1 Rocky Chan

Maaga pa lang ay nagising na si milae para sa araw araw niyang ginagawa tuwing umaga.

Pagkababa niya ay saktong nanduon na din ang matalik niyang kaibigan na si moonbin. Sabay silang pumunta sa hapagkainan upang kumain. Matagal na silang magkaibigan mula ng ipanganak na sila, dahil sa kadahilanan na ang daddy ni milae ang tumulong sa nanay ni moonbin kung kailan nagdadalang tao ito at pagala gala sa langsangan.

Naawa ang daddy ni milae kaya tinulungan niya ito. Ng maipanganak niya ang sanggol ang naging kabayaran ay ang pagsilbi ng nanay ni moonbin sa pamilya ng rohas. Tutol ang daddy ni milae sa bagay na iyon, ngunit hindi pumayag ang asawa nito, dahil sa sila na nga daw ang gumastos sa lahat lahat ng pangangailangan ng magina.

Walang nagawa ang daddy ni milae dahil nagdadalang tao din ang asawa niya at si milae ang naging bunga nito.

"Bat agang aga nakabisangot kana?" Tanong ni milae sa kanyang kaibigan. Nasa eskwelahan na sila at sa bawat nakakasalubong nilang mga estudyante ay hindi maiwasang mapatingin sa kanila, dahil si rohas ay anak ng may ari ng school habang si moonbin ang isa sa mga tinatawag na kings kung saan ito ay binubuo na limang myembro.

Sino naman kasi hindi mapapatingin sa kanila na halos perpekto na at wala nang kulang sa kanila. Napagkakamalan na nga sila ng ibang estudyante na magjowa kahit hindi naman at magkaibigan lang sila.

"Wala lang ito" sabi ni moonbin sa kanyang kaibigan at sabay iwas niya dito. Ngunit kilala na niya ang kaibigan niya kaya hindi na nito maitatago pa na may problema na dinadala ang kaibigan niya.

"You can talk to me anytime" Syempre yan ang lagi sinasabi ni milae. Ayaw kasi niya na pilitin ang kaibigan niya na sabihin sa kanya ang problema nito.

Bilang pagtugon ay ngumiti nalang ito.

"Bakit ngayon ka lang?" Siya ang president ng kanilang section. Kakapasok pa lamang ng dalawa ay sinalubong kaagad siya ng kanilang president.

"Anong meron?" sabi ni milae dahil nakakapagtaka na kay aga aga ay hinahanap siya ng kanilang president. Hinahanap lang naman siya nito kapag may ipapautos tuwing awasan.

"Kanina ka pa tawag ng daddy mo sa office niya" Hindi nila nakasabay ang daddy ni milae kanina sa hapagkainan dahil lagi itong nangunguna pumunta sa eskwelahan para asikasuhin ang mga kailangan na papeles o iba pa para sa school.

"Ah, sige sige pupunta na ako. Ilalagay ko lang itong bag sa upuan ko" paalam niya. Palabas na si milae ng bigla siyang pigilan ni moonbin na pinagtaka naman niya.

"Bakit?" Tanong niya ngunit walangkibo ang kaibigan niya at inulit nalang niya ang tinanong niya.

"Bakit ba?" Hindi parin tumugon ang kaibigan niya, kaya pinagpasyahan nalang niya na umalis.

-----

Pagkadating niya sa office ay kumatok muna siya at saka pumasok. Masayang pumasok sa loob si milae dahil madalang nalang niya nakikita ang daddy niya, mas madalas pa niya ito nakikita sa eskwelahan kaysa sa bahay nila.

"Ano po iyon?" Magalak na tanong niya. Kaya nakuha naman niya ang atensyon ng kanyang daddy.

"Nandyan ka na pala, maupo ka" kahit anak siya nito ay formal parin kung mag salita. Sinunod naman niya ang sinabi ng kanyang daddy.

"Anong po ba kailangan ninyo?" Ulit na tanong ni milae sa kanyang daddy. Seryoso siyang tinignan ng kanyang ama.

"May lima tayong transfer students, and i want you to assist them" Ang akala ni milae kung anong mahalagang bagay ang sasabihin ng kanyang daddy. Hindi na siya nagulat dahil may naaassist na siya dati na bagong mga estudyante.

"Kailan po ba sila magstastart na pumasok?" Tanong niya, para makapag handa na siya.

"Sa pagkakaalam ko ngayon, baka late lang sila. Sige pwede kanang bumalik sa classroom mo" Palabas na sana si milae na may ihabol ang kanyang daddy.

"By the way the five transfer students are going to stay at our house" hindi ito nag process sa utak ni milae. Kaya napatigil siya saglit at napaisip ng maigi. Yup genius siya but slow na babae.

"Ano!?" At sawakas naintindihan na niya. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at napasigaw. Hindi na nagulat pa ang kanyang daddy dahil inasahan na niya iyon.

"Please milae, you can go back in your respective class room" nakangiti sabi ng kangyang ama, habang ang anak niya ay gulat na gulat parin. Gusto niya mag tanong at kulitin ang kangyang daddy ngunit malalate siya kapag ginawa niya iyon at isa pa magagalit sa kanyang ang kanyang daddy.

Iniisip niya ng maigi ang sinabi ng daddy niya, hindi naman niya inasahan na may tao pala sa unahan niya kaya nabangga niya ito. Nasalo naman siya nito.

"Okay ka lang miss?" Tanong ng binata sa kanya. Kaysa sagutin ni milae ang tanong ng binata ay may napansin siya.

"Mukhang hindi ka estudyante dito? May hinahanap kaba?" Nakita kasi niya ang direction board, baka naliligaw yung tao. Ayun ang nasa isip ni milae.

Napalingon naman ang lalaki sa tinitignan ng dalaga, napangiti siya dahil tama ang dalaga, na naliligaw ito. Nahihiya man siya ay nagtanong na siya, dahil wala nang estudyante sa labas at naguumpisa na ng kani kanilang klase.

Alam ni milae na magagalit sa kanya ang first teacher niya pero naaawa naman siya duon sa lalake at isa pa ang hinahanap niya ay ang daddy ni milae.

"Bakit mo pala siya hinahanap?" She asked. Syempre anak siya ng taong hinahanap ng kasama niya, gusto niya malaman kung anong kailangan niya sa daddy niya.

Hindi sumagot ang kasama niya kaya napatingin siya laking gulat nito ng nakatingin din pala ito sa kanya, sabay pa sila umiwas ng tingin.

Si milae na ang kumatok at nagbukas ng pintuan. Nagulat ang kangyang ama dahil hindi papala nakakaalis ang kanyang anak, ayun ang akala niya.

"Oh? Bat nandito ka pa?" Nagtatakang tanong ng daddy ni milae.

"Someone is looking for you" sabi niya, at sabay pasok noong lalake. Ngumiti naman ang daddy ni milae. Na halatang kilala na niya ang taong pumasok. Hindi na nagtaka pa ang dalaga sa ngiti ng daddy niya at baka isa lang sa mga vicitors ito.

"Sige dad, babalik na ako" paalam niya ngunit pinigilan siya ng kanyang daddy na kanyang pinagtaka.

"Anong meron?" She asked, pero pinaupo lang siya.

Gusto man magreklamo ni milae ay hindi na niya nagawa pa dahil magiging bastos siya sa kakilala ng daddy niya.

"Siya si Rocky Chan, isa siya sa transfer students na sinasabi ko sayo kanina lang. I need you to help him, sa mga kailangan pa niya dito sa school and in what section he will be belong" Napaisip isip nalang si milae, na isa pala siya sa makakasama niya sa bahay.

Tinignan ng dalaga ang binata ng maigi. Hanggang sa magkatinginan nanaman sila, una siyang umiwas.

"Sure dad" Yan lang ang nasabi niya sa kanyang ama bago siya umalis ay nagpaalam muna ito at isinama na si rocky palabas ng office.

"So hi jacky chan, i'm milae rohas" pagbati ng dalaga at inabot niya ang kanyang kamay. Ngunit napatawa ng bahagya ang lalake dahil sa pagbanggit ng dalaga sa kanyang pangalan, nag taka naman si milae dahil duon.

"May problema ba?" Nakataas kilay na tanong ng dalaga.

"Rocky not jacky" nakangiting sabi ng binata, na biglang ikinahiya ng dalaga.

Napatawa nalang ito. "Ang akala ko kanina na kapangalan mo yung karate na movie young bida duon jackychan ba hahahhahahhaha" hindi napansin ng dalaga na masyado na pala siyang madaldal sa lalake na halos hindi na din nila napansin na nasa tapat na sila ng faculty room. Dito kasi malalaman ni rocky kung saang section ba siya mapapapunta.

"Hi po miss! Eto po pa-" Hindi na siya pinatapos pa sa pagsasalita ni miss k dahil nakita niya si rocky, at mukhang alam na niya ang kailangan ng dalawang estudyante.

Siya ang nangunguna dito sa faculty parang leader ba o pinagkakatiwalaan ng daddy ni milae at pagminsan ay kinaiinisan ng dalaga dahil sa taglay na pagiging masungit at mataray ng guro.

Katulad nalang ng ipinakita ng guro ngayon kay milae hindi niya mawari kung bakit siya pa ang napili ng kanyang ama na pagkatiwalaan, dahil ba na ito ay masungit at matapang. Napailing iling nalang ang dalaga dahil ayaw niyang magalit ito sa kanyang guro ng kay aga aga.

Hinintay nalang niya si rocky sa labas ng faculty dahil mukhang hindi naman siya kailangan pa sa loob at halos nakay rocky na ang atensyon ng guro.

Ilang minuto pa ang tinagal at saka lumabas ang binata. May hawak hawak itong papel at nag tataka, abala siya sa hawak niya kaya hindi niya napansin si milae sa labas kung hindi siya nito tinawag.

"Oh!? Nandyan ka papala" gulat na tanong ng binata, kahit siya ay nagulat sa sinabi niya.

"Oo naman, lumabas lang ako dahil hindi naman ako kailangan sa loob eh. Ang akala mo iniwanan kita no? Hehehhehehhehe hindi ako ganon, at isa pa inutusan ako ni daddy" Nakangiting paliwanag naman ni milae. Tumango nalang ang binata.

Nagulat naman ang dalaga dahil sa huling sinabi niya napansin naman ni rocky to.

"Don't worry alam ko na" napa ah.. nalang ang dalaga. Hindi naman sa wala siyang balak sabihin ang tungkol sa kanya na anak ng may ari ng school at ito ay yung nakausap nila kanina.

Nagumpisa na silang hanapin ang papel na isinulat ni miss k. Sa kabilang building ang classroom ni rocky, kaya ang layo nito. Ngunit pagkadating nila duon ay pinabalik din sila sa kabilang build ng guro dahil hindi daw sa classroom na iyon si rocky at sa section daw ni milae. Halos mapamura siya dahil sa inis, pinigilan nalang niya ang kanyang sarili.

"Alam mo pinagtritripan na tayo" Sabi niya sa kasama niya, na sumusunod sa kanya. Hindi ito umimik, kaya tumahimik nalang si milae ng magpakita ang crush niya kaya agad siyang nag tago sa likod ni rocky, ikinagulat naman ni rocky ito.

"Sino naman yun?" Tanong ng binata. Kaya umalis na siya sa likod ni rocky, ng makalayo na ang crush niya.

"Ah... Crush ko hehehehehehe Parang bata no? May pacrushcrush pang nalalaman" pinagtatawanan niya ang sarili niya dahil sa bagay na iyon. Para sa kanya masyado na siyang matanda para sa mga bagay na iyon, ang magkaron ng crush.

"Hindi, lahat naman tayo may crush. Kaya okay lang yun" Tinignan lang siya ni milae na pinagtaka ni rocky.

At ilang minuto na titigan ay nag salita bigla si milae.

"You want something but you are confuse. Hmmmm... interesting" Pagkasabi niya nito ay tumalikod na siya at nagumpisa maglakad. Ipinagtaka naman ni rocky ang sinabi sa kanya ni milae, pero sinundan nalang niya ang dalaga.
---------

To be Continue.....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top