Kabanata 38- LEAVE ME ALONE

Sidapa

Isang pangahas ang pumili ng panig ngunit hindi ko hahayaang may mangyari kay Jelie nang dahil sa hindi ko pagpanig. Sinuyod naming ang Biringan ngunit hindi naming natagpuan si ang hinahanap ni Jake. Halos sunugin nito ang buong bayan kung hindi lamang pinigilan ni Zandro at Amihan.

Puno ng hinagpis si Jake sa pagkawala ng kabiyak.

"Wala ka bang magagawa?"

Napatingin ang lahat kay Jelie at siya naman ay inilagay muli ako sa alanganing sitwasyon. Tinawag kami nila Marikit gamit ang kandila upang makausap daw kami ng tatlong Diwata. Hanggang ngayon ay hindi pa dumarating ang tatlo.

"I mean, 'di ba, kaya mong magtalon-talon ng portal? Hindi ko kasi alam paano ko nabuksan ang portal pauwi sa bahay mo at sa Biringan noon. Pero ikaw, kaya mo 'di ba? No'ng mga panahong gino-ghosting mo ako?"

"Hindi matatapos ang panunumbat mo?"

Natatawa siyang umiling. "Nope... habang buhay ako, maririnig mo 'yan."

Napahinga ako ng malalim.

"Gaano siya kahalaga sa iyo?" tanong ko kay Jake.

"Kasing halaga ni Jelie sa iyo," sagot niya.

"Hindi pala masyadong mahalaga," bulong ni Jelie na ikinatawa ng bahagya ni Carol.

"Nagpapalambing ka na naman. Tapos bigla kang tatakbo palayo kay Sidapa. Naku Jelie, pakipot ka pa. Tapos magseselos ka na naman—"

"'Oy hindi ako nagselos."

"Gaano kahalaga sa iyo ang mga kaibigan mo?" balik na tanong ko kay Jelie.

"Mahalaga..." sagot niya.

"Gaano?"

"Basta mahalaga. Tingnan mo nga si Jake, parang hindi na gusto pang sikatan ng araw kinabukasan."

"Tutulungan ko si Jake—"

Napasinghap si Jelie.

"Sa isang kundisyon."

"Ano?" nagmamadaling tanong ni Jelie.

"Alam mo kung nasaan si Anya?" tanong ni Jake na mukhang nabuhayan ng loob. Hindi ako kumibo at hinintay na sumagot si Jelie.

"Gaano ka katagal mag-isip?" balik na tanong ko kay Jelie.

Naniningkit ang mga mata ni Jelie habang nakatitig sa akin. "Bakit may kapalit ang pagtulong mo?"

"Akala ko ba mahalaga sa iyo ang mga kaibigan mo?"

Nakita ko ang lahat ng ngipin ni Jelie sa sobrang inis niya sa akin. Hindi ko gagawin ito kung nakakausap kita ng matino.

"Lapag mo 'yang kapalit na hihingin mo!"

"Pakasalan mo ako," walang gatol na wika ko na ikinanganga na naman ni Jelie.

"Tang-ina," wika ni Jake at napatayo. "Oo na, tara na. Sino kailangan ninyo? Pari? Sagot ko na lahat..."

"Si Sidapa ihaharap mo sa pari?" natatawang tanong ni Zandro.

"Sira-ulo ka... blackmail na iyan ha, Dodong!" sigaw ni Jelie sa akin nang makabawi. Nagkibit ako ng balikat at nanahimik.

"Jelie—" ani ni Jake. "Nakasalalay sa iyo ang buong mundo."

"Wow!" sarcastic na sagot ni Jelie.

"Ano bang masama kung magpakasal ka kay Sidapa? Type mo naman 'yan sabi ni Bunao."

Napatingin si Bunao na nananahimik hawak ang anak. "Wala akong sinabing gano'n," katwiran ni Bunao kay Jake.

"Ikaw Bunao ka... sinasabutahe mo talaga ako, noon pa."

Bumaling si Jelie sa akin at hinampas ako sa braso.

"Hindi pa kayo kinakasal, ina-under mo na si Sidapa," tukso ni Amihan sa kanya.

"Salbahe mo. Gusto ko nga kasi ng bulaklak eh."

"Tang-ina, Sidapa, halika na sa Dangwa... Ako na ang bibili. Gaano ba karaming bulaklak, Jelie?" pangungulit ni Jake.

"Pinaglalaruan ninyo ako." Humaba ang nguso ni Jelie at nagtakip ng unan sa mukha.

"Sa iyo nakasalalay ang buhay ko," mariing wika ni Jake. "Si Anya ang buhay ko."

Lalong humaba ang nguso ni Jelie. "Paano naman ang buhay ko?"

Teka... "Ganoon ba kasamang magpakasal sa akin at parang katapusan na ng buhay mo?"

"Hindi..." nagmamaktol na sagot ni Jelie. "Gusto ko nga kasing maranasang ligawan eh. May manliligaw nga sa akin—si Iggy... natatandaan mo?"

Patay malisya akong nag-iwas ng tingin. Bakit ang mga nagawa ko hindi niya makalimutan, 'yong mga kataga sa pagtawag ng mahika, nakakalimutan niya?

"Pinatay mo naman," nanggigigil muling hinampas ako ni Jelie.

"Hindi ko pinatay iyon. Napaaga lang ang sundo ko."

"Kailangan ba ligawan ka pa kung gusto mo naman si Sidapa? Si Kit nga walang gano'n eh. Umayos ka Jelie. Ako talaga ang kakaladkad sa iyo sa simbahan, maikasal ka lang kay Sidapa." Hinila ni Jake sa braso si Jelie na mabilis kong pinigilan.

"Kapag nasaktan 'yan, mas lalo mong hindi makikita ang kabiyak mo," babala ko. Binitawan ni Jake ang braso ni Jelie at lumuhod sa harapan niya.

"Santa Jelie, ina ng awa... pumayag ka na... pakipot ka pa. Malapit na kitang sakalin, damoho ka."

"Tumigil ka nga, Jake." Humalukipkip si Jelie at inirapan si Jake, maging ako.

Nagkatinginan si Zandro at Jake. Halata sa mukha ni Jake ang inis at kawalan ng pasensya kay Jelie. Natatawa ako s aisip ko. Nakakaubos nga naman ng pasensya si Jelie pero hindi ko maunawaan kung balik ako nahulog sa kanya.

"Tara pala, Sidapa. Humanap na lang tayo ng mga Diwata, tutal ayaw kang pakasalan ni Jelie."

Napalingon bigla si Jelie kay Jake. Kulang na lang ay matanggal ang ulo niya sa leeg dahil sa pagkakalingon ng mabilis.

"Huwag kang iiyak-iyak ha. Pakipot ka pa. Tinganan mo 'yang sinayang mo," sumbat ni Jake. Tumayo maging si Zandro at pinagtulungan akong hilahin ng magkaibigan mula s apagkakaupo.

"Tara, boys' night out tayo," sulsol ni Zandro.

"Dalin natin si Sidapa sa Pegasus," dagdag ni Jake. "Maraming—"

"Pokpok doon," sabat ni Jelie.

"Eh ano naman? Babae pa rin sila at hindi pakipot," sagot ni Jake.

Nagpahila ako sa dalawa at nag-inat nang makatayo ako sa tabi nila.

"Hoy, saan ka pupunta?" tanong agad ni Jelie.

"Sasama lang sa dalawa," sagot ko. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Jelie hanggang sa naningkit ang mata niya at biglang may mga bubuyog na pumalibot sa amin. Bago ko napigilan ang mga ito ay nakagat na kami.

"Tang-ina...Jelie," sigaw ni Jake.

"Huwag kayong magpa-apoy... masusunog ang bahay ko," bukyaw ni Marikit sa amin.

Ilang kagat din ang inabot ko ngunit mas Malala ang mukha ni Zandro at Jake. Nang mataboy ko na ang mga bubuyog, wala na si Jelie.

"Nasaan si Jelie?"

"Pina-iyak ninyo. Nag-walk out," sagot ni Amihan. "Kalokohan ninyong tatlo. Ayan ang napala ninyo."

Napabuntong hininga ako. Iiling-iling si Kit na tumayo at kinuha ang bulaklak sa plorera niya at ilabot sa akin.

"Sundan mo na lang. Sabi niya kasi, leave me alone. Bahala ka ng magpaamo doon. Kasalanan mo 'yan."

Umiiling-iling si Carol, Amihan at Marikit sa akin. Inabot ko ang bulaklak na binigay ni Marikit at sinundan si Jelie. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top