Kabanata 7- ANGKAN NG PLUMA
Jake
[PAST]
I was late for 5 minutes and Anya was gone... Nakita ko ang isang paper pag katabi ng bag niya sa hagdanan papasok ng venue.
To Jake,
Congratulations.
From,
Adarna
Napahinga ako ng malalim at pinigilang magalit. Pumasok kami ni Lola sa venue at tumabi kay Z
"Napansin mo ba si Anya kanina?" tanong ko sa kanya.
"Sino si Anya?" balik na tanong ni Z.
"Nakaupo siya kanina sa may hagdanan. Naiwan niya ang bag niya."
"Wala akong napansin kanina na nakaupo doon."
Napabuntong hininga ako. Badtrip ako buong ceremony. She left and she didn't give me any clue how to contact her. Ang laman ng bag niya ang ang copy ng libro ng Ibong Adarna. Maliban doon at sa gift niya sa aking kwintas ay wala na siyang iniwan.
Bumalik ako sa UST after a month but she's not enrolled on summer classes. I went to Ms. Mel to asked for her help. Sinabi ko ang pangalan niya, Anya...
"Wala siyang record dito sa library," wika ni Ma'am Mel.
"Lagi ko siyang kasama, dito."
"Hindi ko napapansin, Jake.
"Maputi siya tapos ganto katangkad..." Tinuro ko ang hanggang ilalim ng baba ko. Nakakunot noo si Ma'am Mel na umiling.
"Mahaba ang buhok niya."
Umiling pa rin si Ma'am Mel. Napabuntong hininga ako.
Nasaan ba si Anya?
[PRESENT]
Nasa isang bahagi kami ng gubat sa bandang timog. Dito sasanayin si Jelie para sa gagawin namin. Si Carol at Bunao ay binasa ang libro ng mahika kagabi. Si Jelie ay tahimik na nakikinig sa kanila. Narito si Sidapa upang gabayan ang asawa niya. Ang tatlong Diwata ay hindi nagpakita ngayong araw at wala si Ms. Rose.
"May iba't-ibang kulay ang kaluluwa, Jelie," simula ng pagtuturo ni Sidapa. "Tingnan mong maigi ang kaluluwa ni Jake habang sinasambit mo ang dasal na isinalin ni Carol sa wika mo."
Huminga ng malalim si Jelie bago nagsimulang mag-chant.
"Espirito ng kaluwalhatian, buhay ng bawat nilalang. Halika at magpakita ka, sa lahi ng isang mangkukulam. Espirito ng kaluwalhatian na nagbibigay buhay, dinggin ang bulong ng tagabantay... buksan ang sarili sa akin at taglayin ang hiling. Magpakita ka—"
"May nakikita ka?" tanong ni Sidapa.
"Kalahating puti at kalahating itim ang bumabalot kay Jake," wika ni Jelie. "Teka... nawala."
Naguguluhang tumingin si Jelie sa asawa. "Mahusay, nakikita mo. Ngayon, pag-aralan mong makita mo ito ng matagal— sapat para mahawakan mo. Ulit."
Huminga ng malalim si Jelie at tumango.
"Espirito ng kaluwalhatian..." Nag-umipsa muli siya habang sinasabayan ni Carol sa pagbabasa. Bawat bigkas ni Jelie ay ang pagpatak ng pawis nito. Taimtim na nakatingin sa akin habang inaalalayan ni Carol sa pagbigkas.
Sa tuwing kukunot ang noo ni Jelie ay umuulit siya sa umpisa.
"Huwag mong pilitin, Jelie... masasanay ka rin, huwag mong pilitin," wika ni Bunao.
Ngunit kailangan na naming magmadali.
"Kapag nakita mong muli ang kaluluwa ni Jake, subukan mong hawakan," mungkahi ni Sidapa. "Kailangan mong mapasunod ito na manatiling magpakita sa iyo."
Huminga muling malalim si Jelie at pumikit.
"Espirito ng kaluwalhatian..." bulong niya at dahan-dahang lumakad paptungo sa akin.
"Huwag, kang gumalaw, Jake," biling ni Sidapa ng akmang sasalubungin ko si Jelie.
"... dinggin ang bulong ng tagabantay..."
"Dahan-dahan, Jelie," paalala ni Bunao.
Natapos ang chank na binabasa ni Carol ngunit nagpatuloy sa pagsasalita si Jelie.
"Espitiro na nahahati sa dalawa, ipagkatiwala sa akin ang iyong itsura. Manatili ka... manatili ka hanggang sa madama kita. Ang layunin ko ay hindi mo ikakapahamak... manatili, espirito ng kaluwalhatian," bulong ni Jelie. Nasa tapat ko na si Jelie at hindi ko binalak kahit man lamang huminga. Nang dumilat si Jelie ay kulay pula na ang mata niya. Napaatras ako ng kaunti ngunit hinawakan ako ni Sidapa sa likod.
Unti-unting itinaas ni Jelie ang kamay hanggang sa maabot niya ang ulo ko.
"Nahahawakan ko na..." ani niya. Kumurap si Jelie at nagbago ang kulay ng kanyang mga mata. Bumalik sa dati at bigla siyang nawala ng malay. Nasapo ni Sidapa ang kabiyak at binuhat na parang bata.
"Mahal," bulong nito.
"Jelie—" mabilis kaming nilapitan ang mag-asawa.
Hindi naman nagtagal ay dumilat si Jelie at nakahinga ng maluwag si Sidapa.
"Nagdilim ang paningin ko," ani ni Jelie. "Bakit gano'n?"
"Aling kulay ang hinawakan mo?" tanong ni Bunao. "Ang sabi mo ay dalawang kulay ang mayroon siya."
"'Yong itim... tapos... " Naguguluhang tumingin sa akin si Jelie. "Tinatawag ako ng itim..."
"Iyon ang kailangan mong kuhanan ng kapiraso, Jelie. Kailangan mong tatagan hanggang sa makakuha ka at mailagay kay BUnao bago ka mawalan ng malay," paliwanag ni Sidapa.
Nagpababa si Jelie sa asawa at muling huminga ng malalim.
"Again," wika niya.
"Sandali—" putol ni Carol. "Sandali lang..."
Naupo si Carol sa isang bato at mabilis na nagbuklat ng mga pages ng libro.
"Kailangan niya ng kasama... kasamang hahawak sa kanya. Mga taga-bantay."
"Si Amihan," ani ni Sidapa. Umiling si Carol.
"Mga taga-bantay. Kailangan natin ang angkan ng Pluma."
"Puntahan na natin si Ms. Rose. Wala na tayong oras," mungkahi ko. Tumango si Sidapa at gumawa agad ng portal. Hinawakan niya ang kamay ni Jelie at nauna silang pumasok sa portal. Sumunod ako sa kanila kasunod si Carol at Bunao.
Sa National Library kami dinala ng portal— sa lugar kung saan muntik ng bawian ng buhay si Carol noon. Walang tao roon. Tanging mga Libro ng Ada ang naroroon sa silid-akalatan na iyon.
"Dito," mahinang wika ni Carol. "Alam ko ang daan palabas," aniya.
Tahimik kaming sumunod kay Carol hanggang sa makita namin si Ms. Rose.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top