Kabanata 4- LALAKI SA KRUS

Jelie

Hindi ako nakatulog kahit umalis na 'Siya'. Akala ko ay kukunin na niya si Julie. Binigyan niya pa ako ng oras... hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko iyon o hindi.

Habang tumatagal ay lumalala si Julie. Alam kong nahihirapan na siya ngunit patuloy siyang lumalaban dahil... dahil hinihiling ko na lumaban pa siya. Am I too selfish to ask that from her?

Napagalitan ako ng doctor na nakaduty dahil naabutan niya akong natutulog sa tabi ni Julie. Pina-usog ko talaga ang kapatid ko at nahiga sa tabi niya sa kama. Ngayon tuloy, naka-ban ako sa pagtulog sa hospital. Strictly visit na lang ang pwede kong gawin sa sa visiting hours lang ako maaring dumalaw.

I was too angry that I left the hospital trying to contain my emotions. I found myself again at Diplomat Hotel. Maraming turista ngayon dito. Hindi nila pansin ang mga multo na nakamasid sa kanila at nagtatago sa anino ng mga pader. Nagpunta ako sa krus, sa itaas ng Diplomat at naupo sa paanan. May mga tao doon. Nagpapicture...nagkakatuwaan, nagkakatakutan.

"Hindi ka ba binabawalan ng guard? Baka mahulog ka,"  wika ko sa lalaking nakaupo sa itaas ng krus.

"Nakikita mo ako?"

I snorted and placed the everlasting garland at cross' feet.

"In broad daylight, kitang-kita ka ng guard. Bumaba ka diyan baka mapalayas pati kami."

Naupo ako sa paanan ng krus, sumandal dito at tumingin sa malayo. Dinadala na naman ako ng isip ko sa mga katanungan na "Paano kung hindi kami umalis ng Samar?"

"Bakit nakikita mo ako?" tanong ng lalaki na nakababa na ng krus. Tumalon ba ito? Bakit parang hindi ko narinig?

"Bakit? Multo ka ba para hindi ko makita?" sarcastic na tanong ko.

"Mukha ba akong multo sa paningin mo?"  he asked back with equal sarcasm. Hindi ko na siya pinansin. Naka-hood ito at natatago ang mukha. Baka giniginaw... o baka tamang OOTD lang para sa mga picture niya.

"Bakit nandito ka?" tanong niya.

"Mag-iisip sana, pero sa ingay mo, hindi ako makapag-isip."

"Hindi ba dapat sa simbahan ka pumunta kung mag-iisip ka."

"Tumahimik ka lang, ng mga 3 oras,"  sagot ko ng pabalang sa lalaki.

Nang dahil sa kaba ko kagabi at takot, idagdag pa ang pagpapaalis sa akin ng doctor at ang inis ko sa lalaking hambog na ito, hindi ko napigilang umiyak.

"Alam mo, matagal na akong hindi naawa sa mga umiiyak na babae."

"Tatlong oras... manahimik ka ng tatlong oras at magpicture-picture ka na lang. Lubayan mo ako. Doon, nandoon ang multong pugot ang ulo. Doon ka sa may fountain," taboy ko sa kanya.

Dumadagdag pa sa suliranin ko ang isa na ito. 

"Nakikita mo sila?"

"My God, gusto mo ipakilala kita sa kanila?" tumaas ng kaunti ang boses ko at tumingala sa lalaking nakahood. Naiinis akong nagpunas ng mga luha.

"Nakikita mo nga sila?" pangungulit nito.

"Hey, mother superior,"  sigaw ko na ikinatingin ng mga tao sa akin. Kinawayan ko ang multong madre na nakadungaw sa bintana. "Gusto kang makilala nito."

"Tigil!" saad ng lalaki na mukhang napipikon. I don't know, but I felt like everything stopped. Even the air, biglang nawala. "Kinakausap kita ng maayos."

"At ang sabi ko ay lubayan mo ako ng tatlong oras. Gusto kong mag-isip, mahirap bang intindihin? Hindi naman kita kilala."

For the first time nakita ko ang mukha niya nang matapat ito sa liwanag. Ang una kong napansin ay ang mga mata niya. Halos itim ang mga ito. Halatang nagpipigil siya ng galit. I saw his jaw moved a little and then... he left. At parang nag-play ang naka-pause kanina. Naguguluhan akong tumingin sa paligid. Patuloy pa rin sa picture taking ang mga turista na kanina lang ay nakatingin sa akin. At bigla ay... wala na siya. Hindi ko na siya makita. Mayroon akong tatlong oras para magmukmok dito. At nagmukmok nga ako ng tatlong oras sa itaas ng Diplomat Hotel.

Bumalik ako ng hospital at pinakiusapan ang mga doctor kung pwede kong bantayan ang kapatid ko. Hindi na sila pumayag.

"Umuwi ka na lang at magpahinga,"  wika ng kapatid ko. Pero ayaw kong umuwi. Ayaw kong iwan siya.

"Hindi pa ako mawawala, Ate. Magpahinga ka."

"Gusto lang kitang kasama, Julie."

Natawa ng bahagya ang kapatid ko. "Alam kong ayaw mong umuwi sa bahay dahil sa mga ibon na bigla na lang dumadapo sa bubong o kaya sa mga pusang itim na parating nakakapasok sa bahay."

Nagmamasid sila. Tinitingnan nila kung babalik ako.

"Saka Ate, huwag mo kasing pansinin ang mga kapitbahay—"

"Matulog ka na. Uuwi na ako, Julie. Magpahinga ka."

"Hindi ka naman kasi engkanto... Alam ko sa engkanto, long legged... more on sa dwende side yata tayo."

Natawa ako ng bahagya. "Nakakatawa iyon?"

"Ingat ka Ate. Huwag kang mag-alala sa mga ibon sa bubong. Kalapati lang ang mga iyon."

Mali ka... mga uwak iyon.

"Okay, babalik ako bukas."

Pinakiramdaman ko ang paligid kung nandito 'Siya' ngunit wala. Huwag na sanang dumalaw si Kamatayan dito.

Hindi ako umuwi sa amin. Baka sakaling mailigaw ko ang mga nagbabantay sa akin... sa kahit anong daan na tahakin ko, bakit parati akong napupunta sa Diplomat? Gabi na at nakatanaw sila sa binatan. Nagtataka siguro sila kung bakit na naman ako narito. Hangal siguro ang batang iyan, marahil ang naiinsip nila—kung nakakapag-isip pa ang mga multo.

Wala ang guard sa pwesto niya at hindi naman siguro ako makikita kung pupunta ako sa paborito kong tambayan. Ang tambayan na mukhang ako ang pinili dahil parati akong nakakarating dito kahit ibang daan na ang tinahak ko.

Tahimik akong pumasok sa hotel na abandunado. Ramdam ko ang mga multo na sumusunod sa akin. Ramdam ko na may humahablot sa likuran ko. Parang pinipigilan akong umakyat. Sa may hagdanan ay kamuntikan na akong mapatalon nang lumitaw ang madre sa harapan ko... mabuti at hindi ako sumigaw.

"Ginulat mo ako," wika ko habang hawak ang puso na malakas ang kabog. Dinaanan ko ang madre na mukhang nanlisik ang mata dahil binali-wala ko siya.

Sa paanan ng krus ako nagpunta... madilim sa paligid at mga ilaw sa mga bahay lamang ang nagsisilbing tanawin mula dito. Malamig ang hangin... kasing lamig ng pakiramdam ko. Naupo ako sa paanan ng krus at gaya kanina ay sumandal ako dito.

Tahimik akong umiyak... sa kabila ng yaman na nakuha ng Lolo ko sa Biringan, hindi ito naging sapat para mabuhay kami. At ngayon ay dalawa na lamang kami ng kapatid ko. Ang yaman ng Biringin ay hindi namin nagamit ng husto... hindi nito nasagip ang buhay ng pamilya ko.

"Nandito ka na naman," wika ng boses na nakapagpamulat sa akin. Akala ko at ang gwardiya at paalisin ako. Ngunit ng makita ko ang hood na itim, bumalik ako sa pagkakapikit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top