Kabanata 8- BISITA
Jelie
Madalas akong mag-iwan ng everlasting sa paanan ng krus sa Diplomat. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa pero narerelax ako; nababawasan kahit papaano ang dalahin ko. Noong una ay naiipon ang everlasting hanggang isang araw ay wala na ang mga ito.
"Dodong," tawag ko sa lalaking nakahood. Hindi ko makita ng maayos ang mukha niya. Kung minsan ay naka-mask siya na itim na feeling k-pop. Tanging mata niya ang familiar sa akin. "Tagal kitang hindi nakita ah."
Hindi siya kumibo. Nakaupo na naman siya sa itaas ng krus. Hindi ko na siya kinulit. Naglapag muli ako ng everlasting at umupo sa paborito kong pwesto. Tahimik lang ako...
Kagabi, nirevived si Julie and I've never been so scared in my life until I saw that line. Tinawagan ako ng isang nurse kagabi at pinapunta agad sa hospital. Naabutan kong nire-revived si Julie sa ikatlong pagkakataon.
"Umiiyak ka na naman?" tanong ni Dodong mula sa taas ng krus. Mas lalo akong naiyak. Bumubulong-bulong itong bumaba sa krus at humalukipkip sa harapan ko. "Tuwing pumupunta ka dito, umiiyak ka."
"My sister is dying," sagot ko na may sama ng loob.
"Kasama sa buhay iyan ng tao."
"Then what will happen to me?"
"Hawak ba ng kapatid mo ang kapalaran mo?"
"Alam mo, nakakainis ka!" sigaw ko sa kanya at nagpatuloy sa pag-iyak. "Kung wala ka ngang masasabing mabuti, manahimik ka na lang. At bakit ba nandito ka? Don't you have a life?"
"Hindi mo mababago ang sitwasyon mo, lalo na sa pag-iyak. Ang magagawa mo lang ay pag-aralang tanggapin ang lahat. Parte ng buhay ang kamatayan gaya ng pagsilang. Ano ang mahirap tanggapin doon?"
Hindi ako kumibo. How insensitive this man could be!
"Hindi ba masyadong makasarili na hilingin mong mabuhay ang kapatid mo kahit nahihirapan?"
Huminga ako ng malalim. Alam ko naman sa sarili ko iyon, mahirap lang tanggapin.
"O." Napatingin ako kay Dodong at sa panyong hawak niya. "Magpunas ka ng luha mo. Parati kang umiiyak."
I rolled my eyes before I accept his hankie. Nagusot pa ang noo niya ng suminga ako sa panyo. Nakamask na naman siya. Madalang ko talagang makita ang mukha niya. At kung makita ko naman ay nakakalimutan ko ang itsura niya.
"Thanks," I murmured. "Naranasan mo na bang mawalan ng mahal sa buhay?"
"At sa paanong paraan makakatulong sa iyon ang kasagutan diyan sa tanong mo?"
"Gusto kong malaman kung masasanay din ako kapag wala na si Julie."
Nailing ng bahagya si Dodong. "Masasanay ka rin. Ang sakit sa dibdib mo ay unti-unting magiging parte ng pagkatao mo hanggang sa masanay ka na sa sakit at hindi mo na maramdaman iyon."
"Thanks," wika ko kahit mabugat sa dibdib.
Naging takbuhan ko ang Diplomat sa tuwing umiiyak ako. Madalas ay naroon si Dodong at tahimik lang kami hanggang sa umalis ako at bumalik kinabukasan. Unti-unti kong sinasanay ang sarili ko sa sakit na mangyayari kay Julie. Mahirap tanggapin sa totoo lang. Nag-iisang kapatid ko siya at kapamilya.
Isang araw, sa katahimikan ng paligid, may mga turista na huminto sa gate ng Diplomat. Hindi na bago ito sa amin ni Dodong. Pumapasok at umaalis ang mga turista sa Diplomat ngunit tahimik lang kaming nakaupo sa pwesto namin. Ngnuit ngayon, biglang napatalon si Dodong mula sa itaas ng krus. Akala ko ay sa ground floor ito pupulutin. Napahawak at napasigaw ako nang maglanding siya sa baradilya. Nakatayo siya doon at nakahalukipkip.
"Uy, putangina, mag-warning ka naman kung tatalon ka," asar na asar na sigaw ko dito.
"Ano ang ginagawa ninyo dito?" tanong niya sa mga turista na bagong dating.
Bakit siya galit?
Dumukwang ako upang makita ang mga bagong dating. Dalawang babae at dalawang lalaki. Mukhang mga taga Maynila dahil mga naka-shorts. Walang taga-Baguio ang nagsusuot ng shorts.
"Gusto ka naming makausap. Pinagtataguan mo kami," sagot ng isa sa mga babae.
"Hindi ba maliwanag sa inyo na hindi ko kayo nais na makausap na?"
Napa-shut up ako. Galit talaga siya.
"Umalis na kayo," sigaw ni Dodong.
"Hindi kami aalis," wika ng lalaki.
"Aakyat kami diyan. Hintayin mo kami, Sid—"
"Huwag kang magtangka, Amihan," babala niya.
"Sid ang pangalan mo Dodong?" manghang tanong ko. "Akyat kayo guys, may multo nga lang sa hagdanan."
Tumingin ng masama sa akin si Dodong or si Sid...
"Sid nga ang pangalan mo?" pangungulit ko. Tumalon si Dodong mula sa baradilya at napanganga ako sa layo ng na-landingan niya. Naglakad siya papunta sa pintuan upang salubungin ang mga unwelcome visitors. Hindi niya ako pinansin.
"Bakit nandito kayo?" ang huling narinig ko sa kanila. Malamlam ang boss ng mga bagong dating at tanging si Dodong ang malakas ang boses at galit.
"Paano ninyo ako nahanap?"
May itinaas ang isang lalaki. Isang garland ng everlasting. At sa sobrang pakialamera ko, lumapit ako sa kanila.
"Akin iyan," wika ko kahit hindi ako sigurado na akin nga. Nagkalat ang everlasting sa Baguio.
"Naiwan mo ito noong huling pagpunta mo sa amin."
"Kinukuha moang mga nilalagay kong bulaklak sa krus?" baling ko kay Dodong.
"Mawalang galang lang, sino ka?" tanong ng isang lalaki na malaki ang katawan at mukhang katutubo sa haba ng buhok.
"Si Jelie. Ikaw sino ka?" balik na tanong ko.
"Huwag kang makialam dito," bawal ni Dodong sa akin.
"Hoy Dodong—"
"Dodong?" sabay-sabay na tanong ng apat. "Sino si Dodong?"
"Siya," wika ko sabay turo kay Dodong. Nagtawanan ang apat. "Ano ba kasi ang pangalan niya?"
"Teka, hindi ako makasunod," tumatawang wika ng lalaking may kahabaan ang buhok.
"Umalis na kayo."
"Ano muna ang pangalan niya?" pangungulit ko. Naasar na si Dodong. Nararamdaman ko na.
"Sid–" wika ng babae na maputi.
"Sid," mariing wika ni Dodong.
"Sid? 'Yon lang? Sid?"
"Mas okay ang Dodong," saad muli ng babaeng maputi. "Anyway, Dodong, hindi kami aalis dito."
"Mainam. Ako ang aalis."
Limang pares ng mga mata ang sumunod sa nagdadabog na si Dodong.
"Madapa ka, Dodong," biro ko.
"Heh!" sagot nito.
"I can't believe this," ani ng babaeng may mahabang buhok at kayumangging kulay. Nagtawanan muli silang apat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top