Kabanata 14- ANG ILOG NG PAGKAMUHI

Jake

"Humanda—" ani ni Sidapa.

Pagtapak ng paa namin sa basing bato ay sumugod na ang mga lamang lupa na parang mga langgam.

Si Sidapa ay nagpakawala ng usok at nagapi ang unang sumugod ngunit may nakalusot na mga tiyanak na maliliksi. Si Tala ay nagpakawala ng nakakasilaw na liwanag na siyang nagpahinto pansamantala sa mga tiyanak habang pinapana ni Hanan ang mga ito at nagpapakawala ng sibat si Mayari.

Si Zandro ay nagsimulang tumakbo pasulong habang nakaagapay ako at sinisilaban ang kalaban. Kung hindi kami makikita ni Sitan dahil sa kaguluhan na ito ay marahil na sadyang tanga ang aking pinagmulan.

Gumawa kami ng malaking pinsala at natuon sa amin ang pansin ng iba pang lamang lupa. Nagsisimula silang dumagdag sa pwersang nais kaming gawing hapunan.

"Doon—" turo ni Sidapa sa tulay. "Doon tayo."

Si Ms. Rose—gaya ng dati sa may Mt. Pinatubo ay nagpakawala ng hangin tangay ang bolang apoy galing sa akin. Ginamit niya ang natitirang hangin na kaya niyang gamitin. Nahawi pansamantala ang maligno at lumitaw ang daan dahil sa ipo-ipong apoy na kumaian sa mga ito.

Tumakbo kami sa daan na iyon habang nakaalalay ang iba. Ang tatlong Diwata ay nagpapakawala ng liwanag na bumubulag sa mga lamang lupa at nagpapabagay sa kanila. Si Zandro ay ginagawa ang lahat upang hindi makalapit kay Ms. Rose ang nakakatalon na mga maligno.

Si Sidapa ay tumutulong sa akin upang malinis ang dadaanan namin.

Ganito pala ang pakiramdam ng asukal na nalaglag sa kumpol ng langgam. Sa dilim ng paligid at ng mga maligno na ito, halos hindi ko matanaw ang hangganan ng kailangan naming takbuhin.

"Sa tulay," turo ni Sidapa sa tulay na hindi tinatawid ng mga kampon ni Sitan.

Naabot si Zando ng isang tiyanak at nakagat sa hita. Napahinto siya na ikinahinto rin namin. Hinawakan ni Tala sa ulo ang tiyanak at parang basahan na itinapon.

"Kaya mo pa?" tanong ni Tala sa kanya.

Malalalalim ang paghinga na ginawa ni Zandro habang hawak ang hita. Hinubad naman ni Mayari ang laso na nasa ulo at itinali ng mahigpit sa hita ni Zandro.

"Kailangan nating tumakbo," paalala niya.

Isang hinga pa ng malalim ang itinugon ni Z at tumayo ng tuwid.

"Tara," ani niya.

Muli ay tumakbo kami at ginawa ang lahat upang hindi maabot ng mga maligno.

Kaunti na lang. Kaunti na lang.

Nakarating kami sa tulay na may mga galos at lapnos sa braso. Hindi tinatamid ng mga laigno ang tunay na ito kung kaya nakahinga kami ng maluwag nang makalagpas kami sa kumpol ng mga lamang lupa.

Kinikilabuta si Ms. Rose na napakapit sa akin.

"Shit," bulong niya.

"Halina kayo," yaya ni Sidapa.

Muli ay sumunod kami sa diyos ng kamatayan at naglakad sa kadiliman.

Hindi pa kami nagtatagal sa paglalakad ay napaluhod si Zandro at ginawang tukod ang hawak na espada upang hindi siya bumuhal ng tuluyan.

"Z—"

"Parang nalalapnos ang hita ko," wika niya.

Nilapitan kami ng tatlong Diwata at gumawa ng liwanag si Tala. Napasinghap si Ms. Rose at kami naman ni Z ay napamura nang makita namin ang sugat niya.

"Nalalapnos nga," saad ni Mayari.

"Tiisin mo, Zandro. Isasarado ko muna pansamantala ang sugat. Paglabas natin ay kailangan mong patingnan ito kay Bunao," wika ni Tala.

Tumango si Z at kumapit sa akin.

"Agghhh—"

"Huwag kang maingay," babala ni Sidapa. "Tiisin mo ang sakit, mandirigma."

Butil-butil ang pawis ni Zandro at namumuo ang luha sa mata habang parang laser ang liwanag na nagmumula sa kamay ni Tala at hinihilom ang sugat niya.

"Kailangan nating bilisan," paalala ni Sidapa.

"Sandali na lamang," sagot ni Hanan. "Kailangan nating gamutin si Zandro dahil babagal tayo kung papatayin siya ng lason ng tiyanak.

Halos mabasag ang buto ko sa braso sa pagkapit ni Zandro sa akin. Hindi siya makasigaw. Kagat-kagat niya ang labi kabang nakakapit sa akin.

Inaalalayan naman siya ni Ms. Rose upang hindi matumba. Si Sidapa ay nakatingin lamang sa amin. Nang sa wakas ay maisarado na ang sugat ni Z, nanlalambot siyang napaupo ng tuluyan sa lupa.

"Wala na tayong panahon upang magpahinga. Halina kayo, at magpatuloy," saad ni Mayari.

Iika-ika pa si Zandro nang akayin ko ngunit hindi siya nagreklamo man lamang.

Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa marating namin ang pangpang ng ilog.

"Narito na ba tayo?" tanong ni Ms. Rose kay Sidapa.

"Kailangan nating marating ang kabilang pang-pang," sagot nito.

"Paano tayo tatawid?"

Nakatanaw si Sidapa sa kabilang pang-pang.

"Maghihintay sa bangkero."

"Gaano katagal?" hindi ko napigilang tanungin.

"Hindi ko alam," sagot ni Sidapa. "Magpapakita siya kung alam niyang may maibibigay ka sa kanyang mahalaga. Siya ang magpapasya kung kalian siya magpapakita."

"Anong mahalaga ang kailangan niya? Bagay? Pera?"

Lumingon sa akin si Sidapa. "Maari. Maari ring ala-ala. Siya ang magpapasya ng hihingin niya mula sa atin kaya manatili kayo at maghintay."

"Pati sa inyo?" nag-aalinlangan na tanong ko.

"Oo," maikling sagot ni Sidapa sa akin.

"Paano kung ala-ala—"

"Hndi tayo ang magapansya, Jake," pag-uulit ni Hanan sa sinabi ni Sidapa. "Hayaan mo kaming harapin ito. Huwag mo kaming alalahanin." Hinawakan ako ni Tala sa balikat upang kuhanin ang atensyon ko sa namumuong pag-aalala sa akin.

"Pero kung ala-ala—"

"Mahaba na ang panahon na nilagi namin sa mundo, baka ipagpasalamat pa namin na mawawala ang ilang ala-ala sa amin," putol ni Hanan sa sasabihin ko.

Paano kung hingin niya ang ala-ala ko kay Anya?

"Jake—" tawag ni Anya sa akin.

"Anya—" sagot ng isipan ko.

"Maghihintay ako," muling wika niya sa aking isipan. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top