CHAPTER 6

CHAPTER 6

MAAGANG PINUNTAHAN ni Happy si Lucky sa ospital. Susunduin niya ito dahil dadalhin niya sa Bachelor's Village para tingnan ang disenyong ginawa niya sa hall na siyang reception area sa kasal nito at ni Blake.

But when she neared Blake's room, it was slightly open and she could hear lots of male voice inside.

Nagsalubong ang mga kilay ni Happy, saka maingat siyang sumilip sa loob para sana tingnan kung nasa loob ang kapatid. Pero puro mga guwapong kalalakihan ang nakita niya na nakapagpataas ng kilay niya.

A room full of handsome men. Wow.

But her eyes settled on Blaze.

Nakatayo ito at nakakrus ang mga braso sa harap ng dibdib at walang emosyon ang mukha habang nakikipag-usap sa kalalakihan. At napakaseryoso ng boses nito, walang halong biro o ano pa man.

He looked like a different person from where she was standing. Gone the softy and the baby Blaze. Ibang-iba ito sa kilala niyang Blaze na mahilig magbiro.

"Have you heard the news?" tanong ng lalaking katabi nito. "The Vitale Shipping Line is facing some problems."

Blaze's face darkened. "I heard. Blake told me. Who's doing the laundering?"

"Under investigation."

Blaze's face darkened even more as his jaw tightened. "Kung sino man siya, magtago o tumakbo na siya dahil gigilitan ko siya."

The man beside Blaze wasn't fazed by Blaze's threat. He acted like it was normal for Blaze to say those words.

"Sabihan kita agad para masolusyunan n'yo ang problema."

"Thanks, Sudalga," sabi ni Blaze habang madilim pa rin ang mukha at magkasalubong ang mga kilay. "Huwag kang tumawag ng pulis. I'll deal with them myself. After I'm done with that thief, they will wish that they didn't mess with our company. Messing with the Vitale twins is a death wish. Ipapakain ko sa kanya lahat ng pera na ninakaw niya hanggang sa malagutan siya ng hininga."

Namilog ang mga mata ni Happy at napaawang ang mga labi. It wasn't the Blaze she knew who was talking. It was a different Blaze. A scary one.

Ayaw na niyang makarinig na ganoon magsalita si Blaze kaya tumikhim siya para kunin ang atensiyon ng mga nandoon sa loob.

"Hi," magiliw niyang bati sa mga ito. "Is, ahm, is Lucky here?" tanong niya na hindi tumitingin kay Blaze.

Si Blaze ang sumagot sa kanya. "May pinuntahan lang sila ni Mommy."

Kahit si Blaze ang sumagot, kay Blake nakatuon ang tingin niya. "Matatagalan ba?"

"Siguro." Si Blaze uli ang sumagot.

But she asked Blake again. "Kailan pa sila umalis? Kanina pa ba?"

Bago pa may makasagot sa kanya, may ngumiti sa kanyang lalaki at nagtanong.

"Happy Quinn, right?" sabi ng lalaki na may pagkasingkit. "Lucky's sister?" Inilahad nito ang kamay. "It's nice meeting you. I'm Shun Kim."

As a respect, she accepted Mr. Kim's hand. "I'm Happy Quinn. Nice to meet you too."

Pagkatapos n'on ay sunod-sunod nang nagpakilala sa kanya ang lahat ng kalalakihan na naroon na nalaman niyang bumibisita lang kay Blaze. Mabuti na lang at matalas ang memorya niya kaya naaalala niya ang pangalan ng bawat isa na nagpakilala sa kanya.

And after the introduction, she found out that these handsome men were all Blake and Blaze's friends.

"How did you know me?" tanong niya kay Mr. Kim. "I'm sorry but hindi kita kilala."

Napatingin muna si Mr. Kim sa gawi ni Blaze bago nakangiting sumagot. "Blake told us."

Napatango-tango niya. "Ah." Humakbang siya paatras. "It was nice meeting you all but I have to go and see my sister. Have a nice day, all of you."

Balak na niyang lumabas para makatakas sa mapanuring mga mata ng mga kaibigan ng kambal pero nagsalita si Blake.

"Happy, my Lucky told me something."

Nagtatanong ang mga matang tumingin siya kay Blake. "Yes?"

Parang may sinusupil itong ngiti sa mga labi habang nakatingin sa kanya. "Sabi niya narinig ka raw niyang tinawag ang kakambal ko na 'ma bitch' nang makabalik daw kayo noong isang araw na nawala ka at sinundo ka ni Blaze? Sabi niya baka raw namali lang siya ng dinig. Can you clarify it for me?"

Lahat ng mga mata at atensiyon ay nakatingin sa kanya kaya naman hindi niya hinayaang kainin siya ng nerbiyos. However handsome these men are, they were still just a man and nothing more.

"I think Lucky heard it wrong." She smiled calmly. "Calling someone a bitch is not nice. Especially 'ma bitch.' It would come out as an insult especially to a man like your brother." Bahagya siyang tumango. "Sige. I'll go look for Lucky na." Nginitian niya ang mga kaibigan nina Blaze at Blake bago lumabas ng kuwarto at bumuga ng marahas na hininga.

That was freaking nerve wrecking!

Narinig pala sila ni Lucky noong isang araw. Damn! Dapat siyang mag-ingat sa mga pinagsasasabi. Ayaw niyang mapahiya si Blaze nang dahil sa kanya.

Ayos lang kung silang dalawa lang ang makakarinig pero kapag may nakarinig nang iba, hindi 'yon magandang tingnan sa imahe ni Blaze.

Happy sighed before walking while trying to call Lucky.

"Hello, little sis?" sabi niya nang sagutin ni Lucky ang tawag niya.

"Ate!" Lucky chirped.

Napangiti siya dahil masaya ang boses ng kapatid. "Nasaan ka? Kailangan mong i-check 'yong design for reception sa kasal n'yo. 'Di ba I told you about this kagabi?"

"Hala, sorry, Ate." Nai-imagine niyang mahaba ang nguso ngayon ng kapatid. "Si Mommy kasi nagpasama para sa fitting ng damit niya para sa kasal ko, saka dumating 'yong mga kaibigan ni Blakey-baby kaya sumama na ako."

Napatango-tango siya. "Okay lang, I understand. Nasaan ka now? Puntahan kita."

"I'm on my way back to the hospital, Ate," sabi ni Lucky. "Diyan mo na lang ako hintayin, puwede ba?"

"Sure," agad niyang payag. "Doon lang ako sa cafeteria. Call if nakarating ka na, okay?"

"Sige, Ate. Salamat."

Napangiti siya. "Sige. Love you."

"Love you too, Ate."

Mas lumapad ang ngiti niya. "Sige, bye. You take care."

"Yes po."

Pinatay ni Happy ang tawag, saka deretso siyang pumunta sa cafeteria para doon hintayin ang kapatid. Bumili lang siya ng kape kasi hindi pa siya nakakapag-agahan bago umupo sa bakanteng mesa.

Happy was quietly sipping her coffee when her phone beeped. It was a text message from Blaze.

From: Big baby

Where are you? Can we talk?

Bumuntong-hininga siya sa nabasa. "Ano'ng gusto niyang pag-usapan?"

She replied.

To: Big baby

I'm in the cafeteria. May kailangan ka ba from me?

Nang mai-send niya ang reply, hinintay niyang mag-reply si Blaze pero walang dumating na text message galing dito. Sa halip ay si Blaze mismo ang dumating.

He looked relax this time. The Blaze she came to know, not the scary Blaze from earlier.

Nakasunod ang mga mata niya rito hanggang sa makaupo ito sa upuan na nasa harap niya.

"You need something mula sa akin?" tanong niya agad kay Blaze nang makaupo ito.

Sa halip na sagutin ay tinitigan siya nito.

Happy frowned. "What is it?"

"You lied," sabi nito na nagsalita na rin sa wakas. "Lucky didn't hear you wrong."

"Oh. That?" Lalong kumunot ang noo niya. "That's what you want na pag-usapan?"

Blaze's face became serious. "Yes."

Happy sighed and looked at Blaze in the eyes. "Blaze, I have my reason why nagsinungaling ako. First, I don't want na ipahiya ka sa mga friends mo. Ma bitch is our inside joke, I supposed. It's my way of teasing you but hindi 'yon for public consumption even if kaibigan mo pa sila. Calling you ma bitch kapag dalawa lang tayo was fun, but to actually tell your friends about it? It's a big no for me. That's a disrespect to you and to your manliness and to your ego as a man and ayoko n'on. Ayokong maging laughingstock ka kasi I respect you."

Tapos na siyang magsalita pero nakatitig pa rin sa kanya si Blaze na para bang may sinabi siyang kahanga-hanga.

Happy took a deep breath before speaking again. "That's why I lied. If, me, lying to your friends offended you in some ways, pasensiya na. Can you patawad—" What's that word again? "Ahm... patawan me—I mean, ako? Patawad ako?"

Nakatitig lang siya kay Blaze, hinihintay ang sagot nito, kaya naman nang tumaas ang sulok ng mga labi nito, alam niyang okay na ito.

"Hindi ka na angry?" Pigil niya ang ngiti.

Umiling ito. "Hindi naman ako galit, nagtatanong lang."

Napatango-tango siya. "Akala ko you're galit because you look different earlier."

"Explain different," sabi ni Blaze na titig na titig pa rin sa kanya.

"You were scary earlier," sagot niya, saka napangiwi. "Kaya I didn't look at you earlier, your aura is iba. You're not the softy Blaze na nakilala ko."

He bit his lower lip. "Natakot ba kita?"

Tumango siya. "Kinda, but if it's your thing, then huwag mo akong isipin. It's okay. Do what makes you masaya. If being scary makes you komportable, then go. If being a softly makes you masaya, then go for it din."

Kinunutan siya ng noo ni Blaze. "Why do you always understand? Even I don't understand myself."

"Because we have a deal to be mabait to each other and this is me being mabait?" sabi niya na patanong ang pagkakasabi.

Blaze face darkened. "So, mabait ka lang sa akin dahil sa usapan natin, hindi dahil gusto mo talaga?"

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Kaya nga ako nakipag-deal because I want to be mabait to you."

Blaze sighed loudly like he was giving up. "Okay. I'll accept that reasoning. By the way, want to have lunch with me?"

She smiled. "Sure. Gusto mo ipagluto kita?"

Blaze smiled. "It's hell, yeah."

Natawa na napailing si Happy. "Hindi ba duty ka?"

Sasagot sana si Blaze nang tumunog ang cell phone nito.

"Hold that thought," sabi nito, saka sinagot ang tawag. "Hello? Yes." He frowned. "Appendectomy patients and one internal bleeding on the way? All mine? Is it an emergency? Where's Dr. Fabroa?" Paused. "Oh. Got it. Okay, I'm on my way." Pinatay nito ang tawag at nangungusap ang mga matang tumingin sa kanya. "It's an emergency, I'm so sorry."

She smiled. "It's okay. Go and be a badass surgeon because—"

"Chicks digs that," pagtatapos ni Blaze sa sasabihan sana niya na ikinatawa niya.

"Precisely," sabi niya, natatawa pa rin. "Go. Lunch na lang tayo some other time."

Tumayo si Blaze. "I'll hold on to that," sabi nito habang umaatras, kapagkuwan ay lakad-takbo ang ginawa para makapunta agad sa OR.

Siya naman ay naiwang nakangiti. Blaze was busy being a doctor. For him to actually gave her his time, she was already thankful.

No overthinking, no assuming and no hoping, paalala niya sa sarili nang may pumasok na namang hindi magandang tanong sa isip niya.

It was Blaze's emotion, it was his own feelings. Labas na siya roon. Bahala ito sa nararamdaman nito.

She would just go with the flow. Be nice to Blaze. That was the flow. She wouldn't overthink, assume or hope that there was something going on between them.

That kiss they shared... it was just a kiss that she enjoyed, and she didn't mind kissing Blaze again. Period.

Happy took a deep breath before sipping her coffee while she waited for her sister to arrive.



HAPPY AND LUCKY took almost two hours to check and finalize everything from the designs and other stuff in the Bachelor's Village Hall that would serve as the reception area for Blake and Lucky's wedding.

And while they were on their way back to the hospital, she and Lucky started talking.

"Parang close na kayo ni Blaze, Ate," sabi ni Lucky na siyang nagbukas ng topic na 'yon.

Ngumiti siya. "Yes. I think so. Be nice, remember?"

Nakangiting tumango si Lucky. "Thank you for being nice to him, but I'm worried."

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

"Kasi kilala ko si Blaze." Huminga ito nang malalim. "Madali lang siyang magustuhan. Kaya nga naging friends agad kami kasi magaan siyang kasama. But Blaze is not always fun. He has a past that still consuming him and you being close to him, it worries me—"

"Because I remind him of her ex?"

Napatitig muna sa kanya si Lucky bago tumango. "Ayoko lang na masaktan ka kasi ate kita. You have been very good to me, Ate, and I want you to be happy."

Happy smiled at her sister softly. "Don't worry, I won't get hurt. I'm not umaasa naman. I mean, oo, likeable si Blaze at oo, like ko siya, pero I do know where I stand in his life. Don't overthink, don't assume and don't hope. That's my rule in life to avoid disappointment and unnecessary pain."

Napatitig sa kanya si Lucky. "But if you find Blaze likeable, then you're bound to get hurt."

"Why?"

"Because you might fall for him, Ate, and I'm afraid that Blaze might not reciprocate your feelings. But I'm not saying that Blaze is a bad man... he is a good man. It's just, there's something in his past that he can't still let go."

Tumango-tango siya, saka hinaplos ang buhok ng kapatid. "Don't worry about me. Malakas ako than I look."

"I know." Lucky smiled. "Dalawang beses mo na nang nasuntok si Blaze, eh."

Natawa siya. "Kaya don't worry about me, okay?" Nginitian niya ang kapatid. "I won't fall for Blaze if that's what's worrying you. I won't let myself. I just want to go with the flow for now. He's mabait to me and mabait ako to him. That's it."

Lucky nodded. "Okay. Ayoko lang na masaktan ka. I love Blaze like a brother, but you're my sister and I love you too, that's why I'm worrying. Ayokong magkasira kayong dalawa na magiging dahilan para iwasan niyo ang isa't isa kasi pamilya ko kayo at gusto kong buo tayo."

Niyakap niya ang kapatid at hinalikan ito sa noo. "I'll be fine, Lucky."

Lucky hugged her back. "I trust you, Ate."

Hinagod niya ang likod ni Lucky bago ito pinakawalan sa pagkakayakap. "By the way, iniimbitahan ka ni Daddy. Dinner daw tayo tonight? Is it okay sa iyo?"

Agad na tumango si Lucky habang excited na nakangiti. "Sure. Miss ko na si Dad."

"Sige, sasabihan ko si Daddy. I'll call you mamaya kung saan or you want na sunduin na lang kita?"

"Sunduin mo ako," naglalambing na sabi ni Lucky, saka yumakap sa baywang niya. "Please, Ate?"

"No need to say please." Hinalikan niya sa noo ang kapatid. "Sunduin kita."

"Yey!"

Natawa na lang siya sa kapatid at ginulo ang buhok nito.

Hanggang sa makarating sila sa ospital, nakayakap si Lucky sa baywang niya. Kumawala lang ito nang kailangan na nitong bumaba ng sasakyan.

Pinapasok muna niya ang kapatid sa loob ng hospital bago sinabihan ang driver na ihatid siya sa hotel kung saan siya namamalagi.

Nang makarating sa hotel, agad niyang tinungo ang inookupang kuwarto, saka pumasok at pabagsak na nahiga sa kama.

Plano niyang magluto ng tanghalian pero hindi niya nagawa dahil nakatulog siya.

Nagising lang siya dahil sa ingay ng cell phone niya na nasa loob ng clutch bag.

Inaantok at papikit-pikit pa na kinapa ni Happy ang kama para hanapin ang clutch bag. At nang mahawakan iyon ay kinuha niya ang cell phone sa loob at hindi tinitingnan ang called ID na sinagot ang tawag.

"Hello?" inaantok ang boses na tanong niya.

"Nagising ba kita?"

Biglang nagising ang diwa niya nang marinig ang boses ni Blaze sa kabilang linya. "You're not busy?"

"I just finished preparing for my next surgery, so I called you while waiting."

She yawned. "Why?"

Natahimik si Blaze ng ilang segundo. "I don't know. I just want to talk to you, I guess?"

Kinusot niya ang mga mata. "But you're tapos preparing na. 'Di ba maraming bacteria ang cell phone? Mako-contaminate ang patient mo dahil you called me."

Blaze chuckled. "Then I'll change to a new surgical gown, wash my hands again, change gloves and cap after this call."

Napangiti siya. "All that just to talk to me?"

"What can I say, you're worth the effort."

Happy chuckled before rolling her eyes. "Bye na. Patient first bago ako. Go. Be a badass surgeon."

Blaze chuckled. "Hindi pa wini-wheel in ang pasyente ko."

"But magpe-prepare ka pa again, right?"

"Yes."

"Then, bye," may pinalidad niyang sabi. "Finish all your surgeries before you call me again."

Blaze grunted. "Fine. Call you later."

Hindi niya mapigilan ang mapangiti. "Bye, Blazey."

"Bye, Happy."

Kahit nawala na ang lalaki sa kabilang linya, nakangiti pa rin siya. At nang mapatitig siya sa kisame ay mahina siyang natawa at napailing sa hindi mawala-walang ngiti sa mga labi niya.

Kaya naman bumangon na lang siya, saka nananghalian nang mag-isa sa restaurant na nasa ibaba lang ng hotel. Wala kasi ang daddy niya dahil may inaasikaso itong negosyo o investment ba 'yon? Hindi siya sigurado.

Pagkatapo mag-lunch, bumalik si Happy sa kuwarto niya, saka nahiga uli sa kama. Pinalipas niya ang oras sa pamamagitan ng pagba-browse sa mga social media na may account siya, sa pagbabasa ng mga natanggap niyang emails at pag-i-sketch sa mga order sa kanyang jewelry na nangako siyang gagawin pagkabalik na pagkabalik niya sa Pennsylvania.

'Buti na lang at hindi nagmamadali ang mga um-order sa kanya ng mga alahas. Mas gusto ng mga ito na maghintay basta siya ang gagawa kaysa naman magmadali ang mga ito pero iba naman ang gagawa.

Happy was busy that she didn't realize that it was already nightfall. She checked her phone for the time but her attention was stolen by Blaze's text.

From: Big baby

Dinner? I'm free.

She replied.

To: Big baby

Can't. I'm having hapunan with Dad and Lucky. Maybe sa ibang time na lang.

Hindi lumipas ang minuto, nag-reply agad si Blaze.

From: Big baby

😔 I'm hungry

Happy replied.

Then eat.

From: Big Baby

Wala akong gana. Eat with me, please? 🥺

Napabuntong-hininga na lang si Happy.

I can't pero dalhan kita ng pagkain. You like?

From: Big baby

Hell, yeah! Thanks, Hap.

Napangiti siya sa pangalan niyang pinaikli nito.

Okay. I'll be there in thirty minutes.

From: Big baby

I'll be in the cafeteria.

Napailing si Happy, saka nag-ayos ng sarili. At dahil wala na siyang oras para magluto, bumili na lang siya ng pagkain sa restaurant na nasa ibaba ng hotel at 'yon ang dinala kay Blaze.

And truth to Blaze's words, he was waiting for her in the cafeteria.

"Hey," sabi niya nang makaupo sa harap ng upuan ni Blaze, saka inilapag ang paper bag na dala. "Here you go." Inilabas niya ang pagkaing laman niyon. "Eat up."

Blaze excitedly opened the Tupperwares and immediately dug in.

Pero nakakaisang subo pa lang ito ay tumigil na at kunot-noong tumingin sa kanya. "Hindi mo 'to niluto."

Tumaas ang kilay niya. "Paano mo na-know?"

Blaze shrugged. "I just do."

Napakagat-labi siya. "Sorry, wala na kasi akong time to cook—" Her phone rang. "Hello, Dad?" sagot niya sa tawag.

"Princess, where are you and Lucky?" tanong sa kanya ng ama. "I'm already at the restaurant you told me."

"We're on our way. Love you, Dad." Hindi na niya hinintay ang sagot ng ama, pinatay niya ang tawag at mabilis na tumayo, saka nagpaalam kay Blaze. "I have to go. Bye, Blazey."

"Hap..." Pinigilan siya nito sa kamay. "Don't go."

Napangiwi siya. "I have to." Inagaw niya ang kamay na pinigilan nito. "Sorry, family calls."

"Happy—Hap! Come on, come back. Hap!"

She waved good-bye to Blaze before calling Lucky while leaving the cafeteria.

Plano niyang ipagluto bukas si Blaze para makabawi rito. Hindi puwede ngayong gabi.

Oras 'to para sa pamilya niya. This was their first meal together. With Lucky. As a complete family. And she wouldn't miss it for the world.

HAPPY WAS TIRED after dinner with her dad and Lucky. May jazz band kasi 'yong restaurant na kinainan nila at nakakahiya ang daddy niya dahil inaya talaga siya nitong sumayaw pagkatapos ay si Lucky naman ang isinayaw nito.

It was a father and a daughter dance and it was fun even though it was embarrassing at first.

"Did you enjoy our dinner, princess?" tanong ng kanyang ama nang maihatid nila si Lucky sa ospital at nasa sasakyan sila patungo sa hotel na inookupa nila.

Nakangiting tumango siya. "It was fun, Dad. The dinner was amazing." Humilig siya sa balikat nito. "I'm glad we found Lucky. I'm really glad, Dad. It feels like she completes us, our family. Lucky makes me want to be better. And in a short period of time that we spent together, I came to love her deeply."

Niyakap siya ng ama, saka hinalikan sa noo. "I'm glad too, princess. You have no idea how happy I am."

Naglalambing na yumakap siya rito. "Dad?"

"Yes, princess?"

"Thank you."

"For?" There was a frown in her father's voice.

"For being a good dad," sabi niya na nakangiti. "I mean, you're not perfect and all but you always do your best and for me, you're the best dad in the whole world even though you're annoying sometimes."

Mahina itong natawa. "My pincess..." Ginulo nito ang buhok niya. "For you and for Lucky, I'll be the best dad that I can ever be."

Humigpit ang yakap niya sa ama at pinakawalan lang niya ito nang tumigil ang sasakyan sa harap ng hotel.

Magkasunod silang lumabas ng sasakyan, saka sabay na pumasok sa hotel. Nang makarating sila sa inookupang kuwarto, nag-good night sa kanya ang daddy niya bago pumasok sa sarili nitong kuwarto.

Pumasok na rin siya sa sarili niyang kuwarto, ini-lock 'yon tulad ng nakasanayan niya at isa-isang hinubad ang damit bago pumasok sa banyo para mag-half bath.

Pagkatapos maglinis ng katawan, nagsuot siya ng pantulog, saka inilabas ang cell phone sa clutch bag at nahiga sa kama.

Nawala ang antok na nararamdaman ni Happy nang makitang mahigit sampung beses siyang tinawagan ni Blaze. At dahil naka-silent ang cell phone niya, hindi niya napansin 'yon.

"Jesus Christ..." mahina niyang sambit, saka tinawagan si Blaze.

After one ring only, he picked up.

"Hap."

"You okay?" agad niyang tanong. "May nangyari ba? Pasensiya na if I didn't answer your call. I was abala with Dad and Lucky and naka-silent ang cell phone ko."

"It's okay," sabi nito. "Can I see you?"

She was taken aback. "Why?"

"I don't know," sabi nito. "Gusto lang kitang makita. Coffee and cheese tart maybe?"

No overthinking, Happy.

She took a deep breath, "Sige. Where mo gustong mag-meet?"

"Open the door," sabi nito.

"Huh?" She was confused.

"Open the door and let me in."

Napaawang ang mga labi niya ng ma-realize ang ibig nitong sabihin. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at tinungo ang pinto, saka binuksan iyon.

And there he was, Blake Vitale, holding two boxes of cheese tart and two iced americano while his other hand was holding the phone.

"B-Blaze..." Gulat na gulat talaga siya.

He smiled. "Can I come in?"

Tumango si Happy, saka pinapasok ang lalaki at iginiya patungo sa kitchenette ng hotel room. Inilapag nito ang dala sa dining table na pangdalawahang tao lang, saka doon sila naupo.

"For you," sabi nito, sabay lapag ng iced americano sa harap niya. Binuksan nito ang box ng cheese tart, saka inilapit din iyon sa kanya. "And for you."

Hindi niya napigilan ang mapangiti. "Ano naman ang naisip mo and you bought this and brought it sa akin?"

Blaze shrugged. "I want an alibi to see you?"

Mahina siyang natawa, saka napailing. "Seriously... bakit?"

"Because I want to have coffee with you?" Matiim ang titig nito sa kanya habang nagsasalita.

Tumaas ang kilay niya. "It's nearly midnight."

Blaze shrugged. "I'm off duty."

Napailing siya. "Oo nga pala, ilang araw ka ring duty—"

"Isa't kalahating araw rin kitang hindi nakita dahil duty ako," sabi nito, saka sumimsim ng iced americano. "I wish I'm not busy so I could give my time to you."

"You're a surgeon," she pointed put. "Surgeons are always busy."

"I can make time."

Tumaas ang kilay niya. "Why would you do that?"

Blaze stared into her eyes. "You keep me sane... and you make me forget."

Is this because of his ex again? No overthinking!

She sipped her iced americano before staring back at Blaze. "Ngayong you're here, with me, I'm pretty sure you're bored, what's you plan on doing to pass the time?"

Bumaba ang tingin ni Blaze sa mga labi niya. "Let's kiss to pass the time."

"Sure."

And Blaze was taken aback by her fast answer. "Are you sure it's okay?"

"I know what I want, Blazey." Inubos niya ang iced americano bago tumingin sa mga mata ni Blaze. "And I want to kiss you too. Plain and simple."

Tumayo si Blaze at lumapit sa kanya, saka pinalibot ang braso sa baywang niya at hinila siya patayo.

At nang ilang hibla na lang ang pagitan ng mga labi nito, bumulong ito bago inilapat ang mga labi sa mga labi niya.

"Let's kiss then."


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top