CHAPTER 19
CHAPTER 19
"HOW DID YOUR SESSION GO?" tanong ni Blake kay Blaze nang makapasok siya sa kusina. "You're looking good, man," natatawang sabi nito habang naghahain ng agahan sa hapagkainan. Kapagkuwan ay malakas ang boses na tinawag si Lucky. "Baby, come here, your breakfast is ready!"
Napangiti na lang si Blaze sa kakambal. Noon, siya ang sinisigawan nito dahil handa na ang agahan niya, ngayon ang asawa na nito.
At masaya siya para sa dalawa.
Blakey deserved to be happy. With Lucky.
"O, ano'ng tinatayo-tayo mo riyan?" kunot-noong tanong sa kanya ni Blake. "Kumain ka na. Pinagluto kita ng agahan mo."
A wide grin appeared on his lips. "Hell, yeah!"
Blake tsked before getting a cup from the kitchen's cupboard, filled it with coffee before putting it in front of him. "Kain ka na."
Tamang-tama naman na pumasok si Lucky sa hapagkainan na may ngiti sa mga labi.
Napangiti na rin si Blaze. Lucky really radiated positivity.
"Good morning, Blakey-baby," masayang bati nito kay Blake, sabay halik sa mga labi ng asawa, saka nakangiting bumaling sa kanya. "Good morning, Blaze!"
He sipped his coffee. "Morning, baby girl."
Tiningnan siya agad nang masama ni Blake na ikinailing lang niya. His brother was really a possessive fella.
Nang umupo si Lucky sa hapagkainan, pumasok naman ang mommy nila at si Bailey. Sabay-sabay na silang nag-agahan kasama si Blake na napilitan lang dahil mas gusto nitong magkape lang. But their mom wouldn't take no for an answer.
"Perfect ako sa periodical test namin," may pagmamalaking sabi ni Bailey habang nagkukuwento sa kanila tungkol sa mga achievements nito sa eskuwelahang pinapasukan. "Halos lahat perfect ko, maliban sa Science. I missed five points."
"What happened?" Blake asked while spreading butter on Bailey's pancake.
"May nakalimutan akong body parts." Humaba ang nguso ni Bailey.
Itinuro naman agad siya ni Lucky. "Magaling si Kuya Blaze mo riyan."
Sumegunda naman ang kanilang ina. "Siyempre, doktor yata ang kuya mo."
Agad na napalitan ng ngiti ang paghaba ng nguso ni Bailey. "I know po. Sinasabi ko palagi sa mga classmates ko na may big brothers akong kambal. Ang isa, magaling na doktor, 'tapos ang isa naman po, tambay lang."
Lahat sila malakas na natawa maliban kay Blake na isa-isang tiningnan sila nang masama.
"O, ano'ng nakakatawa?" iritadong tanong nito. "I have you know, I run a big company behind the curtain."
Tumigil na sila sa pagtawa pero si Lucky ay tumatawa pa rin. "Sorry, Blakey-baby, nakakatawa lang ang tambay. Kasi 'yan din ang tingin ko sa 'yo noon. Tambay."
Blake just sighed in surrender. "Hindi ko na kayo ipagluluto ng agahan."
Agad na humaba ang nguso ni Lucky at nagmamakaawang tumingin kay Blake. "Blakey-baby! Take it back!"
Blakey sighed again. "Oo na, kumain ka na. Iinom ka pa ng gamot."
Agad namang tumalima si Lucky na ikinailing niya. Samantalang ang mommy nila ay pinatapos na sa pag-aagahan si Bailey para maihatid na ito sa paaralan.
At nang silang tatlo na lang ang natira sa kusina, umalis si Blake. At nang bumalik ay may dala itong maliit na kahon, saka inilapag iyon sa mesa.
"Blaze, wash the dishes," utos nito sa kanya.
Bumuntong-hininga siya, saka iniligpit ang pinagkainan at inilipat iyon sa lababo para hugasan.
Habang naghuhugas siya, pinapainom naman ni Blake si Lucky ng gamot nito. Personal talagang ibinibigay ni Blake kay Lucky ang tamang gamot na dapat nitong inumin. Agad din nitong pinagpahinga si Lucky pagkatapos.
"Pero kagigising ko lang," reklamo ni Lucky.
Blake kissed her on the lips before pleading. "Please, for me? Pinagod kita ng isang linggo, naalala mo?"
Lucky blushed. "Okay."
Hanggang sa makatayo si Lucky at naglalakad na palabas ng kuwarto, nakatitig pa rin siya rito.
"Hey! That's my wife!" Blake hissed at him.
Blaze blinked before glancing at his twin. "Sorry, she just reminds me of someone."
Alam niyang agad na nakuha ni Blake ang ibig niyang sabihin. "Cassie?"
Umiling siya, saka tipid na ngumiti. "Happy."
Blake looked stunned. "That's new."
Mahinang natawa si Blaze. "What?"
Blake shrugged. "Nothing. Nagbago lang ang sagot mo."
Blaze frowned. "Sagot sa?"
"Wala," sabi ni Blake, saka itinuro ang kahon na dinala nito sa kusina. "Nandiyan lahat ng nakaipit sa tuxedo ko. Help me count?"
"Malalaki ba ang halagang nakasulat sa cheque?" tanong niya habang tinutuyo ang basang kamay dahil katatapos lang niyang manghugas.
"I don't know," sabi ni Blake. "I didn't check."
"Wala bang butas ang mga cheque? Tatangapin ba 'yan sa bangko?"
"It's Pierce's bank. Siya ang paasikasuhin ko rito," sabi ni Blake na isa-isang nilalabas ang cheque, tissue at mga ice water bag na may lamang... barya?
What the fuck?!
Pinulot niya ang isang cheque at binasa ang halagang nakasulat. "From Khairro Sanford. Fifty pesos." Nalukot ang mukha niya. "What the fuck?!"
Sa halip na magulat, tumawa lang si Blake. "Ba't nagulat ka pa? Ini-expect ko na 'yan. One hundred pesos ang pinakamalaking halagang nakasulat sa mga cheque na 'yan."
Sa sinabi ni Blake, mabilis niyang tiningnan isa-isa lahat ng cheque.
At tama ang sinabi ng kakambal niya. Kung hindi fifty, twenty pesos ang nakasulat sa cheque. Isa lang ang nagbigay ng one hundred pesos, si Pierce lang. Mayroon pa ngang ten pesos. Si Iuhence.
"Nakakahiya naman sa kanila," puno ng sarkasmo niyang sabi.
Tumawa lang si Blake, saka ibinigay sa kanya ang isang balot ng ice water bag. It had ten pesos inside. Tigpipiso ang laman na bumuo sa sampung piso.
And it had a name. Calyx Vargaz. At may rason pa talagang nakasulat sa ice water bag gamit ang itim na marker.
Marami akong anak. 'Yan ang rason ng isang Calyx Vargaz.
"Seriously?" Hindi makapaniwalang tumingin si Blaze sa kakambal. "Isinabit nila sa iyo 'to? Hindi ko nakita."
Tumango si Blake at itinuro ang nagkalat na tissue sa mesa. "And these fuckers too."
Napailing na lang siya, saka isa-isang binilang ang pera. "Hindi kasama ang kay Daddy, Dark, Volkzki, Titus at Phoenix. Hindi man lang umabot sa five thousand ang perang nakaipit sa tuxedo mo. Kawawa ka naman."
"Sinabi mo pa."
"Kay Lucky, magkano?"
"Dollars, bud." Blake tsked, annoyed. "Dollars."
Mahina siyang natawa. "That's what you get for having lunatic friends."
Blake sighed. "Oh, well... hindi na ako nagulat."
"But Morgan gave you a gift certificate and Phoenix offered to secure the mansion."
"Yeah."
"And Volkzki gave you a hundred thousand," sabi niya.
Blake chuckled. "That's shocking."
"Montero is more shocking," sabi niya habang hawak ang cheque na galing kay Dark Montero. "He gave you one million."
"Well, that fucker is rich."
Natawa lang si Blaze, saka umupo sa hapagkainan. Lumukob ang katahimikan sa buong kusina hanggang sa basagin 'yon ni Blake.
"How are you feeling?"
Napatitig siya sa kakambal, saka natawa. "Don't go Dr. Phil on me, Blakey."
Natawa na rin ito. "I'm just asking."
Blaze shrugged. "Okay, I guess."
"Don't lie to me."
Blaze stilled then sighed slowly. "I'm not fine. Why you ask?"
"Just wondering." Umupo na rin ito sa hapagkainan habang ibinabalik ang mga cheque sa loob ng maliit na karton.
"Does Lucky know?" Siya naman ang nagtanong ngayon. "You know, about what I did to her sister?"
Blake nodded. "We talked last night."
"And?" He felt agitated. He didn't want Lucky to dislike him. "Matatakot na ba ako?" Ginawa niyang pabiro ang pagtatanong.
"Nah..." Sumandal si Blake sa upuan. "Sinabi lang niya na alam daw niya ang nangyari sa inyo ni Happy."
"And she's not mad at me?"
Umiling si Blake. "She's not. She said it's your issue with her sister. Hindi naman daw niya kontrolado ang nararamdaman n'yong dalawa at alam daw niyang nahihirapan ka talaga. Hindi naman daw kasi biro ang nangyari sa iyo."
He frowned. "Hindi niya ipinagtanggol ang kapatid niya? I thought she'll be mad at me."
Blake shook his head again. "Well, Lucky said that what her sister did is what is right for her and what you did is what you think you're right for yourself."
"I hurt Happy."
"And you're hurting too," sabad ni Lucky na kakapasok lang sa kusina. Tumayo ito sa likod ng upuan ni Blake at ipinatong ang mga braso magkabilang balikat ng kakambal niya. "I mean, you're both hurting, different level of pain though, depends on other people's perspective. Though I read somewhere that it doesn't mean that because you're hurting more, the other person's pain is not relevant or worthy."
Now he was confused. "So, someone, either me or Happy, is hurting less?"
"No! That's not it! You're not listening to me. Magkakaiba naman kasi kayo ng sakit na nararamdaman at naiintindihan ko 'yon. We all have different pain tolerance. Hindi ko puwedeng sabihin na hindi mahalaga ang sakit na nararamdaman ng isa kasi sa kanya 'yon, eh. Sabi pa nga ng nabasa ko, you will never know someone's pain unless you're living it. Get me now?"
"So, you're siding me?" hindi niya makapaniwalang tanong.
Umiling si Lucky. "Sorry, I'm not choosing side." Then she smiled. "Maybe I just understand each other's point of view, individuality and respect it?"
"That's my baby," Blake said proudly.
Blaze frowned. "I hurt your sister," ulit niya baka hindi lang nito narinig.
"I know." Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ni Lucky. "But you're hurting too. I mean, look at you. You look like hell."
Mahina siyang natawa. "Well, I do look like hell. Pero hindi ka talaga galit sa akin kahit pinaiyak ko ang kapatid mo?"
Agad na umiling si Lucky. "I understand where my sister is coming from. Pinalaki siya ni Dad na ganoon. She knows her worth, and she knows what she wants and that makes her an amazing woman. And I understand you too. You're in pain and that's not easy to let go. At hindi ako mamimili sa inyong dalawa. I trust you two. You'll figure it out."
Napatango-tango si Blaze. "I thought you'll be mad at me."
Kinunutan siya ng noo ni Lucky. "Bakit naman?" Umupo ito sa mga hita ng kakambal niya habang nakatingin pa rin sa kanya.
"Because I used your sister to feel happy," paliwanag niya.
"And?"
"And that should make you angry."
Napasimangot si Lucky. "But I don't wanna be angry!" Inis itong tumingin sa kanya. "And I understand each side, remember? Importante kayong dalawa sa akin. Ayokong nagagalit kasi hindi 'yon maganda. Ayoko n'on. And my sister told me that it wasn't your fault. It wasn't anyone's fault."
Blake nodded, saka hinalikan sa balikat si Lucky. "Pinagalitan lang naman niya ako kagabi kasi namili raw ako ng papanigan. Dapat daw neutral lang kami kasi pareho naman daw kayong malaki na at pareho naming kapatid. So... yeah, I'm not choosing side this time. Sort it out yourselves. You can do it."
Blaze chuckled before nodding. "Thanks... I guess."
Lucky smiled at him. "Don't worry, my sister likes you a lot. I don't think she'll forget you that soon." She shrugged while still smiling. "But it's not love—I mean, she never said she loves you, just like... so, if I were you, I won't hold on to that."
Blaze looked at Lucky flatly. "Geez! Thanks for motivating me."
Tumawa lang si Lucky, saka bumaling kay Blake. "Sasamahan mo ba ako sa school? Puwede na akong magtrabaho uli, eh. Gusto ko uling magturo, miss ko na ang mga bata."
Blake glanced at him before looking back at Lucky. "May pupuntahan kami ni Blaze, eh. Pero ganito na lang, ihahatid kita, 'tapos ipapasundo na lang kita kay Mommy. Okay lang ba? May hahanapin kasi kaming kaibigan."
"Sige," mabilis na pagpayag ni Lucky, saka umalis sa pagkakaupo sa hita ni Blake. "Magbibihis lang ako," sabi nito, saka tumakbo palabas ng kusina.
"Don't run, baby! Be careful!" pahabol na sigaw ni Blake, saka napailing at tumingin sa kanya. "Hindi ka na mukhang zombie. Nakatulog ka na ba nang maayos?"
"Kinda."
"Kinda means a little," sabi ni Blake, saka napailing. "You're sleeping tonight. Hindi ka duty, 'di ba?"
"I'll be fine—"
"Babantayan kita hanggang sa makatulog ka."
Nanunudyo ang ngiting gumuhit sa mga labi niya. "Aww, what a sweet boyfriend."
Tiningnan siya nang masama ni Blake. "Maraming kutsilyo rito, baka masaksak kita."
Tumawa lang siya nang mahina, saka napailing. "I'll be fine, Blakey. I'm doing it right and that includes sleeping, so yeah, I'm good."
"You sure?" pangungulit ni Blake. "Wala ka nang itinatagong lihim sa akin?" He narrowed his eyes on him. "Don't bottled up those feelings, Blaze. That's not good for you."
"Yeah, yeah," natatawang tumayo siya, saka naglakad palabas ng kusina. "Maliligo at magbibihis lang ako."
Malalaki ang hakbang niya patungong hagdanan at umakyat patungo sa kuwarto niya. Nang makapasok siya sa sariling kuwarto, agad na tumuon ang tingin niya sa sulat ni Happy na nasa ibabaw ng bedside table katabi ang napakamahal na key chain slash bottle opener kung saan niya inilipat ang susi ng bahay, susi ng locker niya sa ospital at susi ng sasakyan niya.
I have to be very careful with that key chain. So expensive.
Bumuntong-hininga siya at binasa uli muna niya ang sulat ni Happy bago pumasok sa banyo at naligo.
PAGKATAPOS NILANG ihatid ni Blake si Lucky sa pinagtatrabahuhan nitong paaralan noon, tinawagan ni Blaze ang mommy nila at nakisuyong sunduin si Lucky. Siya ang tumawag kasi si Blake ang nagmamaneho ng sasakyan. He was riding shotgun.
Nang makapasok sila sa BV, dumeretso sila agad sa bahay ng Conde at ang asawa nito ang nagbukas ng pinto para sa kanila.
"We're looking for the Count," sabi ni Blake.
Tipid na ngumiti ang asawa ni Knight. "Is it important? He's not in a good shape right now."
"Yes. It's important," sabi niya.
Huminga nang malalim ang asawa ni Knight, saka pinapasok sila. "He's in NK's playroom. You know the way."
Sabay silang tumango ni Blake, saka tinungo ang playroom ni NK. Kumatok muna sila sa pinto bago binuksan iyon at pumasok.
Knight was there... in the middle of the room, with scattered bottle of empty beers around him. He had bags under his eyes, his clothing and hair was disheveled, and he looked like a mess.
And he was holding his wallet and staring at the small picture inside.
"Velasquez," sabi ni Blake habang nakatayo sila malapit sa pinto. "Can we talk to you?"
Knight didn't move. Nanatili lang itong nakaupo habang hinahaplos ang larawan na nasa wallet nito.
"Velasquez—"
"I have a very simple job for myself... take care of my brother," halos pabulong na sabi ni Knight. "While Midnight, he has a hard job, given by our father. He has to be me in public so if the enemy strikes and take a shot, he'll die and not me. I have to be safe, my father says. Ang dami niyang hindi puwedeng gawin nang dahil sa akin. Ang dami niyang naranasang hindi maganda nang dahil sa akin. But he never give up. Never. Maybe because I was always there for him. Kahit gaano pa 'yon kahirap, nasa tabi niya ako palagi. But not this time. I let go of him thinking that he'll be able to fly on his own." Inilapag nito ang wallet sa sahig, saka mapait na napangiti. "We can't even take a picture together... It's forbidden... but this one, we finally did it. It was his twentieth birthday, and we broke one of Dad's rules. And then we print it and put it in our wallets. It was a simple thing, but he was so happy."
"Where's Midnight?" Si Blake ang nagtanong sa mahinahong boses. "Can we see him?"
Knight finally looked up at them. "He's gone."
Parehong kumunot ang noo nila ng kakambal.
"What do you mean he's gone?" nag-aalalang tanong niya.
A lone tear escape Knight's eyes. "He's gone and I failed him."
"No..." Blake whispered. "You must be kidding—"
"Do I look like I'm kidding?!" Knight shouted in anger at them. "My brother is gone! Midnight is gone! Do you think I'm kidding?!"
Bago pa sila makapasagot, pumasok ang asawa ni Knight, saka nilapitan ito at niyakap.
"I'm here, baby... I'm here..." Hinalikan nito sa noo si Knight. "I'm just here." Then she looked at them. "I'm sorry but I have to ask you to leave. Please?"
Tumango sila ni Blake, saka lumabas ng kuwarto at ng bahay. Pareho silang tahimik hanggang sa makasakay sila sa sasakyan.
"Midnight is gone," bulong ni Blake, saka bumuga ng marahas na hininga. "This is all my fault. I made him do what he did."
"Blakey..."
"The five hundred lashes... baka hindi niya kinaya."
"If he's dead, then where's the body and the grave?" tanong niya.
Mabilis na inilabas ni Blake ang cell phone at may tinawagan. "Racini, where's Midnight's body?" Nagtagis ang mga bagang ng kakambal habang nakikinig sa sagot ni Racini. "Thanks."
"Alam ba niya kung nasaan?"
Tahimik na tumango si Blake, saka mabilis nitong pinaharurot ang kotse paalis ng BV.
"Where are we going?" tanong niya.
"Somewhere," sabi ni Blake. Hindi na ito nagsalita at mas binilisan pa ang pagpapatakbo ng sasakyan.
Nang ipinasok ni Blake ang kotse sa isang sira at malapad na gate, nakita niya ang sirang mansiyon sa loob.
"Whose mansion is that?" he asked.
"I don't know," sabi ni Blake, saka lumabas ng sasakyan.
Siya naman ay sumunod sa kakambal niya patungo sa likod ng malaki at sirang mansiyon hanggang sa tumigil si Blake sa bahagyang nakaumbok na lupa.
May krus doon na gawa sa kahoy pero walang pangalan.
Hindi siya nakapaniwalang napatitig sa krus na gawas sa kahoy. "Is that... Midnight?"
Blake nodded while clenching his fist and jaw tightening.
"They didn't even put his name on it," pabulong niyang sabi habang hinahaplos ang krus. "Who would do this to him?"
"A monster." Nanginginig ang kamay ni Blake sa galit. "Only a monster can do this."
Umuklo siya, saka inilapat ang kamay sa nakaumbok ba lupa. "What happened to you, bud?"
"Why didn't he ask for our help?" Bakas ang galit sa boses ni Blake. "We could have do something for him? Naitago sana natin siya. Naipadala sa ibang bansa. Bakit hindi siya humingi ng tulong?"
Blaze sighed. "Maybe... he doesn't want us to be involved."
"We're already involved!" Blake hissed. "Fuck it, Midnight, we're your friends! I'm your friend! You could have asked for help!"
Blaze took a deep breath. "We still have his phone."
A lone tear rolled down from Blakey's eyes. "We kept your phone, you dumbass!"
Napatitig siya uli sa krus na walang pangalan. "This is just too cruel. How could they do this to him?"
"I wanna kill someone for this!" Blake was livid.
"You'll endanger yourself," sabi niya na pinapakalma ang kakambal. "May Lucky ka na ngayon. She needs you, remember? Hindi ka puwedeng gumawa ng ikakapahamak mo. May asawa ka na na madadamay sa kung ano man ang gagawin mo."
Natahimik si Blake pero patalim nang patalim ang mga mata nito.
Siya naman ay tumayo, tinapik ang balikat ng kakambal, saka bumalik sa sasakyan nila. Binuksan niya ang maliit ng compartment ng sasakyan, saka kinuha roon ang itim ng marker bago bumalik sa likod ng mansiyon.
Blake was still staring at the grave in front of him when he came back.
Nilapitan niya ang krus, saka sinulatan iyon gamit ang marker.
Here lies our friend, Midnight, who will never be forgotten. 'Till we see each other again, buddy, someday... somewhere.
Pagkatapos niyang isulat 'yon, nilingon niya si Blake. "Can we move him?"
"I'll ask."
He frowned. "Who?"
"The Organization's bosses. Sabi ni Racini, wala raw silang magagawa na mga boss para kay Midnight pero subukan pa rin natin." Nagtatagis pa rin ang mga bagang ni Blake.
Bumakas ang galit sa mukha niya. "Bakit wala silang magagawa?! They are the Organization's bosses!"
Blake sighed. "Knight's father is the fourth Arkhon."
Arkhon or Arkhones were the head of the heads. They were higher that the bosses because everything came from them. Connections, money, power and more. They were the direct descendant of the original Nine Arkhons who started the Organization way way back in the dark ages, continued in the early Middle Ages until the present.
Bumuga siya ng marahas na hininga. "That's what makes Knight's father scary. Hindi na aktibo ang ibang Arkhon, tama? Ang alam ko lang ang tanging aktibo ay ang mula sa ama ni Knight pababa sa pansiyam. The first three Arkhontes, the person who can change the fourth Arkhon's decision, they're inactive and doesn't want anything to do with the Organization. And their identities are kept secret."
Blake nodded. "Not even the bosses know."
Blaze felt hopeless. "But we will not give up, right?"
"We'll do everything we can for Midnight," sabi ni Blaze sa boses na alam nitong puno ng pangako at hindi nito bibiguin si Midnight. "We will give him peace, Blaze, we will. Even if it's the last thing we do. We'll figure something out."
Tumango siya, saka tinapik-tapik ang puntod ng kaibigan. "We'll give you the peace you deserve, bud. Sa pagkakataong ito, kami naman ang bahala sa iyo."
They stayed there for more than an hour before forcing themselves to go leave. Nang makauwi sila, nasa bahay na si Lucky.
Pero sa halip na pumasok sa kabahayan, lumipat siya sa driver's seat at nagmaneho patungo sa sementeryo.
He had to see Cassie.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top