2 Cha Woo
Milae POV
Anong kaguluhan ito? Bakit ang raming estudyante na nagkakagulo dito? Anong meron.
"Isa ba yan sa mga kalokohan ng mga kaibigan mo?" Tanong ko kay moonbin. Dahil nag ka-karon lang ng kaguluhan kapag tungkol sa mga kings at yup isa si moonbin duon. Pero mukhang mali ang hula ko dahil kahit siya ay nagulat sa dami ng estudyante dito.
"Excuse me" tawag ko sa isang estudyanteng babae na nakikipag siksikan din sa iba pang mga estudyante. Napatingin naman siya ng masama sa akin. Ng mamukhaan niya ako, ay biglang nawala ang masamang tingin niya at nag mukhang anghel naman ang mukha nito.
"Hi miss rohas!" Bati niya sa akin. Nginitian ko naman siya, kahit plastik siya. Dahil lang sa pinakita niyang ugali sa akin kanina.
"Anong meron" tanong ko sa kanya, habang tinuturo ang mga estudyante na nag ka-kagulo.
"Ah may bagong estudyante po kasi na sobrang sobrang hot as in grabe. Tas hanap nga po kayo eh" Magalang na sabi niya sa akin. So ano? Isa ba siya sa lima na tinutukoy ni daddy and what lalake nanaman? Tas hot pa? Hindi na ako magtataka kung ako ang hanap ng taong ito kung isa nga siya sa mga tinutukoy ni daddy.
"Ah okay, pwede ka nang bumalik sa ginagawa mo kanina. Thank you!" Pagpapasalamat ko sa kanya, kaya umalis na siya at tulad ng sinabi ko sa kanya ay ginawa naman niya ito.
What should i do? Makipag siksikan din ba ako para sabihin sa taong iyon na ako ang hinahanap niya? Neh... not going to waste my time for that.
"Tayo na!" Aya ko sa kaibigan ko.
"Eh paano siya?" He asked, tas tumingin ulit ako sa mga estudyanteng nagkakagulo.
"He can manage it. Mahahanap din naman niya ako mamaya, sayang lang ang energy ko kapag nakipag siksikan pa ako sa rami ng estudyante na iyan, para sabihin na ako yung hinahanap niya diba!" Nakangiting sabi ko sa kanya at muli ko siyang niyaya na umalis na.
------
Rocky POV
Today is my first day na makapunta sa pamamahay ni don james na daddy ni milae.
I don't know if Milae has any idea what with her fathers mind. Kasi nga dito ako titira as in hanggang sa matapos na ang deal namin. The thing is hindi ako mayaman and hindi ako galing sa ibang bansa ng katulad ng pagpapaliwanag ni don kay milae kanina, that was just a act.
Na gusto ipagawa at ipasekreto sa akin ni don james.
Pagala gala ako ngayon sa malaking mansyon ni don. Para maging familiar na ako dito sa loob ng mansyon. Mahirap na baka maligaw pa ako.
"Manang, yung damit po ba ni senorita nailagay na ninyo sa kanyang kwarto?" Napalingon agad ako dahil sa familiar na boses. Hindi ako nagkakamali sa kanya ang boses na iyon.
Hinanap ko kaagad kung saan galing ang boses na aking narinig. Nasa tapat ako ngayon ng isang malaking pintuan. Kinakabahan buksan ito ng kusa itong mag bukas. Siya nga, hindi ako nagkamali.
Tumingin siya sa akin. Ngunit nag iba na ang lahat ngayon.
"Oh! Senorito, maganda umaga po. Kayo po ba ang bisita ni don james?" Magalang na tanong niya sa akin. Hindi na katulad ng dati, iba na. Nag iba na ang lahat ngayon. Masakit man tanggapin, ngunit ngumiti nalang ako ng bahagya sa kanya at sabay tungo bilang pagtugon sa kanyang tanong.
At saka niya ako nilagpasan. Noon palang, hindi mo na makita ang halaga ko sayo. Kahit ngayon, hindi mo parin akong makita. Nasa harapan mo na ako pero, parang wala. Oo nga pala, sino ba nakakakilala sa akin ngayon? Iba na ako ngayon.
Nandito ka rocky dahil sa deal, ayun lang at wala nang iba. Bilang pagpapasalamat din sa ginawa sayo ni don, kailangan mo lang sumunod sa plano.
-------
Cha POV
Kasalanan ko ba na pinanganak akong gwapo. Kakapasok ko lang sa eskwelahan na ito ay pinagkaguluhan na ako ng mga babae, kahit nga ang mga bakla eh.
Why o why?
I just need to find milae, yung anak ni don james. Pero pa-paano ko nga ba mahahanap kung ganito karami ang taong sasalubong sa akin diba?
"Wahhhh! Kuya ang gwapo nyo!"
"Artista po ba kayo?"
"Ano po pangalan ninyo?!" Sabay sabay ang hiyawan ng mga estudyante sa akin at iba't ibang mga tanong.
Ibang klase, wala bang gwapo sa school na ito? Kaya sobra silang atat sa akin?
Anyways my name is cha woo half tao and half tao lang naman ako walang kakaibi sa akin, kaya nakakapag taka naman sa kanila at ganito sila ka oa sa akin.
Pagkatapos ang ilang papirma, papicture at kwentuhan sa mga estudyante ay nag si puntahan na sila sa kani kanilang classroom dahil nag bell na, so ganun iniwan na lang ako dito.
Hindi manlang ako nakapagtanong kung sino ba si milae. Hayst! Hahanapin ko nalang siya. Sana mahanap ko kaagad siya.
--------
Milae POV
Hindi na ako nagtaka pa kung bat ako pinatawag agad ni daddy, siguro nanduon na ang isa sa mga transferee student kanina na pinagkakaguluhan.
Pagkakatok ko ay agad akong pumasok, agad ko nakita kung sino ba ang transferee student, bakit naman pala pinagkaguluhan kanina eh. Gwapo, kasing gwapo ni bestfriend na si moonbin.
Masyado akong busy ngayon kaya ang rami kong iniisip, kaya hindi ko masyadong naintindihan ang sinasabi ni daddy. Umoo nalang ako sa kanya. Hanggang sa makalabas na kami. Ang naintindihan ko lang sa sinabi niya ay samahan ko si cha sa classroom niya, na sa section ko naman.
Na inform na kasi kami ni miss j ang adviser namin na may bago nanaman kaming kaklase. Tahimik lang ako sa paglalakad, habang siya naman ay sinusundan lang ako at mutak ng mutak ng kung ano ano. Yung totoo, babae ba siya o lalake?
I think girl siya not boy.
Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanya. Napatigil naman siya sa pagsasalita at nagulat sa akin.
"Pwede ba, manahimik ka muna ha! Sorry kung ganito ako ngayon. Stress lang ako! Kaya please manahimik ka muna!" That's all i said to him, para tumahimik din siya sa wakas. Oo stress ako papaano naman kasi ngayon pala ipapasa yung story, i don't have any idea na ngayon ipapasa iyon at wala pa ako nauumpisa kahit isang word or even the title nakakainis.
Tas isa pa, mamaya sasamahan ko pa si rocky sa kanyang trabaho. Oo may part time job siya, hindi ko alam kung bakit nagpapart time pa siya anyways that's not my problem. Binigay naman ni daddy yung part time na iyon sa kanya kailangan ko lang naman siyang samahan and i can go home na.
Tanaw ko na dito ang classroom namin ng may mapansin akong kakaiba. Bakit may mga estudyante na nakasilip sa bintana and take note mga kaklase ko pa. Ha? Nagtaka pa ako, sino ba tong kasama ko eh eto lang naman yung pinagkaguluhan kaninag umaga ng ilang mga estudyante. Buti nga at nakaligtas pa siya kanina.
Pagkapasok namin sa loob ay sinalubong na kaagad siya ng mga estudyante. Napatingin naman sa akin si moonbin ang akala ay naipit na ako ng mha kaklase namin.
"Sino naman yun?" Tanong kaagad niya sa akin.
"Mukhang magiging kalaban ninyo" nakangiting sabi ko sa kanya. Na kanyang pinagtaka naman.
"I mean magiging kalaban ng kings" pagpapaliwanag ko ng maayos, pero nakakunot parin ang kanyang noo, na hindi parin maintindihan ang ibig kong sabihin. Bat ba may kaibigan akong slow din? Slow na nga ako pati ba naman siya.
Hindi ko napansin na may guro na pala sa unahan dahil sa nagkakagulo ang mga kaklase ko. Mukhang nagtitimpi nalang siya at kahit anong oras ay pwede na siyang sumabog.
Ngunit nagbago ang lahat ng magpakita si cha, yung totoo? Ako lang ba yung babae dito sa classroom namin na hindi nagpapakatanga sa kanya. Feel ko tuloy hindi siya magkaklase ngayon.
After 1 hrs
Hindi nga ako nagkamali hindi siya nagklase sa amin. Buong time niya ay nagkwentuhan nalang tungkol sa buhay ni cha. Buti nga at nagkaron ako ng oras para makapagisip ng kwento.
-----------
Cha POV
Napagalaman ko sa mga kaklase ko na may grupo na binubuo dito na tinatawag na kings. Subukan ko daw sumali sa grupong iyon dahil nababagay daw ako, kaya eto hinahanap kung nasan ba ang club room nila.
Para naman may magawa ako habang nandito ako sa school na ito. Sayang naman ang pagkakataon diba.
----------
Moonbin POV
"Nabalitaan na ba ninyo? Ang bagong lipat na estudyante kanina, gwapo daw at pinagkakaguluhan ng mga estudyanteng babae kanina" kwento ni Roowon sa amin, habang pinaglalaruan yung bola ng basketball. Siya ang leader ng grupo, dahil siya ang pinakang matanda, at mataas ang karisma sa mga babae.
"Ah oo bio, nabalitaan ko yan sa kapatid ko, at napagalaman ko na may balak sumali sa grupo natin" sabi naman ni Roy ba abala sa kanyang gitara.
"So anong balak natin? Tatanggapin ba natin siya?" Dahil sa tinanong ko ay napapunta sa akin ang atensyon nila.
--------
Nasa salas ako at abala sa panunuod. Hinihintay ko kasi si milae, balak ko siya yayain kumain sa labas. Ng bigla naman nakiupo si cha. Yung totoo feeling close?
Hindi porket isa na siya sa mga kings ay makikipag close siya sa akin? Hindi maaari yun.
Hindi ako papayag. At sa wakas dumating na yung hinihintay ko.
Nakabisangot na parang may kaaway. Agad ko siyang nilapitan para mag tanong.
"Uy anong nangyari?" Nagaalala tanong ko sa kanya, kaya napatingin naman siya sa akin ng masama. No problema nito.
"Alam mo ba?! Walangya sila! Mas pinili yung story na napaka pangit the heck lang! Sa tingin ba nila matutuwa yung mga readers sa ginawa noon hindi diba! Sobrang pangit. Mas pinili ba noonv bida yung taong ilang weeks lang niya nakilala kaisa duon sa kaibigan niya what the heck lang. Umpisa palang alam na yung ending!" Bulyaw niya sa akin na halos may lumabas na usok sa kanyang ilong.
Bigla naman umepal si cha, na ngayon ko lang napansin.
"Bakit, hindi mo ba natanggap ang pagkatalo mo" yung totoo, alam ba niyang yung sinasabi niya. Mas lalong magagalit si milae niyan eh!
Tinignan siya ng masama at feel ko na gusto na niyang patayin si cha.
To be Continue...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top