Kabanata 9- PAGBABALIK NG MGA TAGA-MAYNILA

Sidapa

"Dodong," tawag ni Bunao sa akin kinabukasan. Kasama niya ang tatlo at bumalik sila sa Diplomat. Nagtatawanan silang umakyat papunta sa krus.

"Sa dami ng pangalan, Sidapa," iiling-iling na wika ni Amihan nang makarating sila sa itaas.

"Bakit nandito pa kayo?"

"Nasaan ang kaibigan mo?" tanong ni Bunao.

"Sino?"

"'Yong babae kahapon," sagot ni Carol.

Nagkibit ako ng balikat at pinilit silang alisin sa isipan ko.

"May kakaiba sa kanya," dagdag ni Amihan.

"Tinawag niyang Dodong si Sidapa," biro ni Zandro na parang may karapatan siyang biruin ako.

"Hindi... nakikita niya si Sidapa," seryosong sagot ni Bunao. Doon napaisip ang tatlo.

"Pinili kong magpakita," katwiran ko.

"Bakit?" tanong nilang apat.

"Kailangan kong magpaliwanag?"

"Bakit mo tinatago ang mga bulaklak na bigay niya? Ano siya sa iyo?" sunod-sunod na tanong ni Bunao. Hindi ako kumibo.

"Hintayin natin siya. Baka may makuha tayong palatandaan," mungkahi ni Amihan.

"Hindi iyon babalik dito,' wika ko na isang malaking pagkakamali dahil hindi pa naman nagtatagal ay humahangos itong tumatakbo papasok ng Diplomat.

"Dodong... Dodong..." sigaw nito. Mahinang tumawa si Amihan at Carol. "Ay Sid pala... Sid... tulong."

Napadukwang ako sa baradilya upang silipin siya sa ibaba.

"Problema mo?" tanong ko sa kanya.

"'Yong kapatid ko," sigaw nito at nagtatakbo muli palabas ng Diplomat. Napapailing akong tumalon at hinabol si Jelie.

"Hoy! Ano problema mo?" pinigilan ko ang balikat niya upang hindi makatakbo pa.

"'Yong kapatid ko."

"Bakit?"

"May aso kanina sa ospital." Palakad-lakad siya habang sinasabunutan ang sarili. "Asong itim... uwak na itim... naiintindihan mo ba?" May mga luhang nagbabadya sa mga mata niya nang tumingin siya sa akin. "'Yong aso... uwak."

Naiintindihan ko.

Nakahabol sila Bunao sa amin sa ibaba. Nilapitan nila kami ni Jelie na palakad-lakad pa rin sa harapan ko.

"Ano ang nangyari?"

"May aswang..." sambit ni Jelie sa kawalan ng maipapaliwanag.

"Huh?" tanong ni Carol at Zandro.

"Narito sila?" tanong ni Bunao na ikinalingon ko sa kanya. Tiningnan ko siya ng may babala.

"Aso lang iyon!" saad ko sa babae.

"Hindi aso iyon. Kasing laki ng tao kapag tumayo, aso pa ba iyon? May pangil na kasing haba at talim ng kutsilyo. Nanlilisik ang mga mata sabi ng mga nakakita."

"Hindi mo pala nakita. Akala ko naman ikaw—"

"Dodong, paano mo natalo ang aswang sa bahay namin?"

"Walang aswang, ano ka ba?" giit ko. Ramdam ko ang tingin ni Bunao at Amihan sa akin.

Isang suntok sa dibdib ang naramdaman ko. "Kapag may nangyari sa kapatid ko," banta ni Jelie.

"Halika, puntahan natin ang kapatid mo," yaya ni Bunao.

Kung hindi lamang may ibang tao ay nagpang-abot na kami ni Bunao.

"Babaylan ka?" tanong ni Jelie kay Bunao. "I mean, manggagamot?"

"Manggagaway," wika ni Bunao na nagmamalaki.

Napabuga ako ng hininga sa kainutilan nitong isa. Nanlaki ang mga mata ni Jelie at humakbang paatras.

"Hindi ako masamang tao," ani ni Bunao na lalong ikinaatras ni Jelie.

"Ano ang kailangan ninyo?" may pagdududang tanong niya. "Wala kayong mapapala sa akin."

"Teka, huminahon ka. Nagkakamali ka ng iniisip. Wala kaming kailangan sa iyo. Hindi ka namin sasaktan," malumanay na wika ni Amihan.

"Masamang tao ang mga manggagaway... anong hindi sasaktan? Kayo ba ang nagpadala ng mga aswang? Huwag ninyong idadaman ang kapatid ko."

"Hindi... hindi... huminahon ka. Oo, mangagamot si Bunao. Mahabang kwento iyon. Hindi natural na masama ang Manggagaway, maniwala ka. Huminahon ka lang, Jelie."

Natingin si Jelie kay Carol na nakalahad ang kamay. "Hayaan mong tulungan ka namin kung mayroon kaming maitutulong sa iyo."

"Huminahon ka—" Napasigaw sila Amihan at Carol ng hawakan ko sa leeg ang babae at nawalan ng malay na nasalo agad ni Bunao.

"Bakit mo pinatulog?" sigaw ni Amihan sa mukha ko at nagmamadaling dinaluhan ang babaeng walang malay.

"Maingay."

Sa isang isid sa abandunadong gusali nila dinala si Jelie. Si Bunao ang nagpaamoy ng isang dahon sa kanya na nagpabalik ng malay nito. Nakahalukipkip ako sa may pintuan at tintingnan silang lima sa loob ng silid.

"Waahhh," sigaw ni Jelie at napaupo ng mabilis.

"Teka lang, hindi ako masamang tao. Nakakainsulto na ang iyong pagsigaw-sigaw," ani ni Bunao na nawalan na ng pasensya."Ako si Bunao Dula, ang huling hari ng Tondo," pagpapakilala ni Bunao na ikinailing ko.

Natawa ang babae na parang nasisiraan ng bait. "O tapos?" nanunuyang tanong niya. "Buang," bulong pa nito at tumayo muna sa sahig.

"Nakakakita ka ba ng multo?" Napapailing na lang ako sa mga tanong nitong si Carol.

Tinuro ni Jelie ang mga kinaroroonan ng mga multo na nakatanaw sa amin. "Ayon, ayon, ayon at ayon pa."

"Shit," bulong ni Carol at kumapit kay Zandro.

"Nasa hospital pa ba ang aswang?" tanong ni Amihan.

"Wala na. Ang sabi nila kanina, umalis rin pagkatapos angilan ang kapatid ko na nakahiga sa kama at naihi sa takot."

"Ano ang sakit ng kapatid mo?"

"Hindi ko alam," sagot niya kay Bunao. "Walang nakakaalam. Bigla na lamang siyang naupos." Napabuha ng hininga si Jelie. "Look, I'm sorry I freaked out earlier. Hindi magandang biro ang mga sinabi ninyo. I am a believer of the other world."

Nagtangkang umalis si Jelie mula sa grupo ngunit pinigilan siya ng mga ito.

"Teka nga, bakit ako nawalan ng malay?" tanong niya. Nagkatinginan ang apat at biglang tumingin sa akin.

"Dodong?" nagtatanong na wika ni Jelie.

"Wala akong alam," sagot ko sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top