CHAPTER 63

Happy Birthday, Joh Pinto. Naaalala ko pa 'yong nawala tayo sa manila, umuulan tapos tayong dalawa lang dahil may importante ginawa ang mga kasama natin. Pabalik-balik tayo sa overpass. Bastos na driver 'yon, nasa kabila lang pala yong Hotel, ayaw lang pumasok 🤣 tapos nagkakakilala palang yata tayo ng personal no'n. Haha.


CHAPTER 63

BUMAGSAK ANG LUHA sa mga mata ni Happy nang maalala ang ipinagtapat sa kanya kagabi nina Blaze at Blake na siyang dahilan kung bakit nakasakay sila ngayon sa pribadong eroplano patungong Pilipinas.

They told her they lied to her—they lied to her about Midnight. He was not missing... he was actually gone.

He was dead.

He died being punished for doing what he believed was right.

Noong una hindi siya agad naniwala, pero nang ipaliwanag sa kanya ng kambal ang alam ng mga ito, pakiramdam niya dumagan sa dibdib niya sa sobrang sakit n'on.

And she was angry. Gaano ba kahirap sabihin sa kanya ang totoo? Bakit pinaniwala siya ng mga ito na nawawala lang si Midnight samantalang alam naman ng dalawa wala na pala ito?

Everyone knew except her. And it made her so angry at herself for not knowing the truth! She could have dug deeper instead of sending men to look for Midnight.

Blake and Blaze waited a long time to tell her. Sana hindi sila nagsayang ng oras sa paghahanap kay Midnight, sana nailipat na nila si Midnight ng libingan nang mas maaga. Hindi na ganito na hinayaan siya ng dalawa na hanapin si Midnight ng maraming buwan bago nagsabi sa kanya ng totoo.

She went looking for Midnight with everything she got when she was just ten weeks pregnant and now, she was already nearing five months! Ang daming oras na sinayang nila.

Namalisbis ang luha sa mga mata ni Happy nang maalala na naman niya ang mga ikinuwento ng asawa niya sa kanya tungkol kay Midnight. Kung saan ito nakalibing.

Paano ko pa makukumpleto ang pamilya ko kung wala ka? I thought you're just missing... sabi mo you'll be in a good place? Sabi mo magiging masaya ka ro'n... Bakit hindi mo sinabi sa akin na hindi ka lang basta mawawala? Kuya, naman eh...

Kumuyom ang kamay niya habang nakapikit ang mga matang lumuluha. Walang ingay ang pag-iyak niya. Ayaw niyang maistorbo ang mga kasama niya.

Pagkalipas ng ilang minuto, kahit naramdaman niyang may tumabi sa kanya ng upo, hindi siya kimibo at patuloy lang sa pag-iyak.

"Baby..." It was Blaze.

She remained silent as tears fall from her eyes.

Blaze dried her tears. "I'm sorry... balak ko naman sabihin sa iyo nang maaga pero nag-aalala ako. Pasensiya na... please huwag ka nang magalit sa akin. I'm so sorry. I'm sorry."

Hinawakan ng asawa ang kamay niya at hinalik-halikan ang likod niyon pero hindi pa rin siya umimik. Nakapikit lang ang mata niya habang tahimik na umiiyak.

"Baby, please, talk to me," pakiusap ng asawa niya. "Kausapin mo naman ako."

Happy opened her teary eyes to look at Blaze. "Just let me be in this whole ride. Promise kapag maayos na ang pakiramdam ko, kakausapin na kita."

Umiling si Blaze. "No... you had a spotting last night because of this... because of me. Alam kong kasalanan ko, pero hindi kita puwedeng hayaan na ganito. Kaya hindi ko masabi-sabi sa iyo ang nangyari kay Midnight, lalo na nang malaman kong buntis ka dahil natatakot ako kung paano mo siya tatanggapin. What happened to him was very cruel. You had been bleeding these past few months and it's alarming. But I see how much he means to you, so I told you what happened to him and risk it all—even you and our baby's health. And knowing Midnight, he wouldn't want you to be like this. Midnight would want you happy even if he's not with you anymore."

Hindi niya napigilan ang mapahikbi. "Hindi ko matanggap na patay na siya, 'tapos hindi man lang maayos ang pagkakalibing sa kanya. Galit ako sa sarili ko kasi mas nag-focus ako sa Triad kaysa sa kanya. If only I had dug deeper and gave him my time, dapat nailipat na natin siya sa maayos na libingan. It broke my heart when you told me that he didn't even have a name on his grave. That's cruel. My brother doesn't deserve that, Blaze. He doesn't!"

"I know... I know..." Masuyo siyang niyakap ng asawa. "And I'm so sorry. It's my fault. Don't blame yourself."

Napahawak siya sa mga braso ni Blaze na nakayakap sa kanya at umiyak nang umiyak. Parang sinasakal ang puso niya sa isiping wala man lang pangalan sa libingan ni Midnight.

He was a good man! He didn't deserve to be treated like that! He deserved to be respected and loved!

She would severely punish the fourth Arkhon for doing this to Midnight.

He will pay!

"Sshh..." Blaze kissed her temple before drying her cheeks and kissing her forehead. "Tama na, tahan na. Hinayaan na kitang ganito kagabi kasi alam kong nasasaktan ka at naiintindihan ko 'yon pero nag-aalala ako sa iyo at kay baby, baka mapaano kayong dalawa. Hindi ba pinang-iingat ka ng OB mo?"

Tumango si Happy, saka masuyong hinaplos ang tiyan. "Sorry, baby, hindi lang napigilan ni Mommy. I was heartbroken... I'm sorry... Did Mommy hurt you, baby?"

Hinalikan ni Blaze ang tiyan niya, saka hinalikan siya sa noo. "Pasensiya ka na sa asawa mo dahil nagsinungaling ako sa iyo. Kasalanan ko. Please forgive me?"

"I'm mad and disappointed, but more at myself," sabi niya, saka pinagsalikop ang kamay nilang dalawa. "Naiintindihan ko naman kung bakit hindi ka agad nagsabi sa akin. Sobrang nagalit lang ako kagabi kasi ang dami nating sinayang na oras kaya hindi kita pinansin at kinibo. Pero tama ka, Midnight would never want me to be like this. He would want me to be happy. Always. Ganoon naman siya palagi."

Blaze kissed her shoulder. "Masaya ako..." Hinaplos nito ang tiyan niya. "Noon, nang malaman namin ni Blake ang nangyari kay Midnight, naghanap kami ng taong makakatulong sa amin para mailipat siya. Sa dami ng nangyari, masaya ako kasi sa wakas, maililipat na natin siya sa maayos na lugar. I was selfish and a jerk for not thinking of Midnight... for only thinking of you and our baby's safety. And for that, I'm so sorry. Ayoko lang kasi na may mangyaring hindi maganda sa inyong dalawa ng anak natin kapag sinabi ko ang totoo. Mababaliw ako. Sigurado 'yon."

Hinaplos niya ang pisngi ng asawa. "Bakit kasi hindi mo sinasabi sa akin agad noon? Noong hindi pa ako buntis at nalaman mong ako na ang pangalawang Arkhon?"

"A lot was going on back then, baby." Blaze sighed. "The fourth Arkhon, the bombing, what happened to King, and when we though Kane was against us, and what happened to your dad and Lucky and then the Triad, Helena, and a lot more... it escapes my mind and I'm so sorry for that."

Happy took a deep breath before nodding. "I'm sorry too, for being angry at you last night."

"At least you didn't shout at me," pabirong sabi ni Blaze.

Mahina siyang natawa, saka napailing. "Pero ang totoo, gusto kitang suntukin kagabi."

"'Yan, tumatawa ka na."

Napapailing na pinakatitigan niya ang asawa. "Pasalamat ka lang talaga nasa harap tayo ng kakambal mo kagabi, ayokong mapahiya ka kaya hindi kita sinigawan at sinuntok sa sobrang galit ko sa iyo."

Blaze face softened as she looked at him. "That is the reason why I fall in love with you everyday."

She frowned. "What reason?"

"Oo, binu-bully mo ako minsan pero hinding-hindi mo ako ipinapahiya sa harap ng ibang tao, lalo na sa harap ng kakambal ko. And it makes me love you even more."

"Siyempre, asawa kita." Ngumiti si Happy na nauwi sa mahinang tawa nang maalala ang ginawa niya kagabi. "Kahit ang totoo, gustong-gusto na talaga kitang suntukin kagabi sa sobrang galit na nararamdaman ko."

Blaze chuckled before kissing her shoulder again. "Thank you... for respecting me in front of Blake."

Ngumiti siya at nagkibit-balikat. "Ayokong mapahiya ka sa harap ng kakambal mo... it's just doesn't feel right to me. May kuwarto naman tayo kung saan puwede kong ilabas lahat ng galit ko sa iyo. Hindi 'yon kailangang makita ng iba."

Masuyo siyang niyakap ni Blaze. "Masaya ako at okay na tayo. Akala ko darating na lang tayo sa 'Pinas hindi mo pa rin ako papansinin."

"I was just heartbroken." Her smile saddened. "Still am, actually."

"I know," Blaze whispered.

"Dad! Your turn to role the dice! The snakes and ladders are waiting for you!" It was Kane, shouting from the back. Sumama ito sa kanila.

Kane said he was not just their son but he was also her personal ultor. Ayaw nitong magpaiwan. Blake wanted to come as well, but Lucky needed him by her side especially now that she was seven months pregnant. Masyado nang maselan ang pagbubuntis ng kapatid niya. Hindi puwedeng wala si Blake sa tabi nito.

"I told you not to call me dad in public!" Blaze shouted back.

Natawa si Happy. Hindi pa rin sanay si Blaze na tinatawag na "dad" ni Kane kahit maraming buwan na ang lumipas.

"But we're in a private plane," Kane pointed out.

"Don't be a smart ass on me, Kane!" Blaze hissed, annoyed. "By the law, I'm your father!"

Happy couldn't help but to smile at the two adorable men in her life. It was awkward for some but it was still cute when Kane called Blaze "dad" and Blaze got angry immediately. 'Yong ang hilig asarin ni Blaze si Blake pero ang dali namang maasar ng asawa niya.

"Dad" lang ni Kane, tumataas agad ang presyon ni Blaze.

She had such an adorable family.

Kung sana nandito lang si Midnight, tiyak na magiging masaya ito kasama ang pamilya niya. Midnight would have adored Kane as well—since they knew each other.

As far as she knew, Kane—even at a young age—trained Midnight to fight.

"Your Highness, come on!" Si King 'yon, at halatang iritado. "The snakes are waiting to bite your dick! Come on!"

Blaze tsked before kissing her on the lips. "Doon muna ako. Pahinga ka lang rito."

Napailing na lang si Happy nang pinuntahan ni Blaze ang dalawa para maglaro ng Snakes and Ladders. Siya naman ay nanatili sa kinauupuan at ipinikit ang mga mata habang iniisip si Midnight at umusal ng panalangin para sa kapatid niya.

After praying, she could hear the trio's voice filling the plane.

"You're not counting right, Your Highness!" reklamo ni King. "The snake should have bit you here! Not here!"

"King, isang sigaw pa, isasabit kita sa pakpak nitong eroplano!" galit na sabi ng asawa niya. "Calm down!"

"How can I calm down when you're cheating?"

"I am not!" Blaze hissed back. "Stop being in beast mode. Nagmumukha kang si Oggy."

"Oggy is better than Tom and Jerry!"

"No! He's not!"

Napabuntong-hininga na lang si Happy, saka hinaplos ang tiyan. She tuned out the loud voices. "Hmm... my babies, lalabas na kayo, isip-bata pa rin ang daddy n'yo," sabi niya habang hinahaplos ang tiyan. "Ang sarap minsan iumpog ng ulo niya sa pader."

Napatigil siya sa pagkausap sa mga anak nang pabagsak na naupo si Kane sa iniwang upuan ni Blaze.

"They're very noisy," reklamo ni Kane na nakasimangot. "Hindi ba puwedeng maglaro kami nang walang ingay? 'Yong hindi magulo?"

Natawa siya. "Hindi ka pa nasanay sa dalawang 'yan."

Kane sighed. "So noisy." He tsked before glancing at her stomach. "Malaki na ang tiyan mo, Mom."

Tumango siya. "Uhm-hmm." Ngumiti siya. "Dalawa, eh."

Namilog ang mga mata ni Kane. "Dalawa?

Tumango si Happy, saka pabulong na nagsalita. "Secret lang natin kay Blaze. Huwag mong sabihin. Ang alam niya isa lang."

Kane frowned. "Hindi ba sumama naman sa iyo si Dad noong nagpa-ultrasound ka last week? Bakit hindi niya alam?"

"Sa labas lang siya." Tumawa siya nang maalala ang hindi maipintang mukha ng asawa niya. "Hindi ko talaga siya pinapapasok sa loob mula nang malaman ko sa first ultrasound ko—na hindi ko rin siya pinapasok—na kambal 'yong babies namin. Gusto ko siyang sorpresahin."

Kane had an excited smile on his face. "I can't wait. I bet Dad was irritated and pouting outside the OB office."

Happy chuckled. "Kilala mo talaga 'yong ama mong baliw."

"Sinong baliw?" It was Blaze. He was back with King behind him.

Nagkatinginan sila ni Kane, saka sabay na tumawa.

Masama ang tingin sa kanila ni Blaze. "Sino ang baliw? Si King, 'no?"

King just tsked. "That's you, Your Highness. Anyway..." He looked at her with begging eyes. "Let's play Scrabble. It's boring. Your Highness is a cheater in Snakes and Ladders."

"I didn't cheat," agad na depensa ni Blaze. "Hindi ka lang marunong magbilang." Pagkatapos ay ngumiti ito sa kanya. "Come on, let's play to pass the time. Para na rin malibang ka. Kapag nakaupo ka lang diyan, iiyak ka na naman kapag naalala mo si Midnight."

May tipid na ngiting pumayag at tumango siya. "Sige. Pair kami ni Kane, 'tapos kayo naman ni King."

Kane smiled while the two immediately complained at each other.

"I don't want to be paired with you!" reklamo ni Blaze.

"Me too!" King hissed back.

Napailing si Happy, saka hinayaan si Kane na alalayan siya patungo sa sofa na kinaroroonan ng mga ito kanina.

It was some sort of a living room in the plane. Complete with a center table. At nasa gitna ng center table ang nakahanda nang Scrabble at nakatabing Snakes and Ladders.

"Nice..." nakangiting sabi niya, saka magkatabi silang naupo ni Kane sa mahabang sofa habang sina King at Blaze naman ay sa sahig umupo, paharap sa kanila.

Nagpapaawa na naman sa kanya si Blaze. "Baby... ako dapat ang partner mo kasi ako ang asawa mo."

Agad namang nagreklamo si Kane. "Anak naman ako, ah. Legally adopted, remember?"

Blaze tsked. "Gaguhan 'to, eh!"

Tiningnan nang masama ni King si Blaze. "I'm a genius!"

Blaze glared at King. "Mag-aral ka ngang mag-Tagalog, hindi na nakakaintindi ka lang. Binubuwisit mo ako."

Napailing na lang siya, saka napangiti nang agad makabuo ng salita si Kane sa tiles nila.

"Aww... my baby is smart," proud niyang sabi, saka niyakap ito mula sa tagiliran.

Kane just smiled and hugged her back. And Happy felt really comfortable. Hindi lang basta legal na anak niya itong bini-baby niya kundi kapatid din niya.

She had so much love for Kane.

"King, mag-isip ka." Iritado ang boses ni Blaze. "Anong magandang idugtong sa salita ni Kane? Huwag tayong nagpapatalo. Matalino tayong dalawa!"

"Tama!" King even flexed his forearm before placing tiles on the Scrabble board.

Gumuhit ang hindi makapaniwalang emosyon sa mukha ni Blaze nang makita ang salitang ginamit ni King. "Really? King? Sa dami ng tiles na 'yan na nasa harap mo, you choose to use the word 'go.'? While Kane's word is gouged."

King shrugged. "It's easier."

"But dumber." Blaze tsked.

Napangiti na lang si Happy, saka hinayaang si Kane ang mag-isip ng mga salita. Pero paminsan-minsan ay tumutulong din siya. Samantalang ang dalawa nilang kalaban, panay ang bangayan.

That was what they did while on the way to the Philippines. Play, eat and rest. Matagal-tagal na rin na hindi nila nagagawa 'yon. It was like their very own bonding session. It was very fun.

Nang makarating sa Pilipinas, dumaan muna sila kina Mommy Beth para mangumusta at kumain, saka magpahinga nang kaunti dahil sa jetlag. Malapit nang matapos ang bahay na ipinapatayo ng mga ito.

Kane was very happy to see his fully furnished room. Halos magningning ang mga mata nito.

"I never had my own room before," wika ni Kane. "Iyong akin talaga... iyong ipinagawa talaga para sa akin." Maingat siya nitong niyakap. "I like it, Mom." Then he went to give Blaze a quick hug. "Thanks."

Tinapik ni Blaze ang balikat ni Kane. "This is our house, this your room. At kapag nakapanganak na ang mom mo, dito na tayo titira kasama sina Blake at Lucky, saka si King. Dito ka na uuwi."

Kane smiled. "Like a home."

Happy smiled. "Yes. Like a home."

"Home." Kane's smile widened even more. "I never had one before. I like it. Thank you."

"Your Highness." It was King, calling them from the staircase. "The car is ready. We can go now."

"Let's go," sabi ni Blaze.

Tumango siya at naglakad patungo sa hagdan. Lihim na lang siyang natawa nang dalawa ang nakaalalay sa kanya habang pababa siya ng hagdan.

Sina Blaze at Kane.

Nang makalabas ng bahay, sa backseat siya pinaupo si Blaze katabi ni Kane samantalang ito ang driver at nasa passenger seat si King.

Masama ang mukha ni Kane. "Pero gusto kong umupo ro'n," wika nito, sabay turo sa passenger seat. "That's my spot when Dad is driving."

Nginisihan ito ni King. "Not anymore."

Hinawakan ni Kane ang hawakan ng espada nito, saka matalim ang mga matang tiningnan si King. "That's my spot when Dad is driving. No one is allowed to sit there but me. I'm his son! That's my father! It's the law! Do you want to see my ID? It's Kane Quinn Vitale!"

Itinigil ni Blaze ang sasakyan. "Magpalit na kayong dalawa. Sige na."

"Yes!" Kane hissed with a smile then made the switch.

Natawa na lang si Happy. Kane was very possessive. When it was his, it was his. Walang aagaw n'on.

"You two are spoiling him," sabi ni King sa kanya nang ito na ang katabi niya sa backseat.

Happy shrugged. "He deserves that and more."

Ngumiti lang si King, saka inabala ang sarili sa mga natatanggap nitong mensahe mula sa iba't ibang head ng Organisasyon na para sa kanya.

Dahil buntis siya, si King ang naging secretary niya. Ito na ang tumatanggap sa lahat ng mensahe na para sa pangalawang Arkhon at ito na rin umaayos sa lahat ng mga pagtitipon. Ang kailangan niya lang gawin ay magpakita at magdesisyon. King would do the rest.

Indeed, a very trusted butler—No, a very trusted family member.

It was not a long ride to Midnight's grave. Only hours away. Blaze pulled over in front of an abandon mansion. May nauna nang sasakyan sa kanila. A black van. Mukhang nandito na si Knight.

Nang malaman kasi nito ang balak niyang paglipat sa mga labî ni Midnight, agad itong nagboluntaryong sasama.

"Midnight is here?" nasasaktan niyang tanong habang nakatingin sa abandonadong mansiyon.

Malungkot na tumango ang asawa. "Buried on the backyard."

Her heart ached. "He doesn't deserve this."

Pinagsalikop ni Blaze ang kamay nilang dalawa, saka iginiya siya patungo sa likod ng abandonadong mansiyon habang nakabantay sa likuran niya sina Kane at King.

They couldn't be too careful. 'Yon ang bilin sa kanila ni Racini.

Even if it's peaceful, always be on guard.

Nang makarating sa likod ng mansiyon, naroon na si Knight at may isang lalaki na hindi niya kilala. Definitely a new face.

Nakahanda na ang lahat, kahit ang bodybag na gagamitin para sa katawan ni Midnight. It was all ready.

Parang may sumakal sa puso niya nang makita ang krus na gawa sa kahoy kung saan nakasulat ang pangalan ni Midnight. The twins made this. For Midnight. Hindi niya mapigilang manubig ang mga mata. Hindi niya matanggap na nangyari ito kay Midnight.

Kumukulo na naman ang dugo niya sa ikaapat na Arkhon.

"Velasquez," sabi ni Blaze. Nagkamay ito at si Knight nang makalapit sila.

"Thank you," sabi ni Knight, saka tumingin sa kanya. "We'll give him the resting place he deserves."

Tumango siya. "We will."

Nilingon ni Knight ang lalaking kasama nito. "This is North," pagpapakilala nito lalaking kasama. "The head of my personal cleaning crew. He will assist us with the exhumation of Midnight's body. North, meet the second Arkhon."

North bowed his head at her. "It's an honor to meet you."

Happy nodded her head. "Likewise." Then she smiled. "Let's start?"

Tumango si North at kinuha ang pala, saka maingat pero mabilis na naghukay. Habang si Knight naman ay itinupi ang manggas ng polo, saka kinuha ang isa pang pala at tumulong din.

Same with Blaze, Kane and King.

They all helped until they saw a black cloth underneath.

"Careful! That's my brother," malakas ang boses na sabi ni Knight. Lumuhod ito at ang kamay ang ginamit para alisin ang lupa na nakapalibot sa itim na tela.

Pigil ni Happy ang hininga habang naghihintay na makita ang katawan ni Midnight. Kumakabog nang malakas ang puso niya at may namumuong luha sa gilid ng mga mata niya.

Kapagkuwan ay hinawakan nina North, Knight, Blaze, Kane at King ang bawat dulo at gilid ng itim na tela, saka maingat iyong hinila pataas, paalis sa lupa.

But to everyone's shock... the sheet was empty.

There was no body.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top