Kabanata 39- PAG-IISA
Jelie
Nakakainis! Bwisit! Bahala ka sa buhay mo.
Sa sobrang sama ng loob ko, nakapgbukas ako ng portal at hindi na inalam kung saan ako papunta. Paglabas ko sa portal, nangatog ang baba ko. Sa Diplomat ako napadpad.
Nagmukmok ako sa paborito kong tambayan. Come to think of it, ditto nagsimula ang lahat. Ang sama tuloy ang tingin ko sa krus na tinatambayan ni Dodong na parang ito ang may kasalanan sa akin.
Lintik na 'yon, sasama raw kay Jake.
Nakakasama talaga ng loob.
Malayo ang tingin ko habang giniginaw ngunit hindi ko naman gusting umalis nang may bulaklak na sumulpot sa harapan ko. Sinundan ko ang kamay na may hawak ng bulaklak.
"Patawad," wika nI Dodong nang matingin ako sa kanya. "Binibiro ka lamang namin."
"Mukha bang nakakatawa ang biro ninyo?"
Napakamot ng batok si Dodong at saka umiling. Kinuha niya ang kamay ko at sapilitang ibinigay ang bulaklak na mukhang basa pa ang stem. Saang flower vase kaya niya ito kinuha?
"Patawad na," wika muli ni Dodong at niyakap ako.
Medyo kinilig ako ng slight.
"Doon ka na lang sa mga pokpok," saad ko. Ay, may paganto ako?
Natawa ng kaunti si Dodong ngunit hindi ako binitawan.
"Hindi na mauulit."
Napabuga ako ng hininga. Ayaw ko naman siyang itulak palayo dahil giginawin ako, char.
"Hindi mo ba ako kayang mahalin?" narining kong tanong ni Dodong. Doon ko siya naitulak upang makita ko kung seryoso siya... aba'y seryoso nga.
"Mahirap ba akong mahalin?"
"Seryoso ka?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Nagkibit balikat si Dodong at tumabi sa akin. Sumandal siya sa paanan ng krus gaya ko.
"Gusto ko lang maranasan kung paano ligawan," wika ko. Ang lame lang kasi talaga pero gusto ko kasi iyon.
"Gaya ng mga ginagawa ng mga tao? Ang mga huwad nilang pangako, matatamis na salita na walang kasiguraduhan? Ganoon ang gusto mo?"
Napangiwi ako sa description niya.
"Hindi iyon. Gusto ko ng panunuyo, ng ganto, bulaklak, manood ng sine, out of town..."
Nararamdaman kong nakatingin sa akin si Dodong at huminga siya ng malalim.
"Gusto kong magbasa ng sulat galling sa iyo."
Natawa ng bahagya si Dodong. "Nakakatakot akong magsulat. Namamatay ang pangalang isinusulat ko."
Oo nga pala.
"Nakakalimutan kong ikaw si Kamatayan." Mapabuntong hininga na rin ako.
"Iyon nga ang una kong nagustuhan sa iyo. Hindi ka takot na ako si Kamatayan."
Natahimik kami nI Dodong at tanging ihip ng hangin ang naririnig ko.
"Kung bulaklak, panonood ng sine at pamamasyal ang nais mo, maari naman nating gawin iyon nang kasal tayong dalawa. Gusto kong may proteksyon ka, Jelie. Ayaw kong malagay ka sa alanganin dahil sa minamahal kita at kaya nilang gamitin iyon laban sa akin. Ginamit nila si Kalabuhi upang isuko ko ang pagiging diyos. Hindi ko ginawa. Kung sa iyo gagawin ang ginawa sa kanya—"
Huminga ng malalim si Dodong bago nagpatuloy.
"Hindi ako magdadalawang isip na bitawan ang kung anong mayroon ako upang mabuhay ka."
Nangilid ang luha ko sa sinabi ni Dodong. "Sigurado ka?"
"Matagal na ang inilagi ko sa mundo para maging sigurado sa sarili. Nagtataka ka ba kung bakit ikaw?"
Naiilang akong tumango.
"Alam mo bang ikaw ang nagpatibok ng puso ko? Wala ako nito noon. Iyon ang ikinatakot ko kaya hindi ako nagpakita sa iyo ngunit hindi ibig sabihin ay wala ako noong panahong tinatawag mo ako."
Napayuko ako... tangina, kinikilig ako na kinikilabutan. Naramdaman siguro ni Dodong na giniginaw ako kaya hinubad niya ang hoodie niya at pinasuot sa akin.
"Ano pa ang nais mong gawin para mapapayag na kitang pakasalan ako?"
"Paano kinakasal ang isang diyos?"
Ngumiti si Dodong at inipit ang buhok ko sa likod ng tainga. Naramdaman kong ang paghawak niya sa buhok. Isang singsing na may itim na bato ang iniharap niya sa akin.
"Kinuha mo iyan sa buhok ko?" manghang tanong ko. Umiling siya at isinuot sa akin ang singsing. OMG... Napahawak ako sa bibig ko baka malaglag ang panga ko. Napatingin ako sa paligid, nagmamaasid ang mga multo.
"Ang bawat diyos ay mayroong tig-isang bato. Ang bato na iyan ay simbulo ng puso ko. Kung titingnan mo ay kulay itim, ngunit kapag itinaas mo sa araw..." Hinawakan niya ang kaya ko at itinaas sa liwanag ng sikat ng araw. Shit, hindi siya itim.
"... makikita mo ang kulay ng tunay na ako."
Kulay pula... ang pinakamadilim na pula na nakita ko.
Muli ay hinawakan ni Dodong ang buhok ko at lumitaw ang isang sing-sing. Ibinigay niya sa akin ito.
"Kung handa ka ng ibalik sa akin iyan, hihintayin ko ang araw na iyon. Sa oras na isuot ko iyan, Jelie, nakatali na ako sa iyo."
Itinikom ni Dodong ang kamay ko na nilagyan niya ng singsing na para sa kanya. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Umuugong ang tainga ko sa kaba. Sa nanginginig kong kamay, binuksan ko angpalad ko na itinikom niya. Kinuha ko ang singsing at tahimik na inilagay sa daliri ni Dodong.
"Jelie," bulong niya.
"From this day forward, you shall call me, wife," wika ko.
I looked at him and saw a tear fell from his eye. Who would have thought that the god of death will cry on his wedding?
"Hindi mo man lang ako pinag-dress."
Natawa ng bahagya si Dodong at niyakap ako... pinaghahalikan ang ulo ko, ang noo ko, ang ilong ako at sa huli... hinalikan niya ako sa labi.
"Gusto mong magpakasal pa si simbahan?" Ayyiieee ang sweet lang ng tanong niya.
"'Wag na baka matunaw ka pa," I replied that made him laugh.
Naiilang ako sa mga pagtitig ng mga multo habang hinahalikan ako ng asawa ko.
-----
A/N
Let our response be "Sana all, Dodong."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top