Book Five: Free

Steps on moving on:

1) Let it sink in— let your mind and heart process the fact that you're through and broken up.

2) Feel— feel the pain and heartache, so that it will remind you what loving someone feels like in the end.

3) Cry— let the tears run and your eyes run dry. Maybe you'll let go of him the same way.

4) Open up— talk to someone or write about it. Nothing better than ranting about a damn stupid idiot who let you go.

5) Cut your hair— it's a metaphor: you're cutting him out of your life.

6) Accept it— accept the fact that it wasn't meant to be; never was, never will be.

7) Find a crush— distract yourself and look for someone hotter.

8) Insult him— concentrate on his flaws, and make yourself ask why you ever dated him in the first place.

9) Reminisce— remember the memories, in order to forget about them.

10) Fall in love again— because after you close a door, you'll have to open another one.

I sighed, re-reading the "steps" on my notebook Jessie wrote for me. Alam ko naman na gusto niya lang tumulong, e. Gusto lang niyang makalimot ako and maka-move on. Pero paano? These steps look useful, pero it doesn't mean they're easy to do. Loving someone may be quick, but moving on from someone takes a lot of time.

My phone vibrated and I saw a text message from Jessie.

Jessie: Julia, nabasa mo na ba? Just try it. Malay mo it will work for you.

May sixth sense talaga siya. I looked at the list again and breathed in deeply.

Julia: Thank you. Maybe it'll work...

Jessie: Just be optimistic. Love you.

Julia: Thank you Jess. Love you.

I locked my phone and glanced at the note again. Kailangan bang sunod-sunod kong gawin? Let it sink.

I closed my eyes and instantly it burned. Let it sink in, Julia.

"Babe, why are we here?" tanong ko kay Quen at tumingin sa skyline ng Manila. We were at our safe haven, our place. Two years ago, dito niya ako dinala and this was the same exact spot where we became a couple. Dito din kami nagse-celebrate ng anniversaries, birthdays, and other important occasions. Pero ngayon, wala naman akong alam na okasyon.

He sighed and let go of my hand kaya naman napasimangot ako. I know he's been distant lately, pero alam ko din na busy lang siya dahil na-promote na siya as the General Manager sa kumpanyang pinagt-trabahuan niya. I craved for his time and attention, pero alam ko din he needs to do what he needs to do.

"Babe, you okay?" Lumapit ako sakanya pero umatras siya kaya naman mas nagulat ako. What's wrong with him?

"Julia," tawag niya sa'kin and my heart tripled its beating with the way he looked at me. Hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa... takot. I'm shit scared.

I gulped. "Y-yeah?"

"I have to tell you something."

Shit. "A-ano yun?"

Tumulo ang luha niya, and mine followed. "I... I got someone pregnant."

Total silence.

It was so silent as I replayed his words over and over again. I prayed to all gods and goddesses, all saints, and to everyone that is Holy that I was dreaming. Pero nang maramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko, I knew I was far from dreaming.

I was wide awake and slowly breaking.

"Wha... Quen." My voice cracked and I grabbed the bench next to me for support. Hindi ko alam ang sasabihin ko, ni hindi ko nga alam ang dapat kong isipin, e. Ano ba ang p'wedeng sabihin kapag sinabi ng boyfriend mong nakabuntis siya? Hindi pa ata sapat ang "putangina ka" na sabihin, e. Napapikit ako. God, it hurts so much.

"Juls," aniya at niyakap ako.

This time, the only thing I could do was cry and sob. It hurts so much...

"I'm sorry," bulong niya.

I shook my head and pushed him away. I looked at him and... and I just ran away from him.

Dumilat na ako at nagpunas ng luha. It was only two weeks ago, and nakuha ko na ang lahat ng gamit ko from his unit. Everything he gave me was still with me, just because I can't let them go yet.

I looked at the list again and read the second one: Feel. List or not, I feel the pain. It occupies me too much and it surrounds me all the time. Alam ko kung gano kasakit ang mahalin siya, pero hindi ko alam kung bakit mahal ko padin siya. Siguro ganon talaga kapag mahal mo, handa kang magpakatanga at masaktan. Pero hanggang saan? Hanggang kailan?

Cry. I've been doing the third one a lot, halos araw-araw nang masakit ang ulo ko dahil sa kakaiyak. Whoever said getting your heart broken is all mental is damn wrong. It hurts mentally and physically.

Open up. Kanino? I love Jessie, but I don't want to burden her with my pain anymore. Best friend ko siya, pero alam kong may pinagdadaanan din siya. With that, I looked at my watch and saw it was 9PM already. Live na si Papa Jack.

Huminga ako ng malalim and dialed his number. He picked up.

"Hello?"

Huminga ako ng malalim. "Hi, Papa Jack."

"Hi, magandang gabi. Ano pong pangalan nila?" tanong niya.

"Julia po," mahinang sagot ko at napapikit. I can't believe I'm doing this.

Papa Jack hummed. "Hi, Julia. Taga-saan ka?"

He asked the basics and I answered them, my nerves intensifying. Natawa naman ako as he broke the ice, but I just wanted to open up. "So, ano ang maitutulong ko sa'yo?"

"K-kasi po, Papa Jack, 'yung ex ko po.."

"Ay, ex mo na pala! Bakit mo pa pino-problema?"

Napangiti ako. "Mahal ko pa po kasi. Two weeks palang po kaming break."

"Ah. Mahal mo pa si ex," aniya. "Sige, i-kwento mo."

"Two years po kasi kaming magka-relasyon," panimula ako at naiyak na naman ako agad. "P-pero lately po naging distant siya, ganun. Pero alam ko naman pong dahil lang 'yun sa pagiging busy niya. Kaka-promote lang po niya kasi, e."

"Promote saan?" tanong niya.

"S-sa trabaho po, Papa Jack."

"May pangalan ba si ex?"

Medyo natigilan ako. Ayoko naman na sabihin ang pangalan niya on national radio, baka may makakilala agad sakanya at magsumbong pa. I don't want to look pathetic and stupid. Sapat na 'yung napahiya ako sa ginawa niya. I won't dig a deeper hole. "Um, stranger nalang po."

"Neng, nakipag-relasyon ka sa 'di mo kilala?"

Namumulang natawa ako. Pero nang maglaon ay tumulo ang luha ko kaya napatikhim ako. "P-papa Jack... Ano po gagawin ko? Gusto ko na siyang makalimutan. Hindi ko na po kaya."

"Bakit ba kayo nag-break?"

Napapikit ako. "N-nakabuntis po siya."

"Ay, maharot naman pala 'yang ex mo! Nako, buti nalang nag-break na kayo," sabi niya sa kabilang linya at kahit masakit ay agree ako sakanya. Maharot nga siya. "Matagal na ba siyang may ibang kinakasama?"

At the thought na matagal na niya akong niloloko, mas kumirot ang puso ko at mas nag-init ang mga mata ko. Gosh, this hurts like hell. "Hindi ko po alam, Papa Jack. Basta n-nalang niya sinabi sa'kin na n-nakabuntis po siya."

"Sige. Ano sa tingin mo ang dapat mong gawin?" tanong niya.

"Hindi ko na po alam," sabi ko at alam kong pumiyok ang boses ko. Tumulo na ang mga luha ko at wala na akong nagawa kundi umiyak. "M-mahal na mahal ko po siya. Dalawang taon po, Papa Jack. Dalawang taon na siya at ako lang. H-hindi ko po ata kayang pakawalan nalang siya ng basta-basta."

"Tanga ka ba, Julia? O sadyang sadista ka lang talaga?" biro niya pero alam kong may konting katotohanan din ang tanong niya.

I smiled and then choked on a sob. "Both po ata, Papa Jack. Ang sakit ng ginawa niya sa'kin, pero mahal ko padin po siya."

"Bigyan mo lang ng time 'yang puso mo. Fresh pa kasi, e. Kailan lang nangyari. Pero ito ang tatandaan mo, sa pagmamahal, masasaktan ka talaga. At kadalasan, 'yung mga taong kay tagal nating minahal ay mawawala sa'tin. Alam kong dalawang taon kayong nagsama at sa dalawang taon na 'yun ay malamang naging masaya kayo, pero kailangan mong alalahanin na walang permanente dito sa mundo. Halos lahat ay nawawala at nagtatapos."

I listened and silently cried my heart out. Siguro ang pathetic ko sa mga ibang nakikinig, pero hindi ko na mapigilan. Ang sakit sakit na.

"Julia, malay mo, 'yang pagmamahal mo sakanya matatapos din. Hindi man ngayon, at baka matatagalan pa, pero mawawala din 'yan. May darating din para sa'yo na saktan ka man ay hindi ka hahayaang paiyakin ng ganito," sabi niya. I took his words to heart and hoped na makilala ko kung sino man siya. And sana hindi siya kasing gago ni Quen. "Pero ang advice ko para sa'yo ngayon, kausapin mo siya. Hingin mo 'yung closure kasi 'yun ang kailangan mo. Let your heart feel the pain, but don't let the pain be the only thing that you feel. Kahit masakit, pilitin mong maging masaya. Malay mo, sa susunod na ngumiti ka, hindi na peke."

"Salamat po," mahinahg sambit ko at pinigilan ang sarili ko sa paghikbi. Nang matapos ang call ay agad kong binato ang phone ko sa kama ko at patalikod na bumagsak. Tinakpan ko ang mga mata ko at umiyak nang umiyak. Kung alam ko lang na ganito kasakit ang magmahal, sana hindi nalang ako sumugal noon. Edi sana, hindi ako ang talunan ngayon.

Bwisit na pag-ibig 'yan. Pahamak!

=•=

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at napasimangot. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon sinusunod ko padin 'yung list ni Jessie, pero wala na. Nagpagupit na ako at hindi na p'wedeng ibalik 'yung buhok ko sa dating mahabang length nito. Parang 'yung puso ko. Kahit ano'ng gawin ko, hindi ko na p'wedeng ibalik 'yun sa dati. Kailangan ko nalanv maghintay sa panahon na humaba ito at mabalik sa dati—only this time, mas healthy na. Mas matatag na. Bago na.

"Julia, tara na?" tanong ni Jessie na nasa tabi ko ngayon. I smiled at my friend na sobrang supportive. Nag-day off pa talaga siya ngayon para lang samahan ako. Baka daw magpakamatay ako, which is not gonna happen. Tanga ako, pero hindi naman ako ganun katanga.

"Ano next step?" tanong ko habang naglalakad kami papalabas ng parlor shop. Mainit pero hindi ko nalang pinansin. Mas mainit 'yung sakit sa puso ko.

Tinignan ni Jessie 'yung papel at nginitian ako. "Accept it," sabi niya tapos finold 'yun ag binulsa. "Accept the fact na wala na talaga. Bawal na ang "sana" sainyong dalawa."

Napapikit ako at napailing. "Hindi naman ganun kadali 'yun," sabi ko.

"Of course it is," sagot niya at hinila ako patungo sa mga street foods na nasa kabilang kalsada. "Tanggapin mo lang na tapos na talaga, wala nang balikan. Hindi na kayo p'wede."

Sumimangot ako. "Paano naman?"

"Hmm. Ganito. Kung bibigyan ka ba ng chance, babalikan mo parin ba siya?" tanong niya.

Natahimik ako at pinagisipan ng mabuti ang tanong niya. Babalikan ko ba siya? With the knowledge of him having a kid that's not mine, of course not. Mahal ko siya, pero alam kong tuwing makikita ko 'yung anak niya ay mawawasak ang puso ko. Ayoko naman na tuluyan na akong masira kasi baka hindi ko kayanin. Sapat na 'yung binasag niya ako, kasi kaya ko pa namang i-glue together kahit hindi na tulad ng dati. Pero kapag basag na basag na ako, baka kapag sinubukan kong pulutin 'yung mga pieces ay mas lalo lang ako masugatan. No way.

"Hindi na," sabi ko at napailing. "Baka ikamatay ko lang kapag nagkabalilan kami." Tinignan ko si Jessie at nakita kong may maliit siyang ngiti sa labi na para bang proud siya sa'kin. I felt proud, too. "Naisip ko lang, ang dami ngang "sana" sa aming dalawa. Sana kami 'yung magkasama ngayon, sana masaya kami, sana kami 'yung ikakasal, sana kami 'yung magkaka-anak, sana kami 'yung forever. Kaso..."

"Kaso ano?"

Huminga ako ng malalim at naramdaman ko na namang kumirot ang puso ko. Pero ito ang totoo. "Kaso hanggang "sana" nalang kaming dalawa. Tama ka, dead end na. Kailangan ko nang mag-U-turn at dumaan sa ibang kalsada."

Niyakap ako ni Jessie patagilid. "Huwag kang mag-alala, Juls. Kahit saang daan ka man magpunta, kasama mo ako. Hindi kita iiwan, andito lang ako for you."

Napangiti ako. "Salamat."

"No problem," saad niya tapos nilabas ulit 'yung list. "Next is Find a crush! Time to distract yourself!"

Medyo natawa ako. "Crush? Kanino?"

Nagkibit-balikat siya. "Kahit sino. Basta ba malayo sa pagmumukha ni Quen."

Again, I smiled. Tumingala ako at napatingin agad ako sa billboard na nasa harapan ko. Kinalabit ko si Jessie. "Huy. Counted ba kapag artista?"

Natawa si Jessie. "Bakit naman hindi? P'wede kang magka-crush kay Daniel."

"G'wapo nga siya," sabi ko.

Mahina niya akong binatukan. "Bakit ka naman magkaka-crush kasi sa pangit? Hay nako, Julia. Tara na nga. Gutom na ako," sabi niya at hinila na ako papunta sa mga nagbebenta ng fishball at kung ano-ano pa.

=•=

"—tapos hindi siya marunong maglaba. Kailangan ako lagi, maski 'yung washing machine hindi niya pa ma-operate! Gosh, can you believe him?" angal ko at napailing nalang. Of course, I'm doing the next step which is basically insulting Quen. Look at his flaws, not his assets. "Tapos ang dali pa niyang mainis, lagi nalang siyang nakasimangot lalo na kapag natatalo 'yung basketball team niya. Para siyang tanga. Ang baho pa ng utot niya!"

Natawa si Jessie. "Gaga ka. May mabango bang utot, ha?"

Napailing ako at napahagikhik. "Wala." Napasimangot ako. "Pero wala na kasi akong mai-lait sakanya, e."

"Baliw ka," aniya tapos uminom ng Pepsi niya. "Tama na nga 'yan. At least alam mong hindi siya perfect."

Napalabi ako. "Ang layo kaya!"

"Good," saad niya tapos malungkot na ngumiti sa'kin. "The next step: reminisce. Remember in order to forget."

Huminga ako ng malalim. "Huwag nalang, Jessie. Ayoko muna."

"Bakit naman hindi?"

Nagkibit-balikat ako. "Kasi alam kong 'yung mga masasayang panahon lang ang maaalala ko, e. Ayoko naman na bigyan 'yung sarili ko ng dahilan para balikan siya—kasi ayoko na. I don't want to remember in order to forget, kasi alam ko sa sarili kong hindi ko siya makakalimutan. Parte na siya ng buhay ko, e. Parte na siya ng pagkatao ko, at hindi ko siya makakalimutan." I sighed. "I'm gonna fall in love again, alam ko 'yun. Pero 'yung pagmamahal ko para sakanya, hindi mawawala. Matatabunan lang. Ganon naman talaga, diba? You'll always love someone, it's just that someone else will mean much more to you."

Saglit natahimik si Jessie bago siya napangiti. "Potek. Ang lalim naman ng hugot mo, Julia. Dahil ba 'yan sa kinain mong kikiam?"

"Leche ka," natatawang sabi ko at binato siya ng tissue. "Seryoso kasi."

"Oo na," aniya tapos natawa. "Huwag kang mag-alala, Juls. Dadating din 'yung taong magmamahal sa'yo at mamahalin mo ng mas higit pa kay Quen. Malapit na siya."

I smiled despite the pain. "Sana ma-traffic siya, kasi hindi pa kaya ng puso ko. Out of order pa."

Tinapik ni Jessie ang kamay ko. "Don't worry, friend. Siya mismo ang mag-aayos d'yan sa heart mo."

=•=

Fall in love again.

The last step on the list.

I sighed. Hindi ko alam kung ano ang ine-expect ni Jessie d'yan sa last step na 'yan. Maghahanap nalang ako ng lalaki at mafo-fall ulit? Knowing me, hindi 'yun magiging madali. Once scarred, never the same again. 'Yan siguro ang peg ko ngayon. Alam kong when the time comes, mahuhuloh ulit ako. Pero hindi na muna ngayon. Hindi pa ako handa para sa posibilidad na masaktan ulit. My heart won't be able to handle the pain.

So I'm going to fall in love with myself.

Dalawang taon kong hinayaan na si Quen ang maging mundo ko, at nakalimutan kong may sarili buhay din pala ako. I was so busy doing all the household chores and supporting him on his job na hindi ko na napagtuunan ng pansin 'yung mga sariling pangarap ko. I was so in love with Quen that I didn't leave an ounce of love for myself. Ngayon, mahihirapan na akong magsimula ulit. Kasi kailangan kong buuin ang sarili ko at kailangan kong ma-realize na dapat mas mahal ko ang sarili ko kesa sa kahit na sino mang lalaking dumating sa buhay ko. Because like Quen, baka umalis din sila at iwan ako. But I will always have myself.

Pinasaya ako ni Quen, at nang mawala siya sa'king feeling ko hindi na ako magiging masaya ulit. But, no. It's my life and it's my happiness—choice ko. It will be on me kung hahayaan kong ma-depress ako, or I could find happiness somewhere else. Hindi lang naman pag-ibig at ka-relasyon ang nakakapag-bigay ng kasiyahan, e. Hindi sakanila umiikot ang mundo.

So as I stared at the fire burning, umiyak ulit ako. Huling beses na. Lahat ng alaala ko kay Quen, nasusunog sa harapan ko. Hindi dahil bitter ako, kundi dahil gusto kong magsimula ulit. Memories of him and me will always linger, at alam kong mami-miss ko siya—gosh I spent two years and more with the guy—pero hindi na sakanya iikot ang mundo ko.

I'm letting go.

Of the pain.

Of the memories.

Of the man I will always love.

And most of all, I'm letting myself go of the burden of him.

I'm free.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top