did you even think or ask what you are to him?" tanong ng kanyang ina na ikinatigil niya. "Anak, walang lalaking uuwi ng madaling araw para lang ipagluto ka kung wala 'yang gusto sa iyo. Kahit pa kapatid ang turing niya sa iyo."

Umiling siya. "No, he was already on his way home when I asked him—"

"Your Tita Amethyst told me earlier that Logan will not be home tonight because he is busy with his club."

Umiling uli siya. "Mommy, kapatid ang turing sa akin ni Kuya Logan. That's it."

"Baby... even your dad noticed how Logan looked at you. You're a woman now, baby, you should be home by this hour and resting." Her mom sighed. "And if you don't believe what I said about your Kuya Logan, just think and observe. Matalino ka naman para makita kung tama ang sinasabi ko o hindi. Open your eyes... really open them, and then we'll talk, okay?"

She sighed. "Okay."

"Umuwi ka agad pagkatapos mong kumain," bilin sa kanya ng mommy niya.

"Yes po," sagot niya.

"Sige. Love you, princess."

"Love you too, Mom."

Nang mawala sa kabilang linya ang ina, wala sa sariling napatitig si Fiery sa kawalan dahil sa mga sinabi nito. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang wala sa sarili.

Napapaisip tuloy siya.

This was the first time that her mother made such comment about Kuya Logan. Even her dad noticed how Kuya Logan looked at her?

That's absurd!

She was his sister! His little sister. Though he stopped calling her his little sister after her senior year.

Napailing si Fiery, saka natigilan nang pumasok ang Kuya Logan niya sa kusina. Bagong paligo ito. Nakasampay pa nga ang tuwalya sa leeg na agad dumeretso sa oven para kunin ang mac and cheese na nasa loob.

"Kuya?" kuha niya sa atensiyon nito.

Kagad naman itong humarap sa kanya. "Yes?"

"You know I don't like to complicate things," she said while looking into Kuya Logan's eyes. "I'm a very simple-minded person who doesn't like complications because it leads to a lot of things—including conflict and confusion."

"Yeah." Kumunot ang noo ng kaharap. "I know... kilala kita."

"Then I have a question that needs an honest answer from you," sabi niya. "Ayokong naguguluhan o mag-assume."

Kuya Logan gave all his attention to her. "I'm all ears. Hit me."

So, she asked. Eye to eye. No lies. No assuming and just plain truth. "Do you like me as a woman?" Kinagat niya ang pang-ibabang labi, saka nagpaliwanag kung bakit natanong niya 'yon. "Si Mommy kasi tumawag sa akin ngayon lang at 'yon ang sinasabi niya pero hindi naman ako naniniwala. So, I have to asked you so that I could tell her that what she's saying is absurd and—"

"Yes," sagot ni Kuya Logan na ikinatigil niya at ikinalaki ng mga mata niya. "I like you—no, scratch that. I'm in love with you." Pinagkrus nito ang mga braso sa harap ng dibdib habang titig na titig pa rin sa kanya. "Did that answer your question?"

Fiery nodded before saying. "I'm sorry... I don't feel the same way."

Kuya Logan smiled. "I know, Fiery Essence. I know that very well."

Nagbaba siya ng tingin. "I'm sorry, Kuya."

"It's okay." Kuya Logan sighed heavily before placing the mac and cheese on the island counter, in front of her. "Mac and cheese?"

She dragged her gaze to him. "You're not mad that I don't feel the same way?"

Umiling ito. "Don't worry, I'm not mad, I'm just hurt. Magkaiba 'yon." Then he forced a smile. "Eat up, then go home. You need to rest. Sa kuwarto lang ako. I need some sleep. Busy na naman ako bukas."

Tahimik lang siyang tumango at hinayaang makaalis ito.

Nawalan siya ng ganang kumain kaya aalis na lang sana siya at dadalhin ang mac and cheese sa bahay nang maisip niya ang Kuya Logan niya.

He didn't look like he would be getting some sleep after her blatant rejection.

Huminga siya nang malalim, saka umalis ng kusina para hanapin ito.

She found him in the mini bar, drinking vodka straight from the bottle. She wanted to console him—make him feel better. But how? Without giving him false hope?

Kaya umatras si Fiery at hindi na lumapit. Mas masasaktan lang niya ang Kuya Logan niya kung bibigyan niya ito ng pag-asa sa mga ipapakita niya rito pero wala naman talaga.

She wouldn't hurt him like that.

So as she walked out of Uncle Luther's house, she was sure about one thing. Her relationship with her Kuya Logan would never be the same again.



THE END

CECELIB | C.C.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top