Kabanata 19- PAGTATAGPONG MULI
Jake
Ipaalala mo sa akin na ako ang iyong kabiyak...
Napapikit ako upang alisin sa isipan ko ang boses na iyon. Kagabi ay naglalaro ito sa isip ko ng paulit-ulit at hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon.
"You mean, asawa kita?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Anya.
Ibinaba ni Carol ang damit ni Anya. Malungkot ang mata ni Anya na tumango sa akin.
"Kung iyon ang tawag sa panahon na ito— oo ganoon na nga, Jake," sagot niya.
"Bakit?" naguguluhang tanong ko.
"Kung bakit mo ako itinali sa iyo?" may galit na tanong ni Anya. "Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang, nagkagulo kayong magkakapatid noon at tinangka mo akong ilayo ngunit nahuli ka nila. Pinagtangkaan ka nilang patayin na dalawa ngunit pumagitna ako. Pagkagising ko ay wala ka na at nakakulong ako sa hawla. Nagkaroon ako ng ikawalong kulay."
Kung ang pagbabasihan ay ang mark ani Anya sa likod at ang marka ko sa likod ay maaring may katotohanan ang sinasabi niya. Pero bakit? Bakit ko ginawa?
"Jake, hindi masasagot ni Anya ang mga tanong mo dahil ikaw lamang ang nakakaalam kung bakit mo iyon ginawa," mahinahong paliwanag ni Zandro. Napaupo ako sa isang solong upuan na malayo kay Anya.
"Hindi mo rin sinabi sa amin ang dahilan at kung paano mo ginawa na matali siya sa iyo," dagdag ni Carol at sumang-ayon naman si Kit.
Naihilamos ko ang isang kamay ko sa mukha.
"Lahat ng ala-ala ko tungkol sa kanya ay wala," naguguluhang wika ko kay Carol.
"Iyon kasi ang naging kapalit—"
"Pero bakit nga... bakit ka kinuha ni Sitan?"
Napayuko si Anya at nag-iwas ng tingin sa akin. "Ibinigay ako ni Carolina sa kanya bilang kapalit ng isang pabor na hiningi niya kay Sitan."
Napatingala ako sa kisame pagkabanggit ng pangalan ni Carolina. Natatandaan kong nagpunta ako ng Biringan tangay si Jelie na walang naitulong. Natatandaan kong may hinahanap ako ngunit ano? Sino?
"Bakit ka ibinigay ni Carolina? Bakit kasama mo siya in the first place?" sunod-sunod na tanong ni Carol kay Anya.
Huminga ng malalim si Anya bago sumagot. "Humiling ako kay Carolina hanggang nagamit ko ang tatlong hiling at naging alipin niya ako."
"Hindi mo alam na hindi ka dapat tumatanggap ng kahit ano sa mga engkanto?" maang na tanong ko kay Anya na may halong panunumbat.
"Alam," maikli at mahinang sagot niya.
"Then, bakit mo ginawa?" sigaw ni Jake na ikinagulat ni Makisig. Umiyak ito at hinele ni Marikit upang bumalik sa pagtulog.
"Dahil gusto kong maging tao," sagot ni Anya sa akin.
Taimtim siyang nakatingin sa akin na parang sinasabi niya na kasalanan ko iyon.
"Bakit nga?"
"Gusto kong makilala mo ako," marahang sagot ni Anya na may kaunting luha sa mata. "Gusto kong makausap mo ako gaya nito. Gusto kong makita mo ako bilang tao at hindi isang ibon— hindi isang alamat na ibon." Tuluyang pumatak ang luha ni Anya bago niya mapunasan ang mga ito.
"Alam mo ba ang sinasabi mo?"
"Jake—" May pagbabanta na tawag ni Carol sa akin.
"That's selfishness, Anya," wika ko. Nalaglag ang balikat ni Anya at nag-iwas muli ng tingin sa akin.
"Jake... hindi niya hiniling na balikan mo siya. Hindi niya hiniling na itali mo siya sa iyo. Umayos ka nga," bulyaw ni Carol sa akin.
"Hayaan mo at hahanap ako ng paraan para maputol ang nagbibigkis sa ating dalawa."
"At saan ka na naman lalapit? Sa isang Dalakitnon?" naghahamong tanong ko.
"Kung magiging malaya ka—"
"At ilalagay ang buhay mo ulit sa panganib?"
"Kung magiging malaya ka—
"Pagkatapos ka naming iligtas?" Pataas nang pataas ang boses ko habang pahina nang pahina ang boses ni Anya.
"Ano ang gusto mong gawin ko?" marahang tanong niya.
Naitikom ko ang labi ko.
Hindi ko alam.
"Sabihin mo lang sa akin Jake... sa paglaya mo ay hindi na muli akong magpapakita. Ito na marahil ang huling buhay mo na makikita kita."
"That's fuck up thing to say," bulong ko.
"Ano ba kasi ang gusto mong sabihin niya sa iyo?" tanong ni Zandro sa akin.
"Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Parang pati ang reason ko kung bakit ako lumalaban ay nawala rin— nabura rin."
"Maybe because Anya was your reason why you are fighting?" wika ni Carol.
"I have a hate in my heart towards Sitan but I don't know why..."
"Kahit naman sino Jake ay mayroon," katwiran ni Carol.
Nabuga ako ng hininga. May point siya.
"Sorry— I..." Napatingin muli ako sa kisame sa kawalan ng explation.
"Nauunawaan ko, Jake," ani ni Anya.
"Mabuti ka pa... ako, hindi ko na maintindihan," naiiritang sagot ko.
Nag-aalangang lumapit sa akin si Anya at nilahad sa akin ang isang kamay niya.
"Hindi ka magiging bato," may biro sa tinig nito. Inabot ko ang kamay niya at nagsimula siyang umawit ng mahina. Unti-unti akong nakahinga ng maluwag at ang bigat sa dibdib ko ay unti-unting nawala pansamantala. Kumalma ako sa awit ni Anya.
"Ayos ka na?"
Napayuko ako at saka tumango. Binitawan ni Anya ang kamay ko at parang unti-unti muli akong nilulukuban ng bigat sa dibdib.
"Sorry," bulong ko kay Anya.
Ngumiti siya sa akin ngunit naroon pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Nauunawaan ko," mahina niya ring sagot sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top