Kabanata 6- NARIYAN NA SILA
Jelie
Araw-araw, parang kandila na nauupos ang kapatid ko ngunit patuloy na lumalaban.
"Magandang araw," bati ko sa kanya nang umagang iyon. Pinipilit kong huwag ipahalata ang takot na nararamdaman ko sa tuwing dadalaw ako sa kanya tuwing umaga.
Nanghihinang itinaas ng kapatid ko ang kamay at kumaway ng bahagya.
"Musta ang pinakapalaban na babae sa buong daigdig?"
Nag-thumbs up si Julie at mahinang umubo. Pati pag-ubo ay hindi na niya kaya.
"Ate, pagbalik mo bukas, pakidala ang isang book ko. Nakalagay iyon sa bookshelves a headboard ng kama ko."
"Ano ang title?"
"The Alchemist," mahinang sagot niya.
Nagdadalawang isip ako kung babalik ako ng bahay. Padalas na nang padalas ang pagdalaw ng mga engkanto at espirito sa amin. Noong isang gabi, napuno ng alitaptap ang puno ng balete ng kapitbahay ko. Tuwang-tuwa ang mga nakakita ngunit ako ay kinalibutan. Nariyan na sila... maniningil na ba?
"Okay." Pinilit kong kalimutan ang mga kababalaghang nangyayari gaya ng pagkalimot ni Lolo sa tungkulin niya noon. Hindi ko alam na ito ang kabayaran sa 'pamana' niya sa akin.
Naisipan kong dumaan sa bahay pagkagaling sa hospital. Siguro naman kung katirikan ng araw ay hindi magpapakita ang mga engkanto sa akin. Sigro naman ay hindi. Paulit-ulit kong binabanggit iyon habang papunta ako sa bahay namin. Sa maliit na bahay namin na tanaw ang bangin sa likuran.
Hindi sila magpapakita sa katirikan ng araw. Maniwala ka, Jelie. Hindi sila magpapakita.
Lumalangitngit ang sahig na kahoy habang papasok ako sa bahay. Pinakikiramdaman ko ang paligid. Kung may tao ba... o hindi tao sa paligid. Ang mga asin sa bintana na nilagay ko ay naroon pa. Kahit papaano ay napanatag ako.
Mabilis akong kumilos ng masiguro kong ang mga pananggalang na ginawa ko ay nasa lugar pa. Kailangan kong magmadali. Nagtungo ako sa silid ni Julie at hinanap ang libro na kanyang sinasabi. Sana pala ay bumili na lang ako sa bookstore.
Isang alulong ng aso ang nagpahinto sa akin pansamantala.
"Shit," wika ko at nagmadaling naghalungkat sa mga libro.
Isang alulong muli at palipat na nang palapit ito.
"Come on..."
Isang alulong muli... at kumalampag ang bubungan. Napasigaw ako dahil sa gulat. Nang makita ko ang libro ni Julie ay nagtungo ako sa silid ko. Sa ilalim ng kama ay kinuha ko ang isang lumang libro na pinamana ni Lola kasama ang bertud.
Langitngit ng yero, alulong ng aso at pagaspas ng mga ibon sa bintana ang hudyat na narito sila. Napapasigaw ako sa gulat at sa takot habang tumatakbo palabas ng silid.
"Hindi ka na makakalabas ng buhay," wika ng garalgal na tinig mula sa labas.
Shit!
Binuksan ko ang libro na binigay ni Lola at naghanap ng panangga... binasa ko ang unang spell na nabuklat ko at umulan ng malakas sa labas.
"Ulan— iyan lamang ba ang kaya mong gawin?"
"Shit... shit... shit..."
Natataranta akong nagbuklat pa ng pahina... kung ano-ano ang lumilitaw sa bahay ko sa tuwing bumibigkas ako ng maling salita. Naroong magkaroon ng bulaklak ang gripo, mapuno ng bubuyog ang paligid ng bahay. Wala akong kwentang tagapagmana ng bertud. Hindi ko pinag-aralan ang mga gagawin dahil sa kaibuturan ng puso ko, kinamumuhian ko ang pamana na ito.
Sa labas ay parang may asong ulol na kasing laki ng oso. Sa bintana ay ang mga uwak na tumutuka sa salamin na malapit ng bumigay at mabasag.
Nanginginig ang kamay ko ngunit hindi pa sumusuko na lumaban kahit alam kong makukuha ako ng mga ito at dadalin sa kung saan. Isang malakas na iyak mula sa asong ulol ang narinig ko, kasabay niyon ay ang pagbukas ng pintuan na parang natanggal ang mga bisagra.
"Sino iyan?" tanong ng isang lalaki.
"Sa liwanag na hiram sa hari ng liwanag—"
"Tigil!" sigaw nito ngunit nagpatuloy ako sa pagbigkas. Nararamdaman ko na ang init ng liwanag na nagpupula sa daliri ko nang biglang magdilim ang lahat.
Nagising ako dahil sa lamig ng semento sa aking likuran. Nararamdaman ko ang dampi ng hangin sa buo kong katawan.
"Hindi ka pa patay, gumising ka," wika ng isang lalaki.
Unit-unti akong nagmulat ng mga mata. At ang una kong napansin ay ang itim na mata ng lalaking nakahood na nakatunghay sa akin.
"Nasaan ako?"
"Nasa Diplomat."
"Bakit ako nandito?"
"Walang ano man. Niligtas lamang kita sa malaking aso ng kapit-bahay ninyo."
Unti-unting bumalik sa ala-ala ko ang naganap. Kinapa ko ang sarili ko... or rather ang libro. Nasaan ang libro? Isang libro ang lumipad sa hangin at lumapag sa harapan ko nang makaupo na ako mula sa semento.
"Saan galing iyan?" tanong ng lalaki.
Hindi ako kumibo. Pinagpagan ko ang jacket na suot ko. Puro ito pulang lupa at lumot.
"Salamat. Aalis na ako." Nanginginig ang mga tuhod ko habang pinipilit kong tumayo bitbit ang libro.
"Ano ang pangalan mo?"
"Jelie," maikling sagot ko.
"Taga saan ka?"
Napabuga ako ng hininga. I can't do this. I need to move but I can't leave Julie alone.
"Taga-Baguio. Ikaw, ano ang pangalan mo?" balik na tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot. Nakatitig siya sa libro na hawak ko.
"Sino ang nagbigay sa iyo niyan?"
"Nabili ko lang diyan sa ukay-ukay," pagsisinungaling ko. "Teka nga, bakit ka naroon sa bahay ko? Sinusundan mo ba ako?"
"Huwag kang hangal. Napadaan lamang ako kanina dahil may naglalamay na doon malapit sa inyo."
"Salamat. Sige, aalis na ako."
"Isang paalala lang. Ikakapahamak mo 'yang libro na hawak mo. Sunugin mo na iyan."
"Nagpasalamat na ako sa pagligtas mo sa akin. Hanggang doon lang tayo, lalaking hindi ko alam ang ngalan."
"Marami akong pangalan. Tawagin mo ako sa ngalan na gusto mong itawag."
Aba'y, tatawagin kitang Dodong.
"Siya, maraming salamat, Dodong."
Iniwan ko siya na nakapamulsa sa hood na suot. Kung bakit dito ako dinala nitong lalaki na ito ay hindi ko alam. Mukha siguro akong maiihi na sa takot kanina at nawalan pa ako ng malay.
"Saan ka ngayon pupunta, Jelie?" bulong ko sa sarili ko habang papaba ng hagdanan ng lumang gusali.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top